Home
  By Author [ A  B  C  D  E  F  G  H  I  J  K  L  M  N  O  P  Q  R  S  T  U  V  W  X  Y  Z |  Other Symbols ]
  By Title [ A  B  C  D  E  F  G  H  I  J  K  L  M  N  O  P  Q  R  S  T  U  V  W  X  Y  Z |  Other Symbols ]
  By Language
all Classics books content using ISYS

Download this book: [ ASCII | HTML | PDF ]

Look for this book on Amazon


We have new books nearly every day.
If you would like a news letter once a week or once a month
fill out this form and we will give you a summary of the books for that week or month by email.

Title: Masakím
Author: Pascual, Andrés
Language: Tagalog
As this book started as an ASCII text book there are no pictures available.


*** Start of this LibraryBlog Digital Book "Masakím" ***


pagpapahalaga ng panitikang Pilipino.



[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
marked as ~g.]

[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa
upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon
ay hindi na ginagamit.]


=Colegio "LA JUVENTUD"=

_Plan de Ensenanza adecuado al del Gobierno._

Bajo la direccion del Prof.

=Perfecto del Rosario.

MORIONES, TONDO.--MANILA=

       *       *       *       *       *


=Estudios de Primary school,
Intermediate y Secondary
y Especiales de Peritaje
Mercantil, Mecanico
y Agrimensor.

Reciben internos, medio-internos
y externos.=

       *       *       *       *       *

=Ang GAWAAN NG GUITARRA=

_ni Pedro Buencamino.

Calle Dulumbayan Blg. 139._

       *       *       *       *       *

Ay gumagawa ñg sarisaring instrumento
de cuerdas at nagbibili ñg
ibat ibang cuerdas sa mababang halaga.

=Aklatang "HANTIK"
ni J.D. Ampil at ka.=


       *       *       *       *       *



=¡¡¡MASAKÍM!!!=

sinulat ni

=Andrés Pascual=


UNANG PAGKALIMBAG

=NAVOTAS, RIZAL. K.F 1910.

Limbagan ni MANUEL MIRANDA=

Daang San Jacinto Blg. 50


       *       *       *       *       *

="LA UNION"

SOMBRERERIA

RELOJERIA

AT PLATERIA

Mga kasankapan ukol sa mga babae at lalaki; gaya ng Tsapin, Kuello,
Punos, Korbata at iba pa.

Aring tunay ng kalahi.

A. RIVERA

Rosario, blg. 81 Maynila K. P.

May malaking pagbabawas sa pakiawan.=

[Larawan]



=I.

SINO KA?=


Hating gabi, madilim, ang m~ga dahon n~g halaman ay nan~gakayuko, ang
m~ga ibon ay di man lamang humuhuni, sa m~ga hayop mula sa
kanikanilang himlayan ay walang maririnig na kahit isang putól na
un~gol man lamang, ang m~ga ka-awa-awang mangagawá sa paghanap n~g
ipagtatawid gutom sa boong maghapon ay payapang payapang
nan~gagpapahin~galay, ang m~ga hapó at n~galáy nilang bisig sa
pag-gawá ay inihahanap n~g panibagong lakás, lahat ay tahimik at
waring ipinaghehele n~g m~ga walang patlang at malalaking patak n~g
ulan, n~gunit, sino yaon?....... isang maitim na aninong naglalagos sa
isang makipot na daan! naglalamay at sinasamantala ang gayong
kalaliman n~g gabi! sino?...... Pumasok sa isang bakuran, yumuko at
sumoot sa silong na pantay balikat n~g isang bahay na may
pangkaraniwang laki.

Makaraan ang m~ga ilang sandali ay huminto ang ulan, nagliwanag at
ang lan~git ay biglang nasabugan n~g m~ga maliliit na mata ni Bathala,
noon m~ga nag-anti-antilaw na bituing nakamamalas n~g m~ga lihim na
gawa at pangyayari sa boong magdamag.

Di kaginsa ginsay anasan ang nadinig:

--Sino ka?...ang tanong na mula sa itaas.

--Ako ... ang sagot naman.

--Sinong ikaw?

--Ako, ang iyong minamahal.

--Peping!

--Delang!

--Bakit ka naparito?

--Ayaw ka bang pumarito ako?

--Hindi. N~gunit baka magising sila ay ikaw din ang inaalaala ko, di
ko matitiis ang mangyayari sakaling maramdaman ka. At bakit ka
nagpapakapuyat ay mayroong _clase_ kayo bukas?

--Huag kang malakas magsalita at baka n~ga sila magising, manaog ka at
dito tayo sa halamanan mag-ulayaw, dali na, at dito mo ipalasap ang
matatamis mong pagmamahal at gagantihin ko n~g m~ga sariwang ala-ala.

--Baka sila magising?....

--Hindi.

