By Author | [ A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z | Other Symbols ] |
By Title | [ A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z | Other Symbols ] |
By Language |
Download this book: [ ASCII | HTML | PDF ] Look for this book on Amazon Tweet |
Title: Buhay at Mga Ginawa ni Dr. Jose Rizal Author: Poblete, Pascual Hicaro, 1857-1921 Language: Tagalog As this book started as an ASCII text book there are no pictures available. *** Start of this LibraryBlog Digital Book "Buhay at Mga Ginawa ni Dr. Jose Rizal" *** thanks to Elmer Nocheseda for providing the material for this project. Para sa pagpapahalaga ng Panitikang Pilipino. [Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g. This work forms part of the Tagalog translation of Noli Me Tangere (1909) by Pascual Poblete which is being presented separately in this edition.] [Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit. Ang kathang ito ni Pascual Poblete ay pasimula sa isinalin na Noli Me Tangere (1909) sa Tagalog na ibinukod sa edisyong ito.] BUHAY AT M~GA GINAWÂ NI DR. JOSÉ RIZAL NA SINULAT NI PASCUAL H. POBLETE José Protasio Rizal Mercado Maicling casaysan nang canyang buhay Ipinan~ganac si Gat Jose Protasio Rizal Mercado, sa báyan n~g Calambâ, sacóp n~g lalawigang Laguna, n~g ikalabing siyam n~g Junio n~g taóng sanglibo walóng dáan animnapo't isá. Si G. Francisco Rizal Mercado ang canyáng amá at si G. Teodora Alonso at Quintos ang canyáng iná. Ipinan~ganac si G. Francisco Rizal Mercado at Alejandra n~g taóng 1811, sa Binyáng, Laguna, at namatáy sa Maynila n~g ica 5 n~g Enero n~g 1898, at si G. Teodora Alonso ay ipinan~ganac sa Meisic, sacóp n~g Tundó, Maynila, n~g taóng 1825 at nabubuhay hanga n~gayón (8 n~g Junio n~g 1909). Si G. Francisco Mercado ay nag-aral at marunong n~g wicang castila at wicang latín, at si G. Teodora Alonso ay nag-aral sa colegio n~g Santa Rosa at marunong n~g wicang castila. Ang naguíng m~ga anác n~g mag-asawang ito'y si na guinoong Saturnina, Paciano, Narcisa, Olimpia, Lucía, María, Concepción, Jose, Josefa, Trinidad at Soledad. Bininyagan si Jose Rizal n~g araw n~g sábado, icadalawampo't dalawa n~g Junio n~g 1861. Si G. Rufino Collantes, páring clérigo at cura-párroco sa bayang Calambâ ang sa canyá'y nagbinyag, at si G. Pedro Casañas, páring clérigo at tubô sa Calambâ, ang sa canyá'y nag-anác sa binyág. Capowa namatáy na ang dalawang páring itó. Pinan~galanang Jose, dahil sa ang iná n~g Doctor Rizal ay namimintacasi sa Patriarca San José, at ang pan~galawang pan~galang Protasio ay dahil sa caarawán n~g Santong itó, alinsunod sa calendario, n~g siyá'y ipan~ganác. Hindi dating tagláy n~g amá at n~g m~ga capatíd n~g amá n~g ating Doctor ang apellidong Rizal. Pinasimulaang guinamit ang apellidong Rizal n~g mag-aral ang batang si Jose, upang siyá'y macaligtas sa mahigpit na pag uusig n~g m~ga fraile sa m~ga nag-aapellidong Mercado. Wicang castila ang apellidong Rizal, na ang cahulugán sa wicang tagalog ay ang muling pag-supang ó pag-ulbós n~g pinutol na halaman ó damó. May isá pang cahulugán; ang lupang may pananím na anó mang damóng pacain sa m~ga háyop. Pagdatíng sa icatlóng taón n~g gulang n~g musmós na si Jose Rizal ay tinuruan na siyá n~g canyáng amá't iná n~g pagbasa. Napagkilala n~g madla ang cagalin~gan niyáng tumulâ n~g wawalóng taón pa lamang ang canyáng gulang, dahil sa isáng marikít na tuláng canyáng kinat-hà, na tinakhán n~g lahát n~g m~ga manunulang tagalog sa lalawigang Silan~gan.[1] [Larawan: =G. Francisco Rizal Mercado= Ama ng Dr. Jose Rizal. Imp de M. Fernández, Paz 447, Sta. Cruz.] Sa pagcakilala n~g amá't iná ni Jose Rizal n~g catalasan n~g isip at malaking hilig n~g caniláng anác na itó sa pag-aaral, caniláng dinalá siya sa Maynila, itinirá sa isang bahay sa daang Cabildo, loob n~g Maynila; at ipinasoc n~g taóng 1871 sa Ateneo Municipal, na pinan~gangasiwaan n~g m~ga páring jesuita. Nakilala ni Jose Rizal sa bahay ni pari Burgos si na pare Dandan, Lara at Mendoza na pawang dinakip at ipinatapon sa Marianas n~g gobierno n~g España, at gayon din si parì Gomez at si pari Zamora, na ipinabitay n~g Gobierno ring iyong casama si párì Burgos, na ang naguing sangcala'y ang panghihimagsic n~g m~ga manggagawâ sa Arsenal n~g Tan~guay n~g 1872. Sumasabudhì n~g madlâ ang m~ga calupitáng dito'y guinágawâ n~g m~ga panahóng iyón. Ipinabilángo, ipinatapon ó ipinabitay bawa't filipinong numiningning dahil sa tálas n~g isip at sa pagsasangalang sa m~ga catwiran n~g lupang kináguisnan. Ang m~ga nangyaring itó'y nalimbag sa damdamin n~g batang si Jose Rizal. Lumipat itó n~g pagtirá sa Ateneo Municipal at n~g naroon na'y tila mandín lálo pang náragdagan ang canyáng sipag sa pag-aaral at cabaitang puspós n~g ugalì. Ang naguing maestro niyá'y ang m~ga jesuitang si parì Cándido Bech at si parì Francisco Sánchez. Cung ipinamamanglaw n~g batang si Jose Rizal ang nakita niyáng pag-amis sa catwiran n~g canyang m~ga caláhì ay lalo n~g dinaramdam niyá, ang m~ga sabihanan n~g m~ga fraileng madalás niyang marinig sa Ateneo Municipal na di umano'y mataas ang caisipan n~g táong culay maputi cay sa táong culay caymanguí, madiláw, abóabó ó maitím, bagay na pinagpilitan niyáng siyasatin mulâ noon, cung totoo n~gâ, sapagca't inaacála niyáng lihís sa catowiran ang gayóng pagpapalagáy. Napagtalastas n~g madlâ ang ganitóng paghahacahácà ni Jose Rizal, dahil sa isáng casulatang inilathalà n~g pantás na si Herr Ferdinand Blumentritt sa icasampung tomo n~g _Internationales Archiv fiur Ethnographie_, n~g 1897, na ganitó ang saysay: "Sinabi ni Rizal, na maliit pa siya'y malaki n~g totoo ang canyang pagdaramdam, dahil sa nakikita niyang sa canya'y pagpapawalang halagá n~g m~ga castilà, dáhil lámang sa siya'y _indio_[2] Magbuhat niyao'y pinagsicapan niyang pacasiyasatin cung alín ang catwíran ó cadahilanang pinagsasandigan n~g m~ga castila at n~g lahat n~g m~ga táong may mapuputing balát upang ipalagáy nilang sila'y matatáas ang ísip cay sa m~ga táong cawan~gis din nila ang anyô, at taglay ang cáya upang dumúnong at magtamó n~g capangyarihang gaya rin nilá. "Ipinalálagay n~g m~ga tagá Europang silá ang pan~ginoon n~g bóong daigdig: sa acalà nila'y silá ang tan~ging nagtâtaglay n~g pagsúlong sa dúnong at sa m~ga magagandang caugalian, at silá lamang ang tán~gì at dalisay na liping _homo sapiens,_[3] samantalang ipinalálagay nilang ang m~ga ibang lahi ay mababa ang pagiísip, ang guinagamit na wica'y dukhâ at walang caya upang macuha ang dunong n~g m~ga taga Europa, ano pa't ang m~ga lahing may culay caymangui, itím, diláw ó abo-abó ay isá sa pascacaiba't ibang anyô n~g _homo brutus._[4] "Nang magcágayo'y itinátanong ni Rizal sa sarili; ¿totoo n~ga cayâ ang m~ga pinatitibayan nilang ito? Ang tanóng na ito ang totoong laguing sumasaísip niya mulâ pa sa panahong siya'y nag-aaral, at di lamang sa canya cung di naman sa m~ga cápowà niyáng nag-aaral na m~ga taga Europa. Hindi nalao't canyang nápagmasid sa colegio na walang pinagcacaibhan n~g pag-iisip n~g isa't isá, [sa macatowid baga'y n~g pag-iisip n~g táong maputi ang balát at n~g táong caymangui.] Caraniwang lubha ang pagcacápantay n~g m~ga puti at n~g m~ga _indio:_ sa isa't isang panig ay may nakikitang m~ga tamád at masisipag, mápag-sákit sa pag-aaral at matamarin sa pag-aaral, matálas ang pag-iísip at mapuról ang pag-iísip; sa cawacasan ... wala siyang nakikitang ikinahíhiguit n~g m~ga mapuputíng nag-aaral at gayon din n~g m~ga may cúlay caymangui. Pinagsiyasat niya ang m~ga dunong na nauucol sa m~ga láhi; natotowa siyá pagca nangyayaring dahil sa isang paláisipang may cahirapang ibiníbigay n~g profesor ay hindî mátuclasang gawín n~g canyang m~ga casamahang mapuputî, at sila'y nan~gagsisilapit sa canyá upang canyáng gawín cung papaano. Canyang pinagdidilidili at itinututol ang lahat n~g itó, hindi dáhil sa isáng pagtatagumpay niyang sarili, cung di dahil sa isáng pagtatagumpay n~g canyáng m~ga cababayan. Dahil dito'y sa colegio n~ga nagpasimulâ ang canyáng paniniwálang nagcácapantay ang ísip at cáya n~g m~ga europeo at n~g m~ga _indio_ sa paggawa n~g ano mang bagay. At sa lahat n~g ito'y napagtalacayan niyang magcacapantay ang catutubong isip n~g europeo at n~g indio. "Ang unang pinacabún~ga n~g napagtalacayang itó ay ang pagcapagbalac ni Rizal, na cung mapag-unawa sana n~g canyang m~ga cababayan, na cawan~gis n~g canyáng pagcaunawa, ang pagcacapantaypantay na iyan, ito'y maguiguing isang paraan upang maipailanglang ang dunong n~g m~ga filipino. Dumatíng siya sa paniniwalang matáas ang pag-iisip sa pag-aaral n~g m~ga tagalog cay sa m~ga castila (ang iláng m~ga castilang n~g panahóng yao'y canyáng nakilala;) at canyáng sinsasabi n~g boong galác ang cadahilana't dumatíng siyá sa ganitong paniniwalâ. Sa ganito'y canyáng sinasabi:--Sa m~ga colegio sa amin ay isinásaysay na lahát sa wicang castila, catutubong wica n~g m~ga castila, at wicang hindi namin kilalá; cayâ n~ga't dahil dito'y kinakailan~gan naming magpumilit n~g higuit cay sa canilá sa pagpiga n~g pag-iísip, upang maunawà at maisaysáy ang isang bágay: at sa pagca't gaya n~ga n~g sinabi co na, na walang nakikitang ipinagcacaibang anó man n~g m~ga castilà at n~g m~ga indio sa m~ga colegio, at yamang gayo'y matáas ang pag-iísip namin cay sa canilá.--May pagmamasid pa siyáng guinawa, na sa canyá'y nagdagdag n~g pag-aalinlan~gan sa dating tagláy na niyá, tungcol sa cataasan n~g pag-iísip n~g m~ga castila. Guinawâ niya ang pagmamasíd, tungcol sa inaacála n~g m~ga castilang silá'y may carapatán sa lalong malalakíng paggalang at pagpapacumbaba n~g m~ga _indio_, sapagca't naniniwála ang m~ga itóng ang m~ga mapuputì, dahil lamang sa sila'y maputi, ay pawang ipinan~ganác sa isáng lúpang lalong magalíng cay sa lúpa n~g m~ga _indio_. Napagtanto n~g panahóng iyón ni Rizal, na ang paggalang at pagpapacumbabang iyón n~g m~ga _indio_ sa castila--sa pagca't siyang itinuro n~g m~ga castila sa m~ga _indio_--ay hindi lamang dahil sa ipinalálagay na pawang galing sila sa láhing matáas, cung di sa pagca't isang paraan upang maicublí ang tacot at ang malabis na pag-ibig sa sariling catawán. Ang tacot, sa pagca't sa tikís na pagamís na sa canila'y guinágawâ, ipinalálagay nilang ang m~ga mapuputî ay pan~ginoon nilá at siyáng sa canila'y nagmamay-ári; at ang malabis na sa canilang sarili'y pag-ibig, palibhasa'y caniláng napagkilala ang caugalian n~g m~ga europeo at napag-unawang dahil sa capalaluang taglay n~g m~ga ito, ay makikinabang sila cung sila'y magpakita n~g paimbabáw na pagpapacumbabâ, at gayon n~gâ ang canilang guinágawâ. Caya n~ga't hindi kinalulugdan cahi't camunti man n~g m~ga indio ang m~ga europeo: nan~gagpapacumbaba cung naháharap sa canila, n~guni't pinagtatawanán silá cung nan~gátatalicod, linílibac ang caniláng pan~gun~gusap, at hindi nagpapakita n~g cahit munting tandâ n~g paimbabáw na sa canila'y paggálang. Dahil sa hindi nataróc n~g m~ga castila ang túnay na caisipán n~g m~ga _indio_, samantalang napagtantong lubós n~g m~ga _indio_ ang tunay na caisipan n~g m~ga castila, ipinalálagay ni Rizal na mahina ang pag-iísip n~g m~ga mapuputi cay sa canyang m~ga cababayan..... Nang siya'y panahong bata pa, cailan mang marírinig ó mababasa niya ang pagpapalagay n~g m~ga mapuputi sa canyáng láhi ay napopoot, napúpunô ang canyang púso n~g gálit; n~gayo'y hindi na nangyayari sa canya itó; sa pagca't cung nárirín~gig niyá ang gayón ding m~ga pagpapalagáy, nagcacasiyá na lámang siyá sa pagn~giti at isinasaalaala niya ang casabiháng francés: "_tout comprendre, c'est tout pardonner._[5]" Ang maílab na mithî ni Rizal na mapaunlacán ang canyáng láhî ang siyáng totoong nacapag-udyóc sa canyá sa pagsusumakit sa pag-aaral hangáng sa canyáng tamuhín ang lubháng maningníng at maraming m~ga pangulong ganting pálà n~g colegio, na sino ma'y waláng nacahiguít. Dinalá si Rizal n~g canyáng casipagan hangáng sa magsanay sa _escultura_[6] n~g waláng nagtutúrò. N~g panahóng iyó'y gumawâ siyá n~g isáng magandáng larawan n~g Virgeng María, na ang guinamit niyá'y ang matigás na cahoy na baticulíng at ang ipinag-ukit niya'y isang caraniwang _cortaplumas_ lámang. Nang makita n~g canyáng m~ga maestrong párì ang cahan~gahan~gang larawang iyán ay tinanóng nilá siyá cung macagagawâ namán n~g isáng larawan n~g mahál na púsò ni Jesús; napaoo siyá, at hindî nalaon at canyang niyárì at ibinigáy sa nagpagawâ sa canyá, na totoong kinalugdan ding gaya n~g una. Nang ica 5 n~g Diciembre n~g taóng 1875 ay kinathà niya at binasa sa isáng malakíng cafiestahan sa Ateneo ang isang tulâ, na pinuri n~g lahát, na ang pamagat ay El Embarque (_Himno á la flota de Magallanes_.)[7] Nag-aaral siyá n~g icalimáng taón n~g bachillerato sa Ateneo Municipal n~g cathain niyá ang isang tulâ na canyáng pinamagatáng: _Por la educación recibe lustre la Pátria_.[8] N~g bahagyà pa lamang tumutuntong siya sa icalabíng anim na taóng gulang ay nagtamó siyá n~g títulong _Bachiller en Artes_. Nárito ang talaan n~g canyáng m~ga pinag-aralan mulâ n~g taóng 1877, at ang m~ga tinamó niyang _calificación_: 1871-1872. Aritmética................ Sobresaliente 1872-1873. Latín unang taón.......... Sobresaliente 1872-1873. Castellano................ Sobresaliente 1872-1873. Griego.................... Sobresaliente 1873-1874. Latín, unang taón......... Sobresaliente 1873-1874. Castellano................ Sobresaliente 1873-1874. Griego.................... Sobresaliente 1873-1874. Geografía Universal....... Sobresaliente 1874-1875. Latín, tercer curso....... Sobresaliente 1874-1875. Castellano................ Sobresaliente 1874-1875. Griego.................... Sobresaliente 1874-1875. Historia Universal........ Sobresaliente 1874-1875. Historia n~g España at Filipinas............................ Sobresaliente 1874-1875. Aritmética at Algebra..... Sobresaliente 1875-1876. Retórica at Poética....... Sobresaliente 1875-1876. Francés................... Sobresaliente 1875-1876. Geometría at Trigonometría........................ Sobresaliente 1875-1876. Filosofía, unang taón..... Sobresaliente 1876-1877. Filosofía, icalawang taón................................. Sobresaliente 1876-1877. Mineralogía at Química.............................. Sobresaliente 1876-1877. Física.................... Sobresaliente 1876-1877. Botánica at Zoología...... Sobresaliente Bachiller en Artes n~g 14 n~g Marzo n~g 1877....................... Sobresaliente * * * * * Lumipat si Rizal sa Universidad n~g Santo Tomás n~g Junio n~g 1877, at doo'y pinag-aralan ang Cosmología metafísica, Teodicea at Historia n~g Filosofía. Pinasimulan ang pag-aaral n~g Medicina (pangagamót) n~g taóng 1878. Canyáng pinag-aralan sa Universidad ang Física, Química, Historia Natural, Anatomía, Disección, Fisiología, Higiene privada, Higiene pública, Patología general terapeútica, Operaciones, Patología médica, Patología quirúrgica, Obstetricia. N~g taóng 1879 ay nagtatag ang _Liceo Artístico-Literario_ sa Maynila n~g isáng certamen upang bigyáng unlác ang sino mang macapagharáp n~g lalong magandáng catháng _prosa_ ó tulâ. Ang bumuboò n~g Jurado[9] ay pawang m~ga castílà. Nagharáp si Rizal n~g isáng tuláng _Oda_, na ang pamagát ay A la Juventud Filipina, at bagá man maraming m~ga castílà at tagalog ang nan~gagsipagharáp n~g canicanilang gawâ, si Rizal ang nagcamít n~g pan~gulong ganting-pálà. Nang taóng sumunod, 1880, nagtatag na mulî ang _Liceo Artístico-Literario_ ring yaón n~g isa pang _certamen_, bilang alaala sa caarawán n~g pagcamatáy ni Cervantes. Pawang m~ga castílà ang bumubóò n~g Jurado. Si Rizal ang nagtamó n~g pan~gulong gantíng-pálà, sapagca't ang cathâ niya'y siyang lalong magandá at mainam sa lahat n~g m~ga catháng iniharáp sa certameng iyón n~g maraming m~ga periodistang castílà at m~ga bantóg na fraile sa carunun~gang pawang m~ga castila rin. El Consejo de los Dioses[10] ang cathang iniharáp ni Rizal, at ang tinangáp niyang pan~gulong ganting-pálà'y isang sinsíng na guintô, na larawan ni Cervantes ang tampóc. Ang castilang si Don N. del Puzo, pantás na catúlong n~g m~ga mánunulat sa _Diario de Manila_, ang nacacuha n~g pan~galawang ganting-pálà. N~g taón ding iyóng 1880, bago pa lamang catatangap ni Rizal n~g sinabi n~g ganting-pálà ay náparoon siya sa palacio n~g Malacanyang, at talagang magsasacdal sana cay Primo de Rivera, Gobernador at Capitán General nitong Filipinas, dahil sa n~g isang gabing n~gitn~git n~g dilím ay siya'y tinampalasan at sinugatan n~g Guardia Civil, sapagca't nagdaan siyá sa tabí n~g isáng _bulto_ ay hindî siyá nacapagpugay, at ang _bulto_ paláng iyón, na hindi niya nakilala, dahil sa cadilimán n~g gabí, ay ang tenienteng namiminúnó sa isang _destacamento_; sinugatan siya n~g waláng anó-anó, na dî man lamang siyá, pinagsabihan n~g anó man. Hindî niyá nácausap ang Capitán general at hindî siyá nagtamó n~g minímithing pagwawaguí n~g catowiran. Nang ica 6 n~g hapon, icawaló n~g Diciembre n~g taóng 1880, ay pinalabás sa Ateneo Municipal n~g Maynila ang isang melodramang wícang castílà, na ang pamagát ay Junto al Pasig[11], cathâ ni Rizal, na presidente n~g _Academia de la Literatura Castellana_ sa Maynílà n~g panahóng iyón, at música ni Don Blás Echegoyen. Ang m~ga nagsilabás sa melodramang iyón ay ang m~ga sumusunod: _Leónido_........Isidro Perez. _Cándido_........Antonio Fuentes. _Pascual_........Aquiles R. de Luzuriaga. _Satán_..........Julio Llorente. _Angel_..........Pedro Carranceja. _Coro n~g m~ga diablo_ Caramihang estudiante at ang isa sa canila'y si Vicente Elio. Di maulatang m~ga pagpupuri ang inihandog cay Rizal n~g lubháng maraming guinoong nanood n~g melodramang iyón. Sapagca't sa araw-araw ay nilílibac at nilalait n~g isang fraileng profesor sa Universidad ang m~ga estudiante, hindî nacatiís si Rizal, ipinagsangaláng niyá ang canyáng m~ga casamahán sa isáng mahigpít n~guni't mapitagang pan~gan~gatwiran, at ang naguing casaguta'y ang panunumpâ n~g canyáng catedrático, na cailán ma'y hindi niya palálabasin si Rizal sa alín mang exámen. Dahil sa nangyaring iyo'y minagalíng ni Rizal ang pasá España at doón magpatuloy n~g pag-aaral, at sapagca't sumang-ayon ang canyáng ama't iná, siya'y lumulan sa vapor na ang tun~go'y sa Barcelona, n~g ica 3 n~g Mayo n~g 1882, na puspós n~g pighatî ang cálolwa. ¡Sa Calambâ [Laguna] ay nilisan niya ang canyang m~ga pinacamumutyang amá, iná at m~ga capatíd; sa Camilíng ay ang maalab na sinisintang si Leonor Rivera, magandang dalagang ang larawa'y háwig na háwig sa matimyás na si Maria Clara sa Noli me Tangere, at saca napalayô siyá sa pinacaiibig na Bayang Filipinas! * * * * * Dumatíng si Rizal sa Barcelona, (España) n~g m~ga unang araw n~g Junio n~g 1882, at hindî pa halos nacapagpapahin~gá sa gayóng matagál na pagdaragat, sinulat na niyá ang unang _artículo_[12], na pinaglagdaan niya n~g canyáng m~ga damdamin. Pinan~galanan niya ang _artículong_ yaón n~g El Amor Patrio[13], may taglay na fechang _Junio n~g 1882_, at finirmahán niyá n~g pamagát na Laong-Laan, saca ipinadalá niyá sa Diariong Tagalog[14], at inilathálà sa pámahayagang itó n~g icá 20 n~g Agosto n~g 1882. Pakinggan natin cung anó ang pasiyá n~g isáng castílà, ni D. Wenceslao E. Retana, na nagpamagát si canyáng m~ga ilinalathálà sa m~ga pámahayagan, n~g _Desengaños_, tungcól sa kasulatang sinasabi co: "Marahil ay nacainís ca canyá (cay Rizal) ang Barcelona; marahil ay nacapamanglaw at nakapágpalungcot sa canyá ang malakíng pan~gulong bayan n~g Cataluña, n~g canyáng mámasid na doo'y may lubós na calayâan ang cálahatlahátang m~ga mithî, sa pagdidilidiling doo'y waláng m~ga _inquisidor_[15] ang ísip; datapwa't sa Maynila'y mayroon. Bagá man talastás niyáng totoong caraniwang gamit na, gayón ma'y guinawâ rin ni Rizal sa isáng pananalitáng malungcót, at may hawig na isipín, n~guni't halos laguing mabanayad, palibhasa'y _mithi ang macatulong n~g cahi't dukha n~guni't maalab na pag-anib_. "Tulad sa m~ga hebreo n~g una ani Rizal--na inihahandog sa templo ang m~ga unang bun~ga n~g caniláng pag-ibig, camí, dito sa lupa ng iba, iaálay namin ang m~ga unang pananalitâ sa áming báyang nababalot n~g _m~ga alapáap_ at _n~g m~ga ulap n~g umaga_, na hindî nagmamaliw ang cagandaha't hiwagang anyô at kaligaligaya; n~guni't lálò n~g pinacasísinta, samantalang sa canya'y pumapanaw at lumálayô," Sa ganáng cay RizaL--ani Retana--ang España'y lupa ng iba; sa ganáng kanyá'y walâ n~g _bayang sarili_ (pátria) cung dì ang Filipinas. Hindî sumasaísip niyà ang _maliit na bayang sarili_ ("pátria chica") at ang _malaking báyang sarili_ ("pátria grande") na totoong caraniwan na nitong m~ga hulíng nagdaang taón; ang _maliit_ ay ang báyan, ang lalawigan ó cung dilî cayá'y ang isáng panig: at ang _malaki_ ay ang boong nación, sampô n~g m~ga ibáng lupaíng nasásacop, cahi't anóng pagcalayô-láyò ang kinálalagyan. Ang _malakíng bayang sarili_, kung sa isáng filipinong tunay na nakikianib sa España ay walâ n~g iba kung dî ang lupaíng España, na calakíp ang canyáng m~ga nasasacop sa cabilang ibayo n~g dagat, at ang _maliit_ ay ang panig. N~guni't cay Rizal ay waláng _maliit_ ó _malaking bayang sarili_, cung dî Bayang sarili; na sa ganáng canyá'y hindî ang Calambâ, hindî ang m~ga bayang ang salita'y wikang tagalog, hindî man lamang ang pulô n~g Lusóng, cung dî ang capisanan n~g m~ga pulóng nátuclasan ni Magallanes. Hindî lamang ito: sa ganáng cay Rizal, ang España'y hindî _inang bayan_; ito'y marahil ay sa mestizong castílà, sa m~ga may dugóng castílà; datapwa't hindî sa táong may dugóng dalisay n~g tagá casilan~ganan ... "Hindî malimutan niyá, ang sariling lúpà:--"Naroroon [ang sabi ni Rizal] ang m~ga unang gunitaing nangyari n~g panahong camusmusan, masayáng _hadang_[16] kilalá lamang n~g cabataan sapagca't doo'y natutulog ang boong isang panahong nacaraan na [_ang bayang may casarinlan_] at na-aaninagnagan ang panahóng dárating [_ang catubusan n~g lahi sa pamamag-itan n~g pag-aaral_]; sapagca't sa canyáng m~ga cagubátan at sa canyáng m~ga damuhán, sa bawa't cáhoy, sa bawa't bulaclac, namamasdán ninyóng naúukit ang alaala sa alín man táong inyóng guiniguiliw, na gaya rin n~g canyáng hinin~gá sa han~ging may taglay na ban~gó, na gaya n~g canyáng awit sa lagaslás n~g m~ga batis, na gaya n~g canyáng n~gitî sa bahaghari n~g lan~git ó n~g canyang m~ga buntóng-hinin~gá sa hindî mapagwáring daíng n~g han~gin sa gabí ..."--Ang ganitóng m~ga pananalita'y talagang cay Rizal; ilála sa macahulugán, sa may tinutucoy ang m~ga pananalitáng may hímig n~g hiwágà, ito n~gâ ang anyô n~g canyáng pagsulat, ang canyáng caugalian, at halos waláng makikitang bagay na prosa[17] ó tulâ na canyáng kinathâ na hindî itó ang námamasid; na ang bawa't may ísip, cahi't caraniwan lámang ang tálas ay agád mapagwawárì sa m~ga súlat ni Rizal, ang m~ga caisipán sa pamamayang naghaharì sa budhî n~g lubhang mairuguíng yaón sa kinaguisnang lúpà--"¡Hindî nacácatcat cailán man (aní Rizal) ang pagsintá sa kinamulatang lúpà, pagcâ ang pagsintáng ito'y nacapasoc sa pusò: sapagca't talagang tagláy na niyá ang tatác n~g Lan~git na siyáng ikinapaguiguing waláng catapusán at pagcawaláng pagcasírà."--At isinunod pagdaca ang ganitóng m~ga sabi, na anaki ibig niyang palacsín ang loob at itaimtím sa púsò n~g m~ga táong pinagtatalaghán n~g casulatang iyón ang pag-íbig sa kinamulatang lúpà:--"Cailán ma'y casabiháng ang pagsinta ang siyáng lalong macapangyarihang nag-uudyoc n~g m~ga cagagawang lalong dakilà; cung gayo'y talastasíng sa lahát n~g m~ga pagsinta, ang sa kinaguisnang bayan ang siyang nagbun~ga n~g m~ga gawáng lalong malalakí, lalong m~ga bayani at lalong waláng casíng dalisay. Basahin ninyó ang Historia" ... Pagcatapos na maisaysay sa iláng pangcát na totoong mataós at macatwiran ang pananalitâ, upang patotohanang sa buhay na ito'y pawang madalíng lumípas ang lahát: sinabi naman niyá, ang nangyayari pag laganap n~g sigáw na _¡ang kinamulatang lupa'y sumasapan~ganib!_ ang sarisaring pagpapacahirap at paghahayin n~g buhay na kinacailan~gang gawín.... Datapwa't _¡hindi cailan~gan! ¡Ipinagsangaláng ang nagbigáy búhay; ¡gumanáp n~g isang catungculan! Si Codro ó si Leónidas,_[18], _ang cahi't sino man, ¡ang kinaguisnang baya'y matututong sa canyá'y mag-alaala!_ "At parang naguguniguni na niya ang sa kanya'y mangyayari, isinulat ni Rizal ang ganito: "_Magháyin ang ibá n~g canyáng cabatáan; ibinigay namán n~g ibá sa sariling bayan ang m~ga ningning n~g canyang mataas na pag-iísip_ at ang ibá namá'y _nagbúhos n~g canyáng dugo_; namatáy ang lahàt at nagpamana sa kinaguisnang bayan n~g lubháng malakíng cayamanan: ang _calayaan_ at ang _caran~galan_. ¿At anó naman ang guinawâ sa canilá n~g tinubuang lúpà? Tinatan~gisan silá at _inihaharap n~g boong_ calakhán n~g loob sa sangcataohan; sa panahóng sasapit at sa canyáng m~ga anác, upang _mapagcunang uliran_".--Si Rizal ay isang manunulat na sa anyó'y hindî tumutucoy, n~guni't cung wawarîing magalíng ay lubháng mapagpatungcol n~g sinásalitâ; at cung ilalim pa ang pagsisiyasat sa lahat n~g canyáng m~ga sinulat, hindî lamang náaaninag ang canyang tan~ging budhî, cung dî hinuhulàan namán niyá ang canyáng gágawin at ang sa canyá'y mangyayari. At para manding tagláy niyá ang isang catungculang sa canyá'y ipinagcatiwalà n~g Dios upang ganapín sa ibabaw n~g lúpâ, cayá't pagca tiguíb ang calolowa niya n~g caisipán ni Tolstoi ay nang-aakit siya sa capayapàan, at cung nag-aalab naman sa canyá ang m~ga mithîin ni Napoleón ay iniuudyóc namán niyá sa canyáng m~ga cababayan ang pakikibaca, at wináwacasán n~g ganitóng pananalitâ: "¡Oh kinaguisnang lúpà!... Mulâ cay Jesucristong puspós n~g ganap na pagsintá, na naparito sa mundo sa icagagaling n~g sangcataohan, at _nagpacamatay dahil sa sangcataohang iyan, sa pan~galan n~g cautusan n~g canyáng tinubuang bayan_, magpahangang sa lálong m~ga hindî kilaláng nan~gamatáy dahil sa m~ga _revolución_[19] n~g m~ga panahong ito, gaáno carami, ¡ay! ang m~ga nagcahirap at namatay sa iyong pan~galang kinamcám n~g m~ga ibá! ¡Gaano carami ang _ipinahámac_ "n~g pagtataním n~g galit", n~g casakimán ó n~g cahan~galan, na _n~g nalalagot na ang hinin~ga'y hinandugán ca n~g pagpupuri at sa iyo'y minithi ang lahát n~g bagay na cagandahang palad_. Magandá at dakílà n~gâ ang tinubuang lúpà, pagcâ ang canyáng m~ga anác _sa sigaw n~g pagbabaca ay nan~gagdudumali sa pagsasanggalang, sa dating lupain n~g caniláng magugulang; mabangis_ at palálò pagca mulà sa carurucan n~g canyáng trono'y _napapanood na tumatacas ang tagaibang lúpa sa udyóc n~g malakíng tácot sa pagcakita sa bayáning hucbó n~g canyáng m~ga anác_, n~guni't _pagca nagpapatayan_ ang canyáng m~ga anác, palibhasa'y nan~gagcacabahabahagui sa nagcacalabánlabáng m~ga pulutóng; pagca ipinagwawasacan ang m~ga halamanan, ang m~ga bayan at ang m~ga ciudad n~g poot at pagtataniman; pagcacágayo'y sa canyáng cahihiyan ay pinupunit ang balabal at itinatapon ang cetro at nagdaramit n~g maitim na lucsâ sa canyáng m~ga anác na namatáy. Pacasintahín n~ga natin siyá magpacailán man, anó man ang ating cahinatnan, at howag tayong human~gad n~g ibang bagay cung dî ang canyang _icágagaling_. Cung magcagayo'y macatutupad tayo n~g alinsunod sa tacdâ n~g Dios na dapat na cauculan n~g sangcataohan, na dî ibá cung dî ang cahusayan at capayapaan n~g lahát n~g canyáng m~ga kinapál. ¡Cayóng páwang nawalán na n~g mithîin ang calolowa; cayóng nan~gasugatan sa púso't isa-isang nakita ninyóng nanglagas ang m~ga pag-asang caaliw-aliw, at cawan~gis n~g m~ga cahoy cung panahong tagguináw, n~gayóng salát cayó sa bulaclác at gayón din sa m~ga dáhon, at bagá man nais ninyó ang umibig, n~guni't walâ, cayóng másumpong na sa inyo'y carápatdápat; nariyan ang tinubuang lúpà! ¡Siya'y inyóng sintahín! Siya'y inyóng sintahín, ¡oh, siyá n~gâ! datapwa't hindî na cawan~gis sa pagsintá sa tinubuang lúpà n~g unang panahóng gumáganap n~g m~ga mababan~gís na pagbabanál, na ipinagbabawal at minámasama n~g tunay at dalisay na magandáng caugalian at n~g inang Naturaleza[20]; na howag ipagmagalíng ang malíng sigábo n~g budhî, n~g pagwawasác at n~g calupitán; hindî, "lálong caayaáyang pagbubucáng liway-wáy ang sumisilang sa abót n~g tanáw", masasanghayâ at m~ga payapang ilaw, na súgò n~g buhay at capayapaan; sa cawacasa'y ang liwayway na tunay n~g cacristianuhan, tagapagbalitang pan~gunahin n~g maliligaya at panátag na m~ga áraw. Catungculan n~ga natin ang manuntón sa mahirap lacaran, n~guni't tahimic at mapagbigay pakinabang sa landas n~g Dunong na patun~go sa "Pagcasulong" at mulà riya'y "sa pagcacaisang mithî at hinihin~gî ni Jesucristo sa gabí n~g canyang pagcacasákit." "Gumawa n~g sariling bayan n~g sariling bayan cahi't gaano man ang maguing cahalagahan ang siyang lalong masilacbóng nais ni Rizal, n~gunit carapatdapat na sariling bayan...." At siyang catotohanan ayon sa canyang, m~ga guinawâ. Hindî nag tagal si "Rizal" sa Barcelona. Sumasa Madrid na siya n~g unang araw n~g Octubre n~g sinabi n~g taóng 1882. Sabay niyáng pinag-aralan ang _Medicina_ at saca ang _Filosofía_ at _Letras_. Natapos ang pag-aaral niya n~g panggagamot at nagtamó siya n~g títulong Licenciado sa Medicina n~g ica 21 n~g Junio n~g 1884, at n~g 19 n~g Junio n~g 1885, araw n~g capan~ganacan sa canya ay canyang tinamó namán ang títulong pagca Licenciado sa Filosofía at Letras at gayon din ang pagca Doctor sa Medicina. Natutuhan ni Rizal ang m~ga wicang sumusunod: tagalog, castílà, latin, francés, italiano, inglés, alemán, ruso, japonés, holandés, griego, hebreo, àrabe, sanskrito, portugués, catalán, sueco at insíc. Samantalang nag-aaral si Rizal ay pinagmámasid naman niya ang caugalian at anyô n~g m~ga castílà. Nangaling si Rizal sa isáng bayang linúluklucan n~g pagbabanalbanalan, n~g dî wastóng m~ga pananampalataya, n~g m~ga paggugol n~g salapî upang yumaman at macagumon sa lugód at layaw ang m~ga walang ibang gawâ cung dî ang mangdayà sa m~ga han~gal ...; galing si Rizal sa isang bayang sa calolwa't catawan ay may walang hangang capangyarihan ang m~ga fraile, militar, empleado at castílà. Sa Madrid ay nakita niyáng hindî gayón: linílibac n~g m~ga _librepensador_[21] at n~g m~ga _aleo_[22] n~g boong calayàan ang canilang religióng católica apostólica romana at ang canilang iglesia católica-apostólica romana; námasid niyáng maliit na totoo ang capanyarihan doon n~g Gobierno; hindî niya napanood ang acala niyang mangyayáring pagtatálotalo n~g m~ga "liberal"[23] at n~g m~ga "clerical"[24]; bagcos pa n~ga niyang nákitang madalás na naglalámbal at nagcacáisa ang m~ga "republicano"[25] at ang m~ga "carlista"[26] upang canilang masunduan ang anó mang ninanais. Nagdamdam si Rizal n~g malaking sacláp n~g loob n~g canyang pagsumaguin ang walang hadlang na anó mang pagtatamasa n~g m~ga calayàan sa España, at ang capanyarihang calakilakihan n~g m~ga fraile sa Filipinas, na siyang bumíbigti sa lahing cáymangui. Pinagpilitan niyang makilala ang anyô n~g m~ga iba't ibang "partido político"[27] sa España at napag-unawa niyang hindî carapatdapat purihin ang m~ga europeo tungcól sa bagay na ito. Nakita niyang ang bawa't partido, ang lahat n~g partido ay may magaganda at cainam-inamang m~ga palatuntunan; datapwa't nahiwatigan niyáng baga man may man~gisan~gisang nagpapagal sa udyok n~g lalong wagás at dalisay na han~gád, n~guni't hálos ang lahat ay walang pinagsisicapan cung dî ang saríling cagalin~gan. Samantalang hindî pa nan~gapapahalál sa matataas na catungculang minimithî, totoong sinusuyò ang m~ga táong manghahalál, at sa canila'y ipinan~gan~gacò ang lubhang maraming bagay, at cung macamtan na ang han~gád ay hindî guinaganap ang pan~gacò at linilimot na tikís ang m~ga naghalal sa canila. Marami sa m~ga manghahalal na ibinibigay ang caniláng voto, hindi sa táong tunay na may carapatán, cung dî sa nakiusap sa canila n~g hindî nilá mahiyáng canilang pinapan~ginoon; na hindî ang tunay na may m~ga nagawang cagalin~gan n~g isang táo sa bayan ang canilang tinitingnan, cung dî cung ang taong iya'y mainam magsasalitâ, marikít magtalumpatì, magalíng sumúyo ó nacagaganting pálà n~g salapî ó iba pang pagbibiyayâ; na ang siyam na po't siyam sa sandaang europeo'y naniniwalà sa m~ga sinasabi sa canilá n~g m~ga pamahayagan, na hindî man lamang sinisiyasat cung yao'y totoo ó hindî, cung na sa catwiran ó walâ sa catowiran; sa isáng salitâ: nakita niyáng cawan~gis din n~g m~ga táong báyan dito ang m~ga táong báyan doón. Walang anó mang inilathalà si Rizal na anó mang casulatan, mula n~g canyang lihamin n~g 1882 ang "El Amor Patrio," hangang sa taong 1884, datapowa't hindî siya naglilicat n~g pakikipagsulatan sa canyang m~ga cababayan, lalonglalò na sa m~ga nag-aaral, at ang m~ga sulat niya'y binabasa n~g lahat n~g boong pag-ibig at pangguiguilalás, dahil sa canyang bayaning pagbibigáy ulirán sa pagsintá sa tinubuang lúpá. Nang 25 n~g Junio n~g taóng 1884 ay nagtalumpatì si Rizal sa isang piguíng na guinawa sa Madrid, sa pagpapaunlác cay guinoong Juan Luna, bantóg na pintor ilocano, dahil sa pagtatamó n~g pan~gulong "premio" sa "Exposición" n~g canyang balitang "cuadro," na ang pamagat ay "Spoliarium", at cay guinoong Felix Resurreccion Hidalgo, na taga Filipinas din, at mabuti rin namang pintor. Guinawâ ang piguíng na iyón sa Restaurant Inglés, pinasimulán n~g icasiyam na oras n~g gabî at may m~ga anim na pong táo ang nagsalosalo. Nan~gulo sa mesa--alinsnnod sa sabi n~g "El Imparcial", sa Madrid, n~g ica 26 n~g Junio n~g 1881--si pintor Luna; nan~gagsiupô sa dacong canan niya si na señor Labra, Correa, Nin y Tudó at sa caliwa niya'y si na señor Moret, Aguilera at Mellado (D. Andrés). Nan~gagsiupô rin doon si na señor Morayta, Regidor, Azcárraga (D. Manuel de), Araus, Fernández Bremón, Paterno (Alejandro, Antonio at Máximo,) Vigil, del Val, Moya, Cárdenas, Govantes, Rico, Gutiérrez, Abascal, Ansorena, García-Gómez, López Jaena, Más (pintor valenciano), Fernández Labrador (cubano), Rodriguez Correa at iba't iba pang maraming pintor, literato at periodista. Nagtindig si Rizal at siya ang náunang nanalitâ; minamasdan siyá n~g lahát; sa caymanguing mukhâ niya'y umaalab ang nin~gas n~g masilacbóng pagsinta sa tinubuang lúpà, at sacâ nagsaysay siyá n~g isáng talumpating hindî mapagwari cung alin ang lalong maganda: cung ang cahan~gahan~gang pagsintá sa tinubuang lupang numiningning sa talumpating iyón, ó ang cagandagandahang pagcacaanyô-anyô n~g m~ga salitâ. Pagsisicapan cong isatagalog ang talumpating iyón; bagaman talastás cong dukhâ ang aking panític at cúlang ang wica natin sa casaganaan n~g wicang castilàng guinamit ni Rizal sa gayóng pananalitâ: n~guni't mamalakhín co na cung maipakilala sa bumabasang irog ang cahi't culabóng anino n~g masilacbo't caligaligayang pananalitâ n~g ating capatid na Martir sa Bagumbayan. Pasisimulan co: "Mañga guinoo: Sa paggamit n~g pananalita'y hindî nacapag-aalinlan~gan sa akin ang tacot na bacâ pakingán ninyo acó n~g boong pag-wawaláng bahálà; naparito cayó't n~g inyóng ipanig sa sigabo n~g aming mithî ang simbuyó n~g mithî ninyóng panghicayat sa cabatáan, cayâ n~ga't waláng salang cayo'y matututong magpaumanhín. M~ga panghalinang simoy n~g pag-iibigan ang siyáng lumalaganap sa aláng-álang; m~ga ágos n~g pagcacapatiran ang siyang lumílipad na nagcacasalusalubong; m~ga calolowang masintahin ang nakíkínig, at dahil dito'y hindî acó nag-aalap-ap sa aking abáng cataohan at hindî namán acó nag-aalap-ap sa cagandahan n~g inyong loob. Palibhasa'y m~ga táo cayóng may púsò, walâ cayóng hinahanap cung dî m~ga púsò rin, at buhat sa caitaasang iyang pinamamahayan n~g m~ga damdaming mahál, hindî ninyo hinahálatâ ang m~ga walang cabuluháng pan~git na budhî; nalalaganapan n~g inyong titig ang cabooan; pinasisiyahan niyá ang naguiguing dahil at inilalatag ninyó ang camáy sa cawan~gis cong nagnanasang makipanig sa inyó sa isá lamang adhicâ, sa isa lamang mithî: ang dan~gál n~g dakílang ísip, ang ningning n~g tinubuang lúpà. ("Magaling, totoong magaling; pacpacan.") "Ito n~ga ang cadahilanan cayâ cayó'y nan~gagcacapisan n~gayón. May m~ga pan~galan sa historia n~g m~ga bayang sila lamang ay nagpapakilala na n~g isáng nangyari at nagpapaalaala n~g m~ga pagguiguiliwan at n~g m~ga cadakilaan; m~ga pan~galang wan~gis sa isáng cababalagháng hiwágà na nagháharap sa ating m~ga matá n~g m~ga caisipáng caayaaya at caaliw-aliw; m~ga pan~galang ang kinaoowia'y isang pagcacásundô, isang saguísag n~g capayapâan, isáng tálì n~g pagsisintáhan n~g m~ga nación. Nauucol sa m~ga ganitó ang m~ga pan~galan ni Luna at ni Hidalgo: nililiwanagan n~g caniláng m~ga caran~galan ang dalawáng dúlo n~g daigdig: ang Casilan~ganan at ang Calunuran: ang España at Filipinas. Sa pagsasalitâ co n~g dalawáng pan~galang ito'y nakikinikinitá co ang dalawang nagníningning na balantóc na nagmumula capowa sa magcabicábilang dacong iyon at nagcacalicaw, pagdating sa caitaasan, sa udyóc n~g pagguiguiliwán n~g iisáng pinangalin~gan, at buhat sa caitaasang iya'y papapag-isahín ang "dalawang bayan" sa pamamag-itan n~g walang catapusáng pagcacáisa, "dalawang bayang "magcacambal cahi't papaghiwalayin n~g m~ga dagat at n~g calayuan; "dalawang báyang" hindî sibulán nang "m~ga binhî n~g paghihiwalay na itinatanim n~g m~ga nabubulagang tao at n~g caniláng calupitán." Capowa capurihán si Luna't si Hidalgo n~g España't n~g Filipinas; sa pagcá't cung ipinan~ganác man silá sa Filipinas ay mangyayari rin namáng maipan~ganác sa España. Waláng sariling bayan ang cataasan n~g ísip; ang cataasan n~g isip ay tulad sa ilaw, sa han~gin; pag-aari n~g lahát; walang sariling bayang gaya n~g alang-alang, gaya n~g buhay at gaya n~g Dios. "(M~ga pacpacan)" "Lumilipas na sa Filipinas ang matatandang caugalian; ang maririn~gal na gawa n~g canyang m~ga anác ay hindî na nangyayari lamang sa loob n~g sariling bahay; iniiwan na n~g paróparóng silan~gan ang sariling bahay; sa m~ga lupaing yao'y ipinakikilala na ang paguumaga n~g isáng mahabang araw, sa pamamag-itan n~g maniningning na cúlay at namumulamulang pagbubucang liwayway, at ang láhing iyóng nagugulaylay sa boong gabí n~g historia, samantalang lumiliuanag ang araw sa ibá't ibáng lupaín, mulî n~gayóng gumiguising na kumíkinig sa untóg n~g electricidad na sa canyá'y gumibíc sa pakikipanayám sa m~ga bayang calunuran, at "hinihin~gî ang ilaw, ang buhay ang civilizacióng" n~g una'y caniláng minana na pinapagtibay ang waláng catapusáng m~ga lagdâ n~g hindî naglilicat na pag-gulong n~g panahón, n~g m~ga pagcacáiba't iba, n~g di nagmamaliw na paghahalihali, n~g pagsúlong." "Ito'y nalalaman ninyóng magalíng at ipinagdádan~gal na ninyó; cayó ang may gawâ n~g cagandahan n~g m~ga brillante n~g coronang taglay sa ulo n~g Filipinas; ang Filipinas ang nagbigay n~g m~ga bató, ang Europa ang kumikil at n~g numingníng. At pinanonood nating lahát n~g boong pagdiriwáng; cayo'y ang inyong yárì; cami'y ang nin~gas, ang lacás, ang m~ga batóng aming bigay. "(Mainam na totoo.)" "Ininóm nilá roón ang calugodlugod na talinghágà n~g Naturaleza; Naturalezang dakílà at cakilakilabot sa canyang pagwawasác, sa canyang paglacad na waláng humpáy, sa canyang hindî mapaglírip na lacás. Naturalezang matimyás, payápà at malungcot sa canyang m~ga pagsasaysay na hindî naglílicat at hindî nagbabago; inililimbag n~g Naturalezang ito ang canyáng tatác sa lahát n~g canyáng linalalang at ibinun~ga. Tagláy n~g canyáng m~ga anác ang tatac na iyán saán man silá pumaroón. Cung hindî pacasiyasatin ninyó ang caniláng m~ga ásal, ang caniláng m~ga gawâ, at cahi't babahagyâ man ang pagcakilala ninyó sa báyang iyón, makikita ninyóng na sa lahát na parang siyang bumubuò n~g canyáng dúnong, gaya n~g calolowang siyang namamatnugot sa lahát, cawan~gis n~g nagpapagaláw sa isáng máquina, túlad sa anyóng pan~gúlo, caparis n~g unang cagamitán. Hindî mangyayaring hindî sumilang ang talagang canyang dinaramdam, hindî mangyayaring siya'y maguing isáng bágay at ibáng bágay ang gawín; sa dacong ibabaw cung bagá man nagcacáiba, malicmátà lámang. Sa "Spoliarium", sa licuran n~g pinturang iyang hindî pipí ay naririn~gig ang caguluhan n~g maraming tao, ang sigawan n~g m~ga alipin, ang taguintin~gan n~g m~ga baluti't sandata n~g m~ga bangcáy, ang hagulhulan n~g pan~gun~gulila, ang m~ga híguing n~g dalan~gin, na napagwawari ang anyô at catotohanang tulad sa pagcarin~gíg sa dagundóng n~g culóg sa guitnâ n~g malacás na in~gay n~g malaking agos n~g tubig na bumabagsác mulâ sa mataas, ó ang pan~gin~giníg na nacalalaguim at cagulatgulat n~g lindól. Ang Naturalezang namamaguitnà sa pagcacaroon n~g m~ga bagay na iyon ay siya ríng namamaguitnà sa pincel na lumálagdâ n~g pintura. Bilang capalít nito'y tumítiboc sa cuadro ni Hidalgo ang isang totoong dalisay, pagpapakilalang lubós n~g calungcutan, n~g cagandahan at cahinaang pawang ipinahamac n~g maban~gís na lacás; at gayón, palibhasa'y inianác si Hidalgo sa silong n~g maningning na azúl n~g lan~git sa Filipinas, sa pagpapalayaw n~g mahinhing hihip n~g amihang galing sa m~ga caragatan doon, sa guitnâ n~g catahimican n~g doo'y m~ga dagatan, sa hiwagang caaliw-aliw n~g canyang m~ga capatagang lúpà at carikitdikitang pagcacaayos n~g canyang m~ga bundóc at n~g m~ga bundóc na nagcacatanitanicalâ. "Cayâ na cay Luna ang m~ga lilim, ang m~ga pagcacalabánlaban, ang m~ga naghihin~galong liwanag, ang talinghágà at ang cakilakilabot, bílang alin~gawn~gáw n~g madidilím na sigwá sa lupaíng mainit, n~g m~ga kidlát at n~g mauugong na pagbugá n~g canyáng m~ga volcán; cayâ cay Hidalgo'y pawang liwanag, m~ga culay, pagcacabagay-bagay, damdamin, aliwalas, cawan~gis n~g Filipinas sa m~ga gabíng may bwan, sa canyáng m~ga araw na tahimic, sa m~ga naaabot doon n~g tanáw, na pawang umaakit sa pagdidilidili at doo'y iníuugoy ang waláng catapusán. At ang dalawá, cahi't lubháng nagcacáiba, sa anyô man lamang, ay nagcacáisa cung ganáp na lilinin~gin; cawan~gis namán n~g pagcacaisá n~g ating m~ga púsong lahát, bagá man totoong nan~gagcacáiba: ang dalawáng itó, sa caniláng pagpapaaninaw, sa pamamag-itan n~g caniláng "paleta," n~g carikitdikitang sicat n~g araw n~g trópico[28], guinágawâ niláng m~ga sínag n~g dî maulátang capurihang canilang inililiguid sa canilang sariling bayan; _isinasaysay n~g dalawa ang tunay na calagayan n~g aming buhay sa pagsasamahan, sa asal na guinagamit at sa natutungcol sa pamamahala n~g calacarán n~g bayan_; ang cataohang pinapagtitiis n~g mabibigat na dalahin; ang cataohang hindi natutubos, _ang catowiran at ang mithing nakikitungáli n~g mahigpit sa m~ga di_ "wastong caisipán," _sa maling pananampalataya at sa m~ga licong cagagawán_, "sa pagca't ang m~ga damdamin at ang m~ga pasiya ay nacapaglalag-os sa lálong macacapal na cuta"; sa pagca't sa lahát n~g m~ga hadláng ay may napumumulusán, pawang nan~gan~ganinag, at cung hindî sila magcapluma, cung dî sila tulun~gan n~g limbagan, hindî lamang maghahandog n~g panglibang sa panin~gin ang canilang paleta at m~ga pincel, cung dî naman maguiguing mananalumpating totoong marikit manalitâ." Cung itinuturo n~g iná sa canyáng anác ang canyáng sariling wícà at n~g maunáwà ang canyáng m~ga catowáan, ang canyáng m~ga kinacailan~gan ó ang canyán~g m~ga pighatî; itinuturò namán n~g España sa Filipinas, sa canyáng pagcainá ang canyáng sariling wícà; "cahi man hinahádlan~gan niyáng m~ga bahagyâ na ang abo't n~g panin~gín at napacapandác ang pag-íisip," na sa canilang malabis na pagsusumicap na sumapanatag sila sa panahóng casalucuyang tinatawid, ay "_hindi nila mátanaw ang panahóng darating_ at hindî pinagtitimbangtimbang ang maguiguing bung~a n~g canilang guinagawâ;" m~ga sisiwang payát, "masasamáng ásal at m~ga pang-akit sa casamâang ásal", na waláng ibáng iniimbot cung dî ang inisín ang lahát n~g damdaming dalisay, at sa caniláng pagpapasamâ n~g púsò n~g m~ga bayan, "ay itinatanim nilá sa m~ga bayang iyán ang m~ga binhî n~g m~ga pagcacaalit at n~g sa panahong darating ay anihin ang bun~ga, ang lasong haláman, ang camatayan bagá n~g m~ga ipan~gán~ganác pang m~ga tao." "N~guni't ¡limutin natin ang m~ga capan~gitang ásal na iyán! ¡Capayapaan sa m~ga patáy, sapagca't páwang m~ga patáy na n~gâ; hindî na silá humihin~gâ, at sila'y kinacain na n~g m~ga u-od! ¡Howag nating tawaguin ang pag-aalaala sa canilá; howag nating dalhin dito sa guitnâ n~g ating m~ga casayahan ang canilang cabahúan! "Sa cagalin~gang palad ay lalong marami ang m~ga capatid; ang cagandaha't camahalan n~g loob ay pawang m~ga catutúbò sa sílong n~g lan~git n~g España: sa bagay na ito'y cayóng lahát ay m~ga sacsíng maliliwanag." Nangagcaisa cayó sa pagsagót; nan~gagsitulong cayó, at gumawâ cayó marahil n~g lalong malakí cung mayroon pa sana cayong magagawâ. Umupô cayó sa pakikisalamúhà sa aming pagsasalosalo, at sa inyòng pagbìbigay unlac sa maririlag na m~ga anác n~g Filipinas ay pinauunlacan namán ninyo ang España; sapagca't lubos na talastas ninyóng lahat, na hindî ang dagat Atlántico ang hanggahan n~g España; hindî rin namán ang dagat Cantábrico at ang dagat Mediterráneo--casirâang dan~gal n~gang tunay cung macahadláng ang tubig sa canyáng cadakilâan, sa canyáng isipan.--Narorooon ang España cung saan ipinararamdam ang canyáng pangpaguinhawang akit, at cahi't maalís man sacálì ang canyáng bandera, matitira rin ang sa canya'y pag-aalaalang hindî matatapos, hindî magmamaliw, ANO ANG MAGAGAWA NG CAPIRASONG DAMIT NA MAPULÁ AT MARILAW; ANONG MAGAGAWA NG MGA FUSIL AT NG MGA CAÑON SA BAYANG HINDI SIBULAN NG PAGSINTA AT PAGGUILIW; SA BAYANG HINDI NANGAGCACAYACAP ANG MGA MITHI, HINDI NANGAGCACAISA ANG PALATUNTUNAN NG ADHICA, HINDI NANGAGCACASANG-AYON ANG MGA PASIYA NG ISIP..? (Mahabang m~ga pacpacan.) Si Luna't si Hidalgo'y tunay n~gang inyó at tunay rin namang amin; sila'y inyóng sinisinta, at sa canila'y napapanood namin ang magagandang m~ga pag-asa, m~ga mahahalagang ulirán. Ang m~ga cabataang filipinong na sa Europa, na cailan may masigabo ang loob, at ilán pang m~ga taong nananatili ang m~ga púsò sa pagcabátà, palibhasa'y laguing gumagawâ n~g m~ga cagalin~gang dalisay sa udyóc n~g canilang malilinis na budhî, nan~gaghandog cay Luna n~g isáng corona, mahinhing alay, tunay n~gang maliit cung isusumag sa maalab naming nais, n~guni't siyáng lalong cúsà at siya namang lalong maláyà sa lahát n~g pag-aalay na guinawâ hanga n~gayón. Datapwa't hindî pa nasisiyahan ang Filipinas n~g pagkilalang utang na loob sa canyáng maririlág na m~ga anác, at sa pagcaibig niyáng maipakilalang ganáp ang m~ga caisipang umuulic sa canyáng budhî, ang m~ga damdaming sa puso'y umaawas, at ang m~ga salitáng tumatacas sa m~ga lábì, naparito tayong lahát sa piguìng na itó upang papag-isahin ang ating hán~gad, upang bigyang catuparan ang pagyayacapang iyán n~g DALAWANG LAHING nan~gagsisintahan at nan~gagiibigan, na nan~gagcacaisang may apat na raang taon na sa caasalan, sa pagpapanayam, at sa pamamayan, UPANG MANGYARING SA PANAHONG DARATING NA ANG DALAWANG LAHING IYA'Y MAGUING ISA LAMANG NACION SA BUDHI, sa canícanilang m~ga catungculan, sa canicanilang pitháyà, sa canicanilang m~ga taglay na biyáyà. (Pacpacan.) ¡Ipinagdíriwang co[29] ang ating m~ga artistang si Luna at si Hidalgo, capuriháng dalisay at wagás n~g DALAWANG BAYAN! ¡Ipinagdiriwang co ang m~ga táong sa canila'y tumulong upang sila'y macatagál sa lubháng mahirap na pagsalun~ga sa landás n~g Arte! ¡Ipinagdiriwang co, at n~g uliranin n~g cabataang filipino, na "inaasahang mahál n~g AKING SARILING BAYAN[30] ang gayóng m~ga cagandagandahang m~ga halimbáwà at n~g ang _ináng España_[31], na mapagsicap at mapagmalasákit sa icagágaling n~g canyáng m~ga lalawigan, "pagdaca'y gawín ang m~ga pagbabagong utos na malaon n~g panahóng pinag-íisip"; may daan na n~g araro at ang lupa'y hindî cutad. ¡At îpinagdíriwang co, sa cawacasán, ang ililigaya niyong m~ga magulang na sa canilang pan~gun~gulila sa guiliw niláng m~ga anác, mulâ sa lubhang malayong lupaing caniláng tinátahana'y sinusundan n~g titig, na basâ n~g lúhà at n~g púsong tumítibóc na naglálagos sa m~ga dagat at sa calayuan, at "inihahayin sa altar n~g icagagalîng n~g lahát ang m~ga matimyas na caaliwang totoong nagsasalat pagdating sa dacong calunuran n~g buhay", mahahalagá't m~ga bugtóng na bulaclác sa panahóng tagguináw na sumisilang sa m~ga pampan~gin n~g libin~gan!--(Masilacbóng m~ga pacpacan; masigabong m~ga pagpupuri sa nagtalumpatî.) Sumunod na nan~gag talumpatì si López Jaena [na pinintasán n~g dî cawásà ang m~ga fraile], si Govantes, Cárdenas, Del Val, iláng m~ga filipino, si Nin y Tudo, Más, Azcárraga, Luna (nagpasalamat), Regìdor, Fernández Labrador, Labra, Azcárraga (muling pagtatalumpatì), Morayta, Rodriguez Correa at Moret. Natapos ang piguíng n~g ica 12 n~g gabî. Pakingan natin n~gayón ang salítà n~g castilang si D. Wenceslao E. Retana tungcol sa talumpatî ni Rizal. Ganitó ang canyang sinabi: "Hindî n~g n~gâ macahihin~gî n~g higuít pa sa ritong cagandahan n~g pagcacatalumpatî: nagsalitâ si Rizal sa n~galan n~g Filipinas, na dî tagláy ang pagpapacumbabang hiníhin~gì n~g m~ga castílà sa m~ga anác n~g bayang iyon, cung dî parang isáng "caanib" na cusâ n~g caniláng calooban: "tayo'y dalawang bayan, tayo'y dalawang láhì, cung anó cayo'y ganoon din camí, at yamang gayo'y ibig namin ang inyong ibig. ¿Ipinagcacait bagá sa amin ang inaacálà naming carapatdapat na aming tamuhin?... ¡Dilidilihin ninyo ang panahóng sasapit!... Hindî mangyayaring manatili magpacailán man ang casalucuyang calagayan n~gayon "Walâ pang isá man lamang filipino, lalonglalô na cung gayong na sa haráp n~g m~ga castilang may matatáas na catungculan, na nacapan~gan~gahas magsalitâ n~g gayón. Ibig ni Rizal na manatili ang pagsasama n~g España at Filipinas, n~guni't "hinihin~gî niya", upang mangyari ang pagsasamang itó, na magcaroon ang m~ga filipino n~g m~ga catowiran at m~ga catan~gîang kinacamtán n~g m~ga castílà. Ipinalálagay niyang malakíng caapihán n~g canyang láhì cung dî gayón ang mangyayari, at hindî n~gâ mangyayaring tiisin niya ang gayóng caalimurahan. Hangang dito ang sabi ni Retana. Nang panahóng yao'y kinacathâ na ni Rizal ang novelang _Noli me tangere_, na sa canya'y magpuputong n~g walang hangang capurihán. Ang m~ga hulíng bowan n~g pagcátirá niya sa España'y guinamit niya sa pag-aaral n~g carunun~gang nauucol sa pag-gawâ n~g m~ga cútà (fortificaciones) sa panahóng pagbabaca, na ang guinamit na salita'y ang wicang inglés, at may m~ga dibujong nagpapaliwanag n~g canyang m~ga isinulat. Pinamagatán niyá ang m~ga dibujong itó n~g "Parapeto Simple."[32] "Caballo de frisa."[33] "Trampas de lobo."[34] "Estacada."[35] "Estacada de perfil."[36] "Reglas para determinar las dimensiones de los parapetos."[37] Sinabi n~g castilang si Sr. Amador de los Rios, na naguing profesor ni Rizal sa Universidad n~g Madrid sa wicang árabe, na cailán man daw ay hindî pa siya nagcacaroon n~g alagád na macasing tálas n~g isip ni Rizal. Bago umalís sa España'y nilibot muna ni Rizal ang Andalucía at Valencia, at pinagsicapan nìyang maunáwà ang anyô n~g m~ga lupaíng iyón at ang caugalian n~g m~ga taga roon. * * * * * Nang calaghatian na n~g taòng 1885, at n~g macuha na niya ang pagca licenciado sa Filosofía at Letras, at bilang calahátì na ang nacacathâ niya sa _Noli me tangere_, siya'y na pa sa París, sa udyóc n~g manin~gas na han~gad na macapaglibot sa mundo, upang macapag-aral n~g lahat n~g bagay at n~g mabihasa siyang magaling sa pagwiwicang francés. Nakisama siya, pagdating sa París, sa bantog na oftalmólogo[38] na si M. Wecker, upang matutuhan niyáng lubós ang panggagamót sa matá. Nagsanay rin siya roon sa m~ga wicang inglés at alemán. Ipinagpatuloy niya sa París ang pagcathâ n~g _Noli me tangere_. * * * * * Nang m~ga unang araw n~g taóng 1886 ay lumipat si Rizal sa Alemania. Nagtumirá siya sa ciudad n~g Heildelberg, na kinalalagyan n~g ilog Néckar, na sumasabang sa ilog Rhin. Buhat diya'y nakipagsulatan siya sa Profesor Ferdinand Blumentritt, sa Leitmeritz, (Bohemia). Nacaibigan niya sa Heildelberg ang profesor Dr. Galezowsky. Hindî nalimutan ni Rizal susumandalî man ang Filipinas, at nagpapatotoo n~g bagay na itó ang canyáng tuláng sinulat sa Heildelberg n~g ica 22 n~g Abril n~g 1886, na pinamagatán niya n~g: "A las Flores de Heildelberg."[39] N~g macatira siyang ilang bowan sa Heildelberg at sa Wilhelmsdorf, ay napa sa Leipzig naman at doo'y pumasoc n~g pagcacajista upang macakita n~g pagcabuhay. Nang m~ga unang araw n~g taóng 1887 ay siya'y napa sa Berlin at doo'y canyáng na caibigan ang m~ga bantog na pantás na si Doctor Virchow, na sa canya'y nagpakilala upang siya'y maguing capanig n~g "Sociedad Antropólogica Berlinesa"; si Dr. F. Jagor, dakilang "naturalista" at maglalacbay na sumulat n~g librong "Reisen in den Philippinen", na ipinalimbag sa Berlin n~g 1873; si Dr. Joest, marilag na "geógrafo" at si Dr. Schiilzer, pantás na mangagamot. Nang taóng 1886 ay natapos ni Rizal ang pagcathâ n~g _Noli me Tangere_, at n~g m~ga unang bowan n~g 1887 ay ipinalimbag sa Berlín ang sinabi n~g libro. Nang calaghatían n~g taóng 1887 ay dumating sa Maynila ang iláng _Noli me Tangere_; datapwa't pinacaiin~gatang lubhâ n~g bawa't pinalad magcaroon, sa tacot na bacâ dumating sa balítà n~g pinúnò, ó n~g m~ga fraile, ó n~g m~ga guardia civil ó n~g m~ga castílà ay pagbintan~gan siyang "filibustero"[40] at pagusiguin n~g cakilakilabot. Bawa't macabasa n~g "_Noli me Tangere_" ni Rizal ay nan~gagsasabing ang librong ito'y siyang bagong _Biblia_ n~g bayang filipino; sa macatowid baga'y sa m~ga aral na nababasa sa _Noli me Tangere_ ni Rizal naroroon ang catubusan n~g bayang filipino. ¡Laking pagcacagulo n~g m~ga fraile at n~g lahát n~g m~ga castílà n~g matalastas nila ang napapalamang m~ga casaysayan sa libro ni Rizal! Pagdaca'y gumawâ ang m~ga fraile n~g isá at waláng higcát na pagpupulong. "¡Laking capusun~gan! ¡Isáng "indio" isang "macacong indio", isang "matsing na indio"--ang sabihan nila--ang nan~gan~gahas pumintas n~g ating m~ga cagagawan!" May nasumpun~gan si párì Pedro Payo, fraileng dominico at casalucuyang arzobispo dito n~g panahóng iyón, na isáng _Noli me Tangere_; dinalidaling binasa itó at pagcatapos ay agád ipinadalá n~g ica 18 n~g Agosto n~g 1887 cay párì Gregorio Echevarría, na fraileng dominicong gaya rin niya, at rector n~g cung tawaguin nila'y _Real y Pontificia Universidad de Santo Tomás de Manila_, upang siya namán ang sumiyasat. Dalîdálì namáng binása nitó at pagcatapos ay nagtatág n~g isáng capulun~gang naboboo n~g tatlóng fraileng m~ga dominico, na ito'y si párì Matías Gómez, si párì Norberto del Prado at si párì Evaristo Fernández Arias, upang silá ang humatol cung ano n~gà cayâ ang nan~gapapalamán sa novelang sinulat ni Rizal. Nang ica 30 n~g Agosto n~g 1887 ay nagpadalá n~g sulat sa Arzobispo na si párì Payo ang rector sa Universidad na si párì Gregorio Echevarria, at doo'y sinasabing binasa at pinagsiyasat n~g isáng capulun~gan ang _Noli me Tangere_ na ilinathalâ ni J. Rizal, at caniláng lubos napagtantong ang librong iyo'y totoong isáng malakíng heregía, capusun~gán at nacasisirang púri sa Religión at isáng ganáp na paglabág at pag-alimura sa Gobierno n~g España at sa lahát n~g m~ga mahál na capisanang castílà rito, at pangguguló n~g catahimican n~g púsô at n~g budhî n~g bayan at n~g m~ga namamayan dito, at mangyayaring pangalin~gan n~g m~ga casacunaang totoong cahapishapis sa España. Sa maiclíng sabi, alinsunod sa capulun~gan n~g m~ga fraile, ang librong iyon ni Rizal ay casamasamaang panglabág sa Religión, panglait sa España at pangguguló sa calooban at damdamin n~g tagarito. Ipinadalá namán nì párì Payo ang sulat na iyón sa capitán general na si D. Emilio Terrero. Sa magcabicabilang panig n~g Maynilâ, n~g boong Filipinas ay pinag-uusapan n~g lihim n~g m~ga castílà, n~g m~ga filipino, n~g m~ga taga ibang lupaín ang pasiyá tungcol sa _Noli me Tangere_, ¡n~guni't waláng nacatatalós, waláng nacacabasa pa n~g _Noli me Tangere_! At lumálakí n~g lumálakí ang bulung-bulun~gan, ang sabihana'y ang librong iyó'y cakilakilabot, calaguimlaguim, waláng cahalintulad n~g samâ ... ¡at lumálakí namán n~g lumálakí ang pagmimithî n~g bawa't macahiguing n~g balitang iyóng mabasa ang _Noli me Tangere_! caya't pinagpilitan n~g lahát at n~g bawa't isá ang magcaroon; n~guni't hindî macakita, mahirap macakita cung dî sa pamamag-itan n~g lalong matatalinong paraan. N~g m~ga unang araw ay nacabibili n~g tatlóng piso bawa't libro, hindî nalao't dumating n~g sampong piso, labingdalawáng piso, labinglimang piso, dalawampong piso ... Nang malao'y hindî na dalawampong piso ang halagá n~g bawa't "Noli", lalô pang malakí, at cahi man malakí ang ìbayad, cung castílà ó mestizong castílà ang humahanap ay hindî macakita; caya't napilitan ang m~ga castílà at ang m~ga punong castílà na magpabilí sa Europa, at sapagca't mainam na pang-udyóc sa anò man ang pakikinabang n~g limá, anim hangang macasampong ibayo, ang m~ga castílà rin ang namilí sa Europa n~g _Noli me Tangere_ sa halagang manalapî, at sacá dinalá rito n~g lihim at ipinagbilí rito n~g lihim sa capowâ castílà rin, sa m~ga fraile, sa m~ga filipino at sa m~ga taga ibáng lupaín sa halagang camalácmalác na dalawampô hangang dalawampo't limang piso ang isá. Sa sulsol ni párì Payo ay ipinadalá naman n~g capitan general na si Terrero ang _Noli me Tangere_ sa "Comisión Permanente de Censura"[41] upang ito'y maglagáy namán n~g canyáng pasiya. Si párì Salvador Font, fraileng agustino ang siyang naglagda n~g pasiyá, na doo'y pinacacalaitlait si Rizal hangang sa tawaguing isáng "han~gal" daw na waláng pagpalagyan sa catacsilán at samá. Ang _Noli me Tangere_, aní párì Font, ay isang paglabág at pamumusóng sa Religión n~g España; isang paglabág at pamumusóng sa Pan~gasiwaan, sa m~ga castilang cagawad n~g Gobierno at sa m~ga Tribunal n~g justicia; isang paglabág at pamumusóng sa hucbó n~g Guardia Civil, isang paglabág at pamumusóng sa icapapanatili n~g m~ga nasasacop n~g España, at pagcatapos n~g ganitong bugsô n~g "paglabag at pamumusóng" ay sinabi niyang sa canya raw pasya at acálà, ay dapat ipagbawal n~g capangyarihan n~g capitán general ang pagdadala rito, paglilimbag ulî rito at paglalaganap dito n~g librong _Noli me Tangere_, na totoong nacacapahamac. Bucod sa lalong m~ga casakitsákit na m~ga pag-alimura cay Rizal at m~ga pagpaparatang n~g m~ga gawang hindî man lamang napapanaguinip n~g ating capatid na Martir, ay idinugtong pa ni párì Font ang ganitong m~ga salitâ: "ANG TANGING HANGAD ni Rizal ANG CASARINLAN NG LUPAING ITO, at ang adhica niya'y iwalat ang mahal na catibayan n~g Bayang sarili[42], niyang Bayang sariling sa canya'y nagbigay n~g pagcatáo, na sa canya'y nag-arúgà at nagpasúso sa m~ga dibdib na maran~gal, na sa canya'y nagpacain n~g tinapay at n~g m~ga aral n~g magagandang asal; at ang Filipinas na dating sumasamba sa di totoong Dios, mangmang at mahahalay ang caugalian ay guinawang ganap na bayang católico, bayang lalong may calayaan at marunong sa lahát n~g m~ga bayang nabubuhay sa ilalim n~g pagtatangkilic n~g m~ga nación sa Europa, at ang lahing lalong sumasaligaya sa ilalim n~g nacapagbibigay guinhawang lilim n~g mapagcalin~gang m~ga cautusan sa India"; ... at iba't iba pang m~ga salitang nagpapakilala n~g masilacbó niyang poot cay Rizal. At winawacasan niya n~g ganitong saysay: "Itó n~gâ ang pasiya n~g napifirma sa ibabâ nitó, upang ipagbawal n~g mahigpít ang dito'y paglaganap n~g librong itó ... Maynilà, ica 29 n~g Diciembre n~g 1887.--_Fr. Salvador Font_, agustino calzado." Ipinalimbag ni párî Font at inilaganap sa boong Filipinas at sa boong España ang canyang pasiyang itó, at sa ganitong nangyari ay lalô namang lumakí ang pagmimithî n~g maraming mabasa ang cathâ ni RizaL, caya't ang guinawang iyon ni párì Font ay siyang nacatulong n~g dî cawasa n~g pagcalat n~g _Noli me Tangere_ sa boong daigdig. ¿At ano ang sinasabi sa librong iyon upang macaligalig n~g dî ano lamang sa m~ga fraile at m~ga castila, macabagbag n~g loob n~g m~ga filipino at bigyan n~g dî ugaling cahulugan n~g m~ga taga ibang lupaín? Man~ga bagay na hindî himalâ, m~ga bagay na hindi dapat pagtakhan; walang sinasaysay cung dî ang cactotohanan; nagcámalî aco, walang sinasaysay roon cung dî ang culabóng anino n~g catotohanan n~g m~ga nangyayari rito sa Filipinas na pananampalasan, pag-amis, paglapastan~gan, paninirang puri at walang licat na pan~gun~gulimbat sa m~ga filipino n~g m~ga fraile; ang m~ga pag-iríng at pagpapahirap n~g guardia civil dito, at ang m~ga hidwang cagagawan n~g ilan sa m~ga empleado[43] at hindi empleadong castila. Walang sinasabi sa librong iyon cung dî ang m~ga hidwang caasalán at ang m~ga malíng pananampalataya n~g halos lahat n~g m~ga filipino, at ang canilang labis na pagca mapaniwalain sa lahat n~g sa canila'y pasampalatayanan n~g m~ga nagpapangap na cahalili n~g Dios, niyang Dios na totoong mahabaguin, dakila sa pagca masintahin sa canyang kinapal, walang han~ggan ang pagca mairuguin sa catowiran; niyang nan~gagpapangap na corderong ma-amo, nagsipanumpang mananatili sa carukhaan, sa pagpapacalinis n~g budhî at calolowa, sa paglayô sa cahalayan at sa maruruming layaw n~g catawan, sa tunay na pagpapacumbaba at pagca masunurin, bago'y ang guinagawa'y lihis na lihis sa canilang m~ga catungculang banal, sa canilang m~ga sumpâ, sa m~ga damdamin n~g bawa't taong may dalisay na calooban.... Mulâ niyo'y nagcalayong lalo ang dating nagcacahiwalay n~g pagtitin~ginan n~g m~ga castila't n~g m~ga filipino, baga man sa hayagan, sa paimbabaw ay hindî nagbabago. Napopoot n~g dî cawasà ang m~ga fraile't ang m~ga castílà na ang isang "indiong" gaya ni Rizal ay magsalitâ n~g catotohanan, at nalulugod namán ang m~ga filipino sa pagcacasalitâ n~g catotohanang iyan. Pakinggan natin ang sabi n~g castilang si Wenceslao E. Retana tungcol sa bagay na ito: "¡At anó! anang m~ga filipino--¿diyata't ipinalalagay na dî capaslan~gan ang sa araw araw at sa boong panahón ay sumulat n~g sari-saring m~ga paglait at m~ga pagpaparatang na laban sa amin, at n~gayo'y mamasamain nilang ang isáng filipino'y "minsang" macasulat n~g boong catotohanan?" "Filibustera" ang novela ni Rizal, sa pagca't isang filipino ang sinasabing cumathâ; cung ang nalagay na cumatha'y isang castílà--at marami n~ga sa m~ga castílà ang dî mag-aalinlan~gang magsabing yao'y gawâ niya--hindî n~ga nila pan~gan~galanan n~g gayon." "Inulit-ulit ni Costa[44] hangang sa nagsawa ang sabing: "bayan (ang España) n~g m~ga eunuco"[45]; at sinabi naman ni Unamuno[46] ang ganito: "bayan (ang España) n~g m~ga dowag." Datapwa't si Costa at si Unamuno'y hindî ipinan~ganac sa Filipinas." Dumating sa Senado n~g España n~g Junio n~g 1888 ang ligalig dahil sa _Noli me Tangere_. Ipinagcanulô n~g senador Vila sa canyáng m~ga casamahang, sa Filipinas daw ay may ipinasoc na isang libro na cung tawaguin ay "novela" at ang pamagát ay _Noli me Tangere_, na kinathâ n~g isang "indio" na canyáng alám ang pan~galan, doctor sa Medicina n~g Universidad sa Madrid, caibigang matalic n~g Principe de Bismarck at sa canyáng dunong ay nahalal na catedrático n~g Medicina sa isang Universidad n~g Alemania. Ang "novelang" yaon ... anang senador Vila ... isang pangcalat n~g aral na laban sa religión católica, pang-akit sa protestantismo, tagapaglaganap n~g aral ni Proudhon, at iba't iba pang gaya nitong pawang hindi catotohanan. Sa Congreso naman n~g España ay pinagcaligaligan din ang _Noli me Tangere_. Nagsalitâ naman doon ang general na si D. Luis M. de Pando, n~g ica 12 n~g Abril n~g 1889, n~g sari-saring paratang sa librong iyón. Datapowa't hindî nababasa n~g senador Vila at n~g general Pando ang _Noli me Tangere_; walà silang nabasa cung di ang pasiya lamang ni párì Font. Ang guinawang ito n~g m~ga pantas na castílà at ang walang licat na pag-uusig n~g m~ga fraile sa librong iyon, sacá ang matamáng pagbabalitâ naman ni Blumentritt sa m~ga pan~gulong pamahayagan sa sangdaigdigan, sa carikitan n~g kinathâ ni Rizal, ang siyang lubhang ikinabantóg nitó sa lahát n~g m~ga nación. * * * * * Mulâ sa Marzo hangang Mayo n~g 1887 sinulat ni Rizal ang iba't ibang bagay. Isinatagalog niya ang ilang m~ga tulâ ni Goethe; kinathâ sa wicang francés ang m~ga librong "Histoire d'une clef", ang "La Pécheuse et le poison," isang maiclíng casaysayan tungcol sa linggo n~g palaspas, ang "Tartarín sur les Alpes," ang "Unter den Linden," ang "Le pistolet de la petite Baronne" at saca ang wicang inglés na: "Are account of the Life and Writings of Mister James. By Patrick Murdock, D. D. F. R. S." Nang magtatapós na ang Abril n~g 1887, si Rizal ay nanaw sa Berlin at na pasa Dresde, at doo'y nakilala niya at naguing caibigan si Dr. A. B. Meyer, marunong na filipinólogo[47] at tagapamatnugot n~g _Museo Etnográfico_ roon, na siyang pan~gulo sa galíng sa lahát n~g kilala sa boong daigdíg tungcol sa bagay na iyon. Nagalác n~g dî sapálà ang Dr. Meyer n~g makilala niya si Rizal, at pinagpakitaan niya itó n~g ganáp na magandang calooban. Pumaparoon si Rizal sa Museong iyon sa araw-araw at canyang pinagsusumag ang anyo at calagayan tungcol sa baít at hilig n~g lahát at bawa't isá sa m~ga láhì. Nalís si Rizal sa Dresde at na pa sa Leitmeritz (Bohemia) at doon tumuloy sa bahay n~g cakilala na niyang dati sa pagsusulatan lamang na si Profesor Ferdinand Blumentritt, na namamatnugot n~g Ateneo Municipal sa ciudad na iyon at marilag na pantas na umiibig sa Filipinas n~g dî paimbabaw, na gaya n~g dî mamacailang ipinakita na niya at ipinakikita pa sa gawâ. Bagaman hindî nacararating dito sa Filipinas ay malaki pa marahil ang pagcakilala niya sa lupaing ito at sa m~ga tagarito cay sa maraming nagpapangap na nacacakilalang lubos sa sangcapuluang itó[48]. Sinasabi ni Blumentritt na nagtamo siya n~g isa sa m~ga casayahang lalong malakí, n~g makita at mayacáp niya si Rizal. Nag-ibigan siláng tulad sa tunay na magcapatid, at hindi sila nagpupupuan. Iniin~gatan niya hanga n~gayon n~g boong pagmamahal ang isang larauan niyang guinawa ni Rizal sa sandalíng pagguguhit n~g lápiz. Hindî maalis sa ala-ala ni Rizal ang m~ga pag-alipusta n~g m~ga fraile sa m~ga filipino, caya n~ga't sa canyang m~ga pakikipag-usap sa canyang matalic na caibigang si Profesor Blumentritt ay canyang nasalità