By Author | [ A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z | Other Symbols ] |
By Title | [ A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z | Other Symbols ] |
By Language |
Download this book: [ ASCII | HTML | PDF ] Look for this book on Amazon Tweet |
Title: Buntong Hininga - Mga Tulang Tagalog Author: Leon, Pascual de, 1893-1958 Language: Tagalog As this book started as an ASCII text book there are no pictures available. *** Start of this LibraryBlog Digital Book "Buntong Hininga - Mga Tulang Tagalog" *** scans provided by University of Michigan. [Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.] [Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.] =BUNTONG HININ~GA= MGA TULANG TAGALOG NI =PASCUAL DE LEON= _(Pasleo)_ _Mánunulat sa páhayagang "Ang Mithi" ("El Ideal") at kasapi sa "Aklatang Bayan"_ UNANG PAGKÁPALIMBÁG= _Limbagang "LA FRATERNIDAD" Ilaya 672, Tundó_ =_MAYNILA, K.P.--1915._= PANGBUN~GAD =PANGBUN~GAD= _Pasleo: Pagdamutan ang nakayang handog n~g kapatid sa kapatid_: _Tunay at ang mundó'y maginto't mamutya: may dunong, may pilak, may ganda, may tuwa, may puri, may lahi't may bahay... datapwa, ang lalong maran~gál sa ami'y: ang tula_. * * * * * _Ako'y hindi siláw sa ningning n~g ginto; di takót sa dunong; di gulát sa tayo; sa mutya'y di kimi't sa ganda'y di dun~go, n~guni't sa dakilang tula'y: yukong-yuko._ * * * * * _Pano, sa ang tula sa isáng panulat ay siyang lahat na: dunong, puri, pilak... sa isáng makata ang tula'y: ¡lahát-lahát!_... * * * * * _Ayán si Pasleo: ayá't ang namana niyáng Diwa't Puso'y ipinababasa... Lahát na'y naritó: apóy, tamís, gandá_... =_Pedro Gatmaitan._= _Maynila, Sept., 1915_. I. BUNTONG HININ~GA =BUNTONG HININ~GA=... Ako'y nagtataka! Aywan ko kung bakit nagbabago yaring damdamin ko't isip, ganyan na n~ga yata sa silong n~g lan~git ang gawang mamuhay sa laot n~g hapis. Aywan ko kung bakit! Sa aki'y pumanaw ang lahat n~g tamis nitong kabuhayan, sa aki'y nag-iba ang lahat n~g kulay, sa aki'y pag-api ang lahat n~g bagay!... Talaga n~ga yatang balot n~g hiwaga, balot n~g pan~garap at pagdadalita ang palad n~g tao kung magkabisala! Pawang agam-agam ang laman n~g lupa...! Walang kilos na di paghamak sa akin, walang bagay na di anyaya n~g lagim, walang dulot na di sa aking panin~gi'y aninong malungkot n~g m~ga hilahil. Aywan ko kung bakit nagbago ang lahat sa kabuhayan ko't matimtimang palad; Samantalang ako'y inaalapaap ay masasabi kong: ¡Lahat ay pan~garap!... =¡HINAGPIS=.....! I. Hindi ka na bago! Dati mo n~g alam ang hindi pag-imik kung naguulayaw; ako'y pinipipi n~g aking paggalang, n~g aking pagsuyong mataos, dalisay. II. Pinunit sa harap upang makilala ang alab n~g aking sinimpang pag-sinta, diyan masusubok ang mithi ko't pita, diyan masisinag ang luksang pag-asa. III. Wala ka n~gang sala...! Ang kurus n~g hirap ay dapat matirik sa dusta kong palad! Ako ang pulubing sa tinawag-tawag ay lalong inapi... binigyang bagabag...! IV. Di ko akalaing ang lan~git n~g puso ay man~gun~gulimlim... biglang maglalaho, di ko akalaing sa likod n~g samyo n~g m~ga sampaga'y may lihim na suro...! V. Animo'y nagtikom sa gayong sandali ang pintong maramot n~g awa't lwalhati, sa aki'y para nang ang kahilihiling sinag n~g ligaya'y lumubog, napawi...! VI. N~gayo'y pamuli pang umaawit-awit sa dilag mong kimkim, gandang maka-Lan~git, kung may alinlan~gan sa taghoy, sa hibik, ay maging saksi pa ang aking _hinagpis_. ¡DALAMHATI!... I. Aninong malungkot noong kahirapan ang buhay n~g tao sa Sangsinukuban, ang tuwa't ligaya'y hinihiram lamang kaya't ulap waring dagling napaparam. II. Ang mabuhay dito'y kapan~gápan~ganib sa munting paghakbang ay silo n~g sakit, umiibig ka na n~g buong pagibig ay ayaw pang dinggin ¡ay himalang lan~git! III. Hindi ka tatamo n~g bahagyang galak kundi pa matulog at saka man~garap, gayon man, kung minsa'y paos na nanawag sa pagkakahimbing ang tinig n~g hirap. IV. Sa paminsanminsan, sa aking gunita m~ga pagsisisi yaong tumutudla. Bakit pa lumaki't natutong human~ga't ang paghan~ga pala'y kapatid n~g luha? =¡AKO=...! (... estoy enfermo y pálido de tanto no dormir... ACUÑA.) Puso ko'y malungkot! Malungkot na tila Ibong walang laya't lagas na sampaga, Sa pasan-pasan kong mabigat na sala'y Lason at patalim ang magpapabawa. Ang ayos n~g mundo ay isang kabaong, Nagtayong kalansay ang puno n~g kahoy, Dila n~g halimaw iyang m~ga dahon At sigaw n~g api ang in~gay n~g alon. ¡Ano't ganito na ang pasan kong hirap! ¡Ano't ganito na ang aking pan~garap! Ang lahat n~g bagay ay napatatawad, ¿Patawarin kaya ang imbi kong palad? Gabi-gabi ako'y hindi matahimik Na parang sa aki'y mayrong nagagalit, Ang pasan kong _sala'y_ laging umuusig Sa kabuhayan kong di man managinip. =¡ULAP=...! I. Sa aking pagdaing, sa aking pagtawag, sa sinamo-samo n~g dusta kong palad ay palaging dilim at libin~gang ulap ang hangang sa n~gayo'y nagiging katapat. II. Lahat na'y nabata n~g aking pag-ibig, lahat na'y nasukat nitong pagtitiis, lahat na'y napasan sa silong n~g Lan~git maging ang parusang pagkalupit-lupit. III. Nagbago ang lahat! Subali't ang sagot n~g irog at buhay, sa aking pag-luhog ay sadyang hindi pa binabagong lubos, waring inu-uri ang aking pag-irog... IV. N~guni't kaylan kaya sa kanya'y papanaw ang ulap n~g isang wari'y alinlan~gan? at sa akin kaya'y kaylan mabubuksan ang pintong may susing katumbas n~g buhay. V. Ang nakakatulad n~g aking pag-giliw ay isang pulubing dumadaing-daing na sa kanyang taghoy at pananalan~gin ay walang maawang maglimos n~g aliw! VI. Kanyang sinusubok ang aking pagsuyo, kanyang tinatarok ang luha n~g puso, kanyang binabasa sa pamimintuho yaong katunayan n~g sinamo-samo. VII. Samantalang ako'y tumatawag-tawag, lumuluha-luha sa gitna n~g hirap, ay walang kapiling maging sa pan~garap liban sa anino n~g m~ga bagabag. VIII. Ulap n~g hinagpis, ulap n~g parusa ang nagpapasasang aking dinadama, n~guni't kaylan kaya sa aking pagsinta'y ang ulap na iya'y magiging ligaya. =¡ANG LUHA NG HIBANG=.....! Ayun, tumatan~gis! Ayun, lumuluha't tumataghoy-taghoy na nakaaawa. Malasin ang hibang, ang sira ang diwa, ang taong nanan~gis sa gabing payapa na minsa'y maiyak, at minsa'y matuwa. Malasin ang ayos n~g kahabaghabag n~g pusong dinusta n~g kanyang pan~garap; malasin ang luha, ang luha n~g palad, ang luhang nagmula sa kanyang pagliyag na pinagkaitan n~g tamis n~g lin~gap. Tuman~gis na muli! At saka humibik na mandi'y puputok ang latok na dibdib; kanyang ipinukol ang mata sa lan~git kasabay ang sabing:--"¿Kailan pa sasapit ang mithing ligaya n~g aking pag-ibig"? "¡Oh! Diosa n~g aking yaman n~g pag-asa, ¿kailan mo tutubsin ang puso sa dusa? ¿kailan papalitan n~g tunay na saya ang nagluluksa kong ulilang pagsinta na nananambitan...!"--at saka tumawa. Ha! ha! ha! oh! irog! Aking paraluman, hantun~gan n~g aking buong kabuhayan! kung hinihiling mo'y tulang tula lamang n~g upang ang dusa'y minsang mabawasan, naito't dinggin mo ang tula n~g buhay. "Halika! halika! Tangapin mo n~gayon ang tula n~g aking pusong lumalan~goy; basahing madali't dingging mahinahon ang hibik n~g bawa't talatang nanaghoy, ang awit n~g palad, ang sigaw, ang tutol. "Oh! pusong maramot! Pusong mapang-api, walang awang tala sa pagkaduhagi, halika! ha! ha! ha! ang dilim n~g gabi, ang halík n~g han~gin ay pawa kong saksí sa panunumpa kong kita'y kinakasi. Halika't sinagin sa luha n~g puso ang kulay n~g aking sinimpang pagsamo, halika't basahin sa pamimintuho ang gintong pan~garap n~g aking pagsuyo na nananawagan hanggang masiphayo", . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Dito na natapos yaóng panambitan, dito na naputol ang pananawagan n~g sira ang bait, n~g ulól, n~g hibang, n~g pusong ginahís at pinagkaitan niyang luwalhating katumbas n~g buhay. ¡Anóng hirap pala n~g gawang humibik sa isang ayaw mang tumugo't makiníg! ¡Anóng hirap pala n~g gawang umibig lalo't aapihín sa silong n~g lan~git n~g hiníhibikang pinapanaginip.....! =¡KURUS AT LIBIN~GAN..!