Makaraan ang m~ga ilang mabayanad na yatiit n~g sahig ay nabuksan ang
tabing n~g pinto at sa susun~gaw ang ating binibini; maputi at wari'y
isang tala na pan~ginoon n~g ibang m~ga bituin sa kaningnin~gan kaya't
walang kalulua ang di mamangha sa gayong kagandahan, at pagkapanaog sa
isang hagdanang may limang baytang ay sinalubong na n~g ating binata
at nagyakap ang mag sing irog ¡kay sarap na pagmamahalan! at
pagkatapos maigawad n~g isá at isa ang nararapat ay nan~gagsiupo sa
isang bancong kawayan na nasa ilalim n~g isang malabay na puno n~g
_acacia_.

--Kay tamis mong magmahal--ang pauna n~g binata.

--At hangang kailan mo ako lilimutin? ang tugon naman n~g ating
binibini.

Di na nakuhang sumagot pa ang isa at isa at m~ga lan~gitn~git n~g
sahig na muli ang narinig mulá sa itaas.

--¡Nagising! ¡Nagising!--ang halos panabay n~g dalawa.

Isinoot na dali dali n~g ating binata ang kaniyang _capote_ at
nagkanlong sa puno n~g kahoy na nasa gawing likuran n~g kanilang
pinagulayawan sa nasang makimatyag n~g m~ga mangyayari. Dahan dahang
pumanhik ang binibini at pagkatapos n~g isang tanong na: "Saan ka
nangaling" at sagot dian po lamang sa labas ay wala nang narinig na
ano man at ang lahat ay nanauli sa dati kaya't ang ating binata'y
nagtuloy n~g umuwi at naghintay na lamang n~g kinaumagahan.



=II.

Walang Dios? ¡Nakapangíngilabot!=


Lingo.

Sa isang bahay-samahan sa nayon n~g X ... ay nan~gagkakatipon na ang
ilang m~ga binata ika-tatlo pa lamang n~g hapon, at palibhasay wala pa
sa tadhanang ika-apat at sapagkat wala pa din naman sa tadhanang
bilang n~g m~ga kasapi upang ipagsimula n~g isang pulong kalahatang
idadaos nila, kayat wala pa sa kaayusan ang pagtitipon, gulong gulo,
salitaan dito, tawanan doon, biruan dito at kalabitan sa kabila
datapua't sa lahat n~g m~ga gayong umpukan ay nanaig ang malakas na
salitaan n~g dalawa na nasa gawing dun~gawang tabing daan, kayat ang
ilan sa m~ga nan~gagsisipaglakad ay nan~gapapatigil lalo na't kung
mapalakas ang pan~gan~gatwiran nitong isa na tinututulang mahigpit ang
pagkakaroon n~g Dios. Lahat n~g m~ga salitaan ay nan~gapatigil, lahat
ay di umimik, liban sa isang nagsasalaysay n~g kaniyang m~ga
paniniwala.

--Walang Dios--ang ulit nito--sapagkat kung mayroong Dios ay saan
naroon ang kaniyang kapangyarihan at di igawa upang ang lahat n~g
tao'y papagpantay pantayin sa ibabaw n~g lupa? Saan naroon iyang Dios
at natitiis ang pagkakaroon n~g m~ga may mababa at matataas na urí at
kalagayan n~g taó? Iyang m~ga bagay bagay sa ibabaw n~g lupa na ating
nakikita ay tinututulan kong di gawa n~g iisang Dios, sapagkat
maraming m~ga halaman na tumutubo sa lupa at kung walang lupa ay wala
noong m~ga halaman samakatwid ay di dahil sa likha n~g Dios, kundi
dahil sa mayroong lupá.

Alin~gaw-n~gawan ang nadinig pagkatapos n~g gayong pan~gan~gatuiran at
m~ga nan~gananaig na tinig ang nan~gariringan n~g ganitong salita:

--Walang Dios?.... ¡Nakapan~gin~gilabot!

--Dahan dahan ka po ginoong Kalihim--ang sagot naman n~g
Pan~galawang-Pan~gulo n~g Samahan--at ipagpatawad po ninyong sabihin
ko na kayo'y nabibigla lamang n~g m~ga pan~gan~gatwiran, sapagka't ang
Sanlibutan ay nayari sapagkat di maikakailang mayroon _isa_ na
lumikha noon, iyang kataas taasan, iyang Dios. Maraming m~ga halaman
n~ga ang tumutubo sa lupa n~gunit di dahil sa lupa lamang kung kaya
sila nabubuhay sapagkat may lupa man at walang han~gin, init at tubig
ay di rin sila man~gabubuhay; at sino ang lumikha n~g lahat n~g itó,
gayon din ang lupang inyong binanguit? Iyang kataas taasang Dios at
kung wala _nito_ ay walang anoman, sapagkat _siya_ ang lumik-ha n~g
lahat n~g bagay. Ito'y di pan~garap lamang n~g m~ga na nanambahan sa
katotohanan kungdi siyang katunayan n~ga. At kung walang Dios na
kikilalanin ang tawo ay lalong lalala ang m~ga katampalasanan, di
mananatile ang katahimikan, palibhasa'y walang kinatatakutang
magpaparusa sa panahong darating. Ang m~ga magnanakaw ay di kukuha n~g
ano mang di kanila kailan ma't may m~ga tawo na sa kanila'y
nagmamasid, ganiyan ang m~ga tawo sa ibabaw n~g lupa na kailan ma't,
walang kinikilalang Dios ay patuloy n~g patuloy ang kanilang m~ga
masasamang gawa.

