Home
  By Author [ A  B  C  D  E  F  G  H  I  J  K  L  M  N  O  P  Q  R  S  T  U  V  W  X  Y  Z |  Other Symbols ]
  By Title [ A  B  C  D  E  F  G  H  I  J  K  L  M  N  O  P  Q  R  S  T  U  V  W  X  Y  Z |  Other Symbols ]
  By Language
all Classics books content using ISYS

Download this book: [ ASCII | HTML | PDF ]

Look for this book on Amazon


We have new books nearly every day.
If you would like a news letter once a week or once a month
fill out this form and we will give you a summary of the books for that week or month by email.

Title: Si Tandang Basio Macunat
Author: Lucio y Bustamante, Fray Miguel, 1842-1893
Language: Tagalog
As this book started as an ASCII text book there are no pictures available.


*** Start of this LibraryBlog Digital Book "Si Tandang Basio Macunat" ***


Nocheseda.



Si Tandang Basio Macunat

Salitang Quinatha ni Fray Miguel Lucio y Bustamante Religiosong
Franciscano...

May lubos na capahintulutan

MANILA.----1885

Imp. de Amigos del Pais, Calle de Anda, num. 1.



PAONAUA SA MANGA TAGALOG NA MACABABASA NITONG SALITA.


Ang pagcatha co nitong salitang ito,i, naguing parang isang calibangan
co sa aquing sariling buhay; nguni,t, mayroon din acong hinahangad
dito sa aquing salita,t, calibangan.

Ang aquing hinahangad, ay hindi co sasabihin sa manga bumabasa, ó
naquiquinig nang pagbasa nitong aquing isinulat, cundi sasabihin co
lamang, na ang cahalimbaua nitong quinatha cong salita, ay isang
dayap.

Anoman ang laqui nang dayap, at maguing ano ang caniyang ganda at
caquinisan nang balat, ay cundi ninyo pigain, ay uala cayong
macucuhang gatas doon cundi amoy lamang at sucat.

¡Caya bahala ang bumabasa ó naquiquinig, na pumiga nitong salita, cung
ibig nilang cunin ang gatang napapalaman dito!

Ang totoong bilin co sa manga íniibig cong tagalog, ay houag baga
basahin nila itong salitang ito, na palactao-lactao, na parang
inuugali nilang basahin ang manga _libro_, at cung magcagayo,i,
marahil magcacamali sila, palibhasa,i, ang lamang nitong salita,i,
parang isang usap; caya cailangang paquingan ang magcabilang _parte_,
at pagtimbang-timbangin ang canilang manga catouiran, nang macuha ang
catotohanan.

Ang isa cong pang bilin sa canila, ay houag magtaca sila sa mga
guinagamit cong uica:--_ama, tatay, amba_,--_ina, nanay, inda_,--sa
pagtotoo nang ama,t, ina; sapagca,t, iyang lahat na manga pangalang
iya,i, para-parang guinagamit sa iba't ibang bayan ó Provincia.

At sa catapusan ay ipinamamanhic co sa manga tagalog na macagagasa ó
macariringig nitong gaua cong ito, na ipatauad nila sa aquin ang manga
caculangan co sa pagsasalita, sapagca,t, aco,i, hindi tagalog, cundi
castila rin, baga man Padre, na totoong nagmamahal sa canila.

_Fr. Miguel Lucio y Bustamante._



ADVERTENCIA A LOS NO TAGALOS QUE LEAN U OIGAN LEER ESTE CUENTO


Mucho, y hasta interesante, podria decir sobre el idioma tagalog y
sobre otros incidentes de actualidad, que no dejan de relacionarse con
el citado idioma; pero ni la ocasion, ni la pequeña, por no decir
nula, importancia del presente cuento se prestan á ello.

Po eso he de concretarse á mis lectores no tagalos que, en este mi
insignificante trabajo, hago uso de no pocos términos castellanos; de
unos por ser técnicos, que no admiten sustitucion; de otros, porque
están ya tagalizados, y son de uso comun; y de otros en fin, porque,
aunque pudieran muy bien ser reemplazados por otros propios del, (aun
no bien conocido), idioma tagalog, sería necesario echar mano de mas
palabras, para espresar el sentido.

Poco é insulto es lo que presento á mis lectores no tagalos, pero aun
asi y todo creo, (y dispenseme esta inmodestia), que no dejarán de
encontrar algo que no les desagrade en este escrito.

Tambien advierto que en la prosodia y sintaxis me he atenido
frecuentemente á la prosodia y sintaxis españolas.

Añadiendo por último que el idioma tagalog está en crisis, en esa
crisis, por la que han pasado casi todas las lenguas é idiomas, sobre
cuya circunstancia, echaría yo ahora, de muy buena gana mi parrafito,
mas ó menos estenso, y mas ó menos certado, pero al fin un parrafito;
mas, dadas las condiciones actuales, opino que basta y sobra con lo
dicho, que no dejaran de comprender los que, despues de haber
estudiado con alguna detencion ó atencion el idioma tagalog, esten
ademas al corriente de lo que sucede y pasa......

_Fr. Miguel Lucio y Bustamante_



SI TANDANG BASIO MACUNAT


Sa aquing manga paglacad-lacad, at pagdalao-dalao sa manga bayan-bayan
dito sa Filipinas, ay nacarating aco sa isang bayang ang ngala,i,
Tanay sa Distrito nang Morong.

Aco,i, napatiguil doon nang dalauang lingo, at dito sa pagtira cong
ito,i, naguing caquilala co ang isang matanda na ang ngala,i, si
Gervasio Macunat, at cung tauaguin doo,i, si Tandang Basio.

Malaqui ang pagcauili co sa matandang yaon, palibhasa,i, matalinong,
masayahin, at matalas na matalas ang caniyang bait at pagiisip.
Gabi-gabing ualang sala,i, pinaroroonan co siya sa caniyang bahay, at
doon nagsasalitaan cami nang sari-sari, hanggan sa malalim na ang
gabi, at cung minsan ay inuumaga pa cami sa aming pagsasalitaan.

Dito sa aming manga pagsasalitaan, ay pinag-uusapan din naman ang
iba,t, ibang ugali nang manga tagalog, at aco,i, natotoua nang di
hamac, sa paquiquinig co nang caniyang matitinong catourin at
casagutan sa lahat nang bagay na aming pinag-uusapan.

Isang gabi, ay tinucso co ang matanda, na ang uica co baga sa caniya:

Cung cayo po,i, nag-aral sa Maynila nang caunti man lamang; cung cayo,
po, anaquin, ay natuto nang uicang castila man lamang, ay
_segurong-segurong_ cayo,i, naguing directorcillo dito sa inyong
bayan, at macaquiquita, po cayo sa Tribunal nang pagcabuhay ninyo na
ualang malaquing capagurang _paris_ ngayon, na cung ibig, po, ninyong
cumita nang naipacacain sa inyong manga anac at asaua, ay cailangan,
po, na cayo,i, magbangon nang maaga, at humauac nang calabao, at
dumilig muna nang lupa nang inyong pauis, bago, po, cayo,i, macaquita
nang _maisusustento_ sa inyong familia.

¡Ay ina co! ¡Cáhimanauari houag na acong nag-uica nang ganoong uica!

Nagalit na di ano lamang ang matanda; at nagbucang bibig nang lintic,
at iba,t, iba pang ganito; na ang isip co baga siya,i, nabalio, ó
napaano caya. Subali,t, pagcamayamaya, at nang lumipas-lipas na ang
caniyang biglang galit, ay nangusap sa aquin nang gayon:

--Patauarin, pó, ninyo aco; ipatauad, po, ninyo sa aquin ang
pagpapaualang galang co, po, sa inyo.

--Aco, pó, ang sagot co; aco, pó, ang dapat patauarin ninyo,
sapagca,t, aco,i, siyang nagbigay galit sa inyo, baga man pó,t, hindi
inaabot nang aquing pag-iisip, cung ano,t, anóng iquinagagalit ninyo
sa aquing salita.

--Houag, pó, ninyo acong cayamutan ang uica ni matandang Basio; houag,
pó, ninyo acong cainipan, at matatastas din, po, ninyo cung baquit
nasira ang aquing loob doon sa sinabi, pó, ninyong tungcol sa
pag-aaral nang uicang castila, at sa pagdidirectorcillo.

Inyo pong salitain ang uica co, ang balang maguing gusto ninyo, at
malaqui ang toua cong maquinig sa inyo.

Ang una-unang ibig co pong maalaman ninyo, ay ang naguing buhay cong
magmula sa pagcabata co, na hangan dito sa oras, na hinaharap natin,
at saca,i, sasalaysayon co, pó, sa inyo ang puno at dahilan nang
pagcagalit co sa inyong salita cangina.

Cayo, pó, ang bahala, ang sagot co. Umupo lamang tayo dito sa papag,
at habaa,t, habaan, po, ninyo ang inyong salita, na hindi co, po,
cayong cayayamutan.

Cung ganoon, po, aco,i, sasapol na.



II


Aco, po, ang uica nang matandang Basio, ay anac nang taong mahihirap,
na manga maglulupa, manga opahan, subali,t, matatacutin sa Dios.
Maliit na maliit pa aco, na hindi pa halos marunong magusap, ay
pilipilit na, po, acong pumasoc sa escuelahan arao-arao na ualang
falla.

Ang aquin pong maestro, ay isang mabait na mabait na matanda, na ang
ngala,i, si Gregorio, na cung taunguin naming manga bata,i, cacang
Yoyo. Totoong naibiguin siya sa aming mang escuela, nguni,t, mabagsic,
po, namang siyang totoo, cung cami ay sumasala sa leccion, o sa iba,t,
ibang itinuturo niya sa amin. Uala pong sino sa kaniya; ang may
casalanan ay pinarurusahan nang tapat na parusa, ay siya na; hindi,
po, niya tinitingnan, cung ang batang nacacasala ay anac nang
mayayaman o mahihirap na tauo. Ang caniyang sinusunod ay ang
catampatan; sa macatouid: ang dapat pong parusahan, ay pinarurusahan,
niya, at ang dapat purihin ay pinupuri niya, maguing sino ang
tinatamaan.

Caya, po, malaqui ang aming tacot sa maestrong yaon, at malaqui, po,
naman aming pag-galang at pag-ibig sa caniya. Dahilan, dito,i, cami
pong manga bata,i, sunod sunuran sa caniya, na ang cadalasan,i, hindi
pa tapos ang caniyang utos sa amin, ay cami patacbo na sa pagsunod
nang ipinag-uutos niya sa amin.

Yaon pong, matandang yaon ay totoong quinacaibiga,i, guinagalangan
nang buong bayan, baga man hindi siya marunong nang uicang castila, na
paris nitong manga maestrong bagong litao ngayon, na ang pangala,i,
normal, na cahima't, casing-itim co, ó maitim pa sa aquin, ay
nagsosoot nang levita ó cung ano cayang tauag doon sa isinosoot nilang
damit, at naquiquipantay sila sa manga Cápitan, at sa manga Cura pa,
na, (tabi sa di gayon,) tila,i, cung sino silang mahal na tauo.

Ang naturan cong matandang maestro namin ay ualang sariling calooban,
bagay sa pagtuturo at pangungosiua sa aming manga bata. Hindi siya
cumiquilos; hindi siya nagbibigay nang bagong utos, cundi cumuha siya
muna nang tanong at sanguni sa aming maguinoong Capitan, at
lalong-lalo sa aming cagalang-galang sa Padre Cura. Caya, pó, matanda
at bata ay umaalinsunod sa caniya, palibhasa,i, talastas nang lahat,
na hindi siya mangangahas na mag-utos nang anoman, cundi naalaman muna
nang aming Cura.

Baca, pó, ang tanong sa aquin ni tandang Basio, pagdating dito sa
lugar na ito nang caniyang salita; maca, po,i, iquinayayamot, pó,
ninyo itong aquing mahabang salita?

Hindi po, hindi pó, ang aquing sagot sa caniya; caya ituloy pó,
ninyo,t, ituloy ang inyong historia, na cahit anong haba, ay
mamasarapin cong paquingan.

Salamat, pó, ang uicang ganti nang matanda. Ngayon, pó, aniya, ay
iuurong co nang caunti ang aquing salita, at sasabihin co, pó, sa
inyo, na cung mahigpit ang aquing maestro, ay lalo pa póng mahigpit
ang aquing magulang tingnan, pó, ninyo ang canilang guinagaua.

Pagdating co, pó, sa bahay na nangaling sa escuelahan, ay sinusulit,
pó, aco nang sinusulit nang aquing manga magulang, na cung ano,t, ano
cayang natutuhan sa arao na yaon; at cung ano,t, anong bilin sa aquin
nang maestro; at cung ano,t, anong guinaua co; at cung ano,t, ano pa,
pó, na lubhang marami. Sa pagsusulit pong ito,i, ang catotohanan, pó,
ang aquing sinasabi at isinasagot, at malaqui póng totoo ang tacot
cong magsabi nang casinungalingan sa aquing magulang.

Sa dacong gabi, at pagcatapos nang aming hapunan, na ang cadalasan
po,i, canin lamang na ualang ulam, ó mayroon mang ulam, ay caunting
bayabas, ó dulong, ó saguin, ó canduli, ó hipon cayá ay quinacalong
aco nang aquing ama, ó nang aquing ina, at sari-sari, pó, ang
itinuturo nila sa aquin. Mayroon, pó, sa pagdadasal; may sa
pagcocompisal; may sa paquiquinabang, may sa paquiquipagcapoua tauo,
at sa iba,t, iba pang catungculan nang tauong cristiano, ayon sa
inaabot nang canilang pag-iisip, at magandang calooban nila sa aquin.


Dito, pó, sa lagay na ito ay lumalacad nang lumalacad ang panahon, at
aco pó,i, macapagcompisal na, at nacapagcomulgar, cung macailan na; at
marunong na, pó, acong bumasa, sumulat at nang caunting _cuenta;_ at
caalam-alam co ay sumapit na aco sa cabagongtauohan.

Nang magcagayon; aco pó,i, nananaghiling totoo sa capoua cong
bagongtauong naquiquita cong gumagala cung gabi, at lumiligao cung
saansaan, sa pahintulot nang canilang magulang. Caya, pó, minsan, dala
nang aquing capanaghilian, ay nangusap aco sa aquing tatay sa boong
galang nang ganito:

Tatay, baquit, pó,i, hindi ninyo acong pahintulutan, na manaog at
lumigao-ligao, at sumaaya-saya diyan sa bayan na para bagang
naquiquita cong guinagaua nang capoua cong bagongtauo?

Nang maringig, pó, nang tatay co itong aquing capamanhican sa caniya,
tila pó,i, natataua-taua, at tila naman namamangot-mangot, nguni,t,
hindi siya nagalit, bagcos sumagot sa aquin nang banayad na banayad
nang gayon:

Basio, icao,i, anac co; icao ay iisa-isang anac co, na minamahal cong
totoo, at minamabait co pa; subali,t, ica,i, batang bata pa; ica,i,
isang hangal pa, na hindi pa marunong na cumilala nang manga silo at
carayaan nang demonio, nang manga lamang bayan at nang sariling
catauoan caya, inaalaala co, na baca sacali, cung cata,i,
pahintulutang manaog at lumigao diyang paris nga nang guinagaua nang
caramihan nang casingbinata mo, ay lumubog ca sa putican, at
palubuguin mo pati ang magulang mo, at mapahamac nang para-para ang
ating caloloua. Caya houag cang managhili, Basio, sa maling caugalian
nang capoua nating tagalog, na ang sagot nila baga, cung sila,i,
sisihing tungcol sa manga ugaling ito, ay: may bait din, anila, ang
canilang manga anac; at cung itong canilang anac ay nalulubog na sa
guitna nang putican, ay ang quinacatouiran nang magulang ay gayon:
_siyang talaga nang Panginoong Dios, bago_ bago,i, casalanan nilang
sarili, dahilan sa canilang capabayaan, at dahilan sa capahintulutan
nila sa canilang manga anac na lumagay sa panganib na icalulubog nila.
Houag mong alalahanin, Basio, iyang manga bagay na iyan, sapagca,t,
cung may aua ang Panginoon Dios ay macaquiquita ca rin nang
pacacasalan, di man icao,i, lumigao.

Pinaquingan co, pong, maigui itong hatol nang tatay co, at baga man,
tila, may cumucutcot at humahalucay sa aquing dibdib, ay umayon aco,t,
umalinsunod sa calooban nang aquing magulang nang puspos at lubos na
pagsunod; At ngayong oras na ito,i, masasabi co, pó, sa inyo, na
aco,i, nagpapasalamat at nagpapasalamat nang maraming-marami sa aquing
namatay na ama, dahilan sa magaling na pagtuturo niya sa aquin.
Seguro, po,i, mahahango na, pó, ninyo dito sa aquing sinalita ang
naguing calagayan co, niyong aco,i, bagong tauo at soltero: subali,t,
gayon man, ay sasalaysayin co, pó, sa inyo, na ualang palico-licong
sabi.

Ang naguing buhay co, po, niyong panahong yaon, ay ganito.
Pag-umagaumaga na madilim pa, ay guiniguising aco nang aquing tatay,
¡saan di, pó, at aco,i, matuluguin, palibhasa,i, bata pa!, at
pagcabangon, ay nagdadasal cami nang caunting pagpasalamat sa
Panginoon Dios, at inumaga caming buhay pa. Tuloy nagsisimba caming
dalaua nang tatay, co, cung maaga ang Misa, at hangan cami, pó,i,
nasasasimbahan, ay naghahanda ang aquing ina nang ano-anomang
maipacain ó maipainom sa aming magtatay, at masama, pó, rao, ang uica
ni inda, na cami ay pasasa-trabajo na ualang laman ang sicmura.

Caya pangagaling, pó, namin sa Simbahan ay cumacain po, cami, ó
humuhigop caya nang balang nacayanan ihanda ni ina, at siya na, pó,
yaon na, pó, cami nang tatay sa amin-aming guinagua, na ualang oui sa
bahay cundi nang sangdaling _oras_ sa _pag-aalmorsal_, nang dacong _a
las nueve_, at saca sa pagcain nang tanghaliang pagtugtog nang _a las
doce_, cung sacali,t, hindi, pó, cami pinacacain nang may _patrabajo_
ó nagpapagaua sa amin.

Pag-oui, pó, namin cung gabi, na pagcatapos nang aming gaua, ay
pinahahapon co, pó, ang aming manga hayop, ó liniligpit co caya ang
manga casangcapang aming guinamit. Nagpapahinga, pó, cami nang caunti,
at tuloy nagdadasal cami nang santo Rosario, na ualang _capallapalla_
gabi-gabi, maguing ano ang hirap nang catauoan namin ni tatay. Ang
minamatouid ni Ina, cun cami dumadaing, ay ganoon: _Ang pagdarasal,
aniya, nang santong Rosariong gabi-gabi, ay hindi nagbibigay-pagod,
cundi bagcus isang malaquing caguinhauahan nang caloloua,t, catauoan_.

Pagcatapos nang dasal namin, cami, po,i, cumacain nang hapunan, at
saca nagsasalitaan cami nang caunting casama nang aming capitbahay at
ibang caquilalang napapa roon sa bahay, at pagtugtug nang _á las
diez_, ay ligpit na caming lahat sa cani-canilang bahay at banig, at
ang minamatouid, pó, nang tatay co, ay masamang totoo, rao, na mapuyat
cung gabi ang tauong nagpapaupa, sapagca,t, cung umaga,i, mag aantoc
at matatamad tuloy.

Doon, pó, sa buhay at lagay cong yao, ay mayroon acong nararamdamang
isang bagay, na di matatalastas co ang pinangagalingan. Aco, pó,i,
hindi lumiligao; hindi palagala; hindi palapanaog; uala rin sa loob co
ang pag-aasaua; ay, cung baquit, pó, aco,i, guinitian nang pag-ibig sa
isang dalagang capitbahay co, pó, at _casing edad_ co naman.

Pinaglabanan co póng totoo, at pinangatauoanan cong patayi,t, bunutin
itong minamasama cong binhing tumutubo sa aquing dibdib, at hindi co,
pó, macuhang patayin, cundi bagcus, ang damdam co, po,i, lalo,t,
lalong lumalago at tumataimtim sa aquing puso. Gayon man, ay
pinipiguil cong maigui ang aquing calooban, at hindi aco nagsalita sa
babaying yaon nang isa mang uica lamang tungcol sa humahalungcay nang
loob co. Cami, pó, lamang ay nagbabatian nang ugaling bati nang manga
capitbahay, at siya na, pó.

Subali,t, sa hindi co, pó, matiis itong nangyayari sa aquin, na
iquinagugulong totoo nang aquing loob at pag-iisip, tulog man, ó
guisin man aco, ay ninanasa cong totoong ipahayag sa nanay co itong
bagay na ito; caya, pó, minsang nagcataong cami ni inda ay nag-iisa sa
bahay, ay binucsan co ang aquing loob cay nanay, at nag-uica aco sa
caniya nang ganon:

Nanay, mayroon, pó acong ibubulong sa inyo; datapoua,t, houag, pó,
cayong magalit sa aquin, cung sacali,t, mali ang aquing sasabihin.

Baliu na baliu ca, ang uica sa aquin ni ina. Baquit, aniya, baquit
aco,i, magagalit sa iyo, maguing ano ang ibubulong mo sa aquin? Di
baga sinabi co,t, ipinagbilin sa iyo, na houag mong ilihim sa aquin
ang ano-anomang mangyayari sa iyo, ó nararamdaman mo caya, nang
cata,i, gamutin, cung cailangan mo ang gamot; nang cata,i, aliuin cung
cailangan mo ang aliu; nang cata,i, hatulan, cung cailangan mo ang
matouid na hatol; at nang cata baga,i, _paloi,t,_ parusahan, cung
cailangan mo ang _palo_ at parusa? Caya, magsabi ca na, at houag cang
matacot, at hindi aco magagalit. ¡_Segurong-seguro_, ang dagdag na
uica ni nanay _segurong-seguro_ icao,i, may _novia_, cung caya,i,
palico-lico ang iyong salita! Ay ano, di baga totoo?

Baga man, pó, nahiya acong totoo dito sa uinica ni nanay, ay
nagpacatapang din aco, at tila,i, nagcaroon nang caunting lacas ang
aquing loob, caya ang sagot co sa aquing ina,i, ganito:

Nanay, cung sa natuturang _novia,i,_ uala, pó, acong novia; subali,t,
mayroon dito sa ating calapit isang dalaga, na palagui póng sumasagui
sa aquing loob at pag-iisip, dahilan sa minamabait cong totoo siya, at
minamagaling co naman ang caniyang ugali. Di co, pó, mapagpag-pagpag
ang pag-aalaala sa caniya arao,t, gabi. Ano pa, pó? Cung sasabihin co,
pó, ang lahat nasasacalooban co, ay sasabihin co, pó, sa inyo, na ang
ibig at nasa nang aquing loob, ay ang siya lamang at houag ang iba,
ang maguing asaua co, cung baga pahintulutan nang Panginoon Dios, na
aco,i, mag-aasaua.

