Home
  By Author [ A  B  C  D  E  F  G  H  I  J  K  L  M  N  O  P  Q  R  S  T  U  V  W  X  Y  Z |  Other Symbols ]
  By Title [ A  B  C  D  E  F  G  H  I  J  K  L  M  N  O  P  Q  R  S  T  U  V  W  X  Y  Z |  Other Symbols ]
  By Language
all Classics books content using ISYS

Download this book: [ ASCII | HTML | PDF ]

Look for this book on Amazon


We have new books nearly every day.
If you would like a news letter once a week or once a month
fill out this form and we will give you a summary of the books for that week or month by email.

Title: Panayam ng Tatlong Binata — Ikalawang Hati
Author: Ignacio, Cleto R.
Language: Tagalog
As this book started as an ASCII text book there are no pictures available.
Copyright Status: Not copyrighted in the United States. If you live elsewhere check the laws of your country before downloading this ebook. See comments about copyright issues at end of book.

*** Start of this Doctrine Publishing Corporation Digital Book "Panayam ng Tatlong Binata — Ikalawang Hati" ***

This book is indexed by ISYS Web Indexing system to allow the reader find any word or number within the document.



pagpapahalaga ng panitikang Pilipino.



[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
marked as ~g.]

[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa
upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon
ay hindi na ginagamit.]



=PANAYAM NG TATLONG BINATA TINULA NI=

_Cleto R. Ignacio_

=CONCEPCION, MALABON, RIZAL=.

BAHAY PALIMBAGAN ni P. SAYO BALO ni SORIANO

MAYNILA

TEL. 3099.

UNANG PAGKAPALIMBAG 1921

_Rosario 225 Binundok_.



TINIG KASALUKUYAN

O

=KUWENTO=

NG

=Tatlong Binatang=

SI

=Brillo, Electo at ni Brindo=


IKALAWANG HATI



BRILLO


  May isa n~gang Haring balita sa yaman
na nakahahan~ga ang kaugalian
sa sakop nang Korte niya'y ibinawal
ang gawang magsunong ó magpasánpasán.

  Kaya n~ga't kaniya na ipinatawag
ang tao sa Korteng man~ga mahihirap
at ang bawa't isa'y binigyan nang pilak
na sa hanap-buhay ay puhunang dapat.

  At itinadhana sa nasasakupan
na ang lahing hudio ang utusan lamang
yaon ang mahigpit niyang kautusan
naglagay nang taning sa simulang araw.

  Sinomang sumuway doon sa tadhana
may kakamtang dusa siyang ilinagda
at siya ang lubos na nan~gan~gasiwa
sa kanyang sakop na kinakalin~ga.

  Tunay na kanyang ikinagagalak
na ang sakop niya ay mayamang lahat
at sa lahing iba'y tan~ging matatanyag
ang ugali niya na pinalalakad.

  Ang tanang kampon niya ay nan~gatutuwa
sa dahilang sila'y mayayamang pawa
ang salat na dati ay naging sagana
at ang dating hamak ay naging dakila.

  Laging gawa niya'y kapagka umaga
ay hawak sa kamay yaong largavista
at linilibot na ianatanaw niya
ang loob nang Korte't magpahanggang villa.

  Nang isang umaga'y nagkataon naman
na nasa bintana siya't nanunun~gaw
ay may isang taong hubad at may pasang
bigkis, niyong kahoy na bilang kalakal.

  Ang nasabing tao,y tinawag pagdaka
at itinanong kung taga saan siya
ang tugon ay taga labas niyong villa
na tan~ging mahirap siya kay sa iba.

  ¿Ikaw baga'y hindi nakatatalastas
anang Hari nitong lahat kong palakad
na tungkol ang ayos alila'y di dapat
asalin nang tanang taga ritong lahat?

  Sa balang sumuway na kahima't sino
pilit tatanggapin parusang lagda ko
sagot nang tinanong ay yaong utos mo
ay hindi ko talos ang pagkatutoo.

  Paano po ako'y may asawa't anak
na hindi kakai't kami ay mahirap
ay saang kukuha kung hindi maghanap
nang ikabubuhay naming nararapat.

  Matanto ang Hari ang ganoong sulit
wika'y magtuloy kang dito ay pumanhik
kahoy ay iwan mo't huwag nang umulit
na gumawa nitong sa atas ko'y lihis.

  Niyong mapanhik na'y pinaupo naman
at ang mayordomo niya'y inutusan
na magbalot siya nang isang balutan
nang onzang ang haba'y higit isang dangkal.

  At magbalot naman nang keso de plandes
na sa ayos niyong onza ay iparis
lihim na gawin mong huwag ipalirip
at in~gatang huwag na may makamasid.

  Kapag nayari na ay dalhan mo dito't
huwag kang mabalam at hinihintay ko
niyong mabalot na niyong mayordomo
dinala sa Hari ang dalawang ito.

  Sa Haring tanggapin ang tao'y tinawag
dalawang balutang yao'y iginawad
ito'y labis mo nang puhunaning dapat
sa hanapbuhay mo't nang di naghihirap.

  Ang kasipagan mo lamang ay dagdagan
at ang iyong isip ay pakatalasan
at magmula n~gayo'y huwag nang magpasan
at tupdin ang aking mahigpit na bawal.

  Matapos ang bilin ay napaalam na
ang binigyan yamang taong taga villa
sa kamay ay hawak balutang dalawa
at doon sa hagda'y nanaog pagdaka.

  Pagdating sa lupa'y kaniyang binuksan
ang natuklas niya'y ang keso ang laman
agad nang kinagat niya at tinikman
ang lasa ay tunay na di maibigan.

  Ang bigay na ito aniya ay aanhin
asawa ko't anak ay dirin kakain
anang Hari labis ko nang puhunani't
kabuhayan namin ay dito kukunin.

  Mahan~ga'y itapo't sagabal pa
sa aking paguwi sa tahanang villa
iniakmá nan~gang itatapon niya
sa sundalong bantay na siya'y nakita.

  Wika nang sundalo ang keso ay sayang
ibigay sa akin kung ikaw ay ayaw
taong taga villa'y ibinigay naman
sampung niyong isang hindi binubuksan.

  Nang maibigay na'y lumakad nagtuloy
ang nasabing tao na bubulongbulong
wika'y muli akong puputol nang kahoy
na maipagbiling ipagpawing gutom.

  At kahima't ako'y kaniyang hatulan
nang dahil sa utos niya'y sumalangsang
ay tututol ako't yaong ibinigay
niya, ay pagkaing di ko maibigan.

  Pagdating sa bahay ay itinanong na
yaong pinagbilhan nang sintang asawa
¿anong pagbibilhang itinugon niya
kinuha nang Hari kahoy kong dinala?