ang ganito: "Na ang lahat n~g m~ga lahi n~g m~ga tao ay nagcacaibaiba lamáng sa canicanilang anyô at caugalian sa dacong labas, n~guni't alinsunod sa Psicología[49] ang maputi, ang abo-abo, ang marilaw, ang caymangui at ang maitim ay nagcacaisa ang naramdaman, nagcacawan~gis ang m~ga umuudyok na budhî at hilig, na nagpapatibóc n~g púsò: at ang pinagcacaibahan lamang ay ang paraan n~g pagsasaysay ó paggawâ. "Na walang napagkikilala ang m~ga antropólogo[50] cung dî ang m~ga lahi; na ang napagmamalas lamang n~g m~ga mapagmasid n~g m~ga pamumuhay n~g bawa't nación ay ang pagcacaiba't iba n~g calagayan n~g mayaman at mahirap, n~g mahal at timawa; na sa m~ga nacióng lalong m~ga paham, na gaya baga n~g Francia at Alemania, ang lalong marami sa m~ga nananahan doo'y casing pantay rin n~g calagayan n~g pag-iisip n~g m~ga tagalog, at ang culay n~g balat, pananamit at wicang guinagamit ang bilang caibhan lamang." "Na ang pag-íisip ay tulad sa m~ga cayamanan at cung may m~ga nacióng mayaman at mahirap, ay may m~ga tao ring mahirap at mayaman; cung may nagbabalac na táong siya'y ipinan~ganac na pagdaca'y mayaman, ang gayong tao'y namamali, sa pagca't siya'y sumilang sa sandaigdigang dukhâ at hubád na cawan~gis n~g alipin; minamana ang catalasan n~g isip na tulad naman sa cayamanang naipamamana. Pawang mayayaman sa pag-íisip ang m~ga nación sa Europa; datapwa't ang m~ga tao roon n~gayo'y hindî mangyayaring macapagsalitâ, cung di ring lamamg maghahambog, na pagdaca'y mayaman na sila sa pag-íisip mulâ n~g mátayô ang canilang m~ga nación; nagcailan~gan silang gumugol n~g maraming siglo[51] sa pagpupumilit sa pamamag-itan n~g pagbabaca upang camtán ang m~ga calayâan, magagaling na m~ga cautusan at iba pang sarisaring paraan, at n~g masundoan ang m~ga cayamanan n~g pag-iisip na canilang ipinamana pagcatapos sa m~ga táo n~gayon; ang m~ga nagpapakinang n~g isip n~gayon, ang catowid baga'y ang nagtuturo n~gayon sa m~ga cabataan, di n~ga nila magagawâ ang gayong m~ga bagay cung hindî sana nila sinamantala ang salinsaling natutuhan n~g m~ga táong sinundan nila, at cung hindî naman sila lubos na nagsumakit; ang bagay na ito'y sinasacsihan n~g Historia[52] n~g panahong una'y hindî higuit ang cagalin~gan n~g pagpapalagay n~g m~ga romano sa m~ga alemán, sa pagpapalagay n~g m~ga castílà sa m~ga tagalog." "Na ang m~ga pagpintás na guinagawâ n~g m~ga taga Europa sa nan~gagcacaiba't ibang m~ga lahing may culay (ang m~ga caymangui, maitim, marilaw ó abo-abó) ay hindî mabigyang caliwanagan sa isáng matibay na catowiran; cayâ silá nagcacagayo'y dahil sa talagang handâ na ang caniláng calooban sa dî paniniwalâ, at dahil naman sa canilang pagcaisip na sila ang nauucol macapangyari sa m~ga láhing hindî mapuputî. Talastas n~g lahát na nan~gan~ganib ang m~ga lahing may culay na baca sila'y pawaláng halaga n~g lahing putî, at sa ganitong dahil, cung sila'y naglilingcod sa m~ga taga Europa ay malaki ang sa canila'y ikinalalamang, at bucod sa rito'y sa pagca't pinagwawárì na hindî magagamit ang lahing may culay sa m~ga linilimbag. Datapwa't cung paglilinin~gin, ang m~ga lahing may culay na canilang tinutucoy ay m~ga táong totoong timáwà at waláng pinag-aralan, masasabing ang halaga n~g m~ga pasiya n~g m~ga lahing putî ay capantay lamang n~g sa isang tagalog, na sa canyáng paglalacbay sa Francia at Alemania ay ibig na ipalagay na ang lahát n~g m~ga tagaroo'y pawang catulad n~g m~ga manggagatas, m~ga alílâ at m~ga cocherong francés at alemáng canyáng nakita." "Na ang dahil n~g caimbihan n~g m~ga túbò rito sa Filipinas ay nagmumulâ lamang sa culay n~g balat. Maraming lalaki't babae sa Europa na nagmulâ sa lalong carukharukhâang pamumuhay, na nangyaring naca-akyat sa lalong cataastaasang calagayang lubhang mahahalagá, ang iba'y nan~gatututong bumagay sa canilang bagong calagayan at hindî ikinahihiyâ ang canilang abang pinanggalin~gan, cung dî bagcos pang ipinalálagay nilang isang malaking capuriháng nangyaring nasunduan nila, sa canilang sariling pagpupumilit, ang gayong pagcápaunlac; ang iba nama'y pinagtutuyaanan at inaaring salát sa catalinuhan, dahil sa canilang dî wastóng paghahambog. Ipinalálagay n~g m~ga táong may culay, na sila'y ucol sa m~ga dapat uyatín at pawaláng halagá, baga ma't sila'y m~ga táong mahal na lubós, palibhasa'y isáng sacsìng nagpapatotoo n~g canilang pinangalin~gan ang canilang pagmumukhâ, at ang bágay na ito'y siyáng sa canila'y nacapagbíbigay n~g cakimian, dahil sa talastás niláng sa canila'y pagpapawaláng halagá n~g m~ga taga Europa: masamâ ang pagtin~gîn n~g m~ga europeo sa m~ga tagalog; anó máng waláng cabuluháng pagcacamalî nitó, na mangyayáring gawín din namán n~g cahi't dalisay mang lahî n~g isáng tubò sa Montmorency, ay linílibac n~g m~ga europeo, at isinisiwalat nila sa pananalitáng: "¡anó n~gâ bagá ang maaasahang gawíng mahusay n~g isáng taong may cúlay!" Mangyayáring datnin niyáng siyá'y maguing isáng magalíng na Abogado, isáng dakilang Médico, datapowa't cailán may hindî nila ipalalagay na itó'y isáng caraniwang bágay; ang pinaca malakíng magagawâ lamang nilá'y isáng panguiguilalás, na hicayat n~g pagpapalamáng, na gaya n~g pagtatacâ, sa isáng malakíng áso sa circo, n~guni't hindî n~gâ nilá, matatangáp na magcacapantáy ang pag-iísip n~g tagalog at n~g europeo". Sa matiyagá at masalicsic na pagsisiyasat ni Rizal ay caniyang lubós napagkilalang nagcacapantay-pantay ang caya n~g pag-iísip n~g lahát n~g m~ga láhì: putî, caymangui, mariláw, abo-abó ó itím, at yayamang gayó'y mangyayaring ipagcaloob sa isá't isá ang lahát n~g bágay na pamamahálang magalíng sa báyan, ó m~ga cautusán bagáng nagbíbigay n~g lálong malalakíng calayàan; at sa ganitóng pananálig niyá'y guinugol ang boóng lacás upang camtán n~g caniyáng m~ga cababayan ang m~ga calayàang totoong kinacailan~gan, at n~g dito'y lumagô ang caguinhawahan at lumucloc ang Ináng Filipinas sa trono nang caran~galan. Nang may isáng bowan n~g nagsasama ang magcaibiga'y nagpaalam si Rizal cay Blumentritt, at canyáng nilibot ang m~ga ciudad n~g Praga, Bruna, Viena, Nuremberg at Munich. Dumating sa Ginebra n~g m~ga unang araw n~g Junio, doo'y nátirang sandalî, lumipat sa Losana at doo'y tumiguil na iláng araw, sacá nilibot ang m~ga pan~gulong bayan n~g Suiza at pagcatapos ay naglacbay sa Italia, nilibot namán niyá ang boong caharìang iyón; n~guni't malaon ang canyang itiniguil sa Milan, Venecia, Florencia, Roma at Génova. Mulâ sa Génova'y na pasa Marsella, at buhat dito'y lumulan siya sa vapor "Diemnah" na patun~go sa Saigon n~g bowan n~g Julio n~g 1887, at pagdating sa Saigon ay lumulan namán siyá sa vapor "Haiphong" na patun~go sa Filipinas na ang conciencia'y tahimic, samantalang nan~gagcácagulo namán ang m~ga fraile't castílà sa Maynilâ, na ang pinacamagaang na cahilin~gan ay putulin ang canyáng ulo, bilang caparusahang magaang sa dakilang casalanang pagcasulat niyá n~g _Noli me tangere_. * * * * * Nang dumating si Rizal dito'y casalucuyang Presidente n~g Consejo n~g m~ga Ministro sa España si D. Práxedes Mateo Sagasta, Ministro n~g Ultramar si Don Victor Balaguer, Gobernador at Capitán General n~g Filipinas si D. Emilio Terrero, Gobernador Civil n~g Maynílà, si D. José Centeno, Director General n~g Administración Civil si D. Benigno Quiroga-López Ballesteros at Secretario n~g Gobierno General si D. José Sáinz de Baranda, m~ga guinoong pawang mairuguín sa calayàan; at cung hindî ang dirito'y ang m~ga guinoong sinabi na, noon pa sana'y napahamac na si Rizal. Tumangáp siyá n~g siya'y bagong cararating dito sa Maynílà, n~g lubhang maraming sulat na waláng firma, at doo'y ipinagtagubilin sa canyang siya'y magpacain~gat, sa pagca't totoong nan~gan~ganib ang canyang buhay, at gayon din namán ang sabi sa canyá n~g canyáng ama't iná, m~ga capatíd, m~ga camag-anac at m~ga caibigan. Nan~gagtátaca ang lahát cung bakit hindî agád siya napapahamac pa, palibhasa'y hindî cailâ ang calakilakihang capangyarihan n~g canyang m~ga caaway. Sa utos n~g matátaas na puno'y halos hindî humíhiwalay cay Rizal ang teniente n~g guardia civil na si D. José Taviel de Andrade. Isáng umaga'y napasá Ateneo Municipal siyá upang makipagkita at bumátì sa m~ga jesuitang si párì Pablo Ramón at si párì Federico Faura; sinalubong siyá nitó, at sinábi sa canyáng yámang nagbago siyá nang pananampalataya'y huwag n~g túlungtong na mulî sa Ateneo; at hindî na n~gá namán siyá nagbalíc doón hangang sa siyá'y binaríl. Hindî nagluwat sa Maynila si Rizal; na pa sa Calambâ siyá, at iníbig niyang doó'y manahímic; n~guni't hindî nangyári. Sa ákit n~g pagmamahál sa m~ga cababáyan, siyá'y gumawâ nang isáng casulátang wícang castilà at wícang tagalog, na doo'y idinaraing sa Gobernador General na mangyáring tangkilikin ang m~ga catowiran n~g m~ga taga Calambang maláon n~g totoong niyuyurac n~g m~ga fraile. Sa casulatang iyo'y sinasaysay ang lihís sa matuwíd na pagpapabuwís n~g m~ga fraileng dominico sa m~ga lupang linílinang n~g m~ga taga Calambâ, ang pagdaragdag sa taon-taón n~g buwis, ang sa m~ga pagtataním n~g m~ga halaman, ang sa m~ga lansan~gan, m~ga bahay at m~ga escuelahan: waláng sinásaysay doon cung di dalisay at wagás na catotohanan. Tumawag si Rizal n~g isang pulong n~g m~ga namamayan sa Calambâ, dumaló sa pulong na iyón ang m~ga caibigan at ang m~ga caaway n~g m~ga fraile; ipinabasa niyá sa lahát ang casulatang wícang castila't wícang tagalog na iyón, at walâ, isá mang tumanguí sa pagfirmá. Pumirmá sa casulátang iyón si Rizal, ang caguînoohan, ang m~ga naghaháwac n~g lupa't ang m~ga nan~gin~gisama, ang m~ga babae, ang m~ga alilà, ang m~ga insíc, ang boong báyan, sampo n~g m~ga caibígan n~g m~ga fraile. Ipinadalá ang carain~gang iyon sa Gobernador General, at ang gayong carain~ga'y hindî pinansín; at sapagca't nag acalang manghigantí ang m~ga fraile, mulíng nagpadalá ulî n~g isá pang casulatang ipinamamanhíc na mangyaring makialám ang Gobernador General sa pag-amís na guinágawâ n~g m~ga fraile; n~guni't ang gobierno'y hindî umimíc. Nagpasimulâ ang m~ga taga Calambâ n~g pagtanguí sa pagbabayad, samantalang hindî ipinaliliwanag n~g m~ga fraileng dominico ang cung bakit silá ang tan~ging may-árì n~g boong Calambâ, na waláng nátira, cácarangcal mang lúpà sa m~ga táong túbò roon; sinagót n~g m~ga fraile ang gayong cahin~gìan, n~g pagpapalakí n~g bowís at n~g paghihigpít n~g paninin~gil, at sa cawacasa'y nagpadalá silá sa Calambâ, n~g Septiembre n~g 1888, sa pamamag-itan n~g capangyarihan n~g Capitán General Weyler, n~g isáng hucbó n~g m~ga sundalo, at ipinaguibâ at ipinasunog ang m~ga bahay n~g nagsisitanguing magbayad n~g buwís, at isá sa m~ga ipinaguibâ ang bahay n~g m~ga magulang ni Rizal. Baga man totoong ligalíg ang canyang calooban sa m~ga pag-apíng nangyayari sa canyang cababayan at sa mahigpít na pag-uusig na sa canya'y guinágawâ n~g m~ga fraile, hindî rin siyá naglilicat n~g pagsulat; inihulog niyá sa wicang tagalog ang iláng maiinam na tuláng wicang alemán, at sacâ ang bantóg na drama ni Schiller na _Guillermo Tell_ ang pamagát, na wicang alemán din, at bukod sa roo'y nanggágamot pa siyá sa m~ga may sakít sa canyang bayan. Datapowa't waláng salitâ, waláng pagkilos, waláng anó mang hakbáng si Rizal na hindî ipinalálagay n~g m~ga fraileng hakbáng, kilos at salitáng "filibustero", at dahil sa gayong nangyayari'y napilitan si Rizal, na mulíng panawan ang canyang pinacasísintang bayang Filipinas, at papan~gulilahin ang canyang m~ga magulang, capatíd, kinamaganacan, caibigan at m~ga cababayan, n~g unang araw n~g Febrero n~g 1888, cahi't may dinaramdam pa siyáng sakít noon. Umalís sa Filipinas si Rizal na nanglulupaypáy ang loob; siyáng cailan ma'y di nag-ibig na magbubò n~g cahi't capatác dugô n~g canyáng capowâ tao'y napagkilala niyang hindî cacaratan ang casarinlán n~g Filipinas cung dî sa pamamag-itan n~g pagpapabahâ n~g dugô. Hindî pa nalalaong nanaw si Rizal sa Maynila'y guinawà na n~g m~ga caguinoohang tagalog sa pan~gulong bayang ito n~g sangcapuluang Filipinas, n~g unang araw n~g Marzo n~g 1888, ang isáng payapang "procesión cívica" n~g lubhang maraming filipino, na nagdaan sa Escolta, tinun~go ang loob n~g Maynilà at ibinigay cay Don José Centeno, Gobernador Civil dito n~g panahóng iyón, ang isáng casulatang nacafirma ang marami, na doo'y hinihin~ging papanawin dito ang Arzobispo at paalisín ang m~ga fraile, dahil sa m~ga cadahilanang nálalagdâ sa casulatang iyón. Sinalubong ang m~ga guinoong iyón n~g Gobernador Civil n~g boong cagandahan n~g loob, at sa canila'y ipinan~gacong gagawin ang na sa catwiran, bagay na matútupad n~gâ marahil cung dî sana macapangyarihan ang m~ga fraile cay sa Gobierno n~g España. Ang nangyari'y nan~gábilanggò sa Bilibid na mahabâ ring panahón ang m~ga pan~gulong pumifirma sa casulatang iyón, at walang nagawâ upang sila'y maligtas si Terrero, Centeno at Quirroga--López--Ballesteros na sa canila'y tumatangkilic. Dumatíng si Rizal sa Emuy. Nalúlà siyang mainam sa pagdaragát, dahil sa tinátaglay niyáng sakít. Hindî siya lumunsád sa Emuy, dahil sa malacas na ulán at sa caguinawán, at dahil namán sa sinabi sa canyáng doo'y totoong marumí. Nagtulóy siya sa Hongkong at doo'y nacakilala niya ang ilang m~ga castílà at si G. Balbino Mauricio, na malaóng taóng nabilangò dahil sa gulóng nangyari sa Tan~guay n~g taóng 1872. Doon siya nátira sa bahay ni G. José María Basa, na napatapon sa Marianas, dahil din sa gulóng sinabi na. Nag-aral siya sa Hongkong n~g wicang insíc. Napag-unawâ ni Rizal doong ang m~ga fraileng dominico'y sila halos ang may ari n~g Arsenal sa Hongkong. Sinamahan si Rizal ni Basa sa pagpasa Macao, upang dalawin si G. Lecaroz, at sa bahay nito'y natirá, silang ilang araw, at pagcatapos ay nan~gagbalic ulì sa Hongkong, at mulâ roo'y lumulan siya sa vapor "Oceanic" n~g ica 22 n~g Febrero n~g 1888, na ang tun~go'y sa Japón. Damatíng siya sa Yokohama n~g ica 28 n~g buwan ding iyon. Carárating pa lamang niya sa Hotel ay tumanggáp na siya n~g pasabi n~g "Encargado n~g Legación n~g Negocios n~g España" sa ciudad na iyong sa canya'y makikipagkita. Hindî n~ga nalaon at dumatíng sa tinatahanan ni Rizal ang iláng castílà, binati siya n~g boong pitagan, inihandóg sa canya ang boong paglilingcod at tuloy inanyayahan siya n~g boong guiliw na doon na matira sa Legación. Aayaw sanang pahinuhod si Rizal sa anyayang iyón, n~guni sa pagca't namasid niya ang malabis na pagpupumilit, at palibhasa'y nais niya ang lubos pakilala sa m~ga castílà, sumang-ayon siya sa capamanhican. Nátira n~gâ si Rizal sa Legación n~g Españang may mahiguit na isáng buwan. Nilibot niya ang ilang lalawigan n~g Japón, na cung minsa'y casama niya ang "Encargado n~g Legación" at cung minsa'y ang "intérprete" nito: Doo'y nag-aral si Rizal n~g japonés at pinagsiyasat ang canilang teatro. Samantala'y inaakit si Rizal n~g sinabi n~g "Encargado" na tumanggap n~g isang catungculang mataas na sa canya'y ipinagcacaloob n~g Gobierno n~g castílà, datapwa't hindì pumayag si Rizal. Nang macalampás ang isáng bowa'y napasalamat siya sa magandang caloobang sa canya'y ipinakita, napaalam at lumulan sa isáng vapor na ang tun~go'y sa Estados Unidos n~g América. Nácasacay niyá sa vapor ang isáng mag-anac na ang ama'y inglés na nagn~gan~galang Jakson, ang ina'y filipina at ang m~ga anac ay ipinan~ganac sa Filipinas, at sacà isáng japonés. Itinanong sa canya n~g isá sa m~ga anac n~g inglés cung nakikila niya ang isáng nagn~gan~galang "Richal" na cumathâ n~g _Noli me Tangere_; sumagot si Rizal na nacan~gitî, na nakikilala niya, tulad sa pagcakilala ni Aladin cay _Florante_; at sa pagca't nagsasalitâ n~g m~ga pagpupuri sa cumathâ n~g librong yaon, siya'y napakilala na, sa pagca't cahi't ilihim man niyá ang canyang pan~galan ay maaalaman din sa capitán at m~ga oficial n~g vapor. At sapagca't ang japonés ay walang nalalaman cung dî ang canyang kinaguisnáng wícà, siya ang naguíng "intérprete" sa pakikipagsalitaan sa ibáng m~ga casacáy sa vapor. Dumatíng si Rizal sa San Francisco de California n~g ica 28 n~g Abril n~g 1888. Hindî siya nacalunsád agád, dahil sa pinapag "cuarentena" ang vapor, bagá man tumelégrama ang Cónsul americano sa Hong-kong, na n~g umalís ang vapor na iyo'y waláng cólera roon, at gayon ang guinawâ dahil lamang sa may casacáy na walong daang insìc, at sapagca't nagcátaong n~g m~ga araw na iyo'y casalucuyang halhalan, n~g mawicâ n~g m~ga táongbayang ang Gobierno'y tumitin~gin sa canilá at naghihigpít sa m~ga insíc, cayâ guinawâ ang gayong pagbimbín. Gayon ma'y cumacain sa vapor ang maraming m~ga empleado sa Aduana roon at ang Médicong americano na galing sa Hospital n~g m~ga may sakít na cólera. Nang macaraan ang labingdalawang araw ay pinalunsád si Rizal at iba pang m~ga "pasajerong de primera", n~guni't nan~gatirá sa vapor ang m~ga insíc at m~ga japonés na pawang pasajerong "de 2.a" at "de 3.a" hangang sa namatáy na untiuntì, ayon sa balitâ ni Rizal, ang may tatlongdaang insíc. Linibot ni Rizal ang lalong malalakíng ciudad n~g Estados Unidos, at canyáng hiniwatigan ang calagaya't m~ga caugalian n~g m~ga tagaroon. Hinan~gaan niya ang m~ga caguilaguilalas na bahay roon, ang m~ga ilaw eléctrico, ang cahimahimalang Niágara, ang m~ga dakilang bun~ga n~g caisipán n~g m~ga americano; dinalaw niyá ang m~ga nagpapaalaala cay Washington, ang carilagdilagang táong walang cahulilip sa sanglibutan n~g siglong yaon; n~guni't namasid niyang doo'y walang tunay na calayâan sa pamamayan. Sa maraming m~ga Estado'y hindî nacapag-aasawa ang isang lalaking negro (itím) sa isang babaeng maputî, at ang isang babaeng maitím, ay hindî nacapagaasawa sa isang lalaking maputî. At doo'y totoong kinagagalitan ang m~ga insíc, hangang sa pagcamal-an ang m~ga japonés na isinasama nilá sa pagcasusot sa m~ga insíc. N~g ica 16 n~g Mayo n~g 1883 ay lumulan si Rizal sa vapor "City of Roma" at tumun~go sa Europa. Dumatíng siya sa Liverpool n~g ica 24 n~g Mayo n~g 1883, at hindî nalao't siya'y na pa sa Lóndres n~g calaghatían n~g taón ding iyón, at sa araw-araw ay naparoroon siya sa bahay n~g filipino ring si G. Antonio María Regidor. Samantalang linilibot ni Rizal ang m~ga iba't ibang nación upang mahiwatigan at mapagcúrô niya ang sarisaring dunong at m~ga caugalian n~g iba't ibang lahì, itinátayô namán sa Madrid n~g m~ga filipinong naroroon, n~g ica 12 n~g Julio n~g 1888, ang "Asociaciòn Hispano-Filipina," na caayon nilà ang pantás na castilang si D. Miguel Morayta. Sa pagca't inaacálà n~g m~ga filipinong yaong kinacailan~gan ang isang pamahayagang maglathalà n~g canilang m~ga mithî at damdamin, nagtatag ang filipinong si G. Graciano López Jaena n~g isang pamahayagang pinalalabas towing icalabinglimang araw, na ang pamagat ay _La Solidaridad_. Nagsisulat sa pamahayagang ito si na Guinoong Marcelo Hilario del Pilar, José Rizal, Ferdinand Blumentritt, Mariano Ponce, Eduardo Lete, Antonio Luna, Graciano López Jaena, Dominador Gómez at iba pa. Nagtayô n~g m~ga panahong iyon n~g isang "logia" n~g m~ga filipino, na pinamagatang _Solidaridad_, at mulâ noo'y sumilang ang adhicang palaganapin sa m~ga filipino ang masonería. Guinawâ n~g 25 n~g Noviembre n~g 1889 ang Junta general n~g capisanang "Asociación Hispano-Filipina at nangahalal na bumuô n~g Junta Directiva ang m~ga sumusunod: _Presidente_: D. Miguel Morayta, Gran Oriente Español n~g francmasonería. _Vicepresidentes_: D. Antonio Balbin de Unquera, católico at manunulat na balita; D. Felipe de la Córte, general brigadier n~g ingenieros, at D. Luis Vidart, jefe n~g artillería, académico n~g Historia at manunulat. _Tesorero_: D. Teodoro Sandiko. _Secretario_: D. Dominador Gómez. Ang bumubuô naman n~g Comisión Ejecutiva'y ang sumusunod: _Presidente_: D. Miguel Morayta. _Vocales_: D. Marcelo Hilario del Pilar, D. José Hernández Crame at D. Simplicio Jugo. _Secretario_: D. Manuel Labra. Hangang guinágawâ n~g m~ga filipinong na sa Madrid ang m~ga sinabi co na'y sinisiyasat naman ni Rizal ang lahát n~g m~ga casulata't m~ga librong nauucol sa Filipinas, upang malagyan niya n~g m~ga paliwanag ang librong _Sucesos de las Islas Filipinas_ (M~ga nangyari sa Sangcapuluang Filipinas) na sinulat n~g Dr. Antonio Morga na ipinalimbag nito sa México n~g taóng 1609. Dito naman sa Filipinas ay hindî naglilicat ang m~ga fraile n~g pagsirang puri sa _Noli me tangere_. Palibhasa'y hindî marami sa m~ga lupaíng itó ang marunong n~g wicang castílà, ang m~ga sinulat ni Rizal at ibá pang m~ga filipino, tungcol sa pagmamalasakit sa atin, ay bahagyâ, na lamang napagkikilala rito, datapowa't sa malakíng pagcacámalî n~g m~ga fraile ay silá rin ang naglaganap n~g bagay na caniláng linilipol. Pagca ang tao'y naparaig sa silacbó n~g manin~gas na galit, ang madalás na naguiguing bun~ga n~g guinagawà ay siyá rin ang nagpahamac sa sarili. Itó rin n~gâ ang nangyari sa m~ga fraile. Kinapopootang totoo n~g m~ga fraile ang m~ga sinusulat ni Rizal, dahil sa pawang pumupucao n~g pagsinta sa kinamulatang lúpâ, nagpapaliwanag n~g catowiran, nagpapakilala n~g sariling dan~gal at camahalan, nagtuturô n~g m~ga catungculan at carapatán at ipinauunáwâ ang m~ga pagdaraya at pan~gan~galacal na guinagawâ sa Religión ni Cristo n~g m~ga nagpapangáp na "cahalili n~g Dios," at napopoot sila n~g di cawasà cay Rizal at sa caniyang m~ga sinusulat, palibhasa'y talós nilang si Rizal ay lubhang pahám at masintahing totoo sa tinubuang lúpâ, at cung ang m~ga titic na iya'y lumaganap sa sangcapuluan, ang caniláng capangyariha'y málulugsô at masisirâ ang caniláng hanap buhay na pan~gan~galacal n~g Religión. Sa guitnâ n~g caniláng pagn~gin~gitn~git ay humanap silá n~g paraang sucat macasirang puri sa filipinong nagtatan~gol sa canyang kinamulatang bayan. Totoo't na sa caniláng camáy ang capangyarihang magbawal n~g pagpapadalá rito n~g m~ga casulatan ni Rizal, at na sa camay rin namán nilá ang capangyarihang umusig at magparusa n~g cabigatbigatan sa sino mang man~gahás tumanggap, mag in~gat ó bumasa n~g m~ga casulatang yaon; n~guni't caniláng nakitang linalabag lamang at pinaglalaruan n~g ilang m~ga filipinong tunay na sumisinta sa tinubuang bayan ang canilang mahigpít na utos, ang canilang m~ga pagbábalà n~g caparusahán sa catawán at sa calolowa, at winawalang cabuluhan ang canilang m~ga pan~gan~garal sa púlpito at sa confesionario, at sa gayong calagaya'y pinagcaisahan n~g m~ga fraile na sagutin ang m~ga casulatan ni Rizal n~g sulat din. Inihalál nila sa pagganap n~g ganitong tungcol si Fr. José Rodriguez, na n~g panahóng yao'y prior at púnò n~g "Asilo de Huérfanos" (Ampunang-bahay sa m~ga ulilang lalaki) sa convento n~g Guadalupe, sacop n~g bayang San Pedro Macatí, na n~gayo'y napapanig sa lalawigang Rizal. Tumupad si Fr. José Rodriguez n~g boong casipagan sa canyang mahigpit na catungculan, at sinabi naming mahigpit, sa pagca't walâ n~g mahirap gawing gaya n~g piliting hadlan~gan ang mahinusay na lacad n~g pagsulong n~g m~ga carunun~gan at n~g pagcakilala n~g tawo sa canyang sariling camahalan; tulad naman sa halíng na mag-acalang masasalaan niya ang ilog Pasig, at n~g ang tubig na umaagos doo'y howag macarating sa dagat. Nagpalimbag si Fr. José Rodriguez n~g sunodsunod na m~ga libritong wicang castílà at wicang tagalog. Pinamagatán niya ang m~ga wicang castílà n~g CUESTIONES DE SUMO INTERES, at ang tagalog nama'y CAIINGAT CAYO. Hindî sagot ang m~ga libritong yaon sa m~ga pan~gan~gatowiran ni Rizal, cung di licawlicaw na paglait, pag alipusta at m~ga pagpaparatang sa tinatawag nilang han~gal at imbíng Doctor Calambenyo. Hindî kilala n~g panahóng iyón n~g halos n~g lahat n~g filipino ang Doctor José Rizal, at bihirangbihirâ ang nacauunáwà n~g canyang pan~galan at m~ga sinusulat, datapowa't n~g mabasa n~g m~ga tagalog ang m~ga librito ni Fr. José Rodriguez, na ipinan~galat na walang bayad n~g boong casaganaan, ay napucaw ang canilang pagmimithing basahin ang NOLI ME TANGERE, na bagong calalabas, at sa pagca't ang pagsinta sa Inang Baya'y siyang lalong malacás na pangpatapang sa paglulong sa pan~ganib, hindî nawalan n~g nagpilit na dito'y macapagpasapit n~g lihim n~g lalong marami n~g librong iyon, at marami naman ang lihim na naglacô, at lalong marami ang m~ga lihim na bumili, "sa anim at pitong piso bawa't libro." Walâ na yatang totoong masarap sa aliping gaya n~g lumasáp n~g ibinabawal; ito ang cadahilana't nanaig sa tacot sa capahamacan ang maalab na adhicang sumírà, n~g utos n~g m~ga tampalasang pinapan~ginoon. Hindî nalaon at sinagot n~g m~ga tagalog ang m~ga libritong CAIINGAT CAYO ni fray José Rodriguez n~g m~ga librito ring pinamagatan naman n~g CAIIGAT CAYO, sa macatowid baga'y magpacaigat, tumulad sa igat, na sa cadulasan n~g catawan ay nacahahagpos sa camay n~g humuhuli. Cung minsa'y Dolores Manapat at cung minsa'y Salvadora Liwanag ang nacafirma sa m~ga libritong iyon. Isa sa m~ga libritong tagalog na sagot sa m~ga librito ni Fr. José Rodriguez ay ang nacafirma'y si Dimas Alang, pamagat ni Rizal, na siyang sumulat n~g libritong iyon. Sa m~ga libritong Caiigat cayo'y ipinakikilala ang m~ga malulupit at m~ga cahalayhalay na asal n~g m~ga fraile at ang canilang m~ga pagdaraya sa m~ga filipino, at bucod sa rito'y linilibac ang m~ga maling aral, ang m~ga licong itinuturo, at ang m~ga cung dî sana catampalasana'y catawatawang m~ga aral n~g Iglesia Católica Apostólica Romana, at ang m~ga libritong yaon ang caunaunahang limbag na sa wicang tagalog ay nag-alís n~g piríng n~g m~ga nalalabuang isip n~g tagarito. Bucod sa m~ga libritong Caiigat ay may isinabog din dito sa Maynilang m~ga dahong papel na limbag, na ang pamagat ay ¡Alerta Paisanos! at iba pa, na pawang laban din sa m~ga fraile at sa m~ga macafraile. * * * * * May m~ga bagay na nangyari n~g m~ga panahóng yaóng hindî dapat calimutan, sapagca't nagpapakilala n~g casiglahán n~g loob n~g m~ga táong bayan, n~g caniláng tunay na pag-ibig sa kinamulatang lúpà at n~g caniláng malakíng galit sa m~ga fraile na dito'y pawang nag-uugaling maban~gis na hárì bawa't isá. Niyo'y icapat na araw n~g Octubre n~g 1888, casalucuyang ipinagpifiesta ang San Francisco de Asis, na hindî magcasiya sa simbahan n~g m~ga franciscano sa Maynilâ ang dami n~g taong nagsimbá sa misa mayor; n~g matapos na ito'y may apat ó limang batang lalaki na namamahagui, sa nagsisilabás sa simbahan, n~g m~ga libritong waláng pinag-ibhan ang culay n~g takíp sa m~ga librito ni Fr. José Rodriguez, at ang pamagát ay Caiingat cayo. Nang matatapos na ang paglabás n~g m~ga tao'y nátanawan n~g isáng fraileng franciscano, buhat sa bintánà n~g convento n~g simbahan n~g "Tercera Orden", na caniyang pinanunun~gawan, ang pamimigáy n~g m~ga librito n~g m~ga batang yaón. Ipinatawag agad-agád n~g fraile ang uldóg na portero at pinagutusang cumuha n~g isá sa m~ga libritong ipinamímigay. Sumunód naman ang uldóg. Humin~gî sa m~ga batâ n~g isá sa m~ga libritong iyon at ipinanhic sa fraile, at n~g buclatín nitó ay nakitang ang m~ga libritong yaon ay hindî palá ang Caiingat cayo ni Fr. José Rodriguez, cung di ang Caiigat n~g m~ga tagalog, at sa gayo'y nalipós n~g galit ang fraile, at sinabi n~g pasigáw sa uldóg, na pagdaca'y iparakíp sa m~ga guardia civil veterana ang m~ga batang iyón. Patacbóng nanaog ang uldóg, tumawag n~g m~ga veterana at iniutos niyang dacpín ang m~ga batang namímigay n~g m~ga librito sa m~ga táong lumálabas sa simbahan n~guni't n~g caniláng hanapin ay walâ na cahi't isá man, nacatacas n~g lahát, at cahi't pinagpilitang maalaman cung sino sino ang m~ga batang iyon, at cung sino sino ang sumusulat, nagpapalimbag, lumilimbag at nagpapacalat n~g Caiigat cayo, ay hindî nangyaring maalaman, at nasayang lamang ang di cacaunting nagugol na salapî n~g m~ga fraile sa pagpapahanap na iyón. * * * * * Caugalian, buhat sa caunaunahang mulâ, na sa simbahan n~g Santa Cruz, nayong malakí nitong Maynílà, ay wicang tagalog ang guinagamit sa pagsesermón, at sa pagca't si Fr. José Rodriguez ay balitang magaling managalog, inanyayahan siya n~g cura párroco sa nasabing nayon n~g Santa Cruz, na si párì Eustaquio Moreno, fraileng recotelano, na siya na ang magsermón sa ica 12 n~g Octubre n~g sinabi n~g taóng 1888, fiesta n~g Nuestra Señora del Pilar, pintacasi n~g bayan. Punóngpunô n~g táo ang simbahan, n~guni't pagcakita nilá na si Fr. Rodriguez ang pumanhíc sa púlpito at siya ang magsesermón, umugong ang isáng alin~gawn~gáw na salisalitaan n~g isa't isá:--¡Tayo na!--anilá,--ang magsesermón pala'y ang maestro n~g Dios! At nan~gaglabasan n~gâ, sa simbahan, na ano pa't iilán ilán lamang ang nanirá, na siyang nakiníg n~g pag-alimura ni Fr. José Rodriguez cay Rizal at sa boong catagalugan. Hindî na namin saysayin ang lubhang maraming bagay bagay na nangyaring nagpaliwanag n~g pagcapucaw n~g loob n~g tagalog sa manin~gas na pag-ibig sa kinamulatang lúpà, mulâ n~g canilang mabasa ó mabalitaan ang m~ga sinulat ni Rizal, hangang sa dumating ang malualhating icadalawampo't apat na araw n~g bowan n~g Agosto n~g 1896, na pagpapasimulâ n~g panghihimagsic n~g m~ga filipino sa gobierno n~g castílâ, sapagca't lalawig caming lubhâ, at ang bagay na ito'y itatalâ na namin sa librong aming ilalathalâ na ang pamagát ay REVOLUCION NANG FILIPINAS; sucat na ang aming sabihing salamat sa m~ga isinulat ni Rizal ay naguising sa m~ga dibdib n~g catagalugan ang natutulog na pagsinta sa sariling dan~gal; at cung nangyari ang gayong caligaligayang bagay, sa gayong balibalitâ lamang ang pagcaalam n~g caramihan sa m~ga sinulat ni Rizal, sapagca't bibihirâ ang tunay na nacatatalos n~g _Noli me tangere_, _Filibusterismo_ at ibà pang canyang itinitic sa wicang castílà ¿di lalonglálò n~g mag-aalab n~g di ano lamang ang pagsintang iyán, cung caniláng ganáp na maunawâ ang m~ga pantás na casulatan ni Rizal, na siyang naguing maliwanag na araw na humawì n~g dilim na m~ga lupaing ito? Ito ang wagás na cadahilanan at pinagsicapan naming isatagalog ang calahatlahatang sinulat ni Gat Jose Rizal, at ilathalâ sa isáng paraang macacayang icabasa n~g lalong carukrukhaang tagalog, at lubós ang aming pag-asa na ang aming munting pagal ay pag-aanihan n~g matimyas at saganang bun~gang icagagalíng at icararan~gal n~g Sangcapuluang Filipinas. Nanatili si Rizal sa Lóndres, at doo'y ipinagpatuloy niya ang pag-uusísà n~g m~ga casulatan at librong kinalalagdaan n~g m~ga nangyari sa canyáng lúpà n~g m~ga panahong nacaraan na, bucod sa siya'y nagpapadalá n~g sulat na ipinalalathálà sa "La Solidaridad." Sa sandasandaling siya'y natitiguil ay naglilibang sa pag-ukit n~g m~ga larawang cahoy. Tatlong "estátua" ang nayari niya sa Lóndres na canyáng pinamagatang "Ang pagtatagumpay n~g camatayan sa buhay", "Ang pagtatagumpay n~g carunun~gan sa camatayan" at "Si Prometeong nacagapos". Bucod sa rito'y sumusulat siya n~g m~ga casaysayang wicang inglés at wicang alemán, na canyáng ipinadádala sa m~ga pamahayagan. Nátitira si Rizal sa Lóndres, sa nayon n~g Chalk Farm, sa bahay n~g isáng mag-anac na m~ga inglés, na naboboo sa isang matandang lalaki at tatlong dalaga, na nagpapakita sa canya n~g boong cagandahan n~g loob, dahil sa sila'y nan~galúlugod sa catalinuhan n~g isip at catimyasan n~g asal niya. Iguinawâ ni Rizal n~g isang mainam na larawang cahoy ang m~ga ulo n~g tatlong dalagang iyon at saca inihandog sa canila. Isang araw ay naparoon siya sa bahay ni G. Antonio Regidor at nagsabing siya'y aalis sa bahay na iyon at siya'y pasasa París, sa pagca't nararamdaman niyang tila siya'y ibig maraig n~g paghilig n~g budhî sa isá sa m~ga dalagang iyon.