At sino, ang tanong sa aquin ni inda, sino cayang ngalan niyang
dalagang sinasabi mo, sapagca,t, dito sa ating calapit ay maraming
dalaga?

Ang pangalan, pó,i, Ceciliang anac ni Alguacil Juancho Catouiran, ang
sagot co.

¡_Ay picaro-picaro_!, ang sigao ni ina. ¡Marunong ca palang pumili! At
tuloy niyapos aco, gaua, yata, nang malaquing toua niya, at nag-uica
sa aquin nang gayon:

Pabayaan mo, Basio, at houag mong alalahanin iyang manga bagay na
iyan, at acong bahala sa tatay mo.

Pinabayaan co nga, pó, at hindi na acong umimic tungcol sa manga bagay
na yaon; datapoua,t, nang maguing tatlong lingong magmula niyong
pagbubulungan naming mag-ina, at casalucuyan caming mag anac ay
nag-iisa sa bahay, ay nagtanong sa aquin si tatay nang gayon:

--Ano baga icao, Basio; icao,i, may _edad_ na, _gusto_ mo cayang
mag-asaua na?

--Aco, pó, ang sagot co, aco pó,i, sunod sunoran sa inyo; cung ano,
pó, ang inyong calooban, ay siya ang calooban co.

--Icao baga,i, may catipan ó _novia_ caya? Sabihin mo sa aquin ang
totoo.

--Uala, pó, acong catipan.

--Ay baquit ang sabi sa aquin nang inda mo, na icao,i, may _gusto_ cay
Siliang (Cecilia) anac ni Alguacil Juancho?

--Totoo, pó, iyang sinabi sa inyo ni inda, subali,t, uala acong
catipan _ni_ salitaan man cay Silia.

Ay ano, _gusto_ mo baga, ó hindi mag-asaua cay Silia?

--Gusto co, pó, cung _gusto_ po, ninyo, cung hindi, ay hindi, po.

--Cung ganoon, ang uica ni tatay, cung ganoon ay sumalunga ca na bucas
at tumaga ca nang isang limang punong cauayan, at aco nama,i,
magpapacuha nang cugon at ating pag-liguihing icoi-icoi ang manga
casiraan nitong ating bahay. Sapagca,t, ang salitaan namin ni Alguacil
Juancho, ay sa isang sabado, cung may aua ang Panginoon Dios, ay
haharap na cayo ni Silia sa ating Padre Cura, nang cayo,i, matauag na
sa Simbahan, cung baga _gusto_ at calooban ninyong dalaua. Caya
pinagcaisahan namin ni mamang Juancho, na mula ngayon ay ipagsasama
quita gabi-gabi sa caniyang bahay, nang cayo ni Silia,i, magcausap
nang inyong sarili sa aming harap, nang cayo,i, magcaquilalang mabuti,
at nang maalaman din namin ang nasasacalooban ninyo, bago cayo,i,
humarap sa ating mahal na Cura.

Nagaua, po,t, nasunod yaong lahat na sinabi sa aquin ni ama, at iba,t,
iba pa, datapoua,t, lilisanin co pó, iyang lahat na iyan, at sasabihin
co, pó, sa inyo sa maraling salita na: aua nang Panginoon Dios, cami
ni Silia,i, _nacasal_ din; nag-anac, pó, cami nang marami; at sa
tulong nang mahal na Virgen, ay hindi nasira ang aming capayapaang
magmula niyong cami _casalin_, na hangan ngayong _oras_ na ito.

Cung anong naquiquita co pong inu-ugali nang aquing ama sa aquing ina,
at cung anong inaasal nang magulang co sa aquin, ay siya co pong
guinayaha,t, inuugali sa aquing asaua at manga anac at sa malaquing
aua nang Poon, ay cami nagcacasundo nang maigui at hindi cami naualan
nang aming canin sa ara-arao, mahirap man caming tauo.

Naito, pó, ang sulong na salita ni tandang Basio, naito, pó, ang
pitong anac cong nabubuhay. Inyo, pong tingnan, at inyo pong sulitin,
at sila,i, para-parang marurunong na magdasal, bumasa, sumulat at nang
caunting _cuenta_ pa; at bucod dito,i, sila pong lahat babayi at
lalaqui, ay marurunong pang mag-araro, magtanim, umalit, mangahoy,
manahi at mangosina. Datapoua,t, houag, pó, ninyong causapin sila sa
uicang castila, at baual na baual co, pó, sa canilang lahat ang
pag-aaral, at ang pagsambit man lamang nang iisa-isang uicang castila.

--At baquit, pó, gayon ang inyong gaua,t, utos? ang tanong co sa
matanda. Di baga lalong mabuti, na ang naalaman na nang inyong manga
anac, ay patungan pa,t, dagdagan nang pagcacaalam nang uicang castila?

--Hindi, pó, hindi, pó, ang biglang sagot ni tandang Basio. Ang
castila, aniya,i, castila, at ang indio ay indio. Ang ongo, ang uica
pa niya, ang ongo,i, sootan man ninyo nang baro at saloual, ay ongo
rin at hindi tauo.

--Oo nga, pó, ang uica co; subali,t, pacatandaan, pó, ninyo, na ang
carunungan ay hindi nacacahalang sa anoman, cundi bagcus ay
nacatutulong sa atin sa maraming totoong manga bagay-bagay sa
caloloua,t, catauoan dito sa mundo.

--Tunay, pó, ang inyong sabi, ang ulit nang matanda; subali,t, aniya,
sa naquiquita co, pó, sa namamasdan co; at sa nababalitaan co, pó, sa
buhay cong ito,i, hindi co, pó, ibig na ang manga tagalog, ang mga
indo, alalaon, ay nagaral nang uicang castila.

Ang pinaniniualaan co, póng totoo at sinusunod co, ay ang casabihan
nang aquing namatay na amá, (¡ingatan nang Panginoon Dios!) na ang
madalas na sabi niya baga, ay ganito: _Ang mga tagalog, ang mga indio
baga, aniya, na humihiualay caya sa calabao, ay ang cadalasa,i,
naguiguing masama at palamarang tauo sa Dios at sa Hari_.

Cung caya, po,i, sumamá ang loob co, at nagalit pa aco, nang sabihin,
pó, ninyo sa aquin, na cung ano,t, di aco nág-aaral nang uicang
castila.

Tungcol, pó, sa manga bagay na ito,i, maraming-marami acong sucat
salitain sa inyo. Subali,t, pó, sapagca,t, hating gabi na ngayon,
tayo,i, lumigpit muna, cung baga minamatapat ninyo, at bucas, pó,
cung may aua ang P. Dios, ay sasalaysayin co, pó, sa inyo ang
lahat-lahat na isinasaloob co,t, inaabot nang aquing pag-iisip, bagay
dito sa ating pinag-usapan, at ipaquiquita co pa, pó, sa inyo ang
isang casulatan nang tatay co, na iniingatan co,t, itinatago sa
cailaliman nang aquing caban, tungcol sa nangyari sa isang mag-anac na
tagarito rin sa aquing bayan nang Tanay.

Nanag maringig co itong salita nang quinacaibigan cong matanda, ay
nagpaalam na aco sa caniya, at ang uica co lamang:

Maca, pó, cayo,i, nayayamot na sa aquin, dahilan sa pinupuyat co, pó,
cayong palagui?

--Hindi, pó, ang sagot ni mamang Basio, hindi, pó, aco nayayamot,
bagcus, po,i, malaquing malaqui ang toua cong maquipagsalita sa inyo,
palibhasa,i, cayo po,i, marunong cumilala nang catouiran co, ó nang
hindi caya catouiran, at marunong din, po, cayong humalang sa aquin,
cung baga aco,i, nagcacamali....



III


Aco,i, umoui na; at nang dumating aco sa aquing tinutuluyang bahay, ay
guinuguni-guni cong palagui, na cung ano caya ang napapalaman sa
casulatang ipaquiquita sa aquing nang caquilala cong si tandang Basio.

Sari-sari ang napapasaisip co; at baga man pinapagpag co, ay hindi co
rin maitapon sa aquing calooban ang pagalaala nang naturan cong
casulatan; at dahilan dito,i, uala acong catulog-tulog niyong magdamag
na yaon.

Caya ang ibig co baga, at ang ninanasa cong totoo,i, sumicat na ang
arao, at lumubog tuloy, nang gumabi agad at macaquita aco at macabasa
nang inuulit cong casulatan. At, palibhasa,i, ang panahon ay ualang
catiguiltiguil sa caniyang paglacad, maigui man, ó masama man ang
simoy nang hangin, ó ang singao nang lupa, ay dumating din ang _oras_,
na tinutucoy co sa pagdalao sa aquing quinacaibigang matanda, at
agadagad ay naparoon aco sa caniyang bahay.

Nang aco,i, dumating sa bahay nang matanda, ay _nagrorosario_ pa
silang mag-anac; caya aco,i, nag-antay, at umupo aco sa liputan nang
bacuran, hangan sa natapos ang canilang _pagdarasal_.

Pagcatapos nang canilang dasal, ay sumungao si tandang Basio sa
_bintana_, at pagcaquita sa aquin, ay sumigao nang gayon:

--¡Aba! ¡cayo, po, pala,i, naririyan! Cami, po,i, inyong patatauarin,
at cayo, po,i, pinaantay namin diyan sa hamogan.

--Uala, pó, ang sagot co, uala, pó, acong sucat na ipatauad sa inyo,
at uala, pó, cayong casalanan, sapagca,t, inaagapan co ang aquing
pagparito.

--¿At _comusta_, pó, cayo? Cayo, pó, yata,i, naligo cangina sa bucal.


--Siya nga, pó, ang aquing sagot, doon aco,i, naligo canginang umaga,
at namaril acong tuloy nang caunting _oras_ sa manga tabing palayan.

Pagcatapos nitong aming pagbabatia,t, _pagcocomustahan_, ay pumanhic
na aco sa canilang bahay, at capagcaraca,i, sumigao si tandang Basio
nang gayon: ¡Silia! ¡Silia!... cunin mo yaong balutang natatabi sa
loob nang aquing caban, doon sa ilalim nang manga damit.

Pagca maya-maya,i, ito na si tandang Siliang may taglay ang naturang
balutan na iniabot sa caniyang asaua. Binuclat ni matandang Basio, at
hinango roon ang isang parang _librong_ munti, at ang uica niya sa
aquin:

--Ito, pó, aniya, ang casulatang sinabi co sa inyo cagabi. Cung
_gusto_, po, ninyong basahin, ay basahin, pó, ninyo, at cung ang
_gusto_ po, ninyo, na aco,i, siyang bumasa, ay babasahin co, pó.

--Cayo, na, pó, ang aquing sabi cay tandang Basio, cayo na, po, ang
bumasa, at paquiquingan co.

--Salamat, pó, cung siya ang inyong _gusto_. Subali,t, bago cong
sapulan ang pagbasa nito,i, mayroon, po, acong ipahahayag sa inyo.

--Cayo, pó, ang bahala; at aco,i, ayunayunan sa inyo.

--Salamat, pó, ang ulit nang matanda, at tuloy nag-uica sa aquin nang
gayon:--Ito pong casulatan, ay guinaua nang aquing tatay, at
palibhasa,i, siya,i, capoua co ring hangal, ay _segurong-seguro_ po,i,
maraming mapipintasan ninyong salitang hindi matotouid. Datapoua,t,
cung sa laman, pó, ay totoong-totoo ang nalalaman dini; at cung
caya,i, pinatotoohanan co, sapagca,t, inabot co at naquilala co rin
ang lahat nang tauong nasasambit dito sa tinatangnan cong _libro_.

--Houag, pó, cayong, ang sagot co; houag, po, cayong mag-alaala niyan
at nang anoman, at aco,i, isa ring hangal. Ang ibig co, pó, lamang ay
matalastas co ang laman niyang casulatang hinahauacan ninyo; caya,
cung baga minamatapat, pó, ninyo, ay inyong sapulan na.

--Cung ganoon, pó, ay inyo, pong paquingan, at aco,i, sasapol na.

--Pagcasagot nang ganito ni tandang Basio, ay lumapit siya sa ilao,
binuclat niya ang casulatan, pinahiran nang _paño_ ang caniyang mata,
suminga nang caunti, tumic-him pang dahan-dahan, at binasa niyang
tuloy itong manga susunod, na isinalin co dito sa _papel_, na ualang
culang at ualang labis:



IV


Buhay nang isang mag-anac na tagarito sa Tanay.

Sa taong sanglibo, ualong daan at labing tatlo,i, mayroon dito sa
bayan nang Tanay isang mag-anac na mayaman at mabait. Aapat silang
catauo: ang ama,t, ina baga, at dalaua nilang anac, bucod ang manga
alila.

Ang ngalan nang ama ay si D. Andrés Baticot na _Cabezang pasado_, na
cung tauaguin dito,i, si cabezang Dales; ang pangalan nang ina, ay si
D.a Maria Dimaniuala, na cung tauaguin ay si cabezang Angi; at ang
ngalan naman nang canilang dalauang anac, ay si Prospero ang lalaqui,
at si Felicitas ang babayi, na cung tauaguin ay si Proper at si Pili.

Dito sa boong bayang ito,i, uala cayong ibang mariringig cundi manga
pagpupuri sa naturan cong manga tauo, palibhasa,i, mababanal sila,t,
masimbahin; maauain sa manga _pobre_ at mahihirap na tauo; masusunurin
sa manga utos nang Dios, nang Padre Cura, at nang manga Justicia na
cung sabihin co sa catagang uica at: ualang-ualang sucat ipagpintas sa
canila sa ano pa mang bagay.

Lumaqui itong dalauang anac ni cabezang Dales, at naguing bagong tauo
at dalaga, at baga man anac sila nang mayayaman, ay sila una-una,i,
gumugusar nang manga catungculan nang bagong tauo at dalaga sa
panahong yaon, sa _pagrorosario_ baga, sa pagsisimba cung sabado, sa
pagdarasal, sa paggamas sa _patio_ nang Simbahan, at sa iba,t, iba
pang ugaling gauin nang manga bagongtauo at dalaga.

Mahusay sa mahusay ang asal nitong dalauang magcapatid, na si Pili,
baga at si Proper. Marurunong din sila nang manga catungculan nang
tauong cristiano at nang iba pang nauucol sa pagcabuhay, at sa
paquiquipagcapoua tauo. ¿Ano pa?; Ang pananamit nilang magcapatid, at
ang quilos man nang canilang catauoan, ay tapat na tapat, na ualang
cahalong capalaluan ó calibugan.

¡Ay cung baquit naisipan nang magasaua ni cabezang Dales, na paluasin
ang canilang anac na si Prospero sa Maynila nang mag-aral doon, anila,
nang caunti!

¡Hindi co maiisip, hindi co naalaman, cung sinong manunucsong tauo,i,
naguudioc sa canila sa gayong bagay!

Nang mabalitaan ni Felicitas itong manga naisipan nang caniyang
magulang ay nalumbay siyang totoo; at sa malaquing caramdaman nang
caniyang loob, ay nangusap siya sa caniyang tatay nang ganito:

--¿Totoo, pó, baga, tatay, na paluluasin, po, ninyo si Próspero sa
Maynila?

--Oo, ang sagot nang caniyang ama.

--¿At ano,t, paluluasin, pó, ninyo?

--¡Balio ca! ang sigao ni cabezang Dales, ¡baliu ca!, nang siya,i,
mag-aral-aral sa Maynila nang iba,t ibang hindi mapag-aralan dito sa
atin na para-para tayo,i, manga hañgal, na ualang naalamang iba cundi
cumain at mag-araro.

--Maano pó, tatay, ay houag, pó, ninyong paluasin si Próspero.

--¿At baquit?

--Ayuan co pó; subali,t, masasabi co, pó, sa inyo, na
masamang-masamang totoo ang cotug nang aquing loob, at
malaquing-malaqui, pó ang tacot co, na baca sacali,t, mapahamac ang
aquing capatid, na minamahal at manamabait co póng totoo, cung
paluasin, pó, ninyo siya sa Maynila.

--Houag cang magbaliu-baliu, Pili, ang sagot ni cabezang Andrés.
¿Baquit, aniya, mapapahamac ang capatid mong si Proper, ganiyang
cabait siya, paluasin co man siya sa Maynila?

--Hindi, pó, aco macasagot sa inyo; datapoua,t, di baga naquiquita pó
ninyo, ó nabalitaan caya, ang nangyayari sa caramihan nang batang
pinapag-aral sa Maynila, na mababait na mababait sila, nang sila,i,
umalis sa casiping nang canilang magulang, at pag-oui, pó, nila sa
canicanilang bayan, ay iba na ang canilang asal at ugali; na tabi sa
di gayon, ay ualang-uala silang naalaman, cundi lumigao at gumala
oras-oras; magsoot nang matitigas, at lumayao sa catauoan?

--Di baga naquiquita, pó, ninyo, ó nabalitaan caya, na pangagaling sa
Maynila niyong mañga nasabi cong bata, at cahit ano ang natutuhan nila
doon; ay pagdating, pó, rito sa bayan, ó sa bayang canilang
pinagbubuhatan; ay hindi na sila marurunong gumalang sa matatanda, at
ang pagpupugay man pó, sa mañga puno, at sa mañga Sacerdote ay hindi
na guinagaua?

Di baga naquiquita, pó, ninyo, ó nabalitaan caya, na ang caramihan
nating mañga tagalog, tabi sa di ganoon, na nag-aaral sa Maynila, ay
ualang ibang natutuhan doon cundi ang dilang capalamarahan sa canilang
capoua tauo?

Cayo, póng bahala, tatay; cayo rin, pó, ang aming susundin; nguni,t,
ipinamamanhic co póng totoo sa inyo, na bago pó, paluasin ninyo si
Proper, ay cumuha, pó, cayo muna nang tanong at sanguni sa ating mahal
na Padre Cura, ó sa iba cayang nacacaalam; maca, pó, sacali; ang
inyong casasapitan, ay malayong-malayo sa inyong hinahañgad.

At saca, pó, tatay; ay alalahanin, pó, ninyo, na sa pagcacamit nang
Lañgit, ay hindi cailañgang mag-aral muna nang uicang castila at
_cánones_, ó cung ano pong ñgalan niyong pinag-aaralan nang mañga
_estudiante_ sa Maynila, at madalas naringig co, pó, sa mañga
Confesor, at binasa co pa sa mañga libro, na, cung sa Pañginoon Dios,
ay ualang _castila_, ualang tagalog, ualang _ingles_, ualang _inchic_,
ualang mahirap, ualang mayaman, ualang marunong at ualang hañgal;
tayo,i, para-parang hohocoman niya, at ayong sa ating mañga gaua, ay
ganoon din ang caniyang ganti ó parusa sa atin.

Baga man ticang-tica nang loob ni cabezang Andrés, na paluluasi,t,
paluluasin sa Maynila ang caniyang anac, na si Próspero, ay
pinaquingan din ang matouid, at malaman, at mainit na salita ni
Felicitas; at baga man hindi sumagot cay Pili, doon sa _oras_ na yaon,
nang isa mang uica, ay nang quinabucasan niyon, ay naparoon si
cabezang Dales sa Convento, hinanap niya ang aming mahal na Padre
Cura, at doon cumuha nang sanguni.

Ang Cura dito sa amin, niyong panahong yaon, ay baga man castila,
(siya,i, Franciscano na paris nang mañga hinalinhan niya, at nang
mañga humalili sa caniya), baga man castila, anaquin, ay tagalog na
tagalog cung sa pañguñgusap; at palibhasa,i, matagal siyang totoo dito
sa catagaloga,i, naalaman niya ang lahat na mañga asal at ugali naming
mañga _indio_. Caya nang humarap sa caniya si cabezang Dales, at
ipinahayag sa caniya ang talagang isasanguni sa caniya, ay sinagutan
siya nang aming cagalang-galang na Padre Cura nang isang mahaba at
malinao na sagot, na sasaclauin co dito sa maicsing salitang susunod:

--Mabuting-mabuti ang uica nang Padre Cura, mabuting-mabuti ang
inaacala mo, Andrés; palibhasa,i, maigui ñga na ang tauo,i, mag-aral
nang mag-aral, hangang macacayanan niya, nang mañga bagay-bagay na
carunuñgan, macatutulong sa caniya sa mañga iba,t, ibang calagayan
natin dito sa lupa. Caya, naguing cauicaan nang mañga pantas na
marurunong, na _ang carunuñgan ay hindi nacabibigat, cundi nacagagaan
nang mañga pasan natin dito sa mundo_. Nguni,t, mayroon acong
itatanong sa iyo.

--Cayo póng bahala, ang uica ni cabezang Dales.

--Ano caya ang hinahañgad mo, ó hinahabol mo baga sa anac mong si
Próspero, dito sa pagpapaluas mo sa caniya sa Maynila?

--Uala, po, acong ibang hinahabol at ninanasa sa aquing anac cundi ang
siya,i, matuto nang caunti sa Maynila.

Ay ano, ang ulit nang Cura, ay ano, di baga siya,i, marunong nang
dasal?

--Marunong, pó.

--Di baga siya,i, marunong bumasa, sumulat at nang manga _cuenta_ pa?

--Aua, pó, nang Pañginoon Dios, ay naalaman nang anac co iyang mañga
bagay na iyan.

--Di caya maalam si Próspero nang _mag-araro_, mag-alaga nang calabao,
mañgahuy, at nang iba,t, iba pang tungcol sa inyong pagcabuhay, at
nang ucol naman sa mañga catungculan nang tauong cristiano?

--Iyan póng lahat na iyan ay naalaman din ni Proper.

--Cung ganoon, ang uica nang Cura, cung ganoon; ano pa ang hinahabol
mo, ó hinahanap mo cay Próspero?

--Ang ibig co, pó lamang, Amo, ang uica ni Dales, ay ang mag-aral si
Prospero nang caunting paquiquipagcapoua tauo, at natatanto rin, pó
ninyo, na dito sa ating bayan, ay hañgal na hañgal ang tauo, na halos
hindi marunong sumagot, cung causapin ninyo, cundi tanuñgin po, ninyo
silang tungcol sa mañga calabao, mañga palayan, mañga caiñgin ó ibang
ganito.