  Wika ay mahigpit na kaniyang bawal
na huwag magayos alila sinoman
na sa Korte niya ay nasasakupan
at balang sumuway ay parurusahan.

  Dalawang balutan ang bigay sa akin
at wika'y labis nang doon ay magaling
tanang sarisaring kabuhayan natin
kaya't binalot pa na pinakagaling.

  Niyong manaog na ako sa hagdanan
nang nasa sa lupa na ay aking tinikman
ang lasa'y maanta na nakasusuklam
ikaw ma'y tunay mong di maiibigan.

  Gayon man ay pilit akong maggagayak
nang kahoy, at aking ititinda bukas
kung tanun~gin ako'y ipatatalastas
ang nasapit nang balutan niyang gawad.

  Salita'y napatid at ipinatuloy
yaong paghahanda nang dadalhing kahoy
at nang maumaga'y tinupad ang layon
na ang pagbibilha'y maipawing gutom.

  Sa loob ng Korte nang dumating siya
ay sa Hari namang agad na nakita
kaya n~ga at siya'y tinawag pagdaka
nang Hari't tinanong na gaya nang una.

  Anang nasa villa'y ang nasa balutan
na pagkaing iyong sa akin ay bigay
pagdating sa lupa'y akin pong tinikman
ang lasa'y tunay na di ko maibigan.

  Kaya n~ga at niyong itatapong ko na'y
hinin~gi nang bantay namang kapagdaka
ibinigay ko nang lahat ang dalawa't
di rin makakain naming magasawa.

  Diyata't kapuwa ipinamigay mo
anang Hari, yaong balutang bigay ko
isa niyo'y onza't ang isa ay keso
ay ibinigay mong lahat sa sundalo.

  Ang kahalan~galan mo'y saan ihahangga
at di pa binuksan sampu niyong isa
di sana ang laman ay iyong nakita't
di ipinamigay na karakaraka.

  N~gayon ang sa iyo'y aking ibibigay
biling kong mahigpit na iyong in~gatan
at huwag na kitang makitang magpasan
na pumasok dito magpakailan man.

  Yaong mayordomo'y sa Haring tinawag
at ipinakuha'y isang paang medias
na yaong mahabang sa tuhod ay lampas
punin nang salaping hanggang sa mabanat.

  At sa pagkuha mo ang tao'y isama
at ang ilalagay nang upang makita
mayordomo nama'y sumunod pagdaka
medias ay agad pinuno nang onza.

  Sa Haring nagutos ay dinala naman
anang Hari diyan sa tao ibigay
niyong matanggap na ay pinagbilinang
in~gatang mabuti't huwag pabayaan.

  Matapos tanggapin ay napaalam na't
nanaog sa hagdang tuwa'y sabihin pa
lakad na matuling tumatakbo tila
at nasang dumating sa sintang asawa.

  N~guni't sa paglakad ay may sumusunod
na may sawing isip sa kanyang likod
at minamataan ang kanyang kilos
upang ang adhikang lihis ay masunod.

  Yaong sinusunda'y di namamalayang
may tao doon sa kanyang likuran
walang lin~gon likod sa dinadaanan
at anaki walang bahala sa lagay.

  Nang sa kabukiran siya ay malabas
ay sinumpong niyong gawang pagbabawas
sa bahay ay di na nakuhang umakyat
at sa punong hagdan dala'y ilinapag.

  Doon naisipang siya ay kumanlong
sa isang malaking puno niyong kahoy
at hindi akalang may nakanunuynoy
nang salapi niyang daladalang yaon.

  Kaya't niyong siya ay nakakanlong na
taong sumusunod tumakbo pagdaka
supot nang salaping iniwa'y kinuha
n~guni't may-aring hindi nakikita.

  Ang may-ari nama'y matapos magbawas
ay tila anyo pang nagpapawing hirap
dahil sa salaping pinasang mabigat
bakit malayo rin naman ang linakad.

  Saka niyong siya'y malipasang pagod
ay binalikan na ang iniwang supot
n~guni at wala at hindi natalos
na kinuha niyong may masamang loob.

  Nang makita niyang supot ay wala na
ay agad tinawag ang sintang asawa
at tinanong niya kundi kinukuha
supot nang salapi na iniwan niya.

  Doon sa hagdanan, pagka't hindi talos
nang asawa, kaya ang mabiglang sagot
di ko nakikita ang uwi mong supot
sa pinagiwanan sampung nagkaayos.

  Baka nahahaling lamang naman ikaw
sa salaping iyong sinasabing taglay
sagot nang maydala yao'y ibinigay
sa akin, nang Haring makapanyarihan.

  Sa asawang sagot ay bakit aniya
sa puno nang hagdan ilinagay mo pa
at hindi sa akin ibinigay mo na
nang sa magnanakaw na hindi nakuha.

  N~gayon ay ano pang iyong magagawa
hirap nang makuha nang gayong nawala
kung may mabalik ma'y bihirangbihira
ang isa sa sampu'y turing lang dakila.

  Ano'y nang madin~gig ang ganitong sagot
nang asawa'y biglang hinin~ga'y nan~gapos
dahil sa malabis na sukal nang loob
kaya't sa batalan na lamang nasubsob.

  Hinin~ga'y pumanaw na di na nagbalik
sa di magkasiyang pighati sa dibdib
dahil sa salaping iba ang nagkamit
siyang naging daang hinin~ga'y napatid.

  Ang isang tutoong dapat na pagtakhan
ay nang nabuburol yaong abang bangkay
ay may isang sulat na hawak sa kamay
na hindi makuha nang asawang hirang.

  Ipinamalita ang bagay na ito
kaya't ang naglakbay ay maraming tao
pawang nagsikuha ang bawa't dumalo
ay walang binigyan na kahima't sino.

  Sabihin pa bagang man~ga kaguluhan
tanang tagaroong lahat ay dumalaw
sampung Arzobispo doon ay naglakbay
sulat ay kinuha'y di rin ibinigay.

  Ang Hari na lamang ang tan~gi sa lahat
na di kumukuha sa nasabing sulat
ayon sa malaking adhika nang lahat
na ang naalama'y pawang matalastas.

  Yaong Arzobispo'y ang nasok sa budhi
ipagsama naman ang mahal na Hari
na siyang kukuha nang sulat na tan~gi
na hawak nang bangkay na di mapagwari.

  Kaya n~ga't ang Hari't sampung Arzobispo
lumakad na abay ang man~ga konseho
gayon din ang lahat nang man~ga soldado
sa nasabing bangkay sila napatun~go.

  Sa bahay nang sila ay mapaitaas
kinuha nang Hari ang nasabing sulat
na siyang sa kamay nang bangkay ay hawak
binitiwang tambing namang agadagad.

  Niyong makuha na ang nasabing liham
binuksa't binasa nang Haring maran~gal
nang matanto niya ang nan~galalaman
nabuwal sa likmo siya't hinimatay.

