By Author | [ A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z | Other Symbols ] |
By Title | [ A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z | Other Symbols ] |
By Language |
Download this book: [ ASCII | HTML | PDF ] Look for this book on Amazon Tweet |
Title: Rizal sa Harap ng Bayan - Talumpating Binigkas sa Look ng Bagumbayan Author: Hipolito, Pilar J. Lazaro Language: Tagalog As this book started as an ASCII text book there are no pictures available. *** Start of this LibraryBlog Digital Book "Rizal sa Harap ng Bayan - Talumpating Binigkas sa Look ng Bagumbayan" *** sa pagpapahalaga ng panitikang Pilipino. [Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.] [Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.] =Si RIZAL sa HARAP n~g BAYAN= TALUMPATING BINIGKÁS SA LOOK N~G BAGUMBAYAN N~G BINIBINING =PILAR J. LAZARO HIPOLITO= Ika 30 n~g Diciembre n~g taong 1906 LIMBAGAN Daang Carriedo Bl.101 Ni, =FAJARDO AT KASAMA= =SI RIZAL SA HARAP N~G BAYAN= Talumpating Binigkas N~g Bb. Pilar J. Lázaro Hipolito Sa Look N~g Bagumbayan, Alang-alang Sa Ika Sampung Taón Nang Pagkakabaril Sa Ating Bayani. Bayan cong pinacaiirog: Ang unang pinasasalubun~gan n~g maligayang pagbati at pagpipitagan, sampu n~g lahat n~g m~ga napipisan, lalong lalo na ang m~ga ginoong bumubuo n~g pagpapaonlac sa caran~galán n~g dakilang Rizal na casalucuyang ipinagdidiwang n~g capuluang Filipinas, cayo'y hinahandugan n~gayon n~g di mabilang na pasasalamat, sanhi n~g pagcatanim sa kaibuturan n~g puso n~g araw na itong di co rin nililimot. Baga man culang pa sa tapat na cagulan~gan ang cutad na pag-iisip sa tungculing n~gayo'y ipinamahala, datapuwa, pinagtamanan cahit anong hirap, macatupad lamang sa adhica n~g m~ga capatid sa mabigat na pasaning aco'y maging isa sa magpapaonlac, sa pamamag-itan n~g bigcás, gayon sa pamimintuho sa Bayan cong kinamulatan. Cung ang pupulas sa labi sa oras na ito ay culang sa timyas, ang madlang nai-ipon na ang macatataroc n~g lalim n~g aking pagcapahat, n~guni magi-ging isang pamucaw, isang pagcantig sa pintuan n~g calooban, bagay sa caramihang nagwawacsi pa n~g tunay na damdamin at sumasampalataya sa hiduang aral n~g m~ga nagcucubling halimaw na nag aanyon mabait, bago'y caaway n~g cagalin~gan, na di pa nasiyahan sa tinalicdang pagtatamasa n~g m~ga cahirapan, cundi bagcus namamalagtas sa lalong pag-api at pagdustang nacalalagim sa isang hindi nan~gimi sa camatayan macapagbucás sa tulóg na loob n~g canyang cababayan, at naging mananacop n~g Filipinas sa paghahayin n~g buhay n~g icatutubós sa tanán, n~guni, ¡anong hapding salan~gin! ¡anong pait namnamin! cung madilidiling yuco sa dating caugalian ang pinaghabinlang ilán n~g canyang m~ga talinghaga. ¿Ibig ninyong makilala? ¡ah! wala acong carapatang tumurol at sucat na lamang ipatalastas ang nacapanghihilacbot na usapan n~g m~ga lahing Lacandula rin, upang man~gakilalang sila'y dapat pacasumpain, na anila'y: _Si Rizal ang tunay na may casalanan at nagcalat n~g caguluhan at cahirapang tinatangkilic n~gayon n~g