Home
  By Author [ A  B  C  D  E  F  G  H  I  J  K  L  M  N  O  P  Q  R  S  T  U  V  W  X  Y  Z |  Other Symbols ]
  By Title [ A  B  C  D  E  F  G  H  I  J  K  L  M  N  O  P  Q  R  S  T  U  V  W  X  Y  Z |  Other Symbols ]
  By Language
all Classics books content using ISYS

Download this book: [ ASCII | HTML | PDF ]

Look for this book on Amazon


We have new books nearly every day.
If you would like a news letter once a week or once a month
fill out this form and we will give you a summary of the books for that week or month by email.

Title: Ang Katipunan
Author: Francisco, Gabriel Beato
Language: Tagalog
As this book started as an ASCII text book there are no pictures available.


*** Start of this LibraryBlog Digital Book "Ang Katipunan" ***


University of Michigan.



[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
marked as ~g.]

[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa
upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon
ay hindi na ginagamit.]


ANG KATIPUNAN

ALIWAN NA MAY DALAUANG BAHAGUI

TUGMA NA SINULAT NI

Gabriel Beato Francisco

Nangyari sa pulo nang Lusong nang taong 1896

ICATLONG CASULATAN

MAYNILA

Limbagan nang: "La Democracia," Villalobos, 5 Quiapo.
1899.


=Lumabas nang minsan sa Teatro Oriental=


Ang may-ari ay natatahan sa daang S. Fernando, ika 16 na bahay,
Binundoc at sa ika 4 na bahay, nayon nang San, Roque, Sampalok.

       *       *       *       *       *

Ang aliwang ito ay nalathala na sa pamahayagang
ANG KAPATID NANG BAYAN.



=UNANG BAHAGUI=


Ang butod ng digmaan ay bundok: sa paanan nito ay pamumutihan nang
cahoy na lanca sa may mga buñga at bañgin na sagana sa baguing na cun
tatanauin sa ibaba ay may lansañgan. Pagcahaui nang telon ay aauitin
ang _CANTO NACIONAL FILIPINO_.

       *       *       *       *       *

=Música.=



  Ina naming Filipinas
sa sandaigdiga'y hayag,
ang cayaman at dilag
ualang sucat macatulad.

  Iyo namang caanacan
lahing sadya cung sa tapang,
di natatacot mamatay
at marunong magsangalang.

  Caya cayo lilo't tacsil
na castilang sinuñgaling,
dapat bayaran sa amin
inyong mga pag alipin.

  Lalo ang mga sucaban
na fraileng tampalasan,
ñgayon ay capanahunang
magbayad sa mga utang.


Pag-hinto nang-auit ay muling magsisitaban nang copa at saca
paguiguitna ang calahatan.


=Hablado.=

Josefo, Lusino, Kalingtong, Tomasa, Idéng at ilang mangluluas ng
gulay, na umaauit hangang tumatacbo.



UNANG DIGMA

Sila rin


JOSEFO.--Hali ... mga ale!...

LUSINO.--Dalí ... mamang cuán!...

KALINT.--Magsihimpil cayo!... (_ang katipunan ay naguupuan sa lilim
ng isang cahoy, at ng tauagan ang mga mangluluas ay nagtindigan_)

--cami'y balitaan!... ¿mayroong sundalo cayong nadaanan nacasabay
caya ó caya'y nasundan?...

TOMASA.--Uala po!... (_gulat._)

JOSEFO.--Uala! (_uurong at bubunutin ang sundang_).

TOMASA.--(_gulat_)--Uala po!...

JOSEFO.--(_magara_)--Uala baga sa boong paglacad cayong naquiquita.
(_hahakbang_ ...)

TOMASA.--Uala po!...

IDENG.--Uala po!... (_gulat na gulat_)

JOSEFO.--!Maguing sa Barrancá at mga pilipil na daanan nila!...

TOMASA.--Uala po!...

IDENG.--Uala po!... (_gulat na gulat_)

JOSEFO.--(_paiquit_)--Cun gayo'y caiñgat yaong mga lilo, tacsil,
buhong, sucab dito sa pisao co at mahabang tabac.

TOMASA.--¡Ina co!

JOSEFO.--Icao ay inanó at na paina!...

LUSINO.--- Magsilacad cayo at huag mañgamba at hindi aanhin naming
magcasama at ang madaana'y pauang mag-aadya.

TOMASA.--Cun gayo'y salamat!...

IDENG.--Cami po'y paalam!...

LUSINO.--Dios ang mag-in~gat sa boong lansañgan. (_Lalayo ng caunti_)

JOSEFO.--Catoto!... catoto!... sabihing maghintay at tayo'y humiñgi
ng canin at ulam.

LUSING.--Mga aling cuan!... mañgag hintay cayo!...

KALINT.--Duluguí....

LUSINO. (_lalapit_)--Ibabá ... sunong na bilao at cami'y iuanan ng
itso't tabaco na sucat macain sa tahanang cubo.

TOMASA. (_Ibababa_)--Cayo po'y cumuha

KALINT.--Iuan na ang lahat.

LUSINO.--Huag baga naman at cahabag-habag
(_sa cay Tomasa_)
--Ito'y quilala co na maraming anac
(_sa cay Ideng_)
--Si comare naman ay may amang bulag.

JOSEFO. (_Cucuha sa bilao_)--Maraming salamat!... salamat sa
inyo!...

TOMASA.--Cami'y lalacad na.

KALINT.--Mañgag tuling cayo.

(_Muling lalacad ang mga manglalacó._)



ICALAUANG DIGMA

Josefo at Lusino.


JOSEFO.--Hindi nauucol cañgino mang tauo balamin ang duk-hang may laco
sa ulo.

LUSINO--¡Ano ang gagauin!... tayo nama'y uala
ualang maibili at ualang masila
uala naman tayong sucat na magaua
sa mga mayamang lubhang masagana.