  Sumaklolong lahat ang man~ga konseho
at gayon din naman yaong Arzobispo
malaon din bago nakamalay-tao
n~guni't di mapawi yaong panglulumo.

  Binasa rin naman ang nasabing sulat
niyong Arzobispo sa harap nang lahat
kaya n~ga't natanto nang tanang kaharap
ang man~ga salitang doo'y nasasaad.

  Gayari ang man~ga wikang sinasaysay
ikaw n~ga ay Haring makapangyarihan
na dito sa lupa ay bantog sa yaman
at pinipuntuho nang lahat mong kawal.

  Tanang man~ga taong pinaghihirap ko'y
pinipilit namang pinayayaman mo
n~gayo'y kinuha kong buhay nitong tao
ay muli mo naman na buhayin ito.

  Kaya ang ginawa nang mahal na Hari
ay sa Arzobispo ay isinangguni
anang Arzobispo ikaw ay magwari
pagka't sa matuwid ang gawa mo'y sawi.

  Magmula na noo'y natanim sa loob
nang mahal na Hari ang malaking takot
yayamang kaniyang tunay na natalos
na ang gawa niya ay laban sa Dios.



ELECTO


  Ito'y siyang saksing dapat na ilimbag
sa ubod nang pusong di dapat maghan~gad
niyong kayamanang di sariling hanap
lalo na't sa gawang di mabuti buhat.

  Ang man~ga may pilak na pinayayaman
ang dukha at nagmamapuri sa lagay
pinayamang yaon ay kung maging daang
magpalalo'y siya ang may kasalanan.

  Sapagka't mayroong mabuti kung dukha
n~guni't kung yumama'y biglang nawawala
ang di magkagayo'y bihirang bihira't
kung minsa'y sanhi nang isinasama.

  May taong mababang loob kung mahirap
n~guni't kung yumaman ay nagmamataas
walang lin~gong likod kung magsipan~gusap
at napatatan~gay sa dahas nang pilak.

  Nan~gararapat n~gang ating saklolohan
ang nan~gasasalat na walang pagkunan
n~guni't kung lalagay sa kapalaluan
ay isang dakila namang kasalanan.

  Anopa't marami ang dahil sa pilak
sa Santong matuwid ay nan~galilinsad
sa nasang yumaman nang ibang mahirap
kaluluwa'y di na pansing mapahamak.

  Kahi't kilala nang gawang nalilihis
at nasasalansang sa utos nang lan~git
ay ikinakanlong sa sariling isip
ang kakamtang dusang walang kasingpait.

  Huwag mong nasaing matamo ang pilak
na mula sa ganang di karapatdapat
at baka doong ka matulad kay Judas
na nasa Infierno't walang hanggang hirap.



BRINDO


  At may isa namang dukhang magasawa
na palaging salat yaong buhay nila
at ang hanapbuhay ay di makasiya
nang abang lalaki sa tuwituwi na.

  Bakit ang tutoong nakapaghihirap
lalaki'y natutong uminom nang alak
kaya't palagi nang lasing na madalas
na di magkawastong kumita nang pilak.

  Kaya n~ga at yaong kapatid na lamang
ang umaalalay sa ikabubuhay
saka nan~ganak pa ang asawang hirang
na nagpalugami sa karalitaan.

  Nang may tatlong araw na nan~gan~ganak na
ay dinalaw niyong kapatid na isa
noo'y tunay siyang walang magagasta
kaya't linimusan nang isang peseta.

  Ang isang peseta ay nang maibigay
ang abang lalaki pinakiusapan
na siyang bumili nang ikabubuhay
at lumakad na n~gang ang peseta'y taglay.

  Nagkataon namang doon sa paglakad
natapat sa isang tindahan nang alak
may nagsisiinom kaya n~ga't tinawag
pagka't dati niyang kainumang lahat.

  Paglapit ay agad namang tinagayan
nang makainom na'y nagusapusapan
nang lumaonlao'y uminom na naman
hanggang makaitlo bago tinigilan.

  Nang di makalaban sa tapang nang alak
sumuraysuray na't ulol ang katulad
ang isang pesetang sa kamay ay hawak
doon sa tindaha'y siyang ibinayad.

  Lumakad na siya na hahapayhapay
masulong maurong doon sa lansan~gan
nang di makakaya ang lunong katawan
nalugmok sa lupang tulad sa may damdam.

  May dalawang oras ang bilang humigid
yaong panglalata ay bago naalis
nang humusayhusay yaong pagiisip
saka nagunita yaong napagsapit.

  Na walang kakanin ang asawa't anak
pagka't ang pesetang dala'y ibinayad
doon sa kanilang iniinom na alak
kaya't naghinagpis na di hamakhamak.

  Yaong asawa ko ay gutom nang gutom
aniya, at ako'y hinihintay n~gayon
n~guni't ang peseta'y ¿saan pa naroon
nabayad sa alak na aming ininom?

  Ang aking asawa'y ¿anong aasalin?
bakit nan~ganak pa ay di kumakain
kundan~gan ang aking gawang paglalasing
sa nangyaring ito'y siyang naging dahil.

  Wala naman akong sukat mautan~gan
na maibibili nang ikabubuhay
kung ako'y magbigti ay masama naman
¿ay paanong aking gagawing paraan?

  Habang lumalakad ay nagsasalita
at mistulang ulol ang kahalimbawa
napahihimutok tuwing magunita
yaong napagsapit na kahiyahiya.

  Sa di nagtitigil na linakadlakad
ay dinating yaong baybayin nang dagat
at doo'y kaniyang inabot nang malas
yaong sarisaring bangkang nasasadsad.

  Walang anoano'y ang nasok sa isip
umupa nang isang bangka at sumilid
at doon magaliw nang sukal nang dibdib
na sa puso niya ay lumiligalig.

  Ipinatuloy na ang sa lan~gong han~gad
na siya'y nagbangka-bangkaan sa dagat
na sa kalasin~ga'y ang naipan~gusap
ay ang man~ga wikang di karapatdapat.

  Kung sino aniyang makapagbibigay
sa akin, nang yamang aking maibigan
at kahi't n~gayon ma'y aming pagsulatan
ang usap na aming pagkakasunduan.

  Gayon ang laging isinisigaw niya
habang namamangka't nagtutumayo pa
walang anoano'y lumitaw pagdaka
isang taong pan~git na walang kapara.

  Naupo sa daong nang kaniyang bangka
at ang sinabi niya'y inusisa
tunay bang ibig mo na yumamang bigla
na gaya nang iyong man~ga salita.

  Oo anang lan~go't nasa ko'y n~gayon din
kung iniibig mong ako'y payamanin
anitong tumanong kung iyong susundin
ang kahilin~gan ko yama'y tatamuhin.