= (PAMAMANGLAW) (Irog: Kung ang kalungkutan ko'y tinutugon n~g iyong damdamin ay pamuli't muling basahin mo lamang ang awit na ito. At ako'y talagang may ugali na _matapang_ sa likod, at _duwag_ sa harap.) I. Narito't malasin itong kalagayan At tutop ang noó sa kapighatian, Aking binabakas yaong kasayahang Nasulat sa dahon nitong kabuhayan. II. Hindi makakatkat ang m~ga talata Na tikóm sa guhit n~g m~ga biyaya, At kung mayroon pang tagistis n~g luha Ay luhang nanggaling sa pagkariwara. III. Sa aking kalupi, sa aklat n~g palad Ay may m~ga bagay na nan~gasusulat, Diyan makikita ang mukhang may hirap At pusong malaong lunod sa pan~garap. IV. Diyan mamamalas ang isang larawang Sipi sa ulila't payapang libin~gan, Diyan makikita ang dusta kong buhay Na sawang-sawa na sa kawáy n~g hukay. V. Hindi ko matalos itong nangyayari't Ang namamalas ko'y dilím na parati, Bulo sa pagsuyo, bigo sa pagkasi, Kurus sa baunan n~g naduduhagi. VI. Sa pinto n~g puso'y nanawag na lagi Ang tinig n~g dusang nakaaaglahi, Parang nananadyang sa aki'y bumati Ang labi n~g hirap, tinik, dalamhati. VII. Nais kong umibig. N~guni't natatakot Na ako'y umibig at saka lumuhog, Pagka't nan~gan~gambang sa aki'y matapos Ang lahat n~g aliw nitong Sangsinukob. VIII. Wala nang parusang gaya n~g tuman~gis Sa harap n~g isang hindi umiibig, Wala nang parusang gaya n~g tumitig Sa sun~git n~g dilím n~g gabing tahimik. IX. Sukat na sa akin ang ako'y malagak Sa pamamangka ko sa ilog n~g hirap, Sukat nang masabing lagi kang pan~garap. At matitiis na ang pasang bagabag. X. Walang kailan~gang mamatay sa dusa Huwag ang bawiin ang pagkikilala, Aking katuwaan kung ikaw'y makita Sa piling n~g aliw na di magbabawa. XI. Aking matitiis na sarilihin ko Ang lahat n~g pait sa buhay na ito Kahit ang magtimpi'y halik n~g simbuyó Huwag ang abuting ikaw pa'y magtampo. XII. Ipalalagay kong masayang aliwan Ang namamalas kong kurus at libin~gan, Sapagka't sa aki'y darating ang araw At diyan uuwi ang hiram kong buhay. XIII. Di ko pinupukaw ang pagkamapalad Niyang iyong buhay na bagong ninikat, Ikaw ang bituwing takpan man n~g ulap Ay maghahari din ang ningning na in~gat. XIV. Lamang ang han~gad kong iyong mapaglining. Ay ang aking lungkot na di nagmamaliw, Lungkot na aywan ko kung saan nanggaling Kung sa m~ga aklat n~g isang paggiliw. XV. Matapos mabasa ang awit n~g buhay Ay limutin mo na ang aking kundiman, Sapagka't ayokong mahawa kang tunay Sa taglay kong lungkot at kapighatian. =KUNG AKO'Y SINO=... I. Huwàg nang itanong; iyong akalaing akong naghahayag n~g maraming lihim ay isang binihag n~g m~ga hilahil, isang kaluluwang busabos n~g lagim, isang nan~gan~garap sa ganda mong kimkim, isang tumatan~gis, isang dumadaing, isang nagaalay n~g kanyang paggiliw, isang umaasang hindi hahabagin. II. At kung ako'y sino? Sukat na n~ga sinta! ako ang tutugon sa mithi mo't pita...¡ Ninanais mo bang ako'y makilala...? Kung gayo'y makinig:--Akong sumasamba sa iyong larawan sa tuwi-tuwina'y pusong laging bihag n~g hirap, n~g dusa, ako ang linikhang uhaw sa ginhawa't may ulap na lagi ang aking pag-asa. III. At kung ako'y sino? Isang nan~gan~garap magtamong biyaya sa iyong paglin~gap... Isang umaawit n~g lihim at hayag, isang kandong kandong n~g m~ga bagabag, isang nasasabik uminom, lumasap sa saro n~g buhay n~g tuwa, n~g galak, isang binabayo n~g m~ga pahirap, isang umiibig sa iyó n~g ganap. =Si Puring...!= Sabihin na ninyong ako'y nan~gan~garap ó nananaginip sa Sangmaliwanag ay di babawiin itong pag-uulat sa isang dalagang may magandang palad. May tikas-bayani at tindig Sultana, may hinhing kaagaw n~g m~ga sampaga, may samyong kundimang hindi magbabawa datnan ma't panawan n~g gabi't umaga. Ang matáng katalo n~g mayuming tala'y sapat nang bumihis sa pusong naluha, ang n~giting animo'y kaban n~g biyaya'y makaliligaya sa m~ga kawawa. Si _José Vendido'y_ subukang buhayi't sa diwatang ito'y pilit na gigiliw, paano'y may gandang batis n~g tulain, paano'y may yuming aklat n~g damdamin. =¡NOON=...! Noon, ikaw'y aking minamalasmalas sa pusod n~g gayong tahimik na gubat, ang iyong larawan noo'y nasisinag sa linaw n~g batis na awit n~g palad. Ikaw'y namimili n~g batong mainam at nilalaro mo ang m~ga halaman, sa damdam ko baga'y ang bawa't hawakan n~g m~ga kamay mo'y nagtataglay buhay. Yaong "makahiyang" mahinhi't mayumi n~g iyong hawaka'y hindi man nan~gimi, paano'y may galing ang iyong daliri't ang m~ga kamay mo'y banal, tan~ging tan~gi. Sa puso'y tumubo ang isang paghan~ga, naguhit sa pitak ang isang diwata, aywan ko kung ikaw! At tila ikaw n~ga! Subali't Mayumi, ¿ikaw'y maaawa? Magsabi ang aklat na iyong binasa kundi ang buhay ko'y siniklot n~g dusa, magsabi ang gubat kung hindi natayang ang tulog kong puso'y iyong binalisa. Mayumi, buhayin ang yumaong araw sa tabi n~g batis at lilim n~g parang, kung magunita na'y dapat mong malamang naririto akong tigib kalumbayan. =Bagong Taon=... Hindi ko matalos kung ang aking puso'y Magbabagong taón sa pagkasiphayo, Ako'y naririto't ikaw ay malayo Na animo'y buwang sa aki'y nagtago. Inaasahan ko n~g buong pagasa Na ikaw sa aki'y sadyang lumimot na, Kung magkakagayo'y iyong makikita Ang maputlang bangkay sa gitna n~g dusa. Ako, sakali mang iniwan sa hirap Ay nagsasaya rin kahit sa pan~garap, Sapagka't nais ko na iyong mamalas Na ako'y marunong magdalá n~g palad. At sa pagpasok n~ga n~g bagong taon mo Ay pawang ligaya ang hinahan~gad ko Na iyong tamuhin sa buhay na ito Kahit pan~garap daw ang lahat sa mundo. KUNDIMAN NG PUSO ¡...............! Pan~galang sing-ban~go n~g m~ga sampaga, laman n~g tulain, hamog sa umaga, awitan n~g ibong kahalihalina, bulong n~g batisang badha n~g ligaya. Sa aki'y sukat na ang ikaw'y mamalas, upang magkadiwa ang aking panulat, sa aki'y sukat na ang ban~go mong in~gat upang ikabuhay n~g imbi kong palad. Ikaw ang may sala! Bulaang makata ang hindi sa iyo'y mahibang na kusa, bulaang damdamin ang di magtiwala sa ganda mong iyan, n~g lahat n~g nasa. Yamang ginulo mo ang aking isipan at naging n~giti ka sa aking kundiman, bayaan mo n~gayong sa iyo'y ialay ang buong palad kong tan~ging iyo lamang. Napakatagal nang ikaw'y natatago sa pitak n~g aking lumuluhang puso, ang iyong larawa'y talang walang labo at siyang handugan n~g aking pagsuyo. Kung nagbabasa ka'y tapunan n~g malay ang kabuhayan kong walang kasayahan, kung masasamid ka'y iyo nang asahan na ikaw ang aking laging gunamgunam. Sa paminsanminsa'y tapunan n~g titig ang isang makatang hibang sa pagibig, bago ka mahiga'y tumin~gin sa lan~git at mababakas mong ako'y umaawit. =¡ALA-ALA....!= Huwág mong isiping kita'y linilimot, huwag mong asahang ang aking pag-irog ay wala't kupas na sa kimkim mong ganda, huwag, aking kasi. Walang pagkatapos ang tibok n~g pusong napabubusabos. Ikaw'y nagmalaki! Ako'y di binati at parang hindi na kakilalang tan~gi, ganyan n~gang talaga ang taong maganda, mapagmalakihin sapagka't may uri na lubhang mataas kay sa isang Hari. Ako'y linimot mo. Kahit magkakita'y hindi man n~gitian, gayong kakilala, hindi ba't diwata ikaw nitong diwa? Hindi ba't batisan ikaw n~g pag-asa at ikaw'y may ban~gong sipi sa sampaga? Tapunan n~g malas ang masayang araw na ako'y busabos niyang kagandahang pumukaw na muli sa aking kudyapi, doo'y mababakas ang isang larawang ako'y nakaluhod at nananambitan. Iyan ang larawan n~g isang makata na uhaw na uhaw sa kimkim mong awa, Iyan ang umawit sa lahat n~g sakit na taglay n~g pusong laging lumuluha at sabik na sabik sa iyong kalin~ga. N~gayo'y naririto't muling umaawit ang iyong makatang inapi't hinapis, habang inaapi'y lalong lumalaki sa dilag mong iyan, ang aking pag-ibig pagka't ang puso ko'y singlawak n~g lan~git. =Saksi=...! I. Ikaw nga'y dapat kong mahalin nang labis at ukulang tan~gi n~g aking pagibig, pagka't natunayang ikaw'y isang lan~git na di dadalawin n~g m~ga pan~ganib. II. Nananalig akong napakadalisay n~g iyong pag-ibig sa ating suyuan, kaya't ang puso ko'y nagpapakatibay hanggang sa sumapit ang dakilang araw. III. Pagaaralan ko, hanggang makakaya na ikaw'y malagak sa tuwa't ginhawa, pagiin~gatan kong huwag kang magdusa kung na sa sa akin ang