--"Hindî mangyayaring dayain co ang dalagang iyon--ani Rizal cay Regidor;--hindî acó macapapacasal sa canya, sa pagca't hindî itutulot na gawin co ito n~g m~ga ibang pag-ibig na linisan co sa ating lupain, at dî co n~ga maitutumbas ang pagdaráyà sa isang dalisay at malinis na pag irog". Nalalarawan sa mukhâ ni Rizal ang malaking pakikipaglaban niya sa panghihinaíng n~g pusong sarili n~g sinasabi niya ang m~ga bagay na iyón sa cababayan nating si G. Antonio Regidor. * * * * * Lumipat n~gâ si Rizal n~g taóng 1889 sa París at doon tumulóy muna sa bahay n~g ating calahî at cababayang si G. Valentín Ventura, at bago lumipat sa Rue de Maubergue, bilang 45, sa París dín, at ipinagpatuloy niya roon ang pagcathâ n~g _Filibusterismo_, na canyang pinasimulán na n~g siya'y natitirá pa sa Lóndres, at tuloy ipinalimbág niya roon ang librong _Sucesos de las Islas Filipinas_, ni Doctor Antonio de Morga, na canyang nilagyan n~g m~ga paliwanag upang lalong mapagcurong magalíng n~g babasa. Samantala'y waláng licat ang paglaganap sa boong Filipinas n~g maraming dahong limbág, na doo'y ipinauunawâ ang sari-saring m~ga mahahalay at tampalasang cagagawán n~g m~ga fraile sa pagyurac sa dan~gal at pamumuhay n~g m~ga filipino, m~ga dahong limbàg na ipinamamahagui n~g boong lihim sa m~ga tagarito, at hindî mapagcúrò n~g m~ga cawaní n~g Gobierno cung sino ang nagdadalá rito, baga man nakikilalang m~ga gawâ sa limbagan sa Hongkong, at hinihinalang ang nagpapalimbag doo'y marahil si G. Doroteo Cortés ó si G. José María Basa, na capowâ cababayan natin. May isáng nagn~gan~galang filipinong sumagót n~g dahong limbag din sa m~ga dahong limbag na iyón. Sa sagót n~g filipinong yao'y ipinagsasanggaláng ang m~ga fraile't ang m~ga castílà, at tinututulan at minámasamâ ang guinágawâ n~g m~ga filipinong na sa Europa, at lalonglalo na ang guinágawâ n~g m~ga sumusulat sa _La Solidaridad_ at ang m~ga pagbabagong utos na hinihin~gî n~g m~ga magcacapanig sa "Asociación Hispano-Filipina;" hindî raw mabuting dito'y ipagcaloob ang Código político, ang nauucol baga sa m~ga calayaan sa pamamayan, at hindî raw pakikinaban~gan n~g sino man ang magcaroon sa Kapulun~gang bayan n~g España n~g m~ga filipinong tagapakiharáp natin doon, bucod sa canyang inaalimura't ipinalalagay na m~ga tampalasan ang m~ga táong dito'y nagcacalát n~g m~ga dahong limbag na laban sa m~ga fraile at m~ga castílà. Nacarating hangang sa Europa ang tutol na iyon, at dî nalao't dito'y dumatíng ang isang masigabong sagot n~g m~ga filipinong na sa París. Ang taglay na fecha n~g sagot na iyo'y 10 n~g Octubre n~g 1889. Sinasapantáhà n~g iláng ang sagot na iyo'y gawâ ni Rizal; datapwa't ani G. Mariano Ponce ay hindî raw. Si G. Mariano Ponce ay isa sa lalong m~ga caibigang matalic ni Rizal. Nagpasimulâ si G. Antonio Luna n~g pagsulat sa _La Solidaridad_, at ang guinamit niyang pamagat na pangfirma sa canyáng m~ga ilinalathálà ay "Taga-Ilog," at sa pagca't inúuyat ni "Taga-Ilog" ang iláng m~ga ugalî n~g m~ga castílá, sumagot sa canya ang páhayagang "El Pueblo Soberano", sa Barcelona, at doo'y pinacacalaitlait n~g dî cawásà si G. Juan Luna, sa pagca't walán~g boong isip ang m~ga castílâ cung dî si G. Juan Luna ang pumifirmá n~g "Taga-Ilog." Hindî nacatiís si Rizal cung dî ipagsangalang ang cababayan sa isang mainam at bayaning pan~gan~gatuwiran, na canyáng ilinathálà sa _La Solidaridad_ n~g ica 30 n~g Noviembre n~g 1889. Na sa París n~g panahóng iyón si Rizal. Ganito ang wacás n~g casagutan niya: " ...dinaramdam namin ... na ang isáng pamahayagan n~g isáng "partido" na may cagalinggalin~gang m~ga mithî, na pinacananais na mácamtan ang m~ga dakilang adhicâ na pamamahala't paglalagdâ n~g m~ga cautusa'y ang pagcacapantaypantay ang guinagamit na saguisag; pagca nauucol na sa filipino'y limutin ang canyang linalandás na asal at gumamit n~g pananalitang sa capalalua'y malabis at puspós n~g casun~gitan, nasasalig sa camalìan, na wárì mandin ang hinahan~gad ay ang papagn~galitin ang m~ga may tapát na loob na nananahán sa Sangcapuluan, at tila mandin sa canila'y sinasabi: ¡Ha! Howag cayong umasa sa cadalisayan n~g talarongtimban~gan, howag cayong umasang kikilalanin ang inyong m~ga catowiran, huwag cayong umasa sa pagcahabág: ¡cailan ma'y hindî mangyayaring cami'y inyong maguing capatid! Tunay n~ga't ibig namin ang Calayaan, ang pagsunod sa Talarongtimban~gan, ang Pagcacapantaypantay; n~guni't ibig naming cami lamang ang magcamit n~g tatlong cagalin~gang ito; tunay n~ga't ipinaglalaban namin ang icágagaling nang sangcataohan; n~guni't ang icagagaling lamang n~g sangcataohan sa Europa; hindî lumálampas ang aming pagtin~gín sa daco pa roon; sa pagca't cayo'y m~ga, lahing marilaw ó caymangui, ¡cayo n~gâ ang bahálà sa inyong sariling catawán! Talagang maban~gis ang lahát n~g m~ga "partido"--cahi't na ang lalong maiiruguin sa m~ga calayàan--sa m~ga taga ibang lupaíng nasasacop n~g canicanilang nación. ¡Cung ibig ninyong magtamó n~g lubós na catowiran ay inyong hanapin sa pamamag-itan n~g pakikibaca." Naghayag si Rizal n~g dalawang casulatang mahahalagá sa _La Solidaridad_, mula n~g Septiembre n~g 1890 hangang sa m~ga unang bowan n~g 1891, na ang m~ga pamagát ay _Filipinas dentro de cien años_, (calagayan n~g Filipinas sa loob n~g sandaang taón) at _Sobre la indolencia de los filipinos_ (tungkol sa catamaran n~g m~ga filipino). Sinasaysay ni Rizal sa _Filipinas dentro de cien años_ ang m~ga caunaunahang nangyari sa Filipinas, ang casalucuyang nangyayari n~g panahóng iyon at ang inaacálà niyang mangyayari sa hinaharap. Tungcól sa casalucuyang nangyayari, nagsasalitâ si Rizal n~g m~ga catotohanang masasacláp, n~guni't m~ga dákilang catotohanan. "Ang pagca maramdamin ang púsò"--ani Rizal--"ang siyang pan~gulong budhî n~g "indio", at sinugatan nila ang pagca maramdaming iyan; at cung natutong manatili sa pag-titiís sa m~ga hirap at pagcaamis n~g búhay sa paanan n~g isang bandera n~g taga ibang lúpà, sa paglilingcod sa España,[53] hindî nacapagtiís n~g makita niyang ang sa caniya'y ibinabayad n~g canyang pinaghahayinan n~g buhay ay pag-alimura at m~ga sawíng caasalán (chonggo, pilósopo, filibustero at iba pa). Nang magcágayo'y untiunting hiniwatiga't siniyasat ang canyang calagayan at napagkikila ang canyang anyong cahapishapis (wal-in ang pag-asa magpacailan man, sa canyang catubusan). Ang hindî nan~gag-aacalà n~g ganitóng mangyayari, palibhasa'y nápacalupit na m~ga pan~ginoon, ipinalagáy niláng paglabág ang anó mang daíng, ang anó mang pagtútol, at camatayan ang siyáng parusang bigáy; pinacsáng lunurin sa dugô ang anó mang sigáw n~g paghihírap, at guinawâ ang sunodsunód na pagcacámalì. Datapowa't hindî napagúlat sa ganitó ang budhî n~g bayan. At baga man sa íilang púsò lamang napúcaw ang pagdaramdam, ang nin~gas nito'y hindî naglílicat n~g marubdob na paglalakit, salamat sa m~ga catampalasanan at m~ga masasamang cagagawán n~g tan~ging m~ga táong nagpupumilit inisín ang m~ga damdaming mahál at mairuguín. Tulad namán cung narirígkitan n~g alab ang suot na damít, ang pagcágulat at pagmamadalî n~g pagpapagpag ay siyáng lalong nacapagpaparubdob n~g nin~gas, at bawa't isáng pamamayagpag, bawa't isáng paghampás sa nin~gas ay isáng híhip na lalong nagpapaalab." Mahábà pang lubhâ ang canyáng m~ga sinaysáy, n~guni't ang lalong nacapagtátaca'y ang marami sa canyáng m~ga sinabi'y naguing isáng panghuhúla, catulad n~g m~ga wicâ niyáng itó:--"Marahil mapag-isipan n~g malakíng República Americana ang muha n~g sacóp sa m~ga dacong itó, bagá man hangga n~gayo'y walâ siyáng pinakikialamán cung dî ang canyáng m~ga pag-aaring na sa sa dagat Pacífico at hindî pa n~gâ siya nakikitalamitam sa m~ga nacucuha n~g m~ga ibáng nación sa Africa." Sinabi rin niyáng cahi't lubhang payapang loob ang filipino'y mapipilitang ipagpasumalá, sa camatayan ang buhay na puspós n~g lait at cahirapan, at gayon n~gâ ang nangyari. Ipinagsasangalang ni Rizal towî na ang canyang m~ga caláhì, sa pamamag-itan n~g canyang pluma, sa m~ga paratang at pagpapahirap n~g m~ga fraile at m~ga castílá, na ano pa't cung aking sasabihin dito ang lahat n~g canyang m~ga guinawa'y hahabà n~g dî cawasà ang casaysayang ito, caya't n~g dì magcágayo'y isinasamò co sa bumabasang cung totoong ibig niyang matalós na ganap ang buhay ni Rizal at ang canyang m~ga sinulat, bucod sa _Noli me tangere_, _Filibusterismo_ at _Sucesos de las Islas Filipinas_, ay adhicain at basahin ang librong dî malalaon at aming ipalilimbag na ang pamagát ay _Buhay ni Rizal_. Nalís sa Francia si Rizal at lumipat sa Madrid n~g man~gan~galaghatìan na ang Agosto n~g 1860, at pagdating niya roo'y pinagod niya ang maraming pahayagan sa calalathálà n~g canyáng m~ga sinusulat sa paglalaban n~g catuwiran n~g m~ga filipino. Minsa'y hindî na nagcasiya si Rizal na pluma na lamang ang gamiting sandata. Naglathálà si Don Wenceslao E. Retana sa páhayagang _La Epoca_ n~g ica 16 n~g Noviembre n~g 1890, n~g isang sulat na laban sa m~ga camag-anac n~g ating marilág na capatíd, at kinabucasa'y tumatangap na siya n~g dalawang sacsing inutusan ni Rizal, at siya'y ipinahahamon sa isang away na patayan (desafió â muerte). Namag-ita't n~g huwag mátuloy ang away na iyon ang dalawang caibigan ni Retana, at binigyang wacás ang gayong pag-aalit sa pamamag-itan n~g isang "acta" ó casulatang pinagfirmahanan n~g lahat, na doo'y sinasabing walang cahi't munting han~gad si Retanang ligaliguin cahi't babahagyâ, ang calooban ni Rizal, at cung sacali't may salitang dapat icamuhî ni Rizal na canyang sinulat ay ipinamamanhic na huwag pansinin at yao'y hindî niya han~gad. Si Retana rin ang sa canyang _Vida y escritos del Dr._ Rizal _ay nagsabi n~g ganito:_ "Nang matapos na ang bagay na iyon, isa sa m~ga kinatawan co, na si Sr. Scheidnagel, manunulat na militar na sa aki'y malaki ang pagguiliw, ay nagsabi sa akin: Nagaalap-ap acong mátuloy ang pag-aaway ninyó; sa pagca't talastas cong totoong magaling ang camáy ni Rizal sa pamamaril, at sacâ hindî marunong malaguím." Sinabi n~g m~ga pamahayagang castílang "La Correspondencia Alicantina", "El Demócrata," sa Lorca at ibá pa, na cung gaano raw ang cagalin~gang totoo n~g camáy ni Rizal, sa pagpapagalíng n~g matá, ay gayon din ang cabutihang magpatámà n~g bala; naisusulat niyá sa pader ang canyáng pan~galan sa pamamag-itan n~g m~ga bála n~g pistolang canyáng pinapúputoc. Magalíng din totoong manandata siyá n~g espada at sable. Nang mámasid ni Rizal na hindî niyá masunduan sa Madrid ang maalab na mithî n~g canyáng calolowang macapagbigay guinhawa sa Inang Filipinas, bagá man guinagamit niyá ang boong lacás n~g canyáng ísip, nanaw siyá roong puspós n~g calungcutan, pagcatapos na mailáthalà niyá sa "La Solidaridad" ang canyáng m~ga pagsisiyasat n~g librong "Las luchas de nuestros dias" ni D. Francisco Pí y Margall, at ang canyáng m~ga sinulat na ang pamagát ay "Como se gabiernan las Filipinas," "A mi.... (musa)" at "Mariang Makiling." Ica 27 n~g Enero n~g 1891 n~g umalís si Rizal sa Madrid na ang tun~go'y sa París. * * * * * Hindî nalaong totoo n~g pagtirá sa París si Rizal. Halos sa boong táong 1891 ay nátira siyá sa Bélgica. Nanahán muna siyá sa ciudad n~g Bruselas, n~guni't hindî nagluat at lumipat siyá sa ciudad n~g Gante, at doo'y ipinalimbág niyá ang _Filibusterismo_. Náhahandog ang librong itó sa m~ga presbíterong tagalog na si párì Mariano Gómez, (walompo't limang taon); si párì José Burgos (tatlompong taón), at si párì Jacinto Zamora (tatlompo't limang taón), na ipinabitay n~g gobiernong castílà sa Bagumbayan n~g ica 28 n~g Febrero n~g 1872. Hindî ipinagbilí ang cahi't isang libong _Filibusterismo_ sa Madrid, ni sa alín mang ciudad n~g Europa; ipinadalá niyáng lahát sa Hong-kong upang ipasoc n~g lihim sa Filipinas; n~guni't nátictican n~g m~ga cainalám n~g m~ga fraile, caya't n~g dalhín dito sa Mayníla'y nahuling lahát. Gayon ma'y nacapagparating din dito n~g librong iyón, n~guni't cacauntî ang naipamahagui, dahil sa malakíng paghihigpít n~g m~ga nag-uusig sa m~ga libro ni Rizal. [Larawan: G. Teodora Alonso Y Quintos, Iná n~g Dr. José Rizal Imp. de M Fernández. Paz, 447, Sta Cruz] N~g m~ga caarawang dumating dito sa Maynilà ang librong "Filibusterismo" ay pinaparoonan naman ang Calambâ n~g m~ga guardia civil at n~g m~ga castilang sundalong artillero, na ang namiminuno'y ang maban~gis at waláng habág na si Francisco Olive y García, coronel n~g 20.° tercio n~g guardia civil, na totoong maraming pinahirapan at binaríl at ipinabaríl na m~ga filipino, mulâ n~g Agosto n~g 1896 hangang sa malupig dito ang gobierno n~g castílà. Ang m~ga guinawâ n~g ganid at tampalasang itó at ibá pang m~ga castílà at cauralì n~g m~ga castilang sa Filipinas ay naglaganap n~g kilabot dahil sa caniláng calupitán, sásaysayin co sa aking librong ilalathala tungcol sa Revolución n~g 1896. Iguinibâ n~g m~ga guardia civil at n~g m~ga artillero, sa utos ni Olive, ang m~ga bahay nang m~ga taga Calambang inaacalang catoto at nakikisang-ayon cay Rizal, at n~g maiguibâ na'y sinunog naman. Guinawa ang lahat n~g itó sa cahin~gian n~g m~ga fraile. Hindî pa nagcasiya ang m~ga fraile sa gayong gawâ ay hinin~gî sa pamamag-itan ni Olive sa general Weyler na ipatapon sa Joló ang dalawampo't limang m~ga camag-anac at caibigan ni RizaL, at sumang-ayon namán ang general na iyon. Nang mábalitaan ni Rizal ang gayong nangyari, nagdamdam n~g di gagaanong pighatî at sacláp n~g loob. Inacálà ni Rizal na dalhin ang canyang ama't iná at m~ga capatid sa Leida, ó sa Delpt ó sa Utrecht, at doon na sila tumirang casama niya, sa pagca't ito ang sa canya'y hatol n~g canyang caibigang si profesor Blumentritt, datapuwa't hindî pumayag silá sa canya, caya't ang guinawâ niya'y lumipat siya sa Hongkong at doo'y dumating n~g magtatapos na ang buwan n~g Noviembre n~g taóng 1891, sa pagca't ibig niyang mápalapit siya sa m~ga sinísinta n~g canyang calolowa. Hinan~gad niyang omowi dito sa Filipinas, caya't sumulat siya sa canyang "familia" n~g ganito: "Hongkong, 1 n~g Diciembre n~g 1891." "Minamahal cong ama't iná at m~ga capatid: Sinúsundan cong walang licát ang cahapishapis na Calvariong inyong linálacbay, Huwag cayong man~ganib at hindî aco nagpapahin~galay sa pagsisicap. ¡Lakíng caligayahán sana cung matulutan ninyo acong macaowî riyan! ¡Marahil magbago ang lahat! Ipagcaloob n~ga ninyo sa akin ang capahintulutang ito at papariyan agad acó. Umaasa acó, lubos ang aking paniniwalang magalíng ang ating calalabasan." "Natatalastas co ang pagcaparoon n~g apat na cababayan sa Joló, at ang pagcábalic n~g aking capatid na lalaki sa Maynila. Natalastas co ring mulíng ipinatawag sa Gobierno Civil ang Nanay, si Pan~goy at si Trining. Taglayín ninyó ang caunting pagtitiis. Lacsán ang loob." "Sa pagca't pinapagmámadalî aco n~g panaho'y bíbigyan cong wacás itóng sulat." "Maalab ang aking mithíng cayo'y mayacap." Ang inyóng anác,--Rizal. Sinagót agad siyá n~g canyang familiang howag ituloy ang canyang gayac, cayâ hindî siyá nátuloy niyón n~g pag-owi rito. Umupa siyá n~g bahay sa Hongkong at doon na siyá nagtumirá, hangang sa siya'y bumili n~g maraming libro, na ang bilang ay dumating hangang sa sanglibo. N~guni't hindî rin siyá mátahimic; ninanasâ niyang totoo ang capanatagán n~g canyáng m~ga magulang, m~ga capatíd, m~ga camag-anac at m~ga cababayan, caya't naglacbáy siya sa Borneo, lupang sacóp n~g Inglaterra[54], at n~g makita niyang doo'y maluwag ang pamamayan, min~gî siyá sa Gobierno n~g Inglés na pagcalooban siyá n~g lupang mátahanan at mápagtamnan n~g m~ga halaman, at pumayag naman ang Gobiernong iyon. Gayác na sana si Rizal, n~g pagpasa Borneo, na doo'y isasama niyá ang canyáng m~ga magulang, capatíd, kinamag-anacan at cababayan, n~g mabalitaan niyang dito sa Filipinas ay may bagong Gobernador General na totoong masintahin sa catowiran. Ito'y ang teniente general Eulogio Despujol y Dusay, Conde de Caspe, na dumating dito n~g ica 17 n~g Noviembre n~g 1881. At tunay n~gâ namán. N~g m~ga unang buwan n~g pamumunò rito n~g general Despujol ay nagpakita n~g pag-uusig sa m~ga gawáng masamâ n~g m~ga castílà, at ipinakilala niyang hindî siyá sang-ayon sa m~ga caasalán n~g m~ga fraile. Sa pagca't marami ang nagbalitâ cay Rizal n~g m~ga gayong panunupád n~g General Despujol sa canyáng mataas na catungculan, sumulat siya sa Gobernador General na itó, at sinabi niya ang nasang omowî rito sa Maynilà upang ihandóg niya ang pagtulong sa lalong magalíng na pamamanihalâ n~g lupaíng itó. Hindî sumagót si Despujol sa sulat na iyón, n~guni't n~g macaraan ang iláng buwan, mulíng sumulat si Rizal n~g Mayo n~g 1892 sa General, at sinabi niyá ang canyang acalang bumalic siyá sa bayang itóng sa canya'y pinan~ganacan, upang ipagbili niya at n~g canyang m~ga caibigan ang m~ga pag-aaring sa canila'y nátitira pa, at n~g macalipat silá n~g pamamayan sa Borneo, na casama ang canicaniláng asawa't m~ga anác, at doo'y man~gan~gasíwà silá sa pagsasáca, sulat na hindî sinagót n~g sulat din n~g general Despujol, cung dî ang guinawa'y ipinasabi na lamang sa canyá sa Cónsul n~g España sa Hongkong, "na sa pagca't culang na culang sa magsasacá ang m~ga lúpà rito sa Filipinas, hindî n~gâ gawang macabayan ang alsán n~g m~ga magsasacá rito upang bigyang casaganaan ang lúpà n~g m~ga taga ibang nación, caya't dahil dito'y hindî n~gâ siyá macatutulong sa gayong nais"; sacâ idinugtong ang sabing: "sino mang filipino'y macatutulong mulâ sa alín mang bayan n~g Sangcapuluan sa iguiguinháwa n~g lupaíng itó, sa loob n~g nasasaclaw n~g m~ga cautusán n~g sariling bayan." Datapuwa't cung nagsusumakit man si Rizal sa icapapanatag n~g m~ga irog n~g canyáng puso'y hindî naman niya nililimot ang ipagtatamó n~g guinhawa, m~ga calayâan at casarinlán n~g Filipinas, at sa pagca't ang pagcacaisa'y siyang mahigpít na cailan~gan upang tamuhín ang m~ga gayóng bagay, inisip niya't itinatag ang isáng samahang pinan~galanan niyang _Liga Filipina_; nagpalimbag siyá n~g maraming palatuntunan n~g capisanang itó at ipinadalá sa canyáng caibigang si G. Domingo Franco. Sa pagca't inaacalà cong lubhang mahalagang bagay, aking isasatagalog ang "Estatutos de la Liga Filipina", sa pagca't mainam na gawing ulirán sa pagtatayô n~g ano mang samahang nauucol sa catubusan nitong ating kinaguisnang bayan.[55] Ang m~ga abreviaturang cagamitan sa "Estatutos de la Liga Filipina" (Palatuntunan n~g Pagcacabigkísbigkís n~g m~ga Filipino) ay ang sumusúnod: L. F., Liga Filipina; Pagcacabigkísbigkís n~g m~ga Filipino. A * * *, Archipiélago; Sangcapuluan. VIO * * *, Vnvs Instar Omnium; Pagcacaisá n~g lahát. Cp, Consejo popular; Capulun~gáng bayan. CP, Consejo Provincial; Capulun~gáng Lalawigan. CS, Consejo Supremo; Cataastaasang Púnò. GS, Gefe Supremo; Cataastaasang Púnò. G, gefe; Púnò. F, Fiscal; Tagausig. T, Tesorero; Tagain~gat-yaman. S, Secretario; Calihim. A, Afiliado ó afiliados; Capanig ó M~ga Capanig. P, mayúscula (malaking P), ang cahuluga'y Provincial, ang nauucol sa Lalawigan; at p minúscula, (maliit na p), ang cahuluga'y "popular, ang nauucol sa bayan". Ganito sa wicang tagalog ang sinabi n~g "Estatutos": L. P. ADHICA: Paglakiplakipín ang A * * * sa isá lamang capisanang nag-iibigang mahigpít, malacás at nagcácaisang anyô ang magcacapanig. 2. Man~gagtangkilican sa lahát n~g capan~ganiban at pan~gan~gailan~gan. 3. Pagsasan~ggalang laban sa anó mang catampalasanan at gawáng sawî sa catuwiran. 4. Pagpapalagô n~g pag-aaral, n~g pagsasaca at n~g pan~gan~galacal. 5. Pag-iísip at paggamit n~g m~ga pagbabagong cautusán. Saguisag: VIO * * * Palatandàan: * * * PARAAN: 1. Upang masunduan ang m~ga ADHICANG ito'y magtatatag n~g Cp, CP at sacâ isáng CS. 2. Bawa't C ay magcacaroon n~g isáng G, F, T, S at m~ga capanig. 3. Bubuô-in ang CS n~g m~ga GP, at gayon ding bubuô-in ang CP n~g m~ga Gp. 4. Nag-uutos ang CS sa LP at makikipag-alam na tulóy-tulóy sa m~ga GP at m~ga Gp. 5. Nag-uutos ang CP sa m~ga Gp. 6. Ang Gp ay nacapag-uutos sa m~ga A. 7. Bawa't CP at Cp ay gagamit n~g isáng pan~galang ibá sa pan~galan n~g kinalalagyang bayan ó lupaín. MGA CATUNGCULAN N~G M~GA A. 1. Magbabayad n~g dalawang piso pagpasoc, at bucod sa rito'y piso sa bawa't buwan. 2. Súsunod n~g waláng tutol at n~g boong caganapán ang lahát sa m~ga cautusáng mangaling sa isáng C ó sa isáng G ó sa GS. 3. Ipagbíbigay alám sa F n~g canyang C ang anó mang mahiwatigan ó maringíg na nauucol sa LP. 4. Pacaiin~gatan ang paglilihim n~g ano mang lagdâ, cautusán ó cahatulán n~g C. 5. Sa anó mang gágawin sa pamumuhay ay bíbigyang lin~gap ang m~ga A; howag bíbili cung dî sa tindahan n~g A, at cung magbíbili naman n~g ano man sa isáng A ay bababàan ang halagá. Parurusahan n~g mabigat ang ano mang pagsuay sa cautusang itó. * * * 6. Ang A na hindî sumaclolo, baga man mangyayari, sa isang capwâ A, na nakikitang na sa caguipitan ó pan~ganib ay parurusahan, at ang caliitan n~g parusang ito'y ang capantay n~g paghihirap na tiniis n~g dapat niyang saclolohan. 7. Gagamit bawa't A, pagpanig niya sa LF, n~g bagong pan~galang hindî niya mababago ulî hangang hindî siyá naguiguing GP. 8. Itutulong sa bawa't C ang isáng gawâ, isáng paalaala, isáng natutuhang dunong ó n~g paghicayat sa magagandang loob na cababayang sila'y umanib sa LF. 9. Howag paaalimúra at howag magpapalálò canino man. MGA CATUNGCULAN NG G. 1. Lin~gatan ang búhay n~g canyang C. Sacali't siyá ang GS, dapat niyáng masaulo ang m~ga pan~galang bago at gayon din ang n~galang tunay n~g m~ga C, at sacali't siya'y Gp ay dapat niyang masaulo ang m~ga pan~galang dati at pan~galang bago n~g sacóp niyang m~ga A. 2. Sa towi na'y pagsisicapang maalaman ang lalong magalíng na paraan upang magcáisa ang canyáng m~ga nasasacupan at sila'y mapag-abot-usap agad-agád. 3. Pagsisicapang maalaman at pagdaca'y bibigyang cagamutan ang m~ga pan~gan~gailan~gan n~g LP, n~g CP ó n~g Cp, alisunod sa cung siya'y GS, GP ó Gp. 4. Pápansinin agad at paglilitisin ang lahat n~g m~ga paalaala, m~ga sulat at m~ga cahin~gìang canyang tangapín, at ipagbíbigay alam na madalì cung can~gino nararapat. 5. Sa pan~ganib ay siya ang magpapáuna at siya ang unang manánagot n~g ano mang mangyari sa loob n~g caniyang C. 6. Magbigay ulirán n~g canyang pagca masunurin sa canyang m~ga púnò, at n~g siyá, nama'y sundín n~g canyang m~ga pinamumunúan. 7. Ipagpapalaga'y ang catapustapusang A na isáng caboôan n~g LF. 8. Ang m~ga caculan~gáng gawín n~g m~ga púnò ay parurusahan n~g higuít ang cabigatán sa m~ga parusang ibiníbigay sa isáng A lamang. MGA CATUNGCULAN NG F: 1. Ang F ang siyang man~gan~gasiwà upang tumupád ang lahat n~g canícanilang catungculan. 2. Isusumbong sa haráp n~g C ang ano mang páglabág ó hindî pagtupád na canyang mámasid sa sino mang caanib sa C. 3. Ipagbigay alam sa C ang ano mang pan~ganib ó pag-uusig. 4. Siyasatin ang calagayan n~g salapì n~g C. CATUNGCULAN NG T: 1. Magtátaglay n~g isáng talaan n~g m~ga bagong pan~galan n~g m~ga A. na bumubuò n~g canyang C. 2. Magbíbigay n~g mahigpit na sulit sa buwan buwan n~g tinátangap niyáng bayad n~g isá't isá, na ang magtatalâ sa libro'y ang m~ga A rin, na ang canícanilang tan~ging pan~galang bago (simbólico) ang gagamitin. 3. Magbibigay n~g "recibo" (catibayan), at canyáng ipatatalâ sa librong talaan, na ang letra at sulat ay sa táo ring nag-aambag, ang lahát n~g ambág na humihíguit sa píso at hindî humíhiguit sa limampong piso. 4. Ititira n~g Tp sa Caja n~g Cp ang icatlông bahagui n~g m~ga naliligpit niyang m~ga bayad at n~g siyang maipagtakíp sa m~ga cailan~gan n~g sinabi n~g Cp. Pagdumatíng na sa halagang sampong piso, ang dalawáng bahagui ay ibíbigay sa TP; ipakikita sa TP ang canyang talàan at siyá rin, sa macatuwíd baga'y ang Tp din, ang susulat sa talàan n~g TP n~g salaping canyáng ibinigáy. Pagcatapos ay magbíbigay n~g isang "recibo" ang TP, at cung sang-ayon siyá sa m~ga cuenta ay canyáng lálagyan n~g "Visto Bueno" ó "Sang-ayon" ang librong talaan n~g Tp. Gayon din ang gáganaping paraan pagca nagbibigay ang TP sa TS n~g halagang mahiguít sa sampong piso. 5. Itítira n~g TP sa canyáng Caja ang icasampong bahagui n~g m~ga salaping sa canya'y ibinibigay n~g m~ga Tp at n~g siyang magugol n~g CP. at ang siyám sa sampong bahagui ay ibíbigay sa TS n~g CS. 6. Pagca ibig magbigay n~g sino mang A sa LF n~g halagang mahiguít sa limampong piso, canyang ihahabilin ang salaping iyon sa alín mang matatág na Banco, na ang ipalálagay niya'y ang tunay niyang pan~galang caraniwan, at sacâ ibíbigay niya ang recibo sa sino mang magali~ngín niyang T. MGA CATUNCULAN NG S. 1. Ipagbibigay alám sa bawa't pagpupulong ang pinagcayarîang batás at ipauunáwà, ang m~ga gagawin. 2. Siya ang susulat n~g m~ga liham n~g C. Sacali't umalís ó hindî macaganáp ang sino mang púnò, maghahalal siya n~g samantalang cahalili sa punong hindî macaganáp. MGA CATUWIRAN NG MGA A. 1. May catowiran ang lahát n~g A sa saclolong paghahatol at sa saclolong salapî n~g canyang C at n~g LF. 2. Mahihin~gî niya sa lahát n~g m~ga A na siya'y tangkilikin sa canyang pan~gan~galacal ó hánap-búhay, cailan man at patibayan niyang hindî sahól ang calacal ó hánap-búhay niya sa m~ga ibá. Upang camtán niya ang tangkilic na itó, sasabihin niya ang canyang tunay na pan~galan at ang canyang calagayan sa canyang Gp, upang ipagbigay alam nitó sa GS, at n~g ito nama'y macapagbigay alám sa lahát n~g m~ga A n~g LF. 3. Sa ano mang caguipitan, pagcaapí ó catampalasanang laban sa catuwirang sa caniya'y mangyari, mahíhin~gî niya ang boong pagtatangkilic n~g LF. 4. Macahíhin~gi n~g puhunan sa ano mang hánap búhay, cailan ma't may salapî sa Caja. 5. Macahíhin~gi n~g bawas n~g halagá n~g ano mang canyang bilhin, ó ano mang paglilingcod na canyang hilin~gin sa alin mang tindahan ó bahay-calacal na tinatangkilic n~g LF. 6. Hindî mapaghahatulan ang sino mang A hanggang hindî muna naipahihintulot sa canya ang pagsasanggalang. MGA CATUWIRAN NG GS. 1. Hindi siya matututulan, cung dî rin lamang may man~gunang sumbóng na laban sa canya ang F. 2. Macagagawâ siya n~g bawa't canyang magalin~gín, dahil sa caculan~gan n~g panahon upáng mahintay ang pagpupulong na dapat gawin n~g m~ga bumubúò n~g CS; n~guni't may catungculan siyang managót sa m~ga casisiháng sa canya'y gawín, cung gumawâ siya n~g dî dapat. 3. Sa loob n~g alin mang C. ay siya ang hucóm na macahahatol sa ano mang usapín ó pagcacáalit. 4. Siya ang tan~ging may capangyarihang macaalam n~g tunay na m~ga pan~galan n~g canyang m~ga A ó nasasacupan. 5. Lubós ang canyang capangyarihan upang canyang itatag ang m~ga paraang gagawin sa m~ga pagpupulong, m~ga pagpapadalahan n~g sulat at ang m~ga inaadhicang gawín, upang lalong pakinaban~gan, pumanatag at mangyari n~g boong cadalîan ang m~ga adhicâ n~g LF. 6. Pagcâ lubhang marami ang nan~gapapanig sa isang Cp, mangyayaring magtatag ang Gp n~g isang sub C, at siya ang unaunang maghahalal n~g m~ga púnò. Cung natatatag na ay pababayaang ang m~ga magcacapanig ang siyang maghalal n~g m~ga púnò, ayon sa tadhánà n~g m~ga palatuntunang ito. 7. May capangyarihan ang lahat n~g G na magtayo n~g isang C sa alin mang bayang wala pa nito, at pagkatapos ay ipagbibigay alam sa CS * * * ó sa CP. 8. Ang G ang siyáng magháhalal sa S. MGA CATUWIRAN NG F: 1. Magpalabas ó magpapasoc sa nasusumbong sa pinagpupulun~gan, samantalang pinaguusapan sa C ang m~ga nangyari. 2. Masisiyasat sa ano mang oras ang m~ga librong talaan. MGA CATUWIRAN NG T: Magagamít ang salapíng canyang iniin~gatan sa isáng mahígpit at lubhang malaking pan~gan~gailan~gan n~g sino mang A ó n~g C; n~guni't may catungculang ipagbigay sabi at managót sa haráp n~g Tribunal n~g LF. TANGING MGA CATUWIRAN NG GS: 1. Macatatawag n~g m~ga pulong ó pagcacatipong hindî caraniwan, bucod sa guinágawà sa bowán bowán. 2. May malakíng capangyarihan ang G S upang macagamit n~g salapi n~g capisanan sa totoong m~ga pan~gan~gailan~gan, cailan ma't ipagbigay alam pagcatapos sa CS. PAG-UUCULAN NG SALAPI: 1. Pagcacagugulan sa pagpapa-aral ang A ó ang canyang anác, cung mapagmasdang totoong matalas ang ísip at masipag mag-aral, n~guni't walang caya. 2. Gugugulan ang paglalaban n~g catuwiran n~g isang dukhang A sa canyang pakikipag-usapin sa isang macapangyarihan. 3. Sasaclolohan ang maguing dukhang A. 4. Pahihiramín n~g puhunan ang A na mag cailan~gan, sa pagtatayô n~g isang hánap-buhay ó n~g macapagsaca n~g lúpà. 5. Tutulong at n~g gumaang ang pagdadalá rito n~g m~ga máquina at ang pagtatayo n~g m~ga bago ritong hánap-búhay ó kinakailan~gang hánap-búhay. 6. Magbúbucas n~g m~ga tindahan, m~ga almacen at iba pang mábibilhan n~g m~ga A n~g canilang m~ga kinakailan~gan upang macabilí n~g lalong mura ang halagá cay sa m~ga ibá. MGA BATAS NA PANGCALAHATAN: 1. Sino ma'y hindî matátangap sa LF, cung hindi muna nagagawa ang pagcacaisang voto n~g m~ga A sa C n~g canyang bayan, at cung hindî pa nagagawa sa canya ang m~ga pagtikím na kinacailan~gang sa canya'y gawín muna. 2. Dalawang taón ang taning lamang n~g tagál n~g pan~gan~gatungculan n~g bawa't isa, liban na lamang cung magcaroon n~g ano mang sacdál n~g F. 3. Upang magtamó n~g catungculan ay kinakailan~gan ang tatlóng icapat na bahagui n~g m~ga "voto" n~g m~ga caharáp. 4. Inihahalal n~g m~ga A ang Gp, ang Fp at ang Tp; ang m~ga punong p ang siyáng man~gagháhalal sa m~ga punong P, at ang m~ga punong P ang magháhalal sa GS. 5. Cailan man at tátangap n~g isáng A, ipagbibigay alám n~g Gp sa GS ang pan~galang dati at ang pan~galang bago n~g tinangáp na A; at gayon din ang gágawin pagca nagtayò n~g isáng bagong C. 6. Ang pan~galang "simbólico" (pamagát) ang, siya lamang ilálagay sa pagpápadalhan at gayon din ang firma sa m~ga sulat cung panahóng caraniwan, at ganitó ang gágawing pagpapadalá: ipadádala n~g A sa Gp at ipadádala n~g Gp sa GP, ó sa GS, at gayon din sa pabalíc; sa macatuwid: mangagaling sa GS ó GP na patun~go sa Gp, at mulâ sa Gp han~gang sa A. Cung panahóng dî caraniwan lamang manyayaring masírà ang ganitong palácad. Gayon man, sa ano mang panahón at sa alin mang calagayan ang GS ay macapagpápadala n~g sulat ó mangyayaring makipag-usap sa canino mang capanig sa LF. 7. Hindî kinacailan~gang mácaharap ang lahát n~g m~ga capanig n~g C sa pagcacaroon n~g catibayan n~g ano mang pagcayarîan. 8. Sa alín mang sandalî n~g caguipitan ay ipalálagay n~g bawa't C na siyá ang caligtasan ó cútà n~g LF, at cung sa ano mang dahil ay magcawaraywaray ó masirà ang alín mang capulun~gan, bawa't C bawa't G, bawa't A ay magaatang sa sarili n~g catungculang pagtatatag at pagyarî ulì n~g nalanság. CASULATAN SA PAGPASOC SA LF. Sa Gp n~g Cp sa........................... Aco'y si...........................,...... ................may..................taóng gulang...................., ang calagaya'y ...............(dito ilalagay cung binátà, may asawa ó bao).......................... ang hanap-buhay, tubo sa bayan n~g........ .............lalawigan n~g................ nananahan sa daang........................ bilang...........n~g bayan n~g............ lalawigan n~g......,.................., sa aking pagka tunay na anac na irog n~g Filipinas; sinasaysay co, sa ilalim n~g tunay at tapat na panunumpâ, na aking napagkikilala at ganáp na napagtátalos ang m~ga adhicáng pinagsisicapang camtan n~g LF, na nátatalâ sa licuran n~g casulatang ito; caya n~ga aco'y napasásacop at cusang nakikiusap sa GP n~g lalawigang ito, na mangyaring aco'y tangaping A * at tapat na loob na catúlong n~g LF, at sa icapagcácamit n~g cahilin~gan cong ito, lubos acong náhahandang gumawâ at sumunod sa m~ga kinakailan~gang pagtikím na sa aki'y hin~gín, bilang pagpapatotoo n~g cataimtimán n~g aking pakikipanig. .............ica..........n~g......... ......ng 18........ ................................... * * * * * Taglay n~g vapor na naghatíd sa Maynílà cay Rizal ang sumúsunod na sulat cay Don Eulogio Despujol, Gobernador at Capitán General n~g Filipinas. "Marilág na guinoo: Ang cadahilanan nito'y ipagbigay alám pô sa inyó, na casabay n~g correong itó ang aking pagpariyan sa aking bayan, upang lumagáy pô acó sa ilalim n~g inyong capangyarihan, ang una, at ang icalawa'y upang paghusayin ang aking sariling m~ga pagcabúhay. Aayaw ang m~ga caibiga't m~ga ibang tao na aco'y pumarito, at ipinaalaala nila sa aking lumálagay acó sa pan~ganib na líhim sa ganitóng gawâ; n~guni't umaasa aco sa ganap ninyong pag-ibig sa catuwirang tumatankilic sa lahát n~g m~ga nasásacop n~g España sa Filipinas; umaasa rin acó sa dalisay cong ipinagmamasakit at sa capayapáan n~g aking budhî, at matututong in~gatan aco n~g, Dios at n~g m~ga cautusán sa lahat n~g m~ga sílò pagpapahamac. Sabihanang dahil daw sa akin ay pinag-uusig n~g boong calupitán ang aking m~ga magulang na matatandâ na, ang aking m~ga camag-anac at patí n~g m~ga táong hindî co kilalá. N~gayo'y humáharap acó upang sa akin ibuntó ang gayóng calakíng m~ga pag-uusig, upang aco'y managót sa m~ga sacdál na ibig niláng gawín laban sa akin, at sa ganito'y n~g mawacasán iyang caligaligáng masacláp sa m~ga walang casalanan, at malungcot sa pamahálâ pô ninyong nagsusumicap na mapagkilala sa panununtón sa catowíran. "Dahil sa hindî po ninyó pag-imic sa aking m~ga sulat;--hindî pag-imíc na sa wala acóng maacalang naguiguing cadahilanan cung dî ang lubhang malaking calakhan n~g pag-itan, mulâ sa cataastaasáng calagayan po ninyó hangang sa cababàan n~g aking cataohan, sa pagca't kilala po ang cagandahan ninyong makipagcapowa tao,--hindî co maalaman cung inyong mamagalin~gín ang humaráp aco sa sa inyo, hindî man ninyo aco tinatawag. Dahil sa bagay na ito'y maghihintay po aco sa isá sa m~ga hotel[56] sa Maynílà, marahil ay si "Hotel Oriente" sa pagbabacá-sacaling may ibig pô cayóng paglagayán sa akin ó ano mang bagay na ipag-uutos, at cung macaraan ang tatlong araw, cung walâ cayóng inilalagay na hadláng, gagamitin co ang aking calayàan upang paghusayin co ang aking caunting pag-aárì, sa aking pag-asang nacaganáp na aco sa Gobierno at sa aking m~ga cababayan. "Taimtim cong nasang cayo'y in~gatan n~g Dios sa mahabang panahon, at aco po, guinoo ang puspos na mapitagan at masunuring lingcod,--Jose Rizal.