  Hustong isang taóng ay kung dumating na
ikaw ay sa akin pilit na sasama
n~guni't yayaman ka na walang pagsala
at sa iyoy madla ang man~gagtataka.

  At kung papayag ka'y iyong pifirmahan
itong gagawin kong isang kasulatan
tandang pagayon mo sa ating usapan
na ikaw ay akin magpakailan man.

  Inaayunan ko ang sagot nang lan~go
gawin mo ang sulat at pifirma ako
agad na ginawa naman nang Demonio
na ang katuwaan ay di mamagkano.

  Sulat nang mayari ay pinirmahan na
saka iniabot ang isang pitaka
isang pako't isang martilyo't ang wika'y
ang sasabihin ko'y tandaan mong pawa.

  Ang pitakang ito'y ang iyong gagawin
ilapat sa isang haligi ó dingding
saka mo pakuan at iyong dukutin
at madudukot mo ang yamang ibigin.

  Sa dingding nang bangka'y ikinabit agad
dinukot at wika'y onzang aking han~gad
habang dumudukot ang ilinalabas
ay onza, at bumabalong ang katulad.

  Nang ang nadudukot na onza ay sampu
ay yaong pagdukot niya'y inihinto
at yaong pitaka niya'y itinago
sampu nang martilyo't ang kasamang pako.

  Agadagad nan~gang pumundo sa pampang
at yaong may-ari nama'y inupahan
bumili nang bigas na dalawang kaban
at vaca at baboy ang biniling ulam.

  Umupa nang man~ga isang magdadala
at nang maglulutong kaniyang kasama
na yao'y upahang buwanang talaga
na sa bahay niya ay doon titirá.

  N~guni at nang siya'y dumating sa bahay
hapo na sa gutom ang asawang hirang
anitong babae ay bakit nabalam
diwa yata'y ikaw ay nakipagsugal.

  Sagot nang lalaki ang iyong pesetas
ay nabayad lamang na lahat sa alak
ang kainumang ko ay niyong matapat
ako sa tindaha'y kanilang tinawag.

  Pinainom ako hanggang sa nalasing
at sampung sila man ay nagsiinom din
saka doon sila'y matulad sa akin
peseta ko pala'y siyang uubusin.

  Datapuwat n~gayo'y di masasalat na't
ipagagawa ko'y malaking bahay pa
sagot nang asawa'y saang ka kukuha
diwa'y hanggang n~gayon ay nalalan~go ka.

  Hindi ako lan~go't makikita mo rin
kung makatapos nang tayo ay kumain
kung hindi mangyari saka mo sabihin
na ang salita ko ay salitang lasing.

  Nan~gatigil sila't nagsikain naman
nang di karaniwang masarap na ulam
nang makakain na ay pinalatagan
nang banig na suson ang kanilang bahay.

  Ilinapat nan~ga doon sa haligi
saka pinakuan na pinakabuti
wika sa alila ikaw ay bumili
nang dalawang kabang lalong malalaki.

  Buong isang onza yaong ibinigay
wika'y piliin mo ang lalong matibay
at kung magkano ang kahalagahan
bayaran mo't ikaw ay madali lamang.

  Yaong inutusan pagdaka'y lumakad
ang lasing ang akin namang ipahayag
wika'y pawang onzang aking ilalabas
at dinukot nan~ga na hindi naglikat.

  Pagdukot ay onzang nakukuha naman
at doon sa banig ay ilinalagay
kaya sa pagdukot niyang walang humpay
ang onza'y nabuntong halos di mabilang.

  Anopa't malabis yaong pagtataka
nang bagong pan~ganak na sintang asawa
ang wika ay ako ang durukot muna
nang siyang dumukot ay walang makuha.

  Kaya ang asawa ang pinabayaang
dumukot at siya ay nanood lamang
gaya rin nang unang paglabas nang kamay
onza ang sa banig ay inilalagay.

  Nang dumating naman ang kabang dalawa
ay ilinagay nang lahat yaong onza
hanggang sa napuno ay di nagpahin~ga
doon sa pitaka nang pagdukot niya.

  Sila'y natulog na't nang kinabukasan
maraming anluagi ang tinawag naman
ang ipinagawa ay malaking bahay
na sa bayang yao'y pinakamainam.

  Tuloy nagpagawa nang sisidlang bató
nang salapi't laki ay di gagaano
at pinakatibay naman nang maestro
na di mahahamak nang masamang tao.

  Ginawang lalagyang yao'y nang mayari
pitaka ay doon dinalang madali
dinukot na gaya niyong dating gawi
nitong lumilikha lamang nang salapi.

  Walang sinisikap sa gabi at araw
kundi ang dumukot nang salapi lamang
kung kaya matigil ay kung napapagal
at bago napuno'y may ilan ding buwan.

  Pintong susonsuson ay isinira na
may bilang limangpung susi't cerradura
anopa't ang lahat ay nan~gagtataka
sa bagong mayamang natan~gi sa iba.

  Lahat nang magandang man~ga kasangkapan
at gayon din naman ang man~ga sasakyan
ay nasa kaniya at balang humiram
sino ma'y di niya pinagkakaitan.

  Ang may kailangan at ang nasasalat
pagdaing ay agad niyang linilin~gap
pawang bigay lamang at wala nang bayad
pagka't siya'y lubhang sagana sa pilak.

  N~guni't ang asawa ay di mapaghaka
ang pitakang yaon kung saan nagmula
kaya pinipilit na inuusisa
sapagka't ang han~gad niya'y maunawa.

  Hindi ipagtapat naman nang lalaki
at ang kahihiyan ay nananatili
hindi matiwasay sa araw at gabi
ang kahihinatna'y naguguniguni.

  Pagka't mahigit nang isang buwan lamang
yaong taning nila na pinagusapan
kaya n~ga't tutoong malaki ang lumbay
na anhin mo'y yaong may malubhang damdam.

  Sa babae namang kusang napapansin
yaong kalumbayan nang asawang giliw
kaya't inusisang pinalihim-lihim
ang pitakang yaon kung saan nanggaling.

  Mapiling pagtanong nang asawang kasi
ang katutohanang lahat ay sinabi
dahil sa peseta kung kaya nangyari
ang kinahinatnan nang palad kong imbi.

  Ayon sa hiya ko't naubos na lahat
na aking nagugol ibayad sa alak
ako'y walang kunan nang maibabayad
kaya't sa Demonio ay nakipagusap.

  Na ang aking kaluluwa at katawan
ay naging kapalit ang pitakang iyan
ang taning ay hustong isang taón lamang
ako'y kukunin na na di maliliban.

  At sa katunaya'y may kasulatan pa
na ginawa't ako naman ay nagfirma
kaya ang taning ay iisang buwan na
at pilit na maghihiwalay kita.