  Caya ang marapat ating pagtiimin
bagang at panigbi na nagcacadiin
ang gauang masama na masamang gauin
ay ipaquibilang sa gauang magaling.

  Yamang na rito na sa galás at gulod
na guinagalaan mailap na hayop
ang ating catauang sa palad ay capus
at hindi na mulat sa gubat at bundoc.

  At cun tayo naman ay magpapabaya
sa lagay na yari na caaba-aba
ating tatamuhin sa guinala-gala
lasapin ang dalo'y malamig na luha.

  At sa abang anyo di co acalain
matuyo ang damó na lagui sa lilim
uala namang inot, usala namang cusim
at ualang masabing nag gauad hilahil.

  Liban sa nangyaring aco ay natacot
sa unós ng bagyong nacaquiquilabot
caya sumaisip na bago macurot
pailanlang muna sa patoc ng bundoc.

  At cung naacalang tutubo sa cutad
ang binhi ni ama sa punlang sincamas
daco aabutin ang pagcabagabag
at di sasapitin ang ganitong hirap.

  Ñgayon co dinamdam ang saquit ng bato
cun tumitimo na sa talampacan co
ñgayon na danasan pagtulog sa cubo
at ñgayon lumacás ang aquing pagtacbó.

JOSEFO.--Aco caya naman dito ay sumapit
dahil sa hicayat ng isang caibig
ang mga tinuran ay napacatamis
at macahihibo sa pusong tahimic.
Aco na ñga sana'y di maniniuala
sa mga tinuran at isinalita.

LUSINO.--¿Baquin ca na tañgay ng dagta ng lanca?

JOSEFO.--Dahil sa mabañgo ang buñga sa lupa,
Na dili umano pilit magbubuig
dito sa Maynila puno ng lansones
cahiman bumaba hangang himpapauid
hindi tutulutan ng nunuñgong lañgit.

  Na ang ibubuñga maluoy sa uica
malunot sa sabi't mahulog sa lupa
caya mag tatamo ng mga biyaya
ang baua't maglinang sa mga tumana.

  At saca ñga ñgayon uala cahit isa
ang mayroon pusil at may escopeta
ualang cigarrillo, uala namang cuarta
at ang cabuhaya'y lanta pa sa lanta.

  Caya ang marapat ¡oh piling catoto....
tayo ay sumagui sa may Ermitaño
ó cun dili naman at loloobin mo
tayo ay pumaroon sa Byac-na-bató.

(_Muling magdadaan ang mga mangluluas ng gulay._)



ICATLONG DIGMA

Lusino, Josefo, Kalingtong, Tomasa, Ideng at ilang maggugulay gaya rin
nang una.


LUSINO.--¡Tigni ... mga mamá!...

JOSEFO.--Masdi ... mga ali!...
ang napadaluhong sa pagca lalaqui
cung mayroon muk-hang ipagcacapuri
sa Dios, sa patria at tauong marami.

  Caya ang marapat mga mamang cuan
ang itapong tiñgin cami'y balitaan
ng inyong naguita sa buong lansañgan
mula sa cay Cubau at ibang daanan.

TOMASA.--Uala pong balitang sucat na masabi
liban na sa tugué na na ipagbili
ng higuit at labis sa halagang dati
sa daan, sa bayan at hangang palenque.

LUSINO.--¡Ali!... hindi yaon ang ibig na turan ng aquing catotong
cadugtong nang buhay.

TOMASA.--¿At ano pong bagay?

LUSINO.--Cami'y balitaan, tuncol sa sundalong inyong na daanan.

TOMASA.--Mayroon po

LUSINO.--¿May sundalo ñga po baga?

TOMASA.--¡Siya ñga po! at na sa Baranca nañgag-uupuan ang magcacasama
at na sa cay Cubau ... ang canyo't bandera.

LUSINO.--Cun gayon catoto ay atin munang lisan
ang puno ng lanca't masayang batisan
ng upang tamuhin ang pagtatagumpay
sa bala ng mauser at iba pang bagay.

JOSEFO.--Cun siyang magaling....

KALINT.--Abata catoto!.... at narito na daw civil at sundalo may
canyon, bandera pimpiang at bombillo.

LUSINO.--¿Ano ang pasiya?

JOSEFO.--Magcubli na tayo sa gulod at galas mga cagubatan

LUSINO.--Ng upang madaquip ating macupohan duag na cazador at civil na
hunghang.



IKAAPAT NA DIGMA

Saca ang pinunong matapang sa patay.


JOSEFO.--Tanaui!... tanaui't di pa gumiguití
puñgapong sa gubat at viga sa lati
ang mga sundalo'y nagcaguiriguiri
ng pagtatacbuhan sa lunga'y pag oui.

  ¡Sinong mag-acalang ang tayog ng labong
tumuñgo sa lupa ng uala pang dahon!...
¿baquin caya baga biglang nalingatong
lahat ng casador ng ualang dagundong?

KALINT.--Marahil ang supot na pinag lalagyan
ng bala't pólvorang ipinamamayan
ay punó ng abó't ualang ilalaban
sa ating sundalo at bayaning cawal.

JOSEFO.--¡Di cung macaharap at tayo'y maquita
marahil ang tacbo ay laong lalo na
at ang masaguiang tauo, cahoy, vaca
mamatay sa ihet at sa pagtataua!...

  ¡Hindi co masabi na sa pagcaduag
sa macacalaban na uala pang armas
ó sa catacutan na baca mautas
ang hiniñgang tan~gan nacacauag-cuag!...

  Sa pagcat ang guilas na ating quilala
sa mga castila na magcacasama
higuit sa bayani at lubhang bihasa
sa paquiquidigma at paquiquibaca.

At saca ñga ñgayon ganito ang tacot
sa mga calaban na na sa tugatog.

KALINT.--Caya ang marapat ihiñgi cay Santos
ng bala at pólvora ang búroc ng itlog.

LUSINO.--¿Baquin caya baga ninasang mag tago
sa bañgin at gubat ng higuit sa pugo.