Bayan_, m~ga pan~gun~gusap na di napag labanan n~g puso cong iwi at naramdamang lumuha n~g dugó, at naipucol naman tuloy ang wicang: _bakit hindi man~gatal at mapipi ang cumacatal n~g walang catotohanan_; datapua't n~g macapaghunos dili sa paglalatang n~g galit sa sumandaling iyon ay dagling binawi at pinapaghari ang capatawarang naisigao ang mahalagang bigcas n~g Póong si Jesús, n~g napapaco sa Cruz n~g casalanan: _Dios co sila'y patawarin mo sapagcat hindi nalalaman ang canilang guinagawa_ (Palacpacan). Talastas n~g lahat ang Bayan sinilan~gan n~g ating ipinag-gagalac n~gayon, iyang dacong sinisicatan n~g maliwanag na araw, na pinamumutictican n~g m~ga bagong silang na pagmamalasakit, diyan sa Calamba, niyong ika labing siyam n~g Junio n~g taong isang libo, walong daa't anim na pu't isa, sa macatuid, ganap na apat na pu't limang taon limang buan at labing isang araw n~gayon, at buhat naman n~g gupuin ang canyang iniin~gatang buhay n~g m~ga lihim na caaway, ay sampung taon n~gayon walang culang. Bakibaki-in m~ga napipisang caguinoohan cung anong tabác n~g mapanglupig ang lumagpac sa ulo n~g m~ga Bayaning nagsipagnasang humawi n~g m~ga calihimang mapagparusa, panaho'y tumatacas at tumatacbong matulin n~g wala pang ninicat na pag-asa, iyang pag-asang pag-aagawanan pa cung totoong mapa atin na. Siya'y hindi nalulupaypay cahiman nauumang sa bagsic n~g paratang, nagpatuloy sa layong pawang icagagaling natin, n~guni hindi kinilalang utang na loob n~g m~ga sumasamba sa capangyarihan n~g m~ga mapagbalat cayóng wari ay catulong bago'y tunay na calaban. Bahagya pang tumutuntong sa guhit n~g pagbibinata, ay nagpakilála na si Rizal n~g nacahahan~gang catalasan n~g pagiisip, caya't minarapat n~g magagandang pusong canyáng magulang na papag-aralin dito sa Maynila, at hindi naman nalaon at nagpamalas n~g catalinuhan, at sa catotohana'y lalabing tatlong taon pa lamang ang gulang ay sumulat at cumatha n~g melodramang tula, na pinamagatan n~g: _Junto al Pasig_, at saca isinunod ang _A la Juventud Filipina, El consejo de los Dioses_ at iba pang nacalulugod. Tayo naman, lalo na cayong m~ga cabinataang dumog sa pag-aaral, cunang halimbaua ang canyang m~ga pagsisicap. Si Rizal, hindi dito lamang sa Filipinas tinuclas ang caaya-ayang carunun~gan, cundi naglacbay sa España, niyong taong isang libo, walong daa't walong pu't dalaua, sa pang-ulong bayan nito, sa Paris, sa Bruselas sa Berlin, sa Londres, sa Gante at sa m~ga pan~gulong Ciudad n~g Rhin at doon natutuhan ang ucol sa pangagamot, «Filologia», «Etnologia», «Filosofía» at «Letras». Iniwagayway ang nacamtan sa pagtitiyaga sa Capuluang ito, n~guni agad hinarang n~g m~ga malicmatang mapagpahirap, sapagca't hindi maglalaon cung pababayaang magpapatuloy, at lilitaw ang itinatago-tago at kinikipkip na calayaan n~g Filipinas, gayon man, hindi tumudla n~g macamandag, at sucat n~g tinugon ang pan~gun~gusap nila n~g papaganito: «Na ang lahat n~g m~ga lahi n~g tao ay nagcacaiba iba lamang sa canilang m~ga anyo, n~guni alinsunod sa Psicologia, ang maputi, ang