iyong ligaya. IV. Kaya't aking irog: Ikaw'y pumanatag; at kung sakali mang tayo'y mabagabag ay huwag magtaká sa Sangmaliwanag pagka't ang lan~git ma'y nagaalapaap..! =Kundiman=...! Dalagang butihin: Huwag kang human~ga kung iyong makitang ang mata'y may luha, ang kabuhayan ko'y hindi maapula sa ikatatamo n~g tan~ging biyaya. Ang luha sa mata'y laging bumabalong, ang aking damdamin ay linilingatong, ang kulay n~g madla'y malamlam na hapon, ang ayos n~g lahat ay parang kabaong. Sa aking paghiga'y laging nakikita ang iyong larawan, dakilang dalaga ikaw'y maniwalang ako'y umaasa na di aabutin ako n~g umaga. Kaya't kung sakaling ikaw'y may paglin~gap kung may pagtin~gin ka sa imbi kong palad, ay mangyari mo n~gang iligtas sa hirap ang kabuhayan kong sawa sa pan~garap. =Ang iyong pangako= _Sa iyo, Pitiminí_. Bago ka umalis at naglakbay baya'y may naging pan~gakong sa aki'y iniwan pan~gakong sa aki'y naging bagong araw na nikat sa gitna n~g katanghalian, paano'y pan~gakong sa katotohana'y nagbukas n~g pinto n~g kaligayahan. Ikaw'y napalayo. Ako'y ilinagak sa lan~git n~g isang masun~git na palad napatulad ako sa kimpal n~g ulap na walang bituwing magarang ninikat, ang kabuhayan ko'y naging isang dagat na di matatawid kahit sa pan~garap. Pinag-aralan kong luman~goy sa sakit at buong lakas ko ang siyang ginamit ang iyong pan~gako sa aking pan~ganib ay siyang timbulang kawáy n~g pagibig, noon ko nalamang ang taglay kong hapis ay di magbabawa't singlawak n~g lan~git. Pinagtiisan kong labanan ang aking pasanpasang hirap at m~ga damdamin, ang kawikaan ko'y ang gabing malalim na napakasun~git ay natatapos din. Ang taglay kong dusa kung ako'y palarin ay magiging sayáng hindi magmamaliw. Walang saglit na di ang iyong pan~gako ang napapasulat sa aklat n~g puso, walang araw na di ang aking pagsuyo ay sabik sa tuwang kapintupintuho kaya't nangyayaring madalas maligo itong aking palad sa luhang nunulo. Isinulit mo pang sa iyong pagdating ang iyong pan~gako'y sadyang tutuparin, ang aking pagasang puyapos n~g dilim ay kinabakasan n~g bahagyang aliw, paano'y umasang iyong tutubusin ang kunis n~g buhay sa guhit n~g libing. Magmula na noo'y naging maliwanag ang lan~git n~g pusong nagaalapaap, ang kurus na aking laging namamalas sa m~ga libin~gan n~g nan~gapahamak, sa aking panin~gin ay naging watawat na kulay lungtiang kapan~gapan~garap! Ikaw'y napabalik, at tayo'y nagkita! ang lamang palagi nitong alaala'y ang iyong pan~gakong hindi magbabawa na n~gayo'y ibig kong tuparin mo sana, n~gunit hinding hindi. Ang aking pagasa'y iyong ipinako sa kurus n~g dusa. Sa ganyang paraa'y di kaya manglambot ang kabuhayan kong puyapos n~g lungkot? At sa pagkabigo'y hindi ba himutok ang sa damdamin ko'y minsang maglalagos? Ang mukha n~g araw ay biglang lumubog sa likod n~g isang mapanglaw na bundok. Sulyapan mo n~gayon itong kalagaya't balisang balisa sa kapighatian, at hanggang hindi mo binibigyang tibay ang naging pan~gako sa dusta kong buhay ang kaluluwa ko'y magiging larawan n~g nakalulumong kurus at libin~gan. ¡ANG REYNA ELENA.....! Ayu't lumalakad. Magarang magarang animo'y bituing nahulog sa lupa, kung minsa'y nagiging hibang itong diwa at kung magkaminsa'y para akong bata, paano'y hindi ko masukat sa haka ang nararapat kong ihaing paghan~ga. Kung kita'y itulad sa dakilang araw at ako ang lupa, ang lupang tuntun~gan, ay masasabi mong ako'y walang galang at ako ay bihag niyong gunam-gunam. Subali't butihin! Ang aking tinuran ay tibok at utos n~g katotohanan. Kung ikaw'y Reyna man sa ganda't ugali, naman sa pan~garap, ako'y isang Hari; kaya't kung sabihi'y tala kang mayumi, hamog sa umaga, ban~gong walang pawi, ikaw ay manalig, manalig kang tan~gi at ang nagsasabi'y nabatu-balani. Hanggang tumataas iyang kalagayan nama'y naiingit itong kapalaran, ang gunitain ko ay baka mawalay sa puso mo't diwa ang aking pan~galan, kung magkakagayon, irog ay asahang sa aki'y babagsak ang Sangkatauhan. Sa iyo'y bagay n~ga yaong pagka-Reyna, pagka't sa ayos mo'y isa kang Zenobia, may puso kang Judith, may n~giting Ofelia, may diwang de Arco't may samyo kang Portia, samantalang ako, akong umaasa'y isa lamang kawal na lunód sa dusa. Sa paminsan-minsa'y maanong kuruing wala nang itagal ang aking damdamin, kung magdaramot ka, Reyna kong butihin at di mahahabag sa pagkahilahil ay iyong asahang ang aking paggiliw ay magkakalbaryong walang págmamaliw. =¡Huwag kang manganib...!= (SAGOT SA LIHAM MO) I. Maasahan mo ang aking pag-ibig, ang buong buhay ko hanggang mayrong lan~git, hanggang mayrong araw, tala, gubat, batis ang iyong pan~gala'y laging na sa isip. II. Huwag kang man~ganib! Di ko malilimot ang ganda mong iyang sipi sa kampupot, ang ban~go at tamis n~g isang pag-irog ay na sa sa iyo't hindi mauubos. III. Nang matunghayan ko ang padalang liham, luha ko'y tumulo sa kapighatian, paano'y gumuhit sa aking isipan na: _ang tagumpáy ko'y iyong kamatayan_. IV. Di ko akalaing iyong ikahapis ang pagtatagumpay n~g ating pag-ibig, ang m~ga luha mo'y ulan n~g pasakit, ang kalumbayan mo'y pagdilim n~g lan~git. V. Ang pagtiwala'y tibay n~g pagkasi, timbulan n~g puso n~g naruruhagi, panilo sa m~ga tapat na lalaki, pag-asa n~g palad na di mapuputi. VI. Huwag mong isiping ako'y magsasawa sa ating suyuang busog sa biyaya, ang iyong larawa'y laging na sa diwa't ang iyong pan~galan ay aking dambana. VII. Aking natunghayan sa padalang sulat ang kalungkutan mo't sinisimpang hirap. Kay hirap maghintay n~g masayang bukas! Kay hirap sabikin n~g isang pan~garap! VIII. Magtiis ka irog! Darating ang araw na ikaw at ako ay magkakapisan, ang ulap sa ati'y biglang mapaparam at magliliwanag ang Sangkatauhan. IX. Huwag kang man~ganib! Darating sa atin ang isang sandaling batis n~g paggiliw, diyán matataya ang di magmamaliw na aking paglin~gap sa pagkabutihin. X. At kung katunayan n~g aking pag-ibig ang hinihintay mong sa iyo'y isulit ay narito akong gaya mong may hapis at isinusumpa ang nunun~gong lan~git. =¡Lihim ng mga titig!...= Ibig kong hulaan sa silong n~g Lan~git ang lihim na saklaw niyang m~ga titig, isang suliraning nagpapahiwatig, n~g maraming bagay, n~g luha't pag-ibig. Ako'y manghuhula sa bagay na iyan, pagka't nababasa, sa hugis, sa galaw n~g m~ga titig mong halik n~g kundiman ang ibig sabihin at pita n~g buhay. Ikaw'y nagtatapon nang minsa'y pagsuyo, minsa'y pang-aaba't minsa'y panibugho, minsa'y paanyaya sa tibok n~g puso nang upang sumamba't sa iyo'y sumamo. Ang m~ga titig mo'y may saklaw na lihim, at maraming bagay ang ibig sabihin, n~guni't sa palad ko'y isang suliraning nagkakahulugang ako'y ginigiliw. ¡CHOLENG...! (Tan~ging sinulat upang ihandog sa kaarawan mo-- ika 13 n~g Nov.) I. Guhit n~g liwanag, kislap n~g ligaya, talutot na ginto n~g isang sampaga, kalupi n~g buhay, hamog sa umaga, Bathalang ang awa'y hindi magbabawa, kaban n~g kundimang sa nan~gun~gulila'y halik n~g biyaya't sugo n~g ginhawa, timbulan n~g palad sa m~ga parusa, tinig na mayumi n~g mahinhing maya. II. Larawang kalasag sa m~ga pasakit, tulay n~g lwalhating patun~go sa lan~git, halamang magarang sa paligid-ligid ay m~ga bulaklak na kaakitakit, bundok na palaging sa libis ay batis na maiinuman n~g budhing malinis, dagat na payapang katapat n~g lan~git na minsa'y magban~gong kapan~gapan~ganib. III. Sultana n~g Pasig, mahinhing Makiling, sa ganda'y reyna nang dapat pan~garapin, isang Sinukuang anang salaysayi'y babaing bumihag sa libong damdamin, usok n~g kamanyang na di magmamaliw, Lan~git na masaya at Buwang butihin, Olimpong mayaman sa m~ga awitin, buhay na badhaan n~g isang paggiliw. IV. Tahimik na lan~git na nan~gan~ganinag ang lamang biyayang tugon sa pan~garap, m~ga kayamanang hindi matitinag, sampagang sa ban~go'y tulang walang kupas, talang nagsasayang may mayuming sinag, aklat na talaan n~g aliw n~g palad, dahon n~g kaluping yaong nasusulat ay kadakilaan n~g damdaming in~gat. V. Tingkad n~g pagasa, tuhog n~g kampupot, kudyapi n~g palad, tamis n~g pagirog, watawat na sipi sa lalong matayog na kaligayahang hindi mauubos, haligi n~g buhay na