  Gayong pan~gun~gusap ano'y nang madin~gig
nang asawang kasi pagdaka'y tuman~gis
aniya ay ano't di mo na inisip
ang daratning huling iyong masasapit.

  Sa kayamanan n~ga'y magpapasasa ka
sa huli ay hirap namang walang hangga
sa yaman sa Mundo'y ipinalit mo na
ang Dios na mulang tuwa at ginhawa.

  Pagkapalibhasa ay may kabanalan
ang babae agad namang nagkumpisal
sa isa n~gang Pari na tutoong banal
at isinangguni ang ganoong bagay.

  Matanto nang Pari ang nangyaring yaon
sandaling nagisip munang mahinahon
siya'y nanalan~gin sa Dios na Poon
nang matanto niya ang gagawing ukol.

  Niyong matapos nang makapanalan~gin
wika sa babae (aniya) ay n~gayon din
sa iyong asawa ay iyong sabihing
siya'y magkumpisal at aking hihintin.

  Babae madaling umuwi sa bahay
at sa asawa'y sinabi ang banay
niyong matalastas ay sumama naman
at noon din siya'y tambing nagkumpisal.

  Sinabi ang yaring salitaan nila
sampung kasulata't pagkapirma niya
saka ang pitaka ay ipinakita
gayon din ang pako at ang martilyo pa.

  Ang hatol nang Pare ay magkukumpisal
tuwing makalawa, at sa araw-araw
ay magkukumunion huwag pasalahan
ang pagdedevocion ay gayon din naman.

  Tuloy sinootan nang larawang hayag
nang puso ni Jesus at nang birheng liyag
tanang katungkula'y ipinatalastas
na huwag bayaang di ganaping lahat.

  At yaong usapang araw kung dumating
na sa Demonio nang siya'y kukunin
huwag magpabayang di siya tawagin
at ang buong kaya'y kanyang gagawin.

  Madlang kabilina'y ginanap na pawa
nitong sa Demonio'y humandog na kusa
nang dumating yaong araw na tadhana
Paring magtatanggol ay tinawag nan~ga.

  Yaong Paring banal ay nang dumating na
buong bahay nama'y benendita
upang yaong tao ay huwag makuha
nang Demonio't di makapasok siya.

  Pulubing marami nagpatawag naman
nang dumating doon ay pinagsabihan
na halihaliling sila'y magdarasal
tan~gi ang sa lupa kay sa nasa bahay.

  Yaong Altar nama'y kusang iginayak
na naroo'y tatlong larawang mag Anak
na Jesus Maria y Josef ang tawag
at saka ang pitong Arcangel na hayag.

  Ano'y nang sumapit ang araw na taning
Demoniong katipan nang tao'y dumating
pagka't kailan~gang kanya nang kunin
kaya't daladala ang may firmang papel.

  Matanto nang Pari ay pinaluhod na
ang taong kukunin niyong palamara
saka sinubuan nang mahal na Hostia
galit nang Demonio'y sabihin pa bagá.

  Di ganiyan aniya ang ating usapan
nang namamangka kang nasa karagatan
kundi ang kita ay payamanin lamang
at ikaw ay akin sa taning kong araw.

  Pinayamang kita't ang iyong susundin
ay layaw sa Mundo't sa katawang hiling
di nating usapang lahat nang magaling
na ukol sa Dios ang iyong gagawin.

  Ang lilong Demonio'y hindi makalapit
dahilan sa dasal na nauulinig
kaya n~ga tutoong siya'y nagn~gan~galit
sa ganoong ayos niyang namamasid.

  Tinatawag niya't lumapit ang han~gad
n~guni't yaong Pari ang siyang nan~gusap
hayo't lumayo ka aniya sa Satanas
at huwag paritong muli pang man~gahas.

  N~guni't tumutol naman ang Demonio
na ang wika'y siya ang kailan~gang ko
tunay siyang aki't ang pagkatutoo'y
may sulat at siya'y nakafirma dito.

  Ang sagot nang Pari ay lumayas ka na
Satanas at siya'y di mo makukuha
kasulatang iyan ay walang halaga
punitin mo't huwag ditong magbalik pa.

  Wika nang Demonio'y ibigay sa akin
ang pitakang iya't martilio'y gayon din
at saka ang pako't aking pupunitin
itong kasulatang kasunduan namin.

  Inihagis nan~ga nang Pari ang wika
hayo't umalis ka lilong magdaraya
umalis nang galít na hindi kawasa't
nagiwan nang bahó na walang kamukha.

  Nang makaalis na yaong si Satanas
doon sa iniwa'y ang sa Paring saad
ang salaping iya'y gugulin mong lahat
sa man~ga salanta at sa nasasalat.

  Sa m~ga ulila at sa kailan~gan
na nagsisigawa niyong kagalin~gan
at ang paglalan~go'y iyong pagin~gatan
nang di ka madaya nang Demoniong hunghang.

  At sa katawan mo ay huwag alisin
ang larawang puso nang nakop sa atin
saka ang larawan niyong Inang Virge't
ang pagdedevocio'y huwag lilimutin.

  Tanang man~ga bilin ay pawang tinupad
nang nasabing Pari kaya't napanatag
nagbuhay Angel na at walang hinarap
kundi ang maglingkod sa Dios na wagas.

  Kaya't nang dumating ang tadhanang guhit
ang bayang payapa'y kinamtang tahimik
bagaman nalígaw sa daang matuwid
ay natutuhan ding muling nanumbalik.



ELECTO


  Gayon din ang tunay na nakakapara
nang nan~gahuhulog sa pagkakasala
na nagsisuyo sila't pumifirma
sa libro nang taksil na ating kabaka.

  Ang firma ay kaya naaalis lamang
at nan~gasisira yaong kasulatan
kung ihin~ging tawad at ipagkumpisal
ang sala't magsisi't tuloy pagtikahan.

  Sapagkat ang Paring kay Kristong alagad
sa tali nang sala'y silang kumakalag
at kapag binigyan nila nang patawad
umasang kay Kristo tayong tinatanggap.

  Pagka't ang sinomang nasa salang mortal
ang pinto nang lan~git nama'y nasasarhan
n~guni't kundi iwan yaong kasalanan
hirap sa Infierno'y siyang nalalaan.



BRILLO


  May isang sasakyang minsa'y naglalayag
sa baybayin niyong malalim na dagat
kapitá'y tutoong malaki ang sindak
doon sa nasapit nilang pagkabagbag.

  Demonio'y makita ang ganoong ayos
sa kaniyang puno'y nuhang pahintulot
at ang tutuksuhin nang taksil na loob
ay yaong kapitáng doo'y naguutos.

  Nang mabigyang tulot nama'y yumao na
manunuksong ayos marinero siya
at yaong sasakya'y tinun~go pagdaka't
sa man~ga utusan siya'y nakisama.