abo-abo, ang madilaw, ang cayumangui at ang maitim ay magcacaisa n~g caramdaman, nagcacawan~gis ang m~ga umu-udyoc na budhi at hilig na magpapatiboc n~g puso, ang pinagcacaibhan lamang ay ang paraan n~g pagsasaysay ó pag-gawa.» «Na walang napagkikilala ang m~ga Antropologo cundi ang m~ga lahi; na ang napagmamalas lamang n~g m~ga mapagmasid n~g m~ga pamumuhay n~g bawa't nación, ay ang pagcacaiba't iba n~g calagayan, n~g mayama't mahirap, n~g mahal at timawa. Na sa m~ga nayong lalong m~ga paham n~g Francia at Alemania, ang lalong marami sa m~ga nananahan doo'y casing pantay rin n~g calagayan n~g pag-iisip n~g m~ga tagalog, at ang culay n~g balat, pananamit at wicang guinagamit ang bilang caibhan lamang.» «Na ang pag-iisip ay tulad sa m~ga cayamanan at cung may m~ga naciong mayaman at mahirap, ay may m~ga tao ring mahirap at mayaman: Cung may nagbabalac na taong siya'y ipinan~ganac na pagdaca'y mayaman, ang gayong tao'y namamali, sapagca't siya'y sumilang n~g hubad na cawan~gis n~g alipin at iba't iba pang lubhang mahahalaga, (Noli me tangere dahong icapito).» Pinag-inutan din niyang sinulat ang _Noli me tangere_ na naghahayag n~g sari-saring halimbawa, na isinawicang frances n~g taong isang libo, walong daa't walong pu't siyam n~g man~gan~galacal na capisanan ni Stock, gayon din ang isinulat ni Dr. Morga na canyang dinagdagán n~g m~ga paliwanag n~g siya'y macapangaling sa Japón at Norte America na nanahan sa Londres. Sa Madrid ay nagbukas n~g isang pahayagan n~g taong isang libo walong daa't siyam na pu at pinamagatang _Solidaridad_, pahayagang tuwing ica labing limang araw, at ang m~ga catulong sa pagsulat ay sina guinoong Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez Jaena, Dominador Gomez at iba pa. Dito'y mahihinuha na ang canyang catalinuhang calakip ang pagsasangalang sa Bayan, sapagcat tumanghal ang canyang pan~galan sa pamamag-itan n~g pakikibaca sa m~ga calapastan~ganang cumacalat sa m~ga paglulubog sa matwid hangang binawiang buhay n~g hindi sa sakit cundi sa bilis n~g punlong pamatay ¡Oh catiwalian n~g panahon! Bahagya pang umuusbong ang larawan iguinuguhit sa dulo n~g m~ga sandata ay isinabog na ang apoy n~g capahamacan n~g isang namamahalang nacuha sa kintab n~g cayamanan, dinaig n~g capangyarihan at nagwasac n~g mahusay na pananangkilic. ¿Natupad caya ang nais na hadlan~gan ang bawa't tun~go ni Rizal? ¡ah! hindi n~ga at lalong nagsigla, bagcus nag alab ang sidhi n~g namumuksa, sumulac ang dugo at mandi'y iniukit sa pitac n~g dibdib, caya't hindi tinugutan hangang sa maibagsac ang pamamahalang walang matuid na pinananangnan ang sulsol at hicayat n~g ilang malabis nating kinapopootan. Sa guitna n~g di maulatang pagpipighatí at pakikipanayam cay Simoun, ay nagsalita nitong sumusunod. «Isang Dios ang nagpaparusa sa caculan~gan n~g pananampalataya sa pagcagumon sa masamang hilig, sa casalatán natin n~g dalisay na pagsinta sa kinamulatang lupa at sa madalás nating pagpapaunlac sa m~ga cababayang nabubuhay sa pagpapahirap sa m~ga duc-ha, carapat dapat n~ga, lubha n~gang