--Mag-iikalima na n~g hapon--ang nakaputol na salíta n~g Pan~gulo sa
kanilang m~ga pag-usap.

--Datapuat wala pa sa takdang bilang n~g m~ga dapat magsidalo--ang
sagot naman n~g isang kasanguni--lagpas na n~ga sa tadhanang oras
n~gunit kaypalay wala n~g darating--ang ulit pa--iyan ang masamang
hilig n~g ating m~ga binata n~gayon, isang sakit na kung di
malulunasay, pagkakatandaan at isang kapintasan na naman sa ating
lahi.

--Ang mabuti'y magkaroon n~g kadalaan ang ating m~ga kasapi. Tayo na.

--Tayo na--ang panabayan naman n~g lahat at nan~gag-alisan.



=III.

¡PANGAHAS!=


Sa isang bahay na malaki na nasa kabilang daan n~g kinatatayuan n~g
Bahay-Samahan ay maraming tawo at buhat sa malayo'y walang madidinig
kundi ang m~ga tawanan at m~ga paputol putol na salitaan, lahat ay
masaya at gayon na lamang ang m~ga pinagpala ni Bathala sa kalupaan
palibhasay ang m~ga gayon nilang pagtitipon ay nahihiyasan n~g m~ga
tuksuhan at biruan n~g m~ga magkakasama.

--Ang akala ko po'y may pulong kayo, natapos na pu ba?--ang isang
tin~gig binibining nakapagpahinto sa kanilang m~ga pagkakatua.

--Hindi po natuloy ah.....sapagkat tan~gi sa lumagpas na sa tadhanang
oras ay wala pa rin sa takdang bilang n~g m~ga kasaping dapat
magsidalo--ang sagot naman n~g ating kalihim.

Kindatan, kalabitan at n~gitian na naman sa kabilang panig.

--Sumagot na ang ating _candidato_--ang pasalising naibulong nitong
isa sa kaniyang katabi.

At pagkaraan n~g m~ga ilan pang sandaling pag-uusap ay
nan~gagpaalaman na ang lahat, tan~gi ang ating binatang di man lamang
natigatig sa kaniyang pagkakaupo maliban sa isang tugong "mauna na
kayo."

Nan~gag panaugan ang lahat at naiwan si Peping sa harapan n~g kaniyang
pinipintuho, niyaong tala sa madaling araw, niyang di man dahil sa
kaniyang m~ga pahiyas ay sapat n~g makatunaw n~g isang pusong bato,
yumuko ang ating binata di makabata sa m~ga pasaning idinudulot sa
kaniya ni Pag-ibig, n~gunit pinakapilit ding paglabanan ang lahat n~g
ito, itinaas ang m~ga mata at nagsalita:

--Hangang kailan pu kaya titiisin ninyo ako sa pagbabata n~g m~ga
ganitong kahirapan at kulang pa pu ba ang m~ga katunayang naipamalas
ko na?--tuloy dinampot ang kamay n~g kaniyang sinusuyo't ginawaran n~g
isang piping bulong; ipinitlag n~g binibini ang kaniyang kamay n~gunit
na huli sa panahon.

--¡Pan~gahas!...¿Bakit ka malikot?--ang pabiglang nasabi n~g binibini
na salamat at di nakapukaw sa pagkakatua naman n~g m~ga matatandang
nasa kabilang panig n~g bahay at pagkasabi'y nalaglag ang dalawang
butil n~g _perlas_ mula sa m~ga mapanhalinang mata n~g binibini at
nagulap iyang maaliwalas na lan~git n~g ating binata.

--Parusahan pu ninyo ako, kung ako'y nagkasala--ang patuloy ni
Peping--sapagka't ang m~ga yao'y di kinusa n~g aking sarile kundi n~g
isang pusong inudyukan n~g nagpipighating damdamin.

Ang ating binibini'y di kumikibo kaya't sinamantala ni Peping ang
panahon.

--Kung inaakala pu ninyo na ang buhay ko'y katumbas na n~g nagawang
kapan~gahasan narito at iniaalay ko po sa ikasisiya n~g inyong
naghihigpit na kalooban, at palibhasay walá din lamang namang
kabuluhan ito kailan mat api sa pag-irog, kailan mat walang aasahang
balang araw ay kaisa sa lalong mataas na kapalaran, kaya't, inihandog
ko na upang una'y n~g wala n~g Peping na gagambala pa at ikalawa'y n~g
wala na namang Peping na nag babata pa n~g m~ga kahirapan.

Halos madurog ang puso n~g binibini sa ganitong m~ga pag mamaka-amo
n~g binata, kayat napilitan ding itaas ang kaniyang m~ga matang
pinapun~gay n~g dalamhati at nagbigkas:

--Kayo po'y maka-aasa na at wala n~g maghahari sa aking puso kung di
kayo. Biglang nahawi ang dilim n~g pag-aalapaap, nawaldas ang
nakalilibid na tali n~g pagpipighati sa puso n~g binata, natapos ang
kaniyang m~ga kalungkutan, at sa kagahaman sa pag lasap n~g ligaya'y
pabiglang tumugon n~g:

--Hangang kailan, aking lan~git?