--Totoo iyang salita mo, Andrés; subali,t, talastasin mo namang
maigui, na malaquingmalaquing camaliang umasa, na ang isang puno nang
sampaloc ay mamuñga nang bayabas, at isang, puno nang bayabas ay
mamuñga nang sampaloc. At itong camaliang ito,i, nasasainyong lahat
halos, na bihirang-bihira ang hindi nararamay sa camaliang ito. Caya
ang nangyayari sa caramihan ninyong mañga _indio_, maguing tagalog,
maguing visaya, maguing vicol, pangpango, ilocano, etc. etc. etc., ay
gayon:

Mayroon cayong caunting salapi, at magcaanac cayo nang lalaqui, at
capagcaraca,i, tinutucso cayo nang demonio, ó nang inyong capoua tauo,
ó nang inyong sariling cahunghañgan ó capalaluan, na paluasin baga
ninyo sa Maynila ang inyong anac na lalaqui, nang doon siya,i,
mag-aral; at hindi ninyong sinusubucan muna,t, pinagmamasdan itong
inyong anac, cung mabait baga at matalinong siya, ó matalas caya ó
mapurol ang caniyang ulo, ang caniyang pagiisip, sa macatouid.

Ang inyong guinagaua lamang sa mañga cataonang ganito, at ang inyong
iniisip at guinugunam-gunam lamang, ay cung quinacaya baga ninyo, ó
hindi quinacaya ang pagbabayad nang pag-aaral at pagtira nang inyong
anac sa Maynila; at cung baga inaacala ninyong nacacayanan din, ay
isinusulong ninyo ang inyong banta,t, calooban, at siya na.

Dahilan dito sa inyong asal, ang nangyayaring cadalasa,i, natutunao
lamang ang inyong salapi, at ang mañga anac ninyo,i, ualang ibang
pinag-aaralan sa Maynila, cundi mañga _capillohan_, casalauolaan,
capalamarahan, at iba,t, iba pang masasamang ugali.

Cung dito, ang tuloy na salita nang aming mahal na Padre Cura, cung
dito sa anac mong si Próspero ay masasabi co sa iyo, na minamabait
co,t, minamagaling cong tauo, at inaari co siyang mabuting cristiano
at masunuring anac. Subali,t, cung sa aquing pagtiñgin, cung aquing
pagmamasid sa caniya, ay tila,i, may capurulan ang caniyang ulo, caya
inaalaala co, na baca sacali,t, cung paluasin mo siya sa Maynila, ay
hindi lamang hindi matuto ang inaacala mong matutuhan niya roon, cundi
bagcus ay masira at mauala pa ang caniyang cabaita,t, cagalingan, at
ang humalili dito,i, ang capusuñgan at capalaluhan.

Caya ang hatol co at ang aquing sagot sa mañga ipinahayag mo at
itinanong mo sa aquin ay gayon: Houag mong paluasin si Próspero sa
Maynila: sapagca,t, ñgayon siya,i, mabait na anac, mahusay na binata,
masunuring cristiano at mabuting cababayan; ñguni,t, cung paluasin mo
siya,i, hindi natin naalaman ang caniyang casasapitan.

--Salamat, pó, ang ulit ni cabezang Dales,salamat, pó, at co,i,
inaaralan ninyo,t, hina, hatulan nang magagaling; datapoua,t, cundi
icagagalit nang aquing Panginoon, ay mayroon, pó, acong sasabihin sa
inyo.

--Hindi, ang banayad na sagot nang aming Cura, hindi aco magagalit:
caya magsabi ca nang balang maguing calooban mo, at sasagutin co nang
macacayanan co.

--Ang aquin pong sasabihing ayon sa inaabot nang mababao cong
pag-iisip, ay ganito: ang uica ni cabezang Dales. Na tila po,i, ang
laman nang mañga sinalita ninyo sa aquin, ay ang houag bagang mag-aral
caming mañga _indio_ nang mañga iba,t, ibang naalama,t, pinag-aaralan
ninyong mañga castila.

--Hindi at hindi, ang biglang sagot nang Cura, hindi iyan ang
cahulugan nang mañga sinalita co sa iyo. Maling-mali, Andrés, ang
caisipan mo. At cung sa aquin, ay hindi lamang hindi co inaalis, cundi
minamagaling cong totoo, na ang mañga _indio_, mag-aral nang balan
nang carunuñgan maguing sa _pagmemedico_, maguing sa _pagmamaestro_,
maguing sa _pagpapare_, maguing sa _pag-aabogado_, ó iba,t, iba cayang
mañga _oficio_ at calagayan natin dito sa mundo.

Baquit aco,i, magsasaloob nang ganiyan, at mayroon acong
naquiquilalang mañga _Pare_, mañga _Médico_, mañga _Abogado_, na
para-parang mañga _indio_, na mahusay na mahusay sila sa cani-canilang
catungculan, at naguing uliran pa sila nang ibang mañga _Pare_, mañga
_Médico_ at mañga _Abogado_? Ang ipinipintas co lamang sa inyo:
pacatandaan mong maigui, Andrés; ang ipinipintas co lamang sa inyong
mañga _indio_, at ang minamasamang totoo nang aquing calooban, ay ang
ualang casinghamac na ugali ninyo, na pag nagcacaroon cayo nang
caunting _cuarta_, cung mayroon cayong mañga anac na lalaqui ay
agadagad paluluasin ninyo sa Maynila itong inyong mañga anac, nang
mag-aral doon, aninyo, cahit casingtigas nang batobalani ang canilang
ulo, at uala silang cabait-bait.

Caya, ang uica co sa iyo cañgina, at inuulit co ñgayon, at uulitin
cong magpacailan man, na, ang caramihan, sa macatouid baga, na sa
sanglibong _indiong_ nag-aaral sa Maynila, ay ang siam na raan at
limang puo,i, ualang ibang natutuhan doon cundi mañga capalaluan,
mañga casalbahian, mañga casalauolaan, mañga calayauan nang catauoan
at ibang ganganito, at tinutunao pa nila ang salapi nang canilang
magugulang.

Dito rin sa ating bayan ay mayroong maipaghalimbaua aco sa iyo:

Ano caya ang naalaman ni Basteng anac nang nasirang _Maestrong
Sensio_, ganoong catagal siya sa Maynila, na cung sa aquing balita,i,
mayroong ualo ó siam na taon siya roon?

Ay ualang-ualang iba, cung sa naquiquita co at pinagmamasdan, cundi
ang pagsosoot nang matitigas; ang pagmamarunong; ang pagpapaquialam
min sa lahat nang bagay; ang pambababayi; ang pagbabañgon nang usap sa
mañga ualang casaysayan, at ang pagpapalalo sa lahat. At saca hindi
sila nagcocompisal sa panahon nang _Santa Cuaresma_, at magsimba man
sila, cung _Domingo_ at _Fiestang_ pañgilin, ay hindi guinagaua nila
ito alangalang sa pagsunod sa utos nang santa Iglesia, cundi nang
sila,i, maquita, at sila nama,i, macaquita. At bucod dito,i,
hinihicayat pa nila ang ibang tauo sa paggaua nang canilang guinagaua.

Di baga totoo ito, Andrés? Icao rin ang magsabi, at mayroon canamang
mata, tayiñga at pag-iisip na paris co. Di baga totoo itong aquing
sinasalita sa iyo?

--Houag, pó, ang sagot ni cabezang Dales, houag póng maguing casiraan
nang puri nang capoua tauo; datapoua,t, ay totoong-totoo ang inyong
sinasalita, at siyang naquiquita co, at naquiquita nating lahat dito
sa bayan.

--Cung gayon, ang uica nang Cura, cung gayo,i, acalain mo, Andrés, ó
hugutin mo caya dito sa nangyari at sa nangyayari cay Isco, cay Julian
at cay Baste, acalain mo, anaquin, cung ano ang mangyayari sa anac
mong si Próspero, cung paluasin mo siya sa Maynila.

--Salamat, pó, ang uinica ni cabezang Dales sa Cura, salamat, pó, nang
maraming-marami, at cung sana sa bulag, ay pinamumulat, pó, ninyo ang
aquing mata. Aco, po,i, nagpapaalam na sa inyo, cung uala, pó, cayong
ipag-uutos sa aquin.

--_Adios_, Andrés, ang uica nang Cura, _adios_, Andrés, at houag mong
pahamacan itong hatol ó pañgañgaral co sa iyo, sapagca,t, hindi
nangagaling sa isang biglang sompong, cundi sa isang matagal at
sadyang pagmamasid co nang inyong mañga ugali at paquiquipagcapoua
tauo....

Yumaon na si cabezang Dales sa Convento, at nagtuloy sa caniyang
bahay, at palibhasa,i, balisa ang loob ni Felicitas, ay sinalubong
niya sa pinto ang caniyang ama, at inosisa sa caniya, cung ano caya
ang naguing hatol sa caniya nang Padre Cura, at ang sagot nang
caniyang tatay ay ganoon:

--Ang hatol sa aquin nang ating Cura ay paris din nang hatol mo, na
houag co bagang paluasin si Proper, na baca sacali, aniya,i,
mapahamac. Datapoua,t, isipin co ma,t, isipin, ay hindi co
matatalastas, cung baquit mapapahamac itong anac co, cung papag-aralin
co siya nang caunti sa Maynila.

--Tatay, ang maamong uica ni Pili; tatay, maano, po,i, sundin, pó,
ninyo ang hatol nang ating mahal na Cura, sapagca,t, siya ang ama nang
ating caloloua, at _segurong-seguro_, po,i, hindi ihahatol niya sa
inyo nang gayon, cundi talastas niya, na siyang matouid at tapat sa
cagaliñgan natin.

--Siya ñga, ang uica ni Dales, siya ñga, ñguni,t, tila nagugulo ang
aquing pag-iisip, at ang loob co,i, catua, sapagca,t, hindi co
matantong maigui ang tunay na cahulugan nang mañga quinacatouiran sa
aquin nang ating cagalang-galang na Padre Cura.

--Pabayaan, pó, ninyo, tatay, ang ulit ni Pili, pabayaan, pó, ninyo,
tatay, iyang pag-iisip na iyan, at houag, pó, ninyong alalahanin iyang
mañga bagay na iyan. Cung ano, pó, ang hatol sa inyo nang ating mahal
na Padre Cura, ay siya pó, ang inyong sundin, at hindi, pó, cayo
magcacasala sa ating Panginoong Dios.

Pagcasalita nang gayon ni Felicitas ay umalis na ang caniyang ama at
nagtuloy sa mañga pag-gaua niya sa buquid; at buhat niyo,i, hindi
pinag-uusapan nila itong mañga bagay na ito; caya lagay na lagay ang
loob ni Pili, at ang boong acala niya,i, hindi na paluluasin si
Próspero sa Maynila.

Datapoua,t, nang maguing tatlong lingong magmula nang pagharap ni
Dales sa aming Cura, at casalucuyang pinaguusapan nang mag-ina ni
Felicitas itong di pagluas ni Próspero sa Maynila, at casalsalang
ipinahahayag ni Pili sa caniyang ina ang malaquing toua niya dahilan
sa hindi pag-alis nang capatid, ay siyang pagdating ni cabezang
Andrés, at capagcara,i, tinauag niya ang mag-ina, at iniutos sa canila
nang isang masiquip na utos, na agad-agad, ang uica, ay bumili sila
nang cáyo at gumaua sila nang maraming baro at salaual cat Proper, at
maghanda pa sila nang mañga _paño_, _chapin_, _chinelas_, _talla_ at
nang balang cailangan; at sa isang lingo, aniya, ay paluluasin co si
Proper sa Maynila, at papag-aralin co doon nang caunti.

¡Catacot-tacot ang pag-iyac ni Felicitas nang mariñgig niya itong utos
nang caniyang amba! Di mapalagay-lagay ang caniyang loob, at
sari-saring paraan at capamanhican ang guinaua niya, nang houag baga
matuloy ang gayong banta nang caniyang tatay. Ñguni,t,
nagbiñgi-biñgihan si don Andrés sa mañga caraiñgan at sa mañga luha
nang caniyang anac na si Pili, at inulit nang inulit niya ang utos, na
gauing madali nilang mag-ina ang ipinagaua sa canila.

Hangan ñgayon _oras_ na ito, na itinatala co sa _papel_ ang nangyari
sa mag-anac na don Andrés Baticot, ay hindi co maisip-isip, hindi aco
macapag-aacala man lamang, cung sino caya ang nag-odyoc ó humicayat sa
naturang Dales, sa pagsouay sa matouid na hatol nang cagalang-galang
na Padre Cura namin.

Cung sa aquing sarili, ay uala na acong ibang sucat na pagbintañgan at
paghinalaan, cundi ang _mismong Demonio_, o cung dili caya, ay ang
pinacacatouan nang _Demonio_ dito sa bayan.

Houag magalit ang sino manga babasa nitong aquing casulatan, dahilan
sa mañga sinasalita co sa unahan nito, sapagca,t, maquiquilala rin
niya, dito sa itinutuloy cong historia, ang aquing catouiran.

Sa di macuha ni Felicitas sa mañga capamanhica,t, caraiñgan, ang
ninanasa nang caniyang loob, ang houag bagang paluasin si Proper sa
Maynila, ay tumahimic na, at tumulong na siya sa caniyang inda sa
paghahanda nang mañga ipinahahanda sa canila ni cabezang Andrés.

Pagcahanda na ang lahat, at nang dumating ang _oras_ na tucoy, ay
nagpaalam na ang mag-ama ni Próspero sa mag-ina ni Felicitas; at doon
na, ang pag-iiyacan nilang lahat; doon na, ang paghahatulan nang
isa,t, isa; doon na, ang pagbibilinan nang sari-saring bilin; doon na,
ang pagdadalamhatian nang loob nang nañga-aalis at nang nañgaiiuan.

Bago magcaganito; sa macatouid baga; bago dumating ang arao na tinucoy
ni cabezang Dales sa pagluas nilang mag-ama ni Proper, ay si
Felicitas, na hindi lamang mabanal na mabanal na dalaga, cundi pa
nama,i, matalas na matalas ang caniyang bait at pag-iisip, ay tinauag
niya sa lihim ang caniyang capatid na si Próspero, at pinañgaralan
niya, nang mahabang oras, nang madlang bagay tungcol sa maguiguing
bagong calagayan niya.

Pinaquingan ni Proper ang mañga aral sa caniya nang caniyang _ala_ ó
_caca_, (si Felicitas ang pañganay), at ipinañgaco niya cay Pili, na
susundi,t, susundin niya ang lahat na mañga hatol na yaon, at ang tica
nang caniyang loob, ani Próspero, ay houag sumala sa ano pa mang bagay
at ang uica pa, na hindi niya,i, iaacsaya ang panahon, cundi bagcus ay
mag-aaral at mag-aaral siya sa caniyang macacayanan, ayon sa _gusto_
at calooban nang caniyang magulang.

Yumaon na ang mag-ama ni Próspero, at nagtuloy sa Maynila; at nang
umoui na si cabezang Dales na mangaling sa Maynila, ¡ay ina co!
sinalubong siya ni cabezang Angi at ni Felicitas doon pa sa _calzada_,
linapitan siya,t, linibutan, at quinusot pa nila ang caniyang damit
nang cacacalvit sa caniya, na halos hindi pinatutuloy siya sa bahay,
hangang di sumagot sa mañga susong-susong tanong na guinaua nilang
mag-ina.

--¿Comusta si Proper?, ang tanong ni cabezang Angi.

--¿Ano, po, ang lagay ni Próspero?, ang tanong ni Pili.

--¿Mabuti, baga, ang bahay na quinatitirahan?, ang ulit ni cabezang
Maria.

--¿Hindi, pó, caya natatacot siya sa Maynila?, ang bagong tanong ni
Felicitas.

--¡Maca, pó, siya,i, magcasaquit doon sa quinatitirahan!

--¿Nacausap mo, baga, ang caniyang _Catedrático_?

--¿Inosisa, pó, ninyo ang ugali nang caniyang _casera_?

Ito at iba pang lubhang maraming mañga tanong na pauang bigla at
patong-patong, ang guinaua nang mag-ina ni Pili sa canilang asaua,t,
ama, na si cabezang Dales baga, nang itong si Dales ay doroon pa sa
_calzada_.

Sinagutan ni don Andrés ang lahat na mañga tinuran cong tanong nang
mag-ina ni Pili; at polus na maigui, at polus na caaliu-aliu ang
isinagot at ibinalita sa canilang tungcol cay Próspero, at ang uica pa
ni Dales sa canila:--Houag ninyong alalahanin si Proper, at
mabuting-mabuti ang caniyang lagay.

Malaqui ang toua ni cabezang Angi nang mariñgig ang sinasalita nang
caniyang asaua; datapoua,t, ang loob ni Felicitas ay hindi
mapalagay-lagay.

At saan di magcacagayon? Binasa niya sa mañga libro, na ang mañga
anac, na malayo sa mata nang magugulang ay ang cadalasa,i, napapahamac
at nauaualan nang cabaitan, at itong bagay na ito,i, siyang inaalaala
niyang palagui arao at gabi; at siyang pinañgañgarap niya sa pagtulog,
na hindi maalis-alis sa caniyang calooban itong pag-aalaalang ito.

Caya, magmula nang lumuas si Próspero, ay dinagdagan niya,t,
dinagdagan ang caniyang mañga dating panalañgin, at ang hinihiñgi niya
sa Pañginoon Dios, ay iligtas at iadiya niya ang caniyang capatid sa
dilang masasama.

Nang maguing dalauang buang buhat nang pag-alis ni Próspero dito sa
bayan, ay may dumating sa Tribunal isang sulat, na galing sa _correo_,
at ang nababasa sa _sobre_, o sa taquip, baga, nang sulat ay
ganito:--Distrito de Morong--A la señorita doña Felicitas Baticot en
el pueblo de Tanay.

Nagtauanang di hamac doon sa Tribunal ang mañga _oficiales_, ang mañga
bantay, ang mañga _cuadrillero_, at ang iba,t, ibang tauong naroroon
sa Tribunal, pagcabasa ni _testigong_ Carlos, (iñgatan nang Pañginoong
Dios), ang _sobre_ nang naturang sulat, at ang uica nang isa,t isa:

--¿Sino, caya, itong señoritang bagong litao dito sa ating bayan?

--¿Sino, baga, itong mahal na Princesang natatago dito sa atin?

--¡Tayo pala, ang sigao nang isang matanda na _Capitang_ pasado, na
ang ñgala,i, Pedrong Ilag, tayo pala,i, mahal ding tauo, at mayroon
tayong mañga cababayan na mañga señorita!"

At itong mañga salitang ito,i, sinundan pa nang marami at sari-saring
casistihan at capusoñgang di co sasabihin, palibhasa,i,
mapag-uauari-uari rin nang capoua cong tagalog, at nang sinomang
nacaquiquilala nang mañga ugali at asal naming mañga tagalog.

Nang macalipas-lipas na ang canilang pagtatauanan at pagsisistihan, ay
ipinadala nang _Alguacil mayor_, na si Gabriel ang pañgalan, ang
nasabing sulat doon sa pinadadalhan.

Si cabezang Dales ang pinag-abutan nang bantay nang inulit na sulat;
at nang basahin ni Dales ang nasusulat sa _sobre_, ay agad-agad
iniabot cay Felicitas, ang uica,t, sigao:--¡Pili! ¡Pili!; parini ca;
cunin mo; itong sulat ay para sa iyo: madali ca at basahin mo, at
_seguro,i_, sulat nang capatid mo.

Nang mabasa ni Felicitas ang natatala sa taquip nang sulat, nang
mabasa niya, anaquin, ang uicang: _Señorita_:--ay sumamang lalo sa
dati ang caniyang calooban; nguni,t, hindi ipinahalata niya sa
caniyang magugulang; cundi binuclat niya ang sulat at binasa sa harap
nila. Ang laman nang sulat ay ganito:

Pagcabasa ni tandang Basio itong mañga sinusundan na salita, ay
tiniclop niya ang casulatan, at ang uica niya sa aquin:

--Ito póng mañga sulat ni Próspero at ni Felicitas na naquiquintal
dito, at aquing babasahin, ay tunay na tunay na mañga sulat nang
naturang magcapatid, na isinalin dito nang tatay co, na ualang culang
at ualang labis. At nang cayo, po,i, maniuala dito sa aquing
sinasalita, ay sasabihin co, pó, sa inyo, na si Felicitas ay pamanquin
sa pinsang boo nang tatay co; na sa macatouid, baga, si cabezang Angi
ay pinsang boo nang aquing ama; at palibhasa,i, silang dalaua nang
tatay co at ni Felicitas, ay nagkakaisang caloobang tungcol sa
pagpapaluas ni cabezang Andrés cay Próspero sa Maynila; ay
ipinaquiquita ni Felicitas cay tatay ang balang isinusulat niya cay
Proper, at sa caniya. Caya, pó, ualang ibang guinaua ang tatay co
dito, cundi magsalin nang magsalin nang nasabing mañga sulat, ñg
ipaquita sa caniya ni Pili.

At cung caya naalaman din nang aquin póng tatay ang laman nang sulat
ni cabezang Angi, at ang casagutan sa caniya ni Proper, (na dito rin
babasahin co); sapagca,t, ipinaquita naman ni Pili sa tatay co, niyong
ipagbili ni cabezang Angi ang lahat na mañga pag-aari nilang mag-ina,
na dito ring sinasalaysay.

--¡_Demasiado_, pó, cayong _delicado_!, ang sagot co cay tandang Basio
sa uicang castila,t, tagalog: ¡Demasiado, pó, cayong _delicado_! Cayo,
po,i, bumasa nang bumasa, at malaqui, pong, totoo ang nasa cong
maalaman ang caouian niyang _historiang_ binasa ninyo.

Itutuloy co, pó, ñgayon din, ang uica nang matanda. At cung caya
aniya, sinaysay co, pó, sa inyo itong mañga bagay na ito, ay maca
sacali,t, ang isip, pó, ninyo, na pauang casinuñgaliñgan ang aquing
binabasa, bago-bago,i, pulos na catotohanan ang nalalaman dito, at aco
rin ang sacsi nang lahat.

--Ituloy, pó, ninyo, ang utos co sa aquing caibigang matanda, ituloy,
pó, ninyo ang pagbasa niyan, at para-parang pinaniniualaan co ang
lahat na nasasaclao riyan.

--Salamat, pó, ang ganting uica sa aquin ni tandang Basio: at itinuloy
niya ang caniyang binabasa, na ganito baga:

--Ang laman, pó, nang nasabing sulat ni Próspero ay yari:



=_UNANG SULAT NI PROSPERO_=

Minamahal, na ualang casing mahal na capatid cong Pili. Ayon sa
pañgaco co sa iyo, ay sumusulat aco ñgayon sa iyo, nang matalastas mo
ang aquing calagayan, at ang paquiquiramdam co dini sa Maynila.

Bagay sa calagayan co,i, maiguing-maigui ang aquing lagay. Tatlo
caming magcacasamang _estudiante_ ang natitira dito sa bahay na ito:
ang isa,i, taga Paco, ang isa nama,i, taga Bulacan, at saca aco; na
cung pagmasdan mo cami ay tila cami mañga tunay na magcacapatid. Cung
ano ang _gusto_ nang isa,i, siyang gusto naming lahat, na sa
macatouid: ayon-ayonan cami sa lahat nang bagay.