carapat dapat na ating tiisin ang bun~ga n~g ating m~ga cagagawan at tiisin naman n~g ating m~ga anac, iyan n~ga ang Dios n~g kalayaan, guinoong Simoun na siyang sa ati'y pumipilit na ating iruguin ang calayaang iyan, upang hwag na lubhang magbigay cabigatan sa atin. Hindi ko sinasabing ating paghanapin sa patalim n~g sandata ang ating iguiguinhawa, sapagca't hindi cailan~gan ang espada sa icagagalíng n~g Bayan, datapwa't tutuclasin natin ang cagalin~gang iyan sa pamamag-itan n~g carapatan, sa pagbibigay unlac sa catwiran at sa sariling camahalan n~g isang tao, sa pag-sintang dalisay sa tapat na asal, sa ano mang bagay na mabuti at sa ano mang cadakilaan hangang sa ihayin ang buhay sa camatayan, at pagca dumatíng na ang Bayan sa gayong mataas na calagayan, ang Dios ang sa canya'y nagbibigay n~g sandata at nabubulíd ang m~ga nagpapasamba, nabubual ang m~ga tampalasan, catulad n~g pagcalansag n~g m~ga bahay bahayang baraja. Tayo rin ang may gawa n~g ating m~ga pagdaralita, hwag nating bigyan sala ang sino man cundi linilin~gap at pinababayaang tayo'y apihin n~g calupitan, sapagca't cung makita sana niyang tayo'y nahahandang makitungali at magtiis n~g cahirapan dahil sa pagsasangalang n~g ating catuiran, maniuala cayong ang di dumidin~gig na iyan ang siyang una unang magcacaloob n~g calayaan, datapwa't samantalang hindi tinataglay n~g Bayang Filipinas ang casucatang lacás n~g loob upang isigaw na nacatunghay ang noo at hubad ang dibdib sa canyang carapatang magtamó n~g catuirang makisalamuha sa lahat at papagtibayin ang catuirang iyan n~g canyang sariling dugó; hangang ating nakikitang ang m~ga cababayan nati'y sa sariling calooba'y nagdaramdam n~g hiya at dinirin~gig ang atun~gal n~g tinig n~g masamang budhi na nagn~gin~gitn~git at tumutol na sa hayag ay ayaw umimic at nakikisang-ayon sa nagpapahirap upang cutyain ang pinasakitan at pinarurusahan, samantalang nananatili ang ating m~ga carugo sa tacsil na asal na walang ini-ibig cundi ang sariling cagalin~gan; ¿bakit sila'y bibigyang calayaan? Na sa sa camay man at wala n~g iba, sila'y magcacagayon din at marahil ay lalong sasama pa sa dati. ¿Anong cabuluhan n~g «Independencia» cung ang m~ga busabos n~gayon ay siyang kinabucasa'y magmamalupit? At walang salang sila'y mananampalasan n~ga, sapagca't umiibig sa catampalasanan ang sa catampalasana'y sumusunod Guinoong Simoun, samantalang hindi nahahanda ang ating Bayan, hangang tumutun~go sa pakikihamoc ang ating m~ga cababayan dahil lamang sa sila'y dinaya ó ipinagsumulong, na walang maliwanag na pagcakilala n~g canilang dapat na gawin, ay malulugso ang lalong pantas at mabuting balac, at mabuti pa n~ga namang mawacsi, sapagca't.... ¿ano't ibibigay ang panali ó pangapos sa nan~gin~gibig sa canya, cundi din lamang tunay na sinisinta? (Noli me tangere, m~ga dahong 13,14 at 15.) Ating panimbulanan ang canyang m~ga sinabi, patuluyang sampalatayanan na siyang macapaghahatid sa ating icaguiguinhawa, at sumandaling pacaisipn ang m~ga macabubuhay na pananalita na dapat itanim cailan man n~g