di matutupok n~g apoy n~g samang dito'y nagsianod, bathala n~g gandang kung siyang magutos sa matatakuti'y mawawalang takot. VI. Iyan ang si Choleng na sadyang mayumi't laman n~g panulat na kahilihili, iyan ang larawang aking binabati at isang dalagang hiyas nitong Lahi, iyan ang diwatang ang paguugali'y mayamang talaan n~g saya't lwalhati, iyan ang sampagang ang samyo, ang uri'y pawang kapalarang walang pagkapawi. VII. At n~gayo'y araw mo! N~guni't ano kaya ang maiaalay sa isang himala? Walang wala Choleng! Hindi m~ga tula, ni hindi pan~garap sa gitna n~g tuwa, kundi m~ga mithing: _buhay_, _lakás_, _tyaga_, ang sa talaan mo ay man~gapatala, iyan ang mabuting kalasag na handa upang sapitin mo ang inaadhika. VIII. Basahin pa Choleng sa aklat n~g buhay ang tingkad n~g aking dalan~ging dalisay; "Buhay mo'y maglayag sa kaligayahang pan~garap n~g lahat sa Sangkatauhan. Isang pagtatapat: Sa lupang ibabaw ang palad n~g madla ay isang digmaan, ang iyong paglakad ay pakain~gata't ang buhay n~g tao'y panaginip lamang. TINDING... Magsabi ang Lan~git kundi ikaw'y talang Nagbigay sa akin n~g tuwa't biyaya, Magsabi ang lahat kung hindi diwata Ikaw n~g lalo mang pihikang makata. Ikaw'y maniwalang ang musmos kong puso'y Natuto sa iyong huma~ga't sumamo, Sisihin ang iyong dikit na nagturo Sa kabuhayan ko, n~g pamimintuho. At sino sa iyo ang hindi hahan~ga? Ikaw'y paralumang batis n~g biyaya, Pakpak n~g pan~garap at Reyna n~g awa. Ang dilim n~g gabi sa aki'y natapos, N~gumiti sa tangkay ang m~ga kampupot, Gayon ma'y narito't puso ko'y busabos. Noo'y isang hapon... (Kay......................) Noo'y isáng hapon! Ikaw'y nakadun~gaw At waring inip na sa lagay n~g araw, Ang ayos mo noon ay nakalarawan Sa puso kong itong tigíb kalumbayan. Anománg gawin ko'y hindi na mapawi Ang naging anyo mong pagkayumi-yumi, ¡Itóng aking pusong nagdadalamhati'y Tinuruan mo pang umibig na tan~gi! Kung nang unang dako'y hindi ko nasabi Sa iyo ang aking tunay na pagkasi Ay pagka't ang aking puso ay napipi Sa haráp n~g dikít na kawiliwili. Sa n~gayo'y naritó at iyong busabos Ang aking panulat at aking pag-irog; Ang aking panitik: walang pagkapagod, Ang aking pag-ibig: walang pagkatapos. Kung pan~garapin ko ang lamlam n~g araw At nagíng anyo mo sa pagkakadun~gaw Ay minsang sumagi sa aking isipang "¿Ikaw kaya'y aking magíng Paraluman?" Daglian... (Sa iyo rin...) Kung sa iyong pag-iisá O sa iyong pagbabasá Ay may matutunghayan ka Na tunay na sumisintá, Yaón ay wala nang ibá Kungdi akong nagbabatá. Akin na n~gang naiulat sa iyo, ang aking palad, N~guni't ang aking panulat Ay di makapagsisiwalat N~g _layon_ ko at _pan~garap_. Kakambal ko kaya'y hirap? Tinding: ikaw'y maniwala Na ang aking puso't diwa Sa iyo'y sangla kong pawa; Ang puso ko'y humahan~ga, N~guni't umíd itong dila, Ito kaya'y malikmata? Ang may pagsintang malabis Ay umid at nahahapis, Ligaya na n~gang masilip Yaong kanyang nilalan~git, ¿Tubsin mo kaya sa sakit Ang pagkasi kong malinis? Unang damdamin! (Sa iyo.....) I. Bathala n~g ganda! Hindi kailan~gang sa aki'y magtaka sakaling alayan n~g paos na tinig n~g aking kundiman, pagka't alam mo nang diwata kang tunay. II. Ikaw ang pumukaw sa aking panulat upang maawit ko ang yumi mong in~gat, ikaw ang sa aking kalupi n~g palad ay unang nagtitik n~g isang pan~garap. III. Ipagpatawad mong sa iyo'y sabihing ikaw ang bathalang pumukaw sa akin, ikaw ang nagbukas sa aking damdamin n~g lihim at unang pinto n~g paggiliw. IV. Kundi kasalanan ang gawang tuman~gis ay ibilang mo nang kita'y iniibig at kung ang luhog ko'y iyong ikagalit ay ibibilang kong isang panaginip. ¡INFIERNO....! Tinatakhan mo ba ang aking pag-irog? Dinaramdam mo ba ang aking paglimot? Huwag kang mamangha't di mo masusubok ang kadalisayan n~g aking pagluhog. Sa aki'y di sukat ang m~ga babae, sa aki'y di sukat ang iyong pagkasi, ako'y inianak sa pagkaduhagi kaya't magagawa ang minamabuti. Ako'y malilimot kung siya mong nais at pakasumpain sa silong n~g lan~git, ikaw'y may laya pang sa iba'y umibig pagka't may ganda kang hiraman n~g awit. Subali't alaming... ikaw'y masasayang kung mahihilig ka sa ibang kandun~gan, sapagka't ang ating nan~gagdaang araw ay di malalanta sa iyong isipan! Ang lahat sa lupa'y iyong mahahamak at maaari kang magbago n~g palad, n~guni't susundan ka sa iyong paglakad n~g isang anino n~g ating lumipas. Iyong magagawa ang ako'y limutin at matitiis ko ang pagkahilahil, iyo mang isangla ang iyong paggiliw sa ibang binata'y... di ko daramdamin! Kung tunay mang _lan~git_ ang iyong pagkasi'y isang _Infierno_ ring aking masasabi, bihira sa m~ga magandang babae ang di salawaha't taksil sa lalaki. Limutin mo ako kung siya mong nasa't saka pa umibig sa ibang binata, ang pagtataksil mo'y di ko iluluha pagka't ang babae'y taong mahiwaga. Ang paglilihim mo'y aking kamatayan, ang ginagawa mo'y parusa n~g buhay, kundi ka tutupad sa bilin ko't aral ay ako'y walin na sa iyong isipan. Di ko tinatakhan ang palad n~g tao sapagka't ang lahat ay mayrong Kalbaryo kung ang aking puso'y iyong _Paraiso_, ang iyong pag-ibig ay aking _Infierno_. ¡Kamanyang...! I. Ang hapong malamlam ay naging tadhana n~g bagong panahon sa aklat n~g diwa, ang gabing madilim na di nagsasawa sa pagmamaramot sa m~ga biyaya ay naging umagang sa aking akala'y batbat n~g bulaklak na lubhang sagana, ang buwang mayuming ayaw magmagara ay naging dalagang kaagáw n~g tala. II. Ang m~ga aliw-iw n~g palalong tubig sa kabuhayan ko'y naging m~ga tinig n~g lalong mapalad sa silong n~g lan~git, ang kulay n~g hirap na namimiyapis ay biglang nagmaliw na di ko malirip, ang mundo kong batbat n~g luha at sakit ay naging mundo na n~g Haring makisig ó isang palásyong malayo sa hapis. III. Ang tikóm na labi n~g m~ga sampaga'y namukád na bigla't naglabing ligaya, ang dilim at ulap n~g aking pagasa'y naging bagong araw na di magbabawa, ang kukó n~g hirap at, ban~gis n~g dusa'y naging m~ga hamog sa dapit umaga, ang guhit at ulos n~g m~ga parusa'y naging m~ga n~giti n~g bagong Ofelia. IV. Huwag kang magtaka, dalagang mayumi sakaling sabihing sa aki'y napawi ang tinik n~g dusa't m~ga dalamhati, sapagka't sa n~gayo'y aking napaglimi na iyong pagsilang nang buong lwalhati ang m~ga nabagong nadama't nasuri, ang m~ga nakita't nabakas sa labi'y tanda n~g paghan~ga't sa iyo'y pagbati. V. At n~gayo'y araw mo! Darakilang araw ang siyang sumaksi sa iyong pagsilang, at yamang ganito'y aking katungkulang ikaw ay suubin n~g aking kundiman bagama't, alam kong ang awit n~g buhay ay awit n~g m~ga naaaping tunay bagama't talos kong ang "lira" kong tan~gan ay hamak na "kurus" sa isang libin~gan. VI. Walang kailan~gan! At tila n~ga dapat na ika'w batiin n~g aking panulat: Dakilang dalaga, ang Sangmaliwanag ay busog sa silo at m~ga bagabag, tayo'y isinilang upang makilamas sa n~gitn~git n~g dilim at sigwa n~g palad, matapos batii'y iyong isahagap na ang buhay natin ay isang pan~garap. Ang abaniko mo... (_Sa isang bulaklak._) Parang isang pilas n~g lan~git na bughaw ang namamalas ko kung ikaw'y magpaypay, parang isang "mundo, ang pinagagalaw n~g napakaputi't nilalik mong kamay. Iyan ang pamaymay na iyong ginamit nang ako'y daran~gin n~g dila n~g init, diyan napasama ang patak n~g pawis, diyan napalipat ang pisn~gi n~g lan~git. Anopa't sa aki'y naging malikmata ang buhay kong iyong binigyang biyaya, nalimot kong minsang ang tao sa lupa ay may kamataya't sariling tadhana. Ang sun~git n~g gabi, sa aki'y napawi at bagong umaga ang siyang naghari, ang damdam ko baga'y pawang nanaghili sa akin ang m~ga taong mapagsurí. Subukang igawad ang Sangkatauhan at hindi sasaya itong kabuhayan, n~guni't kung ang iyong "abanikong tan~gan, patay ma'y baban~go't ikaw'y aawitan. Sa aki'y sukat na ang ikaw'y mamalas upang ang lan~git ko'y mawalan n~g ulap, ang iyong pamaypay kung siya mong hawak, ako'y dinaraíg n~g m~ga pan~garap. Kung ikaw'y umibig (_Sa aking Reyna._) Huwag nang sabihing ang tan~ging Julieta n~g isang Romeo'y batis n~g ligaya, huwag nang banggitin ang isang Ofelia't hindi mapapantay sa irog kong Reyna. Subukang