Home
  By Author [ A  B  C  D  E  F  G  H  I  J  K  L  M  N  O  P  Q  R  S  T  U  V  W  X  Y  Z |  Other Symbols ]
  By Title [ A  B  C  D  E  F  G  H  I  J  K  L  M  N  O  P  Q  R  S  T  U  V  W  X  Y  Z |  Other Symbols ]
  By Language
all Classics books content using ISYS

Download this book: [ ASCII | HTML | PDF ]

Look for this book on Amazon


We have new books nearly every day.
If you would like a news letter once a week or once a month
fill out this form and we will give you a summary of the books for that week or month by email.

Title: Cinematografo
Author: Rivera, Jose Maria, 1882-
Language: Tagalog
As this book started as an ASCII text book there are no pictures available.
Copyright Status: Not copyrighted in the United States. If you live elsewhere check the laws of your country before downloading this ebook. See comments about copyright issues at end of book.

*** Start of this Doctrine Publishing Corporation Digital Book "Cinematografo" ***

This book is indexed by ISYS Web Indexing system to allow the reader find any word or number within the document.



scans provided by University of Michigan.



[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
marked as ~g.]

[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa
upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon
ay hindi na ginagamit.]



DULANG TAGALOG

Mga Dula ni JOSE MARIA RIVERA.

¡¡CINEMATOGRAFO ...!!

DULANG TAGALOG

na may

Isang Yugto at Dalawang Kuwadro

Katha ni

JOSE MARIA RIVERA

Tugtugin ni

Mtro. GAVINO CARLUEN


Itinanghal ñg kaunaunahan sa Dulaang Rizal
ñg Gran Compañia de Zarzuela Tagala ni G. Severino
Reyes, noong ika 1 ñg Junio ñg taong
1918, at nagkamit ñg di kakaunting papuri.


Imp. ILAGAN y Cia., 775 J. Luna, Tondo., Tel. 8536.



¡¡¡CINEMATOGRAFO ...!!!

DULANG TAGALOG

na may

Isang Yugto, at Dalawang Kuwadro.

Tugma ni

JOSÉ MARIA RIVERA

Tugtugin ni

_Mtro. GAVINO CARLUEN._

MAYNILA

1920

Imp. ILAGAN y Cia,. 775 J. Luna, Tondo. Tel 8336



ALAY:

Sa mga tapat at matalik na kaibigang

_José E. Canseco,

Salvador Kabigting

at Ramón Farolan_.

Boong puso,

ANG KUMATHA.



MGA TAO NG DULANG ITO.


TIBURCIO............G. Eusebio Gabriel

BALTAZARA...........Gg. Felisa Buenaventura

ANGELING............Bb. Juanita Angeles

LUISITONG Makaw.....G. Alfredo Ratia

BRUNO...............G. Joaquin Gavino

MARTINA.............Gg. Ildefonsa Alianza

TIO BESTRE..........G. Eusebio Constantino

TIA MARTINA.........Gg. Antonia del Rosario

MATEA...............Bb. Natividad Nonato

BETENG..............G. Gregorio L. Lopez

MARCOS..............G. Pedro Mariano

PELI................Batang Fortunato Rafael

PULIS...............G. José Suarez

TENDERA.............Gg. Mercedes Nonato


Koro n~g Lalake at Babae.

       *       *       *       *       *

PANAHONG PINANGYARIHAN: Kasalukuyan.

       *       *       *       *       *

_Ang dulang ito ay itinanghal ñg kaunaunahan sa Dulaang Rizal ñg =Gran
Compania de Zarzuela Tagala= ñg dramaturgong Severino Reyes, noong ika
1.o ñg Hunyo ñg 1918, at nagkamit ñg di kakaunting papuri_.



UNANG KUWADRO.

=¡¡SUKAT NA ANG CINE....!!=

=BUGTONG NA YUGTO=


Kabuoan ng isang bahay na may mainam na mga palamuti. Pinto sa gitna
ng kabahayan na naghahatid sa ibang mga banghay ng bahay.--Dalawang
bintana sa siping ng pintuan.--Sa kanan at kaliwa, ay mga silid na
hindi mangyayaring makita ng mga nanonood.--Hapon.

Pag-aañgat ng Tabing, ay makikita si D. TIBURCIO na, nakaupo sa isang
tabureteng mesedora, at bumabasa ng isang pahayagan.



_Tagpo I._

=Si D. TIBURCIO lamang=.


D. Tib:--¡Sussssssss....! Sa lahat n~g araw na isinasal n~g init, ay
lumabis naman ang araw na ito. At, sa kalabisan, ay kaunti, na tuloy
akong masagasaan n~g trambya, dahil sa hilong umabot sa akin. (Saglit
na hihinto.) Salamat na lamang, at ang nangyare sa akin ay nakita pala
n~g isang mahabagin, at kung hindi ... marahil ay kinidlatan na ako!
(Hihinto) Talaga na yatang ang Maynilang ito, ay magiging sa m~ga
man~gan~galakal na lamang! Diwa'y ang Maynilang ito'y magiging tahanan
na lamang n~g m~ga taong mapuputi, dahil na ... munting kibot, ang
m~ga makapangyarihan ay nagtatakda n~g m~ga kautusang.... halos ay
makalunod na sa m~ga mahihirap. At, kung sakali namang, ang isa ay
nakaririwasa; may bahay na sarile, walang patid namang utos ang
ibibigay. Nariyan ang kailan~gang papintahan umano ang bahay o kaya'y
palagyan n~g gayon o ganitong m~ga ... ¡Sussssssss ...na buhay n~g
buhay na ito!! (Hihinto n~g matagal) Ang araw na magamit n~g patuluyan
ang "aeroplano", ay bibile ako agad, n~g upang maligtas na lamang sa
m~ga ganyang kautusan. Kung sa himpapawid na ba ako nagtitira, ay ano
pang amillaramiento ang babayaran, ni bahay na papipintahan pa o
kaya'y uupahang "ventilador"? N~guni't, ipagpatuloy ko n~ga ang
pagbasa sa pahayagang ito, at n~g matalos ang m~ga balitang dala niya.
(Muling babasahin ang pahayagang tan~gan: Babasa) "Sakaling sa loob
n~g pitong taon, ay maipakita n~g Bayang Pilipino ang kaniyang
kakayahan sa pagsasarile, ay ipagkakaloob sa kaniya n~g bayang
Amerikano ang ganap na paglaya." (Hihinto.) ¡Salamat sa Dios, at kung
papalarin ang bill na ito ni Mr. Jones, ay makikita ko pa ang paglaya
n~g Pilipinas! ¡Maanong totohanin na ang pan~gakong ito n~g Bayang
Amerika! (Titigil sumandali, at pagkatapos ay mapapalundag: Babasahin)
"Pangkat n~g m~ga nakawan". ¿Pangkat n~g m~ga nakawan? ¿Di yata?
(Babasahin) "Kagabing magiika 12 at 1 n~g madaling-araw, ay pinanhik
n~g m~ga magnanakaw, ang bahay n~g tagapan~gasiwa n~g aming pahayagan,
at matapos na mabuksan ang lahat n~g m~ga taguan ng damit, ay
nan~ga-kadala ang m~ga naturang magnanakaw n~g m~ga hiyas at pagaari
n~g taga pamahala namin, na umaabot sa halagang tatlong libong piso.
Ang nakawang nabanggit, kahi't ginawa n~g m~ga kampon ni Kako sa
isang daang hayag, ay hindi man lamang nabalitaan n~g m~ga nagtatanod
sa ating m~ga lansan~gan. (Lalo pang gulilat) ¡Dios ko! ¡¡Dios ko!!
Anong salot ito na gumagala at naghahari dito? ¿Ito baga ang katunayan
n~g sinabi n~g ilang ginoo na kabutihan n~g pamamalakad? ¿Nasaan ang
katiwasayang binibili n~g m~ga mamamayang nagbabayad n~g di kakaunting
kuwalta sa pamamagitan n~g m~ga "contribuciones" at "amillaramientos"?
¡Mabuti na ang nangyayari! ¡Nagkakaroon n~g m~ga nakawan, haran~gan at
patayan n~g.... hindi man lamang natatalos n~g m~ga pulis at
"secreta". (Hihinto n~g matagal) Sinasabi ko na n~ga ba, at ang
paglipana n~gayon n~g m~ga kabalbalang ito, ay, galing sa m~ga
nagkalat na babasahing natutungkol kay Nick Carter. Ang m~ga cineng
iyan na walang ibang idinudulot sa m~ga nagsisipanood kundi ang m~ga
nakawang sistema Zigomar at ang halikan. Wala, ito ang siyang totoo.
At dahil sa bagay na ito, buhat n~gayon ang m~ga cineng iyan, ay hindi
na makikinabang sa akin, kahi't na isang kusing man lamang!.....
(Tatawag) ¡Bruno!... Brunooooo ...! (Lalabas si BRUNO.)



_Tagpo II._

=Si D. TIBURCIO at si BRUNO=


Bru:--(Buhat sa loob) ¡¡¡Pooooooo.....!!!

Tib:--Halika.

Bru:--(Lalapit na pakimi) Pagutusan po.

Tib:--Lumapit ka, torpe!

Bru:--(Lalapit n~g payuko, tulad n~g karaniwang gawin n~g m~ga taga
lalawigan, lalo na ang ilang tagabukid.) ¡Pagutusan po, siñor!

Tib:--(Tataban siya sa isang tayn~ga.) ¡Torpe, halika't may sasabihin
ako sa iyo. (Sisipain sa kaliwang pigi)

Bru:--¡Naku....! ¡¡Naku pooo....!! Malabis po pala naman kayong
makapagsalita, ah ... Talo pa po ninyo si kabisang Umeng doon sa amin
na, munting kibot, ay........ ¡¡¡Naku......!!!

Tib:--(Anyong sisipa uli.) ¿Naka ano, ha?

Bru:--Nakatawa po't,....nagbibigay n~g kuwalta!

Tib:--(Sa sarili) May hayop ang katawan nito. (Harap.) Siya, lumapit
ka, at may iuutos ako sa iyo.

Bru:--(Sa sarile.) ¿Bibigyan kaya ako n~g kuwalta? (Harap.) Turan po
n~g aking pan~ginoon.

Tib:--Huwag mong lilimutin, ha?

Bru:--(Patulala) ¿Ang alin po? (Sa sarili) ¿Ang isinipa kaya niya?