mahinang puso at tutupin ang dibdib at itanong sa sarili: ¿Taglay na baga natin ang kinacailan~gang tapang n~g loob, upang biglang pacaualan ang pinagtitipunan n~g bucal at minimithi? ¿Kupás na caya na di muling sisilang ang calimitang mangyari na hindi na nacatutulong sa pagtatangol n~g caran~galan ay nacabibigat pa sa pagdamay sa m~ga mapagparusa n~g paglibac at pag-oyam sa ibinaban~gong catuiran? ¿Nalipol na caya dito sa atin ang lahi ni Iscariote at ni Galalon na nagpahamac sa cabalat sa pamag-itan n~g carimarimarim na paglililo? ¿Pusó caya'y tumitiboc n~g naaayos at di napapatlan~gan sumandasandali n~g m~ga ibang damdamin? ¿Ang caual caya ni Cain na pumatay n~g lamán n~g caniyang lamán at dugo n~g caniyang dugo sa udyoc n~g mapan~ganib na pananaghili, ay wala na caya rito? ¿May pagyayacap na cayang maaasahan, yayamang dapat sa isang hirap ó ginhawa tayo mamahay? ¿Hindi na caya naghahari sa calooban n~g marami sa atin ang malupit na asal na mapagaling lamang ang canyang sariling catawan ay hindi na inaalintana ang cahabaghabag na kinasasapitan n~g lupang kinakitaan n~g unang liwanag? ¿Naubos na caya sa sangcapuluang ito ang m~ga nagsisi-irog sa caalipnan, caya sa caalipna'y nagsisisuco? ¿May dugo pa cayang may dun~gis na catacsilan sa ating m~ga calahi? ¡Ah! ang canilang loob ay hindi matuturin~gan hangan sa di naipamamalas sa gawa, pagcat cung aking pakimatyagan baga man sa harapang ito ay nagcacatusac ang nakikipagdiwang sa mabunying Rizal, may man~gilan n~gilan ding binabayo ang dibdib sa matinding pag cagalit na hindi lamang maibulalas pagcat daig sila sa bilang ¡oh cay saclap na matalos! Sayang ang bayang humahanap n~g icalalaya cung sa bawa't pulutong ay may nasisin~git na palamara. (Palacpacan). ¿Hindi dapat pagtachan, sapagca't ang dakilang Jesús ay Dios n~g humirang n~g labing dalawa lamang na caniyang cacasamahin ay may nalahog na isang Judas, ¿gasino pa cayang hindi magcaroon n~g libo libo at lacsa lacsang namamayan? Tacpan ang panin~gin sa paglacad ay malaking camalian; gapusin ang camay, lalong cahiduaan at cung susian ang bibig sa paglalathala sa harap n~g may capangyarihan n~g ating lubos na cabihasnan at carapatán, ay isang bagay na hindi totoong catampatang pabayaan, sapagca't ang dilang nacacabit sa n~galan~gala ay tanda n~g pagcapahamac, pagca-alipusta sa pagcalubog n~g bayan, at cung walát na ang Bayan ay lansag-lansag na rin ang namamayan (Masigabong palacpacan). Hwag nawang magcaganito, n~guni ang sagabal n~g m~ga mapagpiguil ang siyang nacapagpapasindac at nacapagpapaudlot sa bawa't maguing bucal n~g loob ¡oh! sayang na buhay cung magcacaganitong man~gin~gilabot sa bantang sinun~galing, at cung tunay na namamayang may wagás na pag-ibig sa Bayang pinagcautan~gan n~g unang liwanag, ay macapag-wiwicang «minsan acong nabuhay ay «minsan naman acong mamatay sa harap n~g Bayan.» (Palacpacan.) N~gayo'y araw na calumbay-lumbay, araw na ipinagsaya n~g m~ga humatol na Ulupong at ang araw ding ito nang taóng isang libo, walong daa't siyam na pu't anim at sa bagong pamimitac, sa casilan~ganan n~g _Astrong_ tumatanglaw sa boong sangsinacpan, ang Bagumbayang itong ating kinaiipunan ay siyang naging sacsing tayo ay lalong inilucloc sa caran~galan, pagcat pinatay ang isang Rizal, hindi magtatagal at may sisipot pang dalawa, tatlo ó daan mang caloobang Rizal.