Pangagáling namin sa _clase_, ay lumalayao-layao cami nang caunting
oras sa mañga _calzada_ at sa mañga _paseo_; at cung minsan ay
napaparoon cami sa mañga pagsasayauang bahay, na dito sa Maynila,i,
marami.

Ang aming casera,i, mabait na mabait, at maamong-maamo, at
bihirang-bihirang nagagalit. Umaayon siyang palagui sa _cagustuhan_
naming tatlo, at cung sacali,t, cami ay cagalitan nang caniyang
_santulon_ na asaua, ay siya ang aming tagapagtangol.

Bagay naman sa aquing paquiquiramdam dito, ¡ay caguilio-guilio cong
capatid! Ang masasabi co sa iyo, na ang damdam co,i, aco ay isang
_pobreng_ bulag, na ñgayon, ngayon lamang nacamulat nang mata.

Caya, nang aco,i, bago pa dito sa Maynila,i, pinagtatauanan acong
parati nang aquing mañga casama, sapagca,t, palaguing aco,i, namamañga
sa aquing paglacad. ¡Uala acong di pinagtatachan, uala acong di
quinatitilihan! ¡Ang mañga _almacen_, ang mañga _tindahan_; ang mañga
_castila_, na sari-sari ang soot at pañguñgusap; at sa catagang uica,
ang lahat-lahat na mañga bagay-bagay, na naquiquita co,t, napapanood
co dito,i, para-parang pinagtatac-han co!

Datapoua,t, ñgayon, ay iba na ang aquing caisipan, at iba naman ang
calagayan nang aquing loob. Ñgayo,i, naquiquita co, na dito sa
Maynila,i, naririto ang _civilizacion_. Ñgayo,i, naquiquilala co, na
ang ating mañga ugali diyan sa ating bayan, ay malayong-malayo sa
mañga ugali nang tauong _civilizado_. Caya ang pananamit, ang
pañguñgusap, ang paqiquipagcapouatauo, ang mañga quilos, at ang iba,t,
iba pang asal nang mañga tagarito,i, malayong-malayo sa naquiquita
nati,t, inaasal diyan sa canitang bayan. Ano, pa,t, cung sa aquing
pagcatalastas ñgayon, ay añgat na añgat tayo sa mañga dapat asalin
nang tauo dito sa lupa.

Houag cang magalit, Pili, dahilan dito mañga sinasalita co sa iyo.
Cung icao sana,i, macaluluas, at macapagmamasid ca nang mañga asal
nang mañga tauong taga rito sa Maynila, ay segurong-segurong sasabihin
mo, na ang lahat na ipinamamalita co sa iyo, at catotohanan at hindi
casinoñgaliñgan.

Inaantay co ang casagutan mo. Cung sa ganang aquin, ay ipinañgañgaco
co sa iyo na maalaman mo rin sa mañga sulat co, ang aquing isinasaloob
na lahat.

Comusta nang maraming-marami si tatay at si nanay, pati ibang mañga
camag-anac natin. Ipagpacomusta mo aco naman cay Doni anac ni Capitang
Valer, at mag-utos ca nang balang maguing calooban mo dito sa
cababa-babaan mong capatid, na si Prospero Baticot.



Malaquing-malaqui; malaqui, na di ganoon lamang, ang toua,t, saya nang
mag-asaua ni cabezang Dales, nang mariñgig nila ang napapalaman sa
sulat nang canilang anac na si Próspero. Minamariquit nilang totoo ang
mga sinasalita roon ni Proper; at ang isip nila baga,i, nacarating na
ang canilang anac sa cataluctucan nang carunuñgan. Caya, habang
binabasa ni Felicitas ang naturang sulat, ay ualang lagot ang agos
nang canilang luha at ang tulo nang canilang lauay, gaua nang
malaquing toua nang canilang puso, at lalong-lalong lumaqui ang buhos
nang canilang luha at lauay, nang basahin ni Pili yaong mañga uicang
_civilizacion, civilizado_ at iba pang mañga uicang castilang nahahalo
roon sa sulat.

Tumutulo ring di hamac ang luha ni Felicitas habang binabasa niya ang
sulat nang caniyang capatid; datapoua,t, itong luha ni Pili ay hindi
galing sa toua, cundi sa malaquing calumbaya,t, capighatian nang
caniyang loob.

Ay baquit caya ganoon?, ang itatanong sa aquin marahil nang mañga
bumabasa nitong casulatan. Baquit caya ang iquinatotoua nang magulang
ni Próspero, ay siyang icalulumbay nang caniyang capatid?

Sasaysayin co, sa aquing macacayanan, itong mañga bagay na ito.

Ang mag-asaua ni cabezang Dales, baga man mababait na tauo, at
mabubuting cristiano, na parang sinasabi co sa itaas, ay capagsabata
nila,i, ualang ibang guinaua, cundi magsimba nang madalas;
_magcompisal_ sa panahon nang _Santong cuaresma, magrosario_ na
gabi-gabi sa canilang pamamahay; at ang ibang oras at arao ay
tinutucoy nila,t, sinasamantala sa _pagtatrabajo_ at sa paghanap nang
pagcabuhay. At liban dito,i, uala na.

Hindi sila bumabasa-basa nang mañga _libro_; hindi sila palamasid sa
tauo; hindi sila marurunong na maghihinala sa capoua tauo: at
paniualain silang totoo. Ano pa,t, hindi marunong na cumutcot at
humanap sa ilalim nang manga salita nang tunay na cahulugang natatago
sa licod nang manga paimbabaong uica. Ang balat lamang ang canilang
tinitingnan, at hindi nila inuusisa ang nasacailaliman. At nang
sabihin co sa catagang uica: ang mag-asaua ni cabezang Andrés ay sila
ang tunay na cahalimbaua nang tinatauag naming manga tagalog na manga
_tauosa una_.

Caya, nang mariñgig nila ang laman nang sulat ni Próspero, ay lubos na
lubos ang canilang paniniuala, na ang canilang anac ay nacapag-aral na
nang marami sa Maynila, at hindi mandin dumaan sa canilang pag-iisip
ang paghihinala ó ang pagdidili-dili man lamang, na maca sacali,t,
sumama ang asal ni Próspero doon sa Maynila.

Subali,t, si Felicitas, na bucod sa cabanalan, ay pinagcalooban din
nang Pañginoon Dios nang isang matouid at matalinong isip, at nang
isang matalas na pag-iisip, ay naquilala niyang capagcaraca, at
hinañgo niyang agad doon sa mañga salisalita ni Próspero sa caniyang
sulat, na ang caniyang capatid ay lumilihis na sa matouid na daan, ó
cung sana sa lumalacad, ay tumutungtong sa mañga lanay ó cumanoy. At
baga man pinaglalabanan ni Pili at iniuauacsi itong masamang cutog
nang caniyang loob, ay hindi rin mapagpag-pagpag niya.

Dahilan dito,i, umiiyac siyang palagui, at hindi macacain nang
mahusay, at hindi macatulog nang mahimbing, caya yumayat siya,t,
namutla nang di hamac; at sa di matiis na niya itong gulo nang
caniyang isip at loob, ay naparoon siya sa aming Padre Cura.

Itong si Felicitas ay mahal na totoo sa aming Cura, hindi alang-alang
sa cagandahan nang catauoan ni Pili, (si Felicitas ay hindi maganda,
bagcus may capañgitan), at hindi naman alang-alang sa ano pa mang
bagay, na may cahalong paquinabang, cundi alang-alang lamang sa
cabutiha,t, cagaliñgan nang caniyang caloloua. Caya, nang matanao nang
aming Cura si Felicitas, at nang mapagmasdan ang caniyang catuang
anyo, ay sinalubong siya sa cabahayan nang convento, at binati nang
gayon:

--Ano, baga, iyan, Pili? Ano,t, icao,i, namumutla at nañgañgalumata?
Icao baga,i, nagcasaquit?

--Uala, pó; ang sagot ni Felicitas uala, pó, acong anomang caramdaman,
aua nang Pañginoon Dios; at cung caya, pó, aco,i, naparito sa inyo,
sapagca,t, mayroon, pó, acong ipaquiquita sa inyong isang sulat ni
Próspero.

--Sumulat na pala sa inyo iyan layas na iyan? ang masayang tanong nang
Cura.

--Oo, pó.

--At ano ang laman nang sulat?

--Iba,t, iba, pó; at cung caya ipinaquiquita co po, sa inyo,i, nang
maalaman co sa inyo póng mahal na labi ang totoong cahulugan nang
mañga sinasalita ni Próspero. Ito, pó, ang sulat; inyo, pong básahin.

Dinampot nang aming Cura ang sulat sa iniabot sa caniya ni Felicitas,
binuclat niyang tuloy, binasa nang dahandahan at tiniclop uli; at bago
siya macapag-uica nang anoman, ay tinanong siya ni Felicitas nang
gayon.

--Ano, pó, ang inyong tiñgin diyan? Ano, pó, ang inyong sapantaha
diyan sa sulat na iyan? Ipinamanhic co, pó, at ipinag-aamo-amo co póng
totoo sa inyo; na cung mangyayari sa inyo póng mahal na calooban, ay
sabihin, pó, ninyo sa aquin ang tunay na cahulugan nang laman niyang
sulat na iyan, na nacagugulong totoo sa aquing loob at bait, buhat
nang dumating sa aquing camay at basahin co.

--Umupo ca muna, ang uica nang Cura, umopo ca muna, Pili, dini sa
_banco_, sasabihin co sa iyo ang aquing sinasapantaha dito sa sulat na
ito.

Naupo na si Felicitas sa _bancong_ itinuro sa caniya, at tuloy
nag-uica ang aming Cura nang ganoon:

--Itong sulat na ito nang capatid mong si Próspero, ay cung basahin
nang paimbabao; ó basahin caya nang mañga hindi nacacaalam nang mañga
ugali ninyong mag-ama at magcapatid; ó basahin baga nang mañga hindi
nacapagmasid nang asal nang mañga tagalog; ó basahin caya nang mañga
tauong ualang sariling pag-iisip; ay _segurong-segurong_ sasabihin
nila, na itong sulat na ito,i, mariquit at matino, at ualang ibang
cahulogan cundi ang magbalita si Próspero sa inyo nang caniyang
calagayan sa Maynila. Datapoua,t, cung sa canita ay iba na ang
cahulogan, at malayong-malayo sa sucat acalain nang ibang tauo.

Cung sa ganang aquing, ang tuloy na uica nang Cura; cung sa ganang
aquing, ay sasabihin co sa iyo, na malaquing-malaqui, at
masamang-masama ang cahulogan nitong sulat na ito. Gaya, sumamá man
ang loob mo, ay di co ililihim sa iyo, Pili, ang napasaloob co nang
basahin co; at cung caya, gayon ang aquing gaua, ay maca sacali,t,
bucas ó macalaua,i, sisihin aco nang ating Pañginoon Dios, dahilan sa
di co pagsasabi sa iyo nang totoong nasasacalooban co, nang icao,i,
cumucuhang tanong sa aquin.

Ang hinahañgo cong lamán sa ilalim nang mañga salisalita nang capatid
mo dito sa caniyang sulat, ay ang siya,i, nahuli capagdaca sa silong
iniumang sa caniya nang demonio, at caya, ang dating minamaitim niya,
ay minamaputi niya ñgayon; at ang dating minamaputi niya,i,
minamaitim niya ñgayon... ¡Cahimanauari, magcamali aco dito sa aquing
sapantaha ó paghihinala! ñguni,t, acala co,i, hindi aco lumalayo sa
catotoohanan.

Habang nagsasalita nang ganito ang aming mahal na Padre Cura, ay
uma-agos ang luha sa mata ni Felicitas, caya inosisa nang Cura sa
caniya ang bagay at dahilan nang caniyang pag-iiyac, at ang sagot ni
Felicitas ay ganoon:

--Paano, pó, hindi aco iiyac, at iyang din, póng sinasalita ninyo, ay
siyang cumacalicot na palagui sa loob co?

--Itiguil mo iyang pag-iiyac mo, Pili, at uala cang ibang macacamtan
sa pag-iiyac, cundi saquit lamang nang catauoan. Ipanalañgin mo si
Próspero sa Pañginoon Dios, nang siya,i, amponin at iligtas sa dilang
masasama....

--Siya, pó, ang aquing guinagauang parati: datapoua,t, ibig co pong
maalaman sa inyo, cung ano cayang mabuting isagot co cay Próspero
diyan sa caniyang sulat.

--Cung sa natuturang pagsagot, ay marami ang maisasagot mo sa caniya;
subali,t, dito sa lagay nang capatid mo, tila,i, mauaualang halaga ang
lahat nang casagutan mo, maguing ano ang iyong sabihin sa caniya.

--Baquit, pó, amo,i, gayon ang inyong uica?

--Caya gayon ang aquing salita, sapagca,t, ang lagay ni Próspero sa
Maynila, ay siyang-siya nang lagay nang isang olila sa ama,t, ina, at
capatid at camag anac pa, na ualang macapipiguil sa caniya, at uala
naman siyang quinaaalang-alañganan. Ganoon man, ay sabihin mo sa
caniya, na houag baga limutin niya ang mañga pagtuturo nang magulang
mo sa caniya; nahouag mauili sa mañga lamang bayan at sa maririquit na
salita nang mañga quinacasama niya; na houag maparahio sa mañga
cagandahan nang mundo; at iba,t, iba pang ganito, na mamatapatin mong
isagot.

Napaiyac nang panibago si Felicitas nang mariñgig itong sagot at hatol
nang aming Cura, at pagcamaya-maya,i, nagpasalamat siya sa Cura,
humalic-nang camay at nagpaalam na. Nang dumating siya sa caniyang
bahay, ay sumulat cay Próspero nang ganito:



=_SULAT NI FELICITAS_=

Caguilio-guilio cong capatid: tinanggap co ang minamahal cong sulat
mo, ay cung baquit, pagcabasa co,i, napaiyac acong totoo.

Hindi co masaysay nang maigui ang dahilan nitong aquing pag-iiyac,
subali,t, tila aco,i, nagcagayon, sapagca,t, ang sapantaha co sa
aquing loob na mag-isa, ay icao,i, iba na ñgayon sa dati.... At acala
co,i, may catotoohanan itong aquing sinasapantaha, palibhasa,i, ang
hinuhugot cong lamán sa sulat mo, ay maraming bagay-bagay ang
minamasama mo ñgayon, na dati-dati ay minamaigui mo, at balictad,
marami ang minamaigui mo ñgayon, na dati-dati ay hindi minamagaling
mo.

Dahilan dito,i, nagugulong totoo ang aquing bait, na ang uica co baga
sa aquing loob na sarili ay ganito: cung si Próspero,i, nasacatouiran,
aco,i, uala, at cung aco,i, siyang nasacatouiran, si Próspero,i,
malayo.

Caya aco,i, nagtanong at nagtanong sa mañga nacacaalam, at inosisa co
pa, sa mañga sucat cong paniualaan, itong bagay na ito, at ayon sa
canilang aral sa aquin, ay masasabi co sa iyo, na tila icao, ñga,i,
siyang nagcacamali, at tumutongtong sa madulas na tungtuñgan, gaua,
yata, nang cahañgalan mo.

Houag cang magalit sa aquin, Proper, dahilan dito sa mañga sinasalita
co, at uala acong ibang hinahañgad dito sa mañga sabi cong ito, cundi
ang cagaliñgan nang caloloua mo. Caya mayroon pa acong itatanong sa
iyo.

Baquit icao,i, mauiuili ñgayon sa mañga sayauan, at naalaman mong dati
na ito,i, baual na baual sa atin nang ating cagalang-galang na Padre
Cura? Ano,t, pinupuri mo ñgayon ang mañga quilos-quilos, at ang mañga
pananamit na dati-dati ay pinipintasan mo? Ano,t, minamasama mo ñgayon
ang mañga mapapayapang ugali natin dito sa bayan, at minamabuti mo ang
mañga maliligalig na asal nang taga riyan sa Maynila?

¡Ay caibig-ibig cong capatid! ¡Houag cang maparaya sa demonio, na cung
saan-saan iniuumang niya ang mañga silo, at binabalutan pa niya nang
sari-saring maririquit, nang macahuli siyang madali nang mañga
caloloua nang tauo, at maihatid niya sa infierno!

Houag cang mauili, Proper; houag cang mauili, at houag cang maniuala
sa mañga iba,t, ibinabalita sa iyo, cundi mo natatanto muna, na ang
nagbabalita,i, mabait na tauo, at ang ibinabalita,i, totoo at
magaling.

Alalahanin mong palagui, na, cung minsa,i, sa ilalim nang mababañgong
bulaclac, at maririquit na damo, ay may nagtatagong ahas, na mabisa
ang camandag.

Icao,t, icao,i, siyang inaalaala cong palagui, baca gaua nang cabataan
mo,i, icao ay mapahamac.

Si tatay at si nanay, at gayon din ang mañga camag-anac natin ay
nagpapacumusta sa iyo nang maraming-marami. Aua nang Pañginoon Dios,
ay mabuti at ualang saquit caming lahat.

Ipinagtatagubilin cong totoo sa iyo, Proper, ang pagdarasal nang Santo
Rosario gabi-gabi, nang icao,i, tuluñgan at ampunin nang mahal na
Virgen sa lahat na mañga pañganib.

Ang Pañginoon Dios ang mag-iñgat sa iyo at sa ating lahat, at mag-utos
ca, nang balang maguing calooban mo, sa iyong caauaauang capatid, na
si, Felicitas Baticot.



Tinangap ni Próspero itong sulat nang caniyang capatid, at baga man
minamahal niyang totoo, sa caniyang loob na sarili, ang mañga
pañgañgaral ni Felicitas sa caniya; subali,t, palibhasa,i, iba na sa
dati ang carunuñga,t, caasalang umuusbong at tumutubo sa caniyang bait
at calooban, ay ipinaquita niya ang sulat ni Felicitas sa caniyang
dalauang casamang estudiante, na ang uica niya baga:

--Tingnan ninyo itong sulat nang capatid cong dalaga; inyong basahin,
at cung mangyayari sa inyong loob, ay sabihin ninyo sa aquin, cung ano
cayang mabuting isagot co riyan.

Binuclat at binasa nang taga Paco, na ang ñgala,i, Julio, at nang taga
Bulacan, na ang ñgala,i, Francisco, ang naturang sulat, at sabi ni
Julio cay Próspero sa uicang parian ay ganito:

--_Seguro este hermana de Vd. demasiado beata tambien_.

At ang uica naman nang taga Bulacan na si Francisco:

--Tila,i, _santulon_ na totoo ang capatid mo.

--Siya ñga, ang sagot ni Próspero.

--Maano,i, punitin mo, Proper, iyang sulat na iyan, ang sigao nang
_estudianteng_ taga Paco. Ganoon, ang tuloy na uica niya, ganoon ang
ugali nang mañga _beata-beatang_ taga rito man, at taga bundoc. Cundi
mo sila,i, parisan sa pagdadasal nang marami; cundi mo sila,i, gayahan
sa pagsosoot nang carmin, nang correa, nang cordon; cundi mo gauin ang
ibang mañga cabaliuang guinagaua nila,i, masama ca nang tauo. Sabihin
mo riyan sa capatid mo iyan, na siya,i, magdasal nang marami;
_magcolacion_ arao-arao; magsoot nang _cilisiong_ mula sa paa, na
hangang sa ulo, at houag maquialam siya sa iyo....

--Houag naman, Proper, ang biglang uica ni Francisco; houag cang
sumagot nang ganoon sa capatid mo. ¡Ito naman si Julio,i, labis na
magsasalita! Sumulat ca sa capatid mo, at sabihin mo lamang natanto mo
ang láman nang caniyang sulat, at susundin mo nang lubos na pagsunod.
Cung ganito ang sagot mo; acala co,i, matotoua siya, at hindi ica,i,
paghihinalaan nang ano pa man.

Ito at ibang mañga ganito ang pinag-uusapan niyong tatlong
magcacasamang _estudiante_; at baga man masaquit sa loob ni Próspero
ang mañga salita nang caniyang mañga casama, lalong-lalo ang mañga
uinica ni Julio; at cahima,t, pinaglalabanan pa nang caniyang bait ang
pagtangap niyong mañga bucang bibig na yaon, ay tinangap din niya, at
umayon sa masasamang sumbong sa caniya nang caniyang mañga casunong
estudiante, at alinsunod sa gayong sumbong, ay gumanti siya sa sulat
ni Felicitas nang ganito:



=_ICALAUANG SULAT NI PROSPERO_=

Caibig-ibig cong capatid na si Felicitas. Natatanto co ang lamán nang
iyong mahal na sulat, at susundin co, na aquing macacayanan, ang mañga
aral at bilin mo sa aquin subali,t, aco,i, napatacang totoo doon sa
mañga salita mo, na ang uica mo baga; na tila aco,i, iba na ñgayon sa
dati; na di umano, ang sabi mo pa, ay minamaigui co ñgayon ang dati
cong minamasama, at minamasama co ñgayon ang dati cong minamamaigui:
na acala mo,i, tumutungtong aco ñgayon sa madulas na tungtuñgan.

Saan di aco,i, magcacaganito, capatid cong guilio? Di baga sinabi co
sa iyo sa nauna cong sulat, na, cung sana sa bulag, ay ñgayon lamang
nacamulat aco, nang mata, at nacaquiquita nang maliuanang? Caya houag
cang magalit sa aquin, Pili, cung iba ñgayon sa dati ang mañga
catouiran at caugalian co, sapagca,t, ñgayong lamang luminao ang
aquing pagtiñgin, na dati-dati ay malabo.

At cung ipahahayag co sa iyo ang totoong-totoong nasasacalooban co
ñgayong oras na ito,i, sasabihin co sa iyo na hindi lamang hindi aco
tumutongtong sa madulas na tungtuñgan, cundi bagcus uiuicain co sa
iyo, na aco,i, nasasacatuoiran, at icao,i, uala.

Acala co,i, cung caya gayon ang salita mo ay sapagca,t, hindi icao,i,
nacaaalis-alis diyan sa ating bayan; hindi icao,i, nacaquita-quita
nang asal nang caramihang tauo; hindi icao,i, nacariñgig diñgig nang
mañga bali-balita nang mañga bagay-bagay na nangyayari dito sa mundong
ito. Caya minamasama mo ang mañga tauong hindi nagsisimba arao-arao,
at hindi nagdadasal nang marami, ó hindi caya gumagaua nang mañga
_devosiong_ inuugali mong gauin; ñguni,t, hindi mo iniisip, na ang
tauo,i, namamatay sa capighatian nang loob, cundi siya,i,
lumayao-layao na miminsan-minsan sa mañga catouaan at casayahan.

Cung sa iyo, ay ituloy mo,t, ituloy ang iyong dating caugalian,
datapoua,t, houag mo acong paghihinalaan sa anomang bagay, at marunong
na acong cumilala ñgayon nang magaling at nang masama.