Tib:--Ang iuutos ko sa iyo.

Bru:--Aba, umasa po kayong hindi. (Sa sarile) Ang akala ko'y kung ano
na ang kaniyang ipa-aala-ala sa akin ah. Akala ko'y, ang sipa na....

Tib:--Dingin mo. Buhat n~gayon, pagkatugtog na pagkatugtog sa ating
orasang malaki n~g ika pito at kalahati n~g gabi ay....

Bru:--Naku, pan~ginoon ko, ¿paano po ang pagtugtog n~g ating orasan,
sa matagal na po siyang namamahin~gang kaparis n~g orasan sa Santa
Cruz?

Tib:--(Sa sarile) May katwiran. (Hayag) Totoo n~ga. Kung gayon, ang
gawin mo'y, ganito. Pagtugtog n~g orasan n~g sambahan dito sa atin, ay
ilalapat mong mabuti ang pintuan, at huwag mong bubuksan kahi't na
kan~gino. ¿Narin~gig mo ba?

Bru:--Opo.

Tib:--Nalalaman na daw nito. Hale n~ga, tignan ko kung tunay na
nalalaman mo na, ang aking inihabilin sa iyo. Dale, sabihin mo: ¿Ano
ang iyong gagawin mamaya, pagkatugtog n~g ika pito at kalahati n~g
gabi?

Bru:--(Patulalang sasagot) Ma....ma....ma maya pu ba?

Tib:--Oo, mamayang maka 7:30 p.m.

Bru:--(Sa sarile) Para din akong ikakasal n~gayon ah! Sinusulit pa
ako. (Hayag) Mamaya pong ika pito at kalahati, ay ... (Waring magiisip
sumandali) ay, di, bubuksan ko po ang lahat n~g pintuan.

Tib:--(Patalak.) Nakita mo na, ang sinalibat na ito n~g isang
kallang.... (Duduhapan~gin si Bruno at tatadyakan.) Naku, ang hayop na
ito, ah, paghindi kita pinatay ...!

Bru:--Mangyari po'y, sinabi ninyong ika pito at kalahati p.m.

Tib:--¿Eh, ano n~gayon?

Bru:--Aba, ang sabi po ni Ñora Sara sa akin, n~g minsan pong itinanong
ko sa kanila kung ano ang kahulugan n~g p.m. na malimit kong makita sa
m~ga anyaya, ay sinabi po nila sa akin na ang kahulugan daw po'y....

Tib:--¿Ano? ¿Ano daw ang kahulugan?

Bru:--Eh, magbukas daw po n~g pinto.

Tib:--(Sa sarile) ¡Que atrocidad! (Hayag) Pareho na kayo sa pagka
lin~gas n~g iyong Ñora Sara. (Galit) Kung ang lahat n~g maglingkod sa
akin ay gaya mong m~ga bruto, ay hindi malayong magkaroon tuloy ako
n~g tisis galopante.

Bru:--(Pagkarin~gig ni Bruno sa sinabing bruto ni D. Tib. ay iiyak
n~g ubos lakas.) ¡¡Inaku, Dios ko po, inakuuuuu!

Tib:--Aba, at bakit ganiyan na ang n~galn~gal mo?

Bru:--Mangyari po'y....(Iiyak n~g lalong malakas) Mangyari po'y ...
tinawag ninyo ako n~g bruto, eh, Bruno po naman itong n~galan ko....
Huuuuu ...!!!! (Iiyak uli)

Tib:--¡Tinamaan ka n~g ... isang bakurang.... (Matatawa siya, n~guni't
pipigilen) Siya, siya, huwag mong lilimutin ang ipinagbilin ko sa iyo
ha? (Babatukan at pagkatapos ay aalis.)

Bru:--Opo.... Aruuuy, aruuuuy....! (Lilin~gap sa kaniyang likuran at
pagkakita na wala nang tao doon, ay magsasabi.)

¡Naku ... kung hindi ko lamang siya pan~ginoon, ay nagkahalohalo na
sana ang, balat sa tinalupan. (Susubsob sa lamesa at iiyak na parang
bata)

(Lalabas si MARTINA na pagkarin~gig; sa pagiyak ni Bruno ay
magtatawa.)



_Tagpo III._

=Si BRUNO at si MARTINA lamang.=


TUGTUGIN.

Mar:--¡Ha....Ha....Ha....Ha ... Bruno!

Bru:--Martina, ¿bakit, ano? ¿Pagtawa mo'y kan~gino?

Mar:--¿Kan~gino? Tuturan ko.


  Ako'y may nakikilala
Na isang binatang tan~ga,
Na ang lahat n~g makita
Tinatakhan, nababakla.

  Lalong lalo kung mamalas
m~ga babayeng magigilas,
ay nagmamatang bayawak
Na asa mo'y isang tungak.

Bru:--

  Hindi totoo: Ang sulit
Na n~gayon ay kasasambit.
Ang babaye'i naninikit
Sa binatang makikisig.

  Ako ay may nalalaman
Na m~ga dalagang momay,
Na sa boong isang araw,
Yao't dito sa lansan~gan.


SILANG DALAWA


    Martina:                  Bruno:

Kahit ano ang isulit       Kahit ano ang isulit
Ako'y hindi makikinig,     Ako'y hindi makikinig,
Sa batang walang batid,    Sa babaeng walang batid
Ang mabuti ay pagtikis.    Nararapat ay pagtikis.


SALITAAN.

Mar.--(Tatawa) ¡Ha....Ha....Ha....!! Kawawa naman itong si Bruno.

Bru:--(Natutuwa.) ¡¡Ay,.... salamat, Martina ko at, sa akin
dinaingdaing, ay nakuha mo din ang maawa.

Mar:--(Galit) ¿Ha? ¿Baka naloloko ka na! Sino ang nagsabi sa iyong
ako'y....?

Bru:--Sino daw, hindi ba't, kasasabi mo pa lamang n~gayon?

Mar:--Hooy, maglubay ka n~ga n~g pagsasalita n~g ganiyang m~ga
kamangman~gan. (Sasabihin ito n~g padabog)

Bru:--At, hindi ba sinabi mo kan~gina lamang na, naaawa ka sa akin?

Mar:--(Patuya) ¿Na-aawa pala ako sa iyo, ano ha? Mangyari n~ga ba,
(Lalong patuya.) sa, mukhang tinampalasan ka na naman n~g ating
pan~ginoon.

Bru:--Aba, Martina, naloloka ka na ba? ¿Bakit ako tatampalasanin n~g
ating pan~ginoon? ¿Hayop ba ako na kaparis n~g iba diyan?....

Mar:--(Patuya.) At, hindi ka pala tinampalasan, ha? Sabihin mo n~ga,
¿bakit ba namumula ang mukha mo na para kang merikanong lasengo?

Bru:--¡Ah, loka, loka ka n~ga! ¿Di mo ba, nalalaman na ang gayon ay
isang malaking saksi n~g pagmamahal niya sa akin?

Mar:--¿Ang tampalin ka ba?

Bru:--Oo, dahil na iyan ang tinatawag ng m~ga kastila na tunay na
kariño. Ikaw ba, ay tinampal na o hinawakan man lamang ang mukha mo
n~g ating pan~ginon?

Mar:--(Galit) Hindi n~ga, ¿bakit?

Bru:--Nakita mo na, di hindi ka niya minamahal, ni kinakariño?

Mar:--(Yamot.) Kuñg hindi, ay hindi. Kariño pala ang tawag mo sa
papamulahing parang saga ang mukha mo. ¿Bakit ba naman, namimiskotso
ang iyong m~ga labi?

Bru:--Mangyare, ako'y kaniyang pinan~gan~ga.

Mar:--¡Ah ...han~gal, ...torpe ...gago ...!! (Hihilatan n~g mata, at
pagkatapos ay aalis.)



_Tagpo IV._

=Si BRUNO lamang.=


Bru:--¿Han~gal? ¿Torpe? ¿Gago? ¿Gago ako nitong kay tuwid kong
magsalita? ¡Ah.... hindi, ako'y wala ni alin man sa m~ga ipinaratang
sa akin ni Martina. Naiingit lamang siya sa aking pamumuhay.

Voz 1.a:--(Buhat sa loob) ¿Are you going to the Cinema to night?

Voz 2.a:--Yes.

Voz 1.a:--¿Is it true, dear Angeling?

Voz 2.a:--Yes.

Voz 1.a:--I shall await you there.

Voz 2.a:--Yes. Don't speak to loud; we might be heard.

Voz 1.a:--At the same place?

Voz 2.a:--Yes. Go away now, Papa might see you. (Pagkatapos ay
makariringig ng animo'y naghahalikan.)

Bru:--Nakú, nandagit na naman ang lawin....! Diablo!...Dimonyo! Heto
ang nagiging tubo n~g magulang na bayaan matuto ang anak n~g "yes".
Buhay na buhay siyang napaglalakuan....¡¡Kuuuu!! Magtiwala ka n~ga
naman sa anak na babae. Panibulos na panibulos ang aking pan~ginoon na
hindi pa natatalos ng kanyang anak ang gawang
umibig....¡Ha....Ha....Ha....!! eh ito pala'y papauwí na. At, ang na
iibigan pa naman, ay isa diyan sa mga binata na, palaging walang
sumbalilo kung magpasyal sa lansan~gan, tatlo o apat na lupí ang
laylayan n~g pantalon at kung mag mericana'y yaong palaging may bigkis
sa likod....!! ¡Maniwala, maniwala ka n~ga naman sa
babae....Hesus!....(Aalis at papasok sa kaliwa.)

Lalabas si ANGELING.



_Tagpo V._

=Si ANGELING lamang=


TUGTUGIN

Ang:--Tulad sa simoy n~g han~gin
sa gabing batbat n~g bituwin,
katamisan ng pag-giliw,
ni Luisitong aking aliw.

  Sa puso't sa kaluluwa,
naghahari ang ligaya,
walang guhang di pagsinta
ang pangdulot sa tuwi na.

       *       *       *       *       *

  ¡Oh, ligaya n~g mabuhay,
¡Oh ... pagibig na taglay:
Ikaw lamang, tan~ging ikaw....
Ang lunas ko, kaylan pa man!

  Halika't huwag bawiin
ang payapang na sa akin,
halika't ako'y kalun~gin
sa bisig mong ginigiliw....

       *       *       *       *       *

  Kung ang buhay ay pan~garap
ay nasa ko ang man~garap.
Sa bisig ng aking liyag
na panin~gi'y minamalas...!