--Hangang libing........at di pa natatapos ay sia n~g pagpasok n~g
isang matandang babae, iyang _ali_ na nag alaga at nagpalaki sa ating
binibini na kaniyang kinatitirhan.

--Magandang gabi po--ang unang bati n~g binata sa dumating.

--Magandang gabi po naman--ang sagot naman.

At pagkaraan n~g ilan pang m~ga kumustahan at pag sasalitaan n~g iba't
iba pang m~ga bagay ay siyang pagtugtog n~g walong "ting" n~g isang
orasang nakasabit sa isang haligi na nasa gawing kaliwa n~g binata.
Nagtindig si Peping at nagpaalam sa mag-ali. Isang tin~ging
naglalagkit n~g binibini ang ipinabaon sa binata at ito namay isang
mapun~gay na titig at nanaog.



=IV

WALANG HIYA PALA.....!=


Daang N..... isang makipot na landasing patun~go kina Delang; dito
naglalacad n~g totoong mabanayad ang ating Peping, nakatun~go iyang
mapalad na binata na waring inaalaala ang m~ga nagdaan niang gabi sa
pook na yaon. Di kaginsaginsa'y isang binata ang sa darating: si
Amado, iyang Pan~galawang Pang-ulo n~g Samahan, iyang nakatalo niya
noong lingo n~g hapon; pagdakay tinapik siya sa balikat at sinabi:

--Bakit mabanayad ang lakad mo, saan ka paparoon?

--Dian--ang sagot naman n~g tinanong.

--Ano ba ang lagay mo kaibigan kay Anchang? iniwan ka pa namin noong
gabi ah.....

--Mabuti. Akoy nagtagumpay Amado; ang kaniya raw puso ay akin at wala
n~g sino pa mang makapaghahari--ang maligayang tugon nito.

--Mapalad ka kung gayon--hangang dito na lamang ang naisagot at siya
nilang pagpasok sa bakuran n~g bahay na kanilang sadya.

Napa-tao-po ang dalawa at sa isang sagot na "Magtuloy kayo" ay nan~gag
sipanhik at pagkatapos maigawad n~g isa at isa ang nan~gararapat na
pag-galang ay naupó si Amado sa isang luklukang yantok na kinaharap
ang m~ga magulang ni Delang at si Peping nama'y ang ating binibini.
Kanikaniyang m~ga pag-uusap ayon sa kanikanilang m~ga nasa.

Ang dalaway pagsaglitsaglit na sinasariwa ang m~ga nagdaan nilang gabi
sa halamanan na di naman mailakas sa pagkat nasa kabilang dako lamang
ang isa namang umpukan.

Napahinto ang salitaan n~g dalawa dahil sa isang mariing "hindi" n~g
ama n~g binibini at si Peping na mahiligin sa m~ga pakikipagtalo ay
nakimatyag sa m~ga sagot at paliwanag n~g kaniyang kaibigan at
pagkatapos n~g m~ga ilan pang tugon n~g matanda at m~ga pagpapakilala
ni Amado ay napilitang sumagot ang ating binata n~g boong paggalang:

--Ako poy makatutugon sa inyong m~ga usapan baga man di ako kasali,
sapagkat ang matanda po'y may m~ga malalakas na katwirang
pinanghahawakan at ang isang katunayan po'y gaya n~ga n~g sinasabi ni
_P. Rossi_ sa caniyang "_Ang Pangarap_" na aniya'y: "Isang
paglapastan~gan lamang sa kalayaan n~g bawat isa ang pagtatag n~g
ating Pamahalaan niyang m~ga batas na nagbabawal sa lalaki n~g
kalayaan upang mag-asawa n~g dalawa, tatlo ó kung ilan ang kaniyang
ibigin." At sapagkat ang tauo po ay talagang likas sa pagkamalaya,
kayat pilit ding hinahanap iyang kalayaang iyan kahit pinuputol n~g
m~ga may kapangyarihan kaya't siyang nagiging dahil n~g m~ga
kahirapang tinitiis n~g isang taong dapat maging malaya.

Isang "phse" at tin~ging pairap ni Delang ang natanaw n~g binata na
siang ikinapahinto n~g kaniyang m~ga pan~gan~gatwiran kayat di na muli
pang umimik ito palibhasay kinamuhian n~g kaniyang irog ang m~ga gayon
niang pag mamatwid.

Sumagot naman si Amado sa m~ga salaysay na natapos:

--Isang katiwaliang malaki ang m~ga pagmamatwid n~g kaibigan kong
Peping sapagkat ang m~ga batás na yao'y di upang putulan n~g kalayaan
ang bawat isa kungdi upang tangkilikin ang kapayapaan at pananahimik
n~g m~ga mamamayán. Ang kalayaan ay di sa paggawa n~g masama kungdi
n~g mabuti. Ang _moral_ ay nababatay sa kaugalian n~g bawat lahi at
sapagkat iyan ay di ugali sa ating bayan kaya iya'y laban sa _moral_.