ICALIMANG DIGMA

Josefo, Lusino at Kalintong


JOSEFO.--Dahil sa balita na biglang lumago sa pitak ng dibdib at na
abang puso.

LUSINO.--Ang magaling nito tayo ay gumaua
muog na mataas, matibay na cuta
sa tabi ng daan at piling ng langca
ng may pañgublihan ating mga digma.

  Ng hindi mañganib sa tunog ng canyon
añgil ng mauser, siclab ng remington
sadyang pagtibayin at sa mga burol
ay may daang lihim na di manunuynoy.

JOSEFO.--Maiguing acala.

LUSINO.--Caya ang magaling
barreta at pala ñgayon din ay cunin
sa _Real batería_, at, ang unang hucayin
ang baybaying yaon. (_ituturo_)

JOSEFO.--Dito ipapaling
Pagcat may lusutang bañgin at batisan
sa luasan at hulo, sa caliua,t, canan
at may mga cahoy na lubhang malabay
na macalililim at may tatanauan.

  Caya ang mainam ay mayroong isa
sa cahoy na ito na may larga-vista
ng upang mamalas at caniyang maquita
lahat ng darating na macacabaca.

  Ang tatanod dito ay cung bababa man
ay pahahalili sa isang matapang
na di natatacot sa mga asuang
diwata at tictic, nuno,t, mangcuculam.

LUSINO.--Cun gayon catoto iyong ipag-utos sa mga bataang ganap na
sumunod.



ICAANIM NA DIGMA

Sila rin, si Tibó at ang cawal.


JOSEFO.--¿Nañgasaan cayo?

TIBÓ.--Cami po'y lincod sa lahat ng bagay na maipag-utos

JOSEFO.--Ang tactac at punque, pala at barreta
ay inyong caunin na magcacasama
tuloy na ilaquip ang palihoc at caua
ng may paglutuan itong ating tropa.

TIBÓ.--Sa lilim nang atas cami,i, uma ayos (_aalis_)

KALINT.--Cahimanauari, sa inyong pag sunod sa utos ng puno cayo,i, mga
tampoc at ang mga butse'y humiguet sa manoc.



IKAPITONG DIGMA

Lusino, Kalingtong, Tibó at ang cawal.


TIBÓ.--Nañgagsidating po ang pinag-utusan.

LUSINO.--Ang burol na yaon ang siyang tayuan ng muog at cutang
macasasangalang sa hocbo at digma ng lahat ng caual.

JOSEFO.--Sumulong na cayo,t humucay ng balon,
gumaua ng lapát, tumaga ng cahoy,
magsalá ng patpat, ang bato'y ubunton
ng hindi masira sa bala ng caniyon.

  Subu'i! datapua!...
(_lalabnutin ang buhoc_)--¡ualang magagaua!...
¡huag sasayañgin ang ating adhica!...
¡huag acsayahin pagod sa acalá
ng macapagtayo ng muog at cuta!...

  ¿Cun ang itutulo ng pauis sa hucay
ng sancá sa cuta ay maipagpantay
ng bundoc at burol na matataniman
ng café, abacá at ibang halaman?

  ¿Di caya mag-ani ng maraming pilac
mahitic na puri't masaganang hiyas
at sa haharapi'y ating mamamalas
ang buig ng tua sa sañga ng galac?

  O cun dili caya'y ating ipagtanim
sa buquid, tumana at mga caiñgin
ng palay at tubó, úbe, gabe,t ságuing
sa taong susunod daming aanihin.

  At sa haharapin, isang piquit-mata
ay may titibaing puno ng abacá
may buñga ang café't ang puno ng manga
ay hitic na hitic ang lahat ng sañga.

  Subali sa cuta mataas na muog
pagod, camatayan siyang mapupulot
at ang pita't dadalhin ng culog
sa galás at parang, gulod at tugatog.

  Ñguni! ñguni! ñguni! (_labnot din ang buhok_)
ito ang magaling
higuit sa halaman ating aanihin
walang pañginoong aalinsunurin
at ualang castilang sucat umalipin.



ICAWALONG DIGMA

Josefo, Lusino, Kalintong, saca si Tibó at ang cawal


JOSEFO.--Maa gaano caya ang taas at capal ng cutang na tayo sa may
calunuran.

LUSINO.--Acó ay tatauag sa nañgag huhucay ng upang mataho,t, ating
maalaman (_Hihipan ang silbato lilitao si Tibó_)

TIBÓ.--¡May ipag-uutos!

JOSEFO.--¿Naglagay ng pinit
na sucat lusutan ang hañgin at inet
cun baga sumagui ang mga balauis
sa maog at cuta at mga belenes?

TIBÓ.--Opo!...

JOSEFO.--¿Mayroon gaano ang capal at taas ng cuta sa may calunuran?

TIBÓ.--Higui't tatlong vara't ang mga cauayan ay may isang metro ang
baon sa hucay.

JOSEFO.--Cun gayo'y hauanan ang dacong itaas at saca patayin ang
maquitang landas.

LUSINO.--Ng upang mádali caunin ang lahat na na aamulan sa punong
bayabas.

KALINT.--¡Sulong na!... maglicsi!... haluan ng tacbo.

TIBÓ.--¡Cayo'y aquing lisan!...

KALINT.--Lumacad na cayo!...



ICASIYAM NA DIGMA

Sila rin.


JOSEFO.--Capag na ibañgon ang lahat ng ito
may catatagan na ang mga sundalo.

  At di magagahis cahit pag-ubusan
ng maraming tucso na ating calaban
at di mapapasoc saan man magdaan
ang mga castilang tunay na caauay.

  Liban cung magahol sa tinga't pólvora
at sa ... cani't ulam cung nag babaca na
subali sa tapang na aquing naquita
itac ay catimbang ng mauser nila.

  At cun dili baga pauang magagaling
ang mga sundalo at bataan natin
ang guloc at pisao na tañging patalim
di maisusuro sa bala ng mauser.