SALITAAN.

Oo n~ga, wala nang buhay na gaya ng akin; punong punó sa ligaya, busog
sa kasayahan. Sa m~ga magulang ko ay wala akong na pita na hindi
ipinagkaloob sa akin sa lalong madaling panahon. ¡Ah ...! ¡Anong sarap
n~g buhay na gaya nitong aking taglay....

Lalabas si BALTAZARA.



_Tagpo VI._

=Si ANGELING at si BALTAZARA.=


Bal:--(Buhat sa loob) ¡Angeling, Angeling ...!

Ang:--¡Pooooo ...!

Bal:--(Parang may hinahanap) ¿Hindi mo ba nakikita ang aking
pustisong buhok? Ka~ggi-kan~gina ko lamang hinusay, eh, nawaglit na
n~gayon. At napakiramay pa mandin ang aking postisong n~gipin na
kalilinis ko din.

Ang:--Hindi ko po nakikita, nanay.

Bal:--¿Saan kaya napasaksak? Hale n~ga, hija, tulun~gan mo n~ga ako sa
paghanap.

Ang:--Opo, nanay. (Kunwa'y hahanap n~g sumandali at pagkatapos ay
babalikan ang kaniyang Ina,) nanay, mamaya ay magpapasyal ako, ho?
(Palambing na sasabihen)

Bal:--¿Na naman? ¿Saan ka na naman paroroon?

Ang:--Sa Cine, po. ¿Papasok akó, ha nanay?

Bal:--¿Cine na naman? ¿Hindi ba't, kagabi lamang ay nasok ka na?

Ang:--Siyan~ga, nanay. (Lalong palambing)

Bal:--Gayon pala, ¿bakit ibig mo na namang pumasok mamaya?

Ang:--(Tatawa ng palihim) Aba, si nanay naman! Hindi ba ninyo
nalalaman na n~gayon ay Huwebes?

Bal:--¿Eh, ano kung Huwebes?

Ang:--Eh, araw po n~gayon n~g kambio.

Bal:--Kambio ba ng ano ang pinagsasabi mo?

Ang:--Kambio n~g programa po.

Bal:--At, ¿ano daw na naman ang palalabasin?

Ang:--Zigomar contra Nick Carter po.

Bal:--¿Magaling daw ba iyon?

Ang:--Magaling daw po, ayon sa balita ng m~ga pahayagan. Papasok ako,
ha nanay?

(Lalabas si BRUNO na sumisigaw at waring may hinahabol na aso. Tan~gan
sa kanang kamay, ang isang postizong buhok at sa isa naman ay
postisong n~gipin,)



_Tagpo VII._

=Sila din at si BRUNO=.


Bru:--(Waring hinahabol ang aso. Humihin~gal. Takot.) ¡Che ...!
¡Che ...! ¡Cheeeee ...! (Lalong takot) ¡Nakú, malaking basagulo ang
nangyare; ang aso ... ay nakakawala, at ... nakamatay ng tao ...!!!!!

Ang:--(Gulat) ¿Ano ang nangyare, ha, Bruno? ¿Ano ang nangyare?

Bal:--(Lalo pang gulat.) ¿Ano, ano daw ang nangyare?

Bru.--(Takot) Ang atin pong aso na Mariano Gil ay nakakawala at....


Ang:
 at:--¿At, ano?
Bal:


Bru:--¡¡Nakamatay po n~g tao....!! ¡¡¡Nakuuu.!!

Bal:--¡¡Susmariosep!!....(Manginginig sa takot)

Ang:--¿Tunay n~ga ba?

Bru:--Opo, at sa katunayan, ay naririto po ang buhok at sampu n~g
n~gipin n~g taong: napatay ...¡Susmariosep.....! ¡Talagang hayop si
Mariano Gil! ¡Naku ang n~gipin n~g taong napatay! (Ipakikita ang
n~gipin at buhok na postizo)

Bal:--(Tatan~ganan, at mapapasigaw sa takot.) ¡¡¡Naku po, Dios
ko ...!!! (Pagkatan~gan sa n~giping pustiso ay makikilala. Galit) ¡Aba,
eh ito ... ang n~gipin kong postiso na hinahanap ah ... (Galit) Ang
hayop na ito. (Kay Bruno) ¡Animal, sa lahat ng ginawa mo sa akin, ito
ang....

Ang:--¿Bakit po, Nanay?

Bal:--Eh, iyan bang hayop na iyan, linoko na naman akó.

Bru:--(Sa sarile) Sa lahat daw n~g ginawa ko sa kanya ...(Harap)
¿Kaylan ko po ba kayo linoko? (Papakumbabá)

Bal--(Ipakikita ang pustiso.) At, itó, masama pa bang pagloko?

Bru:--Eh, hindi po ba buhok iyan?

Bal--Oo n~ga, buhok, n~guni't ito'y pustiso ko animal at hindi sa
patay na taong gaya n~g sinabi mo. (Sisiyasating ang buhok.) Tignan mo
ang ginawa mong ito, ginusot mo. Babayaran mo n~gayon ito.

Bru:--Aba, hindi po ako ang sumira niyan. Di po, pabayaran natin sa
aso.

Ang:--(Kay Balt.) Siyan~ga naman, nanay.

Bal:--(Kay Ang.) Aayunan mo pa ang hayop na iyan. (Kay Bruno)
Babayaran mo n~gayon itong aking buhok.

Bru:--(Sa sarile) Katuwirang diablo na itong nalalaman n~g aking ama.
Iba ang sumira, at, ako ang papagbabayarin. Maniwala kan~ga naman sa
ayos n~g babae. (Titigil) Kay don Tibursio, ay walang sandaling di
pagpuri sa buhok n~g kaniyang asawa ang naririn~gig dahil sa
kalakihan umano, ito pala'y ...pustiso lamang ...Baka pa kaya, pati
ang......este, pati ang mata nito'y pustiso na din ah.....!

Bal:--(Galit) ¿Ano ba ang ipinagbububulong mo, ha?

Bru:--Wala po, señorita, wala po akong ibinubulong n~g laban sa
inyo....Na aala-ala ko po lamang ang nangyare sa pustiso....

Bal:--(Galit na lalo) Pues, hindi mangyayare. Ginusot mo ang aking
buhok, at babayaran mo n~gayon.

(Lalabas si D. TIBURCIO na kasabay nina TIO BESTRE, TIA MARTINA,
BETENG at MATEA. Ang m~ga ito, tan~gi lamang si D. TIBURCIO, ay
paraparang may m~ga bitbit na tampipe. Si BETENG ay hilahila ang isang
asong payat. Ang gayak n~g m~ga itó, ay m~ga lipas na sa "moda". Si
TIO BESTRE, ay nakasuot n~g isang "chaqueta" n~g m~ga tininté sa
barrio n~g panahong yumao n~g kastila. Ang magsisiganap n~g m~ga
tungkuling ito, ay nararapat na, ang kanilang isuot na damit ay iyong
nakatatawa. Ang m~ga bagong dating ay m~ga tagalog na napatirang
matagal sa isang nayon n~g Kapampan~gan.)



_Tagpo VIII._

=Ang mga dati at ang mga bagong dating.=


Tib:--(Mula sa loob) ¡Tuloy, tuloy kayo! ¡Sarang....! (Kay Baltazara)
¡Sarang ...! Eto, eto ang mga kaka! Nagsidating na kasama ang dalawa
nilang anak na kambal, iyong madalas na isulat sa atin noong hindi pa
malay na dumating dito sina Dewey.

Bal:--(Sa m~ga bagong dating) ¡Naku ...salamat sa Diyos, at na
ka-ala-ala pa kayo sa amin.

Tio Bes:--Bah, taganang maluwat nang tutu ing sa aming buri na dalawin
ikayu, pero dapo't, tutung marayu ing sa amin, saka ame karagul ing sa
kekaming gastus. Lalu na n~geni, malaki ing natuyot na pale sa kekami.

Bru:--(Sa sarile) ¡Diablo ...! Saan kaya nagsipangaling ang m~ga bikas
na ito? Ito ata ang tinatawag na antidiluviano ah! Naku, kung panahon
lang n~gayon n~g Karnabal, sinabi ko na sanang sila'y m~ga naka balat
kayo.

Tio Bes:--(Sa dalawa niyang anak) Oh, Beteng, Matia, ano, oh bakit
hindi kayo sumiklaud n~g gamad sa inyong bapa? ¿Nanung hihintain yu?

Tia Mar:--Yapin naman, obakit ekayu siklaud? ¡Diablus kong anak....!

Mat:--(Tatan~ganan ang kamay ni D. Tib.) Mano po, m~ga bapa. (Madalas
na sasabihen) Kamusta kayo, ali ko pu misasalunan? Ikami pu mayap,
lugud ing Ginung Dios. Nukarin lapú ding anak, kumusta la naman? ¿Nuya
pu karin ding kakung pinsana ¿Ala lapu?

Tib:--Naririto. (Kay Angeling) Angeling, heto ang m~ga pinsan mo.

Mat:--¡Ah, ikayu pala! ¡Kalaguyu! (Kay Angeling) Kumusta ka pisan,
nanu ing bili mu queti? Masaya ba queti quecayu, ja? ¿Ali ba masaya,
ja? (Madalas)

Ang:--(Sa sarile) ¡Naku, parang kalakwerda kung magsalita ito.

Mat:--(Kay Ang.) ¿Mayap wari? ¿Magpapasiyal ka baka queti
ben~giben~gi?

Bru:--(Sa sarile) ¡Tinamaan n~g....! Talo pa n~g babaeng ito ang
elektrika sa bilis kung magsalita ah.

Ang:--(Mamasdang patulala si Matea na hindi sasagutin, at pagkatapós
ay haharapin si D. Tib.) Tatay, nakú, napakadalas namang magsalita n~g
anak n~g Tio Bestre.

(Si BETENG na pagkakita sa mesedora ay umupo doon, mapapasigaw n~g
malakas, n~g ang naturang mesedora ay gumiwang.)

Bet:--(Lulundag) ¡Ba, dipaning alti ...!

Tib:--(Pagulat) Bakit, hijo, napano ka? ¿Ano ang nangyari?

Tio Bes:--(Kay Beteng) Oh, bakit, ¿mepilay ba ika?

Bet:--Ali pú, balaku pu mate naku.