--Hongkong, 21 n~g Junio n~g 1892". Ang sumusunod namang sulat na hindî napagtalós cung dî n~g siya'y patay na, ay canyang inihabilin cay D. Lorenzo Pereyra Marquez, na taga Macaw, bago siyá lumulan sa vapor na maghahatíd sa canyá sa Maynílà, at ang bilin ay ibigay sa canyang familia, ang dalawang sulat na iyon, cung siya'y patay na, Ganitó ang sabi: "Sa m~ga iniirog cong m~ga magulang, m~ga capatíd at m~ga caibigan: "Ang pagsintang sa towi na'y isinusuyò co sa inyó ang siyang sa aki'y naguutos na gawín co ang ganitóng bagay, na ang mangyayari sa hulí lamang ang macapagsasabi cung matinô ó hindî. Ang nangyayari ang siyang nagpápasiya sa m~ga bagay alinsunod sa kinalálabasan; n~guni't magalíng ó masamâ ang cahínatnan, cailan ma'y wiwicàing ang tungculin co ang siyáng nag-utos, at hindî n~gâ dapat damdaming mamatáy acó sa pagtupád ng aking catungculan. "Talastás cong cayo'y pinapagdusa co n~g hindî cawásà; n~guni't hindî acó nagsisisi sa aking guinawâ, sa pagca't yao'y siya cong catungculan. Masayá ang aking loob sa paglagáy sa pan~ganib, hindî n~g pagdusahan co ang aking sala (na sa bagay na ito'y walà acóng guinagawang camalian ayon sa aking paniniwálà), cung dî n~g bigyán cong capurihán ang aking gawâ at sacsihán n~g aking pagbibigay halimbáwà ang m~ga bagay na aking iniaral. "Dapat magpacamatáy ang tao sa pagganáp n~g canyang catungculan at sa canyang m~ga pinananaligan. Ipinagmámatigas co ang lahát n~g m~ga caisipáng aking inilagdâ tungcol sa calagayan at hináharap na panahón n~g tinubuan cong lupaín, at mamamatáy acó n~g boong towâ sa pagsinta sa canya, at lálò na sa pagsusumicap na inyong camtan ang tapat na catuwiran at capanatagán. Isinasapan~ganib co n~g boong galác ang aking búhay-upang aking mailigtas ang lubhang maraming m~ga walang malay-sala: ang lubhang maraming m~ga pamangkin, ang lubhang maraming m~ga sangól n~g m~ga caibiga't hindî caibigang nan~gagcacahirap dahil sa akin. ¿Anó acó? Isáng táong nag-íisa, walang familia hálos, nilagoc, na n~g búhay ang lubhang mapait na m~ga carayaan n~g mundo. Maraming pag-cabigô ang akíng tiniís, at marilím ang handog sa akin n~g hináharap na panahón, at totoong cádilimdiliman cung ang hináharap na panahóng iya'y hindî liniliwanagan n~g ilaw, n~g liwayway n~g aking tinubuang lupaín. Samantalang lubhang marami ang m~ga táong puspos n~g m~ga pag-asa at n~g m~ga minímithing towâ, na marahil ay liligayang lahát cung aco'y mamatáy; sa pagca't inaasahan cong masisiyahan na ang aking m~ga caaway at hindî na nila pag-uusiguin ang totoong maraming walang málay-sála. Hálos sumasa catwiran silá n~g pagtataním n~g galit sa akin tungcol sa aking magulang at sa aking m~ga kinamag-anacan. "Sacali't lisyâ ang aking palad, talastasín n~g lahat na maligayang makikitil ang aking búhay, sa pag-aacalang masusunduan sa aking pagcamatay ang pagpapahintô n~g caniláng masasaclap na m~ga kahirapan. Man~gabalíc nawâ silá sa kinaguisnang bayan natín at n~g doo'y lumigaya silá. "Hangang sa hulíng sandalî n~g aking búhay cayó ang aking isasapag-iísip at hahan~garín cong inyong tamuhín ang lahat n~g bagay na m~ga caligayahán.--Jose Rizal.--Hongkong, 20 n~g Junio n~g 1892". Itó namán ang pan~gatlong sulat na canyang ilinagdâ, na nagpapakikilalang nakikinikinitá na niyang maaamís ang canyang búhay sa canyang pag-owî dito sa bayang kinakitâan niya n~g unang liwanag: "Sa m~ga Filipino: "Totoong mapan~ganib n~gâ ang aking guinawâ ó ang aking gágawin, at hindî co kinacailan~gang sabihing pinag-ísip co munang magalíng bago co itinulóy. Talastás cong aayaw na gawín co itó halos ang lahát; datapuwa't talastás co rin namang hindî alám n~g halos lahát ang nangyayari sa aking púsò. Hindî mangyayaring mabuhay acó na aking nalalamang maraming nan~gagdurusa sa m~ga walâ sa catowírang sa canila'y pag-uusig dahil sa akin; hindî mangyayaring mabuhay acóng aking pinanonood ang aking m~ga capatid at ang canilang maraming m~ga hinlóg na pinag-uusig na waláng pinag-ibhán sa m~ga táong tampalasan; minámagaling co pang lumulóng sa camatayan, at ipinagcacaloob co n~g boong towâ ang aking búhay upang máligtas lamang ang pagcaramiraming m~ga waláng málay-sála sa gayóng walâ sa catuwirang pag-uusig. Talastás cong naaatang sa akin ang isáng bahagui n~g sasapitin n~g aking tinubuang lúpà, sa hináharap na panahôn: na cung mamatay aco'y marami ang man~gagtatagumpay, at yamang gayo'y marami ang nan~gagmimithi n~g aking pagcapahamac. Datapuwa't ¿anó ang aking gagawin? Ang unauna'y may m~ga catungculan acóng dapat ganapín sa aking sariling budhî, may m~ga catungculan acó sa m~ga familia n~g nan~gagdurusa, may catungculan acó sa aking m~ga magulang na dumarating hangang sa caibuturan n~g aking púsò ang canilang m~ga buntóng hinin~gá; talastás cong acó lamang, cahi't ang camatayan co ang mácapalit, ang siyang macapagbibigáy ligaya sa canilá, sa pagpapabalíc sa caniláng kinamulatang bayan at sa catahimican n~g sariling báhay. Walángwalâ acó cung dî ang aking m~ga magulang; n~guni't ang tinubuan cong lúpa'y marami pang totoong m~ga anác na macaháhalili sa akin, at humahalili na n~gang higuít sa akin ang caniláng nagágawâ. "Bucod sa rito'y ibig cong ipakita sa m~ga nagsasabing dî umano'y hindî tayo marunong sumintá sa kinamulatang lúpà, na tayo'y marunong magpacamatáy sa pag-tupád n~g ating catungculan at sa ating m~ga pinananaligan. ¿Anó ang cabuluhan n~g camatayan, cung namamatay dahil sa sinísinta, dahil bagá sa kinamulatang bayan at dahil naman sa m~ga táong sinusuyuan n~g ganáp na pag-ibig? "Cung napagtátalastas co sanang aco ang pinagpapatoonan n~g política[57] n~g Filipinas, at cung mapagtalastás co sanang cagamitan n~g aking m~ga kababayan ang aking pag-lilingcod, marahil mag-alinlan~gan aco sa pagpapatuloy nitong aking gágawin; datapowa't may m~ga ibáng macacahalili sa akin, at humahalilí na n~gang malaki ang nagagawa cay sa akin; hindî lamang ito: marahil pa'y may m~ga nagpapalagay na aco'y calabisan na, at hindî gagamitin ang aking m~ga paglilingcod, sa pagca't aayaw niláng pakilusin acó. "Sinintá cong laguì ang caawaawá cong tinubúang lúpà, at matibay ang paniniwalà cong siya'y aking pacasísintahin hangang sa hulíng sandalî n~g aking búhay, cáhíman gawín sa akin n~g sangcataohan ang walâ sa catowiran; at hindî co hinalagahan at páwà cong inihandog sa kináguisnan cong lupaín ang aking panahóng dáratnin, ang aking búhay at ang aking m~ga catowàan. Ano man ang aking cásapitan, mamámatay acong pinacapupuri ang aking bayang tinubúan at sa canya'y mímithiin ang pagbubucang liwayway n~g canyang catubusan. "Pagcamatay co'y ilathála ang m~ga sulat na ito.--Jose Rizal.--Hongkong, 20 n~g Junio n~g 1892." Dumating dito sa Maynílà si Rizal, na casama ang isang capatid niyang babae, n~g ica 26 n~g gabí Junio n~g 1892, at doon siya tumuloy sa Hotel de Oriente, at bilang 22 ang tahanang ibinigáy sa canya roón. Hindi kinacailan~gang sabihing siya'y sinalubong n~g canyang m~ga magulang, m~ga capatid, bayaw, m~ga camag-anac, m~ga caibigan, m~ga cakilala at hindî cakilala. Lumaganap agad-agad sa boong Maynílà ang matuling alin~gawn~gaw n~g canyang pagdatíng, at nan~gagtacá n~g dî cawásà ang canyang m~ga caibigan at m~ga caaway sa canyang capan~gahasan sa pagparito niyá sa lupaíng pinaghaharîan n~g m~ga ganid na púsong walang ibáng lalong pinacananais cung dî kitlín ang canyang mahalagang búhay. Buhat n~g matalastás ang canyang pagdatíng dito'y walang dî humulang hindî malalao't canyang dáratnín ang capahamacáng malaon n~g sa canya'y inilalaan n~g m~ga taong tampalasang isinasacdal niya sa sanglibutan, sa pamamagitang n~g m~ga casulatang canyang ilinathálà sa--"La Solidaridad" at ibá pang m~ga pámahayagan sa Europa, at lalonglalo na sa m~ga kitnathâ at ipinalimbag niyang m~ga librong "Noli me tangere" at "Filibusterismo" at gayon din sa "Sucesos de Filipinas" na sinulat ni Morga at nilagyan niya n~g m~ga paunawà at bago ipinalimbag. Nang mabalitaan n~g paham at macabayang si Guinoong Apolinario Mabini ang canyang pagdating dito, caracaraca'y nagsadyâ n~g gabí rin iyon sa tinatahanan ni G. Manuel Hidalgo, na asawa ni G. Saturnina Rizal, capatid na pan~ganay n~g Doctor Rizal, at namanhic na siya'y pakisamahan at ipakilala sa bayaning nagtatangol n~g m~ga catowiran at camahalan n~g m~ga filipino. Napahinuhod naman si G. Manuel Hidalgo, sinamahan niya si Mabini at ipinakilala cay Rizal. Pag-daca'y nag-irugán ang dalawang púsong capowâ bayani, ang dalawang maniningning na isip na capowa nahahandog sa maalab na pag lilincod sa Inang Bayan. Maraming totoo ang canilang pinag-usapang pawang nahihinguil sa adhìcang pagtubós sa Filipinas sa caalipinang kinagagapusan. Nang magpaalam si Mabini ay ito ang sinabi ni Rizal sa canya:--"Sa sandalíng pag-uusap natin ay napagkikilala cong tunay po cayong macabayan, matalas ang caisipan at may púsong hindî marunong magulat sa bálà n~g m~ga pan~ganib; cayo po'y isá sa lalong mahalagáng cútâ at capurihan n~g cahabaghabag nating Bayan." Tumumbás si Mabini n~g m~ga pananalitang sumásacsing agpang na agpang sa canya ang canyang apellido: Mabini, mahinhín, hindî magasó, hindî hambóg. Casama ni G. Manuel Hidalgo sa pagdalaw na iyon cay Rizal ang canyang anác na si G. Alfredo Hidalgo, na casalucuyan n~gayong nag-aáral sa Estados Unidos galing na sa Lóndres. Nang gabí ring pagdating ni Rizal, 26 n~g Junio n~g 1892, ay dumaló siya sa isáng pulong na guinawâ sa Tundo sa bahay ni guinoong Doroteo Ongjungco, at doo'y dinatnan niyá ito at saca si na guinoong Timoteo Paez, Domingo Franco, Agustín de la Rosa, Ambrosio Salvador, Numeriano Adriano, Bonifacio Arévalo, Deodato Arellano, Arcadio del Rosario, Luis Villarreal, Faustino Villarroel, Estanislao Legazpi, Gregorio Santillan, Mariano Crisóstomo, Genaro Heredia, José A. Ramos, Ambrosio Flores, Pablo Rianzares, Juan Zulueta, Teodoro Plata, Apolinario Mabini, Moisés Salvador, Francisco Nakpil, ang amá ni G. Ongjunco at si G. Andrés Bonifacio. Si Rizal ang nan~gulo sa pulong at sa canila'y nagsalitâ n~g ganitó, ayon sa isáng nacapakiníg: "Man~ga mutyáng capatid: Panahón n~g pag-isípin natin ang lalong magalíng na paraan upang mailigtas ang ating Inang Bayan sa cahapíshápis na caalipinang kinatatanicalâan. Capan~gitpan~gitang catacsilán ang magpabayà, tayong manatili sa pagcabusabos n~gayong nagtátapos na ang siglong icalabingsiyám. Pinagcagugulan n~g pagod n~g ísip at n~g catawán n~g iláng m~ga castílà at n~g maraming m~ga filipino, at acó ang isá sa m~ga filipinong iyan, upang camtan natin ang m~ga calayaang tinátamo n~g m~ga europeo at n~g ibá pang m~ga láhì, n~guni't nasayang na lahát ang caniláng pagsusumícap, at nasayang, palibhasa'y nagcacáwatac-watác ang ating lacás; pag-isahín natin ang maraming mumunting cáyang nan~gagcacahiwalay, sa pamamag-itan n~g taimtim at tunay na pag-iibigan at pagmamalasakitan, at makikita ninyong maiguiguibâ natin ang capangyarihan niyang m~ga táong dito'y lubós na nacapangyayari, at siyang mahigpit na humáhadlang n~g pagcasulong natin sa pagdunong na ikinararan~gal at sa casaganaang iguiniguinhawa. ¡Totoong casakitsákit! ¡Tayo ang túbò rito, tayo ang may árì nitó at tayo ang alipin n~g m~ga nanunuluyan lamang! Hindî tayo magtátamong catubusan hangang dito'y nacapangyayari ang m~ga fraile, na siyang tunay na may árì at pan~ginoon n~g Filipinas at n~g calahatlahatang m~ga filipino. Naglambál ang Gobierno n~g España at ang m~ga fraile sa pag-amís sa atin, caya't kinacailan~gang pacaisiping magalíng. Hindî casucatán ang maguing caaway n~g m~ga fraile; kinakailan~gang tumutol tayo sa Gobierno; kinacailan~gang maguing caaway naman tayo n~g Gobierno. Nan~gagcacaisá ang m~ga fraile't ang Gobierno n~g pagcacait sa atin n~g m~ga calayàan. ¿At mangyayari bagáng maatím nating magpacailan ma'y howag na tayong magcamít n~g m~ga carapatáng nauucol sa táo, gayong tayo'y táo rin namang gaya n~g m~ga ibang láhí? ¿Anóng capacanáng tayo'y maguing Abogado ó Médico, anóng capacanáng ibatás sa Código civil na tayo'y m~ga castílà, cung sa catotohana'y inaapi tayo n~g Gobierno n~g castílà, cung sa catotohana'y ibinabawal sa atin ang ilathálà n~g hayagan ang ating m~ga mithî, ang ating m~ga adhicâ, na ano pa't walang pinag-ibhan sa pagbabawal sa ating tayo'y umísip, na gamitin natin ang ating ísip? ¡Busabos n~gang ganáp ang ating tunay na calagayan! Man~gagpipisan n~gâ tayo; man~gagcacáwatasan tayong sa sulác n~g dugo'y nagdaramdam n~g dan~gal n~g pagcatao; man~gagtipon tayo n~g m~ga kinacailan~gan upang masunduan nating sa ati'y ibigay ang ating m~ga catuwiran sa pamamayan; papagtibayin natin, sa isáng salitâ, ang buhay n~g "Liga Filipina". Ang m~ga palatuntunan n~g samaháng itó'y talastas na marahil ninyong lahát, at cung di man alám ninyong lahát, ang caramihan sa inyo'y nacatatalós. Ihalál ninyo sa inyong m~ga casamahán ang m~ga táong mamiminúnò sa adhicáng iyáng sacali't matuloy ay siyang lalong matibay na maaasahang macapaglíligtas sa cahabag habag na caalipnan n~g Filipinas, na dapat nating paghandugan towî na n~g pamumuhay at buhay. Walang salang ang gagawin nating ito'y magbubun~ga n~g ating m~ga pagcapatapon at m~ga pagpapahirap sa atin ... ¡Ah! ¡Tuman~gis cayó! ¡tuman~gis ang anác sa pagcapahamac n~g amá! ¡tuman~gis ang ama sa pagcapahamac n~g anác! ¡tuman~gis ang capatíd sa pagcapahamac n~g capatíd! Datapowa't ang sumísinta sa bayang sa caniya'y pinan~ganacán, at napagtátantò ang m~ga kinacailan~gan upang macamtán ang icagagalíng nito'y dapat lumigaya, sa pagca't sa landás lamang na itó mátatamo ang Calayàan! ¡Manumpâ tayong lahát na sasacsihan natin ang maalab na pagsinta sa Inang Bayan n~g pagbubuhos n~g ating dugô!" Nagsipanumpang lahát ang m~ga naroron. Sa lahat n~g m~ga nagsidaló sa pulong na iyo'y si _G. Andrés Bonifacio_ ang carukharukhaan; ang m~ga casamahan niya'y m~ga nacacacaya sa buhay; halos ang lahát ay may sariling pag-aarì at marami ang m~ga marurunong; datapwa't si Bonifacio'y isáng abáng "bodero" n~g bahay-calacal ni na guinoong Fressell at m~ga casamahang pawang dî tagarito, at bábahagyà ang tinátangap bowán bowán; n~guni't hindî cailà na si G. Andrés Bonifacio ang siyang nagtulóy n~g adhicâ ni Rizal. ¡Isang catotohanang ang catubusa'y madalás guináganap n~g lalong m~ga dukha! Mulíng nagcatipon silá n~g gabí n~g icatlong araw n~g bowán n~g Julio n~g 1892, at doo'y nan~gáhalal na pámunuan ang m~ga sumúsunod: _Nagmunacála_: Dr. Jose Rizal. _Cataastaasang pang-ulo_: Ambrosio Salvador. _Taga-usig_: Agustin de la Rosa. _Taga-in~gat yaman_: Bonifacio Arévalo. _Calihim_: Deodato Arellano. _M~ga casangúni_: Andrés Bonifacio, Mamerto Natividad, Domingo Franco, Moisés Salvador, Numeriano Adriano, José A. Dizon, Apolinario Mabini, Ambrosio Rianzares Bautista, Timoteo Lanuza, Marcelino de los Santos, Paulino Zamora, Juan Zulueta, Doroteo Ongjunco, Arcadio del Rosario at Timoteo Páez. Ang caramihan sa m~ga nakianib sa "Liga Filipina", cung di ipinabaríl ay pinahirapan, ibinilangô ó ipinatapon sa malayong lúpà n~g Gobierno n~g castílà. Ipinabaril si Rizal, Domingo Franco, Moisés Salvador, Numeriano Adriano, José A. Dizon, Luís Villarreal, Faustino Villarroel, Antonio Salazar, Vicente Molina, José Trinidad, at iba pa; pinahirapan at ibinilangô si Agustin de la Rosa, Bonifacio Arévalo, Ambrosio Rianzares, Timoteo Lanuza, Marcelino de los Santos, Arcadio del Rosario, Timoteo Páez at iba pang lubhang marami; ibinilango't ipinatapon sa Mindanao si Pablo Rianzares at doo'y pinatay sa cápapahirap; ibinilango't ipinatapon sa pulóng Chafarinas si Paulino Zamora at iba pang marami. Sa daang Raxa Matandâ ay nagtayô ang m~ga taga Tundó n~g iláng "monumentong" bató na nagpaalaala n~g pagcapagtayô n~g "Liga Filipina" n~g gabí n~g ica 3 n~g Julio n~g 1892, sa tapát n~g lugar na iyón, sa bahay na may bilang 176, daang Ilaya. Ambag na cusâ ni G. Timoteo Páez ang lupang pinagtayuan n~g sinabi n~g monumento. Namanhic si Rizal sa General Despujol, na mangyaring makipag-usap sa canya, at pumayag namán. Ang unang ipinakiusap ni Rizal sa General Despujol ay mangyaring palabasin sa pagcábilangô ang m~ga napipiit at paowiín ang m~ga tinapon dahil sa canya, yamang siya'y naririto na at handang sumagót sa anó mang sacdal, at ipinagcaloob naman ang gayong cahilin~gan. Nagsalitaan silá n~g maluat tungcol sa bagaybagay na nauucol sa pamamahálâ n~g Filipinas. Nang mananaog na si Rizal ay siya'y tinanong n~g General Despujol:--¿Anó pô ang palatuntunang susundin n~g inyong caasalán dito sa Filipinas?--Makikibagay pô ang palatuntunan n~g aking caasalán,--ang malumanay na sagót ni Rizal--sa caasalang gamitin n~g España sa Filipinas. Cung bíbigyan pô ang Filipinas n~g España n~g m~ga calayâan at m~ga carapatáng ucol, na siyang mithî n~g lahát n~g tagarito, acó po'y castílà, tunay na castílà, at ang pagca castílà co'y higuít sa inyó, higuít sa pagca castílà n~g lahát n~g m~ga castílà; datapowa't cung hindî, cung papapanatilihin ang pagaapí sa cafilipinuhan, ¡ay! pagcacagayo'y ...¡acó pô ang tunay na filibustero, ang lalong ganid na filibustero! Ipinagbilin cay Rizal n~g General Despujol, na pagcaca araw n~g Miércoles ay makipagusap sa canyá, at gumanáp naman si Rizal. N~g sumunod na pag-uusap niláng dalawa'y nasabi ni Rizal sa General Despujol ang ganitó:--Isáng cagalin~gang malaki ang cautusáng magcaraon ang Gobernador General sa Filipinas n~g capangyarihang magawâ ang bawa't ibiguin, cailan man at nauucol sa icagagalíng n~g bayan.--¿Bakín pô? ani Despujol--Sa pagca't salamat sa cautusang iyá'y magagawâ pô ninyó ang madla't maraming cagalin~gan dito sa cahabaghabag na bayan, ang sagót ni Rizal.--Nagcacamalî pô cayo; ang tutol n~g General, ang cautusáng iya'y waláng casing samâ. Dahil sa cautusáng iya'y hindî maulatang m~ga catampalasanan ang magagawâ, at marahil ay guinawâ na.--Iyan po'y cung masamâ ang General, ang sagót ni Rizal; datapowa't cung isáng Gobernador General na masintahin sa catuwirang gaya pô ninyo'y isáng tunay na cagalin~gan.--Hindi, hindi; ang pagdaca'y isinalabat n~g General; hindî dapat ipagcatiwalâ ang capangyarihang iyan sa lalong banál; banál ma'y mangyayaring mámali, banál ma'y maaaring matucsó ó mapagdayâan. Sa ganitong pan~gan~gatuwira'y si Despujol din ang hindî nalao't nagbigáy catibayan sa canyáng guinawang hindî carapatdapat laban cay Rizal. Ipinagpatuloy nitó n~g boong casipagan ang paglaganap n~g canyáng m~ga aral. Napasa Bulacan, nagtulóy sa Malalos, at nilibot ang ibang malalakíng bayan sa Capampan~gan at sa Tarlac. Hindî kinacailan~gang sabihing hindî hinihiwalayan si Rizal n~g m~ga cawaning lihim (policía secreta) n~g Gobierno. Nagcacasalusalubong ang m~ga telegrama n~g m~ga Gobernador sa m~ga lalawigan sa Gobernador General, at ang m~ga telegrama nitó sa canilá. Samantala'y pinagbabalaan si Despujol n~g m~ga fraile at n~g m~ga castila, na cung dî niya ipararákip agád si Rizal at ipabíbilangò ay ipalálagay niláng casabuat siya nito sa tacsíl na acalang pag-labag sa capangyarihan n~g España. Gulong-guló ang ísip ni Despujol; cung dî niya sundin ang m~ga fraile at m~ga castila'y siya ang lubhang nan~gan~ganib mapahamac, at cung sundin naman niya'y tampalasan siya sa isang táong walang ibang casalanan cung dî ang pag-sintang maalab sa kinamulatang bayan. ¿Ano ang dapat niyang gawín? Itó ang madalás niyang tanong sa sarili. Nagtagumpay, sa cawacasan, ang pag-ibig sa sariling catahimican; caya't umisip siya n~g paraang dapat ipagpahamac cay Rizal. Ipinag-utos niya sa lahat n~g m~ga puno n~g guardia civil veterana dito sa Maynílà at gayon din sa m~ga Gobernador sa m~ga lalawigang sa icasiyam na oras n~g umagan~g ica 5 n~g Julio n~g 1892, sabay-sabay na salicsikin (requisahin) ang lahat n~g bahay na tinatahanan n~g m~ga taong inaacalang caibigan ni Rizal ó cacampí ni Rizal, at tingnan cung may m~ga sulat ó ano mang pahayagan ó librong laban sa España ó sa Religión Católica. ¡Caguiláguilalás! Dalawa pa munang oras bago gawin dito sa Maynílà ang pagsalacay sa bahay bahay n~g m~ga filipinong kilala rito n~g m~ga panahong iyong cacampí ni Rizal ay tumangap ang m~ga taóng ito n~g pasabing:--"Iligpít ninyo agad agad at itágò ang m~ga casulatan, pámahayagan ó librong sa inyo'y macapapahamac, sapagca't sa umaga ring ito'y cayo'y sasalacayin n~g veterana." Ang nan~gagpasabi ay ang m~ga capanig sa pamunuan n~g Liga Filipina, na pinagsabihan naman n~g isang taga Naic, Cavite, na n~g panahong yao'y madalás sa palacio n~g Malacanyang, at canyáng narin~gíg ang m~ga pag-uutos n~g General Despujol sa m~ga púnò n~g Veterana. Salamat sa gayong pasabi'y nacapag-in~gat ang lahat at hindî naracpan sa canicanilang bahay n~g ano mang sucat icapahamac. Sa m~ga lalawiga'y hindî gayon ang nangyari, palibhasa'y walang sucat magamit na paraang macapagpaunawà sa canila n~g darating na pan~ganib, caya't sa canila'y maraming m~ga násamsam na "La Solidaridad", "Noli me tangere", "Filibusterismo", m~ga dahong limbag na laban sa fraile at m~ga sulat at larawan ni Rizal at iba pang m~ga filipinong na sa Europa at na sa Hongkong. Dinakíp at ibinílangô ang m~ga násamsamán. Nagcásiya n~g maguing cadahilanan ang m~ga nasamsam na m~ga pamahayagan, m~ga libro at m~ga dahong limbag, na walang caanoanomang laban sa España, cung dî pawang laban lamang sa masasamang m~ga gawâ n~g m~ga fraile, upang iparakip si Rizal at ipapiit sa cútà n~g Santiago (fuerza de Santiago) at ipalathalâ sa "Gaceta de Manila" n~g ica 7 n~g Junio n~g 1892 ang isáng "decreto" ó cautusang ipinatatapon si Rizal sa isa sa m~ga pulô (sa Dapitan) n~g dacong Hilaga n~g Filipinas, dahil sa casalanang pag-cathâ, pagpapalimbag at paglalaganap dito n~g "Noli me tangere" at "Filibusterismo" at n~g m~ga dahong limbag na laban daw sa Religión Católica Apóstolica Romana, at dahil daw naman sa nacuhang m~ga dahong limbag na laban sa m~ga fraile, sa balutan n~g banig at unan ni Rizal at n~g canyang capatid na babae, at n~g masiraang púri ang Martir natin ay sinabi pang itinutol daw ni Rizal, na hindî siya ang may dala n~g m~ga dahong limbag na yaon, cung dî ang canyang capatid na babae. Ipinag-uutos din naman ni Despujol sa decretong iyon, na canyang ipinagbabawal ang pagpapapasoc at pagpapalaganap dito n~g lahat n~g m~ga kinathâ at isinulat ni Rizal at iba pang laban sa religión católica at sa capanatagan n~g capangyarihan n~g España. ¿Tunay n~gâ cayang nararapat na parusahan si Rizal at siráan siya n~g púri sa gayong parâan? Sino ma'y waláng naniniwalang nagsabî si Rizal na ang canyang capatíd na babae ang may dalá n~g m~ga dahong limbág na násamsam sa balutan n~g baníg at unan, Kilala n~g lahát ang ca-acasan at camahalan n~g loob ni Rizal, na ano pa't cung icapapahamac n~g canyáng capatíd, cahit maguing totoong itó ang may dalá n~g m~ga dahong limbág na iyón, aangkinin ni Rizal ang casalanan, howag lamang magdusa ang capatíd niyang babae; hindî cailâ sa canyáng capatíd na pagdatíng nila rito'y pacasisiyasating magalíng ang caniláng m~ga dalá, cayâ hindî n~gâ masasapantahang siya'y man~gan~gahas na magdádala rito n~g m~ga bagay na talastás niyang icapapahamac, liban na lamang cung sirâ ang isip, at ang capatíd na babaeng casama n~g pag-owî rito'y matalino at mapag-in~gat, lalò n~g hindî maaacalang si Rizal ang siyang magdádala n~g m~ga dahong limbag na iyón dito, sa pagca't nalalaman n~g lahát ang catalasan n~g canyang ísip; kinacailan~gan n~gang may isáng taksíl na camáy na doo'y naglagáy, at itó n~gâ ang catotohanan: Ang sumiyasat n~g balutan n~g banig at unan n~g capatíd na babae ni Rizal ay ang teniente n~g carabineros na naga-apellidong _Nozaleda_, pamangking boô n~g arzobispong Nozaleda, fraileng dominico, at sa acalâ n~g lahat ay itó ang naglagay sa balutang iyón n~g m~ga dahong limbág na laban sa m~ga fraile, at ang nagpatibay n~g sapantahang ito'y ang dî nalaon at nangyari. May isáng filipinong taga Naic, nagcanuló cay Don Miguel Rodriguez Berriz Juez de primera instancia sa Intramuros, (loob n~g Maynílà) na ang m~ga dahong limbág na dito'y ilinalaganap, laban sa m~ga fraile at laban sa Gobierno n~g España'y pawang gawâ n~g m~ga fraile sa canilang limbagan sa Malabón, at m~ga cainalám din m~ga fraile ang nan~gagcácalat, upang mapagbintan~gan at maipahamac ang m~ga filipinong hindî marunong manghinuyò sa m~ga fraile, na caniláng lihim na pinadadalhán n~g m~ga dahong limbag na iyón. Sa pagcaibig ni Don Miguel Rodriguez Berriz na matantô niya cung catotohanan ó hindî ang sumbong sa canyá, lihim na naparoon siyáng may iláng casama sa "Asilo de huérfanos, (Ampunan sa m~ga ulilang lalaki) sa Malabon--na n~g panahóng iyo'y sacóp n~g lalawigang Maynílà, at n~gayo'y sacóp n~g lalawigang Rizal--na sa ilalim n~g pamamahálà ni párì José Rodriguez, fraileng agustino, at doo'y canyáng násamsam ang m~ga "molde" n~g m~ga ikinacalat ditong laban sa m~ga fraile. Natotohanan n~gang doon din guinawa ang m~ga "dahong limbag" na pinagpatacaran n~g pagtatapon cay Rizal sa Dapitan. Inusig si párì José Rodriguez, datapowa't hindî nailáng arawan at namatáy na biglâ itó, baga man waláng sakít, batà at matabâ ang pan~gan~gatawan. Salamat sa nangyaring ito'y nawalâ ang pinacapan~gulong dapat managót sa gayong catacsiltacsilang gawâ. Halos ang lahát n~g m~ga pamahayagang castílàng inilalathálà rito at sa España, pagcatapos na mailagdâ nilá ang utos ni Despujol na itapon sa Dapitan si Rizal, pinacamura-mura nila itó n~g walang áwà, liban na lamang sa "El Globo," na nagtanong, cung dapat ipalagay na hindî umíbig sa España ang bawa't hindî pumupuri sa m~ga fraile, dahil sa ipinatapon si Rizal sa pagca't sumulat lamang n~g laban sa m~ga fraile; ang sabi n~g "La Correspondencia Militar"; ang guinawâ raw ni Despujol ay pagtulad sa asal n~g tribunal n~g Inquisición, at ang wicâ naman n~g "El País" ay di raw espada cung dì pangwisíc n~g tubig na bendita ang tan~gan ni Despujol at siya'y General n~g m~ga dominico. Tumutol n~g maalab na pan~gan~gatuwiran laban sa masamáng cagagawáng iyón ni Despujol ang lahát n~g m~ga pámahayagang inglés sa Hongkong; ang "O Independente" sa Macao, ang "Almeine Zeitung" na malaking pamahayagan sa Munich at ang mahalagang pámahayagan sa Lóndres na ang pan~gala'y "London and China Telegraph." Ipinagmalasákit n~gâ si Rizal n~g ilang m~ga pámahayagan sa Madrid, n~g lahát n~g m~ga pámahayagan sa Hongkong at sa Macao, at n~g m~ga mahahalagang pámahayagan sa Inglaterra at sa Alemania. Bucod sa rito'y nagharáp n~g isáng manin~gas na pagtutol ang Cónsul n~g Inglaterra dito sa Maynílà sa gayong pag-amís cay Rizal. Maiinam na casulatan ang m~ga inilathalà sa "La Solidaridad" sa pagsasangalang cay Rizal. Sumulat ang ating macabayang si Gat Marcelo Hilario del Pilar Gatmaitan n~g isang pan~gan~gatuiran lubhang magandá ang ayos, na doo'y ipinagmamalasakit niya n~g boong lacás si Rizal, datapuwa't; ¡ay! ¡nagpacabin~gí ang España sa tinig n~g catotohanan at n~g cagalin~gan! ¡Hindî niya inacalang ang canyang di paglin~gap sa catuwira'y mamumun~ga ang pagcálugsò n~g canyang capangyarihan sa m~ga lupaing ito! Mula n~g ica 7 hangang sa ica 14 Julio n~g 1892, ay nanatili siya sa pagcábilanggô sa Fuerza n~g Santiago. N~g kinabukasan, pagcaumagang umagga'y binalitì siya at ipinadalang líhim sa pangdigmang vapor "Alava" na, sa canya'y naghatid sa Dapitan, na nasa pampan~ging dacong ibabáng silan~gan n~g pulô n~g Mindanaw. * * * * * Nabalitaan agad ni _Andrés Bonifacio_ ang pagdakíp cay Rizal. Hindî panglulumó ang pumasoc sa loob niya sa cahambalhambal na nangyari; cung dî sa bugsô n~g matindíng hápis sa pagyurak sa capurihán at catuwíran n~g inapíng capatíd, ay sumibol sa canyang pusò ang maalab na han~gad na ihayin ang buhay sa pagwawacsì n~g capangyarihan n~g Españang gumawa n~g gayong calaitlait na calupitan sa m~ga mapagtiís na anác n~g Filipinas. Pagcabalità niyá n~g pagdakíp cay Rizal; pagcatapos n~g sandalíng pag-iisip ísip, n~g araw ding iyon, _icapito_ n~g Julio n~g 1892, ay canyang inanyayahan sa pagpupulong na lihim si na guinoong Deodato Arellano, Briccio Pantás, Teodoro Plata, Valentin Díaz, Ladislaw Diwà at José Dizon. Hindî naluatan at dumaló ang m~ga guinoong ito, na pinagsabihan ni Andrés Bonifacio ganitó ó cawan~gis nitong pananalità: "M~ga Capatid:" "Tayo'y di m~ga pantás, caya hindî maririn~gal na talumpatî at dî maririkit na sulat ang ating idaraos; sa gawâ natin daanin: ang catubusa'y hindî nacucuha sa salita ó sa sulat; kinácamtan sa pagsasabog n~g dugô." "Talastas na ninyo ang calupitáng guinawâ sa ating capatid na si Dr. Rizal, iya'y maliwanag na halimbawang nagpapakilala sa ating di tayo macaliligtas sa caalipnan cung dî daraanin sa pakikibaca." "¡Sucat na ang pagpapacababà! ¡Sucat na na ang pan~gan~gatuwiran! ¡Nan~gatuwiran si Rizal ay hinuli pagcatapos na mapag-usig ang m~ga magulang, capatid, kinamag-anacan at cacampí!" "¡Sucat na! Papagsalitain natin naman ang sandata! ¿Na tayo'y pag-uusiguin, mabibilango, ipatatapon, papatayin? Hindî dapat nating ipanglumó ang lahat n~g ito, mabuti pa n~ga ang tayo'y mamatay cay sa manatili sa pagcabusabos." "At n~g maganap natin ang dakilang cadahilanan n~g pagpupulong nating ito'y ating maitayô ang isáng malacás, matibay at macapangyarihang catipunan n~g m~ga anác n~g Bayan." "¡Mabuhay ang Filipinas!!!" Sumang-ayong waláng alinlan~gan ang m~ga capulong, at n~g gabí ring yaong ica 7 n~g Julio n~g 1892 ay nátatag ang _Kataastaasan Kagalang galang Katipunan n~g m~ga Anac Bayan_. Dinaíg n~g pananampalasan ni Despujol ang lahát n~g m~ga sinulat ni Rizal, Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce at iba pang macabayang filipino; salamat sa pananampalasang iya'y napucaw ang púsô m~ga Anac-Bayang pagwaray-warayin ang capangyarihang umaalipin. At sa cagalinggalin~gan ang palacad n~g asal n~g nan~gapapanig sa Katipunan: "Gumawâ n~g gumawâ n~g waláng imíc", cabaligtarán n~g maraming capisanang. "Salitâ n~g salità'y walà ginagawâ." Hindî nagluat at libolibong filipino ang umanib sa Katipunang iyon. * * * * * Pagdatíng ni Rizal sa Dapitan ay ibinigay siyá sa Gobernador doong si Don Ricardo Carnicero y Sánchez, capitán sa infantería, casama n~g pagbìbigay na iyon ang isáng sulat, na bucod sa m~ga iba't ibang bagay, ipinag-uutos sa Gobernador na patahanin si Rizal sa convento roon n~g m~ga jesuita, at sacali't hindî mangyari itó, ay doon siya patirahín sa bahay n~g Gobernador. Tinanggap din naman ni párî Antonio Obach; jesuitang misionero sa Dapitan, ang isang sulat ni párì Pablo Pastells, Superior n~g Misión n~g m~ga páring Jesuita sa Filipinas, na doo'y ipinagbibiling sacali't ibig ni Rizal na tumirá sa convento n~g misionero, ay sa ilalim n~g tatlong bagay na gágawin ni Rizal: Una, hayag na tátalicdan at pagsisisihan ni Rizal ang canyang m~ga sinabing laban sa religión católica, at maghahayag siyá n~g m~ga pagpapatotoong iniibig niya ang España at kinalulupitan niya ang m~ga cagagawang laban sa España; icalawá, na bago siya tangapín ay gágawâ muna siyá n~g m~ga "santo ejercicio" at sacâ "confesión general," n~g canyang dinaanang buhay; at icatló, na sa háharaping panahon ay magpapacagalìng n~g asal, na ano pa't siya'y maguing ulirán n~g ibá sa pagca masintahin sa religión católica at sa España. Hindî pumayag si Rizal sa gayong cahin~gian sa canyá, caya't hindî siya tinangáp n~g paring jesuita at doon siya nátira sa bahay n~g Gobernador na si Carnicero. Hindî nalaón at tumangáp si Rizal cay párì Pastells n~g isáng librong sinulat n~g presbíterong si Don Félix Sará, y Salvany, at sa handog na iyo'y napasalamat si Rizal at nan~gacong siya'y tútumbas, bagay na tinupád niya n~g ica 15 n~g Enero n~g 1893, na nagpadalá naman siyá cay párì Pastells n~g isáng marikit na esculturang larawan ni San Pablo, na canyáng guinawâ. Nagsulatán si párì Pastells at si Rizal mulâ n~g Agosto n~g 1892 hanggang Mayo n~g 1893. Pinagpipilitan ni párì Pastells na maakit si Rizal sa pagbabalic-loob sa religión católica. Hindî pa nagcasiya'y inutusan ni párì Pastells na pumaroon sa Dapitan si párì Francisco de Páula Sánchez upang causapin si Rizal at pagtiyagaang hicayatin sa pagcampí sa religión católica. Kinaibigang magalíng si Rizal n~g Gobernador Carnicero, upang mataróc niya ang lalim n~g m~ga iniísip at minimithî n~g canyang bilanggô, at bawa't sabihin ni Rizal sa Gobernador na iyon, pagdaca'y ipinagbibigáy alám cay General Despujol. Iniudyoc ni Carnicero cay Rizal na ang mabuti'y man~gasíwà na lamang siya sa pagpapasaca n~g lúpà, na doo'y totoong matabâ at sagánà, at n~g mangyari ang gayo'y anyayahan niyá ang canyáng familia at n~g doon na mátira, at maniwalang hindî magsisisi n~g pagcáparoon. --Cung gayon--ani Rizal--pasimulaan pô ninyó ang pagpapatibay n~g inyóng salitâ, sa pamamag-itan n~g pag-gawâ n~g magalíng upang macaparito ang siyam cataong na sa Joló n~gayon, sa pagca't doon sila itinapon n~g Gobierno, dahil sa akin. Nan~gacô si Carnicero, na siya ang bahalang mamanhíc sa Gobernador General, at n~g ipagcaloob. --Hindî pô maláyò--ani Carnicero cay Rizal--na ipagcaloob n~g Gobierno ang aking cahin~gìang dito'y magcaroon n~g isáng "médico titular"; ¿cung ipagcaloob pô ba'y ibig ninyong sabihin co sa Gobernador General na cayó na ang ihalál na médico titular dito? --Marahil po'y tangapín co ang catungculan iyan--ang sagót ni Rizal--sacali't pumarito at pumayag na mamayan dito ang aking familia; cung dî pô silá mananahan dito'y hindî co tátanggapin ang catungculang sinabi ninyo. Humin~gî si Rizal, at pumayag naman ang Gobernador, n~g malakíng lupang walang nagmamay-árì at walang pananím, sa dacong ilaya n~g Dapitan, at canyang tinamnán n~g sarisaring cahoy na namumun~ga n~g macacain at n~g iba't ibang halaman. Iniakit ni Rizal sa Gobernador Carnicero ang pagpapagawa n~g isáng mainam na "plaza" n~g Dapitan, at sa pagca't