  At sa paguutos na kasalukuyan
sa lahat nang man~ga naruroong utusan
nang upang maligtas sa kapan~ganiban
ang malulubog na kanilang sasakyan.

  Marinero n~gang Demonio'y paglapit
kapitán aniya'y ano po ang ibig
sagot ay itali sa kahoy ang lubid
nang tayo ay huwag malayo sa gilid.

  Lubid ay kinuha't ang pinatun~guhan
ay lugar na walang sukat pagtalian
saka wiwikain doon sa kapitán
dito'y walang kahoy na mapaggapusan.

  Kung gawing kaliwa ang siyang sabihin
ay sa dapat kanan ay doon dadalhin
at pinagagalit na tikis ang dahil
ang kapitá'y upang magkasalang tambing.

  Ang ginagawa n~gang man~ga panunukso
kapitá'y nayamot na di mamagkano
kung walang taliang kahoy man ó bató
itali kahi't sa sun~gay nang Demonio.

  Gayong pan~gun~gusap ay niyong madin~gig
niyong marinero'y iniwan ang lubid
nagtaglay nang takot at ang sumaisip
siya'y nakilala kung kaya nagalit.

  Kung kaya sinabi na sa aking sun~gay
itali't ako pa ang pahihirapan
agad nang umalis at humarap naman
doon kay Satanás yaong tampalasan.

  ¿Wika ni Satanás ay anong lakad mo
tugo'y nakilalang ako'y manunukso
winika'y itali kahi't sa sun~gay ko
kung walang taliang kahoy man ó bató.

  Ang tinukso mo'y taong may Devocion
na di madaraig at may magtatanggol
yaon ang sa Mundo'y di napauulol
at tunay na lingkod niyong Pan~ginoon.



ELECTO


  Dito'y dapat nating huluin sa loob
na kapag ang tao ay lingkod nang Dios
kahi't si Satanás ay nan~gin~gilabot
at di madaraya nang sa Mundong adyok.

  At nakikilalang yaong nanunukso'y
isa sa kampon nang taga Infierno
kaya nararapat na pakupkop tayo
sa Dios at Inang Virgeng masaklolo.

  Huwag pabayaan ang tayo ay magahis
nang kaaway nating sadyang malulupit
na walang adhika kundi ang magahis
tayo't makasama nilang magkasakit.

  Sapagka't kanilang kinaiinggitan
ang tanang biyaya nang Dios na mahal
na pinatatawad kung magkasala man
ang nan~gagsisisi't sala'y ikumpisal.

  Demonio'y minsan lamang na nagsukab
sila'y ibinulid sa balon nang hirap
at hindi nangyaring sila'y pinatawad
at parusang walang hangga ang nalan~gap.



BRINDO


  At mayroon namang isang magasawa
na ang anak nila ay lalaking isa
at sa kabuhaya'y may lubos na kaya
na hindi rin naman sukat kulan~gin pa.

  Dapuwa't sa anak ay labis magmahal
at tutoong sunod na sunod ang layaw
na kahi't anomang gawing kasalanan
hindi pinapalo kahi't pilantik man.

  Kaya n~ga't lumaki ang kanilang anak
na pagalagala't hindi naghahanap
nang ikabubuhay na tungkuling dapat
nang tao, kaya n~ga't kaiba sa lahat.

  At sa kayamana'y labis na gumugol
na ináaksayá sa pagayon-gayon
niyong makaraan ang ilang panahon
namatay ang Ina na nagkandongkandong.

  Kaya ang natira'y ang Ama na lamang
na siyang sa anak ay nagpapalayaw
paglibot ang gawa sa gabi at araw
palad nang matigil sa kanyang bahay.

  Isang araw naman na pagkaumaga
na pagkakain ay naglibot na siya
dinatnan nang lagnat naman yaong Ama
ang sakit nang ulo'y halos di mabata.

  Di makuhang siya ay magluto naman
nang pagkai't ayon sa matinding damdam
sapagka't ang lagnat ay lubhang masásál
saka masakit pa ang kasukasuan.

  Nang dumating yaong naglibót na anak
ay gutom sapagka't lampas na sa oras
pagdating sa bahay ay agad nagbukas
niyong paminggala't kakanin ang hanap.

  Anopa at walang nakitang pagkain
sapagka't ang Ama'y di makapagsaing
pumasok na galit ay walang kahambing
ang wika sa Ama'y bakit walang kanin.

  Malubay na tugon niyong amang ibig
di makapagsaing ako at maysakit
hindi makaban~gon pagka't nan~gin~ginig
yaring katawan ko sa lagnat na labis.

  Sa anak na tugo'y magluluto lamang
ang sakit na yaon ay dinadahilan
ako ay gutom na ay walang daratnan
nang pagkaing akin na inaasahan.

  Di magsaing ka na ang sa Amang wika
at tunay na ako'y di makagagawa
at ang katawan ko ay malatang-malata't
ulo ko'y masakit na hindi kawasa.

  Magsasaing ako sa anak na sagot
kita mo po't ako ay pagod na pagod
lalo kung ganitong ako'y nayayamot
maihahampas ko lamang ang palayok.

  Kung hindi ka taong walang kahihiyan
anang Ama't talos mo na ako'y may damdam
may kakanin ka na't iluluto lamang
ay di mo magawa't akong uutusan.

  Madin~gig nang anak galit ay sabihin
aniya'y ako pa palang hihiliin
kahi't matuluyang ako'y di kumain
ay ako ay hindi makapagsasaing.

  Nagalit ang Ama't wika'y lapastan~gan
at munti ma'y wala ka nang kahihiyan
gala ka nang gala sa maghapong araw
at di mailuto ang kakanin lamang.

  Gayong pan~gun~gusap ano'y n~g madin~gig
ang minamahal na anak ay nagalit
at walang pitagang sa Ama'y lumapit
yaong tampalasang alibughang isip.

  Saka yaong Ama ay sinabunutan
at hinila hanggang malapit sa hagdan
ang kaawaawang Ama'y sumisigaw
pagka't masasakit ang buong katawan.

  Doon iniwan lamang yaong Ama
at tuloy nanaog at umalis siya
pagka palibhasa ay maraming kuwarta
nang may isang linggo nama'y umuwi na.

  Kaya n~ga at noong dumating sa bahay
ay bangkay na lamang ang Amang dinatnan
at dalawang araw nan~gang namamatay
sa gutom na labis na di ano lamang.

  Ano ang gagawin sapagka't patay na
ay ipinalibing ang bangkay nang Ama
sa apat katao siya ay umupa't
nang oras ding yao'y ilinibing nila.

  Nang mailibing na ang sa Amang bangkay
siya'y nagiisang natira na lamang
nagkaasawa ri't kapalibhasaan
ay may kamunti pang natitirang yaman.