Bru:--(Sa sarile) Sinasabi ko na n~ga ba kan~gina pa at gagawa ito n~g
aliwaswas eh ...Dagukan ko yata ah.

Ang:--(Kay D. Tib.) Papá ayoko nan~gang makipagusap sa anak n~g Tio
Bestre. Napakadalas magsalita. Nakabubuwisit ... ¡Nakú, masakit na po
ang ulo ko!

Tib:--Pasiensia ka na hija, at talagang ganiyan na iyan, buhat n~g
ipan~ganak. Pasusuhin pa lamang iyan eh, wala n~g lagot kung umiyak.

Bet:--(Lalapit sa kanyang ama. Mamasdan si Angeling at magsasabi.)
Tatang, buriqu ...

Bru:--(Sa sarile) ¡Nakita mo na, di ang hayop na ito'y tinawag pa n~g
buriko ang kanyang ama?

Tib:--(Kay Tio Bestre.) ¿Bakit, ka Bestre, ano ang nangyayare kay
Beteng?

Bet:--(Mamasdan uli si Angeling: Kay Tio Bestre.)
¡¡Tatang ...Tatang ...Barike.....!! (Maninigas.)

Tib:--(Gulilat) Aba, bakit, may sakit bang naninigas ang anak mo?

Tio Bes:--Oo, atin n~ga. (Bubuhatin nila ni D. Tiburcio si Beteng at
ilalagay sa kabilang mesedora: Pagkalagay doon, ay gigiwang na muli at
si Beteng ay lulundag sa takot.)

Bet:--(Gulilat) ¡¡¡Pigbun~ganapu ning al ...!!!

Tio Bes:--Bah, o bakit, nanung nangyayare sa iyo?

Bet:--O baquit gagalo ya ing sillang yan, malikiu ku.

Tio Bes:--(Parang galit) Beteng, huwag kang mamulang.

Bes:--Tatang, burike ing pinsan ku, i Angeling ...

Tio Bes:--Alika main~gay, sabe aku ing bahala.

Tib:--(Kay Tio Bestre.) Eh, ano ba, pinsan, ano at nakaisip kayong
dumalaw dito?

Tio Bes:--Mallari, ibig ko na sanang gawan natin ing pinagkayarian ta,
kanita pang limang taon n~gayon.

Tia Mar:--Ampong, maninap nakung maninap pamanlumbe sipitograpo, uling
babalita n~g kabisang Gusting kekami.

Tib:--(Kay Baltazara) Sarang, ito ang pinsan kong pinan~gakuang
pagpakasalan sa anak niyang lalake sa ating Angeling. N~gayon ay ibig
niyang matupad ang aking pan~gako, kaya't ang mabute ay, kausapin mo
ang ating anak. Ipina-aalaala ko sa iyo na sila'y mayaman, Hale na,
sulsulan mo na sana ang ating Angeling upang ibigin na si Beteng.

Bal:--Hindi ko masasangayunan ang iyong nais. Gayon man, ay
pagbibigyan kita. (Kay Angeling) Angeling, ibig daw n~g Tio Bestre mo
na ikaw ang mapan~gasawa n~g kaniyang anak na Beteng.

Ang:--(Pataka) ¿Ano ang sinabi ninyo, Nanay? ¿Pakasal ako sa
antipatikong iyan? Bah, mabuti pa'y uminom na ako n~g lason. (Pasamo)
Nanay, huwag kayong pumayag na ako'y makasal kay Beteng.

Bal:--Hayaan mo at ako ang bahala.

Ang:--(Kay Baltazara.) Nanay, pag ako'y pinilit n~g tatay, ay papasok
na akong monha.

Bal:--Lokang bata ito, hayaan mo't ako ang bahala (Kay D. Tib.) Tibo,
ayaw kay Beteng ang ating anak. May katwiran naman siya......

Tib:--(Galit) Pues, hindi mangyayare, Susunod at susunod siya sa
aking ibigin. No faltaba mas. N~gayon pa namang nagkayari na kami ni
ka Bestre.....¡Hindi mangyayare!......

Bal:--Aba, hindi naman ako makakapayag na ikasal ang aking anak sa di
niya nagugustuhan. Mangyare na ang mangyayare!!

Tib:--(Galit din) Sarang, sukat na ang pagsagot! Ayoko n~g sasagot ka
sa akin!... ¿Narin~gig mo ba?

Bal:--(Patuya.) Bah, para ka namang kaiser ah.

Tio Bes:--(Kay D. Tib.) Nung makanyan, pinsan aasahan ko na ang iyong
pan~gako.

Tib:--Oo, ka Bestre, asahan mo na....

Ang:--(Naririn~gig ang paguusap ni D. Tib. at Tio Bestro: Kay
Baltasara.) Nanay, huwag ninyo akong bayaan....Ipinan~gako ako n~g
Tatay sa Tio Beatre.

Bal:--Hayaan mo sabi at ako ang bahala, eh.

Mat:--(Kay Tio Bestre) Oh, Tatang, etamu lumbé cine? (Kay Angeling)
Pinsan, tukika quekami, ja? Tara na miblas. Nung mipuntaka karin
quekami, akit mula ding sesesen kung ayup, babi, manuk ampong ...

Tio Bes:--(Sa lahat) Bueno, itamung lahat lumaue cine pota.

Tib:--Kayo na lamang, ka Bestre.

Tio Bes:--Aba, alí mallari....Itamungan. Itamungan lumbé tamung
Cine....

Tib:--Bueno, tayong lahat ay pumasok. (Aparte) Naipan~gako ko pa
namang hindi na ako papasok sa Cine.

Bru:--(Kay Tib.) Eh, ako po ba'y hindi ninyo ipagsasama?

Tib:--Hindi. Ikaw ang matitira dito sa bahay.

Bru:--(Takot) Aba, aking pan~ginoon, natatakot po akong magisa dito.
Natatakot po ako..!

Tib:--Pasasamahan kita kay Martina, duwag!

Bru:--(Pataka. Galak.) ¿Ho? Aba....kung gayon po'y....masok na kayo
n~gayon din. Ang pagpasok po sa Cine, mientras maaga, ay mabute, dahil
na, baka hindi na tuloy ninyo matapos.

Tib:--(Sa kaniyang m~ga panauhin) Eh, siya, tayo na humapong maaga at
n~g makapasok agad sa Cine.

Tio Bes:--Yaping mabute. Tara na man~gan....

(Lahat ay magsisipasok. Mamasdang mabute ni Beteng si Angeling;
pandidilatan naman nito iyon n~g mata, matatakot si Beteng at
patakbong papasok.)

TABING.



=¡TAYO NA SA CINE....!=

=IKALAWANG KUWADRO=


Pagaañgat ng Tabing ay makikita ang larawan ng isang kilalang
lansañgan sa Maynila, na mangyayaring maging ang daang Azcarraga o
alin man ibang daan. Sa gitna, ay makikita ang panglabas (fachada) ng
isang mainam na Cine. Maraming tao na magyayaot dito sa naturang daan,
na ang ibá'y magsisipasok sa Cine matapos namakakuha sa taquilla ng
bilyete. Sa gawing kanan ng Cine, ay makikita ang isang tindahan na
may babala na: MONGO CON HIELO Y LECHE-EXTRA. Sa gawing kaliwa, ay
makikita naman ang isang babae na nagtitinda ng mga kakanin.
Mag-iikawalo't kalahati ng gabi.

Lalabas ang KORO ng BABAE at LALAKE, na nagsisiawit: Gabí.



_Tagpo I._

=Coro ng mga BABAE at LALAKE.=


Coro:--¡Tayo! ... ¡Tayo na sa Cine!
      Tayo nan~ga magliwaliw!
      ¡Anong inam! ¡Anong bute!
      Nang Cineng kawile-wile.

       Sa cine'y napapanood
      maraming kababalaghan
      Laging sayá ang pangdulot
      sa madlang nasasakitan.

       ¡Tayo!...¡Tayo na sa Cine!
      Tayo na n~ga magliwaliw!

       ¡Anong inam! ¡Anong bute!

       Nang Cineng kawile-wile...!


(Pagkatapos n~g pag-awit, magsisigawa n~g isang "evolución" at saka
magsisipasok sa pinto n~g Cine.)

Lalabas ang batang lalake, si PELI, at lalapit sa may tindang m~ga
kakanin.



_Tagpo II._.

=Ang TINDERA at si PELI=


Ten:--(Kay Peli) Ano, Peli, ¿Papasok ka na naman sa Cine?

Peli:--(Waring kagagaling pa lamang sa pagiyak.) Hindi po. Wala po
akong pera, eh.

Ten:--Bakit hindi ka humin~gi sa iyong Nanay?

Peli:--Humin~gi po ako, n~guni't, ang ibinigay po sa akin, ay palo.

Ten:--¿Ha? ¿At bakit?

Peli:--Mangyari po, n~g ako'y humihin~gi ay nataon naman na sila'y
napantoche sa pan~guingue, kaya po,t en vez na kuwalta, ang ibinigay
po sa akin ay palo at kurot.

(Lalabas sina LUISITO at MARCOS, buhat sa kaliwa.)



_Tagpo III._

=Sila din, at sina LUISITO at MARCOS=.


Mar:--(Kay Luisito) Luisito, dito ang mabuting paghihintay, n~g
makapangaliskis tayong mabute n~g m~ga dalaga.

Lui:--Ikaw naman ang taong wala nang na-aala-ala kundi ang dalaga. At,
minsan man, ay hindi ka na nagkasiya sa isang kasintahan. Marahil ang
puso mo'y walang iniwan sa repollong china.

Mar:--(Patawa) Nagsermon na naman si Padre Luis. Nalilimutan mo lamang
marahil kaibigan ang kasabihang: Pues que la vida es corta, soñemos,
alma, soñemos! Hale n~ga, sabihin mo n~ga naman, eh bakit ikaw, hindi
ka na nagsawa sa amerikanang de cinturon at sa di pagsusuot n~g
sumbalilo?

Lui:--Tao ka n~ga pala. ¿Hindi mo ba natatalos na iyan ang costumbre
americana?

Mar:--Naku, maniwala kang kung ang lahat n~g costumbre ang susundin
natin, eh hindi malayong, bukas o makalawa, ay maglagay ka na n~g
kumot sa ulo.

Lui:--Aba, iyan ang hindi ko magagawa.

Mar:--At, ¿bakit hindi? Eh, kung mamoda?

Lui:--Kahit na.