Houag mong masamain, Pili, itong aquing mañga salita, na hindi ñga
masasama, baga man hindi mo pa rin natatalastas na maigui, gaua nang
caquitiran at caiclian nang mañga itinuturo sa atin diyan sa canitang
bayan.

Ibig co sanang dumating agad ang panahon nang _pagvavacasion_ namin,
nang aco,i, macapagsaysay sa iyo, nang maliuanag na maliuanag, nitong
mañga bagay na ito, na, _segurong-seguro,i,_ minamasama mong totoo
ñgayon.

Cung may aua ang Pañginoon Dios, ay darating din ang tadhanang arao na
ninanasang totoo nang loob co at saca tayo,i, macapagsasalita, at
macapag-uusap nang balang nasasaloob natin.

Ipagcumusta mo aco cay tatay at cay nanay at sa lahat na, at sabihin
mo cay nanay, na malacas ang pagtaba co,t, palagui dito sa Maynila.
Ipagcomusta mo naman aco cay Doni, at mag-utos ca nang balang
macacayanan nang mababa mong capatid na si, Próspero Baticot.



¡Sabihin pa ninyo, mañga bumabasa nitong _historiang_ ito, ang
pagnanañgis ni Felicitas, nang matanto niya ang napapalaman dini sa
sulat na ito! Dibdib niya,i, ibig pumutoc sa malaquing capighatiang
nasisilid doon; ang luha niya,i, ualang lagot; ang caniyang hicbi ay
suson-suson; at uala siyang ibang sucat busan nang loob, cundi ang
caniyang Cura at Confesor, ay doon ñga naparoon nang quinabucasan
niyong pagtangap niya nang sulat ni Próspero.

Totoo ñga, na si Pili ay may ama at ina, subali,t, itong caniyang
magulang, ay parang baliu ang tayo. Namamañga sila sa paquiquinig nang
mañga minamariquit nilang salita ni Próspero sa caniyang mañga sulat,
at hindi lamang hindi nila masabi, cung yaong mañga salitang yao,i,
mabuti ó masama, cundi, ang masid ni Felicitas, ay minamaigui nila ang
lahat, at doon ang quiling nang canilang loob, caya hindi siya
sumanguni sa caniyang magulang.

Naparoon, anaquin, si Felicitas sa convento, at halos hindi pa
nagbigay siya nang magandang arao sa aming mahal na Padre Cura, ay
napaiyac siya at napasigao nang catacot-tacot.

Nagulat ang aming Cura, at agad-agad inusisa niya cay Pili ang bagay
at dahilan nang caniyang pag-iiyac at pagsigao; at sa di macasagot at
macapañgusap itong si Felicitas, gaua nang pananaghoy, na ga
nacahahalang at nacasasara nang caniyang lalamunan, ay iniabut niya sa
Cura ang sulat ni Próspero, na taglay niya.

Dinampot nang Cura ang naturang sulat, binuclat niya,t, binasa, at
capagcaraca,i, naquita niya ang mabisang camandag na nagtatago sa
ilalim nang mañga salita ni Próspero sa caniyang sulat; at tuloy
nag-uica cay Felicitas nang ganito:

--Itiguil mo iyang pag-iiyac mo, Pili, at sinabi co na sa iyo, na,
uala cang ibang masasapit diyan sa pag-iiyac mo, cundi isang mabigat
na saquit.

Talastas co ñga, na ang lagay nang capatid mo,i, sucat icasindac at
icaiyac mo, sapagca,t, masamang totoo ang caniyang tayo. Subali,t,
pacacatantoiun mo naman, na ang gamot na quinacailañgan ni Próspero,
ay hindi mo macucuha sa pag-iiyac.

Ang cahalimbaua nang capatid mo, ay isang puno nang cahuy, ó isang
_macetas_ caya, na itinatanim sa masama,t, pacat na lupa, na diliguin
mo ma,t, diliguin maya,t, maya, ay hindi lumalago, at di man nanariua,
cundi bagcus nalalanta, at tila,i, naghihimatay, at camatayan ding
ualang sala ang caniyang casasapitan, cundi mo isalin, ang naturang
cahoy ó _macetas_, sa ibang matabang lupa, na cahiyang niya.

Iyan din, pó, ang imic ni Felicitas, iyang din, pó, ang nasasaaquing
calooban; subali,t, pó,i, mahirap na mahirap ipatalastas sa magulang
co itong bagay na ito; palibhasa,i, ang boong acala at ang boong asa
nila,i, si Próspero ay umiigui,t, umiigui, at hindi sumasama sa
caniyang dating lagay nang caloloua,t, catauoan. Caya, pó,
ipinamamanhic co sa inyo, na, cung baga,i, mangyayari sa inyo póng
loob, ay pañgaralan, pó ninyo ang tatay at ang nanay co, at sabihin,
pó, ninyo sa canila, paouiin na nila dito si Próspero.

--Oo, ang sagot nang Cura, oo, gagauin co,t, sasabihin co sa magulang
mo iyang lahat nang iyan; ñguni,t, hindi co maipañgaco sa iyo, na
macacamtan natin ang ating hinahabol, sapagca,t, ang damdam co,i,
matigas na totoo ang loob nang tatay mo tungcol sa bagay na ito.

--Ang damdam co, pó,i, ang lalong mahirap na pabaliquin loob ñgayon,
ay si nanay; at caya, pó, ganoon ang aquing salita,i, sapagca,t, ang
pagmamasid co, po,i, natotoua nang labis na toua ang aquing nanay,
nang basahin co ang mañga sulat ni Próspero, na iniñgatan niya, at
pinababasa sa aquin nang madalas.

--Ating atuhan, ang uica nang Cura, ating atuhan. Ñgayo,i, umoui ca
na, at houag cang umiyac, at houag mo namang alalahanin itong mañga
bagay na ito. Sundin mo lamang ang una cong hatol sa iyo, na sa
macatouid: ipanalañgin mo sa ating Pañginoon Dios ang capatid mong si
Próspero nang siya,i, iadiya,t, iligtas sa dilang masasama, at ang
Panginoon Dios na ang bahala.

Nagpaalam na si Felicitas, at nang dacong hapon niyong ding arao na
yao,i, nagpasial ang aming Cura, at naparaan sa tapat nang bahay nina
cabezang Dales.

Nang magdaan ang aming Cura sa _calzada_ ni _cabezang_ Andrés, ay
nagcatong gumagaua-gaua ang mag-asaua ni _cabezang_ Angi sa silong
nang canilang bahay, at pagcatanao nila sa Cura, ay lumabas ang
mag-asaua sa _calzada_, sinalubong ang Cura, hinalican nang camay, at
pinaraan pa siya sa canilang bahay. Pinasalamatan sila nang Cura, at
nagdahilan, na siya,i, maglalacad-lacad pa; subali,t, tumiguil siya,
at nagcocono-conouari siya,i, nanonood nang mañga bulaclac na
tumutubo sa loob nang bacuran nang canilang _solar_, at nagtanong sa
naturang mag-asaua nang iba,t, ibang tungcol sa mañga bulaclac at
ibang mañga pananim, na natanao doon; at caalam-alam nila,i, ang uica
nang aming Cura:

--¡_Seguro,i,_ si Próspero ang nagtanim niyang mga halaman na iyan!

--Siya ñga, pó, ang sagot ni cabezang Angi, siya ñga pó; sila póng
dalauang magcapatid ni Pili ang nagtanim niyang lahat na mañga halaman
na iyan.

--At ano caya, ang malamán na tanong nang Cura, ano caya ang lagay ni
Próspero sa Maynila?

--Mabuti, pó, ang bigla,t, sabay na sagot nang mag-asaua ni Dales,
mabuti, pó, aua nang Pañginoon Dios.

--¿Ay ano baga, hindi caya sumamá roon ang caniyang dating mabuting
ugali?

--Ang damdam, pó, namin, ang sagot ni cabezang Angi, ang damdam, pó,
namin, ay hindi siya sumasamá, cundi umiigui pa, pó, sa dati.

--Salamat, cung ganoon, ang uica nang Cura, salamat, cung ganoon,
subali,t, iba ang aquing balita.

--¿Ano, pó, ang iyong balita? ang tanong nang mag-asaua.

--Ang balita co,i, masama na ñgayon ang caniyang ugali.

--¡_Segurong-seguro_, pó, ang sigao ni cabezang Angi,
_segurong-seguro_, pó,i, ang nagbalita sa inyo niyan ay ang amin pong
Felicitas!

--Masasabi co, ang tugon nang Cura, masasabi co ang mañga nariñgig
cong balita; datapoua,t, hindi co dapat ituro, cung sino-sino ang
aquing quinaringgan. At nang sabihin co sa inyo ang totoo, ay
pacatantoin ninyo, na masamang-masama ang tayo ni Próspero. Narahio
siya capagdaca sa mañga hibo nang mundo at nang Demonio, at cundi
ninyo paalisin, pacatalastasin ninyong maigui, cundi ninyo paalisin
agad-agad siya sa Maynila, at paouiin dito, ay masama ang casasapitan
niya, at masama naman ang casasapitan ninyo. Hindi aco manhuhula;
subali,t, tila,i, hindi aco nagcacamali sa panghuhula cong ito.

Nang nariñgig nang mag-asaua ni Dales itong salita nang aming Cura, ay
napaiyac sila capoua, at pagcamayamaya,i, nag-uica si cabezang Andrés
nang ganito:

--Maca, pó amo, iyang mañga balitang iyang dumating sa inyo,i, hindi
totoo; at talastas, pó, ninyo, na, cung minsan, ang gangabutil nang
palay, ay ginagaua nang mañga bibigang tauo na casinglaqui nang
_latore_ nang ating Simbahan.

--Totoo iyang sinasabi mo, Andrés, at siya ñga ang caraniua,t,
cadalasang nangyayari dito sa _mundong_ ito: subali,t, cung sa ganang
aquing, ay masasabi co sa inyo, na ang lahat na mañga ibinabalita co
sa inyong tungcol cay Próspero, ay hinañgo co,t, sinimot sa
mistula,t, tunay na bucal. Caya, cayo nang bahalang sumunod ó sumuay
sa hatol co sa inyo, na paouiin ninyo baga, at patirahin dito sa bayan
ang inyong anac.

--Baquit, pó, hindi, ang sagot ni cabezang Andrés, baquit, pó, hindi
namin susundin ang inyong hatol? Asahan, pó, ninyo, na cung totoo ang
ipinamalita, pó, ninyo sa amin, ay agad-agad cucunin co si Próspero sa
Maynila, at ipagsasama co, pó, rito.

Nagpaalam na ang Cura, at ang uica,i, siya,i, maglalacad-lacad pa.
Humalic uli nang camay si Dales at si Angi, at yumaon na ang Cura....

Dito, pó, ang uica ni tandang Basio sa aquin, dito, pó, sa binabasa co
ñgayon, ay mayroong isang _nota_.

--Inyo póng basahin, ang sagot co.

--Ang _nota_ pong sinulat nang tatay co,i, ganito:

Marami ang sucat cong ipagpuri sa tinuran cong Padre Cura namin;
ñguni,t, ang iquinatotoua cong totoo sa nasabing Padre, ay ang
caniyang ugali, na magsabi sa sangnaliuanag, at ualang palico-licong
salita, nang totoong nasasacalooban niya, ó inaabot nang caniyang
pag-iisip, na ualang binubucod siyang tauo.

Cunan ninyo siya nang sanguni sa ano pa mang bagay, at capagcaraca,i,
sasabihin niya sa inyo, na yaong isinasanguni ninyo sa caniya,i,
mabuti ó masama, ó cung dili caya, ay uiuicain sa inyo, na hindi
quinacaya nang caniyang pagiisip ang paghatol sa inyo nang mabuti at
matouid, tungcol doon sa bagay na isinasanguni ninyo sa caniya. At
dito sa mañga paghatol niyang ito,i, hindi inaalumana niya, cung
yao,i, icagagalit ninyo, ó icasasama nang loob ninyo sa caniya. Na sa
macatouid; ang totoo at tapat ang inihahatol niya sa inyo, na ualang
caalang-alañganan _ni_ sa inyo, _ni_ sa ca niya _ni_ sa canino man.

--Hangan dito, pó, ang _nota_, ang sabi ni tandang Basio. Ñgayon, pó,
aniya, ñgayon, po,i, cung _gusto_ ninyo, ay itutuloy co, pó, ang
aquing binabasang salita nang tatay co.

--Ituloy, pó, ninyo, ang aquing sagot.

Nang umalis ang aming Cura, at maiuan nang mag-isa ang naturang
mag-asaua, ay nag-uica si cabezang Angi sa caniyang asaua nang ganito:

--¿Ano baga, Dales? Totoo caya ang ipinamalita sa atin nang ating
Cura?

--Ayauan co baga; subali,t, ang ating Cura ay hindi nagpapatotoo nang
hindi natatanto niyang totoo. Ito lamang ang masasabi co sa iyo.

--¿Ay ano caya ang mabuti nating gauin, dito sa ating lagay?

--Ayauan co, ang sagot ni cabezang Andrés, ayauan co sa iyo. Icao ang
bahalang mag-isip, cung ano caya ang mabuti diyan.

--Ang naisipan co, ang uica ni cabezang Angi, ang naisipan co,i,
sumulat sa lihim cay Proper, at mag-usisa sa caniya, cung totoo, ó
hindi totoo itong balitang dumating sa atin, at doon sa caniyang
sagot, ay mahahañgo na natin ang dapat nating paniualaa,t, gauin.

--Ay siya, ang sagot ni Dales, ay siya, magpasulat ca na cay Pili,
nang matanto nating madali itong mañga bagay na ito.

--¡E, é!, ang sigao ni Angi, ¡é, é!, hindi co ipagagaua cay Pili ang
sulat na naisipan co.

--¿At ano?, ang tanong ni Andrés.

--Sapagca,t, ang damdam co,i, ang ating Pili ay caayon nang Cura, at
ang Cura,i, caayon ni Pili, tungcol dito sa mañga _locong_ balitang
ito.

--Cung ganoon, ay icao ang bahalang magpagaua sa canino man niyang
sulat na iyan.

--Aco na ñga ang bahala, ang sagot ni Angi; houag cang mag-alaala.

Hindi co inusisa, at hindi co rin nabalitaan, cung sino caya ang
sinuyo ni cabezang Angi, ó inupahan niya baga, sa paggaua nang
caniyang sulat; datapoua,t, naalaman co, palibhasa,i, binasa co rin,
naalaman co, anaquin, na ang laman nang nasabing sulat ay ganito:



=_SULAT NI CABEZANG ANGI_=

Caibig-ibig na ualang casing ibig cong anac. Cahimanauari datnan ca
nitong aquing sulat, na ualang sacunang anoman sa caloloua,t,
catauoan; cami naman dito, aua nang Pañginoon Dios, ay mabuti caming
lahat.

Ang bagay at dahilan nang pagsulat co sa iyo, iniirog cong anac, ay
nang maalaman co sa iyo rin, cung totoo, ó dili caya ang balitang
dumating sa amin nang tatay mo; na di umano,i, icao ay panoo,t
paganoon; na icao ay iba na sa dati; na ang ugali mo ñgayon ay
malayong-malayo sa inuugali mo rito, at iba,t, iba pa.

Houag mong ilihim sa aquin, anac cong guilio, ang totoong asal at tayo
mo riyan. Ipaquita mo, at ipahayag mo sa aquin ang balang iniisip mo,
ang balang nasasacalooban mo, ang balang ginagaua mo, nang maalaman co
ang totoong calagayan nang caloloua,t, catauoan mo, nang cata,i,
gamutin ó hatulan nang matouid, cung baga,i, quinacailañgan mo ang
hatol ó gamot.

Inaasahan namin nang tatay mo ang casagutan mo dito sa aquing sulat;
subali,t, houag mong ilagay sa taquip nang sulat mo ang pañgalan ni
Pili, cundi ang pañgalan co, ó ang pañgalan nang tatay mo.

_Y no mas_. Ang ating Pañginoon Dios,ang mag-iñgat sa iyo. Sumagot ca
nang madali sa masintahin mong ina, na si Maria Dimaniuala.



Hindi aco marunong; hindi aco nag-aaral sa Maynila nang anoman; uala
acong naalaman cundi bumasa at sumulat nang caunti; ang calabao ay
siya ang aquing quinacasamang palagui; ñguni,t, gayon man, ay sa
inaabot lamang nang aquing caunting pag-iisip, ay talastas co na cung
ang tauong may casalanan, ay siya mong tanuñgin tungcol sa caniyang
casalanan, ay itatatua niyang agad, (at siyang caraniuang naquiquita
natin); ó cung dili caya, ay babauasan niyang ualang sala ang caniyang
caculañgan.

At ito ñga ang nangyari cay Próspero. Inoosisa ni cabezang Angi sa
caniya ring anac, cung totoo ó hindi totoo, na siya,i, (si Próspero
baga), macasalanang tauo, at ang sagot ni Próspero, na siya,i, hindi
macasalanang tauo.

¡Pagcalaqui-laquing camalian nina cabezang Angi dito sa pag-uusisang
ito!

Ang pagcaalam co,i, na cung dito sa mañga cataonang ito,i, hindi dapat
tanuñgin ang may catauoan, cundi ang ibang tauong may tapat na loob.

Itutuloy co uli ang pagsasalita nang mañga nangyari sa mag-anac ni
cabezang Dales.

Tinanggap ni Próspero ang sulat nang caniyang ina; binasa niyang
minsan, macalaua, macaitlo pa; guinunamgunam niyang maigui ang
nañgapapalaman doon; at natulig siyang tuloy. At sa di maisip niya,
cung ano cayá mabuting sagot sa caniyang ina, ay isinanguni naman niya
itong bagay na ito sa caniyang mañga casamang _estudiante_.

Binasa ni _estudianteng_ Francisco ang sulat ni cabezang Angi, at
inabot niyang tuloy cay Julio, at pagcabasa nitong si Julio ang
naturang sulat, ay nagtauataua siya, at ang uica cay Próspero.

--¡Mahirap ang tayo mo Proper!

--¿At ano? ang tanong ni Próspero.

--Sapagca,t, ang damdam co,i, marami ang nanunuboc at nagbabantay sa
iyo. Subali,t, cung ibig mong sundin ang ihahatol co sa iyo, ay....

--Susundin co, ang biglang uica ni Próspero susundin co nang lubos na
pagsunod, cung baga,i, matouid at tapat ang hatol mo sa aquin.

--Cung ganoon, ang ulit ni Julio, cung ganoon ay ito na,t, paquingan
mo ang talaga cong sasabihin sa iyo. Ang pagcatalastas co, aniya diyan
sa mga sulat nang nanay mo at nang capatid mong dalaga, ay ang sila,i,
mañga _beata-beatahan_ na hindi nila naalaman cung alin caya ang
canilang canang camay, at para-parang natatacot sila, na maca icao,i,
mapahamac dito sa Maynila, sapagca,t, ica,i, malayo sa canila, at
hindi icao,i, naqui-quita nila. Dahilan dito,i, ang ano-anomang
balitang dumarating sa canila tungcol sa iyo, ay cahima,t, gangabutil
nang bigas lamang, ay guinagaua nilang ganga calabao nang laqui....

--¿Ay ano, ang tanong ni Próspero, ay ano caya ang dapat cong isagot
sa canila?

--¡_Apurado_ ca naman! ang sigao nang taga Pacong _estudiante,
¡apurado_ ca naman!, hindi pa tapos ang aquing sinasalita, at
nagtatanong ca na. Paquingan mo, hombre, ang tuloy na salita ni Julio;
paquingan mo, _hombre_. Diyan sa mañga sulat nang nanay mo, at nang
capatid mo, ay hinahañgo co,t, ga naquiquita co, na sila,i, ualang
_malisia_ at paniualaing totoo, caya ang hatol co sa iyo,i,
ganito:--Sumulat ca sa canila, at sabihin mo lamang, na ang ugali mo
ñgayo,i, mabuti at mabuting-mabuti pa sa dati; at asahan mo, na
sila,i, maniniuala sa iyong sabi, at matutoua pa sila nang di
biro-biro.

¡_Tusong-tuso_, ang uica nang _estudianteng_ taga-Bulacan,
_tusong-tuso_ itong si Julio! Sundin mo ñga, Proper, ang caniyang
hatol, na acala co,i, maigui; at bucod dito,i, cung ganoon ang sagot
mo sa canila, ay hindi icao,i, paghihinalaan nang mañga nanay mo.

Umayon mandin si Prósper sa hatol nang mañga casama niya; at sumulat
cay cabezang Angi nang ganito:



=_ICATLONG SULAT NI PROSPERO_=

Caibig-ibig at cagalang-galang cong ina: Tinangap co, pó ang
minamatamis cong sulat ninyo, at nang aquing pong basahin, ay nalumbay
na totoo ang aquing calooban.

Guinugunam-gunam co, póng maigui ang laman nang inyong sulat, at
pinagbubulay-bulay co, po, cung ano,t, anong guinagaua co rito sa
Maynila; at sa uala acong naalamang masamang guinagaua co rito, ay
iniisip co, pó, cung sino caya ang baliu ó maopasalang tauong nacasira
nang inyo póng mahal na capayapaan nang loob, nang pagbabalita sa inyo
nang mañga sinoñgalin at maling balita, at uala rin, pó, acong maisip,
na sucat cong pagbingtañgan; caya, po, ang totoo ang sasabihin co sa
inyo.

Aco, pó, nanay, ay ualang guinagaua ditong masama, at ang ugali co,
pó, ñgayo,i, hindi masama sa dati, cundi, acala co,i, maigui pa, pó,
sa roon, palibhasa, pó,i, ñgayon, ay tumatalas-talas ang aquing
pag-iisip, at lumilinao-linao ang aquin pong bait, at naquiquilala co,
pó, ñgayon ang magaling at ang masama, na dati-dati di co, pó,
nababatid.

Ang pag-aaral ay siya co póng pinagsisipagan, at uala, pó, acong ibang
calibañgan, cundi ang paglacadlacad, na maminsan-minsan, sa mañga
_paseo_ at sa mañga _calzada_, pagcatapus nang aquing mañga
_obligacion_.

Caya, pó, ipinamamanhic co, pó, sa inyo, nanay, na houag baga maniuala
cayo sa mañga sabi-sabi nang mañga tauo, na ang cadalasan pó,i,
naninira sila nang puri nang capoua tauo, gaua lamang nang canilang
capanaghilian, ó casamaan nang ugali, ó nang canilang cahañgalan caya.

Ipagpacomusta, pó, ninyo aco cay tatay at cay Pili, at sa lahat nang
camaganac at caquilala natin, at mag-utos, pó, cayo nang balang nasa
inyong mababang lincod at masintahing anac, na si Próspero Baticot.