Ninanasa pa sana n~g ating Peping na man~gatwiran n~guni't natatakot
naman siyang makagalitan n~g kaniyang Delang na nakikinig n~g m~ga
usapan nila kaya't sinasamantala ni Amado ang gayong di pagimik n~g
kaniyang kausap.

--Isa pa, kung babayaan naman na ang bawat isa ay makapag aasawa n~g
dalawa, tatlo ó apat ay di malayo na sa pagitan niang m~ga babaeng
iyan ay magkaroon n~g m~ga pagkakaingitan na siang magiging dahil n~g
pagkakaalit-alit at ito'y magbubun~ga n~g lalong m~ga masasaklap na
pangyayari sa m~ga babae pa naman n~g ating lahi, sa katunayan ay
nakikíta natin na ang isang lalaking may asawa at makaísip n~g isang
masamang nasa sa ibang babe dito ay nagpapasimula na ang panaghilian:
ang isa'y naiinip sa isa at ang isa namay napopoot sa isa.

Dito na lamang napahinto ang m~ga pagmamatwiranan sapagkat ang
kaniyang m~ga katalo'y di na umiimik. Natapos ang m~ga ilang sandali
sa gayong di "pag iimikan n~g isa at isa at sa di kawasang
paglulungati ni Peping n~g pag sagot dan~gan n~ga lamang at naroon ang
sa kania'y mapopoot, ay maibuka na lamang sa bibig ang m~ga
salitang:--Nagpapaalam na po ako sa inyong lahat--Dios po ang
sumama--ang tugon n~g may bahay.

--Akoy iwan mo na--and kay Amado naman: at nanaog ang ating binata.

Pagkaraan n~g m~ga ilan pang salitaan hin~gil sa natapos na pag-uusap
ay nan~gag labasan ang m~ga magulang n~g binibini upang ihanda ang
hapunan nila. Natira si Delang at si Amado so loob.

--Kailan ka pa ba magtatan~gi n~g isa sa m~ga nan~gagsisiparito sa
inyo?--ang pabirong salita n~g binata--naunahan ka pa n~g kapatid mo.

--Sino, si Anchang? Kanino?

--Kanino daw? Sa aming kalihim, kay Peping--isang dagok itong halos
nakapag pahinto n~g m~ga tibok n~g puso ni Delang.

--Malabo ka. Iya'y hindi totoo.

--Aba! ayaw palang maniwala, sinabi sa akin n~g totoo n~g aking
kaibigang Peping ah ...kanina lamang.

--Walang hiya pala!--ang isang talipandas na salitang nabigkas agad
n~g binibini.

--Sino, si Anchang?

--...............

--Si Peping?

Isang buntong hinin~gang malalim ang naging tugon.

--Parito na't kumain--ang mula sa labas na nakaputol n~g salitaan n~g
dalawa.

Nan~gagsilabas: si Dela'y tinun~go ang pagkain at si Amado'y ang
hagdanan pagkatapos n~g m~ga pagpapa-alamanan.



=V

MGA PATAK NG LUHA=


Isang batong mabigat ang nakapataw n~gayon sa puso n~g binibini, isang
suliraning pinaglalahuan n~g matwid ang di makaya kayang dalhin n~g
isang pusong mahina, niang isang pusong mararamdamin, palibhasay
n~gayon lamang nagtikim n~g hirap, n~gayon lamang nasubo sa laran~gan
n~g pagbabata, sapagkat ang m~ga nagdaan niang panaho'y pawang aliw,
pawang m~ga kaligayahang lalo nat sa piling n~g kaniyang giliw. Buhat
kagabi, kagabing tangapin niya ang m~ga nakapagn~gin~gitn~git na
balita'y di na sia mapalagay, di makakain,lahat ay mapait, di
makatulog, kaya't lahat n~g m~ga nangyari n~g gabing nagdaan ay walang
nalin~gid sa kaniya at bawat hihip n~g han~ging kaniyang masamyo ay
isa isang pinaghahabilinan n~g kaniyang m~ga panaghoy. "Kay saklap
lasapin n~g m~ga panahong itong idinudulot n~g katalagahan" ang
madalas masabi sa sarile pagkatapos n~g m~ga ilang patak na luha.
Kung minsay pinapag tatalo ang sarile hinahanapan n~g lalong m~ga
matutwid na paraan upang sia'y maalis sa silo n~g kapanglawan,
n~guni't waring isinusurot sa kanya n~g isang maitim na aninong
nakaguhit sa kaniyang ala-ala ang m~ga kasaliwaang palad na kaniyang
sasapitin at ang lalong m~ga mahahayap na pula n~g marami. ¡Oh, ang
larawan n~g isang nilalasog n~g dalamhati....! Anó ang aking gagawin?
ang ulit ulit na itinatanong sa sarile; at pagkatapos n~g m~ga ilang
biling sa kaniyang hihigan, ay m~ga patak n~g luha ang nagiging tugon
at sa kagaganito na lamang inumaga ang ating kaawa-awang binibini.