Mar:--(Pagkatapos na masdan ang bata: si Peli: Kay Luisito.) Luisito,
masdan mo ang batang iyan. (Ituturo si Peli na nakaupo.)

Lui:--¿Sino bang bata iyan?

Mar:--Iyan ang isa sa m~ga dakilang amateur n~g Cine. Walang gabi na
di nanasok sa Cine ang batang iyan.

Lui:--¿Gayon ba? ¡My God!

Mar:--Oo, maniwala ka. Halika't ating lapitan at kausapin tuloy,
samantalang hindi pa dumadating ang ating hinihintay. (Lalapit silang
dalawa, at kakausapin ni Marcos si Peli.) ¡Hooy, Peli, narito ka na
naman, ha? Tila nawiwili ka sa panonood n~g Cine, ano?

Peli:--(Pakimi) Kaunti po lamang.

Lui:--¿Bakit mo ba naiibigan ang Cine?

Peli:--Mangyari po'y sa Cine ako inpinan~ganak n~g aking nanay.

Mar:--¿Siyan~ga ba?

Peli:--Gayon po ang sabi n~g nanay ko sa akin. Buntis daw po silang
kagampan, n~g naisipan nilang masok sa Cine. Nan~gan~gahalati na daw
po ang pelikulang kanilang pinanonood, n~g ipinan~ganak nila ako.

Lui:--¿Saan ka inpinan~ganak?

Peli:--Sa Cine po.

Mar:--¡Jesus......!

Lui:--At, ¿ano daw naman ang pelikulang ilinalabas n~g ikaw ay
ipan~ganak?

Peli:--Zigomar daw po.

Lui:--(Sa sarile) ¡¡Que barba....ridad!!!....

Mar:--(Sa sarile) ¡¡¡Kay liit namang Zigomar nito....!!!

Lui:--(Kay Peli) Eh, ano naman ang in~ginalan n~g nanay mo sa iyo?

Peli:--Pelicula, po.

Mar:--¡Santa Barbara!.... (Makakarin~gig n~g yabag at sipol n~g auto:
kay Luisito.) Luisito, tila sila na ang dumarating. Hayan at sipol n~g
auto nina D. Tiburcio ang naririn~gig ko, ah.

Lui:--Sila nan~ga. ¡Salamat sa Dios! Tayo kumanlong.

(Lalabas sina D. TIBURCIO, BALTAZARA, ANGELING, TIO BESTRE, TIA
MARTINA, BETENG at MATIA. Ang tatlong nauuna, ay mabute ang gayak, ang
apat na huli, ay lalo pang nakatatawa ang m~ga suot.)

Mar:--(Kay Luisito.) Ang mabute. Luisito, ay pumasok muna tayo sa
magmomongo.

Lui:--Pakikita muna ako sumandali, at pagkatapos ay tumun~go tayo sa
mongo. (Sa sarile) ¡Sinabi ko na, at papagkakagastahin ako, ah....!
¡Ipapalo't ipapalo ang kaniyang kaliskis.....!



_Tagpo IV._

=Sila din, at ang mga bagong dating=.


Bet:--(Hilahila ang kanyang aso.) ¡Tatang, burique ing cacung pinsan.

Tio Bes:--Sinabi ko na sa keka, aku ing bahala.

Mat:--(Kay Angeling) Pinsan, iti wari ing cine? O, itang metun nanu
neman ing lagyu na?

Ang:--(Wala sa loob) Mongo con hielo.

Tib:--(Sa lahat) Siya, tayo na pumasok, mientras maaga, at n~g makauwi
agad.

Tio Bes:--Yaping mabute. Tarana. (Magkukunwang kukuha n~g kuwalta
upang ikuha n~g bilyete, n~guni't uunahan siya ni D. Tiburcio sa
taquilla. Si Tio Bestre ay lihim na tatawa. Si Beteng ay magaanyong
bibile n~g mani.)

Lalabas ang PULIS.



_Tagpo V._

=Sila din at ang PULIS=.


Pul:--(Pagkakita sa aso na hila-hila ni Beteng.) Se, jombre ¿cosa,
esti aso gat licencia? (Tatapikin sa balikat si Beteng, na pagka kita
nito, ay man~gan~gatog sa takot.)

Bet:--(Tatakbong lalapit sa ama niya.) Tatang dadakpanaku pu ning
pulis.

Tib:--(Sa Pulis) ¿Que es lo que quiere V.?

Pulis:--¡My God!... Mi quiere visto este licencia esti aso.

Tib:--(Kay Tio Bestre) Ka Bestre, dala ba ninyo ang bwis n~g inyong
aso?

Tio Bes:--(Patulala) Aba, ali. O bakit, ¿pati ba ing asu magbayad n~g
bwis queti sa Manila n~geni?

Tib:--Oo, ka Bestre. Dito sa Maynila, ay ibinubuwis n~gayon ang lahat.
Han~gin lamang ang hindi pa. Pag nagkabisala'y ito man ay ipagbabayad
na din.

Tio Bes:--(Galit) Bah, milalu na naman iyan.... ¡¡¡Tekalanapu ning ...
lintik ...!!

Pul:--(Kay D. Tib.) Cosa, esti aso no gat licencia?

Tib:--No tiene.

Pul:--(Pagkarin~gig sa sagot ni D. Tiburcio, ay pagtatangkaang agawin
kay Beteng ang aso.) ¡Ce, jombre, entrega conmigo esti aso.

Bet:--(Hindi ibibigay) Ba, aliku bisa. (Galit) Ing asung ini kanaku
ya, ¿bakit kuanan me? ¡¡Salbaje nakang tao....! ¿Anta, ika ing sinese
kanine? (Ituturo ang aso) Tabakan daka galang....(Sa ama niya) Oh,
tatang, bakit kakuanane nining Pulis ing asu ku?

Tio Bes:--Mallari alang cedula, o queti pala sa Maynila, pati asu
mamayad n~g cedula.

Pul:--(Dahil na ayaw ibigay ang aso ni Beteng, ay kukunin ang kaniyang
revolver.) Cosa, yu no dale conmigo esti yu aso?

Lahat:--(Maghihiyawan, pagkakitang tan~gan n~g Pulis ang revolver.)
Beteng, ibigay mo na ang aso! ¡ibie mune ing asú....!!

Pul:--(Tatagnan ang lubid n~g aso at aagawing pilit. Mabibitawan ni
Beteng ang aso.) Ahora, si yu quiere saca esti asu otra vez, puede
anda coral y paga diez peso. (Papasok na daladala ang aso.)

Bet:--(Pagpasok n~g Pulis, iiyak at maglulupasay na parang isang
bata.) Aruuuy.... kalulune rugú ing kakung asu.... (liyak n~g
malakas.) Sinese que pa namang mayap saka eni, quin~guane ning
dipaning....!!

Tio Bes:--(Kay Bet.) Beteng, ustuna n~g pag-quiac. Tarana lumbe Cine.

Bet:--(Iiyak n~g malakas pa sa una) Aliku, tatang, aliku bisa; ing asu
ku....!

Ang:--(Kay Balt.) Nanay, tignan n~ga ninyo ang naiibigan n~g tatay,
masahol pa sa pasusuhin ah....

Balt:--Tunay n~ga, iha.

Tib:--(Kay Tio Best) Ka Bestre, bakit ba naman dinala pa ni Beteng ang
aso niya?

Tio Bes:--Bah, mallari, siya ang sumese doon; saka dela niya, bang
regalo kanú queka. ¡Naku, taganang mahat sa kanyá ing asung iyon.

Tia: Mart:--(Kay Bet.) O, Beteng, ustuna. (Sa lahat) Tarana, lumub
tana qng Cine.

Tib:--(Sa lahat) Siya, tayo na pumasok. (Lahat ay magsisipasok.
Matitira si Angeling.)



_Tagpo VI._

=Si ANGELING at si LUISITO.=


Lui:--(Kay Ang.) Angeling, panahon na itong dapat nating samantalahin.

Ang:--Maghintay ka pa n~g ilang saglit.

Lui:--¿Maghintay pa?

Ang:--Oo. Pagka tayo umalis n~gayon din, ang dulo'y abutin tuloy tayo
n~g habol.

Lui:--At, ¿paano ang ibig mong gawin ko?

Ang:--Sinabi ko na sa iyong, maghintay ka pa n~g ilang saglit,

Lui:--¿Lalabas ka bang uli?

Ang;--Oo. Ang "chauffeur" namin ay pinagsabihan ko na. Hanggang
mamaya.

Lui:--¡Salamat ...!

Ang:--Hintain mo ako sa auto. (Papasok.)



_Tagpo VII_

=Si MARCOS at si LUISITO=


Mar:--(Kay Luisito) Ano, kaibigan; tila n~gayon ay, sigue Dagupan
kana, ha?

Lui:--Wala n~g kasalasala.

Mar:--Mabute. N~guni't, tila ang lalong magaling, ay magbihes ka muna,
at baka maamuyan ni Angeling.

Lui:--¿At, bakit?

Mar:--(Sa sarile) Bakit pa daw....(Hayag) Hale n~ga, amuyan mo n~ga
ang suot mong damit, kundi, amoy supot n~g bakang australiano. ¿Sino
ba ang naglalaba sa iyo?

Lui:--Makao, bakit?

Mar:--¡Kaya pala....!

Lui:--Puro biro ang katawan mo!

(Maririn~gig sa loob na ipalalagay na nagbubuhat sa cine, ang m~ga
hiyaw na: "Sigue" ... "Sigue" ... "Ibigay mo ang lines" ... "Ibigay mo
ang nueve", kasunod n~g palakpakan at baswitan. Lalabas si Tio Bestre,
at si Beteng, itong huli ay sapupo ang kaniyang tiyan.)



_Tagpo VIII_

=Tio BESTRE at si BETENG.=


Tio Bes:--Bah, Beteng, makanyan lamang pala ing Cine. Magdidilim
ampong sasala ... ¡Damongkal, makasira ya pa ng mata ...!

Bet:--Yapin, tatang. Atinaku maliliú. Saka, masaquit ya pa ing atyan
ku.

Tio Bes:--Saka purus mung halikan, ampong magnanakaw.

Bet:--Yapin pu, píro, masakit ku atian, tatang. Bisa
kung....(Ibubulong sa tain~ga ni Tio Bestre)

Tio Bes:--(Galit) ¡Demonios ...! Mallari, kumain ka n~g dakal na maní
ampong uminom ka n~g sorbetes ...! ¡Salbaje nakang tau ...!