Di masaysay ang toua,t, saya ni cabezang Angi nang mapagtalastas niya
ang cahulugan nitong sulat nang caniyang anac.

Tingnan mo, tingnan mo, ang uica niya sa caniyang asaua, tingnan mo
Andrés, itong sulat ni Proper, at diyan maalaman mo ang totoong
calagayan nang anac ta. Diyan lamang aco,i, naniniuala, sapagca,t, ang
ating anac na iyan, ay hindi magbubulaan sa aquin. Caya sa maniuala
ca,t, sa dili, ay sasabihin co sa iyo, na ang lahat na ibinabalita sa
canita nang ating Cura, ay _purong_ cagagauan ni Pili, na ang isip
niya baga,i, tayo,i, para-parang masasama, at siya lamang ang
maigui....

--Tiguilan mo iyang balita mong iyan, Angi, ang biglang sagot ni
cabezang Dales, na tila,i, may cahalong galit; tiguilan mo iyang
salita mong iyan, Angi, at houag mong pagbintañgan si Pili at houag mo
siyang siraan nang puri. Ang ating Pili, ay hindi marunong
magsinungaling, hindi marunong magbintang sa capoua tauo, hindi
marunong mag-upasala; at cung baga sacali,t, siya,i, nagsalita sa iyo
nang anomang bagay tungcol cay Proper, ay asahan mo, na iyan, ay hindi
gaua nang casamaan nang loob ni Pili, cundi gaua lamang nang
cahigpitan nang caniyang _conciencia_, ó gaua caya nang catalasan nang
caniyang pag-iisip, na umabot sa hindi ta maabutan. ¡Salamat nang
maraming-marami sa ating Pañginoon Dios, cung ang lagay nang
caloloua,t, catauoan ni Proper ay maigui na para nang ninanasa mo,t,
ninanasa co naman!, subali,t, houag mong paguicaan si Pili nang caunti
mang uicang masama. ¡Marahil siya,i, nasa catouiran, at cata,i,
malayo!

Pagcariñgig ni cabezang Angi nitong mainit na salita nang caniyang
asaua, ay tumicom na siya, at mula noon, ay hindi pinag-usapan nila si
Próspero, at hindi man sinambit nila ang caniyang pañgalan.

Ñguni,t, lumacad ang panahon, at sumapit ang arao na tadhana nang
_pagvavacacion_; at ito na si Próspero, na dumating dito sa bayang
sacay sa isang maganda at mariquit na _cabayong_ may _paso_, na
ipinasalubong sa caniya ni cabezang Angi doon sa Cainta. Uahi ang
bohoc, quiling ang _sombrero_, mapuñgay ang tiñgin, maputi at matigas
ang salaual at baro, _botitos_ ay maquintab at maquipot, at
pinañguñgusapan pa niya ang _cabayo_ sa uicang _castila_.

Nagtatanuñgan sa _plaza_, cung sino caya yaong lalaquing dumaan doong
matigas ang soot, at mabilis na parang quidlat ang tacbo nang
_cabayong_ sinasaquiyan niya; at ang mañga dalagang taga rito sa
Tanay, na may _pagcaosiosa_ nang labis, ay silang una-unang
nagtatanuñgan at nagsasagutan.

--Iyan, pó, ang uica nang isa, ay ang anac ní cabezang Angi.

--Iyan, pó,i, si Proper, na taga Ilaya, ang sagot nang iba.

--Iyan, pó, ang sagot nang caramihan, iyan, pó,i, ang _estudianteng_
anac ni cabezang Dales.

--Iyan, pó, ang capatid ni Pili, ang sigao nang iba.

--Iyan, pó, ang uica naman nang isang _dalaguitang_ naroroon sa
_plaza_, iyan, pó,i, si "Batícot na cabanal-banalan", cung tauaguin
naming mañga bata doon sa ilaya.

Pababayaan co itong mañga salitang ito, at sasabihin co lamang, na ang
toua ni cabezang Angi ay lumalo nang di hamac sa dati, nang maquita
niya ang anyo at quilos nang caniyang anac. Ualang di iquinatotoua
niya cay Próspero. Ang caniyang lacad; ang pagsasalita; ang
pagcudunday-cunday, at ang cabutingtiñgan pa sa pananamit, ay
para-parang minamahal at pinupuri ni cabezang Angi. Caya pagpanaog ni
Próspero sa bahay, ay tinatanao at tinatanao nang caniyang ina na
hangan sa inaabot nang caniyang mata.

Subali,t, iba,t, iba ang lagay nang calooban nang isa,t, isa sa bahay
ni Dales, at siya cong sasalitain ñgayon.

Ang tayo nang loob nang mag-anac ni cabezang Dales sa panahong yao,i,
ganito:

Si cabezang Andrés ay nagmamasid na totoo cay Prospero, datapoua,t,
namamalisa siya,t, hindi natututong mamintas ó magpuri caya sa ugali
niya.

Ang puso ni cabezang Angi ay gaibig pumutoc, gaua nang malaquing toua
niya, at ualang-ualang di ipinupuri niya sa caniyang anac.

Ang totoong caaua-aua,i, si Felicitas, at caya ganoon, sapagca,t,
ñgayo,i, naquiquita na nang caniyang mata, at naririñgig nang caniyang
taiñga, ang dati-dati ay sinasapantaha niya lamang at pinaghihinala.
Caya ang cadalamhatian nang caniyang loob, ay lubhang mabigat. At saan
di magcacagayon? Pinagmamasdan niya ang mañga ugali,t, asal ni
Próspero, ay naquiquita niya, na pagcaguising nang caniyang capatid
cung umaga, ay naghihilamus siya nang mahabang _oras_, linilinis niya
ang caniyang ñgipin, sinusuclay ang buhoc at pinapahiran pa nang mañga
_pomada_, sinasabon ang camay nang mababañgong sabong caniyang dala,
at pagcatapos, ay magbibihis nang bago, cahima,t, malinis at matigas
pa ang damit nasacaniyang catauoan, at tuloy nananaog, at gagalagala
cung saan-saan, hangan sa siya,i, nagugutom. Pagcacain ay sulong na
naman, na hindi siya tumitiguil sa bahay, cundi sa _oras_ nang
pagcain, at hindi sisipot cung gabi, cundi hating gabi na, at hindi
_maquiquipagrosario_, at hindi naman tumutulong siya nang caunti man
lamang sa caniyang ama, at hindi man naquiquialam ó nagtatanong-tanong
tungcol sa pamamahay ó pagcabuhay nang magulang, na ualang-uala siyang
guinagaua, cundi lumigao arao,t, gabi sa mañga dalagang nababalitaang
maganda dito sa bayan, at siya na.

Saan di, anaquin, magcacagayon si Felicitas, at bucód sa mañga
sinasalita co na, ay naquiquita rin niya, na ang pagsisimba man nang
caniyang capatid, cung Domingo at piestang pañgilin, ay catua?

At totoo ñga. Cung magsimba si Prospero sa mañga lingo at mañga
piesta, at tatayo-tayo siya sa pinto nang simbahan, (na siyang huling
pumasoc at unang lumabas); at sinisilip-silip niya ang mañga dalagang
dumaraan sa caniyang harap, at sinasabugan pa niya nang mañga uicang
bulaclac, na cahalay-halay paquingan saan man, at lalong-lalo na sa
mañga _lugar_ na yaon.

At hindi lamang ito, cundi, pa naman, sa pagsasalitaan nilang dalauang
magcapatid, ay hinañgo ni Felicitas na malinao na malinao, na mali at
sinsay sa catouiran ang pag-iisip ni Próspero tungcol sa maraming
bagay na ucol sa caloloua.

Itong lahat na ito, inuulit cong sabihin, ay naquiquita at
pinagmamasdan ni Pili, at siyang iquinalulumbay na totoo nang caniyang
loob, at iquinasisiquip nang caniyang dibdib.

Pagcatapos nang _pagvavacasion_ ni Próspero, ay lumuas siyang uli sa
Maynila, nang maituloy ang pag-aaral. Subali,t, hindi na
pinañgatauoanan niya ang pag-aaral, cundi ang pagligao lamang, ang
pagsusoot nang maririquit, at ang paglayao niya sa mañga catouaan dito
sa mundo.

Dahilan dito sa mañga inougali ni Próspero doon sa Maynila, ay
nagcautang siya nang marami, at nang dumating ang arao nang
_pag-eeksamen_, ay nagkaroon siya nang _nota_ nang _reprobado_.

Ñguni,t, itong lahat na mañga bagay na ito,i, inililihim niya,t,
ipinagcacaila sa caniyang magulang; at nang siya baga,i, macabayad
nang ibang mañga utang niya, ay sari-saring idinadaing at
ipinagdadahilan sa caniyang ina sa mañga lihim na sulat, nang siya,i,
padalhan nang caunting salapi.

Pinaquiquingan ni cabezang Angi ang mañga caraiñgan nang caniyang
anac, at dala nang aua, (nang isang falsong aua), ay pinadadalhan din
si Próspero nang caniyang ina nang salaping hinihiñging pagtago sa
caniyang asaua at cay Felicitas; at dahilan dito sa falsong aua ni
cabezang Angi sa caniyang anac, ay lalong-lalong nagmamalaqui si
Próspero at nagmamayaman doon sa Maynila, at lalong-lalong nañgañgahas
siya, at lalong-lalong nalulubog siya sa lanay, na dati niyang
quinatutungtuñgan.

Hindi co iisaisahing salitain ang lahat nang cabañgauang guinaua ni
Próspero doon sa Maynila, at mapapacahabang totoo itong aquing
casulatan, caya lalactauan co ang marami, at sasabihin co lamang na si
Próspero,i, nagtumira nang apat na taon sa Maynila, at liban sa
naunang taon, ay uala na sa caniyang loob ang pag-aaral, cundi ang
pagmamalibog: na hindi man pinaquiquingan niya ang pañgañgaral at
pagbabala sa caniya nang caniyang _catedrático_, at cung caya
nagcaroon siya nang _nota_ nang _reprobado_ na tatlong taong
sunod-sunod. At bucod dito,i, nagcautang siya nang maraming
calapastañganan, na linilisan cong talaga. Ñguni,t, itong mañga
casalanan niya, ay hindi lamang hindi pinamamalayan niya sa caniyang
magulang at mañga camaganac, cundi bagcus ay sari-saring paraan at
susong-suson na cabulaana,t, casinoñgalingan ang caniyang guinamit,
nang houag baga mahalata nila ang masama at cahabag-habag na calagayan
niya. At gayon din ang caniyang guinaua, nang houag siyang cagalitan
nang magulang dahilan sa hindi _pagvavacasion_ niya dito sa Tanay nang
dalauang tauong magcasunod.

Datapoua,t, palibhasa,i, sa ating Pañginoon Dios ay ualang sino, at
palibhasa nama,i, ang lahat na mañga bagay-bagay dito sa mundong
maraya,i, may catapusan; ay dumating din cay Próspero ang tadhanang
arao, at dinaquip siya nang Justicia, at piniit sa bilangoan, dahilan
sa mañga utang, at iba,t, ibang mañga cabaliuang guinaua niya sa
Maynila.

Itong lahat nang ito,i, nagcataon sa catapusan nang icapat na taong
magmula nang si Prospero,i, nag-aaral sa Maynila at casalucuyang
siya,i, inaantay nang caniyang magulang dito sa Tanay, alinsunod sa
caniyang pangaco, na siya,i, paririto at _magvavacasion_ dini sa
caniyang bayan.

Calumbay-lumbay ang nangyari sa mag-anac ni cabezang Dales dahilan
dito. Tinangap nila ang isang sulat ni Próspero, at doon itinutucoy
niya ang arao nang pag-alis niya sa Maynila, na patuñgo rito.

Malaqui ang toua nilang lahat nang mabalitaan nang ganoon, subali,t,
ang toua ni cabezang Angi, nang matanto niya ang napalaman sa sulat ni
Próspero, ay lumalo na di hamac sa lahat, palibhasa,i, mayroon nang
tatlong taong di nasisilip-silip niya ang muc-ha nang caniyang
caibig-ibig na anac, at _gustong-gusto_ niyang maquita. Caya dala nang
malaquing toua niya,t, nasang maquita ang caniyang anac, ay
pinasalubuñgan niya si Próspero nang isang matuling at mariquit na
cabayo doon sa Cainta, niyon ding arao na itinucoy ni Próspero sa
caniyang sulat.

Nang magcaganito,i, nag-aantay ang magasaua ni cabezang Andrés, pati
ni Felicitas nang pagdating nang canilang anac at capatid, at handa na
ang caniyang pagcain pati bihisan. At sa di dumarating-dating nang
_macaanimas_ na, ay namamalisa silang lahat, at pinag-uusap-usapan
nila ang dahilan nang gayong pagcaluat, at ang uica nang isa.

--¡Baca, nahulog si Próspero sa cabayo!

--¡Baca, hindi nacaquita siya nang bangca! ang sagot nang isa.

--¡_Seguro_,i, guinabi siya sa Taytay ó sa Binañgunan caya, at doon na
siya,i, matutulog, at mag-aantay nang sicat nang liuayuay, ang uica
naman nang isa.

Ganoon nang ganoon ang pinagsasalitaan at pinag uusapan nilang
mag-anac, na hindi nagcacaisa ang canilang caisipan at narito na ang
isang _oficiales_, na nangagaling sa Tribunal, at may tañgang isang
_oficiong_ sulat nang _Sr. Alcalde mayor_ sa Maynila, na ang lamán ay
ganito: cung sa uicang tagalog:

Gobernadorcillo sa Tanay.--Pagtangap ninyo nitong _órden_ ó cautusan,
ay papaharapin ninyo dito sa _Alcaldia mayor_ ang dalauang catauo, na
si D. Andrés Baticot at si doña Maria Dimaniuala ang mañga ñgalan,
nang sila,i, macasagot sa _sumariang_ guinagaua dito sa _Juzgado_,
_contra_ sa canilang anac na si Próspero Baticot dahilan sa mañga
utang at ibang mañga capañgahasan.--Tuparin ninyo agad itong utos na
ito at ipatanto sa aquin ang catuparan.--_Alcaldia mayor_ sa.... sa
icatlong arao nang buan na Junio nang taong 18...--Erizo.

Catacot-tacot ang pag-iiyacan at caguluhan nilang lahat nang matanto
nila ang cahulugan niyong sulat nang _Sr. Alcalde mayor_. Ualang
naalaman gauin, ualang naalaman sabihin.

Dinaluhan sila nang capitbahay at nang ibang tauong nacariñgig nang
mañga sigauan nila, at hindi mapalagay-lagay ang canilang loob,
pañgaralan man sila nang mañga uicang caalio-alio.

Di tuloy cumain nang hapunan, at di nahiga sila nang caunting _oras_
man lamang niyong magdamag na yaon. At nang quinabucasan nito ay
ipinagtagubilin ni cabezang Andrés ang caniyang pamamahay at ang
caniyang anac na si Felicitas sa isang capatid niya, na si Juez na
Godio ang ñgalan, at lumacad na silang mag-asaua, na patuñgo sa
Maynila.

Di co man sabihin, acala co,i, mapaguauari rin nang sino mang bumabasa
nitong aquing casulatan ang cadalamhatian nang loob at casicpan nang
dibdib nang mag-asaua ni Dales sa canilang paglacad. Uala silang ibang
nasa, cundi ang macarating silang agad sa Maynila, nang maquita nang
canilang sariling mata, nang mariñgig nang canilang sariling taiñga,
sa catagang uica: nang maalam nila ang totoong calagayan at ang mañga
bagay-bagay na casalanan nang canilang anac na si Próspero. Caya uala
sa canilang loob ang gutom at ang pagod. Sila,i, nagugutom nga,t,
napapagod pa, ñguni,t, hindi nila inaalumana itong mañga hirap na ito,
at ga hindi nila dinadamdam. Isa lamang ang iquinaiinip nila, ang
calayuan baga nang linalacaran nilang daan; sapagca,t, gaua nang
malaquing pagnanasa nilang dumating sa Maynila, ay minamalayo nilang
totoo ang dati-dati ay minamalapit nila.

Cung sasaysayin co ang lahat na nangyari sa naturang mag-asaua doon sa
Maynila, at ang lahat na naisipan nila, at ang lahat na dinamdam at
iquinahirap nang canilang calooban, ¡Ay ina co! hindi matatapos-tapos
itong aquing salita. Subali,t, palibhasa,t, ang naguing ugali co sa
aquing mañga pagsasalita, ay houag gumamit nang maraming uica cung
isasaclao co rin lamang sa caunti; at palibhasa,i, masama rin naman,
cundi co salitain ang nangyari sa mag-asaua ni Angi doon sa Maynila,
ay ito na ang talaga cong sasabihin sa tipid na uica:

Nang humarap ang mag-asaua ni cabezang Andrés sa Hocom, sa _Sr.
Alcalde mayor_ baga; at nang nariñgig nila sa bibig nang nasabing _Sr.
Alcalde_, ang dami nang pinagcacautañgan ni Próspero; at ang capal
nang salaping caniyang inutang, sampon nang ibang cabalia,t,
capañgahasang guinaua niya, ay natilihan silang totoo, at
caunting-caunting naboual at nanhimatay na capoua.

Datapoua,t, palibhasa,i, magulang ay nagpacatibay sila nang loob; at
nang houag bagang mapahamac na lalo ang canilang anac, cahima,t,
macasalana,t, palamara; ay nañgaco sila sa _Sr. Alcalde_, na sila,i,
magbabayad nang lahat nang utang nang canilang anac pati nang mañga
_perjuiciong_ guinaua niya.

Naglagay sila nang fianzang hinihingi sa canila nang _Sr. Alcalde_, at
hinañgo nila tuloy sa cárcel si Próspero, at capagcaraca,i, ipinagsama
nila sa bangca, at sumuba silang tatlo dito sa Tanay.

Nang maguing dalauang lingong magmula nang pagharap nina Dales sa _Sr.
Alcalde_, ay may dumating dito sa Tribunal, ang isang mahigpit na
órden sa Maguinoong Capitan, na ang iniuutos baga doon, ay pacatantoin
niya sa magulang ni Próspero Baticot, na sila,i, magdala ó magpadala,
agad agad, sa _Juzgado_ sa _Maynila_ nang ganoong salapi, (hindi co
maalaala ñgayong oras na ito, cung magcano ang lahat, subali,t,
matatandaan cong maigui, na macapal na totoo,) at cung sacali,t, hindi
sila magbayad ó macabayad nang nasabing _cantidad_, ay gapusin nang
Maguinoong Capitan ang mag-asaua ni Dales, pati anac nila na si
Próspero at ipaluas niya sa Maynila casama nang isang _oficiales_ at
mañga _cuadrillero_. At nang houag anang utos, magcacahalang ang
anomang cataonan, ay _embargohin_ niya capagdaca ang lahat nang
pag-aari ni don Andrés Baticot pati nang sa caniyang asaua na si doña
Maria Dimaniuala.

Ipinatanto nang Maguinoong Capitan cay cabezang Dales itong utos na
ito, at hindi cumibo si Andrés, cundi itinuñgo ang ulo, at ang uica,i,
siya,i, sunod-sunuran sa utos nang mañga Puno. Subali,t, nang aalis
na ang aming Maguinoong Capitan, ay ipinamanhic ni cabezang Andrés sa
caniya, na cung mangyayari sa caniyang loob, ay houag bagang
_ipaembargo_ niya muna ang canilang pag-aari, at siya,i, magbabayad at
magbabayad nang lahat na ualang culang.

Pagcaalis nang Maguinoong Capitan, ay binilang ni Andrés ang salaping
natatabi sa bahay at sa di umaabot nang calahati man lamang sa
pagbabayad nang mañga utang, at ibang mañga _perjuiciong_ sinabi sa
canila nang _Sr. Alcalde_, ay ipinagbili niya ang canilang mañga
hayop, at mañga palayang iba, na ualang natira sa canila, cundi
tatlong calabao lamang, at caunting lupang bubuquirin.

Pagcaipon ni cabezang Dales nang _hustong_ salapi, ay iniluas niya sa
Maynila, at binayaran niya ang mañga utang na lahat, at umoui na siya
dito sa Tanay.

Magmula niyon, ay nasira ang capayapaan sa sangbahayan nina cabezang
Angi. Totoo ñga na hindi sila nagcacasiraan, at hindi naman sila
nagtataniman; subali,t, sa loob man lamang, ay nagsisisihan silang
lahat, dahilan sa nangyari, at nagtuturu-turuan nang casalanan nang
isa,t, isa.

At saca, paglibhasa,i, dati-dati ay maguinhaua ang canilang tayo, at
ñgayo,i, mahirap na, ay ga quinucutcot ang calooban nang isa,t, isa
nang pag-aalaala nang canilang dating calagayan, at tila sumasama at
tumatabang ang canilang loob, na cung minsa,i, tumutulo pa ang luha sa
canilang mata. At cung caya ang uica co cañgina,i, nasira ang canilang
capayapaan.

Nang mangaling si cabezang Andrés sa Maynila, nang macabayad na sa
nasabing mañga utang, ay tinauag niya si Próspero, at pinañgusapan
niya sa harap ni cabezang Angi at ni Felicitas nang ganito:

Proper, malalaquing totoo ang _perjuicio_ at casiraang guinaua mo sa
magulang mo,t, capatid. Hindi lamang naualan tayo nang pag-aari, cundi
puri natin ay cacalat-calat sa bibig nang tauo. Ipinatatauad namin sa
iyo itong lahat nang ito, datapoua,t, ipinamamanhic din namin sa iyo,
na mula ñgayon, at magpumilit cang tumalicod sa masasamang ugaling
pinag-aralan mo sa Maynila; mag-asal ca na nang asal _cristiano_, at
tumulong ca sa amin sa paghanap nang pagcabuhay. Mahirap man tayo
ñgayon, ay hindi tayo mauaualan nang macacain at nang pananamit natin,
sa pamamaguitan nang tulong at aua nang Pañginoon Dios, cung tayo,i,
masisipag sa _trabajo_. Malaqui ang aua at pag-ibig ipinaquita namin
sa iyo, Proper, caya gantihan mo rin cami nang capoua aua at nang
capoua pag-ibig. Ito lamang ang hinihingi namin sa iyo; subali,t,
magiñgat ca rin, Proper, at houag mo acong biguian uli nang dahilan sa
pagpaparusa sa iyo, sapagca,t, cung magcagayon, ay lulubusin co na.

Pinaquingan ni Próspero itong pañgañgaral at pagbabala sa caniya nang
caniyang amba, at humiñgi siyang tuloy nang tauad sa magulang at
capatid, at ipinañgaco pa niya, na hindi na siya gagaua uli nang
anomang icagagalit nila ó icasasama nang loob.