pumayag ay iguinawâ niya n~g isang magandang "plano". Sa lahat n~g correo'y maraming dumarating na m~ga libro, "folleto", m~ga pámahayagan at m~ga sulat na padalá cay Rizal n~g canyang m~ga magulang, m~ga capatid at m~ga caibigan; datapuwa't ang lahat n~g ito'y hindî niya tinatanggap cung hindî muna mabasa n~g Gobernador Carnicero, at cung inaacálà nitong dapat mabasa niya ay ibinibigay; datapuwa't cung hindî ay itinatagò at hindî ipinamamalay sa canya. Gayon din naman ang m~ga ipinadadala niya sa iba't ibang tao; binabasa muna n~g Gobernador, at cung di ibig nito'y hindî ipinadádala, baga man sinasabi, sa canyang ipinadalá na. Isáng castilang "auxiliar de fomento" ang sa canya'y lihim na bantáy. N~g icá 18 n~g Septiembre ay ipinatawag si Rizal sa convento ni párì Obach, na curang jesuita roon, at sinabi sa canya nitong binigyan na raw n~g "indulto" n~g Gobernador General ang m~ga taga Calambâ, at gayon din ang canyang capatid na itinapon sa Joló, bagay na canyang ikinagalac n~g dî cawasà. Si Rizal, ang Gobernador Carnicero at isáng castilang nagn~gan~galang Francisco Eguilior ay lumálarò sa Loteria, sa bowán, bowán, at bumibili silang sapisapi n~g isang boong billete, na halagang sampong piso. Nang icawalong oras n~g umaga, n~g icá 21 n~g Septiembre n~g 1892, ay dumatíng sa Dapitan ang vapor-correo "Butuan" na napapamutihan n~g sarisaring bandera. Dalidaling sumalubong ang Gobernador at iba pang m~ga cagawad niya, na may casamang isáng bandang "música", sa pagca't ang boong acala'y may dumating na isáng punong may malaking capangyarihan, at ang unang balitang sinabi sa Gobernador n~g capitán n~g vapor ay tumámà sa dalawangpung libong piso ang billete n~g Lotería, bilang 9.736, na pinagsasapîan ni Rizal, n~g castilang si Francisco Eguilior at n~g sinabi n~g Gobernador. Ang tatlong billete ay ipinadala ni Dr. Rizal sa canyang amá at n~g sin~gilin ang cabayarán n~g tinamaan, at ipinagbílin niyang ipamahagui sa m~ga mahihirap nilang camag-anac at caibigan, at gayon n~gâ ang guinawà, at ang nátira sa canya ay inaacalang ipag-pagawà n~g bahay at puhunanin sa pagpapatanim n~g niyóg at sa pagsasaca n~g lúpà. Nacabilí si Rizal sa Dapitan n~g isáng malaking lúpà, na may m~ga cahoy na nagbubun~ga n~g pinakikinaban~gan, sa halagang labing walong piso lamang, na ayon sa balác niya'y mapag-aanihan hangang sa halagáng dalawang libong piso sa bawa't isang taón. Bucod sa lúpang iyo'y bumilí siyá n~g lúpà n~g Estado at ang caratig nitong may m~ga labing walong hectárea ay binilí naman niyá cay G. Lucía Pagban~gon. Bumili rin sa nayon n~g Daanglogsod, sacóp n~g bayang Lubun~gan, malapit sa Dapitan, n~g tatlompô at apat na hectárea; at sacâ isá pang lupàng may m~ga limampô at walong area. Binilí niya ang dalawang lupang itó cay G. Sixto Carrión, na taga Dapitan. Tinamnán niya ang m~ga lúpà niyang iyón n~g maraming punong abacá, niyóg at iba pang m~ga cahoy na pinakikinaban~gan. Marami rin namang cawayan ang canyang itinaním doon. Ang lúpà sa Dapitan ay batuhán at bundóc-bundóc. Sa lugar na minagalíng niyá sa canyáng lúpà ay nagtayô siya n~g isáng bahay, na labing isang metro't calahatì ang harapán at sampong metro ang lalim, sa macatuwíd ay halos parisucát ang lakí. Ang bubóng n~g bahay na iyo'y pawid, cawayan ang balangcás, cahoy ang m~ga cahabaan, haligui at ibá pang m~ga casangcapan at tablá ang sahíg. Sa tabí n~g bahay ay nagtayô siya n~g isáng camalig na pitóng metro ang harapán at labing limang metro ang lalim. Cawayan ang balangcás, at pawang cahoy na ang m~ga ibang casangcapan at tablá, ang sahíg. Araw-araw, pagcacaumaga, pagcatapos na cumain n~g agahan, ay pumaparoon sa canyang m~ga lupaín si Rizal, nagtatrabajong casama n~g canyang m~ga inuupahan, hangang sa icalabing dalawang oras n~g araw, na umuuwî upang mananghalìan, pagcacain ay nagbabálic sa canyang lupaín, itinútuloy ang canyang paglilinang n~g lúpà ó pagtatanim n~g m~ga halaman, n~g nióg, n~g abacá at m~ga cahoy na namumun~ga, at pagcahapon, paglubog n~g araw ay umuuwî sa tinátahanan at hangang kinabucasan naman. Cailan mang umaalís siya upang pumaroon sa lupaíng canyang dinídilig n~g pawis, ay hindî nalilimutan ang paghin~gî n~g pahintulot sa Gobernador, hindî niya nililimot na siya'y "deportado," bilangong itinapon doon, baga man ang Gobernador ay nagpapakita sa canya n~g magandang calooban, casama siya sa pagcain sa agahan, sa tanghalian at sa hapunan, at sa bahay niya natitirá. Cung may natatanaw siya sa dagat na ano mang sasacyang patun~go sa Dapitan, caracaraca'y umuuwî siya sa bahay n~g Gobernador na canyang tinatahanan, at n~g howag hinalain cailan man, ó cumapit cayâ sa canya ang bintang, na ibig niyang tumanan doon. Guinagamit ni Rizal ang gabí at ang araw n~g linggó sa pagtutúrò sa m~ga batâ n~g pagbasa, pagsulat, cuenta at n~g m~ga wicang castílà, latín, inglés, francés at alemán, at nanggagamot n~g walang bayad sa m~ga tagaroon. N~g mápaalis na si Rizal sa Dapitan, ay maraming m~ga batang nacapagwiwicà at nacacasulat n~g castílà, latín, alemán, francés at inglés, bucod sa magalíng na pamamayan at pakikipagcapuwâ táong canya ring pinagtiyagaang itinúrò. Hindî nanghinawà si Rizal n~g paglilimbag sa púsò n~g m~ga batâ, n~g pagsintang maalab sa kinamulatang lúpà, at n~g pagmamalasakit n~g dan~gal n~g láhì at n~g sariling cataohan. Pinagsikapan din niyáng umayos ang pananamit n~g m~ga babae, hangang sa canyang iaral, na sacali't hindî macagamit n~g zapatos ay man~gag medias man lamang, at n~g huwag mamasdan ang paa; m~ga aral na hindî nasayang, sa pagca't marami ang sumunód sa canya. Sa canyang m~ga pagpapasial sa dacong hapon n~g m~ga araw n~g linggo at fiestá, madalás na nácacasalubong niya si párì Sánchez, at pagcacágayo'y walâ n~g iniuusap sa canya ang jesuitang ito cung di ang natutungcol sa religión. Hindî nawáwalà ang galit n~g m~ga fraile cay Despujol, baga man ipinatapon na niya si Rizal, caya n~ga't hindî sila tumitiguil n~g pag-uusig upang paalisín dito ang General Despujol. N~g magtatapos na ang taóng 1892 ay naalís sa camay n~g "partido conservador" ang pamamahalà n~g Gobierno n~g España, at ang nahalili nama'y ang "partido liberal". Nahalal na Ministro n~g Ultramar si Maura. Sumulat ito, sa udyóc n~g m~ga fraile, cay General Despujol, na inaanyayahang siya'y magbitaw n~g catungculan. Hindî sumang-ayon ang General Despujol, sumagot na hindî siya macapagbibitaw n~g canyang tungcol, yamang cáya niya ang pagganap at gumáganap naman siya n~g boong pag-iingat catalinuhan; n~guni't cung minámasamâ siya n~g Gobierno'y mangyayaring bawîan siya nito n~g catungculan, at gayon n~ga ang nangyari; siya'y inalís at ang inihalili sa canya'y si D. Ramón Blanco, na teniente general n~g hucbó n~g España. Hindî n~ga pinakinaban~gan n~g General Despujol ang lahat n~g canyang guinawang pagbibigay loob sa m~ga fraile upang tampalasanin si Rizal sa cadahilanan lamang na nakikita nilang tunay n~ga't sumusunod si Despujol sa canila sa m~ga pithayang pagpapahirap sa m~ga masintahin sa calayaa'y pinagpipilitan namang dito'y lumaganap ang m~ga carunun~gan at ang paglago n~g m~ga pagsasapi-sapì, at sacá hindî lubós ina-amís si Rizal. Sa udyóc n~g m~ga fraile, pagcatapos na maipadala sa Dapitan si Rizal, ay binawìan n~g catungculan si G. Manuel Arguelles, na n~g panahong iyo'y "Auxiliar de fomento" sa lalawigan n~g Batan~gan; si G. Pedro Serrano, maestro n~g m~ga batà sa pan~galawang Escuela n~g Binundóc; si G. Antonio Consunji, "Gobernadorcillo" sa San Fernando, Capangpan~gan, at si G. Ruperto Laxamana, teniente primero sa México, Capangpan~gan; at ipinatapon sa maláyò si G. Doroteo Cortés na taga Maynìlà; si G. Mariano Alejandrino na taga Arayat, Capangpan~gan; si G. Antonio Roxas, na taga Malolos, Bulacán; si G. León Apacible, na taga Balayang, Batan~gan; si G. José Basa, na taga San Roque, Tan~gway, at si G. Vicente Reyes, na taga Santa Cruz, Laguna, ayon sa Superior Decreto n~g sinabi n~g General Despujol, n~g ica 13 n~g Septiembre n~g 1892, na inilathálà sa "Gacete de Manila" n~g 20 n~g Septiembre n~g 1892. May m~ga nangyaring nagpapakilalang nabawasan n~g dî sápalà ang alang-alang at pag sambá, sa m~ga fraileng nagpapanggap na "cahalili n~g Dios." N~g panahóng na sa Dapitan pa si Rizal ay nagcaróon n~g isáng piguíng sa isáng bahay sa Balayang, Batan~gan; sa piguíng na iyo'y dumaló ang fraileng cura párroco roon. Pinahalíc niya sa canyang camay ang m~ga táong doroon, n~guni't tumangguí sa paghalíc sa camáy niya ang isáng magandang dalagang anác n~g isáng guinoo. Ipinilit n~g fraile recoletanong humalíc ang dalaga, at nanatili itó sa pagtangguí. N~g magcagayo'y sinampál n~g fraile ang dalaga, casabay ang lalong masasacláp na pagmura; nuha ang dalaga n~g isáng tungcód at hinambalos n~g walang toos ang fraile, at itó nama'y tumugón n~g suntóc, sicad at tabig ... N~g mabalitàan sa Maynílà n~g capisanan n~g m~ga fraileng recoleto ang nangyaring ito'y nagcaguló n~g dî cawasà, at canilang binagabag ang Gobierno n~g dî gayon lamang, sa paghin~ging parusahan n~g mabigat ang dalagang iyón, ang m~ga casambahay at si Rizal, na siyang may cagagawan daw n~g lahát n~g nangyayari. Niyon ding m~ga panahong iyo'y nangyari naman sa isa sa m~ga bayan n~g Bulacán ang isáng caguluhan. Napatun~go ang isang fraileng franciscano sa isang bahay na walang namamahay cung dî dalawang dalaga. Nang papasoc na siya'y sinansala siya n~g isa sa m~ga dalaga, at sinabi sa canyang sa pagca't capowa babae ang tan~ging na sa bahay, hindî magaling na panooring tumátangap n~g lalaki: Nagmatuwíd ang franciscanong sa pagca't siya'y párì ay hindî macarurun~gis ang pakikiusap niya sa capurihan n~g sinoman. Nanatili ang dalaga sa pagsansala sa canya, n~guni't nagpupumilit din ang fraile, at n~g mákita nitong ayaw na totoong papasukin siya, ang guinawa'y tinampal n~g boong lacás ang dalagang iyón. Pinagtulun~gan siyang dinaluhong n~g dalawang dalagá, na ano pa't n~g umalís siya roo'y punit-punit ang caniyang pananamit. Sabihin pa ang galit n~g lahat n~g m~ga fraile, n~g canilang mabalitaan ang gayong m~ga nangyari. Buhat sa púlpito n~g simbahan n~g San Agustin dito sa Maynílà, ay itinalác ni párì Coco, fraileng agustino ang ganitóng saysay: "¿Ibig ninyó ang dugô ...? ¡¡Daranac ang dugô!!" Samantala'y nagcacasundong mabuti ang Gobernador Carnicero at si Dr. Rizal. Dating caugalian ni Carnicero ang ipapalô sa lansan~gan ó sa guitnâ n~g plaza ang bawa't magcasalang filipino. N~g mapanood ni Rizal ang gayo'y nakiusap cay Carnicero na howag gayonín ang táong bayan, sa pagca't lálong sásamà--¿At bakit, ang tanóng ni Carnicero.--Sa pagca't sa ganyang guinágawâ pô ninyó, ang tugón ni Rizal, ay nawawalâ ang cahihiyan n~g táong bayan. Salamat sa gayóng m~ga paghimoc at iba pang pan~gan~gatuwirang matimyas, ay nagbago ang ugalì ni Carnicero, at ang dating maban~gís at malupit ay gumandá ang asal. Nalalao'y lalong nagmamahalan si Rizal at si Carnicero, bagay na totoong ikinagagalit n~g m~ga paring jesuita, caya n~ga't pinagpilitan nilang mahalinhan si Carnicero sa pagca Gobernador sa Dapitan. Sumulat ang jesuita, na si párì Juan Ricart, n~g ica 23 n~g Abril n~g 1893, cay Don Federico Ochando, Gobernador General interino dito sa Sangcapuluan, na sinasabing malaon na raw na hindî nagsísimba ang Gobernador Carnicero cahi't dakilang araw, bagay na totoong napupuna, dahil sa Dapitan ay walang castílà cung dî siya, at sacâ isáng itinapon doon, at cung sacali't magsimbá man ay hindî lumuluhod, cahi't sa sandalíng itinataas ang "hostia." At pagca umaga n~g Viérnes Santo ay nagpapatay n~g vaca ang Gobernador na iyon, na ipinadaláng walà man lamang takíp sa Comandancia n~g oras pa namang lumálabas ang m~ga táo sa simbahan. Dahil dito at sa m~ga iba pang cawalang-galan~gan sa "religión"; siya'y tinatawag na moro n~g m~ga táong-bayan at iba pa. Dahil sa sulat na ito'y inalís ni Ochando si Carnicero sa pagca Gobernador sa Dapitan, at ang inihalili'y si D. Juan Sitges y Pichardo, capitán n~g Infantería at médico. Umalís sa Dapitan si Carnicero n~g ica 4 n~g Mayo n~g 1893, sa macatowid ay totoong mahigpít ang capangyarihan n~g humin~ging siya'y bawîan n~g catun~gculan. Mulâ n~g dumatíng si Sitges ay nag-iba ang calagayan ni Rizal. Pinaalís siya sa bahay n~g Gobernador, pinatirá sa isáng bahay na malapit doon, pinahaharap siya sa Gobernador pagcacaumaga, tanghalì at hápon, nagpalibot n~g bando sa boong bayang nagpapakilala n~g pagcuculang tiwálà cay Rizal, at iba't iba pang paghihigpít. Sumacláp n~g dî ano lamang ang calooban ni Rizal, n~guni't camuntî ma'y hindî siya naparaíg sa samâ n~g loob. Ipinagpatuloy na parang walang ano mang nangyayari ang canyang pagsasaca n~g lúpà, panggagamot na walang bayad, pagtuturò sa m~ga bátà at pagcacaawang-gawâ. Inaanyayahan niya sa canyang bahay ang m~ga anác n~g dukhâ, pinacacain, pinararamtan at tinuturuan n~g m~ga dunong, at madalás na isinasama silá niya sa m~ga cagubatan, upang turuan at sanayin sa mabuting pagbaríl, sa pagkilala n~g sarisaring cahoy at damó. Pinapanghuhuli n~g lahát n~g bagay na paróparó upang tuyuin at maipadala sa Europa, casama n~g m~ga dahon, ugat, balát, bun~ga at dagtâ n~g m~ga cahoy at damóng canyang hinihirang. Pinapan~gun~guha rin naman silá n~g sarisaring m~ga cabibi at iba pang m~ga catowatowang nacucuha sa buhan~ginan n~g m~ga pasigan, na itinuturò niya cung alín ang may m~ga cahulugán. Pinápalit sa canya n~g m~ga taga Europa ang lahát n~g iyón n~g maiinam na m~ga libro at n~g mahahalagang casangcapan sa "cirugía" at "oftalmología". Sinabi co nang hindî nagpapabayad si Rizal, sa lahát n~g m~ga taga Dapitang canyang guinágamot; datapuwa't sinísin~gil cung m~ga ibang láhì at ang nasísin~gil niyang ito'y canyang ipinamímili n~g m~ga cailan~gang ipinamamahagui sa mahihirap, ó cung dilî caya'y guinugugol sa icagagaling n~g bayan. May na pa sa Dapitang isáng inglés na may bilíg ang isang matá upang ipagamót sa pahám na itinapon doon. Guinamot siya ni Rizal, inalis ang bilíg at lumiwanag ang matá. Nang magaling na'y sinin~gil siya ni Rizal n~g limangdaang pisong guintò, at pinagbayaran naman n~g inglés n~g maluwag sa loob. Ang salaping ito'y guinugol ni Rizal sa pagtatatag n~g m~ga ilaw sa m~ga lansan~gan at plaza n~g Dapitang dating wala roon. Nagtayô si Rizal n~g isáng Hospital sa tapat n~g canyang bahay, at doon niya dinadala, pinacacain, inaalagaan at guinágamot ang lahat n~g m~ga mahihirap na nan~gagcacasakit. Sariling salapî ni Rizal ang guinugol sa pagpapagawâ n~g hospital na iyon, at sariling salapî rin niya ang guinugugol naman sa m~ga cailan~gan at casangcapan n~g hospital at ang sa m~ga gamót, pagcain, pag-aalagâ at iba pa. Sa cagandahan n~g canyang loob ay culang na lamang ang siya'y sambahín n~g m~ga taga Dapitan, na pagcakita sa canya'y bumabatî at nagbibigay galang n~g higuit sa pag-galang sa páring cura at sa Gobernador, palibhasa'y paggalang na cúsà at udyóc n~g tunay na pag-irog sa táong mapagcaawang gawà, ulirán n~g calinisan n~g púsò, mapagsumicap sa icarurunong at idarangal n~g cálahì at inaaring mahigpít na catungculan ang tapat at maalab na pagsinta sa capowa tao. Isinusulat n~g Gobernador Sitges sa Gobernador General n~g Filipinas ang lahát n~g m~ga asal at gawâ ni Rizal, at canyang ipinagmamapurí ang canyang paghihigpít sa marilág na filipinong sa canya'y pinábabantayan. N~g dumating dito ang General Blanco ay lumuwag ang calagayan ni Rizal. Ipinag-utos sa Gobernador Sitges na pagpitaganan at pacalin~gapin si Rizal, howag hahabaguin camuntî man, howag pahaharapin sa canya cung di totoong cailan~gan, at bigyang calayâan n~g pagsulat at pagtanggap n~g sulat canino man. Mulâ niyo'y nagbago ang asal ni Sitges, sinabi cay Rizal ang m~ga caluwagang utos n~g General Blanco, n~guni't hindî sinabing sa utos na itó, cung dî parang galing sa cusà niyang pagcacaloob, at ipinahiwatig pang ¡cung cailan daw niya ibig ay mábabalíc si Rizal sa dating cahigpitan!... Baga man gayo'y cailan man at walang capansana'y humaharap si Rizal sa Gobernador sa araw araw, sa towing tanghalì bago cumain. Hindî nagculang cailan man si Rizal sa pagpipitagang walang halong caruwagan, sa cahinusayan at cakinisan n~g pananalità, sa mahinhíng kilos at sa matimyas na pakikipagsalitaán. Laguing malinis ang catawan, ang pananamit, ang bahay at ang m~ga casangcapan, at cailan ma'y hindî námamasid sa canya ang cagusutan n~g ísip, n~g asal n~g catawan, n~g buhoc at pananamít. Bago pa lamang nagbúbucang liwayway ay nacapaglinis na n~g boong catawan, sucláy na ang buhóc, bihís at handà na sa lahát n~g bagay. Pinagasisicapan niyang sa pakikipagmatuwiran tungcol sa religio'y huwag sugatan ang pagsampalataya n~g ibá; malumanay siyang tumututol, at gumagamit siya n~g magagalíng na paraan upang huwag siyang camuhîan n~g canyang causap. Minsa'y sinadyâ siyá sa canyang bahay n~g jesuitang si párì Obach, at pinakiusapan siyang siya'y magbigay n~g caunting ambag sa gugugulin sa pagpifiesta cay San Roque, na pintacasi sa pangulong nayon n~g Dapitan: --Hindî pô maaarî, padre--ang isinagot ni Rizal na nacan~gitî at maámò ang pananalitâ--¿papaano po bang ibig ninyong aco'y umambag sa pamumuhay n~g isáng capan~gagaw co? Sa araw na si San Roque na lamang ang siyang macapan~gan~gasiwâ sa panggamót, ¡mawawalan acó n~g cabuluhan sa ibabaw n~g lúpà! Guinagawang liban~gan ni Rizal ang pakikipagsalitaan sa m~ga batang dukháng caniyang inaampon, at binibigyan niya n~g m~ga ganting pálà, alinsunod sa canicaniyang carapatan n~g pagcatuto n~g m~ga dunong na canyang itinuturò at n~g m~ga wicang castílà, inglés, francés at alemán. ¿Sino ang hindî iirog sa canya sa ganitong gawâ? Cusang tumulong ang caramihang canyang m~ga catoto sa pagtatayò n~g isáng daanang bató n~g malinaw na tubig na nagmumulà sa isáng saluysoy, upang sumapit hangang sa canyang bahay na ipinagawâ at canyang tinatahanan. N~g buwan n~g Agosto n~g 1892 ay dumatíng sa Dapitan, sa capahintulutan n~g General Blanco, ang ina at isáng capatid na babae ni Rizal, na may casamang isáng alilang lalaki. Nagtamó n~g dî masayod na galác ang ating Mártir sa gayong pagdatíng, at inubos niya ang caya sa paglilingcod at pagpapakita n~g pag-ibig sa canyáng iná at capatíd. N~g icapat n~g buwan n~g Noviembre n~g 1893 ay dumatíng sa Dapitan ang isáng táo, nanagn~gan~galang Pablo Mercado, na pagca gabí ay lihim na napa sa bahay ni Rizal, at itó ang caniláng naguing salitaan: Rizal.--¿Sino po ba cayó? _Ang dumating_:--Pablo Mercado pô ang aking pan~galan, at sa catunayan po'y narito at tingnan pô ninyó ang letra n~g m~ga botón n~g aking puños. Cararating co pa pô lamang na galing sa Calambâ. Acó po'y inyong camag-anac, pinsan co cayó ... Rizal:--("Sinalabat ang causap.") Hintay pô muna cayóng sandalî at may gagawin acó. Cayó po'y maupô. Pumasoc si Rizal sa kinalalagyan n~g iná at capatíd na babae at tinanóng n~g marahan cung nakikilala nilá ang táong iyong bagong datíng, na ang sabi'y camag-anac daw nilá. Lumabás ang iná at capatíd ni Rizal; pinagmasdang magalíng ang bagong datíng pagcatapos ay nasoc at sinabi cay Rizal na hindî nakikilala. Lumabás si Rizal at ipinagpatuloy ang pakikipag-usap sa nagsabing canyá raw camag-anac: Rizal--¿At ano po ba ang inyong sadyâ sa akin? _Ang bagong dating_--Caya po aco napirito'y ibig cong matalastas ang inyong calagayan. Dinaramdam co po at dinaramdam n~g labís n~g lahat ninyong m~ga cababayan ang sa inyo'y catampalasanang guinagawâ. Sa Maynílà po'y nagtatag n~g isáng capisanan upang cayo'y ipagmalasakit at sumunod sa bawa't inyong magalin~ging ipag-utos, cahi't icaramay n~g buhay. Pinagcaisahan po n~g capisanang iyang lihim na aco'y pumarito, at ipinamamanhic po sa inyong sa canila'y ipag-utos ang bawa't inyong ibiguin, sa icagagaling n~g bayang na sa catacot-tacot na caalipnan, at sa icaliligtas pô naman ninyo sa inyong pagcapatapon dito, at n~g maniwalâ pô cayo'y ipinadala nilá sa akin itong inyong larawan. Maipagcacatiwala pô ninyong lubos sa akin ang inyong m~ga sulat sa ating m~ga cababayan, at mahigpit na gáganapín co ang bawa't inyong ipag-utos, sucdang aking icabitay. Rizal (Nagtindig na malaki ang galit) At marapat ca n~gang bitayin, sa capan~gitan n~g iyong damdamin. Umalís ca n~gayon din dito, tacsíl na carugô at n~g dî ca mapahamac. At ipinagtulacan ni Rizal ang taong iyon hangang sa mapanaog sa canyang bahay. Kinabucasan, pagcaumaga'y humarap sa Gobernador si Rizal, at sinabi niya ang lahat n~g sa canya'y sinalitâ n~g taong iyon. Ipinarakip ito n~g Gobernador sa pamamag-itan ni G. Anastasio Adriático, na n~g panahong iyo'y Gobernadorcillo sa Dapitan, at n~g napipiit na'y sinabi niya ang ganito sa harap n~g nabanguit n~g Gobernadorcillo at dalawang sacsì: "Ang totoong pan~galan co'y hindî Pablo Mercado, cung dî _Florencio Nanaman_, ayon sa cédula personal na ipinakikita co, may tatlompong taóng gulang, binatà at tubò sa Cagayan n~g Misamis. N~g buan n~g Mayong nagdaan ay ipinatawag pô aco n~g fraile recoletong cura sa Cagayan n~g Misamis, at itó ang sinabi sa akin: Humanap ca n~g isáng larawan ni Rizal. Cung macakita ca na n~g larawang iyon ay pumaroon ca sa Dapitang kinalalagyan ni Rizal. Sa pamamag-itan n~g dalá mong larawan ay makikilala mo agád siyá at hindî ca magcacamalì. Magpacunuwarî cang icaw ay totoong cacampí niya, at sabihin mong cahit iyong icabitay, nahahandà cang gumanap n~g ano mang canyang ipag-utos, tungcol sa icatutubos n~g Filipinas. Sabihin mong ang iyong pan~gala'y Pablo Mercado, icaw ay túbò sa Calambâ at camag-anac ca niya. Huag mong limutin; ang pan~galan mo'y "Pablo Mercado" (inulit pa n~g Cura sa sakin) sa pagca't Mercado ang apellidong tunay ni Rizal. At sabihin mong ang nag-uutos sa iyo'y isáng capisanang itinayo n~g m~ga filipino sa Maynílà, upang iligtas ang Filipinas sa caalipnan n~g España. Cung macacuha ca cay Rizal n~g m~ga sulat na pag-akit sa m~ga filipino n~g paghiwalay sa España, cata'y bibigyan n~g totoong malaking ganting pálà, na ano pa't yayaman ca n~g dî cawásà. Sacalit aco'y mamatay, dahil sa aco'y maysakít n~gayon, pumaroon ca sa convento n~g m~ga recoleto sa Maynílà, sabihin mo roon ang utos co sa iyo, at nalalaman na roon, tuloy ibigay mo ang m~ga sulat ni Rizal, at pacagagantihin ca roon n~g sagánà sa iyong tapát na paglilingcod sa amin. Sa paglilibot mo sa m~ga bayang iyon daraanan ay pagsicapan mong macacuha ca n~g m~ga librong cáthà ni Rizal, ó n~g ano mang sinulat niya laban sa España ó sa m~ga fraile, at dalhin mong lahat sa akin. Hindî magcuculang tiwalâ sa iyo ang m~ga filipino at gayon din si Rizal, cung matuto ca sa pananalitâ at sa paggawâ n~g m~ga paraan, sa pagca't icaw ay caláhì nilá. Ililihim mong mabuting mabuti ang bagay na itó, na ano pa't sino ma'y walang macaalam. Howag cang manimdim sa ano mang pan~ganib na capahamacan. Walang napapahamac na sino man sa paclilingcod sa m~ga fraile; talastas mo ang calakilakihan naming capangyarinan. Tangapin mo itong pitompong pisong baon mo, at cung culan~gin ca sacalî ay magsabi ca sa akin agád, ó sa convento n~g recoletos sa Maynílà, at pagdaca'y tatangap ca n~g iyong macacailan~gan." Itó pô ang sinabi sa akin n~g cura. Napasa Maynílà pô acó at doon acó nacacuha n~g larawan ni Rizal. Si Estanislao Legaspi, na taga Binundoc, ang nagbigay sa akin, at binigyan pa acó nitó n~g dalawang botóng may m~ga letrang P. M. caucol n~g m~ga unang letra n~g aking bagong pan~galan at apellido, at n~g lalong maniwálà si Rizal. Naparito pô acó rito, at aco'y tumulóy sa bahay n~g teniente mayor. Sa isá sa m~ga pinagdaanan cong bayan ay nacaumit acó n~g dalawang librong cathâ ni Rizal na dalá co n~gayon. Pagcagabí ay naparoon pô acó sa bahay ni Rizal, at pinagpilitan co pong bigyan niya acó n~g ano mang casulatan, at walâ pô acong nápalà cung dî aco'y ipagtabuyan at palayasin". Ang m~ga sinabing itó ni Pablo Mercado ó Florencio Nanaman ay isinulat sa papel n~g Gobernadorcillo, finirmahan niya, pinafirmahan sa nagsalitâ at sa dalawang sacsing caacbay, at ipinadalá, sa Gobernador Sitges, at ipinadalá naman nito sa Gobernador General, sampô n~g bilanggong si Florencio Nanaman. Mulâ n~g dumatíng itó sa Maynila'y nawalá't sucat ang pagsisiyasat n~g m~ga punong may capangyarihan tungcol sa napagkilalang adhicang catacsilán n~g lilong si Nanaman, at n~g lalong balawís na sa canya'y bumayad upang gumawâ n~g calupitán. ¿Ano't nagcagayon? ¡Talinghagà n~g macapangyarihang salapî!!! Nagpadalá n~g sulat si Rizal cay General Blanco n~g Febrero n~g 1894, at ipinakikiusap na siya'y alpasan na. Hindî agád pinansín ni Blanco ang capamanhicang iyón; n~guni't sa cawacasa'y sumagot cay Rizal at sinabing siya'y pawawalán; n~guni't hindî rito cung dî sa España, capan~gacuang pinapagtibay cay Rizal n~g ito'y macausap n~g taón ding iyón n~g magdaan sa Dapitan. Hindî nagtitiguil ang m~ga caibigan ni Rizal n~g pagsulat sa canya, caya't nalalaman niya ang lahat n~g m~ga nangyari sa Maynílà at ang m~ga adhícà n~g m~ga filipino, at gayon ding natatanto niya ang lahat n~g guinagawâ n~g Gobierno at n~g m~ga fraile; n~guni't cailan may hindî siya sumásagot. Ang nagdádala sa canya n~g m~ga sulat na iyón ay ang canyang m~ga capatid. Nacalagáy ang bawa't sulat sa loob n~g isa sa m~ga "empanadang" dalá sa canya. Guinagawà ang m~ga empanadang yaon sa bahay n~g magcapatid ni na guinoong Alejandro at Venancio Reyes. Ang m~ga pagpaparoo't parito n~g m~ga capatid ni Dr. Rizal ay nacapucaw n~g pagcuculang tiwala n~g Gobernador Sitges, caya't ang guinawà, nito'y ipinauusisà niya ang m~ga dalá, patí pananamit at catawán n~g bawa't dumating sa Dapitan, sampo n~g m~ga capatid na babae ni Rizal, at bacâ may daláng sulat ó ano mang laban sa Gobierno ó sa m~ga fraile, ay walang nacuha. Ipinan~gacò n~g General Blanco na ipagcacaloob cay Rizal na macalipat sa ibang lalawigan n~g Filipinas, n~guni't hindî rin tinupad, at ang ipinagcaloob sa canya'y ang macalilipat sa Sindan~gan, sacop n~g Mindanaw at malapit din sa Dapitan, bagay na totoong ipinamanglaw niya. Mangyayaring macatanan si Rizal sa Dapitan cung inibig, sa pagca't may sarili siyang isáng malaking "baroto" na canyang sinásacyan, at walo walong araw na siya'y naglalayag sa m~ga pampan~gin n~g dagat, ¿di baga maluag niyang magagawang magpatuloy siya n~g pag-alís at tumun~go sa isang malakíng sasakyang taga ibang nación at pahatíd sa ibang lupaíng dî sacop n~g capangyarihan n~g España? Magaang na magaang na magagawâ niya itó, n~guni't hindî niya ibig na masabi nino mang hindî siya natutong gumanap sa canyang pan~gacong hindî tatanan. Hindî nilimot ni Rizal ang paglilingcod sa carnun~gan at paglilibang sa tulâ. Nagpapadala siya sa m~ga pantás sa Europa n~g m~ga bagay na dî kilala roong nacucuha sa Dapitan. Sumulat siya n~g isáng "Gramática tagala comparada," at iba't iba pang ucol sa dunong at cumathâ siyá n~g maraming tuláng wicang castílà. Sa Dapitan niyá kinathâ ang m~ga tuláng "Mi retiro" (Ang aking kinaliligpitan) at ang "Canto del Viajero" (Awit n~g naglalacbay) at iba pa, bucod sa hindî siya naglílicat n~g pakikipagsulatan cay Herr Ferdinand Blumentritt. Nang buwan n~g Noviembre n~g 1895 ay sumulat siya sa Gobernador General Blanco at hinihin~gî niyang siya'y ipadalang Médico sa hucbó n~g m~ga castílà sa Cuba. * * * * * Sampo n~g pag-ibig n~g sariling puso'y ipinagpáhuli ni Rizal sa pagsinta sa kinamulatang lúpà. Cung inibig niya'y nacapagasawa sana siyá, sa lalong mayaman at sa lalong maganda dito sa Filipinas, at sa Europa ma'y nacakita sana siyá n~g lalong tan~ging dalaga; n~guni't minagalíng niya ang howag magasawa't n~g hindî magcaroon n~g ano mang sagabal sa paglilingcod sa Inang Filipinas. Dumatíng sa Dagupan n~g Febrero n~g 1895 ang isáng mayamang inglés, na nagn~gan~galang Mr. Stopper, may catandaan na ang gulang, bahagyâ na macakita at sa Hongkong tumítira, casama n~g isáng dalagang ang pan~gala'y Josefina Bracken, taga Irlanda at may m~ga labingsiyam na taón ang gulang. Ang sadyâ n~g inglés na iyón cay Rizal ay ang pagpapagamót n~g matá, sa pagca't bantóg itó sa cagalin~gang gumamót sa ganitóng sakít. Tumirá ang inglés at ang dalagang irlandesa sa isáng bahay na malapit sa bahay ni Rizal. Casama n~g dalawang iyón ang isáng filipinang catoto raw n~g isáng canónigo sa Catedral n~g Maynílà. Doña Manuela Orlac ang pan~galan n~g filipinang iyón. N~g calaghatîan n~g bowan n~g Marzo'y omowî sa Maynílà ang tatlóng magcacasama: nagtulóy sa Hongkong si Mr. Stopper, nátira na sa Maynílà si Doña Manuela Orlac at bumalíc sa Dapitan si Bb. Josefina, sa pagca't totoong naibigan niyá si Rizal. N~g m~ga panahóng iyo'y may pananim na si Rizal na anim na libong púnò n~g abacá, m~ga nióg at iba pang halaman. N~g Abril n~g 1896 ay inutusan ni Andrés Bonifacio si Doctor Pío Valenzuela upang sabihin cay Rizal na pinagcaisahan n~g m~ga capanig sa "Kataastaasan Kagalanggalang Katipunan n~g m~ga Anak-Bayan", na pagpilitang tamuhín ang Casarinlán n~g Filipinas sa pamamag-itan n~g pakikihamoc sa m~ga castílà. Sumagót si Rizal na sa acalà niya'y dapat maghintay n~g isáng dalawang taón pa bago itulóy ang munacalà, at n~g macapaghandang magalíng ang bayan. Nahalinhan si Sitges at ang nahaliling Gobernador sa Dapitan ay si Don Rafael Morales, at sa pagca't ito'y tumaás sa pagca Comandante ay nahalinhan naman, at ang naparoong Gobernador ay si G. Ricardo Carnicero, bagay na ikinagalac ni Rizal, sa pagca't dati na niyang cakilala. N~g unang araw n~g Agosto n~g 1896 ay tumanggap si Rizal n~g isáng sulat, fecha 1.o n~g Julio n~g 1896, ni General Blanco, na doo'y sinasabing alang-alang sa canyang cahin~gia'y macacapasa Cuba siya, upang maguíng médico n~g hucbó n~g castilang naroroong casalucuyan. N~g dumatíng siya sa Maynila'y nacaalís na ang vapor-correo "Isla de Luzón". N~g magcágayo'y ipinadalá si Rizal sasasacyáng--pang-digmáng "Crucero de Castilla", at doon nátira hanggang sa ica 3 n~g Septiembre n~g 1896, na siya'y lumulan sa "Isla de Panay", na umalís dito sa Maynilang patun~go sa España, n~g araw na iyon. Binigyán si Rizal n~g General Blanco n~g dalawang sulat; ang isa'y cay D. Marcelo Azcárraga, na tagarito sa Filipinas at casalucuyang Ministro de la Guerra sa España, at ang isa'y sa Ministro de Ultramar. Sa sulat na iyo'y ipinagtatagubilin si Rizal, sa pagca't ito'y nagpakita n~g maganda't ulirang caasalan sa loob n~g apat na taóng pagcápatapon sa Dapitan, at tunay na hindî cainalám sa caguluhang munacalà n~g isáng lihim na capisanan. Talastas n~g nagpasimulâ ang "revolución" n~g m~ga filipino n~g ica 24 n~g Agosto n~g 1896 at n~g umalís dito si Rizal ay casalucuyang maalab na totoo ang labanán sa lalawigang Tan~guay n~g m~ga hucbó n~g m~ga castílà at n~g m~ga, tagalog. Inilalaban n~g m~ga tagalog ang guloc na pan~gál at sibát na bucawe sa baril na mausser at magagalíng na cañon n~g m~ga castílà. At dito naman sa Maynila'y dinirakíp, binábalitì, ibinibitin, binubugbog n~g cakilakilabot, iniinís sa m~ga cútà at pinápatay ang bawa't filipinong kilaláng mayaman ó marunong, ó pinaghihinalaang maruhong sumintá sa tinubuang bayan, ó cainalám cayâ ó caanib "sa Katipunan" ó sa "masonería", ó caaway n~g m~ga fraile, ó hindî gumagalang n~g lubos sa m~ga "cahilili n~g Dios" na itó. Ang gulantáng, tacot, panghihilacbot, laguím na waláng cabagay ang siyang naghaharî sa bawa't lahing caymangui. Nagpapahirap at namumucsa n~g catacottacot ang m~ga militar at ang m~ga voluntariong castílà at lahing castílà. Madalás umalís sa Maynílà ang m~ga vapor na tiguíb n~g lulang m~ga filipinong ipinatatapon sa malalayong lupaín pagcatapos na maibitin at mabugbóg n~g walang awà. Ang sumusulat nito'y isá sa m~ga pinahirapan at ipinatapon sa Ceuta, dahil sa "dakilang casalanang" pagsagot n~g hayagan sa pamamagitan n~g isáng "awit" na aking cathâ, na ang pamagat ay "Ulirán n~g cabaitan ó buhay ni Patricio Horacio", sa librong ang pan~gala'y "Tanda Baciong Macunat", na sinulat ni párì Miguel Lucio Bustamante, fraileng franciscano at cura-párroco sa Tanay, lalawigang Morong noon, at n~gayo'y Rizal. Sinasabi sa librong iyong "Tanda Baciong Macunat", na ang tagalog daw "na inihihiwalay ó pinahihiwalay cayâ sa calabaw ay naguiguing palamarang tao sa Dios at sa Harì": Ang pag-alimurang ito'y sinagot co sa aking "awit" n~g: "¿Anong sinasabi sa gayong pag-iríng cungdî hayop camíng parang calabaw rin? ¡pagmurang cung tunay na pag-uurîin, dusta'y bumábalic sa imbíng may turing!!" "Ihalimbáwà n~g di ca rito anác at icaw'y tumubò sa cabilang dagat, hindî rin n~ga wastong dustáing marahás ang lubhang payapang taga Filipinas." "¿Saan kinucuha iyang kinacain, itinatabà mo't ikinagagalíng, iguiniguinhawa't nagbibigay alíw cung dî sa masamang ìyong iníiring?" At iba't iba pa. * * * * * Sa pagca't hindî acalaing magtatagumpay ang m~ga filipino sa m~ga castílà, marami ang dahil sa laguím ay cusang nan~gagsiharap sa m~ga pinúnó, catulad ni Doctor Pío Valenzuela at iba pang lubhang macapal, at ang m~ga iba'y nahuli. Ang m~ga nahuli at cusang humarap sa m~ga púnô'y ibinitin at binugbog n~g cakilakilabot, at pinilit na pinasigaw upang maramay ang m~ga táong