  Sa pagca't maicli't macaaabot
sa caya ng mixtong malacas sa culog
matulin sa quidlat at cung macatuhog
ang pambugang mansa'y caquilaquilabot.

  Subali ang mixtong aquing isinaysay
at ang licsi, lacas, dahas, catapañgan
capag sinarili at pinanghauacan
pilit magagahis ng macacaauay.

  Caya ang marapat sa pagcat uala na
tayong gagamiti't gagauing sandata
liban sa itiric ang dalauang mata
sa nunuñgong lañgit at daquilang gloria.

  At sa Dios Ama at Divino Verbo
sa Vírgen Santísima at lahat ng santo
ating idalañgin ang lahat ng ito
cahimanauari tayo ay manalo.

LUSINO.--Ang mauiuica co at maisasaysay
sa iyo catoto't piling caibigan
hangang masagunson bala ng calaban
mga bata natin padapain lamang.

  Saca cung lumalo putoc na sagunson
isibasib nila tabac na pang-lulong
hangang sa tumachó yaong mga buhong
huag ititiguil ang tagang palacol.

JOSEFO.--Gayon ñga ang gaua!... caya cung uariin
ng aquing pasiya, puso at panimdim
mga buhay nilang catulad ng atin
iniaalay na sa mga patalim.

  At sa camatayan na lilibot-libot
sa bundoc, sa bayan at mga alaboc
na di tumitiquil sa mga pagdampot
sa buhay ng tauo na guising at tulog.

LUSINO.--Ang sa aquin naman na pagcacamasid
sa mga caauay:--¡cun ano ang bilis
ng bala ng mauser, gayon din ang inet
ng gato't pag ilas sa lauac ng buquid!

KALINT.--¡Tunay caya baga lahat ng sinaysay
ng mga catoto't aquing caibigan
¡marahil ay hindi!... ¡pauang cabambanan
at ang ibang turing ay capalaluan!...



ICASAMPUNG DIGMA

Sila rin, saca si Tibó at ang cawal.


TIBÓ.--Inyo pong dalauin ang cuta at muog na lubhang mainam ang
pagcacaayos.

JOSEFO.--¿Tunay?

TIBÓ.--Tanauin mo po at macalulugod ang taas at capal, catulad ng
gulod.

JOSEFO.--Cung gayon ay bigyan ng hitso't tabaco
ang lahat ng cawal na doo'y dumaló
dalhan pa ng alac na na sa sa frasco
Jerez, Manzanilla at anis del mono.
(_Ipagcacaloob sa cawal ang lahat ng itó_)

TIBÓ.--Salamat! salamat!

KAWAL.--Mabuhay! mabuhay! ang ating pañgulo at bunying general!...

KALINT.--Hayo sumulong na! ang pagsusunuran ang inyong gagauin
magpacailan man.

JOSEFO.--Yamang na bañgon na ang muog at cuta
ng magcacapatid na aba at duc-ha
sa awa ng Dios at Poong daquila
na dunong tumiñgi't paham cumaliñga.

  Tayo namang lahat magtica't manalig
sa lahat ng santos at mga angeles
ng upang abutin ang pita at nais
sa dacong ibayo ng mga pañganib.

LUSINO.--Ang lalong mabuti tayo ay maghalal
isang pintacasing madadalañginan
sa lahat ng oras at sa paglalaban
ay iadya nauá sa mga caauay.

JOSEFO.--Cung gayon ang dapat ang ibunyi natin
angel ng príncipeng San Miguel Arcangel
ang siyang ihayag sa puso't panimdin
at siyang daiñgan saan man pumaling.

  Sa pagcat ang tapang ng principeng bunyi
sa lañgit at lupa ay di nagsagabi
at sa paglilincod sa Hari ng hari
palalong si Luzbel ay inalugami.

  Sa hirap, sa hapis at sa caabaan
at pinagpagdusa caloloua,t, catauan
sa alab ng apuy at sa casanaan
punong sinusunod noong mga hunghang.
Na mga demonio.

KALINT.--¡Mabuti!...

LUSINO.--¡Magaling!...

KALINT.--Maigueng pasiya ... at sa anting-anting na aquing iniñgat ...
na aayon mandin!... ang magandang atas dapat nating sundin.

JOSEFO.--Cun ang pasiya co ang paaayunan
si Chito ang ating suutan't gayacan
sa pagcat ang sabi at uica sa tanan
siya'y may daluping pinanghahauacan.

  Na cun ga totoo ating masusuboc
sa paquiquibaca at paquiquihamoc
sa loob at labas ng alin mang muog.

CHITO.--Sa bundoc, sa bayan, sa lupa't sa dagat
cun sa aquing galíng sila'y magugulat
sa hacbang, sa uacsí, sa acma't pagdilat
ng dalauang mata ...! yao na ang quidlat.

  Na aquing dalupi at ang anting-anting
cun siyang umiral ay lalong magaling
dahil sa itaas, boong pañgonorio
ay malalaro cong catulad ng hañgin.

KALINT.--Marahil totoo,t may catotohanan ang mga sinabi nitong
caibigan.

LUSINO.--Ng ating masuboc ñgayon din suutan saca paliparing tulad ng
asuang.



ICALABING-ISANG DIGMA

Sila rin.


JOSEFO.--¡Hayo na! ñgayon din!... Icao ay magsuot
ng gayac Arcangel, príncipe ng Dios
ng upang magligtas ang boong tugatog
sa bala ng Mauser at mga dayucdoc.
(_susu-utan_)

CHITO.--Sa aquin ay bagay ang gayac na ito.

KALINT.--Di nababagay sa iyong pagcatauo.

CHITO.--¿Baquin baga hindi ibig na catoto?...

KALINT.--Dahil sa caduagan at icao'y tatacbó,
sa siclab ng gato at haguing ng bala
at sa maaamuy baho ng pulborá
lalo kung sacsaquin ng macacabaca.