Umagang umaga pa'y nanaog na; nakabihis n~g kaniyang pangkaraniwang
soot, at di pa nakalalayo n~g m~ga ilang hakbang, ay muling nagbalik,
pumanhik at naupo sa isang likmuan na tutop ang noo at iniisip ang
kaniyang m~ga gagawin; di kaginsa ginsa'y nagkagising na ang
sambahayan at n~g mamulatan n~g ina'y tinanong sia kung bakit.

--Sumasakit po lamang ang ulo ko--ang isinagot at pagdaka'y tumindig
at nagpa-alam na sasaglit muna siya kina Anchang.

--Ang sabi moy sumasakit ang ulo mo at saka maglalakad ka pa.

--Wala na po naman eh ...

--Pagka-agahan na ang ulit naman n~g inang di na nahalata ang m~ga
sagot na gawagawaan lamang n~g kaniyang anak.

Ang binibini, taglay n~g pagkamasunuring anak, ay napahinuhod n~gunit
wari ay isang maitim at malaking kamay ang pumipisil sa kaniyang puso,
nanglalata at madalas mapahinto sa ano man niyang ginagawa. Nag
agahan, at n~g maluat na'y nag paalam na muli; ang ina na mapag
palayaw at mairugin ay di makatangi pinahintulutan siya, kaya't itoy
lumakad na nakatalukbong n~g paniyong sutla at sapagka't di naman
lubhang malayo ang bahay n~g kaniyang ali ay agad na narating, walang
pan~giming pumanhik at nagtuloy palibhasay isang bahay na lagi niang
pinaparoonan, pumasok sa loob at dinatnan ang kaniyang tia Enciang na
nananahi.

--Ano po iyang ginagawa ninyo--ang unang bati n~g dumating.

--Eh, ito bang saya tinatabi kot magagamit pa din naman eh ...

--Bakit po kayo, si Anchang po saan naruroon?

--Naríyan sa silid at mayroon yatang ginagawa; pasukin mo.

Nagtuloy ang ating binibini at n~g nasa pintuan na'y agad tiniklop n~g
dinatnan ang kaniyang sulat na ginagawa at sinalubong na nakan~giti
ang kaniyang kapatid.

--Bakit n~gayon ka lamang naparito? kahapon pa kita ina-antay--ang
maligayang tanong ni Anchang.

--May kailan~gan ka ba sa akin--at napatak na naman ang luha sa pagka
ala-ala niya n~g kaniyang nabalitaan kagabi, bakit ang isa pang
nakapag padalamhating lalo sa kaniya'y ang pagkamalas sa liham na
dinatnan niyang sinusulat na siyang nagpasok sa kaniyang ala-ala n~g
kung ano ano nang m~ga bagay.

--May dinaramdam ka ba?--ang maamong tanong naman n~g kaniyang kapatid
na napaluha rin--ano ba ang ibig mong inumin?--at umakmang lalabas,
n~gunit pinigilan ni Delang sa nasang huag n~g maalaman n~g kanilang
tia Enciang ang kaniyang m~ga nasasaloob at tumugon na lamang n~g:

--Huag ka n~g mabahala may na ala-ala lamang akong isang kalunos lunos
na mapagsasapit.

--Nino?...anó yaon?

--..........................

--Anó lamang yaon eh--ang patampo n~g salita ni Anchang.

Iniisip n~g ating binibini kung ano ang kaniyang gagawin, siya'y nasa
isang malawak na dagat n~g nag-aalinlan~gang di niya matarok ang
magiging hanga. "Ipagtapat ko ó huag" ang di niya malutas, na
palaisipan sa kaniyang m~ga pagbabaka at namalisbis na naman ang luha
sa kaniyang m~ga mata at nagiyakan na lamang ang magkapatid. ¡Kay pait
lunukin n~g m~ga kapighatiang ito! nagparaan n~g m~ga ilang simbuyo
n~g kahirapan ang dalawa at muli na namang nag-usap.

--Bakit lamang? Ako'y tutulong sa m~ga pinapasan mong dalamhati, ayaw
ka ba--ang ulit nanaman n~g bunso.

Ninanasa na sanang magtapat ni Delang n~gunit pinigil siya n~g
malaking kahihiyan sapagkat siya'y isang kapatid na matandang dapat
kunang uliran sa kabutihan.

--¡Delang! ¡Delang!--ang m~ga tawag na mula sa labas--ipinatatawag ka
n~g nanay mo kayat dalidali niyang pinapahid ang m~ga luha at bago pa
lumabas.

--Bakit namumugto iyang m~ga mata mo? Bakit ka umiiyak?--ang sunod
sunod na tanong n~g matanda pagka kita kay Delang.

Maluat na di nakaimik ang ating binibini at pagkaraa'y sinabing:

--Nakagat po n~g langam ang sulok n~g mata ko.

--Huag mong pagkukusutin; tina tawag ka daw n~g nanay mo.