alinsunod sa m~ga fraile ay caaway n~g Religión at n~g España, at salamat sa udyóc n~g m~ga fraile ay halos di mabilang ang ipinabaríl, ipinatapon, hinatulang mabilangò hangang nabubuhay at sinamsamán n~g lahat n~g pag-aarì. At sa pagca't si Rizal ay siyang lalong kinagagalitan n~g m~ga fraile, isáng himalâ na n~gâ lamang ang macapagliligtas sa canya; at ang himala'y hindî dumating ... * * * * * Mulâ n~g sumacay si Rizal sa vapor "Isla de Panay", hindî tumátantan ang m~ga castilang casacay niya roon n~g sa canya'y pagpapasaring n~g masasaclap, pag-irap at pagpapakitang galit. Dalawang castílà lamang ang sa canya'y nagpakita n~g cagandahang calooban: si D. Juan Utor y Fernández at si D. Federico Brú. Pagdatíng sa Singapore ay lumunsad sa vapor na casama ni D. Pedro Roxas, na hindî na nanumbalic sa vapor. Hindî nalilin~gid cay Rizal na hanggang nananatili siya sa loob n~g capangyarihan n~g Españang pinaghaharian n~g m~ga fraile, saan man siya pumatun~go'y nan~gan~ganib na lubhâ ang canyang buhay; talastas din naman niyang cung mátira na siya sa Singapore ay hindî na siya mapanghihimasucan n~g caniyang m~ga caaway; datapuwa't ¿paanong pagtaliwacás niya sa tungculing atang n~g capurihan? Cung mátira siya sa Singapore, tunay n~ga't siya'y tátahimic, n~guni't marurun~gisan namán ang canyáng dan~gal n~g capintasang siya'y tumanan, tumalicod sa pakikitunggali sa icatutubos n~g canyang bayan sa caalipnan. N~g ipakiusap niya sa General Blanco na siya'y ipadalá sa Cuba, ay itó ang sinabi niya sa canyang pinacasintang Ina: "--Nanay: Walâ pong daang magcaroon acó n~g calayaan sa paglilingcod sa tinubuang lúpà, cung narito rin lamang acó sa bayang sacóp n~g capangyarihan n~g m~ga fraile. Tunay n~ga't dito sa Dapitan ay nacapagtatanim acó n~g m~ga abacá, niyóg at ibá pang halamang sa capanahuna'y magbubun~ga n~g icapapanatag n~g aking catandaan, n~guni't capan~gitang budhing totoo ang walang adhicaín cung dî ang sariling cagalin~gan! Sa ganito'y hinin~gî co pô sa Gobernador General na gawán acó n~g magalíng na maguíng médico n~g hucbó n~g m~ga castílà sa Cuba, at cung magcagayo'y másusunduan co ang aking mithing cailan ma'y macagawâ n~g cagalin~gan sa capowa tao. Cung tamuhin co pô ang han~gad cung itó, hindî lamang manggagamot acó sa m~ga nasusugatan at nagcacasakít na m~ga castilang cawal, cung dî macapanggagamot din acó sa m~ga nagcacasakit at nasusugatang m~ga cubano. Walang tungcol na makipagpatayan ang médico, cung dî ang magligtas sa camatayan. Inuusig n~g m~ga cubano ang maran~gal na pitang magcamít n~g Casarinlan at m~ga calayaan, at sa pagca't siya co rin namang han~gad sa ating kinamulatang bayan, ¿sino ang nacacaalam cung cahi't babahagya'y macatutulong acó sa canila, hindî sa pamamag-itan n~g anomang paglililo, na totoong aking kinamumuhîan, cung dî sa m~ga caparaanang hatol n~g wagas na catuwiran. Ano man ang caratnan n~g casalucuyang pagbabaca n~g castila't cubano cung camtan co ang catungculang aking hinihin~gî ay mapapagaling acó. Cung matalo ang m~ga cubano'y macaoowî acó sa Europa, at cung manalo nama'y gayon din at cung nasa Europa na aco'y maipagpapatuloy co ang aking paglilingcod sa Filipinas at sa inyó naman." --"Talastas mo anac co--ang sagot n~g Ina ni Rizal na tumutulò ang saganang lúhâ sa m~ga matá,--na ang bawa't magalin~gín mo'y minamabuti co naman. Ipinagpipighatî co n~g labis ang pan~gun~gulila sa iyo; datapuwa't huwag mong pansinin ang aking ililigaya, cung dî ang icararan~gal n~g ating láhì at n~g tinubuan nating lúpà." Casagutan itóng nagbíbigay dan~gal, hindî lamang sa mahál na iná ni Rizal, cung dî sa lahát n~g m~ga babaeng filipina, at macatuwirang tutol naman sa m~ga walang pusong nagsasabing sucat na sa babae ang matutong mamahay, maglingcod at sumintá sa asawa't m~ga anác, at hindî kinacailan~gang matuto n~g m~ga dunong. Cung han~gál ang iná ni Rizal, hindî n~gâ marahil mapag-aabot na marapat mahalín ang kinaguisnang lúpà cay sa sariling buhay at sa buhay n~g lalong pinacamúmutyang anác. Hindî dapat limuting sa calooban n~g ina lalong tumutulad ang calooban n~g bun~ga n~g canyang pagsinta, palibhasa'y ang iná ang unang maestra n~g m~ga anác buhat sa camusmusán. Cung hinadlan~gán n~g iná ni Rizal ang hilig nitó sa pagsusumakit sa icagagalíng n~g Filipinas, mulâ pa sa canyang pagcabátà, ¿hidwâ bagá sa catuwirang sapantahing marahil hindî natin pangguiguilasan n~gayon ang pagca macabayan n~g Mártir nating capatíd? Hindî camalîan ang capaniwalaang bawa't tao'y nagpápalagay, na ang lahát n~g capowa niya tao'y tulad sa canya ang damdamin at panucálà. Palibhasa'y hindî namugad cailan man sa dibdib ni Rizal ang dayà, bintang at catacsilan, hindî naman niya naisip na bacá gamitin n~g canyang marami't macapangyarihang m~ga caaway ang tacsíl at capan~gitpan~gitang sandatang paratang, na guinamit cay Cristo n~g m~ga judío, ni Bobadilla cay Colón, n~g m~ga caaway n~g caliwanagan cay Galileo, n~g m~ga caaway n~g calayâan cay Mariana Pinedas ... Nagbalíc siya sa vapor "Isla de Panay", baga man naguguniguni na niya ang sa canya'y calaguimlaguim na mangyayari. Nalís sa Singapore ang "Isla de Panay." N~g magdaan sa Port Said ang vapor na itó, ay tumanggap ang capitan n~g utos na piitin at hwag papakipagusapin canino man si Rizal. N~g na sa dagat Mediterráneo na ang "Isla de Panay," n~g maulap na hapon n~g ica 27 n~g Septiembre n~g 1896, sinabi ni Don Juan Utor y Fernández cay Rizal, na canyang casama sa paglalacbay-dagat na iyon, sa pakiusap n~g capitán n~g vapor, ang cautusáng sinabi na, at n~g maalaman ni Rizal ay n~gumitî at nagsalitâ:--Pinipilit co sanang paniwalâan ang cadalisayan n~g loob n~g Gobierno n~g España; n~guni't pinasisinun~galin~gan ang aking pananalig n~g canyang m~ga dî wastong gawâ. Pagdatíng sa Barcelona, España, n~g "Isla de Luzón" ay inilunsád na bilangô si Rizal, at itinuloy agad-agad sa bilangguang cakilakilabot n~g Montjuich. Hindî nalao't kinuha sa bilangguang iyón si Rizal at isinacay sa vapor "Colón" upang ibalíc sa Maynílà. N~g mabalitaan sa Europa ang gayong nangyari cay Rizal, pagdaca'y nagsigalaw ang canyang m~ga caibigan, lalonglalo na ang ating cababayang na sa Lóndres, na si Dr. Antonio María Regidor; cayâ n~ga't sila'y tumelegrama agad sa abogadong inglés na si Mr. Charles Burton Buckley, na nasa Singapore, upang magharáp n~g isáng sulat sa Tribunal Supremo doon at hin~gíng ilunsád si Rizal sa "Colón," sa pagca't napipiit na walang utos ang sino mang hucóm. Tumelegrama rin naman sa Banco Chartered, upang pagbayaran ang lahat n~g magugol sa pagliligtás cay Rizal. Guinanap n~g abogado ang cahin~gian sa canya; n~guni't walang nangyari. Nagpasiyá ang Tribunal Supremo sa Singapore, na sa pagca't si Rizal ay táong sacop n~g España, at nalululan sa isáng vapor n~g España ay dî n~gâ niya mapapakialaman. Dumating ang "Colón" sa Maynílà n~g icá 3 n~g Noviembre n~g 1896, at pagdaca'y inihatíd siya sa bilangguang "Fuerza de Santiago" upang managót sa m~ga sumbóng, di umano, n~g canya ring m~ga cababayang pinasigáw sa capapahirap na calaguimlaguím n~g m~ga verdugong casapacat n~g m~ga fraile. Ang m~ga casulatang pinagpapatacaran n~g m~ga sumbong ay ang nasumpun~gan n~g m~ga guardia civil veterana sa Maynílà, sa bodega ni Mr. Fressell, na ang nagligpít doon ay si Gat Andrés Bonifacio. Ang m~ga casulatang yao'y pawang salin lamang n~g m~ga sumusunod: 1. Sulat ni G. Antonio Luna cay G. Mariano Ponce.--2. Sulat ni Rizal sa canyang m~ga capatid.--3. Sulat ni G. Marcelo H. del Pilar cay G. Deodato Arellano.--4. "Kundiman"; tulang cathâ ni Rizal.--5. Sulat ni D. Cárlos Oliver.--6. Sulat ni "Panday Pira", (G. Pedro Serrano Laktaw) na inihahalal si Rizal na Venerable de Honor n~g "Gran Logia Central Nilad".--7. Sulat ni "Dimasalang" (Rizal) cay "Tenluz" (G. Zulueta).--8. Sulat ni Dimasalang (Rizal) sa isáng Comité.--9. Sulat na walang pan~galan at walang fecha, na doo'y tinututulan ang pagpapatapon sa Dapitan cay Rizal.--10. Sulat ni Ildefonso Laurel cay Rizal.--11. Sulat ni Rizal "Segundo."--12. Sulat ni Gat Marcelo H. del Pilar cay G. "Juan A. Tenluz" (Juan Zulueta)--13. Talumpatì ni G. Emilio Jacinto sa isáng pagpupulong n~g Katipunan, na winacasan n~g m~ga ganitóng salitâ: "¡Mabuhay ang Filipinas! ¡Mabuhay ang Calayàan! ¡Mabuhay ang Doctor Rizal! ¡!Man~gagcáisa tayo!!"--14. Talumpatì ni G. José Turiano Santiago, sa pulong ding iyón n~g Katipunan, na itó ang m~ga catapusáng saysay: "¡Mabuhay ang Filipinas! ¡Mabuhay ang Calayàan! ¡Mabuhay ang marilág na Doctor Rizal! ¡¡Mamatáy ang mapagpahirap na nación!! Mayníla, 23 n~g Julio n~g 1893.--Tiktik".--15. Sa Talisay, tulâ ni Rizal: Pinagpatuunan din n~g m~ga sacdal na laban cay Rizal ang m~ga "declaración" n~g m~ga filipinong pinahirapan n~g catacot-tacot, na si na guinoong Martín Constantino, Aguedo del Rosario, José Reyes, Moisés Salvador, José Dizon, Domingo Franco, Deodato Arellano, Ambrosio Salvador, Pedro Serrano, Pío Valenzuela, Antonio Salazar, Francisco Guison at Timoteo Paez. Ang hucóm na nuha n~g sinabi n~g m~ga declamación at lubhang nagpahirap sa m~ga filipino ay ang malupít at caban~gisban~gisang si Coronel Olive. N~g ica 26 n~g Noviembre n~g 1896 ay inihalal n~g General Blanco na Juez especial ni Rizal si D. Rafael Dominguez, capitán n~g infantería, at secretario si Juan González y Garcia, cabong castílà n~g regimiento n~g infantería núm. 74. N~g ica 5 n~g Diciembre n~g 1896 ay nagpasiyá si capitan Dominguez, na ayon daw sa m~ga casulatang narakìp at sa m~ga "declaración" ni Martín Constantino, Aguedo del Rosario, José Reyes at iba pa, si Rizal ay siyang buháy na calolowa n~g panghihimagsic, pan~gulong púnò n~g m~ga "filibustero", pan~gulong nagtatag n~g panghihimagsic, at iba pa. Ipinadalá n~g General Blanco ang "causa" sa Auditor General de Guerra na si Don Nicolás Peña, at nagpasiya itó n~g ica 7 n~g Diciembre n~g 1896 na "embargohin" cay Rizal ang halagang isáng "millong piso" ang cauntian, papanatilihin itó sa pagcábilanggô, maghalál n~g isáng fiscal (tagasumbong) at isáng defensor (tagapagsanggalang). Hindî maihahalal na defensor cung dî isá ring oficial n~g Ejército, alinsunod sa utos n~g Auditor Peña. Náhalal na fiscal ang ganid na pusong si don Enrique de Alcocer. Nagpadalá cay Rizal n~g isáng talàan n~g may mahiguít na sandaang pan~galan n~g m~ga primero at segundo teniente n~g hucbó. Waláng nakikilala sa alín man sa canilá si Rizal; n~guni't natitigan niya ang pan~galang D. Luis Taviel de Andrade, na capatíd ni D. José Taviel de Andrade, teniente n~g guardia civil na sa canya'y guinawang tagapagbantay n~g 1887, at canyang lubos na naguing caibigan. At inihalal ni Rizal na canyang "defensor" ang sinabi n~g don Luis, at agad-agad tinanggap nito ang gayong catungculan. Bagong cahahalili cay General Blanco n~g ica 13 n~g Diciembre n~g 1896. Ang nahalili sa canya'y isáng bagong Nerón; si Don Camilo Polavieja, na nitóng m~ga hulíng panaho'y pinamagatán n~g m~ga castilang "sacristan n~g m~ga fraile" at "bayaning capitan general sa campanario n~g Palanyag." N~g m~ga araw na iyo'y walang laguing naririn~gig sa m~ga bibíg n~g m~ga fraileng agustino, dominico, recoletano at franciscano, cung dî ang m~ga sigaw na _¡barilín! ¡patayin! ¡lipulin ang lahing filipino!!!_ "Wala na n~gang totoong carimarimarim--ani Don Wenceslao E. Retana, na dating caibigang matalic n~g m~ga fraile--walâ n~g totoong cakilakilabot masdang gaya n~g napapanood na nan~gagpapamagat na m~ga _alagad ni Jesus_ (na ang cabaita't pagcamahabaguin ay puspós) na nan~gag-aasal halimaw na máninilâ. ¿Kinacailan~gan pa bagáng bumanguit n~g m~ga pan~galan? ¿Kinacailan~gan pa bagang dito'y ititic yaong m~ga fraileng nagcucusang sumama sa m~ga hucbó, hindî n~g macapaglingcod sa m~ga calolowa, cung dî nang macapagpasulong sa m~ga sundalo n~g pagpatay sa m~ga filipino, at n~g magtamó naman silá n~g galác sa panonood n~g pagpapaagos n~g dugô n~g m~ga filipino?" At sa pagca't ayaw ipabaríl ni General Blanco ang bawa't sa canya'y iudyoc, ang m~ga fraile't m~ga castila'y nagagalit n~g dî ano lamang sa canya; ito ang dahila't nan~gagalác n~g mainam n~g mahalili si General D. Camilo Polavieja, sa pagca't talastas nilang pasasasaân silá nitó sa dugô n~g m~ga filipinong canilang totoong kinauuhawan. Hindî n~gâ dapat ipagtacáng pagpilitan niláng mápatay si Rizal. "¿Hindî baga si Rizal ang siyang lalong maran~gal sa m~ga filipino?--ani Retana.--¡Kinacailan~gang barilín siya agad-agad! Ang dugô nito'y hindî ang caraniwang tinto, hindî ang caraniwang Valdepeñas: ¡ang dugô niya'y ang Chipre, ang lalong mahalagang alac!..." N~g ica 21 n~g Diciembre n~g 1896 ay ipinadala sa Consejo de Guerra n~g teniente fiscal na si D. Enrique de Alcocer y R. de Vaamonde, anac n~g isang meztisong castílà at dito ipinan~ganac sa Filipinas, ang canyang sumbong, na doo'y hinihin~ging patayin si Rizal, pagcatapos na maisaysay ang pinagtanitanicalang dî gagaanong m~ga paratang at casinun~galin~gan. Ipinadala n~g ica 22 n~g Diciembre sa defensor na si Don Luis Taviel de Andrade ang "causa" ni Rizal, at pagdaca'y pinagsicapan naman n~g defensor na iyong salicsiki't namnaming magalíng ang nalalaman sa causang iyon, upang macatupad siya sa canyang mabigat na tungculin. Nang dalawin si Dr. Rizal n~g canyang capatíd na pan~ganay na si G. Neneng Rizal, at n~g canyang bayaw na si G. Manuel Hidalgo, ay itinanong n~g bilanggô cung paano ang nangyayari sa pagbabaca n~g castila't tagalog. --Cahapishapis!--ang sagót ni G. Neneng--¡tatló ó apat na raang tagalog ang namamatáy bawa't labanán, at sa castila'y cauntî lamang: sampô ó labingdalawa ang nasusugatan ó namamatay; ayon sa sabi n~g m~ga páhayagan! ¿Totoo cayâ iyon? ang tanóng pa ni G. Neneng.--Hindî--ang tugón ni Rizal--cung ibig ninyong maalaman cung alín ang catotohanan ay ganito ang inyong gagawin: cung baga sabihin n~g m~ga páhayagang ang napatáy sa tagalog ay 200, at 10 ang namatáy sa castílà; alisín ninyo ang isáng cero sa 200, at idagdag ninyo ang cerong inalís sa 10, at ang makita ninyong maguing bilang ay siyang catotohanan ó malapit sa catotohanan. Sa ganang akin ay hindî co na dinaramdam ang aco'y ipapatáy man n~g aking m~ga caaway; natatanaw co na sa silan~ganan ang pagbubucang liwayway n~g catubusan n~g tinubuan cong lúpà. Guinawâ ang Consejo de Guerra n~g ica 26 n~g Diciembre n~g 1896 sa "cuarto de banderas" n~g "cuartel de España". Binubúò ang Consejo de Guerrang iyon n~g teniente coronel n~g caballería na si D. José Togores Arjona, pan~gulo; m~ga "vocal" si D. Ricardo Muñoz y Arias, capitan sa artillería; si D. Manuel Reguera, capitan n~g caballería número 31; si Don Santiago Izquierdo Osorio, capitan n~g cazadores n.° 8; si Don Braulio Rodriguez Nuñez, capitan n~g cazadores n.° 7; si D. Manuel Diaz Escribano, capitan n~g batallón n~g ingenieros; at si Don Fernando Pérez Rodriguez, capitan n~g Subinspección de las armas generales. Caharap dín doon ang teniente auditor de segunda na si D. Enrique de Alcocer y R. de Vaamonde, si Rizal, ang canyang defensor na si D. Luis de Andrade, teniente n~g infantería, ang isáng capatíd na babae ni Rizal, ang casintahan nitóng si G. Josefina Bracken at ang lubhang maraming táong halos pawang m~ga castílà. Inihatid si Rizal mulâ sa fuerza de Santiago hangang sa Cuartel de Españang naliliguid n~g caramihang sundalong may fusil at nacalagay sa dulo n~g fusíl ang bayoneta at nababalitì n~g mahigpít na abot síco. Icawalong oras at sampong minuto n~g umaga n~g dumating si Rizal sa haráp n~g Consejo de Guerra. Nalalarawan sa canyang mukhâ ang cadalisayan n~g canyang púsô, ang catapan~gan n~g canyang dibdib, at ang calinisan n~g canyang budhî. Lumin~gap siya sa magcabicabilâ. Tinitigan niya bawa't nanonood. Napagkikilala sa canyang anyong hindî siya nagugulat sa camatayan. Ang pananamít niya'y americana at salawal na maitím, chaleco at corbatang putî. Mahusay na mahusay ang pagcacasuclay n~g buhóc. Pinaupô si Rizal sa isáng bancong cahoy, balitî rin n~g mahigpít na abot-síco at may m~ga sundalong bantay sa caliwa't canan at sa licuran. Dinaíg pa niya ang lalong casamâsamaang tulisán, ang lalong tampalasang mamamatay-tao. Dinin~gíg ni Rizal sa loob n~g walompo at limang minuto ang pagbasa n~g "causang" laban sa canya; pagcatapos ay binasa naman n~g fiscal na si Alcocer ang canyang m~ga sumbóng, na sa catapusa'y hinihin~gî sa pan~galan n~g hárì sa Españang patayin si Don Jose Rizal Y Mercado Alonso. N~g marin~gíg n~g caramihang castilang doo'y nanonood ang maban~gís at catampalasanang cahin~gîan ni Alcocer, nan~gagpacpacan n~g mainam at sa m~ga matá nila'y bumúbuga ang galác n~g boong infierno. Pagdaca'y nagtindíg namán si D. Luis Taviel de Andrade, at binasa ang canyang macatuwiran at bayaning pagsasanggalang. Tinutulan n~g boong tapang ang m~ga sumbóng n~g fiscal, inisaisang hinimay ang canyang m~ga sacdál, ipinaliwanag na walang ano mang casalanan si Rizal, sinaysay ang masun~git at dî wastong pag-uusig sa canya n~g m~ga caaway n~g caliwanagan, at sa cawacasa'y sinabing lihis sa catowiran at sawî sa m~ga cautusan ang cahin~gian n~g fiscal, na ipapatay ang canyang ipinagsasangalang, at hinihin~gî niyang kilalanin ang pagca walang casalanan nitó at bigyang calayaan. N~g matapos mabasa ang gayong pagsasanggalang, walâ sino mang umimíc; ipinakilala sa caniláng calamigang hindî nilá naibigan ang macatwirang pananalita ni teniente Taviel de Andrade. Tinanóng si Rizal cung mayroon siyang ibig sabihin, at ang guinawâ nito'y ibinigay ang isáng casulatang kinatatalaan n~g m~ga pan~gan~gatuwiran niya at pagsasanggalang sa canyang sariling catawán. N~g araw ding iyón, ica 26 n~g Diciembre n~g 1896 ay inilagdà n~g m~ga bumúbuò n~g Consejo de Guerra, ang hatol na siya'y patayín, at ang pagbabayad n~g sandaang libong piso sa Estado.--Nan~gapifirma sa hatol na iyon ang m~ga pan~galang sumusunod: José Togores, Braulio Rodriguez, Manuel Reguera, Miguel Diaz Escribano at Santiago Izquierdo. N~g araw na sinabi na ica 26 n~g Diciembre n~g 1896, ay ipinadalá sa Capitan General ang causa ni Rizal at pagtanggap nito'y caracaraca'y ipinag-utos na ipadalá ang causa ring iyón sa Auditor General na si D. Nicolás de la Peña. Kinabucasan, ica 27, inilagdâ nito ang canyang pasiyá, na siya'y sumasang-ayon sa hatol n~g Consejo de Guerra, cayâ n~gâ dapat na barilín sa lugar na magalin~gín n~g Capitan General. Sacali't sumang-ayon itó ay dapat ipabalíc ang causa sa "capitan instructor" at n~g siya ang magbigay alam cay Rizal n~g naguíng cahatulan sa canya, sa oras na sa canya'y pagdadalá sa capilla. Kinabucasa'y inilagdâ naman ni D. Camilo Polaviejo, Capitan General n~g hucbó n~g m~ga castílà, ang canyang utos na ganitó ang saysay: "Maynílà, 28 n~g Diciembre n~g 1898--Sangayon sa pasiyang na sa itaas, pinagtitibay co ang hatol na lagdâ n~g caraniwang Consejo de Guerra dito sa Plaza, at alinsunod sa hatol na iyo'y ipinárurusa sa salaring si Jose Rizal Mercado ang siya'y patayin, bagay na gáganapín sa pagbaríl sa canya sa icapitóng oras n~g umaga, icatatlompong araw nitóng bowan, sa "campo" n~g Bugumbayan, tagláy ang m~ga pagtupad na ipinagbibilin n~g cautusan--Sa catuparan nitó at iba pang nararapat, ibalíc sa Juez instructor, capitan D. Rafael Dominguez--Camilo G. de Palavieja. * * * * * Umagang umaga pa n~g ica 29 n~g Diciembre n~g 1896 ay naparoon na ang capitang si don Rafael Dominguez sa Fuerza de Santiago upang ipagbigay alam cay Rizal ang cahatuláng siya'y patayín. Binasa n~g secretario cay Rizal ang cahatulang boô n~g Consejo de Guerra, ang pasiya n~g Auditor na si Peña, at ang pagsang-ayon ni Polavieja, sa cahatulan at sa pasiyáng iyón. Pumirma si Rizal, bilang pagpapatotoong tunay n~gang sa canya'y ipinagbigay alam. Anang m~ga nacapanood, ay hindî nalaguím camuntî man si Rizal sa pakikinig n~g hatol na siya'y ipinapápatay at pumirmang hindî nan~giníg ang camay, cung dî bagcos pang pinacagalínggalíng at liniwanagan ang m~ga letra n~g canyang pan~galan at apellido. At tulóy hinin~gî sa canyá ang halagang sandaang libong piso, na ayon sa lagdáng hatol ay dapat niyang pagbayaran sa Gobierno n~g España; sumagot si Rizal sa capitan Dominguez, na walâ siyang pag-áarì cung dî ang canyang bahay, camalig at lúpà sa Dapitan, na pawang sinamsam na n~g Gobierno--¿At iyang taglay pô ninyong m~ga hiyas?--ang tanong n~g napacaganid na capitan. Nárito pô at inyong tanggapín. At ibinigay n~gâ ni Rizal sa capitáng iyón, pagcatapos na matanggal sa kinalalagyan, ang dalawang botones na guintô sa puños, at isáng alfiler na guintô rin ang pinacatampóc na may anyong pukyutan, na ang pinacacarayom ay pílac. Namanhìc si Rizal, na mangyaring paparoonin lamang ang canyang ama't iná, m~ga capatíd at ang casintahang si G. Josefina Bracken upang siya'y macapagpaalam sa canila. Pagcatapos ay sumulat siya cay G. Ferdinand Blumentritt n~g wicang alemán, ibinigáy ang sulat cay capitan Dominguez, casabay n~g pamanhic na mangyaring ipadalá sa dapat tumanggap. Ang cahulugán sa wicang tagalog n~g sulat ni Rizal cay Blumentritt ay itó: "Herrn Prof Ferdin. Blumentritt: "Minamahal cong capatíd: Patay na acó cung tanggapín mo itong aking sulat. Babarilín acó bucas, sa icapitóng oras n~g umaga; n~guni't walang malay-sala acó sa panghihimagsic.--Mamamatáy acóng payapà ang aking budhî.--Paalam na acó, lalong magalíng at lalong minamahal cong caibigan, at cailan ma'y huwag cang magsasapantahang gumawâ acó n~g masamâ. Fuerza de Santiago, 29 n~g Diciembre n~g 1896--Jose Rizal--Icumustá mo acó cay G. Rosa, Loleng, Conradito at Federico" (sa tabing cahabaan n~g sulat ay nababasa naman itó:) "Iniwan co sa iyo ang isáng libro, na aking hulíng pahimacás." N~g magawâ ang lahát n~g ito'y dinalá si Rizal sa capillang inilagay doon din sa fuerza de Santiago, at siya'y pinabantayan sa tatlong sundalo at dalawang oficial, na pawang m~ga castílà, na ang namiminuno'y si Don Juan del Fresno. Hindî siya kinalilin~gatan susumandali man n~g m~ga bantay na iyón. Agad dumatíng ang isáng paring castílà, capellan n~g regimiento n~g artillería, at ang tan~gcâ niya'y cumpisalín si Rizal. Kinausap siya nitó at sinabing pinasasalamatan niya ang gayong pagpapagal, n~guni't isinasamong howag n~g magpacabagabag, sa pagca't hindî niya kinacailan~gan. N~g magcagayo'y inutusan n~g arzobispong si Nozaleda, na ang pumaroo'y ang m~ga jesuita, at nagsiparoon n~gâ sa canya si párì Miguel Sederra, si párì Mata at si párì Luis Viza. Samantala'y cumalat sa boong Filipinas at sa boong mundo n~g boong cabilisán ang lagdang hatol na patayín si Rizal, bagay na totoong ikinagalác at ipinagdiwang n~g m~ga fraile, n~g m~ga castila at n~g m~ga lahing castílà, at ikinalungcot, at ipinagpighatî n~g m~ga filipino n~g m~ga lahing filipino at n~g lahát n~g m~ga táong may malilinis na calooban. Nang mabalitaan sa lalawigang Tan~guay, na casalucuyang nakikibaca sa m~ga castílà ang gágawing pagbaril cay Rizal sa umaga n~g ica 30 n~g Diciembre, pagdaca'y humandâ ang tatlong daang cawal, at ang gayac ay agawin si Rizal. Magsisiparito sa Maynílang walang dalang sandata cung dî tiguiguisang puñal, man~gagsisitabí ang bawa't isá sa m~ga sundalong paparoon sa Bagumbayan upang bumantáy sa pagbaril cay Rizal, at sa isáng pinagcayariang hudyat ay sabaysabay na sasacsakin ang sundalong catabí, aagawin ang dalang fusil nitó, at pagpipilitang itacas si Rizal. N~g matantô ang gayong adhicâ n~g m~ga capatíd ni Rizal, sinansalà nila ang m~ga macabayang iyón, sa pagca't inaacalà niláng masasayang lamang ang maraming buhay na maaamís at walâ ring cáraratnan. N~g umaga n~g ica 29 n~g Septiembre n~g 1896 ay dinalaw si Rizal sa kinalalagyang capilla ni Don Santiago Mataix, redactor-corresponsal n~g páhayagang "Heraldo de Madrid". Náratnan niya si Rizal na tahimic, walang ano mang agam-agam, na tila mandin sumasacanyang sariling bahay. Tinanggap siya n~g boong cagandahan n~g loob, at sa pagca't n~g maupô si Sr. Mataix ay tan~gantan~gan nito ang canyang sombrero, kinuha ni Rizal ito't n~g upang ilagay sa lugar na dî macacasagabal. Inacalà ni Mataix na huwag magambalà si Rizal sa paglilingcod sa canya; n~guni't sumagót ang ating Mártir n~g masayáng pananalitang:--Hindî pô mangyayari. Aco'y na sa aking bahay, cayâ itulot pô ninyong aco'y gumanap n~g catungculang pagpapakitang loob sa m~ga nagbibigay dan~gal sa akin n~g dito'y pagdalaw. At nagsalitaan silá n~g m~ga bagaybagay tungcol sa dinaanang buhay sa camusmusan, sa cabataan at sa pagbibinatâ. Sa cawacasa'y napatun~go ang salitaan tungcol sa librong "Noli me tangere", at itó ang canyang sinabi: "Hindî acó dating kilalá n~g marami. Pinagdarayaan acó n~g m~ga cochero dito sa Maynílà at sinisigawsigawan nilá acó sa malabis na pagsin~gíl, at pinaglalaruan acó patí n~g m~ga bangkero sa ilog Pasig. Nalís aco't aking tinun~go ang Lóndres, at n~g naroroon na aco'y aking natalós na pinag-uusig acó n~g boong galit n~g m~ga fraile; minumura aco't linalait mulâ sa púlpito, sa confesionario, sa m~ga salitaan, sa m~ga dahong limbag at sa m~ga libritong ipinamamahagui, hangang sa pagcalooban n~g m~ga "indulgencia" ang bawa't bumasa n~g m~ga libritong iyón. Nangyari n~gâ ang dapat cálabasan: bawa't isáng sermón, isáng pan~garal sa confesionario, isáng pagdustâ sa akin ó isang pagalimura sa m~ga dahong limbag ó librito ay isáng pagpapailang-ilang n~g aking dan~gal sa m~ga matá n~g aking m~ga cababayan at caláhì. Ilinalaking totoo n~g aking loob ang hindî naglilicat na pag-alipustâ sa akin, sa pagca't sa gayóng gawâ nila'y pinapupurihan nilá acó at ipinakikilala nila, at pinahahalagahan sa daigdig ang m~ga librong aking kinathâ. N~guni't maniwalà pô cayó; hubad na hubad acó sa carapatán upang aco'y pag-usiguin at alimurahin n~g gayon; sino mang tunay na nacacakilala sa akin ay hindî acó pinupuri at hindî acó papaguiguingdapatin papurihang barilín. Ang tunay na m~ga pantás at ang magagalíng maglingcod sa tinubuang lúpà ang binabaríl lamang. Sacá hinarap ni Rizal si párì Faura, marunong na jesuitang director n~g Observatorio Meteorológico sa Maynílà, at nagsalitâ: Natatandaan pô ba ninyo ang inyong sinabi sa akin n~g inyong mámasid ang maalab cong pagsasanggalang sa dan~gal at capurihán n~g aking láhì? Nagcatotoo pô ang inyóng húlà, tunay pô cayóng profeta: babarilín pô acó. Pagcatapos ay humín~gî n~g papel, pluma at tinta at cumathâ n~g isáng tulâ. Icaanim na oras n~g umaga n~g kinabucasang ICATATLOMPO NG DICIEMBRE n~g 1896 ay ipinahintulot na macapasoc sa capilla ang canyang iná, m~ga capatíd at gayon din si G. Josefina Bracken. Niyacap silang lahat n~g boong pagsinta, sila'y hinagcan at nagpaalam magpawalang hanggan. --Lumigaya cayó--ani Rizal--at aco'y magpapahin~galay na. Pagyacap ni Rizal sa capatíd niyang matandâ na si G. Neneng Rizal ang ay bumulóng n~g ganito:--"Iligpít ninyo ang "cocinilla" co rito. Sa ilalim n~g cocinilla'y may papel na nacaticlóp; in~gatan ninyo yaon at tulà cong pahimacás. Cung patay na aco'y tingnan ninyo ang aking zapatos at doo'y may sulat din acó." --¿Anó n~gayon ang iyong icabubuhay?--ang huling tanóng ni Rizal cay G. Josefina. --Mabubuhay acó sa pagtuturò n~g inglés--ang sagót n~g caniyang casintahan. --At nagsalita pa sa canya n~g ilan sa wicang inglés, wicang hindî natatanto n~g m~ga nagbábantay, at sumagot n~g matigás si G. Josefina n~g macaalawang: "yes." Tumatan~gis n~g dî ano lamang ang dalawang babae n~g humiwalay cay Rizal, samantalang ito'y nananatiling payapà, na parang walang ano mang nangyayari. Pagdating sa labás, hinarap n~g boong galit ni G. Josefina ang m~ga castilà, at sinigawan silá, casabáy n~g tadyác, alinsunod sa sabi n~g castilang periodista na si Don Manuel Alhama: --_¡Miserables! ¡Crueles!_ (¡M~ga waláng dan~gal! ¡malulupít!)--ani G. Josefina. Hindî namanglaw susumandalî man si Rizal sa boong panahong siya'y nanagál sa capilla. Pati sa pagcain ay magalíng. Paano'y canyang talastás na ang dugô niyang ibubuhos n~g m~ga castila'y maguiguing malusóg na binhî sa icatútubos n~g Kinagisnang Lupà; paano'y magáganap ang canyang mithing patotohanan sa boong daigdig na may m~ga filipinong marunong maghayin n~g buhay sa dakilang altar n~g pagsinta sa canyang m~ga caláhì. Calugodlugod ang anyô n~g umaga. Sa silan~gana'y bagong sumusun~gaw ang maningning na araw, walâ cahi't camunting alapaap ang lan~git na dalisay na azul, at palibhasa'y lubhang maliwanag ang panahón, natatanawang magalíng, mulâ sa Luneta, ang bundóc Mariveles at ang Corregidor, ang pulô n~g Monja, pulô n~g Fraile at ang bundóc n~g Maragundong. Bihirà n~g panahóng iyon ang m~ga filipinong lumalacad sa m~ga daan n~g Maynílà, palibhasa'y naghahari rito ang caban~gisan, ang cauhawan n~g m~ga castílà, sa dugong caymangui. Hindî magcasiya halos sa m~ga bilangguan ang dami n~g m~ga filipinong napipiit. Sa Monte de Piedad, sa silong n~g Gobierno Civil, sa Bilibid, sa m~ga Cuartel n~g Veterana at sa iba pang m~ga lugar ay nacapanghihilacbot magdaan; walang naririn~gíg doon cung dî ang cakilakilabot na sigawan n~g m~ga pinapalong nacabitin n~g abot-síco. Walang umaalin~gawn~gaw na balità cung dî ang pagpapahirap at pagpatay sa m~ga filipino n~g m~ga sundalong voluntario n~g m~ga veterana, n~g m~ga verdugong policía, secreta at iba pa, sa udyóc n~g m~ga fraile. N~g gabing sinundan n~g umagang pagbaríl cay Rizal, walang púsong filipinong dalisay na hindî tumibóc sa habág at panghihinayang sa pápataying apóstol n~g cagalin~gan at tan~ging patnugot sa icararan~gal n~g bayang itó; walang dibdib n~g caymanguing hindî tumahíp sa nin~gas n~g n~gitn~git n~g poot sa m~ga halimaw na dî nan~gin~giming magbuhos n~g dugô n~g dakilang taong walang ibáng sala cung dî ang pagcamacabayan. ¡Ah, at sino man sa m~ga nagpapanggap na ministro n~g isáng Dios--na bucál n~g cagalin~gan, ulirán n~g pagcamahabaguin,--na nan~gagpaparoo't parito sa panonod cay Rizal sa capilla'y walang nábalinong mamag-itan sa Gobernador at Capitan General n~g Filipinas, upang howag ituloy ang gagawing catampalasanang walang mapaghalimbawaan n~g samâ!... ¡Hindî guniguní man lamang n~g m~ga mababan~gís sa walang sandatang mailaban, na ang m~ga putóc na áamis n~g mahalagáng buhay ni Rizal ay siyang magguguhò n~g canilang capangyarihan sa Dulong Silan~ganang itó!... Pagtugtog n~g icaanim na oras at calahatì n~g umaga'y handà na at naroroon na sa capilla ang pulutóng n~g m~ga castilang sundalong artillero, upang ihatíd ang tunay na Bagong Cristo sa Gólgota n~g m~ga Mártir na filipino. Nagpaalam si Rizal sa m~ga nan~gagbabantay sa canya, niyacap si G. Josefina at humandâ sa paglacad sa camamatayan. Hindî napanood sa gayong calaguimlaguím na pagpatay ang ama't ina at m~ga capatid ni Rizal. Binalitì na si Dr. Jose Rizal n~g abót-sicong mahigpít, at bago pinalacad na tinutugtugan n~g m~ga trompeta at m~ga redoblanteng tambor. Na sa pag-itan siya ni párì Estanislao March at ni párì José Villaclara. Na sa tabí rin niya si D. Luis Taviel de Andrade, na canyang defensor. Nacatunghay ang maliwanag na nóo, masayá ang mukhâ, nanasnaw sa canyang m~ga lábì ang matimyas na n~gitî at banayad ang lácad. Inanyayahan siyang sumacáy sa furgón n~guni't sumagót si Rizal na siya'y may catatagang lacás upang macapaglacad. Sa unahán at hulihán ni Rizal ay m~ga sundalong artillero ang sa canya'y bantáy. Nagsasalita siya sa m~ga jesuitang hindî man lamang nan~gin~ginig ang voces: --Tinutun~go natin ang "Calvario Filipino"--ani Rizal sa m~ga jesuita n~g sabing masayá--sa Calvario ring iyan inihandog ang mahahalagang buhay ni párì Burgos, ni párì Gómez, at ni párì Zamorang pinaghandugan co n~g walang cahulilip na pagsinta n~g kinathâ cong _Filibusterismo_. Pagcatanaw niya sa dagat ay nagsalitâ uli: --¡Pagcagandagandang umaga! ¡Maliwanag na maliwanag ang panahón! ¡Nátatanaw na magalíng ang Corregidor, ang Mariveles at ang m~ga bundoc n~g lalawigang Tan~guay! Manacanacang nacapaglacad aco rito n~g ganito ring umaga, na ang caacbay co'y ang aking pinan~gin~gibig na si Leonor. Idinâan si Rizal sa tabing calunuran n~g lunetang pampan~gin n~g dagat na pinagdaraanan n~g m~ga carruaje cung nan~gagpapasial cung hapon, at pagdating sa dulo'y saca ibinalic siya sa dacong guitnâ. N~g dumatíng sa Luneta'y doroon na ang dalawang "Compañía" n~g "Batallón de Cazadores expedicionarios número 7", isáng "Compañia" n~g "Batallon de Cazadores n.o 8", isang "Compañia" n~g "Regimiento de línea n.o 70", na pawang filipino; at isang "Compañia" n~g "Batallón de Voluntarios", na tigsasandaang tao bawa't "Compañia," at may casamang m~ga banda n~g música. Ang namiminunò sa lahat n~g yao'y ang comandanteng si Don Manuel Gómez Escalante, na anác n~g abogadong si D. Juan Gómez, na mestizong castilà at taga rito sa Maynilà. May hinirang na si Comandante Gómez na walong sundalong siyang bábaril cay Rizal. N~g na sa pagbabarilan na si Rizal, siya'y nakiusap sa capitan n~g infanteríang mag-uutos sa m~ga sundalo sa pagbaríl sa canyá, na siya'y barilín n~g paharáp. --Hindî mangyayari--ang sagót n~g capitan--ang útos sa akin ay ipabaríl co cayó n~g patalicód. --_Aco'y hindi naglilo sa tinubuan cong lupa at di rin aco nagtasil sa naciong castila_--ang tutol ni Rizal. --Ang catungculan co'y gumanáp n~g m~ga utos na aking tinanggap sa aking púnò,--ang sabi naman n~g capitan. --Cung gayo'y barilín ninyo acó cung paano ang inyong ibig--ang mapanglaw na sagót ni Rizal. At sacâ nagsalitâ n~g wicang tagalog sa m~ga sundalong bábaríl sa canya: --M~ga cababayan; howag ninyó acong babarilin sa ulo; patamain ninyo ang bála sa tapat n~g púsò. Nagpaalam sa canyang defensor at sa m~ga humatol sa canyang doo'y caharap, na canyang kinamayan silá n~g mahigpít, at nagsalitâ sa m~ga paring sa canya'y umaacbay. --¡Pinatatawad co n~g taós sa púsò ang lahat! Humaráp na cúsà sa dacong dágat, sa macatuwid ay tinalicurán niyá ang pulutóng n~g m~ga sundalong sa canya'y bábaril. Ang pulutóng na ito'y walóng sundalong filipino n~g regimiento núm. 70, na ang m~ga dalá'y fusíl Remington. Sa licuran n~g pulutóng n~g m~ga filipino'y may isa pang pulutóng na binubuò n~g walong sundalong castilang m~ga cazador, na ang dala'y Mausser naman, sa pan~gan~ganib n~g m~ga punong castílà na bacâ di bumaríl ang m~ga sundalong filipino sa capowa filipino.... Nacatindíg si Rizal, unàt ang catawan, tunghày ang ulo, nacalaylay ang m~ga camay sa taguiliran n~g catawan, masayá ang mukhâ; hinihintay ang pagbaril sa canya. Nang sandaling iyo'y lumapit cay Rizal ang médico militar na si Sr. Ruiz y Castillo, at nagsabi sa canya: --Casama, ¿maitutulot pô ba ninyong cayo'y pulsuhan co? Hindî sumagót si Rizal, n~guni't iniabot ang canyang canang camay. Pinulsuhán siya at pagcatapos ay mulíng nagsalitâ ang médico militar: --Mabuti pong totoò ang lacad n~g inyong pulsó. Hindî rin sumagót si Rizal, cung di hiniguit lamang n~g cauntî ang balicat. [Larawan: Ang pagbaril ni Dr. Jose Rizal. Imp. de M Fernández. Paz, 447, Sta Cruz] --Lumuhód pó cayó--anang capitan cay Rizal. Hindî itó umimíc, n~guni't umilíng; sa macatuwíd ay aayaw. Hindî nalao't nariníg ang tunóg n~g putóc n~g walong fusíl Remington, casabáy n~g ganitóng malacás na sabi ni Rizal: _¡Consumatum est!