buhayin ang lima mang Venus at di maiinggit ako sa pagluhog, tinatawanan ko si Marteng umirog sa isang babaeng lumitaw sa agos. Ang pulá n~g labi, ang puti n~g bisig, ang kinis n~g noong wari'y walang hapis, ang lahat n~g samyo sa silong n~g lan~git ay isinangla mo kung ikaw'y umibig. Ang lahat sa iyo'y kulay n~g ligaya, ang lahat sa aki'y n~giti n~g sampaga, kung magkakapisan ang ating pag-asa ay magiging mundong walang bahid dusa. Hindi mo pansin na ako'y lalaki, hindi mo naisip na ikaw'y babae, paano'y talagang kung ikaw'y kumasi sa tapat na sinta'y nagpapakabuti. Gabing maliwanag at batbat n~g tala, maligayang Edeng bahay n~g biyaya, iyan ang larawang hindi magtitila n~g iyong pag-ibig sa balat n~g lupa. Ang buhay n~g tao'y hindi panaginip, ang mundo'y di mundo n~g hirap at sakit, aking mapapasan ang bigat n~g lan~git kung sasabihin kong: _Kung ikaw'y umibig_. Tag-ulan... May nan~gagsasabing masama ang ulan, may nan~gagagalit sa lusak na daan, ako ang tanun~gi't... aking isasaysay na ang tan~ging _gloria'y_ ang pagtatampisaw. Ang m~ga halama'y nan~gananariwa sa patak n~g ulang hindi nagtitila, ang aking pagkasing ibig mamayapa kung ganyang tagula'y nagbabagong diwa. Walang kailan~gang sa aki'y magtago ang mukha n~g araw na di ko makuro, sa aki'y sukat na ang iya'y maglaho upang pasayahin ang kimkim kong puso. Walang kailan~gang sa Sangmaliwanag ay laging maghari ang dilim at ulap, ang patak n~g ulan sa imbi kong palad ay ban~gong masansang na di man~gun~gupas. Kung may mag-uulat na sa kalan~gitan ay may unos, baha, at patak n~g ulan, ay kunin na ako't hindi mamamanglaw pagka't masasama sa kawal n~g banal. Ang patak n~g ulan ay awa n~g lan~git, lihim na biyaya sa m~ga ninibig, laman n~g panulat sa m~ga pag-awit, sariwang bulaklak sa pitak n~g isip. Kung ang tan~ging Musa'y may tampo sa akin at ayaw sumunod sa aking paggiliw, ang patak n~g ula'y sukat ang malasin upang ang _lira_ ko'y sumuyo't sumaliw. Kung sakasakaling ako'y maging bangkay at saka ilagak sa isang mapanglaw na labi n~g libing... mangyaring ang ula'y bayaang tumagos sa aking katawán. II. PAGSISISI...... (TULANG MAY ANIM NA BAHAGI.) _ I.--Nasilaw sa dilím. II.--Ang hamak na palad. III.--Gayon man, gayon ma'y... IV.--Ang panghihinayang... V.--Kung ikaw'y binata... VI.--Sa abó baban~gon..._ ¡PAGSISISI.....! Sa iyo =_Nasilaw sa dilim_=... I. Anang m~ga tao: _Ang m~ga makata'y Sadyang isinilang upang magsiluha._ Nang una'y ayokong dito'y maniwala Subali't sa n~gayo'y nakita kong tama. Ang luha n~g tao ay may m~ga dahil, May luhang nagmula sa pagkahilahil, May sa pagkaapi sa isang giniliw, May sa pagkalayo sa inang butihin. Ang luha n~g aking nagsisising puso Ay hindi nanggaling sa pagkasiphayo, Ni sa pagkaapi n~g aking pagsuyo, Ni sa pagkagahis n~g isang palalo. Ang luha ko'y buhat sa di pagkataya Na ang tao'y mayrong _balon_ n~g parusa, Ang pagsisisi ko ay bumabalisa't Bumawi sa akin n~g aking ligaya. Talagang ang tao'y sadyang walang tigil, Namali nang minsa'y ibig pang ulitin, Ang tanaw sa _mundo'y mundong_ walang lihim At sa _Dios_ ay _Dios_ na di matandain. Ang mundo n~ga nama'y batbat n~g paraya't Nagkalat ang silo sa balat n~g lupa, Dito kung mayron mang sampagang dakila Ay may tinik namang pamutol n~g nasa. Ang pagkamasakim sa ban~go at puri Ang isinasama n~g lalong mabuti, Ang pagtin~ging labis sa pagsintang iwi'y Siyang pagkabagsak n~g isang lalaki. Oh! _ban~gong_ pan~garap n~g uhaw na puso! Oh! _puring_ nagbuwal sa lalong maamo! Kayo ang _berdugong_ may bihis-pagsuyo N~guni't iyang loob ay pagkasiphayo. Ang sabik sa ban~go n~g isang sampaga't Ang uhaw sa puri n~g isang dalaga'y Siyang sumusunog sa kanyang pagasa't Siyang nagsasabog niyong m~ga Troya. Dakilang bulaklak: Ako'y naniwala Na ang nagawa ko'y kahiban~gang pawa, N~gayon ko natantong _birhen_ kang dakila, May wagas kang puso't banal na akala. Ako'y naririto't pinagsisisihan Ang aking nagawang m~ga kasalanan, Aking babaunin hanggang sa libin~gan Ang hinanakit mo't magagandang aral. Talagang nalisya ang aking pan~garap, Puso ko'y inabot n~g bagyo sa dagat, ¿Ano't ikaw pa n~ga yaong binagabag Gayong ikaw'y isang _anghel_ na mapalad? Pawiin sa puso ang m~ga nangyari At iyong alaming may ban~go ka't puri, Samantalang gayon, ako'y nagsisisi At binabawi ko ang m~ga sinabi. N~guni't isang tanong: ¿Kaya ang patawad Sa namaling puso ay iyong igawad? Ang m~ga _luha_ ko'y siyang ihuhugas Sa napaligaw ko't nagsisising palad. * * * * * =_Ang hamak na palad_...= II. Aywan ko kung ikaw'y magtaglay pang awa sa nagsisi ko nang lakad at akala, aywan ko kung ikaw'y kulang pang tiwala sa m~ga nasayang at natak kong luha. Kung natatalos mo ang luhang nasayang sa mata ko't pusong laging naglalamay, sana'y nasabi mong mayrong katunayan ang dinaranas kong m~ga kahirapan. Ang hinanakit mo, sumbat at paglait ay pawang nakintal sa dila ko't isip, at ang ating lihim sa silong n~g lan~git ay siyang sa aki'y nakakaligalig. Pinag-aralan kong ikaw'y kausapin nang upang ihayag ang buo kong lihim, lihim n~g sa wari'y nagbigay hilahil sa napakabatang puso mo't paggiliw. Ang pagtatapat ko'y di mo minarapat ang kawikaan mo, ako'y isang hamak, ang naging ganti mo sa aking paglin~gap ay isang _libin~gan_ at _kurus_ n~g hirap. Ang hamak n~ga nama'y hindi naaayos umibig sa isang Reyna n~g Kampupot, ang _hamak_ na palad ay dapat umirog sa kaisa niyang _hamak_ di't _busabos_. ¿Maaari kayang ang isang _granada'y_ maihulog sa di gusto n~g _princesa?_ ¿maaari kayang ang isang sampaga'y makuha at sukat n~g taong bala na? Kay laki n~g agwat n~g palad ta't uri, ikaw'y isang lan~git na kahilihili at ako ay isang hamak na pusali, ikaw ay sariwa at ako'y unsyami. Ang panghihinayang ang siyang nagtulak na kita'y mahalin n~g buo kong palad. Ang panghihinayang ang siyang nagatas na kita'y itala sa aking pan~garap. Kung ikaw sa akin ay walang hinayang sa aki'y sayang ka at sayang na tunay, sabihin na akong kasakimsakiman at ikaw sa iba'y di mapapayagan. Lalo pang mabuting kanin ka n~g lupa kay sa mahulog ka sa ibang binata, ¿Iba pa ang iyong bibigyang biyaya gayong ako'y uhaw sa iyong kalin~ga...? Ipinipilit mong tayo'y pupulaan kung sa lihim nati'y mayrong makamalay, ¿at sinong pan~gahas ang pagsasabihan. nitong ating lihim sa sangkatauhan? Ako'y nagsisisi't nabigyang bagabag na naman ang iyong tahimik na palad, kundan~ga'y ang iyong ban~gong walang kupas sa pagiisa ko'y siyang nasasagap! Sa kahilin~gan mo, kita'y lilimutin kahit nalalaban sa aking damdamin, n~guni't ang samo ko'y iyong idalan~gin ang papanaw ko nang ulilang paggiliw. * * * * * =_Gayon man, gayon ma'y _...= III. Kung may kasayahan ang tao sa lupa naman ay mayron ding pagkabigo't luha. Kaya n~ga't ang tao, sa aking akala ay laruan lamang n~g kanyang tadhana. Yamang walang taong likas na mabuti't walang nan~gamaling hindi nan~gagsisi. Sa ikasisiya n~g iyong sarili'y itatakwil ko na ang aking pagkasi. Lulunurin ko na sa hukay n~g puso ang aking yayaong nasawing pagsuyo, ipagluluksa ko ang pagkasiphayo n~g aking pag-ibig na di mo inako. Pag-aaralan kong luman~goy sa dagat na puno n~g aking sariling bagabag, pag-aaralan kong lumaban sa hirap yamang siyang takda n~g buhay ko't palad. Aking natatantong walang pagkasayang sa iyo ang aking maralitang buhay, sa iyo'y ligaya ang aking pagpanaw, sa iyo'y lwalhati ang _kurus_ ko't _hukay_. Kung ikaw ay walang hinayang sa aki't wala pang hinayang sa aking paggiliw, ay iyong asahang aking sasapitin ang ninanasa mong balón n~g hilahil. ¿Di mo nalalamang itong umi-ibig sa lahat n~g bagay ay di nan~gan~ganib, ang kamatayan ma'y kanyang malalait kundi na makaya ang taglay na hapis? Gayon man, gayon ma'y hindi masisira sa akin ang iyong hiling at pithaya, gaya n~g hiling mo, ako'y magkukusang maghandog n~g iyong ikapapayapa. N~guni't manumbalik kaya ang paglin~gap sa aking namali't nagsising pan~garap? ¿manumbalik kaya at hindi kumupas ang iyong pagtin~gin sa imbi kong palad? Iyan ang isa pang di ko ikatulog gayong nagsisi na ang aking pagirog, iyan ang sa aki'y nagbibigay takot, iyan ang sa n~gayo'y di ko mapag-abot. Hinuhulaan kong ang iyong paglin~gap ay magbabago na sa imbi kong palad, ang kawikaan mo'y ang isang nabasag mabuo ma'y mayrong natitirang lamat. Sa isang gawi n~ga'y may katotohanan kung ganyan ang iyong magiging isipan, n~guni't alamin mong malinis na tunay ang isang maruming nagbago n~g buhay. Magpahangga n~gayo'y iyong mawiwika na ikaw'y akin pang _sinisintang kusa_, magiging totoo ang iyong hinala kung ang puso'y muling hagkan n~g paghan~ga. Kung muling gumiit ang panghihinayang ikaw ay muli kong sisintahing tunay, ang isa pa'y iyo namang nalalamang ang _pagsisisi_ ko'y _pagbibigay_ lamang! * * * * * =_Ang panghihinayang_...