Nagpa-alam ang ating binibini at tinun~go ang kanilang tahanan.



=VI

¡PATAWAD!=


Si Anchang ay naiwan sa pag-iisa, ang kaniyang silid na dati'y masaya
n~gayon ay mapanglaw, di niya mapagkuro ang m~ga ibig sabihin n~g
kaniyang kapatid kung minsay isipin niyang ang kaniyang sarile ang
sasapit sa isang kalagayang kalunos lunos gaya ng sinabi, n~gunit siya
rin ang kusang nagmamatuid na aniya'y di ko sasapitin yaon sapagkat
sino ang lalapastan~gan sa akin? Si Peping ay tapat ang pagibig at sa
kaniya'y wala akong paniwalang mapapariwara lamang ang pag-asa ko,
wala akong nalalamang itinatan~gi siyang iba at di ko naman iniisip na
siya'y magtatan~gi pa sapagkat naniniwala ako sa kaniyang m~ga
pan~gako at di naman niya sasayan~gin ang m~ga pagmamahal ko. Ako ang
tinatan~gisan ng aking kapatid?.... Hindi, sapagkat anó ang dapat
niyang ikalungkot sa akin? Ang kaniyang sarile ang iniiyakan? Ewan ko,
n~gunit ano naman ang dapat niang ikalumbay? Wala akong maala-ala.
M~ga sandali itong punong puno n~g m~ga pagkukuro sa isip ni Anchang.
At si Delang anó naman ang ginagawa? Ah ... siya nama'y nananan~gis sa
kanilang silid di makalabas kahit tinatawag kaniyang mapag arugang ina
at hangang sa siya'y mahalata sa pamamanglaw.

--Bakit? ang marahang tanong n~g ina pagkamasid sa m~ga matang
binabalun~gan n~g luha n~g kaniyang anak.

--Wala po--ang sagot naman na ipinakalilihim pa ring pilit ang
kaniyang m~ga dalita palibhasay nahihiya siyang mabuksan ang m~ga
aklat n~g pag-ibig na nakatago sa kaniyang puso, n~gunit sa kapipilit
n~g ina ay nagsabing: "Ako po'y sawing palad" hangang dito na lamang
ang m~ga naipagtapat ni Delang hangang sa sapitan sila n~g
kinagabihan.

       *       *       *       *       *

Si Peping ay walang malay sa m~ga nangyayari, payapang payapang
ginugunita ang napakasarap niyang buhay. "Magkapatid ang nasa kamay
ko" ang ulit ulit na sinasabi ¡kay tamis n~g aking kapalaran na
pinag-aagawan n~g dalawang magagandang binibini! Ang aking pag-ibig
ay dalawang puso ang sumasariwa, siyang nagdidilig pagdating n~g oras,
anó pang ligaya n~g buhay ang hahanapin?"

Ikalabing isang oras na n~g gabi. Mapamaya maya'y nanaog, lumakad at
pagkatapat sa silid n~g isang bahay na malaki ay lumin~gon sa
magkabikabilang panig at n~g walang matamulawang tawo ay
tumin~gatin~gala at tumawag:

--¡Anchang!....¡Anchang!

--.......................

--¡Anchang!--ang mariin niang tawag na tumaos hangang sa puso n~g
binibini, kaya't agad nagbalikuas ito't ipinuang n~g kaunti ang
durun~gawan.

Nakaramdam n~g panibagong init n~g katawan ang binata, lumukso ang
puso sa galak sa pagkasun~gaw n~g isang _diosa_ n~g kagandahan.

--Ako'y naririto--ang ulit pa.

--Bakit ka napaparito n~g ganitong oras? Baka may makakita sa iyo ay
pagbintan~gan kang masamang tawo: umalis ka dian sa tapat n~g bintana.

--¿Saan ako paparoon, Anchang?

--Umuwi ka na at akoy di maka papanaog, sapagkat malalim na ang gabi.

Mayroon lamang akong isang mahalagang babagay na sasabihin sa iyo;
natatakot ka ba? sasalubun~gin kita sa hagdanan.

--Sabihin mo na.

--Ayaw ako. Ang ibig koy ibulong at n~g walang makarinig: ni ang m~ga
halaman, ni ang m~ga panggabing ibon.

--Sa ibang araw na ó bukas kaya pagparito mo.

--Sa isang maliit ko kayang kahilin~gang ito'y ipahahalata mo na ang
kawalan mo n~g pagmamahal sa akin? Anchang, talastas mong ako'y
nagpakapuyat; diyata't, pawawalan mo n~g halaga ang aking m~ga
pagtitiis.

Nagdalang habag ang binibini; nalunos sa m~ga ipinagturing n~g binata
kaya't malubay na tumugon.

--Paano ang gagawin kong pagpanaog?

--Kailan ma't iibigi'y madali ang alin mang bagay.