  Isang lalaki rin yaong naging anak
kawan~gis n~g Amang anhin mo'y pinilas
at nang lumaki na'y tunay na kahuwad
nang Ama, ang gawa at ugalig lahat.

  At tunay n~gang lubos na pinakalakhan
ang gumagala sa gabí at araw
at kung oras siya na kakain lamang
kaya umuuwi sa kanilang bahay.

  Niyong lumaki na'y namatay ang Ina
kaya't ang natira'y ay silang mag-ama
haggang sa naging bagong-tao siya
ang dating ugali ay di rin nagiba.

  Isang araw yaong Ama ay dinatnan
nang matinding lagnat na may kalubhaan
masakit na lahat ang buong katawan
at di makaban~gon doon sa hihigan.

  Kaya sa hindi makayanang bathin
yaong karamdama'y hahalihalinghing
walang anoano nama'y sa darating
ang anak sapagka't oras nang pagkain.

  Pagpanhik sa bahay ay tinun~go niya
yaong paminggala't kakaing talaga
palayok nang buksan ay walang nakita
kamunti nang sukat na makain baga.

  Agad pinasok niya't kusang itinanong
ang lutong pagkain kung saan naroon
Ama ay bahagya na lamang tumugon
aniya'y di ako makakilos n~gayon.

  Sa anak na wika'y ang kamunting damdam
ay minamalaki mona pong dahilan
diwa ay talaga na lamang aayaw
na ako'y pakanin at nanghihinayang.

  Baga man ang Ama ay datay sa sakít
ay napilitan ding dinayo nang galit
dan~gan ang tao kang walang munting bait
na nagsasalita'y hindi iniisip.

  Nakikita mona na may damdam ako
ang pagsasaing ko kaya ay paano
nariyan ang bigas ay di iluto mo
at huwag magsabi nang kung anoano.

  Sa salitang yaong anak ay nayamot
pagdaka'y tinangnan ang Ama sa buhok
at kinaladkad na nang katakot-takot
na hanggang sa lupa ay ipinanaog.

  Niyong hinihilang malapit sa hagdan
ang sigaw nang Ama ay dito na lamang
sapagka't dito ko lamang inihanggan
ang nuno mo niyong aking sabunutan.

  Hindi rin nakinig ang kuhilang anak
at doon sa hagda'y kinalakadladkad
kaya't sa baytang ay nagkahampashampas
nasisigaw tuloy sa malaking hirap.

  At nasa lupa na'y kinakaladkad din
ang hunghang na Ama nang anak na taksil
at iniwan na n~gang hahalihalinghing
at doon na lamang buhay ay nakitil.

  Kaya n~ga't ang anak ay nang umuwi na
dinatnan sa lupa ang bangkay nang Ama
madlang nanunuod niyong datnan niya
na hindi maisip yaong pagtataka.

  Pagkamangha nila'y paganhing saysayin
bangkay ay ginanap yaong paglilibing
anak na naiwan ay di rin nagmaliw
ang ugaling hayop ang siyang kahambing.

  Yaong natitirang ari't kayamanan
na minana doon sa Amang namatay
ay naipagbili sampung pamamahay
at naubos naman sa pagayon lamang.

  Saka nang wala nang tunay na makain
ang man~ga damit pa'y naipagbili rin
nang walang pagkuha'y dito na umatim
nang gutom na hindi makayang tiisin.

  Ang ginalagala'y di rin nagtatahan
at natun~go tuloy sa labas nang bayan
at doon inabot niyong karamdaman
nahiga sa lupa't di makagulapay.

  Sapagkahiga ay walang anoano
doo'y napalibot ang maraming aso
linapita't asa'y patay nang tutoo
kinagat na pinaghalihanan dito.

  Katawa'y malata't mahinangmahina
at hindi na halos makapagsalita
kaya't ang pagbugaw niyang ginagawa'y
di pansin nang asong nan~gagkakatuwa.

  May limang dipá rin ang napaghilahan
niyong man~ga asong nagkakaguluhan
at bago pa nila nakilalang buháy
ay nang mahalata nang ginalawgalaw.

  Bagaman iniwan nang man~ga pagkagat
ang dalawang paa'y tadtad na nang sugat
lalo pang magulol ang matinding hirap
at doon ang buhay na lamang nautas.



ELECTO


  Ito'y siyang tubo nang man~ga magulang
na sa man~ga anak ay mapagpalayaw
kahi't gumawa man niyong kasalanan
ay di binibigyan nang kaparusahan.

  Kapag namihasa sa ganoong gawa
ay ulol at ulol ang nagiging samâ
at sila ang bilang na nagpapalala
nang ugaling lihis mulang pagkabata.

  At kung tumanda na't saka susupilin
ang asal na gayong karimarimarim
wala nang panahon at kung pipilitin
abang nagpalayaw ang patatan~gisin.



BRILLO


  May isang mag Inang sanggol n~g maiwan
ang lalaking anak nang Amang namatay
kaya n~ga't malabis yaong pagmamahal
nang Inang may iwi sa anak na hiran.

  Nang katabilan pa ang lagay nang bata
na di mawatasan halos magsalita
kapag inaglahi nang kahi't matanda
ang itinuturo'y mahalay na wika.

  Hanggang sa lumaki ay nakagawian
pagbigkas nang bibig ay wikang mahalay
at kahi't sa harap niyong kamahalan
ang ibinubuga'y kasalaulaan.

  Di na alumana ang bagay na yaon
na katulad niyong masidhing ulupong
Ina'y isang araw nama'y nagkataon
na may panauhing nan~gagkakatipon.

  Anak ay dumating na galing sa sugal
at sa pagkatalo siya'y nagkautang
pagharap sa Ina ang wika ay bigyan
siya, nang salapi't may pagbabayaran.

  Ina ay tumanggi't walang ikakaya
doon sa salaping hinihin~gi niya
kamandag na in~gat nan~ga'y ibinuga
niyong tinuruang anak na vivora.

  Pinaglasayan na n~g wikang mahalay
ang Ina, nang anak na walang pitagan
Ina ay nagtaglay niyong kahihiyan
sa nan~garuroong panauhing tanan.

  Kaya't ang mahalay na sabi nang anak
sa bibig nang Ina'y siya ring binigkas
anak ay nagtindig na likmua'y hawak
at doon sa Ina'y siyang ihahampas.

  Tanang panauhin ay dumalo naman
dahilan sa Ina na nagsisisigaw
at lubhang malakas ang pananambitan
nang nagturong Ina niyong kataksilan.

  Kaguluhan nila'y kahi't naapula
kapintasan nama'y sumabog sa madla
anopa't ang lahat nang makaunawa'y
Inang sinisising uliran nang sama.