Nang ito,i, matapos, ay nagsapol sila nang bagong buhay, sa macatouid:
buhay nang mahihirap, at hindi na sila mayaman. ¡Subali,t, cataca-taca
itong mag-anac ni cabezang Andrés! ¡Mahihirap man sila ñgayo,y, hindi
ninyo mahahalata ang canilang cahirapan!

Dati sila,i, masisipag at mababait, na parang sinabi co sa itaas; caya
nang sila,i, datnan niyong sacunang sinalita co na; ay ualang
catiguil-tiguil sila.

Si cabezang Dales casama ni Próspero ay gumagaua sa buquid, sa bundoc
ó sa bayan, na ualang tahan.

Si cabezang Angi ay nagbibigas ó lumalala nang banig.

Si Felicitas naman, dati-dati ay hindi nananaog sa bahay, cundi sa
pagparoon sa simbahan, ó sa ibang bagay na totoong cailangan, ay
gumagaua ñgayon nang sari-saring luto at pagcain, at itinitinda,t,
ipinagbibili niya sa _plaza_, umaga,t, hapon. Caya hindi sila,i,
nauaualaan nang anomang cailañgan, at ang canilang lagay ñgayo,i,
nagcacaparis din, (cung sa tiñgin nang tauo), sa dati nilang
calagayan.

At sa catunayan, ay magtanong cayo sa canino man dito sa bayan, at
asahan ninyo, na hindi sasabihin sa inyo baga, na ang mag-anac na
cabezang Dales ay mahihirap, cundi ang isasagot sa inyo, na sila,i,
maguinhauang tauo, at mayayaman.

Ñguni,t, ¡oh carupuca,t, caiclian nang mañga bagay-bagay dito sa
mundong maraya! Ang paimbabaong caguinahauaha,t, capayapaan nang
mag-anac ni cabezang Andrés, ay hindi natagal.

Si Próspero, na nararatihan na sa mañga layao nang catauoan, ay
nabibigatan siyang totoo ñgayon at nahihirapan sa pag-aararo, sa
pagtaga nang cahoy at cauayan, sa pagpaparagos, at sa iba,t, ibang
_trabajong_ caraniuang gauin nang caniyang ama na si cabezang Dales.

Caya, nang maguing dalaua ó tatlong lingong magbuhat nang siya,i,
tumutulong sa caniyang ama sa _pagtatrabajo_, ay dumaing siyang totoo
sa caniyang ina, nang pamamaltos nang camay, nang saquit nang bayuang
at nang pamamanhid nang litid nang boong cataouan niya. Quinauaan siya
ni cabezang Angi, pinaligpit niya sa bahay, at ipinagamot sa mañga
_mediquillo_ dito sa bayan.

Nang magcagayon ay naaua naman si cabezang Dales sa caniyang anac, at
hindi lamang hindi ipinagsama niya sa _trabajo_, cundi bagcus, ay
ipinagtagubilin sa mahigpit cay cabezang Angi, na ipagamot sa mañga
_mediquillo_, at alagaan niyang maigui.

Datapoua,t, pag naguing iilang arao, at nang mapagmasdan ni Dales, na
ang caniyang anac, ay hindi gumagaling-galing, cung sa _pagtatrabajo_;
ñguni,t, maigui at malacas siya, cung sa pagligao at paggala, ay
nagalit na di hamac, at pinaguicaan tuloy si Próspero nang masasaquit
na uica.

Sumama uli si Próspero sa caniyang amba sa _pagtatrabajo_, subali,t,
hindi niya panañgatauoanan, at hindi man inaalumana niya ang paggaua,
cundi nagdadahi-dahilan siyang palagui nang sari-sari, gaua lamang
nang caniyang catamaran at masamang ugali.

Uala siyang cacusa-cusa nang munti man, at nang sabihin co nang
biglang sabi; ay hindi siya gagaua nang ano-anoman, cundañgan ang
mahigpit na lagay niya, at ang catacutan niya sa caniyang amba.

Itong lahat nang ito,i, pinagmamasdan ni cabezang Andrés, at cahima,t,
iquinagagalit niyang totoo, ay pinipiguil na maigui ang caniyang
calooban, at hindi niya pinag-uicaan ang caniyang anac nang anomang
uicang may cahalong galit, cundi pinañgañgaralan niyang banayad na
banayad, mangyari lamang mabago ang caniyang loob at ugali. Subali,t,
baga man napaoo nang napaoo, at napapaayon nang napapaayon ang
palamarang Próspero sa mañga pañgañgaral nang caniyang amba, ay cung
sa gaua,i, hindi rin binabago niya ang caniyang masamang ugali, cundi
ang caniya lamang ay siyang sinusunod.

Dahilan dito,i nagdadalamhating palagui ang loob ni Dales, at
lalong-lalong naragdagan itong cadalamhatian nang caniyang loob, nang
mabalitaan niya, ang mañga cabaliuang guinagaua ni Próspero sa mañga
babayi, at ang mañga pagcacautang-utang niya cung saan-saan.

At sa di na natiis niya itong masamang asal nang caniyang anac, ay
guinapos niyang minsan nang madaling arao, itinali sa isang haligui
nang bahay, hinampas nang di biro-biro, at doon pinabayaan niyang
maghapon at magdamag.

Nagmamacaauang totoo ang mag-ina ni Pili cay cabezang Andrés, at si
Próspero nama,i, ualang calagot-lagot nang paghingi nang tauad, caya
quinaauaan siya nang caniyang tatay, inalisan siya nang mañga tali, at
tuloy pinañgusapan siya nitong maicsi, ñguni,t, malamán na salita:

Proper, ani cabezang Andrés, Proper, cung sana sa bangca, aco,i,
tiguib na tiguib na, caya cung minamahal mo ang buhay mo at ang buhay
co, ay magpacaiñgat ca na.

Natacot na totoo, si Próspero dito sa mañga uicang ito nang caniyang
tatay, caya nagmabait siya,t, nagmasipag nang panibago. Datapoua,t,
halos di pa bahao ang mañga sugat nang caniyang pigui, ay nauala na sa
caniyang loob ang pagbabala pati pañgañgaral sa caniya ni cabezang
Andrés, at nagsauli siya sa dati niyang masasamang caugalian.

Itong mañga suson-suson na capighatian nang loob ni cabezang Dales, ay
dumamay rin sa caniyang catauoan, caya hindi nalaon, ay nagcasaquit
siya nang isang mabigat at di maquilalang saquit, (palibhasa,i, uala
sa catauoan, cundi nasasaloob), at baga man guinagamot siya nang mañga
mediquillong taga rito, at nang taga ibang bayan, ay lumalala ang
caniyang saquit, (na, uala sa caniyang catauoan cundi na sa caniyang
calooban), at namatay tuloy, pagcatangap nang mañga _santo
Sacramento_.

_Segurong-seguro_ ang mañga bumabasa nitong aquing casulatan, ay
nagiisip sa canilang sarili, ó nagnanasa cayang maalaman, cung ano
baga ang naguing calagayan, ó buhay caya ni Felicitas, na magmula
niyong unang _pagvavacasion_ ni Próspero dini sa bayan, hangan dito sa
pagcamatay nang caniyang ama. At nang matapatan co ang nasasaloob nang
mañga bumabasa nitong tunay na _historia_, ay sasabihin co ang lahat
nang naalaman co, dito sa caunting salitang susunod:

Nang _nagvavacasion_ dito si Próspero, at natatantong maigui ni Pili
ang caugalian, at ang iba,t, ibang caisipan nang caniyang capatid,
tungcol sa mañga bagay nang caloloua, at sa mañga asal nang tauong
cristiano, ay pinaroonan niyang uli ang aming Cura, at doon cumuha
nang sanguni: at ang uica nang aming cagalang-galang na Padre Cura sa
caniya,i, ganito:--Felicitas, uala acong naalamang gamot sa saquit ni
Próspero, cundi ang siya,i, ialis nang magulang mo sa Maynila at ioui
dito sa bayan.

Ayon dito sa hatol na ito,i, _oras-oras_ ipinamamanhic ni Felicitas sa
caniyang magulang, na houag baga paluasin nilang uli si Próspero sa
Maynila, cundi patirahin na siya dito sa bayan, baca, aniya, baca,
pó,i, mapahamac, cung mapalayo sa inyo.

Subali,t, hindi rin nacamtan niya ang cahiñgian, baga man siya,i,
tinutuluñgan nang aming mahal na Padre Cura. Ang isinasagot cay Pili
nang mag-asaua ni Angi, at ang minamatouid nila,i, ualang-uala silang
naquiquitang masama cay Proper, cundi ang mañga gaua-gauang ugalit
nang cabinataan, na, mauauala rin ainila, cung siya,i, mag-aaral pa
nang caunti sa Maynila.

Sa icatlong taon nang pagcatira ni Prospero sa Maynila, ay may
dumating dito sa bayan na isang balita, na di umano rao,i, si Próspero
ay hindi na nag-aaral na siya,i, inuusig na palagui nang caniyang
mañga pinagcacautañgan; na siya,i, _hinabla sa Juzgado,_ cung macailan
na dahilan sa gayong mañga bagay; na siya,i, paganoo,t, paganoon.

Itong balitang ito,i, hayag na hayag, at calat na calat dito sa boong
bayan, caya si Felicitas, dala nang malaquing capighatian nang
caniyang dibdib, ay isinumbong niya itong lahat na manga bagay na ito
sa caniyang magulang, at nag-uica uli sa canila, nang mangyari ay
paouiin na nila si Próspero dito sa bayan, nang maputol at matapos ang
ganoong mañga carumal-dumal na pagbabali-balita nang tauo.

Pagsusumbong nang gayon ni Felicitas sa caniyang magulang, ay
quinagalitan siya,t, pinañgusapan pa ni cabezang Angi nang
ganito:--Houag cong _magosiosa_, Pili, at houag cang maquialam sa
mañga gaua namin nang amba mo, at cami ang nacacaalam niyang mañga
bagay na iyan, at hindi cailañgan na cami ay turuan mo pa. ¿Baquit
icao,i, maniniuala sa mañga sabi-sabi nang tauo, na _puro_ gaua nang
canilang capanaghilian sa atin? Caya tahanan mo iyang salita mong
iyan.

Nagolomihanang totoo si Felicitas pagcariñgig nitong pañguñgusap nang
caniyang ina, at hindi na siya cumibo. Subali,t, sa di mapalagay-lagay
ang caniyang loob, ay isinanguni niya sa caniyang Cura,t, Confesor
itong lahat nang ito. Pinaquingan nang aming Cura ang mañga
isinasanguni ni Felicitas sa caniya, at itinanong pa siya cay Pili ang
iba,t, iba, at pagcatapos, ay naghatol siya cay Felicitas; na houag na
siyang cumibo magpumilit siyang magpacabanal, at ipamahala na niya sa
Pañginoon Dios ang lahat na yaon.

Sinunod ni Felicitas ang hatol at bilin nang aming Cura sa caniya, at
hindi na siya umimic. Ang lahat na naquiquita niya,t, naririñgig
tungcol cay Próspero, ay tinitiis niya sa caniyang sarili, at sa
Pañginoon Dios inihahain.

Sasabihin co na ang lahat sa mañga catagang uica. Ang lagay ni
Felicitas sa panahong yao,i, siyang-siya nang lagay nang isang
_macetas_, na hindi dinidilig na nalalanta,t, nalalanta, natutuyo,t,
natutuyo at sa calauna,i, namamatay. Ganito, anaquin, ang lagay ni
Felicitas, nang inioui rito nang caniyang magulang si Próspero na
mangaling sa Maynila, at nang maipagbili na nila ang canilang
pag-aari, sa pagbabayad nang mañga utang niyong palamarang anac at
capatid.

Nang naririto na sa bayan si Próspero, at natantong uli ni Felicitas
ang caniyang asal at ugali, ay sumaquit na lalo ang caniyang loob,
caya baga man pinagticahan niya, na hindi na siya quiquibo; ay hindi
rin matiis, palibhasa,i, inaari niyang malaquing casalanan ang di
pagsasabi nang totoo sa caniyang capatid; at dahilan dito,i, sinira
niya ang caniyang dating pagtitica, at pinañgaralan niya si Próspero,
(cung macailan), sa mañga lihim, at sa mañga banayad na banayad at
mahusay na pañguñgusap. Datapoua,t, sa di siya,i, paquingan ni Proper,
cundi siya pa ang quinagagalitan at pinag-uiuicaan nang masama, ay
itinicom niya ang bibig, at hindi na siya umimic nang munti man.
Pinagsisipagan niya lamang ang paggaua, nang siya,i,
macatulong-tulong sa caniyang magulang sa paghanap nang pagcabuhay;
guinaganap niyang ualang sala ang caniyang mañga dating _devosion_, at
hindi na siya naquiquialam sa ano pa mang bagay.

¡Naca-aaua mandin si Felicitas, cung pagmasdan ninyo ang caniyang
casipagan at panoorin ninyo ang caniyang muc-hang payat, putlain at
malumbayin pa!

Ito, inuulit cong sabihin, ang calagayan nang loob at catauoan ni
Felicitas doon sa panahong yaon, at nang mamatay ang caniyang amba.

Ñgayo,i, itutuloy co na ang pinutol cong salita.

Nang mautas na si cabezang Andrés at malibing na sa _panteon_, at
natapos ang pagsisiam, naugaling gauin naming mañga tagalog, ay
tinauag ni cabezang Angi ang caniyang anac na si Próspero at
pinañgusapan nang ganito:

Proper, anac co, talastas mo na ang pagmamahal namin sa iyo, caya
ipinamamanhic namin sa iyo, na icao,i, magbait na, at pañgasiuaan mo
ang caunting pag-aaring itinira sa ating nang nasira mong amba.
Naalaman mo rin, na ualang ibang sucat nating asahan pagcabuhay, cundi
ang ating sariling hanap, caya gumaua tayong para-para, at hindi tayo
mauaualan nang macacain sa tulong at aua nang ating Pañginoon Dios.

Pagcatapos nitong salita ni cabezang Angi, ay ipinañgaco ni Próspero
sa caniyang inda at capatid, na siya,i, magbabait na, at hahalili sa
caniyang nasirang ama, sa pañgañgasiua nang canilang pag-aari; at ang
uica pa:--Nanay, houag, po, ninyong alaalahanin ang ano pa mang bagay
sa ating pamamahay; at acong bahala sa lahat.

Naniuala si cabezang Angi sa pañgaco nang caniyang anac, at naniuala
naman si Felicitas; subali,t, iba ang nangyari.

Naalaman na nang mañga bumabasa nitong aquing casulatan, na si
Próspero,i, ualang cacusa-cusa sa _trabajo_, naalaman din nila, na
cung caya,i, gumagaua-gaua si Proper nang daco noong arao,i,
alang-alang lamang sa catacutan niya sa caniyang namatay na ama; at
natatanto naman nila, na si Proper ay ualang caisipisip at ualang
catiñgintiñgin sa caniyang pamamahay. At nang ipahayag co ang totoong
nasasacalooban co,i, sasabihin co pa ñgayon, na ang pagcamatay ni
cabezang Dales, ay iquinalumbay ni cabezang Angi nang di hamac, at
iquinabacla nang loob ni Felicitas; datapoua,t, bagay cay Próspero,i,
ang damdam co,i, siya,i, natotoua, nang malaquing toua, baga man
nagcucunouari siya,i, nalulungcot.

Dito sa mañga susunod na salita,i, maquiquilala ang pagcatotoo nitong
aquing paghihinala.

Ayon sa pañgaco ni Próspero sa caniyang ina at capatid, na siya
baga,i, mañgañgasiua na lahat, na para nang guinagaua nang caniyang
tatay, ay ipinagcatiuala sa caniya ni cabezang Angi ang pamamahala sa
mañga hayop, at sa mañga lupang bubuquiring natitira pa sa canila.

Nang magcagayon, ay isip ninyo,i, tototoohanin ni Próspero ang
caniyang pañgaco. Uala siyang catiguil-tiguil. Mamaya,i, pinaliligoan
niya ang canilang tatlong calabao; mamaya,i, nangdadamo siya, ó
nañgañgahoy caya; ñgayo,i, pinag-iigui niya ang bacuran nang canilang
bahay, ó linilinis ang canilang looban; ó cung dili caya,i,
naghuhusay-husay siya nang mañga casangcapan sa pamamahay. At ang
lalong caguila-guilalas dito,i, hindi na siya nagsasalual sa mañga
gauang ito, cundi mañga _putol_ lamang. ¡Subali,t, itong casipagang
ito,i, hindi natagal!

¿At sa di gayon? ¡Uala na siyang quinatatacutang ama! ¡Ang caniyang
ina at capatid ay hindi niya quina-aalang-alañganan nang munti man! At
ang lumalalo sa lahat: ¡ay ualang-uala sa caniyang calooban, ang
pagbabalic loob sa Pañginoon Dios! Caya,i, nanariua nang panibago sa
caniyang puso, ang quinararatihan niyang masasamang ugali, at nagsauli
rin sa dati.

Dahilan dito,i, uala pang sangbuan siya sa caniyang bagong pagcalagay
ó catungculan, ay namatay sa gutom ang isang calabao nila, gaua nang
capabayaan ni Próspero.

Sumapit ang panahon nang pagtatanim, at ang caunting palayan nila,i,
hindi natamnan, dahilan sa capabayaan ni Próspero.

Pagcamaya-maya,i, nauala, rao, ang uica ni Próspero, ang isa pa nilang
calabao, bago-bago,i, nang usisain ni cabezang Angi ay nabalitaan
niya, na di umano,i, ipinagbili ni Proper sa pagbabayad nang ibang
mañga utang niya.

Sa catagang uica: hindi pa naboo ang sangtaong arao magmula nang
pagcamatay ni cabezang Andrés, ay dinaquip si Próspero nang _justicia_
at piniit sa tribunal, dahilan sa paghahabla sa caniya nang maraming
tauo.

Humarap si cabezang Angi sa Tribunal at inusisa niya doon itong
nangyaring ito sa caniyang anac, at ipinahayag sa caniya nang
Maguinoong Capitan, na cung caya _napepreso_ doon si Proper, ay
dahilan sa cacapalan nang caniyang utang, na hindi binabayaran, at
dahilan naman sa mañga _reclamo_ ni Capitang Juan Gavi, bagay sa
caniyang anac na dalaga, at mañga _habla_ ni cabezang Teo Mauiling
tungcol sa caniyang asaua, at cung ano-ano pang sinabi nang Maguinoong
Capitan.

Nang mariñgig ni cabezang Angi ang mañga sinasalita sa caniya nang
aming Capitan, ay namutla siya,t, nasindac na totoo, na hindi
macaquibo, at hindi macapag-uica, at hindi man macaiyac; tila mandin
nahahalañgan ang caniyang lalamunan, at natutuyo ang luha nang
caniyang mata caya nang pagmasdan nang Maguinoong Capitan ang masamang
tayo ni cabezang Angi, ay pinaoui siya, at ang uica sa caniya:

--Cayo, pó,i, umoui muna, cabezang Angi, at mapalagay-lagay, pó, cayo
nang loob, at bucas, pó, nang umaga, cung may aua ang Panginoon Dios,
at tayo,i, nabubuhay pa, ay pumarito cayo, at atin pong husain itong
mañga bagay na ito.

Umoui ñga si cabezang Angi, at sinamahan nang isang _oficiales_ na
camag-anac niya, na baca cung mapaano siya sa daan, at nang dumating
sa bahay, ay sinalubong siya ni Felicitas sa catapusan nang hagdan.
Pumanhic si cabezang Angi, at biglang bigla,i, niyapus niyang totoo
itong si Felicitas, at napaiyac nang catacottacot. Naghimatay tuloy si
Pili nang maquita ang anyo nang caniyang inda, at cundañgan ang
_officiales_ na casama ni Angi, ay naboual at napagulong sa hagdan ang
mag-ina.

Nang magcaganito,i, sumigao ang _oficiales_, at dinaluhan sila tuloy
nang mañga capitbahay, at nang manga camag-anac, at malaquing totoo
ang nangyaring ligalig doon, gaua nang caramihan nang tauo.

Ang iba,i, gumagamot-gamot cay Pili.

Ang iba,i, umaalio, alio cay cabezang Angi.

Ang iba,i, humahanap nang _mediquillo_, at ang iba nama,i, cumacaon
nang _confesion_.

Gulong-gulo silang lahat, na ualang ibang naquiquita,t, naririñgig,
cundi utos dito, utos doon, tauag sa magcabi-cabila, at tacbuhan nang
lahat.

Subali,t, nang dumating ang aming mahal na Padre Cura,i, tumahimic
nang caunti ang mañga tauo, dahilan sa malaquing pag-ibig at
caalang-alañgan nila sa caniya.

Pagcapanhic nang aming Cura sa bahay ay inusisa agad sa mañga tauong
caharap ang bagay ó dahilan nang pagcacasaquit at paghihimatay ni
Felicitas, at capagcaraca,t, sinaysay nang _oficiales_ ang caniyang
naquita,t, naalaman.

Nilapitan tuloy nang Cura ang maysaquit: _pinulsuhan_: tiningnan ang
lagay nang muc-ha; tinauag pa niya nang malacas si Felicitas; at sa di
cumiquilos-quilos ang maysaquit, ay agad-agad nagsoot ang Cura nang
_roquete_ at _estola_, pinagcalooban niya ang nanghihimatay nang
caniyang mahal na _absolución_, at tuloy pinahiran nang _Santong
Lana_.

Hindi namatay si Felicitas doon sa pagcacasaquit na yaon, datapoua,t,
naguing sampuong _oras_ bago siya,i, masaulan nang pag-iisip; at nang
siya,i, pagsaulan nang ganoon, ay nagcataong naroroon ang aming Padre
Cura.

Pinagmamasdan siyang maigui nang aming Cura, pati nang ibang mañga
caharap doon, na lubhang marami, at naramdaman nila, na madalas na
madalas ang paghibic ni Felicitas, at malacas ang tulo nang luha sa
caniyang mata, caya lumapit ang Cura, at quinausap si Pili nang
ganito:

--¡Felicitas, Felicitas!

--Pó, ang sagot ni Pili.

--¿Naquiquilala mo aco?

--Oo pó.

--¿Sino baga aco?

--Cayo, po, ang aming Cura at aquing Confesor.

--¿Ay anong nararamdaman mo? sabihin mo sa aquin baca mayroon acong
naalaman gamot.

--Uala, pó, acong nararamdamang anomang saquit.

--¿At ano,t, icao,i, umiiyac?

--Ay auan co, pó, cung baquit hindi co, pó, mapiguil-piguil itong
aquing luha.

--Houag mong piguilin ang uica nang Cura, houag mong piguilin,
Felicitas, iyang luha mo: pabayaan mong tumulo at umagos, at siyang
macaguiguinhaua sa iyo.

Itinanong tuloy nang Cura sa caniya cung ibig niyang magcompisal, at
ang sagot ni Pili ay ganoon:

--Houag pó, muna, Amo, at tila,i, hindi pa mahusay ang aquing
pag-iisip. Sa iba pong _oras_ ay ipasusundo co cayo cung baga hindi pó
ninyo minamasama.