= IV. May ilang araw nang ako'y kalung kalong n~g bisig n~g dusa't kamay n~g linggatong may ilang araw nang sa mata'y nanalong ang pait n~g luhang usbong n~g paglun~goy. Nakikita, mo mang ako'y tumatawa nama'y tawang pilit at busog sa dusa, di lahat n~g n~giti'y lagda n~g ligaya, may n~giting singpait n~g luha't parusa. Ang nakakatulad nitong aking buhay ay mundong ulila sa sikat n~g araw, katulad ko'y isang _prinsipeng_ mayaman na uhaw at salat sa aliw at layaw. Upang pumanatag ang aking pagluha'y aking kailan~gan ang lin~gap mo't awa, awang magbibigay n~g yutang biyaya, awang sa lungkot ko'y tan~ging papayapa. Nasabi ko na n~gang nagsisi ang buhay sa nais na kita'y mapagbigyan lamang, kung susunurin ko itong kalagaya'y di ka malilimot hanggang kamatayan. ¿Paano ang aking gagawing paglimot sa iyong ang ban~go'y higit sa kampupot? Sa ganda n~g iyong dibdib, baywang, batok, ay sinong banal pa ang hindi iirog? ¿Sa puti n~g iyong kamay na nilalik, sa m~ga labi mong may pulot at init, sa m~ga paa mo't binting makikinis ay sinong pihikan ang hindi iibig? Kung sinusukat ko ang ganda mong ari, puso ko'y ninibok at nananaghili, aking nasasabing _Talo ko ang Hari kung ako ang iyong mamahál na tan~gi_! Ang panghihinayang ang siyang sa aking puso'y bumabayo't sumusupilsupil, kung ikaw'y bigla ko't buong makakai'y kinain na kita nang ikaw'y malihim. Huwag mong sabihin na ako'y gahaman kung kagahaman n~ga ang layon ko't pakay, para ko sabihin ang katotohana'y walang taong hindi may _imbot_ sa buhay... Sakaling sa aki'y ayaw kang manalig ang lahat n~g sumbat sa aki'y ikapit, ang m~ga sumbat mo nama'y itititik sa dahon n~g aking lagás na pagibig. Ikaw'y maniniwalang ang aking pagasa sa iyo, kaylan ma'y hindi magbabawa, sa iyo sisikat ang isang umaga na dala ang aking magiging ligaya. Kung walang tiwala sa aking pan~gako'y saksi ang halik kong iyong itinago. halik na sa iyong pisn~ging maaamo'y nakintal na tanda n~g aking pagsuyo. Kung kulang ka pa ring tiwala buhay, ako'y magtitiis sa kapighatian, magtitiis ako, kahit nalalamang ang _lungkot_ n~g tao'y isang _karamdaman_. * * * * * =_Kung ikaw'y binata_=... V. Gaya nang hula ko: ikaw'y untiunting nalayo sa aki't nagtatampong wari, ikaw'y umilap at nabibighaning ako'y pakanin mo n~g dusa't aglahi. Panibagong lungkot na naman ang aking naragdag sa iyong pihikang damdamin, talaga na yatang ang aking paggiliw ay di matutubos sa _sala't hilahil_. Ninanais ko nang ako'y makaguhit n~g bagong palad kong walang bahid dun~gis ay kung bakit ako'y lalong nabibin~git sa pagkakasala at ikatatan~gis...! Hanggang nagiin~gat itong kabuhaya'y lalong nabubulid sa kapighatian, hanggang ninanais yaong kalinisa'y lalong dumurun~gis itong kapalaran... Hindi ko malaman itong nangyayari sa kabuhayan kong bihag mong parati, ang Aklat n~g aking tunay na Pagkasi'y puno na n~g aking m~ga pagsisisi. Aking nalalamang hindi makukuha n~g pagsisisi ko itong m~ga sala, n~guni't bayaan mong ang aking pag-asa'y mag-abang sa iyo, n~g awa't ligaya. Kung ikaw'y hindi ko makatkat sa diwa'y sapagka't _lunas_ ka sa aking pagluha, ikaw sa _lungkot_ ko'y kamay n~g biyaya, ikaw sa _uhaw_ ko'y hamog na mabisa. Para ka mawaglit sa aking isipa'y kailan~gan ko pa ang isang libin~gan, at para maubos ang aking kundima'y magbalik ka muna sa pinanggalin~gan. Gaya n~g alam mo: kita'y iniibig n~g isang pagsintang singlawak n~g lan~git n~guni... ano't ikaw'y tila nahahapis sa pagmamahal kong wagas at malinis? ¿Nalulungkot ka ba? Di ko akalaing iyong ikalungkot ang aking paggiliw, di ko inasahang _dun~gis_ na ituring ang pagmamahal kong may wastong layunin. ¿At kung ikaw kaya ang naging lalaki't ako ang pinalad na maging babae, kung hinahamak ko ang iyong pagkasi ay ilang puso mo ang di maruhagi? Sana'y nalaman mo, kung ikaw'y binata ang hirap sa mundo nang lumuhaluha, sana'y natalos mong ang lalong dakila ay nagiging taksil sa laki n~g nasa. Huwag kang malungkot! Busugin sa layaw ang uhaw sa iyong aking kabuhayan, sa m~ga labi mo, ako'y nauuhaw, sa m~ga pisn~gi mo, ako'y mabubuhay. Kung marun~gisan ka n~g aking pagibig ay pagibig ko rin ang siyang lilinis, at kung nahawa ka sa taglay kong hapis, hapis mo't hapis ko ay magiging lan~git. * * * * * =_Sa abo babangon_=... VI. Sa huli'y natumpak itong aking puso't natutong tumupad sa aral mo't samo titiisin ko nang ang aking pagsuyo'y malibing sa hukay n~g pagkasiphayo. N~gayon ko nalamang ang aking landasi'y singdilim n~g iyong tinamong damdamin, n~gayon ko natalos na ako'y sinupil n~g matinding udyok n~g isang paggiliw. Yamang sumikat na sa puso ko't isip ang kaliwanagang bumihis sa hapis, ay masasabi kong ang aking pagibig ay handang lumagak sa pananahimik. Magmula sa n~gayon, kita'y igagalang sa n~galan n~g ating pagkakapatiran, kinikilala ko itong kamalian na siyang naglagpak sa aking pan~galan. Ituring sa wala ang m~ga nangyari't iguhit sa tubig ang m~ga nasabi, ang laki at alab n~g aking pagkasi, n~gayo'y gawing abo nitong pagsisisi. Hindi pagkan~galay n~g aking panitik ang naging dahilan n~g pananahimik, kung hindi sa nasang huwag maligalig ikaw pa n~g aking bulag na pagibig. Napagaralan kong ikaw'y isang talang kakambal n~g aking damdamin at diwa, aking natutuhang tumpak n~ga at tama ang m~ga aral mong mahalagang pawa. Ang m~ga lungkot mo ay aking damdamin at ang damdaming ko ay damdamin mo rin, ang _akin_ ay _iyo't_ ang _iyo_ ay _akin_ at tayong dalawa'y may isang layunin. Huwag nang ituring na ako'y kalaban pagka't nagbago na ang aking isipan, ang puso ko n~gayon ay naliwanagan pa kislap n~g iyong mahalagang aral. Dapat nang lumaki ang iyong pagasa sa pagliliwayway n~g bagong umaga, ang daan mo n~gayo'y puno n~g sampaga't ang daan ko'y puno n~g tinik at dusa. Magkakahiwalay itong ating palad na gaya n~g Dilim at Haring Liwanag, ikaw'y magtatago't... sa pamamanang at may ibayo kang gayuma't pan~garap. Samantalang ako'y tan~ging magtatago sa utos sa akin n~g Hukóm na Puso, sa pagliliwayway ay talang malabo ang makakatulad n~g aking pagsuyo. Napakapait man sa aking pagibig, kita'y iwawalay sa pitak n~g isip, sa abo n~g aking papanaw na awit ay baban~gon itong buhay kong malinis. Kung walang tiwala sa aking sinabi'y saksi ko ang bagu't bagong mangyayari, kung muling malisya ang aking pagkasi'y tugunin n~g _sumpa_ itong pagsisisi. III. ALBUM NG DALAGA... HANDOG: =_Kay Bb. Concepcion T. Garcia_.= _San Nikolas, Maynila_. Album ng Dalaga... I. =_Simula_.