  Sila na ang lubos na naging hantun~gan
nang lahat nang taksil na magmamagulang
kaya nga't nabantog ang kanilang n~galan
ay di kabutihan kundi sa kasaman.

  Yaong kapalaran kung sila'y dalawin
ay di mamalagi at umaalis din
parang sinasabik sa sandaling aliw
at kung magdalita nama'y sapinsapin.

  Anopa't ang lahat nang sa Mundong silo
sa maginang yao'y walang nabibigo
ginagawa nilang aliwan nang puso
yaong walang awang hirap kung bumugso.



ELECTO


  Kayong Ama't Ina na palatun~gayaw
at mapagsalita nang wikang mahalay
kayo ang sa anak ninyo'y umaaral
nang lahat nang man~ga likong kaasalan.

  At ang nagtuturo sa man~ga inanak
nang bagay na man~ga di karapatdapat
kayo rin sa huli naman ang lalan~gap
nang bun~gang mapait sa binhing masaklap.

  Tuwa mo'y kung ano nang bata pang munti
sa pagtuturo mo nang salitang sawi
kung lumaki nama't magkaroong sanhi
ang tubo mo'y luha't pagdadalamhati.

  Sapagka't kung ano ang punlang pananim
ay siya rin namang bun~gang aanihin
balang isang puno ay iyong timban~gin
kung ilang ibayong papakinaban~gin.

  Kaya karampatang in~gatan ang bata
sa ano mang bagay na makasasama
dito pa't sa isang buhay man ay huag
ang ban~gis nang dusang pilit ilalagda.



BRINDO


  May katuwatuwang duling na dalawa
na nagkasalubong sa paglakad nila
binati n~g isa na tatawatawa
nanan~gis kunuwang sumagot ang isa.

  Wika nang isa ay anong buhay mo't
ang lakad mo'y tila malayong tutoo
tugo'y mahalaga ang lakad kong ito
at ako'y nanggaling sa isang mediko.

  Napasa mediko at ano ang dahil
tugon ay ang sanhi ay sa mata natin
at hinihiling kong ang ating paningin
ay mangyari lamang kanilang baguhin.

  ¿Ay ano ang naging panagot sa iyo?
tugon ay wala nang daan pang mabago
kanunuan natin ang may sala nito't
naganyak nanuod doon sa Calvario.

  Sa Poong kay Jesus nang nababayubay
sa Cruz, at dahil sa sala nang tanan
niyong malagot na ang hinin~gang tan~gan
sa nin~gas nang kidlat sila'y nan~gasilaw.

  Hindi magkawasto ang man~ga panin~gin
at sa katakutang walang makahambing
nan~gagtatakbuhang mata'y pasuliling
at di matutuhan yaong tutun~guhin.

  Katunaya'y noong si Kristo'y buhay pa
ay wala nang gaya nitong ating mata
si Kristong gagamot sapagka't patay na
sa paggaling tayo'y wala nang pagasa.

  Ito ang siya kong ikinalulumbay
kailan ma't aking magunamgunam
lagay natin n~gayo'y parang tinandaan
niyong lihis nilang kagagawan.

  Kundan~gan ang sila ay pakialami't
walang kaguluhang di nakikipiling
at nakikigaya pa sila marahil
sa taksil na budhing man~ga mainggitin.

  Naging pakinabang sa ganoong gawa
ang tin~ging mabuti nila ay napasamâ
sampung tayo n~gayo'y pinapalibhasa
nang walang pitagang matabil na dila.

  Dulo'y kundi tayo makapagpipigil
laging basagulong makikita natin
kaya wala tayong dapat na sisihin
kundi silang naging sanhi nang hilahil.

  Sila'y naglakad na't ang kalang makita
ay linalapita't nananan~gis sila
dahilan sa matang wala n~g pagasa
na magkapanahong sila'y gumaling pa.

  Balang makaalam nang kanilang sumbong
man~ga katuwaan ay walang kaukol
ang ganoong gawa nila ay patuloy
hanggang sa kanilang bahay ay humantong.



ELECTO


  Matuwid ang gayong palagay n~g duling
kung tunay na ating didilidilihin
tanang may ugaling mapakialamin
madalas maramay sa man~ga hilahil.

  At sa nangyaring man~ga kaguluhan
sila'y nalalahok kahi't di kaalam
ang di umaalis sa loob nang bahay
sa sandaa'y isa kung magkagayon man.

  Yaong man~ga taong gawa'y man~gutiya't
walang kilos na di pamamalibhasa
anopa't ang gayong pamamalibhasa
siyang nagkakamit nang labis nang pula.

  Kaya kapatid kong man~ga ginigiliw
gayong kagagawang lihis ay alisin
at doon ay walang papakinaban~gin
kundi yaong dusa't pulang sapinsapin.

  Kinakailan~gan nating pagaralan
ang turo ni Kristong kapakumbabaan
sundin ang kaniyang man~ga bili't aral
nang tayo'y masama sa payapang bayan.



=KATAPUSAN=


[Patalastas: Imprenta Libreria y Papeleria de P. Sayo]





*** End of this Doctrine Publishing Corporation Digital Book "Panayam ng Tatlong Binata — Ikalawang Hati" ***

Doctrine Publishing Corporation provides digitized public domain materials.
Public domain books belong to the public and we are merely their custodians.
This effort is time consuming and expensive, so in order to keep providing
this resource, we have taken steps to prevent abuse by commercial parties,
including placing technical restrictions on automated querying.

We also ask that you:

+ Make non-commercial use of the files We designed Doctrine Publishing
Corporation's ISYS search for use by individuals, and we request that you
use these files for personal, non-commercial purposes.

+ Refrain from automated querying Do not send automated queries of any sort
to Doctrine Publishing's system: If you are conducting research on machine
translation, optical character recognition or other areas where access to a
large amount of text is helpful, please contact us. We encourage the use of
public domain materials for these purposes and may be able to help.

+ Keep it legal -  Whatever your use, remember that you are responsible for
ensuring that what you are doing is legal. Do not assume that just because
we believe a book is in the public domain for users in the United States,
that the work is also in the public domain for users in other countries.
Whether a book is still in copyright varies from country to country, and we
can't offer guidance on whether any specific use of any specific book is
allowed. Please do not assume that a book's appearance in Doctrine Publishing
ISYS search  means it can be used in any manner anywhere in the world.
Copyright infringement liability can be quite severe.

About ISYS® Search Software
Established in 1988, ISYS Search Software is a global supplier of enterprise
search solutions for business and government.  The company's award-winning
software suite offers a broad range of search, navigation and discovery
solutions for desktop search, intranet search, SharePoint search and embedded
search applications.  ISYS has been deployed by thousands of organizations
operating in a variety of industries, including government, legal, law
enforcement, financial services, healthcare and recruitment.



Home