--(Palacpacan at bravo.) Natulad n~ga ang umagang iyon sa culun~gan n~g mababan~gis na hayop na may mabibisang camandag ang look na itong n~gayo'y tanda rin n~g ating pagaalaala sa canya, siya'y naliliguid n~g m~ga artillerong buhat sa cuta n~g Santiago na inihatid dito, upang tuparin ang m~ga maling cahilin~gan at cahatulan, at pinanood n~g m~ga nag-gagandahang babaye na ang suot ay catulad ang m~ga pananamit n~g m~ga salaula n~g unang panahon sa Roma sa isang pagpipista sa Coliseo. (Palacpacan). ¡Oh lalong calupitan! sa biglang putoc n~g m~ga baril na pamatay ay sinabayan pa n~g hiyawang _viva_ at _bravo_ n~g m~ga caharap doon, n~g lumagpac na ang catawan n~g Bayani, at siya na yatang pinacadasal binyagang ipinailanglang sa lan~git. Nasunod ang pita, n~guni lalong ginhawa n~g matapos, sapagcat unti unti n~g sumilang ang maliwanag na tala n~g caginhawahan, siyang pagcahawi n~g pinid na itinabing sa ating m~ga mata at pagcawaldas n~g tanicalang iginapos. Ang panglao n~g umaga n~g taong iyon ay naging liwanag na mistula sa n~gayon, at cung ang canyang m~ga gawang magaling ay na sa sa puso nating lahat, asahang ang pagtatagumpay, hindi maglalaon at atin, atin, atin, atin. (Palacpacan). Si Rizal ang nag-ulat n~g m~ga catotohanan, si Rizal ang humarap sa lalong pinacapang-ulo n~g capuluan, si Rizal ang di nan~giming maghayag n~g canyang damdamin, si Rizal ang nagpakilala n~g matuwid na niyuyurakan at siya rin, si Rizal, si Rizal ang n~gayo'y nacacaharap, iyang kinainguitan n~g m~ga manlulupig. Hwag magugulantang m~ga capatid na nakikinig, dagdagan ang ating pagsisigla sa taón taón yayamang ang Norte América ma'y nalulugod din cung pinupuri ang bayaning nagligtas sa Bayan, sapagca't silá ma'y nagcaroon n~g isang Washington na ipinagdidiwang: ang culang lamang sa atin ay ang magcaroon naman n~g isang araw na caparis n~g canilang icaapat n~g Julio. ¡Oh cailan ca pa darating! (Palacpacan). Nakilala na ninyo ang m~ga catamisan n~g isang biyaya, caya huag magpabaya, papag-ibayuhin ang galac, huag ibaon sa limot ang caniyang m~ga habilin, siya'y huag hiualayan n~g papuri, yayamang ang dakilang Rizal na anac n~g Filipinas ang naguagayuay sa himpapawid n~g ating caligayahan. Dalan~ginan siya, pacamahalin, sambahin ang m~ga aral, masdan ang muchang iyan ni Rizal, iyang larawang Washington natin na tumuclas n~g sarisaring hiwaga na nacacubli sa mata n~g madla, na n~gayo'y hindi caila at kilala n~g calahatan. Sulong tayo, pagpisanpisan ang hiyaw na: «¡Mabuhay ang Filipinas!» ¡Mabuhay ang Norte América! ¡Mabuhay ang habilin ni Rizal! _Nasabi co na._ *** End of this LibraryBlog Digital Book "Rizal sa Harap ng Bayan - Talumpating Binigkas sa Look ng Bagumbayan" *** Copyright 2023 LibraryBlog. All rights reserved.