= _La princesita está bella_. Ruben Dario. Ipahintulot mo, dalagang mayumi, Na ilarawan ko ang ganda mong ari, Ipahintulot mong awitin kong lagi Ang kagandahan mong makahibang-pari. Bulaan ang madlang balitang _Prinsesa_ Kung sa ganda mo n~ga'y makahihigit pa, At para sa akin, ikaw'y siyang _Reyna_ N~g m~ga kapwa mong masamyong sampaga. Ang kaharian mo'y iyang kagandahan, Ang m~ga buhok mo't matang mapupun~gay, Ang paa't pisn~gi mo ay siya mong yaman. Sa dalang ugali, ikaw'y isang birhen, Kamia ka sa ban~go't sa pagkabutihin, Sa hinhi'y sampaga't sa ganda'y... tulain. II. =Ang mga buhok mo=..._ _Tu pelo es una nube del Oriente_. Salvador Rueda. Ang m~ga buhok mo'y mahahabang ahas Kung nakasalalay sa iyong balikat, M~ga ulang waring di lupa ang hanap Kundi sampagitang humahalimuyak. Sa itim ay gabing walang buwa't tala, Sa haba ay halos humalik sa lupa, Sa lago'y halamang malago't sariwa, Sa sinsi'y masinsin at nakahahan~ga. Naging katulad ka niyong Penelopeng may timtimang pusong miminsang kumasi't Ang naging aliwa'y luha't paghahabi. Sa haba n~g iyong buhok nakilala Ang kadalisayan n~g pagkadalaga At ang kahabaan n~g isang pag-asa. III. =_Ang mga mata mo..._= _Cantar quise tus ojos_. =Campoamor=. Nang ikaw ay bago sumipot sa lupa'y Ipinanghiram ka n~g mata sa tala, Dalawang bituing sa hinhi'y sagana Ang naging mata mong mayaman sa awa. Sa m~ga mata mo'y aking nasisilip Ang bughaw na pilas n~g nunun~gong lan~git, Mababaw na dagat ang nasa sa gilid Na ang naglalayag ay pusong malinis. Di ayos matalim, ni hugis matapang, Ni hindi maliit, ni di kalakihan, Ang m~ga mata mo'y maamo't mapun~gay. Kahinhina't amo ang nan~gan~ganinag, Kalinisa't puri ang namamanaag, Umaga ang laging handog mo sa palad. IV. =_Ang mga pisngi mo_=. _Naciente luz te corona_. Espronceda. Ang lahat n~g buti'y natipon na yata Sa kabataan mong ilag sa paraya, Pati n~g pisn~gi mong pisn~gi niyong saga Ay nakahihibang at nakahahan~ga. Ang m~ga pisn~gi mo'y malambot, maamo, Mayumi, manipis at hindi palalo, Ang san~gahang ugat kahit humahalo, Ay napapabadha't... di makapagtago. Kung ikaw'y hindi ko dating kakilala Ako'y mamamangha kung aking makita Ang m~ga pisn~gi mong wari'y gumamela. Naiinggit ako sa paminsanminsan Sa dampi n~g han~ging walang-walang malay, Pano'y kanyang-kanya ang lahat n~g bagay..! V. =_Ang mga labi mo_=. _Los labios del arcangel en sus labios_... Menendez Pelayo. Ang m~ga labi mo ay dalawang lan~git, Lan~git-na di bughaw, ni lan~git n~g hapis, Labi n~g bulaklak na kapwa ninibig Labing mababan~go, sariwa't malinis. Labi n~g sampagang may pait at awa, Tipunan n~g pulót, tamis at biyaya, Sisidlang ang lama'y kaban~guhang pawa, Pook na tipanan n~g hamog at diwa. Tagapamalita n~g lihim n~g puso, May _oo_ at _hindi_, may _tutol_ at _samo_, May buhay at palad, may tula't pagsuyo. An~g m~ga labi mo'y may pulót na tan~gi Kung iyan ang aking pagkaing palagi'y Talo ko ang lahat, talo ko ang Hari. VI. =_Ang mga kamay mo_=. _Pudiera yo tu mano de azucena Besar solo una vez_..! Heine. Aywan kung mayron pang hihigit sa kinis Sa m~ga kamay mong biluga't nilalik, Garing na mistula sa puti at linis, Sa lambot ay bulak, sa ganda'y pagibig. Ang m~ga daliring yaman mo't biyaya Ay di hugis tikin, ni hubog kandila; Ang ayos at hugis ay bagay at tama Sa sutla mong palad na laman n~g diwa. Ang makakandong mo't maaalagaan, Ang mahahaplos mo't mahihiranghirang, Ang kahit patay na'y muling mabubuhay. Mahagkan ko lamang ang iyong daliri, Sa kapwa makata, ako'y matatan~gi At marahil ako'y isa na ring Hari. VII. =_¡Ang mga paa mo..!_= _Tus pequeños pies Son tropos Para mis piropos_. Machado. Takpan ma't ipikit ang m~ga mata ko Ay naguguhit din ang m~ga paá mo, Paang mapuputing nakababalino Sa isip at buhay n~g payapang tao. Paáng makikinis at makaulul-palad, Ang hubog ay bagay sa laki mo't sukat, Ang m~ga sakong mo'y may pulang banayad, Ang m~ga paá mo'y singlambot n~g bulak. Parang m~ga paá n~g nababalitang Cleopatra at Leda n~g panahong luma, Pano'y m~ga paáng sa ganda'y bihira. Naiinggit ako sa bawa't yapaka't siyang nagsasawa sa paá mong hirang, ¿Ano't di pa ako ang maging tuntun~gan? VIII. =_Wakas..._= _Tan dulce, tan bella, tan tierna, tan pura._ J. de dios Peza. Talagang natipon ang lahat n~g buti Sa kabataan mong di pa kumakasi, Ang lahat n~g yaman n~g isang babae Ay nasa sa iyong sariwang parati. Nasa sa iyo n~ga ang lahat n~g bagay, Ang ban~go, ang tamis, ang kasariwaan, Ang yumi, ang awit, ang uri, ang kulay Ang hamog, ang sinag, ang tuwa't ang buhay. Ikaw'y pagpalain, dalagang mapalad, Ang kagandahan mo'y aking ikakalat Sa silong n~g lan~git, sa Sangmaliwanag. Kung may naghahanap sa bukang liwayway Sa kabataan mo ay matatagpuan, ¡Di ko malilimot ang ganda mong iyan! ANG PANYO... I. Pamahid n~g luha kung ginigiyagis n~g masidhing panglaw, pamawi n~g luhang sadyang tumitigis sa pusong luhaan, isáng kasangkapang ipinananakíp sa mukhang may lumbay, isáng mahiwagang tagapaghiwatig n~g lihim na saklaw n~g pusong sapupo n~g isáng pag-ibig sa gitna n~g buhay. II. Panakíp sa bibig kung may simpang hiya sa kinákaharáp, isáng kagamitáng kung walang tiwala'y pangbalot n~g sulat, at páunang saksing minsang lumilikha n~g lúbusang galák, na mandi'y nánabi n~g masuyong wikang tugon sa pan~garap:-- _Sa inyong ibiga'y ang unang magdaya'y pan~gan~ganlang sukáb_. III. Isáng kasangkapang ang nagkakalayo'y pinapaglalapít kung binabalaan at sinisiphayo n~g _isáng_ may galit; tagapamalitang may giliw at suyo kung naghihiwatig sa nagkakalayo't nagtitipáng puso dahil sa pag-ibig. Iyán ang halagá at bisa n~g panyo sa silong n~g Lan~git. IV. Ang panyo'y pamahid sa luhaáng matá n~g lahát at lahát, ang panyó ay piping nakapagbabadya n~g bawa't máhan~gád, ang lahat n~g galáw na inyong makita'y may lihim na sangkap, katugón n~g mithi n~g m~ga ninintang hindi magkáusap; may lihim na uring kalakip ang dusa at maging n~g galák. V. Ang panyong idampi sa labi, sa bibíg, ay may kahulugáng:-- _kitá'y sinisinta, kitá'y iniibig hanggang sa libin~gan;_ at sakasakaling sa matá ipahid:-- _ako'y namamanglaw kung di ka makita, kung di ka masilip n~g dusta kong buhay;_ at sakasakaling ihaplos sa dibdib:-- _ako'y mamamatáy_. VI. May tan~ging halagá at tagláy na galíng ang lahat n~g panyo, kaya't minimithing halos na agawin n~g m~ga nunuyo, minsang magpatibók sa m~ga damdaming patáy sa pagsamo, malimit lumikha n~g isang paggiliw at pamimintuho't madalas tumubos sa piping pagdaing n~g luhaáng puso. ¡Ang Pamaypay! Ang lahat at lahat sa Sangkatauhan ay may kanya-kanyang uri't kalagayan, may ibig sabihin ang lahat n~g bagay na abot ó hindi n~g damdam at malay, ang panyo'y may lihim sa nagiibigan gaya n~g bulaklak at m~ga halaman, itong abaniko'y isang kasangkapang pangdagdag sa puso n~g init at buhay. Sa Aklat n~g Puso't Aklat n~g Paggiliw yaong abaniko'y may ibig sabihin, may sariling uri't sariling tuntunin may sariling layon at sariling lihim, sa Talatin~gigan n~g m~ga Damdamin ang wikang Pamaypay ay tuwa't hilahil, palad at tagumpay, at kung kukurui'y taga pamalita niyong bukas natin. Kalihim n~g Puso't Patnubay n~g Palad, n~giti n~g liwayway sa likod n~g ulap, sa gitna n~g buhay ay "isang watawat na kulay lungtiang pakpak n~g pan~garap, sagisag n~g hinhin n~g m~ga mapalad, baluti n~g m~ga babaeng banayad, kublihan n~g mukhang maramot maglagak n~g masayang n~giting yaman n~g panulat. Isang kasangkapang gamit n~g babae at kung magkaminsa'y pati n~g lalaki, bibig na malayang nakapagsasabi n~g _oo_ at _hindi_ n~g _sama_ at _buti_, isang kasangkapang sa nagsisikasi'y papel at panulat, gayuma't buhawi, sangla n~g pag-ibig, na namamayani sa lahat n~g pusong bihag na parati. Ang bawa't ikilos n~g isang pamaypay ay may isang wika, uri t kahulugan, parang isang aklat na nagsasalaysay n~g hirap at tuwa, n~g aliw at panglaw; kung iyong dalasin ang m~ga paggalaw ang ibig sabihin: _Kita'y minamahal_; kung biglang isara: _Ako'y nasusuklam, huwag nang lumapit at nang di magdamdam_. Yaong abanikong idampi sa labi, ang ibig sabihi'y _Ikaw ang lwalhati_, kung minsang itago'y _Hindi maaari ang iyong pagkasi't ang sa pusong susi'y hawak na n~g isang pan~garap kong lagi_, at kung pisil-pisil n~g m~ga daliri'y: _inaantay kita't ang ama kong Hari'y wala at sa monte'y nagbakasakali_. Kung kagat ang borlas--_Ako'y nahahapis dahil sa ginawang sa ati'y paglait_, kung buksang marahan--_Huwag kang man~ganib at ang ating ulap ay magiging lan~git_, kung buksang pabigla--_Sila'y nagagalit dahil sa sulat mong kanilang nalirip_, kung biglang ilaglag--_Si Kulasa'y bwisit at siyang nagsumbong nang tayo'y magniig_. Idampi sa pisn~gi--_Huwág kang matulog at sa sine Luna, kami ay papasok_, idampi sa dibdib--_Ako'y nagseselos dahil sa kasamang tila lumuluhog_, kung biglang ipukol--_Sa iba ibuhos ang iyong pagsinta. Ikaw'y pahinuhod_! . . . . . . . . . . . . . . Itong abaniko'y Dila sa Pag-irog, Talatang may dusa, kamanyang, kampupot. IV. ANG ALBUM NI INA ... (_Ala-ala sa aking inang pumanaw: Rosa San Miguel ni de Leon, tagá Samal, Bataan at namatáy sa Tundo, Maynila, noong taong 1902_.) I. =_Ang aking Ina_=. Gaya rin n~g iba, ang ina kong giliw Ay inang mayumi't lubhang maramdamin, Inang hindi yuko sa m~ga hilahil, Inang mapagbata at siya kong virgen. Mayrong isang Diyos na kinikilala, May isang dakilang pananampalataya, Sa kanya ang madla'y kulay n~g umaga, Ang galit ay awa't sa poot ay tawa. Siya ang dakilang Batas sa tahanan, Kamay na masipag, Kampana n~g buhay, Susi n~g pag-ibig na kagalanggalang. Sa kanya ang lahat ay pawang mabuti, Ang dukha't mayaman ay kapuripuri Palibhasa'y inang may puso't pagkasi. II. =_Pag-ibig ni Ina_=. Ang puso ni ina'y kaban n~g paglin~gap, May dalawang tibok na karapat-dapat, Ang isa'y kay ama, kay amang mapalad At ang isa nama'y sa amin nalagak. Noong nabubuhay ang ina kong irog Ang kanyang pagkasi'y samyo n~g kampupot, Ang lakas n~g puso'y parang nag-uutos Na ako, kaylan ma'y huwag matatakot... Pagibig ni ina ang siyang yumari N~g magandang bahay na kahilihili, At nawag sa palad na katan~gitan~gi. Timtimang umirog! Hanggang sa libin~ga'y Dala ang pagkasing malinis, dalisay, Dala ang damdaming kabanalbanalan. III. =_Ang halik ni Ina_=. Ang mata ni ina'y bukalan n~g luha Kung may dala-dalang damdamin at awa, Ang lahi ni ina'y sampagang sariwa Na may laging laang halik at kalin~ga. Sa halik ni Ina ay doon nalagas Ang tinik at bulo n~g musmos kong palad, Sa halik ni ina'y aking napagmalas Na ako'y _tao_ na't dapat makilamas. Ang bibig ni inang bibig n~g sampaga'y Bibig na sinipi kina Clara't Sisa Kaya't mayrong bisang kahalihalina. Ang halik n~g ina'y apoy sa pagsuyo, Hamog sa bulaklak, Pag-asa sa puso't Liwanag sa m~ga isipang malabo. IV. =_Ugali ni Ina_=. Kung mamamana ko lamang ang ugali Ni inang sa aki'y nagpala't nag-ari'y Marami sa akin ang mananaghili't Sa aki'y tatan~ga lamang yaong Hari. Ang asal ni ina'y aklat n~g paglin~gap, Salaming malinaw, ban~gong walang kupas, Suhay n~g mahinhin, sulo n~g mapalad, Mundong walang gabi, gabi n~g walang ulap. Ang salitang damot ay di kakilala, Ang kamay ay lahad, hanggang nakakaya't Tan~ging kayamanan ang pakikisama. Sa kanya ay Diyos ang m~ga pulubi, Ang dukha ay Hari't Kristo ang duhagi, Iyan ang ugali n~g ina kong kasi. V. =_Ang awit ni Ina_=. Nang buhay si ina't ako'y kilik-kilik ako'y pinagsawa sa alo at awit, malaki na ako't may sapat n~g isip ay inaalo pa nang buong pag-ibig. Ang musmos na patak n~g nulo kong luha sa kanya'y kundima't awiting dakila, makarinig lamang n~g iyak n~g bata sa aki'y lalapit at maguusisa. Ako'y kakalun~gin at ipaghehele, ang awit-tagalog ay mamamayani hanggang sa magsawa't ako'y mapabuti. Ang awit ni ina'y laging yumayakap, sa m~ga awitin n~g aking panulat kaya't ang awit ko'y mayumi't banayad. VI. =_Libingan ni Ina_=. Ang buhay n~g tao'y parang isang araw Na kung mayrong bago'y mayrong nan~gan~galay, Ang palad ni ina'y di na nakalaban Kaya't napatalo sa tawag n~g hukay. Ang buhay ni inang inutang sa lupa'y Sa lupa rin namang nabayad na kusa, Ang m~ga mata kong maramot sa luha Noo'y naging dagat na kahan~gahan~ga. ¡Wala na si ina! Ang lahat sa amin Ay n~giti n~g dusa't kaway n~g hilahil, Lubog na ang araw na kagiliwgiliw. Nagtaglay si ina n~g dalawang hukay: Ang isa'y sa lupang sanglaan n~g buhay, Ang isa'y sa aking pusong gumagalang. VII. =_Ang aral ni Ina_=. Ang tan~ging pamanang sa aki'y naiwan Ay malaking gusi n~g mayamang aral: --Anak ko: hanapin iyang karunun~gan, Ang dunong ay pilak, ang aklat ay buhay. --Sa harap n~g bait, ay silaw ang lakas, Sa harap n~g matwid ay yuko ang lahat, Ang mundo'y niyari n~g paham at pantas, Ang babae'y tinik n~g isang bulaklak. --Ang palalong tao'y halakhak n~g han~gin, Ang aping mabait ay dapat lin~gapin At pagkailagan iyang sinun~galing. --Huwag kakayahin ang hindi mo kaya, Nang ikaw'y malayo sa pula at tawa, Umibig sa baya't magpakabait ka". VIII. =_Bulaklak kay Ina_=. Wala na si ina! Gayon ma'y naiwan sa akin ang kanyang mahalagang aral, aral na sa ningning ay ningning n~g araw, aral na sa buti'y palad, diwa't yaman. Larawang larawan lamang ang nalagak sa akin n~g siya'y pumanaw at sukat, larawan ni inang yaman n~g panulat, larawang kakambal n~g aking pan~garap. Darakilang ina: ang iyong libin~ga'y sinasabugan ko n~g tala't kundiman, n~g awit na siyang bulaklak n~g buhay. Sa harap n~g iyong larawang dakila ay may nagninin~gas na isang kandila panulat n~g iyong anak na naluha. MGA PAPURI'T PARAN~GAL SA KUMATHA NITO Pagkatapos tunghayan... _Sa makatang_ _Pascual de León_ Bulaklak, bulaklak, bulaklak sa bun~gad, Bulaklak sa gitna't sa dulo'y bulaklak, Ito'y halamanang mayaman sa lahat, Mayaman sa tamís, sa tuwa't pan~garap. Sa m~ga talulot nito'y sumusun~gaw Ang diwa n~g isang apó ni Baltazar, At sa m~ga dahong sariwa't makulay Ay napapatitik ang kanyang tagumpáy. Malungkot kung minsan, kung minsa'y masayá, N~guni't kadalasa'y uhaw sa pag-asa; Sa han~gad ay labis, at labis sa kaya, Subali't sa tuwa'y ulilang-ulila. Makatang Pasleo: Ang aking _Bulaklak_ Ay narito't handog sa una mong aklát. BENIGNO R. RAMOS (_Ben Ruben_) Bulakan, Bul., 1915. Ramo de Laurel _Para el poeta vernacular_, _=Pascual de Leon=_. Para tu jóven frente de tagalo poeta, De poeta que entona sus versos de pasión, Ofrezco una corona de flores de violeta Y entónate mi lira su mágica canción. Es tu canto armonioso inspiración de ondinas, Es tu verbo potente como el brillo del sol, Y tus musas son todas dalagas filipinas Que habitan en las ondas azules del pansol. Tu lira multiforme con sus cuerdas de oro Tiene cantos dolientes, tiene ayes de lloro, Tiene dulces lamentos y suspiros de miel. Tiene versos de rosa que disipan tristezas De las bellas morenas filipinas princesas Que te ofrecen sonrientes un _ramo de laurel_. =_Octavio C. Madrid_=. Septiembre 18, 1915. PANUOB... _Sa katotong makatang_ _=Pascual de Leon=_. Hayan ang makata. Haya't umaawit n~g m~ga kundimang pang-lupa't pang-lan~git, hawak ang kudyaping malambing ang tinig at pinangsasaliw sa ligaya't sakit. ¿Kung siya ay sino? Iyan ang makatang ang tula't tulain ay matalinghaga, m~ga lungkot, dusa, daing, hirap, luha, Galit, sumpa't lambing ang puso at diwa. Ang kanyang tulai'y sing-lambot, sing-linaw n~g tubig sa wawa, sa sapa't batisang Balana'y sumimsim sa tamis na taglay. Hayan ang makata. Kayó ang magsabi Kundi siya'y dapat na _Dan~gal at Puri_ at maging _putong_ pa n~g Wikang sarili. HERMÓGENES T. REYES. (Sa _Ilaw at Panitik_) Tundó, Set., 1915. ¡Bulalakaw...! _Sa Katotong_ _=Pascual de Leon=_. Sa harap n~g iyong magarang pagsikat ay pinaglaho mo ang aking liwanag. Araw kang nagban~gon sa himlayang palad at kinasilawan n~g aking banaag. Sa lan~git mo, ako ay balan~gáw lamang, sa ilaw mo, akó ang aninong tunay... Diwa mo sa aking diwa ay isilay at aawitin ko ang iyong pan~galan. Tulóy!... Hanggang ako'y di pa nagsasawang umawit sa lihim n~g m~ga hiwaga, ako'y kasama mong hahanap n~g pala. Sa iyong hantun~gang lan~git n~g pagasa ay doón nároon ang m~ga sampaga... Pupulin mo't yao'y sa WIKA mong mana! CIRIO H. PAÑGANIBAN. (Sa _Ilaw at Panitik_) Bukawe, Bul., 1915. Mga mali sa pagkakalimbag Nababasa Dapat basahin Dahon luwalhati _lwahati_ 10 mayroong _mayrong_ 12 liyaga _ligaya_ 15 hangtun~gan _hantun~gan_ 15 kalika't _halika't_ 16 magalak _malagak_ 19 Sukat na sinta! _Sukat na n~ga sinta_! 21 sigaw _sigwa_ 51 maamo _maaamo_ 67 virgen _birhen_ 75 pagkabutihin _sa pagkabutihin_ 75 nu ve _nube_ 75 Paano _Pano_ 77 Besarlo _Besar solo_ 78 Tagpan _Takpan_ 79 Naiingit _Naiinggit_ 79 Paano'y _Pano'y_ 79 Tu dulce _Tan dulce_ 79 magpatibook _magpatibok_ 82 nagbabakasakali _nagbakasakali_ 84 _Basahin ang =Martir del Golgota=, isang mainam na aklat na nahahati sa dalawang toma_. _Ipinagbibili sa lahat n~g Aklatan_. [Patalastas: Ideal Studio, Chineleria "Katipiran"] [Patalastas: Manuel De Leos Sastre] *** End of this LibraryBlog Digital Book "Buntong Hininga - Mga Tulang Tagalog" *** Copyright 2023 LibraryBlog. All rights reserved.