CHITO.--¿Di baga talos mo na di nagugulat
sa tonog ng culog at ningning ng quidlat
at di natatacot sa macacalamas
na may itác, pusil at anomang tabac?

KALINT.--(_Sa calahatang tauo_) Matindi ang cábag nitong si catoto!...
at masamang hañgin ang na sa sa ulo!

CHITO.--Ng iyong masuboc mga sinabi co damputin ang pusil ...
subuquing totoo!...

KALINT.--Ibig mo

CHITO.--Subuquin cung iyong tatablan ng tagá at sacsac at balang
maañgal.

KALINT.--Cung lumilipad na iyong mga bagang mangyayari caya muli pang
mabuhay?

CHITO.--Huag ang catauan ang iyong subuquin
cung mayroon tacot hinayang sa aquin
ang iyong unayan ng tagang madiin
itong baluti co na may anting-anting.

  At cung hindi tablan ng taga at sacsac
ay iyong barilin ng sa boong dahas
ng upang matalos ang buti cong hauac
at ng maniuala ang macamamalas.

KALINT.--Tignan co! tignan co! aquing susubuquin
ang daluping ito na lubhang magaling
ng nawa'y mahaui ang dauag sa bañgin
na nacasusucal sa iyong panimdim.

(_Tatabanan ang pusil at ang dalupi ay ilalagay na mabuti at saca
gagauaran ng putoc. Pagcahaui ng tunog ay tataua at sasayao si Chito
sa pagcat hindi tinablan._)


CHITO.--Cahiman mag-ubos ang galing at buti
hindi magcacagahi ang pagcalalaqui
di magugutlian ang taglay na puri
di masusugatan ang pagcabayani.

KALINT.--Diyata! diyata! hindi co tatablan
ang daluping itong ualang cabuluhan
asahan catoto abó na ñgang tunay
itong baluti mong pinacacamaha.
(_Muling gagauin ang pagsuboc, pasayao at pagtaua ni Chito._)

LUSINO.--Aco ñga! aco ñga! ang iyang susuboc sa anting-anting mong
pina-iimbulog.

CHITO.--Sa iyo'y sucat na ang galing sa bucboc at mulá sa lamgam,
maliit na lamok.

(_Itatago yaon, hahalinhan ng ibang balut at sa pagpipilit ni Lusino
na yan din ang caniyang masuboc ay aabutin ng pagbababa nang telon._)



=ICALAUANG BAHAGUI=


Mga katipunan: ang ilan ay naglilinis ng pusil, ang ilan naman ay
nagsasayauan at nag-aauitan at ang ilang babaye ay naliligo sa batis.



=Hablado=


UNANG DIGMA

Si Chito ay gayac lacayo, caya ñga ang cuaco at calicot ay capua biyas
ng cauayang malaquit at papasoc ng papatacbo.


CHITO.--Magsiquilos cayo at nañgarito na culog sa Cartago at lintic sa
Grecia. (_Magugulo ang sayauan._)

LUSINO.--¿At saan na roon?

CHITO.--Sa Real batería.
(_Ang putucan ay maririñgig mula sa loob._)

LUSINO.--Tauaguin sa batis ang mga babaye.

KALINT.--¿Ano?

LUSINO.--Caunin mo ang sinta co't casi na na sa batisan casama ng ale
at dalauang bata na capua lalaqui.

JOSEFO.--(_Papasoc na nag-cacandarapa_)
 Magmadali cayo at nañgarito na
ang mga sundalo, casador at guardia
ang na sa cataua'y mauser at pistola
mayroong músico, tambor at corneta.

DÁMASA.--¡Ina co!

DORAY.--¡Ay Dios!

JOSEFO.--Huag cayong matacot
huag pahinain ang sariling loob
sa nayon, sa bayan, sa parang at bundoc
ay may camatayan na lilibot-libot.

KALINT.--¡Sulong na! (_Cay Dámasa_)

DÁMASA. (Sa mga bata)--¡Mag-madali, mga anac co tayo'y aabutin ng mga
sundalo

DORAY.--¡Ang aquing blanquete!

IDENG.--Ang aquing postizo.

CHITO.--¡Ang aquing calicot!... at ... ang aquing cuaco

KALINT.--(_Sa mga babaye_) Anong na isipa't, cayo ay sumunod sa hihip
ng hañgin na mulá sa timog?

CHITO.--Dahil sa ... panibugho at sa pagseselos at ang calandian ay
dalhin sa bundoc.

DORAY.--¡Oho!

CHITO.--Tila hindi!...

KALINT.--¿At saan pa baga?

CHITO.--Sa panibugho ñga sa sintang asaua

(_Putucan sa loob ng digmaan, si Doray ay magtatabon ng layac_).

DÁMASA.--¡Lusino! ¡Lusino! ¿nasaan ca baga?
¡icaw ay umilag sa ulan ng bala!...
¡Lusino! ¡Lusino! cami ay itago
sa cugon, talahib at layac na tuyó.

LUSINO.--Dito magsihiga!... sa pagcat malagó ang luya luyaha't
naglauit ang dapo (_Putucan_).
--Subsob na Dámasa!

DÁMASA.--¿Saan baga Sinong?

LUSINO.--¡Dito sa talahib!... dito! dito! dito! iyo ng isubsob matigas
mong ulo (_Mahihiga at tatabunan ng layac_)

DÁMASA.--Lusino, halica! ¡halica Lusino!

LUSINO.--Aco ay narito sa puno ng manga itupi ang bibig huag
mag-alala.

CHITO.--Cahit humahañgi't umulan ng bala iyong panibugho'y hindi na
nag baua.



ICALAWANG DIGMA

Si Chito ay magtatabon na nacalitaw ang puit.


KALINT.--Yamang naliligpit ang mga babaye
tayo namang lahat sa gubat mañguble
pagcat ang calaban ay lubhang marami
at di mag gapi ng pagcabayani.

LUSINO.--Cun gayon ang uica ¡abata!