Tara na qng lub ...! (Papasok silang dalawa. Magkakain~gay na muli sa
Cine. Lalabas si Tia Martina at Matea.)



_Tagpo IX._

=Si TIA MARTINA at si MARTA=


Mat:--Inang, inang, masakit ku buntuk ...

Mat:--¡¡Siablos, makanyan mu naman pala ing cineng amanuan da.
Makasakit ya palang buntuk....!!

Mat:--O, Inang, maliliu ku pu.

Tia Mart:--Bah, ing anaku, aku man, maliliu ku.

Mat:--Ing mayapa Inang, mulitana.

Tia Mart:--Ba, e maliari. Paintunan dacatamu di tatang mu.

Mat:--Ba, milalu naku saquit buntuk.

Tia Mart:--Tara, lumub tamung pasibayu.

(Papasok silang muli, at ulit na magsisigawan sa loob n~g cine gaya
n~g una.)

Lalabas si D. Tiburcio.



_Tagpo X._

=Si D. TIBURCIO, pagkatapos si BRUNO at si MARTINA.=


Tib:--(Lalabas) Talagang ako'y inaalat yata. Kung alin pa naman ang
aking pinakaiilagang makita sa Cine; Kung alin ang minamasama ko, ay
siya pang napanood n~gayon. At, ang hindi ko pa malaman, ay ang sanhi
n~g kung bakit sa tuwing ang ilalabas sa Cine ay m~ga pelikulang
"Indian at Cowboy", hindi na nanalong minsan man ang m~ga Indian, at
kung talunin pa sila, ay palakpakang wahumpay ang ginagawa n~g m~ga
nanonood. ¿Ano ang ibig sabihin n~g gayon?

Mart:--(Mula sa loob.) ¡Hayop!...¡Demonio!... ¡Walang hiya!
¡Isusumbong kita!... (Lalabas na kasunod si Bruno.)

Tib:--(Pagkakita sa dalawa.) ¿Bakit, Martina, ano ang nangyare Bruno?
¿Bakit ninyo iniwan ang bahay?

Mart:--(Iiyak) Mangyari po, iyang si Brunooooo, uuuhhh!!...

Bru:--(Gagayahan si Martina) Mangyare po, si Martina, uuuhhh.

Tib:--(Galit) ¡Demonio!...Magisaisa kayo sa pagsagot. Ikaw, Martina
ang siyang ang umuna. ¿Ano ang nangyare?

Mart:--(Paiyak na sasagot) Iyan pong si Bruno, pagkaalis ninyo, ay
isinarang lahat ang bintana pati pintuan at.....¡¡Naku ...!!
Napakahayup pong tao niyan ...!!

Tib:--(Kay Bruno: Galit). At, bakit mo naman ginawa ang gayon?
(Pipiralin sa tayn~ga)

Bru:--Kaya ko po lamang ginawa iyon, ay dahil siya ninyong utos.

Tib:--¿Ano, utos ko?

Bru:--Opo. Kan~gina po ay sinabi ninyo sai akin na, pagkatugtog n~g
ika 7 at kalahati n~g gabi, ay isara kong lahat ang pinto at bintana?

Tib:--(Sa sarile.) Tunay n~ga. (Sa dalawa) Siya, umui na kayo.

Mart:--(Paiyak) At, ¿paano po ako?

Bru:--Hayaan mo't ako, ang bahala.

Tib:--Siyan~ga, siya na ang bahala sa iyo. Hala magsiwí na kayo.

(Aalis silang dalawa. Si D. Tiburcio, ay papasok uli sa Cine. Lalabas
ang isang Pulis.)



_Tagpo XI._

=Ang PULIS lamang=


Pul:--(Dala ang isang pahayagan) Esti periodico, motso, jabla robo.
Every days, jabla robo. Every days, jabla olicem, Motso nakaw, pero,
mi no bisto nada jasta hora. (Palakpakan sa loob n~g Cine, kasabay n~g
sigawan)

Sa loob:--(Pahiyaw)!!Sigue ... Zigomar ... sigue!! (Palakpakan)

Pul:--(Gulilat) Cosa jabla esti jombres dentro cíne? (Anyong papasok
na tan~gan ang batuta.) ¿Aqui gat ladron?!My godness ...! ¡Oh, this is
creasy ...!...Mi cabeza motso loko ... Aquí dentro no ladron sino cine
nomas ...! This is.... ¡Oh, mi poco tempo, bamus casa con una señorita
motso rica, motso money, nomporta masque pea ... And, bay and bay, mi
vamus America y no more polis ... ¡Ja ...! ¡Ja ...! Este motso bueno
bisnes (Papasok na bumabaswit n~g isang "rag".)

(Lalabas si Angeling na parang lin~gas. Sasalubun~gin siya ni
Luisito.)



_Huling Tagpo._

=Si ANGELING at si LUISITO._


TUGTUGIN

Ang:--¡Luisito!

Lui:--¡Oh, Angeling!

Ang:--Paglisan na'y ating gawin.


Lui:-- ¡Oh, pan~garap kong nalaing,
       natupad ka at dinating!

        N~gayon di'y atin n~g lisan
      itong pook, at tumanan.

Ang:--  Luisito kong liniliyag
      laan ako sa iyong han~gad.

Lui:--  Tayo na't ating tungain
      saro n~g ating paggiliw.

Ang:--  Ang bawa't iyong mahiling,
      ay aking tatalimahin.


=SILANG DALAWA=


  Tayo na sa himpapawid
na pangdulot ay pag-ibig....
Doon, ang lahat ay tamis,
aliw, ligaya at....lan~git!

  Ating limutin ang hirap
at lasapin ay pagliyag.
¡Tayo sa bayang pan~garap
at doo'y, walang bagabag!


(Yayaon silang madali, at papasok sa kanan. Maririn~gig na dagli ang
sipol n~g "auto". Lalabas si D. Tiburcio na kasabay ang lahat, at
naghihiyawan.)

Lahat:--¡¡¡Angeling....!!!

Ten:--Bili na kayo n~g mané....

Tib:--¡¡¡Angeling....!!!

Peli:--(Sa lahat) ¿Sino pu ba ang hinahanap ninyo?

Bal:--Ang aming anak. ¿Nakita mo ba, among?

Peli:--Iyon po bang maganda?

Tib:--Oo, iyon n~ga, ¿saan naroroon?

Peli:--Tinan~gay po n~g lawin......

(Pagkarin~gig noon ni Beteng, ay hihimatain. Mapapatun~gan~gang
lahat.)

TABING.



=MGA KUROKURO=

¡CINEMATOGRAFO!


Ang "libreto" n~g "Zarzuelang" may tinurang pamagat, na buhat sa
panitik n~g manunulat sa dalawang wika, sa kastila at tagalog na si G.
José Maria Rivera ay nabasa ko at napanood ko pa n~g ganapin ang unang
tanghal sa Dulaang Rizal.

Sa tugmang ito ay ipinakilala n~g "Kumatha" na siya'y maalam sumulat
n~g dula; ang pagkakasunod n~g m~ga tagpo (escenas) ay napakahusay,
hindi nawawala ang "continuidad" na kailan~gan sa isang obra at ang
galaw at m~ga anyo n~g m~ga "personages"; ang paglalabas pumasok sa
tagpo ay ayos na ayos sa tinatawag na "mecenica teatral."

Ang "caracter" n~g m~ga personage ay hindi lumabo hanggang sa matapos.

Ang kanyang "vis comica" ay kilala na n~g madla. Ang pagkakalahok n~g
salitang kapampan~gan sa kanyang '"obra" ay totoong mainam at
matatawag nating "a lo hermanos Quíntero" na pawang nabantog at
nan~gagsidakila sa kanilang "sistema" na ang kanilang m~ga tugma na
tunay na wikang kastila ay nilalahukan n~g m~ga "dialectos españoles";
magpan~gayo'y hinahan~gaan n~g boong Esgaña ang magkapatid na
Quintero.

Pepe, magpatuloy ka sa landasing iyan n~g pagpapalago n~g ating
dulaan; ang pagsulat n~g mabubuting dula ay higit pa n~g
pagkamakabayan kay sa magmakisig na "politico".

_=Severino Reyes=_

       *       *       *       *       *

=ANG PAGKAMANGDUDULA NI RIVERA=

Si José M.a Rivera ó Pepe Rivera, gaya n~g karaniwang palayaw sa kanya
n~g kanyang m~ga kamanunulat at kaibigan, ay isang mangdudulang may
sariling gabay at sariling watawat. Siya ay lumalakad sa laran~gan n~g
pangdudula na masasabing hindi sumusunod sa ilaw n~g iba.

Nagbukas siya n~g landas na sarili niya, na sa kanyang pagasa'y
lalong malapit para sa ikapagtatamo niya n~g tagumpay. At ang pagasang
ito ni Pepe ay hindi nabigo. Kung ang tagumpay n~g mangdudula ay
nakikilala sa pagkatig sa piling niya n~g lalong marami't piling
nanohood, ang di gagaanong taong umuuhong lagi sa m~ga dulaan kailan
pa ma't itatanghal ang alin man sa kanyang m~ga akdang "M~ga
Pagkakataon," "Opereta"? at "M~ga Bin~gi", ay maliwanag nang patotoo
na ang tagumpay ay nasa kanya na. Anopa't sa ganang aking pagkapisil,
hindi na kailan~gan ni Rivera ang sumulat pa n~g lalong maraming katha
upang maging karapatdapat siya sa luklukan n~g ating m~ga
ipinagkakapuring man~ga mangdudula. Ang pagkamandudula n~g isang tao
ay dapat kilalanin hindi sa karamihan n~g dulang sinulat, kundi sa uri
at taglay na m~ga katan~gian n~g kanyang nakatha na. At inuulit kong
labis ang kanyang m~ga kathang nabanggit sa itaas, upang siya ay
mapapiling sa unahang hanay n~g ating m~ga maginoong guro n~g dulaan.


=_E.L. Valmonte,_=
Kinatawan ng AKLATANG BAYAN
Sa Kalipunan ng mga Samahang Mananagalog.


Maynila, Mayo 30, 1920.