--¿Baquit mamasamain co iyan? ang uica nang Cura; magpasabi ca lamang
sa Convento, at aco,i, paririto agad.

--¡Salamat, pó, Amo, ang Pañginoon Dios ang gumanti sa inyo!

Tumindig na ang aming Cura sa quinauupuang bangquillo, at nagpaalam
na, subali,t, bago siya,i, umalis, ay nagbilin cay cabezang Angi nang
mañga gamot, na dapat niyang gauin sa maysaquit.

Dalauang arao lamang nacahiga si Felicitas sa banig; at nang siya,i,
malacas-malacas na, at nacapagbañgon, ay isinanguni sa caniya ni
cabezang Angi, cung ano-ano caya ang mabuting gauin sa pagbabayad nang
mañga utang ni Próspero; at ang sagot ni Felicitas ay ganito:

--Cayo póng bahala, nanay. Gauin pó, ninyo ang balang minamatapat nang
inyong calooban, at aco po,i, sunod-sunoran sa inyo, at tutuluñgan co
po, cayo, sa boong macacayanan co, sa paghanap nang macacain natin.

Alinsunod dito sa mabuting paquiquiayon ni Felicitas sa caniyang ina,
ay ipinagbili ni cabezang Angi ang canilang calabao na isang natitira;
isinanla niya ang canilang mañga palayan, at naparoon siyang tuloy sa
Tribunal; at doon sa harap nang Maguinoong Capitan, at nang ibang
mañga sacsi, ay nagbayad siya nang mañga utang ni Próspero.

Datapoua,t, hindi rin natapos ang gulo at _paghahablahan_, sapagca,t,
ang mañga naturan co, na si Capitang Juan at si cabezang Teo,i, hindi
pumayag sa capamanhican ni cabezang Angi at sa cahatulan nang aming
Maguinoong Capitan, cundi itinuloy nila ang canilang usap sa
_Juzagado_, sa Maynila, at dahilan dito,i, tinauag si Próspero nang
isang _órden_ nang _Señor Alcalde mayor_ at inihatid sa Maynila, at
doon piniit siyang uli sa bilanguan.

Marami sana ang masasabi co tungcol dito sa bagong nangyaring ito;
subali,t, nang houag baga,i, mapacahaba ang aquing salita, ay
lalactauan co ang marami at malamán na mañga bagay-bagay, at sasabihin
co lamang itong mañga susunod:

Sa malaquing pag-ibig ni cabezang Angi, na macaligtas at macalabas sa
_carcel_ ang caniyang anac, na si Próspero, at macaoui dito sa bayan,
ay ipinagbili niya ang lahat-lahat nang pag-aari nila; pati bahay,
pati _solar_, pati _alhajas_, na ualang-ualang natira sa canilang
mag-ina ni Felicitas, cundi ang canilang damit lamang.

Iniluas ni cabezang Angi ang salaping inipon niya; at ang iba,i,
ibinayad niya sa _abogado_ ni Próspero; ang iba,i, ibinigay sa
_alcaide_ sa _carcel_, nang siya baga,i, pahintulutang dumalao sa
caniyang anac; ang iba,i, guinugol niya sa caniyang pagcain; at ang
iba,i, isinabog niya cung saan-saan, mangyari lamang siya,i, tuluñgan
sa pagtatangol cay Próspero.

Bucod dito,i, napaampon siya sa lahat nang mañga caquilala at di
caquilala niya, at nang sabihin co sa madaling salita; ay ualang di
guinaua niyang capamanhican sa pagcacaliñga sa caniyang anac.

Datapoua,t, naubos ang salaping dala niya, napagod siya nang di hamac,
nang calalacad dito,t, doon, at hindi lamang hindi pinaquingan ang
caniyang pag-iiyac, at ang mañga caraiñgan nang caniyang mañga
caquilala at camag-anac, na pinintacasi niya, cundi bagcus ay nanaog
ang isang mahigpit na hatol at _sentencia_, na ang iniuutos doon,
ay:--ipadala agad sa Balabac si Próspero "Baticot anac ni don Andrés
Baticot at ni doña María Dimaniuala, na taga Tanay; dahilan sa
caniyang masasamang caugalian at _antecedentes_ at dahilan sa mañga
_perjuiciong_ guinaua at guinagaua niya sa caniyang capoua tauo."

Ayon dito sa utos na ito,i, dinala ñga si Próspero doon sa Balabac, at
doon dao,i, namatay, ang balita nang tauo.

Sa uala nang magaua si cabezang Angi sa Maynila, ay umoui rito;
datapoua,t, bago siya,i, macarating dini, ay nagpalimos sa mañga
bayan-bayang dinadaanan niya, palibhasa,i, uala siyang bauon, at uala
namang _cuartang_ ibibili nang cacanin. Caya, gaua nang malaquing
cahihiyan, capagura,t, calumbayan niya,i, bangcay na mistula ang
caniyang anyo, nang siya,i, dumating dito sa bayan.

¡Caunting namatay na patuluyan si Felicitas, nang maquita niya ang
caaua-auang lagay nang caniyang inda! Nguni,t, nagpacalacas siya nang
loob; inaliu pa ang caniyang ina; binihisan niya; pinacain; pinahiga
sa banig, at ang lahat na,i, guinaua niya, nang macatulong at
macapagbigay guinahaua sa caniyang iniibig na ina. ¡Pati catauouan
niya,i, nalimutan, dahilan sa pag-aalila,t, pamimintuho sa caniyang
ina!

Nang mahusay-husay na si cabezang Angi, ay inusisa sa caniya ni
Felicitas ang lagay ni Próspero. Sinaysay ni cabezang Angi ang lahat,
na ualang inilihim, at nang mabalitaan ni Pili ang nangyari sa
caniyang capatid, ¡ay ina co! parang natangal ang lahat nang litid
nang caniyang cataouan, caya magpacalacas-lacas man siya,t,
magpacatibay-tibay man nang loob, ay nahapay rin siya.

Sinabi co cañgina, na ang catauoan ni Felicitas doon sa panahong yaon,
ay buto,t, balat lamang. Subali,t, gayon man, ay sapagca,t, ang
caniyang cabanala,i, malaqui, at caniyang caloloua,i, buhay na buhay,
ay pinipilit nang pinipilit niya ang caniyang catauoan sa
_pagtatrabajo_, at nacagagaua-gaua rin siya nang icatutulong sa
canilang paghahanap buhay. Datapoua,t, nang mariñgig niya sa caniyang
ina, ang quinasapitan ni Próspero, ay naualan siya nang dating
catibayan nang loob, at napahiga na sa banig, na hindi na siya
nacapagbañgon.

Nang magcaganito,i, ipinatauag ni Felicitas na agad-agad ang aming
Cura at caniyang confesor, at doo,i, _nagcompisal_ siya nang mahusay,
at nang quinabucasan niyo,i, dinalhan siya nang _Santo Viático_, at
pinahiran siyang tuloy nang _Santo Oleo_.

Nang dacong hapon niyon ding arao na yaon, ay dinalao si Pili nang
aming cagalang-galang na Padre Cura, at inusap ang maysaquit nang
ganoon:

--¿Felicitas, baca mayroon cang caramdaman sa catauoan mong
iquinahihiya mong sabihin?

--Ualang-uala, pó, ang banayad na sagot ni Felicitas, ualang-uala, pó,
Among nararamdaman acong saquit sa aquing catauoan cundi isang
malaquing cahinaan lamang.

--¿Baca caya, ang ulit nang Cura, sa bulong lamang, at sa lihim na
salita, baca caya may nacasusucal nang calooban mo? Cung baga mayroon,
ay houag mong ilihim sa aquin, cundi sabihin mo,t, ibulong sa aquin,
nang cata,i, gamuti,t, hatulan.

--Ualang-uala, pó, Among nacasusucal nang loob co ñgayong oras na ito,
cundi ang pag-aalaala co lamang sa aquing ina at sa aquing capatid, na
baca, po,i, cung mapaano sila dito sa _mundo_.

--¿Masama, baga, ang bagong tanong nang Cura cay Pili, masama baga ang
loob mo sa capatid mong si Próspero?

--Uala, pó, ang sagot ni Felicitas, uala, pó; hindi aco nagagalit sa
aquing capatid, at uala naman acong masamang loob sa caniya, cundi
bagcus, ay quinacaauaan co, pó, siyang totoo, at ipinanalañgin co
siyang _oras-oras_ sa Pañginoon Dios, nang siya po,i, biguian nang
Pañginoon Dios nang buhay at _gracia_. Datapoua,t, mayroon pó, acong
ipagcocompisal sa inyo ang ibang bagay, tungcol din dito sa
itinatanong pó, ninyo sa aquin, na baca sacali,t, aco,i, nagcasala sa
harap nang ating Pañginoong Dios.

Tila, pó,i, aco,i, mamamatay na, subalit, ang pagcatalastas co, po,i,
hindi ang anomang saquit nang catauoan co ang iquinamamatay co, cundi
ang malaquing capighatiang dinamdam nang aquing loob, dahilan sa mañga
guinaua ni Proper magmula niyong siya,i, nag-aaral sa Maynila, na
hangan ñgayong panahong ito. Caya, pó, cung itong di co pagtitiis nang
mañga caculañgan nang aquing capatid, ay naguing casalanan co sa harap
nang ating Pañginoon Dios, ay _iquinucumpisal_ co, pó, sa inyo itong
aquing casalanan, at inihihiñgi cong tauad sa Pañginoon Dios at sa
inyo, at inaantay co, pó, ang inyong mahal na _absolucion_ dito sa
aquing casalanan, na pinagsisisihan cong totoo.

_Pagcapagcompisal_ nang ganito ni Felicitas, ay binuloñgan siya nang
aming Cura nang caunting _oras_ at binendicionan niyang tuloy.

Pagcatapos na pagcatapos nito,i, biglang sumigao si Felicitas nang
gayon:--Amo, ina, Proper at cayo pong lahat, ay patauarin, pó, ninyo
aco, at aco,i, tinatauag na nang ating Dios at Pañginoon.--At nang
macasigao nang ganoon, ay napatid ang caniyang hiniñga.

Uala acong naquita, at uala rin acong nabalitaang libing na para nang
guinaua sa bangcay ni Pili.

At caya,i, nagcaganito,i, sapagca,t, si Felicitas ay naquiquilala nang
boong bayan; naalaman din nang bayan ang caniyang ugali at cabanalan;
at napagtatalastas naman nang lahat ang mañga hirap nang catauoan at
loob na dinaanan niya; at cung caya, sa isang cusa nang loob, na
ualang nagtutulac sinoman, ay pinagcaisahan nang lahat nang mañga
dalaga dito sa bayan, na mag-ambag sila nang macacayanan, nang magaua
cay Felicitas ang isang mahal na libing.

Ayon dito sa pinagcasundoan nang mañga dalaga, ay nagsidalo silang
lahat sa bahay nang patay, at ang iba,i, nagdala nang _candila_, ang
iba,i, nagdala nang damit na igagaua nang sapot, at iba,i, may taglay
na mañga _puntas-puntas_ at mañga _listong_ igagayac sa saplot at sa
_ataul_, (cabaon), at lahat-lahat na para-para,i, nananahi at
tumutulong sa anomang gagauin, at nag-abut pa cay cabezang Angi nang
ambag na salaping canilang nacayanan.

Ang mañga _campana_ sa Simbahan ay ualang tiguil magmula nang mamatay
si Pili. Maya,t, maya,i, _nagpeplegaria_.

Nang sumapit ang _oras_ nang paglilibing, ay nagsiparoon sa
quinamatayang bahay ang lahat nang mañga dalaga, na _pare-parejo_ ang
canilang mañga soot, at pauang may dalang candila, at nag-aagauan sila
nang paglalabit nang _ataul_.

¡Matotoua ang sino mang macapanood sa _calzada_ niyong libing na yaon,
at _segurong-seguro,i,_ hindi aacalain niya, na yao,i, isang libing,
cundi ang sasabihin niya, na yao,i, isang _procesion_ nang mahal na
arao!

Ang soot naman nang aming Cura at nang mañga _sacristan_, at ang mañga
gayac sa Simbahan, ay pulos na _primera clase_.

¿Ano pa? Ang _canta_ nang mañga _cantores_, ay tila mandin maririquit
sa dating _quinacanta_ nila sa mañga libing. Caya ang uica co cañgina,
na uala acong naquita, at uala acong nabalitaan libing, na para nang
guinaua cay Pili....

Natapos na ang libing, at ibinaon sa _panteon_ ang bangcay ni
Felicitas, at nagsioui na sa cani-canilang bahay ang mañga
naquiquipaglibing sa caniya.

Naiuan nang mag-isa si cabezang Angi dito sa _mundo_, at sa uala
siyang pag-aari, at sa ualang macacain, at sa ualang pagtitirhang
bahay, ay naquisuno siya sa isang camag-anac niya, na maigui-igui ang
pagcabuhay. At baga man mabuti ang pagtiñgin at pag-aalaga sa caniya
nitong caniyang camag-anac, ay hindi gumagaling-galing ang loob ni
cabezang Angi. Caya palaguing nalulumbay siya,i, nalulungcot, at hindi
natutuyo-tuyo ang luha sa caniyang mata, gaua nang malaquing pighati,
at hindi nalauo,i, naratay sa banig at namatay rin....



=_CATAPUSAN_=

Natatanto na nang mañga bumabasa nitong aquing casulatan, ang naguing
buhay at camatayan ni na cabezang Andrés Baticot.

Subali,t, bago co tapusin itong aquing isinusulat, ay mayroon acong
ipauunaua sa canila.

¿Baquit caya ang mag-anac ni cabézang Dales, na mababait na tauo, at
dati-dati ay mayayaman, na parang sinabi co sa itaas, ay naguing
mahihirap, na macain man ay uala?

Baquit caya ang cadalamhatian nang loob, ay siyang iquinamatay ni
cabezang Dales, ni cabezang Angi, at ni Felicitas?

Ay ualang-ualang ibang dahilan, cung sa aquing pagcatalastas, cundi
ang malaqui at _locong_ pag-ibig nang mag-asaua ni Dales, na ang
canilang anac na si Próspero,i, mag-aral sa Maynila.

Ualang-ualang ibang dahilan, cung sa aquing acala, cundi ang catigasan
nang ulo nang naturang mag-asaua, at ang caayauan nilang maquinig nang
mañga matotouid na hatol nang aming Padre Cura, at nang mañga mahigpit
na capamanhican sa canila ni Felicitas, na houag bagang papag-aralin
nila si Próspero sa Maynila.

¡Cahimanauari, ay paquinabañgan nang aquing capoua tagalog itong
caunti cong capaguran sa pagtatala dito sa _papel_ na ito nang mañga
naquita nang aquing mata, at nariñgig nang aquing taiñga!

¡Mag-aral na ang mañga magulang, at mag-aral pati ang mañga anac dito
sa tunay na salitang ito nang casasapitan nila capoua, _cung paañgatin
nang mañga magulang ang canilang mañga anac sa tapat na calalaguian,
at ilipat ó icana caya sa hindi tapat ó cahiyang na calagayan_.

Sa bayan nang Tanay, sa icadalauangpuo,t, isang arao nang buan nang
Abril nang taong sanglibo ualong daan, tatlong puo,t, tatlo.

_Antonio Macunat_.



V


Pagcatapos nang pagbasa nito,i, tiniclop ni tandang Basio ang
_librong_ caniyang tañgan, pinahiran nang _paño_ ang caniyang mata, at
ang uica sa aquin:

--Tapus na, pó, ang _historiang_ isinulat nang aquing nasirang ama.
¿Ano, pó, ang inyong tiñgin, ó sabi caya sa mañga napapalaman dito sa
salitang ito?

--Minamabuti co pó, ang sagot co, minamabuti co pó, ang lahat,
subali,t, tila, pó,i, ang tatay ninyo ay hindi caraniuang _indio_,
cundi, ang bintang co po,i, siya,i, nag-aral din nang caunti.

--Uala pó, ang uica nang matanda, uala po. Ang tatay co pó, ay paris
co ring ualang pinag-aralan cundi ang bumasa, sumulat, ang dasal at
caunting cuenta, at pagcatapos niyon, ay hindi na humiualay siya sa
calabao. Uala po, caming pinagcacaibhang dalaua nang tatay co, cundi
ang siya,i, matino ang bait at matalas ang pag-iisip, at aco po,i,
hindi.

Hindi na aco sumagot sa mañga catouiran ni tandang Basio, sapagca,t,
aco,i, nag-aantoc na. At saan di aco,i, mag-aantoc? Ang pagbasa
niya,i, madalang na madalang, palibhasa,i, matanda na siya, at
malabo-labo na ang caniyang mata, caya matagal nang totoong bago
matapos ang pagbasa niya nang _historiang_ isinulat nang caniyang ama.
Sumisicat na ang liuayuay nang ito,i, matapos, at cung caya,i,
nagpaalam na aco sa caniya, at ipinañgaco co sa caniya, na
pagcapahinga co nang caunti, ay babalican co siya.



VI


Pinaroonan co ñga uli ang aquing caibigan na si tandang Basio nang
dacong hapon niyong ding umagang yaon, at pagcatapos nang
pagcocomustaha,t, pagbabatian namin, ay inusisa niyang pilit sa aquin,
cung ano ang isinasaloob cong tungcol sa laman nang _historiang_
isinulat nang caniyang amba, at ang aquing sagot ay ganito:

--Sinabi co na pó, sa inyo cañginang madaling arao, bago tayo,i,
maghiualay, na minamariquit co ang lahat na sinasalita roon nang
inyong ama. Datapoua,t, ngayo,i, dadagdagan co ang aquing sinalita
cañgina, at sasabihin co pó, sa inyo, na ang nangyari sa mag-anac ni
cabezang Andrés Baticot, ay hindi caraniuang nangyayari sa iba, cundi
parang isang pagcacataon lamang; caya hindi dapat na cayo pó,i,
tumungton diyan sa nangyaring iyan, sa pagpapatibay nang pasiya ninyo,
na di umano,i, masamang totoo, na ang mañga _indio,i,_ nag-aaral nang
uicang castila, ó iba pang bagay na carunungan sa Maynila.

--Hindi co pó, sinasabi, ang matinding sagot sa aquin nang matanda,
hindi co, pó sinasabi na ang lahat, na pag-aaral sa Maynila,i,
quinasasapitan ó casasapitan caya na para nang nasapit ni Próspero at
nang caniyang magulang, at mayroon din hindi nagcacagayon; subali,t,
maniuala, pó, cayo sa aquin, na sa sangdaang _estudianteng_ nag-aaral
sa Maynila ay ang siam na puo,i, napapasama sa catouan ó sa caloloua,
ó sa catauoa,t, caloloua na para-para; at salamat pa, pó, cung ang
sampuong natitira,i, umiigui, at hindi lumilihis sa matouid na daang
patuñgo sa Lañgit.

--¡_Seguro_, po, ang uica co cay tandang Basio, _seguro_, po,i, iyang
lahat na sinasabi ninyo,i, pauang paghihinala nang inyong loob!

--Hindi, pó, paghihinala nang loob co itong aquing sinasabi cundi
mañga catotohanang maliuanag na maliuanag, na siyang naquiquita nang
aquing mata, at naririñgig nang aquing tayiñga. At nang cayo, pó,i,
maniuala sa aquin, ay pacatantoin, pó, ninyo, (cung baga hindi pa
ninyong pinagmamasdan), na caming mañga _indio,i,_, catuang totoo.
Cung cami, pó,i, nagcacaalam-alam nang caunti, ó nagcacaroon caya nang
munting catungculan, ay nagpapalalo, pó, caming totoo, (tabi sa
iilang di gayon), sa aming capoua, at dahilan, pó, rito sa buloc na
capalaluang ito,i, napapahamac cami, at ipinahahamac pa namin ang
aming capoua tauo.

--¡Tila, pó,i, napapacalabis ang inyong sapantaha tungcol sa mañga
bagay na ito!, ang uica co.

--¡Maca, pó, ang sagot nang matanda, maca, pó, ñga,i, mali itong
aquing sapantaha! Ñguni,t, sasabihin co, pó, sa inyo, na cung inaabot
nang aquing sariling pag-iisip, at sa pinagmamasdan co sa mañga
tagarito ma,t, sa taga ibang bayan dito sa habang buhay cong ito,i,
tila, pó, aco,i, nasasacatouiran at catotoohanan; caya, pó, hangan
macacayanan co, ay pagbabaualan co,t, hindi co, pó, pahihintulutan ang
aquing mañga anac, at ibang mañga camag-anac at caquilala, na mag-aral
sila nang uicang castila, ó iba cayang carunungang di bagay at ucol sa
canilang calagayan at _pagcaindio_. Ang cauicaan co, pó,i, para nang
nariñgig cong madalas sa aquing amba. Ang Hari, ay mañgasiua sa
caniyang pinaghaharian; ang anloagui, ay maghasa nang maghasa nang
caniyang mañga pait at catam; ang ama,t, ina, ay mag-alila sa canilang
mañga anac; at ang mañga _indio_, ay mag-alaga nang canilang calabao.
Cung aco po,i, nagcacamali dahilan sa lubos na pagsunod co nitong
mañga casabihang ito nang aquing tatay, at... patauarin aco nang
ating Pañginoon Dios.

Dito sa matapang na salita at mainit na sagot ni tandang Basio, ay
uala acong naalamang isagot, caya binali co,t, pinatid ang
pinag-uusapan namin nang matanda, at ang uica co baga, sa caniya.

--Bucas, pó, nang umaga, cung may aua ang Pañginoon Dios, ay luluas
na, pó, aco.

--Madali, pó, naman cayo, ang biglang sagot ni Basio at nang caniyang
asaua at mañga anac.

--Uala, pó, acong magaua, at aco,i, tinatauag na sa Maynila; caya cung
mayroon, pó, cayong ipag-uutos sa aquin, ay inyo póng sabihin, at
tutuparin co.

--Salamat, pó, ang sabay na tugon nang lahat na mag-anac, salamat, pó.
Ang Pañginoon Dios ang sumama sa inyo, at houag, pó, cayong madala sa
amin, at cami, pó,i, tumatalaga sa inyo _oras-oras_.

Nagpasalamat aco sa canilang lahat at nagpaalam na, at nang
quinabucasan niyo,i, umoui na aco sa Maynila.

Magmula niyong panahong yaon hangan ñgayon oras na ito,i, hindi co
malilimutan ang aquing caibigan na si tandang Basio Macunat, at
madalas na madalas na inaala-ala co ang caniyang matotouid na
catouiran.

FIN.





*** End of this LibraryBlog Digital Book "Si Tandang Basio Macunat" ***

Copyright 2023 LibraryBlog. All rights reserved.



Home