KALINT.--¡Abata!

CHITO.--Huag acong iuan! (_babañgon_)

LUSINO.--¡Huag cang sumama!

CHITO.--Aquing ilalaban calicot cong dala! ¿Ito bagang talim ng aquing
nalicot di maipapantay sa talas ng guloc?

KALINT.--Cung gayo'y abata!

CHITO.--Hintay mga irog at ang aquing cuaco ay nag-iinusoc (_Sususuhan
at saca hihititin_)

KALINT.--¡Madali!

LUSINO.--¡Madali!

CHITO.--Hintay cayo! hintay!
aco ay ñgañgañga ng upang tumagal
(_Babataquin ang languay at saca magcacalicot_)
at baca sacali tayo ay malaban
sa mga castila na pauang sucaban.

KALINT.--¡Madali!

LUSINO.--¡Madali!

CHITO.--Hintay! hintay cayo!
madaling maluba ang ikmong Patero
at cung malalaban mahiguit sa ikmo
ang aquing gagauin sa lahat ng lilo.



ICATLONG DIGMA

Ang mga cazadores, civil, voluntarios at infantería ay masasalubong ni
Tecla at ni Paco.


PEÑA.--Capagca umaga na macaliuay-uay
cami ay umalis sa cuartel general
na ang tica't nasa gubati't looban
lahat ng himacsic sa bundoc at parang.

  Unang dinaana'y ban~gin, sapa, gubat,
matulis na bató, matinic na dauag
na sa baua't hakbang ay may nadudulas
at may nadadapa sa lumot at lusac.

  Dahil sa sinagui nayong Balangutan
na sacop ng Turic, lupang Capampañgan
hangang sa sinapit patoc ng Magalang
na lubhang mataas, malapad ang parang.

  At sa laquing pagod sa pagcacalakad
sa buquid, sa parang, sa gulod, sa galás
ng aming sapitin licod ng Arayat
di na macahakbang ang paa sa dulas.

  Caya sa pag hacbang at mga pag liñga
sa bañgin, bulaos, sapa at tumana
cung aco'y maluhod at saca mahiga
hindi co na ibig bumañgon pang cusa.

  At sa gayong hirap uala cahit isa
matanaw na tauo at ualang maquita
isa man lang cubong mag-gauad guinhaua
sa malaquing pagal na aming dinala.

  Subali mayroon caming naririñgig
na putoc at siclab sa mga talahib
dapua hindi naman abutan ng masid
at hindi matunton ang landas at batis.

  Sa gayon ng gayon ibinalic cami
sa dacong hilaga, nugnog ng Camansi
ng uala rin namang maquitang bubuli
siya ñgang pag-oui cahit hating-gabi.

PACO.--Cun gayo'y humimpil at magpahiñgalay ng upang mahaui ang
matinding pagal.

TEKLA.--Tayo ay humapon at may nalalaan na caunting caya sa tahanang
bahay.



ICAAPAT NA DIGMA

Dámasa, Doray, Kalintong, Nonato, Chito.


DORAY.--Mabuti at hindi aco'y na yuracan
ng mga sundalo ng sila'y magdaan
at di man naquita ang paa at camay
doon sa bulaos na quinasubsuban.

KALINT.--Cun hindi magaling ang aquing tagalpo marahil na sagui sa
pagcacatago.

NONATO.--Ang aquing balani cun di naisubo tayo ay binañgaw at ñgayo'y
mabaho.

CHITO.--Cun ako'y quinilos ay naquita sana
ng mga sundalo ang dahas at sigla
at tuloy na suboc ang aquing sandata
talim ng calicot higuit sa muhara.
(_Saca bubunutin ang talim ng calicot._)

  ¿Dito baga caya ay may pananalo
bayoneta, sable at armas de fuego?
sa banta co'y hindi ... lalo,t, cun ang itso
ay aquing bayuhin sa anyo cong ito.
(_Maninincayad saca magcacalicot._)

  At cun di matacot silang calahatan
sa aquing calicot na cahahañgaan
ito namang cuaco siyang sususuhan
hangang sa umalis at mañgagtacbuhan.

DÁMASA.--(_Papasoc ng papatacbó at acay ang mga bata_) Dañgan ito!
(_babatucan si Chito_)

CHITO.--¿Baquin?

DÁMASA.--Dahil cay Cundendeng
at cay Lusinong nagtago sa bañgin
na di mailayo at casiping-siping
tulad sa pistola at sa pasang pusil
(_Si Chito ay mapapatañga_)

  Sa pagcahiga co sa pinagtaguan
aquing naquiquita lahat ng mag daan
caya n~ga marami ang dami ng hilang
ng mga sundalong pauang sandatahan.

  Sa bagay na yaon aco'y umaasa
di na mabubuhay, di na magquiquita
n~guni si Lusino ang na ala-ala
cung aquing maiua'y ¡pano caya baga!...

CHITO.--¡Si Lusino! ¡at si!... (_taua_) caya di lumapit
sa inyong mag ina na na sa pañganib
dahil cay Cundendeng sininta ng labis
at di mailayó sa caniyang titig.

  Caya ñga cagabi siya ang casama
at doon nañgubli sa puno ng manga
at pagcacamulat ng canilang mata
ang unang ininom ay gatas ng vaca.

DÁMASA.--Tunay ñguni baga ang iyong sinaysay

DORAY.--¡Aba! oo!... aba! at sa catunayan
hindi naquihamoc ng nag puputucan,
cami ni Kalintong ay pinabayaan.

  Caya ng maubos ang aming municion
aming hinahanap laguing liniliñgon
yaong si Cundende ang cacandong-candong
pagcat umi-iñget at luluñgoy-luñgoy.



ICALIMANG DIGMA

Sila rin.


KALINT.--(_Papasoc ng papatacbo_) ¡inyo ñgang tanauin mga casi't ibig
at tila caauay itong nagbabalic.

DORAY.--¡Jesús co!