Dahan dahang lumabas, ibínukas, ang nakalapat na pintuan, at
palibhasa'y kahoy ang sahig at hagdanan, kaya't, walang kalatis
siyang nakapanaog. Pumasok ang ating binata sa looban at sinalubong
ang kaniyang irog, n~guni't sa kaniyang pagpasog ay namalas pala naman
agad siya n~g isang babaeng putos na putos n~g itim, nakatalukbong at
agad na sumunod sa binata at n~g kasalukuyang sapupo ni Peping ang
malantik na baywang n~g kaniyang Anchang ay siyang pagdating n~g
binibini na sa dagok n~g pighati sa kaligayaligayang buhay n~g dalawa
at sa kahapishapis niyang kapalaran ay hinawakang mahigpit ang
kaniyang sundang patakbong lumapit at itinarak sa dibdib n~g binata
kasabay ang m~ga nan~gan~gatal niyang salitang:

--¡¡¡Masakim!!!....¡¡¡Masakim!!!

--Bakit? Bakit?--ang sigaw ni Anchang at sinapupo ang kaniyang irog.

--¡Patawad!--ang kalunos lunos na taghoy ni Peping at nabual na di
napigilan ni Anchang.

       *       *       *       *       *

At n~g makita ni Delang ang kaawa-awang bangkay ni Peping ay
napasigaw.

--¡Dios ko! ¡anó itong aking nagawa?...Nagsisi, nanan~gis,
nanaghoy....

--Pepíng, patawarin mo ako; akoy nagkasala sa iyo: di ko nalalaman
ang aking nagawa. ¡Ay Peping sino n~gayon ang kikilalaning ama n~g
sangol na balang araw ay ilulual ko sa maliwanag? ¡Dios ko! ¿anó ang
aking nagawa?

WAKAS


[Larawan]

=Sombreria Internacional=

Calle Jolo No. 271

Ditoy nag bibile ng mga sambalilong
gaya ng buntan, calasiaw, baliwag, sabutan
at ibpa., gayon din tumatangap ng
pagpapaputi at pag papaayos sa mababang
halaga.

[Larawan]


="EL ARNES"=

Ang tindahang ito'y nag bibili ng
guarniciones at ibat iba pa na kagamitan
sa kabayo at tumatangap din ng
pag papakumpuni sa mababang halaga.

CALLE JOLO No. 271

=SASTRERIA
DE
PATRICIO REYES

RECIBE TODA CLASE DE TRABAJOS
A PRECIOS MODICOS=

Azcarraga (frente al Ferro-carril.)        Tondo-Manila.

       *       *       *       *       *

="El vicio del Mundo"
FABRICA DE TABACOS=

Dali'y sa Daang Faspia at ngayon ay sa
Daang Morga, blg. 35 Tondo.
Aring tunay ng Kalahi

=Doroteo Nico.=

       *       *       *       *       *

=BERNABE STUDIO=

Rumeretrato araw araw mula sa ika
9 n~g umaga hangang ika 4 n~g hapon

=_Peinadora Gratis_=

Malinis, mahusay, at madaling
gumawa.

Tumatangap n~g ano mang na
uukòl sa Fotografia.

=Gral. Izquierdo blg. 379, Trozo      P.O.B. 973=

=Mga Binata:=

Ibig ninyong huag limutin ng inyong
mga minamahal?

Bigian ninyo sila ng uliran pabasahin
ninyo ng novelang _="Ang Pagibig"=_
ni Ag. Pascual upang makilala
nila kung sino si Sening at kung ano
ang ugali ni Sening sa pag-ibig.

=Ipinagbibili sa lahat ng Aklatan.=

       *       *       *       *       *

="SINAG==TALA"
SOMBRERIA
NI
ARCADIO BACHO

Haya 3-4-Tundo.      Maynila.=

       *       *       *       *       *

=LIMBAGAN AT LIBRUHAN
ni MIRANDA at Ka.=

Daang San Jacinto Blg. 50

=Tumatangap n~g sari-saring
limbagin, libruhin, mga anyaya
sa kasal, binyag, esquela, at ibat
iba pa.=

=ARMERIA AT CERRAJERIA
ni Martin G. Lontok.

Crespo Blg. 60, Quiapo--at--S. Pedro Blg. 73.
Sta. Cruz.--Maynila, K. P.=

       *       *       *       *       *

Tumatangap n~g mga gawain sa
pag-aayos n~g mga kaban n~g salapi,
maquina sa pagsulat at
pananahi, mga bicicleta at nag
eempayona n~g m~ga bakal at patalim.

       *       *       *       *       *

=SASTRERIA
DE
ROSENDO ESCOBAR=

Recibe toda clase de trabajos
concernientes al ramo.

_Azcarraga (frente al Teatro Rizal)
Tondo-Manila._

=AGUA MINERAL

SA

LOS BAÑOS

BINUBUHAY NG PUHUNANG PILIPINO

       *       *       *       *       *

MAKILING

Mabuting inumin para
sa sikmura.

Ipinagbibili sa lahat ng
almacen.=

Sanga sa Maynila

Acuña, blg. 19-San Nicolas

Telefono 3633.





*** End of this LibraryBlog Digital Book "Masakím" ***

Copyright 2023 LibraryBlog. All rights reserved.



Home