       *       *       *       *       *

=SI PEPE M.a RIVERA=

Tao palibhasang may katutubong hilig sa pagsulat, hilig na nalalahukan
n~g sipag at tiyagang siyang pan~gunang kailan~gan sa m~ga kawal n~g
panitik, gaya n~g pagiging kailan~gan n~g tikin sa isang bangka,
kaya't hindi katakatakang si Pepe M.a Rivera, ang karapatdapat na
Pan~gulo n~g Ilaw at Panitik, ay maantayan natin n~g lalong kisig at
m~ga bun~gang hinog n~g kanyang halamang itinanim sa panahon, at
n~gayo'y malusog na nagbubun~ga.

Sa likod n~ga n~g may mahigit na dalawampung taong ginugol ni Rivera
sa kanyang paghahanda sa isang kabuhayang dapat niyang kapulhan n~g
suson susong putong n~g tagumpay, gaya n~g tinamo niya n~gayon sa
sunod-sunod halos na pagtatanghal n~g kanyang m~ga akda, ay di
katakatakang, ang lahat n~g humahan~ga sa kanyang panitik ay kapitan
siya n~g karapatdapat na taguring "hari n~g m~ga mapag-patawa".

Nariyan ang katan~gian ni Pepe. At hindi katakataka! Ang isang taong
pinagkalooban n~g Maykapal n~g isang loob na maluwag at isang
damdaming walang iwing pagiimbot na linangkapan n~g isang mukhang
wari'y nakan~giti sa lahat n~g oras, saan hindi ang kanyang
paguugali'y masisinag sa kanyang mga akdang sa twing itatanghal ay
"nagpapasakit n~g maraming tiyan".

=_Crispin._=

ANG MITHI, ika 28 Mayo, 1920.

       *       *       *       *       *

José M.a Rivera, con su esfuerzo personal verdaderamente laudable y
con su talento, ha llegado a una altura a la que ya quisieran llegar
muchos de nuestros autores dramáticos. Es de la madera de dramaturgos
y triunfará aún más. Comenzó a estrenar en el Teatro Rizal sus
primeras producciones dramáticas y que fueron del agrado del público.
Las operetas austriacas vertidas por él al tagalo y representadas con
éxito, diéronle además un notable prestigio como traductor,
distingiéndose además de los _adocenados_ como autor dramático.

Rivera es uno de nuestros contados aficionados a escribir obras
teatrales. Como tiene mucha voluntad, sobre todo constancia y esfuerzo
en el trabajo, se puede esperar mejores cosechas aún de su numen
creador é inventivo. En sus obras, en donde se exponen al estudio, a
la crítica y a la corrección, múltiples cuadros de costumbres locales,
se refleja ese afán de corregir y cortar ciertos vicios muy nuestros,
y ciertas imperfecciones tambien de órden social, habida consideracion
a la altura de la civilización en que parece encontrarse el país. Su
obra "Opereta?" que tantas veces figuró con éxito en los carteles y en
las tablas por ejemplo, es una prueba de esto que decimos. Es digno
de notar además en Rivera ese estilo jocoso y festivo con que están
escritas sus obras, lo que hace que estén á tono con nuestro público
que gusta de humorismos y chistes.

Doy mi mas sincero parabien al Sr. José M.a Rivera por sus esfuerzos y
aplicacion que le han conducido al éxito, al acometer una empresa tan
arriesgada y problemática como es la de escribir obras teatrales en
Filipinas ...

=_Jose G. Reyes._=

       *       *       *       *       *


=UN TRIUNFO DE RIVERA=

De tal podemos calificar, el que en la noche del 1.o de Junio obtuvo
nuestro querido colaborador D. José María Rivera estrenando en el
Teatro Rizal, tres de sus mejores obras, tituladas: "Cinematógrafo",
"Panibugho" (Celos) y "Mga Pagkakataon" (Coincidencias), en presencia
de numeroso y selecto público que acudió al coliseo avido de conocer
las últimas producciones de nuestro joven inteligente compañero.

En las tres obras líricas alcanzó Rivera un triunfo resonante,
acreditando una vez más ser él de la madera de los comediógrafos
modernos; que conoce palmo á palmo la mecánica teatral, y sobre todo,
ha justificado una vez más su genio como uno de los pocos dramaturgos
filipinos que con Severino Reyes, Patricio Mariano y Aurelio Tolentino
integran y son verdaderos prestigios del teatro tagalo.

Con el espíritu de imparcialidad en que siempre se inspiran nuestros
juicios, podrémos manifestar aquí sinceramente, que el Sr. José María
Rivera, es de los contados escritores dramáticos que para dar
verdadera vida a sus obras, sigue el derrotero trazado por los
escritores españoles de presentar en cada obra dramática tipos
regionales. En la zarzuela "Cinematógrafo" presenta Rivera el tipo de
unos montaraces, que faltos de sociabilidad, creyeron que Manila, es
tambien una montaña. Tanto en esta obrita como en "Panibugho" y "M~ga
Pagkakataon", nuestro apreciado colaborador ha conseguido triunfar en
toda la línea, asi como en su precioso monologo "Kakilakilabot" que
interpretó maravillosamente el mejor actor dramático filipino D.
Eusebio Constantino. El inspirado one-step del profesor Emilio A.
Aninao el primer filipino que ostenta el titulo de Profesor de
Armonia, titulado "José María Rivera", compuesto expresamente en honor
al beneficiado, gustó muchisímo al publico que al final la aplaudió.

Los artistas que tomaron parte en la representacion de las obritas del
Sr. Rivera, cumplieron como buenos en sus respectivos papeles. La
tiple Juanita Angeles, demostró, una vez mas dominio en las tablas y
la potencia de su voz. Desde los primeros momentos supo cautivar al
público que le aplaudió á rabiar. Ildefonsa Alianza, acreditó ser de
la madera de las buenas características. La tiple Feliza Buenaventura,
supo bordar con maestria su papel en "Cinematógrafo" y recibió tambien
muchos aplausos. Alfredo Ratia, el gran barítono de la Compañía que
dirije el dramaturgo D. Severino Reyes, demostró ser dignísimo hijo
del gran actor D. Nemesio Ratia, honra del teatro contemporáneo. Pepe
Suarez y Joaquin Gavino, así como tambien los Sres. Eusebio
Constantino, Eusebio Gabriel y Gregorio L. Lopez, contribuyeron mucho
al éxito alcanzado por el autor.

Y para terminar repitimos que Rivera ha triunfado en toda la línea,
por lo que el público le llamó muchas veces para aplaudirle
entruendosamente. A los muchos aplausos que tan querido compañero ha
recibido, une el FREE PRESS el suyo, entusiasta y sincero.

(FREE PRESS, Junio 15, 1918.)



=Parang Liham na Bukas=

K. Deogracias A. Rosario (alias) Delio. Taliba, Maynila.

Kasamang Delio:--

Yamang ikaw ang nakikilala kong "revistero" n~g TALIBA sa kanyang
pitak n~g m~ga Dulaan, ay minarapat kong sa iyo ibalita ang isang
bagong naisip ni Pepe Rivera. N~guni't, bago iyan, ay ibig ko munang
tumukoy n~g ilang bagay. Naalaala kong ikaw na rin ang nakapuna ukol
sa ginawang "recurso" n~g ilan sa ating m~ga "autores" sa pagtatanghal
n~g m~ga dulang tan~gi sa marami n~g m~ga _actores principales_ at
_secundarios_, ay napakarami pa rin ang m~ga "koro" na kung minsa'y
"nakasisinok" sa panlasa n~g m~ga nanonood. Napuna ko rin sa m~ga
nakaraan mong lathala, na tumukoy ka sa m~ga dulang "iilan" ang kanyang
m~ga "pesonaje" at sa pagtukoy mong ito ay nabanggit mo ang
"Panibugho" ni Pepe Rivera, ang "Dalawang Hangal" ni Moneng Ilagan, at
ang "Ana Maria" ni Ñol Binoy Reyes.

Ako'y sumaiyo n~g buong buo, sa iyong pagkukuro, na, upang makilala
ang "habilidad" n~g isang "autor" ay sa pagtatanghal n~g isang dulang
"iilan" ang m~ga taong gumagalaw, buháy ang m~ga tagpuan at busog sa
kasariwaan n~g isang diwang ibinubuhay o nilalayon. Sa tatlong katha
n~g m~ga beteranong mandudulang nabanggit ko na sa iyo, na kapwa ko
napanood, ay masasabi ko sa iyong isang katan~gitan~gi. Kung ang m~ga
isipan n~g "tatlong haring iyan", (tawagin na nating Hari), n~g ating
dulaan, ay maging isipan n~g marami nating mangangatha, ay hindi
malayong maiaagapay na rin natin ang ating dulaan sa taas at indayog
n~g m~ga isipan at sa kasaysayan din naman n~g m~ga mangangathang
hinahan~gaan natin sa ibayo n~g ating m~ga dagat.

Doon, sangayon sa ating m~ga nababasa, ay iilan sa maraming
manan~gatha, ang natatan~gi hindi dahil sa kanilang katalinuhan,
kundi sa m~ga katha nilang binubuo n~g iilang "personaje" lamang,
n~guni't sa "iilang" yaon, ay nandoon na ang lahat. Anopa't nakayayari
n~g isang buhay na kinalalarawanan n~g isang pangyayaring kung iisipin
lamang, ay masasabing hindi magaganap kung "iilang katao" ang
magsasagawa.

Nasabi ko ang ganyang malayang kurokuro, dahil sa nasaksihan ko, oo,
Kasamang Delio, nasaksihan n~g dalawa kung mata na ang m~ga kinatha
n~g tatlo nating "hari n~g sariling dulaan" ay hindi na maihuhuli,
maging sa layon, sa isipan, sa diwa at sa kabuuan man, n~g m~ga
nakatha n~g m~ga nabanggit ko nang mandudulang taga ibang lupa.

       *       *       *       *       *

Napaguusapan na rin lamang natin ang ukol sa m~ga dulaan, ay
maibabalita ko sa iyong ipalilimbag daw yata ni Rivera ang kanyang
dulang may isang yugto na pinamagatang "Cinematografo".

Ang dulang ito, ay napanood ko na sa unang pagtatanghal sa "Rizal", sa
kapakinaban~gan n~g kumatha. Pagkatapos kong mapanood, ay ako na rin
sa sarili ang nagtanong:

--Ano ang aking napanood? Isang dula lamang kayang "pasampay-bakod"?

--Oh, hindi,--ang akin ding sagot. Tal mente, ay hindi isang dula
lamang, manapa'y isang sinematograpong nan~gun~gusap at ang kanyang
layuni'y bumaka sa masasamang hilig n~g ating m~ga tao.