DÁMASA.--Jesus co! anong masasapit naming mag-iina?... ¡mataas na
lañgit!...

DORAY.--¡Huag cang maiñgay!--¡huag cang cumibo!... ¡aquing tanauin!
... (_tutuntong sa isang bato_).

DÁMASA.--(_Magugulat_)--¡Cami'y mag tatago sa gubat, sa bañgin at sa
dacong hulo ng bañgin ñgang itong maraeng lagulo!

DORAY.--¡Halica at hindi!... at ang na sa una
ang iyong Lusino at ilang casama
na pauang may pasang pusil at sandata
at ang iba naman bitbit ay muhara.

DÁMASA.--Salamat cun gayon.



ICAANIM NA DIGMA

Papasoc si Lusino at si Beteng ay naca mambisa.


JOSEFO.--(_sa cay Lusino_)--¡Catoto't caibigan!
mula sa malayo'y aquing natanauan
sinta mong asaua ay na hintacutan
sa mga sacuna at ating pagdatal.

LUSINO.--¿Cung matalos caya ang ating na sapit sa sumaguing unos ay
hindi mahapis?

JOSEFO.--Marahil malunos at sucat maamis ang puso't panimdim na calong
ng dibdib.

LUSINO.--¡Cung gayo'y ilihim!... ¡huag isalita ang boong nangyari sa
lilim ng lanca.



ICAPITONG DIGMA

Si Dámasa'y dudulog cay Lusino at cay Kalingtong


DÁMASA.--¡Catoto at casi!... ¡batis ng biyaya
¡aco ay haguisan ng ilang balita!...

  Ng tungcol sa digma na nacalingatong
sa parang at bundoc at loob ng nayon
na dili umano cayo'y nañga gahol
at nañgahirapan ... caya nag si urong.

  Sa bulaos, sapa at ibang cublihan
ng usang mailap na tubo sa parang
caya may nagtago sa gubat-gubatan
at lubhang pañganib nasapit ng buhay.

LUSINO.--Cung yao'y totoo! ñguni ng magalit
ang lahat ng cawal ay muling nag balic
at saca hinabol ang mga balauis
hangang sa S. Juan sila'y inihatid.

  At sa catunayan ay aquing nacuha
reló ng capitan, at sable ni Peña
gayon ang patupat, mariquit na pipa
saca ang bursigueng macapal ang suela.

BETENG.--Lahat mong sinabi'y ualang cabuluhan
sa aquing na cuha na sadyang mainam
tigni at mambisa ang na sa catauan
puno ng galletas ibang cabuhayan.

  Ang lahat ng bulsa na paliguid-liguid
sa aquing catauan ay siguic na siguic
tignan at may lata, tinapay, matamis
at may medalla pang sa dibdib pang sabit.

  Bucod pa ang pipa, itso't cigarillo
tabacong _Insular_ at anis del mono
bucod ang salapi at papel de Banco
bucod ang peseta't bucod ang mamiso.

DÁMASA.--Cung gayon catoto aco'y balatuhan
ng mabibili sa pabañgo,t, suclay
saca sa banquete postiso,t, pamaypay.

BETENG.--Ayaw aco, ayaw!

DÁMASA.--Aco'y iyong bigyan.

BETENG.--Ayaw aco, ayaw!

LUSINO.--Bigyan na

KALINT.--Bigyan na

BETENG.--Bigyan co ng ano

LUSINO.--Bigyan mo ng cuarta

BETENG.--Ayaw! ayaw! ayaw aco

LUSINO.--Ayaw ca ñga ba

BETENG.--Aba at nagalit ... toma!

DÁMASA.--Ayaw co na.

(_Uulit-ulitin ang toma at ayaw co na_)



ICAWALONG DIGMA

Pagpasoc ang mga voluntario sa Casino at si Tomás ang mañguñguna sa
caramihan ng mga bahay na na sa itaas.


RICO.--Tomás! (_Hindi madidiñgig_)

PEÑA.--Tomás! (_Sasagot mula sa malayo_)

TOMÁS.--Señor! (_saca lalapit_)

PEÑA.--¿Cañginong tahanan camalig na yaon at malaquing bahay na na sa
caliua at na sa sa canan?

TOMÁS.--Sa cay Juan Haring quilala ng tanan.

  Isa'y alilisan malaquing camalig
dalawa ay bañgan ng palay at guilic
caya ñga sagana ang mga himacaic
at di magugutom cahit ang masapit.

Abutin ng buan, bumilang ng taon
at gumala-gala sa bañgin at burol.

PEÑA.--Cung gayo'y sunuguin ... sulsulan ng apuy
ng ualang siluñga't di macapag pulong.
At ualang macain sa bundoc at parang
ang mga himacsic lilong katipunan.

RICO.--Hayo na ... suluñgi!

TOMÁS.--Cung gayon ang saysay sa isang pósporo sunog na ñgang tunay
(_bubunutin ang pósporo at saca lalacad_)

RICO.--Maghintay ca! Tomás! at cami'y sasama baca ca mapatay ay di na
maquita ang iyong urilat at bacas ng paa.

TOMÁS.--Di po na gulubat ng sa gayong lamang.

RICO.--Di ca natatacot sa mga caauay na pauang may guloc at sucsoc ng
sundang.

TOMÁS.--Capag sa castila ay mahihiualay.

  Aco'y matatacot sa magcacapatid
noong katipunan na pauang balauis
na uala ñgang gaua sa parang at buquid
cung hindi mag nacaw at mag-umit-umit.

  Dañgan at ang culay tunay na tagalog
di maicaila at dito sumipot
tatalicdan co na't itulad sa hayop
tanang cababayan na pauang balacyot.

Caya ñga po aco'y nagcacamit hiya
tauaguing tagalog, tubo sa Maynila.

RICO.--Cun gayon ay ¡Bravo! (_tatapiquin_)

PEÑA.--(_tatapiquin_)--Uala cang camuc-ha!