Ang "Cinematografo" ni Rivera, ay naglalayon n~g malalaking bagay na
tumutukoy sa masamang hilig n~g marami sa ating m~ga kapwa, na dahil
sa malaking hilig sa bisyo, ay napapabayaan ang lahat n~g gawain sa
sariling tahanan. Inilarawan din n~g kumatha, ang kasagwaan n~g ilang
tanod o tagapagin~gat n~g kapayapaan at tinuligsa ang kanilang
kasagwaan sa paggamit n~g kanilang tungkulin. At hindi pa iyan.
Sakali't ipalilimbag n~ga n~g Kasamang Rivera ang katha niyang ito,
(kahimanawari'y ipalimbag n~ga sana), ay mababasa n~g madla na isa sa
m~ga tagpo ay maguusap ang dalawang magkaibigan sa harap n~g pintuan
n~g isang Sine. Ibabalita n~g isa, na, may nalalaman siyang isang
kakilalang naglihi sa isa sa m~ga artista n~g isang pelikula at dahil
doo'y ginabigabi ang pagpasok sa alin mang sineng pagtanghalan sa
kanyang "favorito"; nagbuntis halos sa loob n~g sine, at nan~ganak,
oo, Kasamang Delio, nan~ganak sa loob din n~g kamalig n~g isang sine,
bagay na masasabing isang tunay na "barbaridad" na hindi makikita sa
ibang bayan.

Ang anak n~g naglihi sa nasabing artista, ay naging isang pusakal na
alagad n~g sinematograpo hanggang sa lumaki.

Inilarawan din ni Pepe sa kanyang dula ang ukol sa karaniwang
napagkikita natin, na ang sine ang siyang ginagawang paraan sa
pagtatanan n~g m~ga anak na napakakasal n~g hindi pa oras. At isa pa,
ang lalong kriminal, ay ang ukol sa m~ga pagnanakawang parang
itinuturo sa m~ga nanonood. Ang bahaging ito, ay pinagukulan n~g autor
n~g ilang "halibas" sa pamamagitan n~g paglalarawan n~g kasamaang
ibinubun~ga, lalo pa n~g napapanahon ang m~ga _Zigomar_ at m~ga
_Fantomas_.

Iyan, at m~ga iba pang tagay na pawang "sakit n~g Sangkatauhan" ang
kanyang binaka at kung tunay n~gang ipalilimbag, ay inaasahan kong
makatutulong n~g malaki sa pagpapaliwanag at pagbaka sa inaasal o
maling hilig n~g marami sa atin.

Tan~gi sa riyan, ay masasabi ko sa iyong ang pagpapalimbag na gagawin
ni Rivera sa kanyang "Cinematografo", ay makatutulong din naman sa
pagpapalaganap n~g Sariling Wika sa una, at sa pan~galawa'y
magkakapanahong mabasa n~g m~ga tumatangkilik sa dulaang tagalog ang
kanilang karaniwang nakikita't naririnig magbuhat sa esenario n~g
isang dulaan. Mabasa, oo n~ga, mabasa, at sa gayo'y mapagaralan nila't
masuri ang kahalagahan n~g ating m~ga dulaan na siyang tampok at
karan~galang masasabi n~g Lahi ni Balagtas, na hindi man karapatdapat,
ay kinabibilan~gan natin.

Kung hindi lamang inaakala kong pahahaba ang liham na ito, at may
isang gawain akong nakahahadlang sa akin, ay tutukuyin ko sana rito ang
lahat n~g nalalaman ko ukol sa m~ga katha ni Pepe Rivera. Gayon pa
man, at sa maiikling salita ay tumukoy rin tayo n~g pasapyaw.

Napanood mo ang tatlo niyang dulang "Panibugho", "M~ga Bin~ge" at
"M~ga pagkakataon," hindi ba?

N~gayon, sabihin mo sa akin kung ano ang iyong niloloob.

Sa kanyang "Panibugho", tan~gi sa nakatatawang pangyayari, ay
nakatutulong din sa pagbibigay liwanag sa nalalabuang isipan n~g mag
asawang (m~ga asawang babae ang tinutukoy ko rito), pagdaka't
magbubudhi na lamang at sukat, at hindi na sumasangguni sa kanyang
tapat na puso, kung namamali siya o kung hindi, at pagdaka'y
patatan~gay sa simbuyo n~g magdarayang damdamin, ¿Hindi ba tunay? Ang
kamaliang iyan, ay nagamot ni Rivera sa pagtatanghal n~g kanyang
"Panibugho".

Sa kanyang "M~ga Bin~ge" ay nakuha rin namang naipakilala ang
kadalubhasaan n~g kanyang panitik. Kanyang inilarawan n~g ganap na
ganap ang konsekuensiang laging ibinubun~ga n~g isang hindi
pagkakaunawaan, at tan~gi sa roo'y ginulo niya muna ang isip n~g
nanonood, at n~g lito na, ay "pinaglamas" niya ang salitaan, n~guni't,
pagkatapos, ay unti unting nagliliwanag hanggang sa niwakasan n~g
isang "pagkakataong" hindi inaantay na mangyari na ipinagkapalad ng
"isang hindi naghahanap" at "hindi nananadya". N~gayon kung sa
dalawang obrang iyan, ay nakuha kong naipakilala sa iyo ang
"kadiyaskihan" n~g ating Pepe, ay tignan naman natin ang kanyang
walang kamatayang "M~ga Pagkakataon", na habang tumatanda ay lalong
nagiging bata at na kahahalina sa puso n~g ating publiko.

Ano ang napuna mo sa "M~ga Pagkakataon"?

Sa "obrang" iyan, ay hindi pangkaraniwang talino ang pinuhunan ni
Rivera n~g kanyang sulatin. At, _sobre todo_,ay ang pagkakalagay n~g
pamagat. Nasabi ko tuloy na "kinasihan yata n~g Santong katutubo si
Pepe", sa kanyang "M~ga Pagkakataon", o talagang _natama sa mabuting
oras_.

Kalabisan pang ilarawan dito ang m~ga "kuntil butil" n~g "obra". Sukat
nang sabihin ko na sa "M~ga Pagkakataon", ay hindi dapat manood ang
isang tao o m~ga taong katatapos kumain lalo pa't busog, pagka't hindi
malayong saktan n~g tiyan o kaya'y _maapendesitis_. Itatanong mo sa
aking kung bakit? Saksi ka. Hindi ba't n~g mapanood natin, ay kaunti
ka nang pan~gapusan n~g hinin~ga dahil sa katatawa, bakit at si
Ballecer pa naman ang nag-Kosme? Hindi ba't sinabi mo pang, "ang
lalong matimpiin, ang lalong pihikan, "at ang lalo pa mang walang kibo
kahima't banal o simenarista pa siya ay tatawa, at tatawa pag napanood
ang "M~ga Pagkakataon"?

Tan~gi sa riya'y nagtuturo din naman sa isang magulang na ayaw
pabayaan ang hilig n~g isang anak lalo pa't sa gawang pagaasawa.

Dahil sa m~ga naipahayag kong iyan, ay inaasahan kong sa pagpapalimbag
ni Pepe n~g lalong mapatutunayan n~g madla kung tama o kung hindi ang
aking m~ga daglian pagkukuro hinggil sa kakayahan at sa "habilidad" ni
Pepe Maria Rivera sa gawang pagsulat.

Samantala'y magutos. Kumusta sa Katotong Crispin.


=_Remigio Mat. Castro_.=

Kalihim ng Ilaw at Panitik.

Marso, 15 n~g 1920.

       *       *       *       *       *


A beneficio de los incendiados de Cavite, la "Compañia Ilagan" dió una
función en el Teatro "Zorilla", en la noche del 6 de Mayo,
representandose tres obras de un acto de José Maria Rivera.

Pepe es un creador de tipos y se reveló en "Opereta", haciendo mover
en escena a dos tipos pueblerinos, uno del pasado, ignorante,
socarrón y desconfiado y otro del dia, aunque con reminiscencias del
de antaño, pero con más desparpajo, con más perspicacia.

Rivera al hacer mover en escena a esos tipos, a mas de ir dandolos a
conocer, pintando sus defectos para ser corregidos, regocija al
espectador con graciosas escenas.

En el escenario, este joven autor, completa la pintura haciendo hablar
a los muñecos en su dejo y estilo peculiares de la region
correspondiente. En esto, el autor tuvo un éxito completo, como
tambien en la presentacion de otro tipo popular, un cantante que fue
tambien caricaturizado de un modo acabado.

¡Bien por Rivera!

=_Alitaptap_.=

CONFETTI, 16 de Mayo de 1920


[Mga Patalastas]





*** End of this Doctrine Publishing Corporation Digital Book "Cinematografo" ***

Doctrine Publishing Corporation provides digitized public domain materials.
Public domain books belong to the public and we are merely their custodians.
This effort is time consuming and expensive, so in order to keep providing
this resource, we have taken steps to prevent abuse by commercial parties,
including placing technical restrictions on automated querying.

We also ask that you:

+ Make non-commercial use of the files We designed Doctrine Publishing
Corporation's ISYS search for use by individuals, and we request that you
use these files for personal, non-commercial purposes.

+ Refrain from automated querying Do not send automated queries of any sort
to Doctrine Publishing's system: If you are conducting research on machine
translation, optical character recognition or other areas where access to a
large amount of text is helpful, please contact us. We encourage the use of
public domain materials for these purposes and may be able to help.

+ Keep it legal -  Whatever your use, remember that you are responsible for
ensuring that what you are doing is legal. Do not assume that just because
we believe a book is in the public domain for users in the United States,
that the work is also in the public domain for users in other countries.
Whether a book is still in copyright varies from country to country, and we
can't offer guidance on whether any specific use of any specific book is
allowed. Please do not assume that a book's appearance in Doctrine Publishing
ISYS search  means it can be used in any manner anywhere in the world.
Copyright infringement liability can be quite severe.

About ISYS® Search Software
Established in 1988, ISYS Search Software is a global supplier of enterprise
search solutions for business and government.  The company's award-winning
software suite offers a broad range of search, navigation and discovery
solutions for desktop search, intranet search, SharePoint search and embedded
search applications.  ISYS has been deployed by thousands of organizations
operating in a variety of industries, including government, legal, law
enforcement, financial services, healthcare and recruitment.



Home