RICO.--¡Bravo! ¡bravo!

PEÑA.--¡Bravo! ito ñga ang bata

RICO.--Cun gayo'y abatá at ating sunuguin bahay at camalig ng lilo at
tacsil.

(_Yayao ang mga voluntario sa caliua at susunuguin ang mga bahay na na
tatanao; siya namang pagpasoc ni Juan Hari, ni hermana Goria, ni
tininteng Isiong at ilang capit bahay_)



ICASIYAM NA DIGMA

Samantalang sinusunog.


JUAN.--Ang aquing tahana'y inacyat pinanhic
ng mga sucabang mahiguit sa ganid.

  Quinuha sa caban cuartang naiipon
ang guinto'y sa pitac noong aparador
ang papel de Banco ay sa isang cahon
at ang mga pilac sa lalagyang baul.

  At saca sinunog damit na pangbahay
hinacot ang bigas na na sa bigasan
ang bañga'y inabó, at sa alilisan
hinacot ang pilon ng mga asucal.

  Saca ang calabaw, buo't mga guya
sa buquid at parang nag laboy, nag-gala
hinuli, inacay at ang boong nasa
iowi sa bayan, dalhin sa Maynila.

ISIONG.--Sa aquin mang bahay ualang itinira ang mga alictiyang dusing
ng corona.

GORIA.--Di magcacagayon cun ang nañguñguna na tenienteng Tomás ...
(_aagauin ang pagsasalita_)

JUAN.--¡Sucat na! ¡sucat na!...

  Siya ang nag-wicang bahay co'y sunuguin
abuhin ang bañga't calabaw'y lipulin
cadugtong pag-wica ng lilo at tacsil
lahat ng lalaqui huli't patayin.

  Caya ñga nag tago lalaqui sa bahay
cumubli sa galás at gubat-gubatan
ng hindi abutin ng mga sucaban
na sadyang humanap ng icabubuhay.

GORIA.--Sa bahay co naman guinanang pagpanhic
aquing mga carmen na na sa sa liig
dinurog, linuray, pinagpunit-punit
gayon ang estampang sa dinding nag sabit.

  Saca ng macuha ang aquing postiso
sa pinit ng silid, maliit na cuarto
guinuso't guiniic saca ibinató
sa dapugang calan na punó ng abó.

  Sa pag hahalucay sa pitak ng mesa
blanquete co naman ang siyang nacuha
at inahilamus sa mukha at taiñga
at di co malaman ang naguing figura.



ICASAMPUONG DIGMA

Papasoc ng papatakbo at matatanaw na inilalacad na ang mga anwang.


URBANO.--May apat na puo calabaw na acay si tiniente Tomás ang na sa
unahan.

GORIA.--Ayun ñga ang mga ... (_Ituturo_)

JUAN.--(_Ituturo din_)--At nag tatauanan dahil sa marami canilang na
nacaw.

ISIONG.--At may naaancás na maraming saco
ng palay at bigás, darác, ipá't abó
at ang madaanang guya, bulabó't aso
ay inaacay din at itinatacbo.
(_Ang un~ga ng m~ga calabaw ay maririn~gig_)

JUAN.--Ang lahat ng bagay ating matitiis
sa pagcat linoob ng nunuñgong lañgit
subali capagca Dios ang nagsulit
na magbubunga na mabuig na lansones.

  Tanda't mag-aani sa nayon at bayan
ang magcacapatid nitong katipunan
saca magsisisi ang lahat ng hunghang
gaya niyang lilong ating cababayan.

  At pacaasahang ualang pagbubula
itong sasabihin sa bató itaga
yamang di nasupil ng mga castila
ang bugsong nagdaan na camunsing baha.

  Di na maa-auat ang baha ng dugo
hangang sa umapaw sa luasan at hulo
at ang kalayaan na nasa ng puso
di na masusupil sa caniyang paglago.

  Caya cun ang aquing bañga't alilisan
inabó't sinunog ng mga sucaban
at ang pag aari sa loob ng bahay
quinuha, guinagá at canilang sinamsam.

  Hindi isasama niyaring aquing loob
at di dadalawin camunsi man lungcot
at cahit inacay ang lahat ng hayop
at quinacain pa ñga ang itlog ng manoc.

  Ñguni ang puso co'y walang pagpalagyan
galit sa nagnacaw na mga sucaban
caya ñga ... caya ñga ... ang subali lamang
ang canilang samá ay baka tañgisan.

  O caya'y magsisi araw cung dumating
ng pagpaparusa sa lahat ng tacsil
sa pagcat di taus sa puso't panimdim
ang guinaua nila na nacalalaguim.

  Laman ng catauan higuit sa quinurot
at di mangyayaring malibing sa limot
baca ang masapit matimbang sa hayop
ang canilang buhay na iimbog-imbog.

ISIONG.--Sa aquin mga bulo dapat mag alala
si Rico't si Tomás capua palamara
pagca't ang panaho'y di maquiquita
cun saan hihimpil at saan hahanga.

URBANO.--Gayon din sa aquing guya at bisiro na hinila nila sa tahanang
cubo.

GORIA.--Gayon din sa aquing blanquete'y postiso na sinunog nila at
guinauang abó.

JUAN.--Caya ang marapat huag ng habulin
lahat ng ninacaw guinagá sa atin
itac na mahaba ang siyang alamin
ng upang idiglay canilang quinain.

URBANO.--Cung gayon ang uica ¡abata casuyo!
atin ng idamay dalisay na dugó
sa mga himacsic na sadyang nag bubo
ng yaman at buhay na pamimintuho.

  Sa nasang maalis sa caalipinan
at hañgad tamuhin yaong kalayaan
na atas ng Dios sa tauong sinoman
at cahit cañgino na caniyang quinapal.


=Uacas nang ikatlong kasulatan=





*** End of this LibraryBlog Digital Book "Ang Katipunan" ***

Copyright 2023 LibraryBlog. All rights reserved.



Home