_ Nakita n~g lahát na bigláng pumihit si Rizal at n~g huwag sa canyang licód cung dî sa canyang dibdib tumamà ang m~ga bála, natimbuang siyang patay na anyáng pataguilíd sa dacong canan, hindî pataob, cung dî patihaya't ang mata'y nacatitig sa lan~git, "na walang m~ga verdugo at m~ga mapang-apì; sa lan~git na hindî pumápatay ang pananampalataya, at Dios ang siyang naghahárì." Namatay si Rizal sa balang pahatíd n~g canya ring m~ga cababayang sundalo, tulad cay Cristong capuwâ m~ga judio rin ang sa canya'y pumatay. Nilapitan si Rizal ni D. Felipe Ruiz Castillo at ni D. José Luis y Saavedra, at nakita nilang bangcay na n~gâ, n~guni't isá man lamang bala'y walang tumámà sa ulo. Umaalin~gawn~gaw pa ang walong sabaysabay na putóc n~g baríl ay nagsigawan na n~g dî ano lamang n~g _¡Viva España!_ ang caramihang lalaki't babaeng castílà at lalaki't babaeng lahing castílà na nan~gagsisicsican sa Luneta; sigawang pagdaca'y sinagòt n~g pagtugtog n~g "Marcha de Cádiz" n~g música n~g "batallón de Voluntarios", na ang m~ga bumubuo'y pawang m~ga lahing castilà rin. Dalidaling nilapitan n~g isáng castilang pintor ang bangcay ni Rizal at kinunan niya n~g larawan. Pagcatapos matugtog n~g música n~g m~ga voluntario ang "Marcha de Cádiz", ipinag-utos n~g Comandante Gómez na humanáy ang m~ga sundalo at man~gagdaang lahát sa tabí n~g bangcay ni Rizal, na nacatimbuang n~g patihayâ at lumálan~goy sa canyang sariling dugô. ¡Lumiligaya na ang m~ga fraile! Hindî doblás sa namamatay ang ipinatugtog sa canilang m~ga campanà, cung dî masayáng esquila n~g pagdiriwáng! Nan~gagcacatuwâ ang m~ga castilà at ang m~ga lahing castilà, ¡paano'y nan~gacagawâ na n~g lubháng malakíng "catapan~gan": napatay na nilá ang isáng dakilang filipinong walang sandata! ¡isáng filipinong hinahan~gaan n~g lahát n~g m~ga pantas sa ibabaw n~g lúpà! Tinawag ni D. Camilo Polavieja, "bayaning" Capitan General sa campanario n~g Palanyag, ang médico militar na si D. Felipe Ruiz, at humin~gíng balità tungcol sa m~ga hulíng sandalî n~g buhay ni Rizal, at itó ang isinagót: --Guinoong General: ¡Hindî co pô mapag-ísip cung papaano't mangyayaring matawíd n~g isáng tao ang gayong lubhang cakilakilabot na sandalî, na dî man lamang nagbago ang caraniwang lacad n~g pulsó, bagay na nagpapakilalang ang loob niya'y tiwasay na tiwasay at dî nagugulumihanan n~g cahi't camuntì man. Hinin~gî n~g m~ga magulang at m~ga capatíd ni Rizal ang bangcay nitô, upang canilang mailibing, n~guni't hindî pumayag si Polavieja. Nang makita ni Pilato[58], ni Anas[59] at ni Caifas[60], na m~ga papa ó pontífice n~g m~ga judío, n~g m~ga sacerdote, escriba[61] at fariseo[62], na patáy na ang canilang kinapopootang si Jesús, nagbawa na ang canilang galit, binigyan na nilang capayapaan ang kinitlán nila n~g hinin~gá, at ipinahintulot nila kay Joseph Arimathea at cay Nicodemo[63] na mailibíng. Hindî gayon ang m~ga fraile at ang caniláng m~ga alagád at cacampí, ¡pinag-usig n~g canilang galit si Rizal hangang sa maipabaríl; hindî tinantanan n~g caniláng poot cahi't bangcay na, pinabantayán labing limang araw ang libin~gan at malaon n~g patáy ay kinagagalitan pa rin! Datapuwa't nagtatagumpay ang catuwíran malaon ó madalî, at nagcacamit parusa ang m~ga tampalasan hanggang sa caniláng m~ga anàc at inapó. Binuhat n~g m~ga sundalong castilà ang bangcay ni Rizal, isinacáy sa isáng "furgón"[64] at itó ang sa canya'y naghatíd sa pagbábaunan. N~g makita niláng dinalá na sa pagbabaunan ang bangcáy ni Rizal, nan~gagsiowî na sa caniláng bahay ang dî mabílang na m~ga nanood n~g boong galác n~g sa canya'y pagbaríl, na pawang m~ga fraile, castilà at m~ga lahing castilang dito inianac. Ang pinacamarami sa canila'y ang m~ga babaeng castilà at m~ga babaeng lahing castilang dito inianac, na ang suot nila'y ang lalong maririkít at mahahalagang damít at m~ga hiyas, na ano pa't cawan~gis n~g guinágawâ n~g una n~g m~ga salaulang babae n~g malupít na Roma, cung sila'y may ipinaggágalac na ipinapápatay sa Coliseo. Ibinaón n~g m~ga castilà si Rizal na waláng cabaong sa lupang canilang hinucay sa libin~gan sa Pácò. Ang pinaglibin~gán cay Rizal ay ang pinaglibin~gán din cay párì Burgos at na sa dacong caliwâ pagcapasoc sa libin~gan n~g Pácò, sa dulo n~g pabilog na cútà ó pader, at sa daco roon n~g cauntî sa pinaglibin~gan sa general Montoro. Ipinakiusap n~g m~ga capatíd ni Rizal sa m~ga punong castilà na mangyaring ipagcaloob na sa canilà ang "cocinillang" guinagamit n~g caniláng culang palad na capatíd sa "fuerza de Santiago", n~g ito'y nabibilangô pa roon, upang maguing alaala, at napahinuhod namán sa caniláng pakiusap. Pagdatíng sa bahay, canilang hinanap ang casulatang ipinagtagubilin n~g nasírà, at nasumpun~gan nilá ang isáng manipís na papel, na mainam ang pagcacaticlópticlóp, na doo'y nababasa sa maliliit n~guni't maliliwanag na letra, ang isáng tuláng wícang castilà, na ang unang talata'y ganito ang saysay: ULTIMO PENSAMIENTO. Ganitó ang tulang iyón sa wícà natin: HULING CAISIPAN ¡Paálam na sintáng Lúpang-Tinubuan, Pinacaíibig na báyan n~g araw, Perlang mahalagá n~g dágat Silán~gan, Edeng maligáyang sa ámi'y pumanaw! Sa iyo'y handóg co n~g ganáp na tuwâ Yaríng abáng búhay na lanta't dálità; Maguíng dakílà ma'y iaalay rin n~gâ Cung dahil n~g iyong icatitimawâ. Ang nan~ga sa digmáng dúmog sa paglában Handog din sa iyo ang caniláng búhay, Hírap ay dî pansin at dî agám-agam Ang pagcáparool ó pagtatagumpáy. Bibitayá't dûsang pasákit n~g ban~gis O pakikibacang lubháng mapan~ganib, Hindî alumána, cung itó ang náis N~g Baya't n~g madláng pinacaiibig. Aco'y mamámatay n~gayóng minamalas Itóng pamumulá n~g lán~git sa sínag N~g minimithî cong araw na sisicat, Halíli sa dilím na cagulatgulat. Cung "grana" ang iyong kinacailan~gan N~g lalong gumandá núnucang liwaywáy, ¡Dugô co'y ibúbó't n~g isá man lámang N~g dakilang sinag iyong mapakináng! Ang m~ga mithî co muláng magcaísip Magpahanggá n~gayóng maganáp ang baít, Ang mapanood cang ¡hìyas na marikít n~g dágat Silán~gang dito'y lumiliguid! Matá mong marikít ay lumiligaya, Waláng bacás luha't saganâ sa siglá, Noo'y nacatungháy na waláng balísa, Waláng báhid poot, muntî mang pan~gamba. Galác niríng búhay, marubdob cong nais, ¡Lumigaya ikaw! ... sigáw n~g pagibig N~g calolowa cong gayác n~g aalis. ¡Guinháwa camtán mo! ... ¡Anóng pagcárikît! ¡Mátimbuang upang mátaas ca lamang, Mamatáy at upang mabigyán cang buhay, Mamatáy sa sílong n~g lan~git mong mahál, Málibing sa lupang puspós n~g carictán! Cung sa ibáng âraw icáw'y may mápansin Bulaclac na abâ sa dukhâ cong libíng, Sumílang sa guitnâ n~g damóng masinsín, Hagcá't ang halíc mo'y itaós sa akin. Sa samyó n~g iyong pagsuyong matamís, Dalisay na guiliw n~g may sintang dibdib, Bayâang tumanggap noo co n~g ínit Sa pagcápalibing sa lúpang malamíg. Bayâan mong acó'y malásin n~g buwán Sa liwanag niyang hináho't malamlám, Bayâang ihatíd sa aking baunan Madalíng mapáwing sínag n~g liwaywáy. Bayâang humibík ang símoy n~g hán~gin, At cung may dumápo sa Cruz n~g libing Na anó mang ibo'y bayâang awitin Sa húning masayá ang payapang aliw. Bayâang ang áraw na lubháng manin~gas Ulán ay tuyui't sin~gaw ay itaás, Maguíng pan~ganuring dalisay at wagás, Calangcap ang áking hibíc n~g pagliyag. Bayâang ang áking maágang pagpánaw Itan~gis n~g isáng cototong sino man, Cung may magpatungcòl sa akin n~g dasál Acó'y iyo sanang idalan~gin namán. Idalán~gin mo rin ang kinapós pálad Na nan~gamatáy na't yaóng nan~gaghírap Sa daming pasakit, at ang lumálan~gap Naming m~ga iná n~g luhang masacláp. Iyong idalán~gin ang bao't ulíla, Ang nan~gapipiit na pinagdurusa; Iyong idalán~ging icaw'y matubós na Sa pagca alíping láong binabata. Cung nababalot na ang m~ga libin~gan N~g sápot na itím n~g gabíng mapangláw, At cung walang tanod cung di pawang patáy, Howág gambalàin ang catahimican. Pagpitaganan mo ang hiwagang líhim. At mapapakinggan ang tinig marahil N~g isang salterio[65], ito n~ga'y aco ring Ina-awitan ca n~g aking pag-guiliw. Cung ang libin~gan co'y limót na n~g madlâ At walâ n~g Cruz at bató mang tandâ, Sa nan~gagbubukid ay ipaubayang Bungcalí't isabog ang natipíng lúpà Ang m~ga abó co'y cung ipailanglang, Maowi sa walâ na pinanggalin~gan, At macalat na n~gang parang capupunán N~g iyong alabóc sa lupang tungtun~gan. Sa gayo'y wala n~g anó man sa aking Aco'y limútin na't aking lilibutin Yaong impapawid, caparanga't han~gin, At aco sa iyo'y maguiguing taguingtíng. Ban~gó, tin~gig, higuing, awit na masayá, Liwanag at culay na lugon n~g mata'y Uulit-ulitin sa towi towi na Ang cataimtiman n~g aking pag asa. Sintang FILIPINAS, lupa cong hinirang, Dusa n~g dusa co n~gayon ay pakin~gan: Bilang habilin cong sa iyo'y iiwan Ang lahat n~g lalong inirog sa búhay. Aco'y yayao na sa bayang payápà Na walang alipi't púnong mapang-abâ, Doo'y di nanatay sa paniniwálà At ang naghahari'y Dios na dakílà. ¡Paalam na aco magulang, capatid, Bahagui n~g puso't unang nácaniig, Ipagpasalamat ang aking pag-alis Sa buhay na itong lagui n~g ligalig! ¡Paalam na liyag tan~ging caulayaw Taga ibang lupang aking catowaan! ¡Paalam sa inyo m~ga minamahal, Mamatay ay ganap na catahimican! Jose Rizal. "¡Walâ isa man lamang salitâ n~g pagtatanim sa m~ga pumatay sa canya!... ¡Pawang pag-ibig na lahát sa caniyang tinubuang bayan at sa canyang m~ga capanig!" ani Don Wenceslaw E. Retana. * * * * * Dinamdam n~g Europa, n~g América, n~g lahat n~g bayang civilizado, lalo na n~g m~ga pantás sa lahat n~g làhi ang cakilakilabot na pagcápatay sa "Dakilang Tagalog" n~g m~ga castílà. Si Guinoong Fernando Blumentrit, ang pantás na profesor etnógrafo, ang pan~gulong nagdamdam, ang isa sa m~ga pan~gulong nagpighati n~g dî cawásà. Pakinggan n~g írog na bumabasa ang isinulat cay Guinong Mariano Ponce ni G. Fernando Blumentritt, pagcaalam nitò n~g calupitang guinawâ sa capatíd na hírang n~g canyang calolowa: "May sugat ang aking púsô!... Natatalastas mo ang calakháng dî ano lamang n~g sa caniya'y aking pag-irog!... Nan~gagsumakit ang lalong m~ga bantòg na tao sa Europa upang siya'y iligtás, datapowa't hindî nan~gagtagumpáy: ang cálolowang mahal na iyo'y naakyat sa lan~git, Macasasamáng totoo sa capangyarihan n~g castílà ang pagcàpabaril sa caniya: sa macatuwíd ay hindî lamang naguíng waláng cabuluhán ang boong caban~gisáng iyòn, cung dî isa namang cahalin~gáng calakilakihan sa pamamanihálà n~g bayan." Naglathálà ang marunong na si Blumentritt n~g mahahalagang casulatan tungcol sa buhay at pagcamatáy ni Rizal sa "Archivos Internacionales de Etnografía", sa Leida, sa "Almanaque de Praga n~g 1898" at sa halos dî mabilang na m~ga pámahayagan. Nagsaysay rin naman n~g malaki't taimtim na m~ga pagdaramdam: Ang Profesor Dr. Renward Braustetter, pantás na malayólogo sa Lucerna. Ang Dr. Fedor Jagor, aleman, sumulat n~g isáng librong ang pamagát ay "Viajes por Filipinas" na isinawicang inglés at castilà. Ang Dr. Friedrich Ratzel, alemán, marilág na geógrafo at etnógrafo, bantóg sa boong daigdig sa carunun~gan. Sinabi n~g pantás na itó sa isáng mahabang casulatang inilathalà sa dahong dagdág, tungcol sa dunong, sa "Allegemeine Zeitung" sa Munich, na mataas ang dunong at matálas ang ísip ni Rizal cay sa m~ga umusig sa canyá. Ang profesor M. Buchner, Director n~g Museo Etnográfico sa Munich, hirang na totoong malayólogo. Sumulat ang pantás na itó cay G. Ponce at sinabing: "si Dr. Rizal ay ang tagapakiharáp na mahal n~g lahing mahál n~g m~ga tagalog, at ang larawan niya'y na sa lalong mahál na pinaglalagyán sa aming Museo." Si Monsieur Edmont Plauchut, kilalang orientalista francés, na nacatatalos na magalíng sa Filipinas, na may sinulat na ilang m~ga libro at manunulat sa m~ga pahayagang "Le Temps" at "Revue des Deux Mondes." Pagca alam niyang ipinabaríl si Rizal ay naglathálà n~g pagpapapuri sa ating marilág na capatíd at pagcatapos ay sinabi: "¿Ang gayong caraming dugo'y magbun~ga cayâ n~g icapagsásarilí n~g sangcapuluan? Minimithî co n~g boong púsò." Ang Dr. W. Joest, profesor sa Universidad n~g Berlín, marilág na geógrafo. Naglathálâ n~g pagtatacá at pagpapaunlác cay Rizal. Ang Dr. H. Kern, profesor n~g Sánscrito sa Universidad n~g Leida at pan~gulong malayista sa daigdig. Pinuri niyá ang m~ga librong cathâ ni Rizal. Ang Dr. J. Montano, francés, bayaning maglalacbay, marunong n~g sarisaring wicà at pantás na antropólogo; nagparan~gal cay Rizal. Ang Dr. F. Muller, profesor sa Universidad n~g Viena, dakilang filólogo; naghayag n~g canyang panghihinayang cay Rizal. At gayon din ang m~ga marurunong at maririlag sa taong sumusunod. Ang pantás at bantog na literatang holandesa na nagpapamagat n~g "H. D. Teenk Willink." Si Mr. Manfred Wittich, manunulat na taga Leipzig. Si Dr Betances, político cubano. Si Dr. Boettger, bantóg na naturalista alemán. Si Dr. A. B. Meyer, Director n~g Museo Etnográfico sa Dresde, cárilagdilagang filipinólogo at isa sa lalong totoong nagmamahal cay Rizal. Si Monsieur Odekerchen, Director n~g páhayagang "L'Express", sa Lieja. Si Dr. Ed Seler, na naghulog sa wicang aleman n~g _Huling Caisipán_ ni Rizal. Si Mr. H. W. Bray marunong na manunulat na inglés. Si Mr. John Foreman, na sumulat n~g iláng libro tungcol sa Filipinas. Si Herr C. M. Heller, naturalista aleman. Si Dr. Stolpe, pantás na taga Suecia. Si Herr Armand Lehinaut, ingeniero at literato austriaco. Si Dr. J. M. Podhovsky, balitang manunulat na teheque, at iba pang lubhang marami. At cung dito'y ilalagda ang talaan n~g m~ga libro, n~g m~ga "revista" at n~g m~ga "periódico" na nan~gagbigay dan~gal cay Rizal ay hindî matatapos. Tatatlompong araw pa lamang ang nacararâan mulâ n~g barilín si Rizal ay nacatipon na ang pantás na si Blumentritt n~g pitompo at tatlong "periódico" sa Europa na pumupuri cay Rizal at nagsasaysay n~g malaking pagdaramdam n~g sa canya'y pagcápatay; isipin n~g bumabasa cung gaanong dami cayâ ang m~ga isinulat tungcol sa canya n~g macaraan na ang ilang bwan. Carapatdapat bangguitin ang m~ga páhayagang "Leipsinger Illustrirte Zeitung", "Allgemeine Zeitung", "National Zeitung", "Berliner", "Tageblatt", "Frendenblats", "Hamburger", "Nachrichten", "Globus", "Kolnische Zeitung", ang "Ost Asien" na pinamamatnugutan n~g pantás na japonés na si Kisak Tamai, at iba pang maraming páhayagan sa Alemania, ang "Boletin" n~g m~ga Orientalista sa Austria; ang "De Indische Gids", sa Amsterdam; "New Yorker", "Staatszeitung", "Patria", "New York Herald", "The San Francisco Chronicle", sa Estados Unidos; Le Temps", "L'Eclair", "La République Cubaine", sa Paris; "L'Express" at "La Réforme" sa Bélgica; "Opden Uitkijk", sa Holanda; "London Ilustrated News" at "National Review" sa Inglaterra; iláng m~ga páhayagan sa Austria-Hungría, sa Suecia, at iba pa; ang lahát n~g m~ga páhayagan sa Singapore, sa Hongkong, sa Macao, Shanghai, sa Japon, sa América Latina at iba pa. Maraming m~ga dakilang "Velada" ang inihandog sa pag-aalaala cay Rizal sa m~ga ciudad n~g sangsinucob. Ang isa m~ga Veladang iya'y ang idinaos n~g ica 20 n~g Noviembre n~g 1897 n~g "Sociedad Antropológica" sa Berlin, sa ilalim n~g pamamatnugot n~g pan~gulong antropólogo sa boong tinacpang si Virchow. Binasa sa Veladang iyon ang "Huling Caisipan" ni Rizal sa tuláng aleman n~g Dr. Ed. Seler. Naghandog din ang m~ga norteamericano n~g pagbibigay-dan~gal cay Rizal, n~g ica 19 n~g Junio n~g 1902 sa bahay n~g m~ga Representante, sa Washington, na ipinakilala nilang si Rizal ay cawan~gis din ni Washington, na may carapatáng igalang at alayan n~g ganáp na pagpupuri n~g sangcataohan. Umuugong, tunay na umuugong ang dakila't cagandagandahang bahay n~g m~ga Representante sa Washington sa pagbibigay-dan~gal sa walang cahulílip nating capatíd. Naghandog din n~g manin~gas at cágalingalin~gang pagbibigay dan~gal cay Rizal, sa pamamag-itan n~g isáng talumpatì si Theodore Roosevelt, presidente n~g Estados Unidos: sinabi niyang carapatdapat uliranín ang buhay ni Rizal at ang m~ga librong kinathâ niya'y Evangeliong pumapatnugot sa landás n~g icasusulong, iguiguinhawa at icaririlág n~g m~ga bayan. Pakingan naman natin n~gayón ang salitâ n~g pahám na manunulat na castilang si D. Wenceslao E. Retana: "Pagcatapos--anya--nang maiclíng casaysayang ito, na nagpapakilala n~g isáng culabóng sinag n~g malakíng pangguiguilalás n~g gayong caraming lubhang maririlag na m~ga tao, man~gan~gahás camíng isumag ang pasiyang sinabi sa Gobierno tungcól cay Rizal n~g Excelentísimo Señor Don Nicolás Peña, Auditor n~g Ejército n~g Filipinas. Alinsunod sa sinabi n~g guinoo, si Rizal ay isáng pan~gahás na hindî man lamang marunong sumulat at hindî maalam mag-isíp ísip.... ¡Lakíng kahapishapis na caibhán ang namamasdan sa pasiya n~g Guinoong Peña, na caya lamang kilalá ay salamat sa "Anuario Militar n~g España", sa m~ga pasya n~g m~ga Virchou, n~g m~ga A. B. Meyer, n~g m~ga Kern, n~g m~ga Blumentritt at n~g lubhang maraming m~ga pantás na hinahan~gaan at bantog sa boong sinucob! Datapuwa't lalo n~g kahapishapis ang isa pang pagcacaiba: ang sinasalitâ n~g "La Independencia"[66] sa canyang pagsasaysay n~g malaking pagdaramdam n~g boong sancataohang may magandang asal n~g maalaman nila ang pagcamatay ni Rizal ... "Laking kaibhang-anang "La Independencia"--n~g ganitong pagpapakita n~g sancataohan n~g canyang pagpipighatî sa pagpatáy cay Rizal, at yaong "sayáw sa m~ga patay" na guinawâ n~g m~ga castílà sa canilang pagcacatowâ n~g pagcápatay sa canilang tinampalasan, sayaw sa m~ga patáy na canilang idinaos sa ibabaw n~g bagong catatabong baunan ni Rizal na ano pa't canilang guiniic at minunglaymunglay ang m~ga corona at m~ga bulaclac na inilagay sa ibabaw n~g libin~gang iyon n~g masintahing m~ga camay n~g m~ga catoto!" Pinabantayán n~g Excelentísimo Señor Don Camilo Palavîeja, Teniente General n~g Ejército n~g España at Gobernador at Capitan general n~g Sangcapuluang Filipinas ang libin~gan ni Dr. Jose Rizal sa loob n~g labing limang araw at labing limang gabi. Limampong sundalong castílà, isáng capitan, isáng teniente, isáng sargento segundo at dalawang cabo ang nan~gagbantay. Pínabantayan sa pan~gan~ganib na bacâ nacawin n~g m~ga tagalog ang bangcay ni Rizal, at bago ipamalitang ito'y muling nabuhay. Walang pinag-ibhan cay Jesucristo. N~g macalampas na ang labinglimang araw, mulâ n~g ibaón sa lupà, si Rizal na walang cabaong at waláng balot man lamang, na baníg, iniwan na n~g m~ga, nagbábantáy. Tinandaan na lamang n~g m~ga capatíd ni Rizal ang pinaglíbin~gan nito n~g isáng cruz. N~g buwan n~g Agosto n~g 1898, n~g magtagumpay na n~g lubos ang m~ga filipinong revolucionario at n~g maibabâ na sa Filipinas ang bandera n~g España, hinucay n~g ating m~ga caláhì ang libin~gan ni Rizal, kinuha nila ang m~ga butó at bun~gô nito, inilagay nila sa isáng mahalagang urnang gawâ n~g bantog na escultor na si Guinoong Romualdo Teodoro de Jesús, at pagcatapos ay inihatid n~g di mabilang na tao n~g boong galang sa bahay n~g canyang ina. Buongbuo ang bun~gô n~g úlo ni Rizal, na ano pa't napagkikilalang hindî nasugatan n~g bala. Datapuwa't n~g hanapin sa zapatos ang casulatang bilin n~g nasirà, ang papel ay naguing pulbos na't wala n~g mabasa cahi't isáng letra man lamang. ¡Cahapishapis!... * * * * * Ang m~ga sinaysay co sa m~ga talatang natalikdan ay m~ga balitang bigay sa akin ni G. Saturnina Rizal, n~g canyang esposong si G. Manuel Hidalgo, n~g m~ga caibiga't cakilala ni Rizal at ang iba'y aking nabasa naman sa librong "Vida y escritos del Dr. Rizal," na sinulat at inihayag ni Don Wenceslao E. Retana. Sa libro ring "Vida y escritos del Dr. Rizal" ay aking sisipiín ang m~ga saysay ni Don Francisco Pi y Margall, n~g sinabi n~g si Don Wenceslao E. Retana, ni Don Miguel de Unamuno at ni Guinoong Javier Gómez de la Serna, ang tatlong nauna'y castílà at itong hulí ay cababayan natin, sa pagca't dito siya inianâc, tungcol sa España, sa Filipinas, cay Rizal at sa m~ga fraile. * * * * * M~ga saysay ni Don Francisco Pi y Margall:--"Sawíng palad n~gâ ang m~ga nasásacop n~g ating capangyarihan sa dacong Oceanía: hindî ipinagcacaloob sa canila ang m~ga "derechos políticos", ang m~ga carapatán ò catuwiran bagáng ucol sa táong namamayan, ayaw ipagcaloob sa canilá ang catuwirang magcaroon n~g m~ga tagapakiharáp sa Capulun~gang-Bayan, ayaw alsín sa canilá ang pamatoc na sa canila'y isinacláy n~g m~ga fraile, at pagca nauucol sa iguiguinhawa n~g canilang catawan sila'y nililimot na parang hindî m~ga caanib n~g España. ¿Papaanong iirog sa atin ang m~ga taong doo'y nananahan? ¿Papaanong hindî magdaramdam n~g malaking pagcainíp upang sila'y macaligtás sa cahariang sa canila'y namamahalang tulad sa m~ga unang panahon n~g pagcalupig sa canila? Cung dumating ang araw na sila'y manghimagsíc, ¿anong cacatuwiranin natin upang tayo'y dumaíng?" * * * * * Ganito naman ang m~ga pananalita ni Don Wenceslao E. Retana: "Si Jose Rizal ang siyang buháy na nagpapakilala n~g ating cahapishapis na pamamahala sa ating sacop na ibáng lupaín. Hindî mangyayaring mapapanatili ang pagcasacóp n~g isáng caharìan sa ibáng lupaín cung dì sa pamamag-itan lamang n~g dalawang paraan: O sa cusang calooban n~g m~ga tubò sa ibáng lupaíng iyon, ó sa sápilitan. Carapatdapat sabihing cailan ma'y walang ano mang guinawâ ang España upang manatiling cusà ang m~ga nasasacop na taga ibàng lupain sa pagkilala sa canyang capangyarihan; salun~gat na salun~gát ang gayón sa patacbó n~g caisipán n~g ating láhì: sa tuwi na'y ipinalagay n~g dalisáy na castílà, na hindî tunay na guinagamit ang capangyarihan sa nasasacop na ibáng lupaín, cung hindî sinusupil ang m~ga tagaroon upang sumunód sa bawa't maisipan n~g nacapangyayari. (At unawaing tinatawag na nacapangyayari, hindî ang Estado[67], at hindî rin ang Púnò n~g Estado, cung dî ang castílà). Pinapanatili n~g España sa pagkilala sa canyang capangyarihan ang nasasacop na m~ga taga ibang lúpà sa pamamag-itan n~g lacás. Datapuwa't palibhasa'y hindî sumásapat ang nacucuhang salapî sa Filipinas upang doo'y mapapanatili ang isáng malakíng hucbó n~g m~ga castilang tunay, minagalíng n~g España--cahi't kinikilalang isáng "casam-ang kinacailan~gang gawín"--ang papamalaguîin sa walang taning na panahón ang calacaráng mulâ sa lacás n~g "hicayat" n~g fraile, na ano pa't hinan~gad n~g España ang magawâ ang hindî mangyayaring bagay, na magcásabay ang pamamahalà n~g fraile at sacâ ang paglagô n~g m~ga carunun~gan ayon sa bagong caisipán. Datapuwa't hindî macagaganáp ang fraile sa canyang tungculing "pagcafraile", cung hindî niya gagamitin, ano mang cáratnan, ang canyang "tinutuntong landás", na ito'y dî iba cung dî ang paraang papanatilihin ang bayan sa carilimán n~g isip at sa hindî pagcatantô nang magagandang caasalán, at ang naguing bun~ga n~g gayong hidwang palacad (papamalaguiin bagang "indio"[68] ang filipino hanggang nabubuhay) na laban sa mapilit na cahin~gîan n~g lacad n~g panahón (cahin~gîang hindî macataliwacás at ayaw namang tumaliwacás ang caramihan sa m~ga filipino) ay ang pagsilang n~g paláisipang-bayang talastas na n~g lahát cung paano ang kináwacasan. "Hindî lamang ang dî malilagang batás n~g panahón ang calaban n~g lumang palacad; calaban din naman ang m~ga castilang anác sa España, na sa cawacasa'y ipinalagay niláng bawa't fraile ay canilang capan~gagáw; at sa ganito'y sa canilang cahapishapis na pag-uunahan sa pagsisirâan, silasilá ring m~ga castilang may "hábito" ó walang "hábito", may ahit sa ulo ó walang ahit ang siyang nan~gaglugsôan n~g canicanilang puri, hanggang sa mapagkilala tulóy n~g m~ga túbò sa Filipinas ang taglay niláng budhî. Sa isáng bagay lamang nan~gagcacaisa ang m~ga ganap na castilà, may ahit sa ulo ó walâ; ang papanatilihin sa pagca-"indio" ang m~ga pinamamagatang "indio"; bagay na udyóc n~g capalaluan n~g m~ga castilâ, capalaluang lalong lumúlubhâ, samantalang lalong mahigpít; ang pag-ibig n~g castílà sa canyang kinamulatang bayan (!) ".....................................................Untiunting guinágawang "guinoo" n~g Gobierno n~g España ang m~ga filipino; n~guni't sa pagca't nananatili ang fraile, ang cototohana'y nananatìli naman ang filipino sa "pagca-alipin", at ang nangyayari'y samantalang lumalaganap ang pagbibigay catuwiran, lumulaganap naman ang pagyurac sa catuwiran. Nananatili ang pan~gulong púnò sa Colonia[69] sa pagtataglay n~g capangyarihang magawâ ang bawa't maibigan, at nananatili naman ang fraile sa pagca siyang namamag-itan sa Bayan at sa Gobierno, at sa ganitong calagaya'y walâ n~gang kinácamtang masasabing ligaya ang "indio", liban na lamang sa ligayang papaguing dapatin n~g fraileng sa canya'y ipagcaloob. Lubós n~gang naguing magcaaway na totoo ang "Fraile" at ang "Progreso"[70]: calabisán ang alín man sa dalawa. Minamagalíng n~g m~ga filipino ang "Progreso." Datapowa't cung alisín ang fraile; ¿alín ang "lacás" na icapipiguil sa paghiwalay n~g colonia? At sa ganito'y ¿di baga dapat na ipalagáy na "sospechoso"[71] ang filipinong magmunacalang magwacsì n~g "lacás" n~g fraile? Nariyan ang ugát n~g dî magaping capangyarihan n~g fraile: hindî n~gâ mangyayaring mahalinhan silá. Nalalaman n~g m~ga fraile ang bagay na itó, caya't guinágawâ nilá bawa't maisipan. At ang Gobierno n~g castilang nagpapacapagal n~g dî ano lamang sa _iguiguinhawa_ n~g m~ga filipino, gayon ma'y hindî mangyaring dî niya gamitin ang fraileng magpacailan ma'y siyang bucál n~g _ipinaghihirap_ n~g canyang m~ga sacóp na iyang pinagsisicapan niya ang pagtatamó n~g "magandang palad." .................................................. "Samantalang nananatili sa alaala n~g bayang Filipinas ang hindî pag limot cay Rizal, mananatili naman sa bayang iyon ang pagmimithing magcaroon n~g isáng Bayan puspós sa carapatán at may magandáng caasalán. ¡Sa abâ n~g Filipinas cung sa canya'y lumípas ang pag-aalaalang iyan! ¡Hihibic siya sa caalipnang atang n~g m~ga taga ibang lupaín! At lalò pa n~gang magalíng sa matandang España na mamuhay ang canyang naguíng anác sa marilág na casarinlán cahi't na sa carukhâan, at huwag pawîin sa dibdib ang catibayan n~g dating pagguiguiliwán, cay sa magtiis ang naguíng anác na iyan sa pagcasacóp n~g isáng áli, na cahi't magpacayamanyaman ay hindî magtátaglay cailan man niyang talinghagà at di mapagwaring pagsintang catutubò n~g tunay na iná.................................." ¡Cahabaghabag na España, na totoong ipinagsisigawan sa pagdiriwang n~g m~ga líbolibong halíng, na conowa'y sumísinta sa kinaguisnang bayan!... ¡Cahabaghabag na España!... ¡N~g umaga ring iyón, casabay n~g tugtóg n~g "Marcha de Cádiz" na naalis na patuluyan ang paghahári mo sa púsò n~g Filipinas! Ang púsong iyan ay ang cay Rizal na pinaglagusan n~g bala, ¡oh culang palad na España! n~g iyong m~ga mapagpaconwaring sumisinta sa kinamulatang lupa!... Hindî; hindî ikaw, loob mahal na España, ang umamis n~g buhay n~g Dakilang Banál na iyón, ang taong yaong itinutulad cay Jesucristo n~g boong catuwiran n~g pitong an~gaw-an~gaw na pawang naguing m~ga anac mo: ang pumatay sa canya'y ang budhing hílig sa cariliman n~g m~ga iniyanac sa iyong lupaíng inudyucan n~g isang pulutong n~g m~ga fraile; iyang m~ga fraileng cung hindî nan~gatutong gumanáp n~g canilang m~ga catungcalang mahál, ang lalong m~ga mahal na catungculan sa m~ga nagpapan~galang "Ministro n~g Dios", na man~gagsidalaw sa capilla upang ihandog ang canilang m~ga abuloy sa calolowa n~g hinatulang patayín, ay nan~gatuto namáng pumaroon sa capatagan n~g Bagumbayan upang magcamít n~g lihim na galac sa panonood sa pagcapatimbuang n~g Dakilang Mapaninta sa calayaan, na ang guinawang sangcala'y ang balat-cayong pagsintá sa kinamulatang lúpà sa han~gad nilang patdín ang sumusunog sa canilang cauhawan sa dugô n~g m~ga filipino ... At samantalang sinasabi ni Rizal sa isang jesuita, sa calaguimlaguím na sandalíng iyon:--"¡Amá: pinatatawad co ang lahát n~g boong púsò, sino ma'y walâ acong kinasasam-an n~g loob!--ang m~ga fraile, at cung dî sila'y ang canilang m~ga caanib, ay isinusulat naman nila sa "La Voz Española" ang ganito: "At sa ganyan lamang paraan, sa "PAGWALIS" n~g masamang binhî, sa "PAGGAPAS" n~g m~ga tuyóng uhay sa halamanan, maiilagang magpahamac sa canilang sarili ang m~ga mangmang at ang m~ga magdarayang tacsíl na ipinagtumulac n~g lalong m~ga budhing tampalasan sa pananandata laban sa Inang bayan, at ang m~ga itinulac n~g manggagamot na mestizong insíc sa paglabág at sa pagtalicód sa pananampalataya."[72] "¿Paanong hindî bábarilin si Dr. Jose Rizal ay ang pasiya n~g m~ga namamatnugot sa caisipang bayan sa Filipinas, ang icaliligtas lamang n~g España sa canyang colonia malaya ay ang "PAGWALIS" at "PAGGAPAS", sa macatuwid baga'y ang "PAGLIPOL" (sa m~ga filipino)? ¿Sa caculan~gang palad ay hindî pa nagaganap ang pagcatuto n~g m~ga castílà: baga man sa alin mang lupaín at sa alin mang panaho'y pawang capahamacán ang ibinun~ga n~g paraang "WALIS" at "GAPAS", ay siya ring ipinagpatuloy na gawin sa Filipinas ... At sa "pagwawalìs" at sa "paggagapas, na casabay ang pagtugtog n~g "Marcha de Cádiz" at ang sigaw na "¡Viva España!" ay nawalâ sa atin ang magandang Capuluang iyon, sa pagpapalag-ós n~g bála sa canyang púsò sa púsò n~g pan~gúlo n~g m~ga táong doo'y inianac, ang maningning na tagalog na si Jose Rizal." .................................................... "Halos ang boong casalanan n~g lubhang casakitsakit at hindî na magágamot na pagcacámali ay na sa Arzobispo at na sa m~ga fraile. Cung hinin~gì sana ni pàrì Nozaleda at n~g m~ga fraile ang "indulto" ni Rizal, hindî lamang sa catuparan n~g isáng catungculang lubhang nauucol sa nan~gagpápanggap (¡lakíng capusun~gan!) na m~ga "kinàcatawan ni Jesucristo sa ibabaw n~g m~ga lúpà" (ni Jesucristong bucál n~g cabaitan at n~g pagcacaawang-gawâ); cung dî naman n~g canilang maisu-at sa m~ga mapupusoc na dibdib ang pagcapamag-itan nilà at n~g huwag mábaril si Rizal, bagay na cung guinawâ nila'y maaasahan halos na humilig disin ang calooban ni Polavieja sa pagcaawâ. Datapuwa't sa gayòng patacbó n~g ísip n~g m~ga fraile, na "¡WALIS!" at "¡GAPAS!" silá n~ga ang lalong totoong nangagdaramdam n~g pagcauhaw sa dugô silà n~ga ang lalong nagtataglay n~g lubháng malakíng pagtatanim n~g galit (¡ganyan ang canilang pagtupad sa "ibiguin mo ang capuwa mo tawo na gaya n~g pag ibig mo sa iyong sarili!") laban sa marilág na tagalog, at hindî n~ga ang paghin~gì n~g "indulto" ang canilang guinawà, cung dî ang pagparoon sa Bagumbayan, puspos n~g hindî nila maicailang ligaya, upang mapanood n~g canilang sariling m~ga matá, na tunay n~gang natimbuwang si Rizal at hindî na muling macababan~gon pa ... ¡Pagcalakilaking capan~gitan n~g asal na íyan cung panonoorin sa talárò n~g caisipan! ¡Hindî n~ga mangyayaring dî caririmariman n~g talárò n~g caisipan ang ganyang casamasamaang cagagawán n~g m~ga taong sinasabing m~ga apóstol n~g religión n~g pagsisintahan n~g lahat n~g m~ga inianac! ¡At caya ganyan n~ga ang nangyari, na samantalang natutuclasan ni Rizal na siya'y huwag malimot n~g sangcataohan magpasawalang hanggan, ibinubuhos naman n~g m~ga ganid na fraileng iyang tunay na caalit n~g wagás na budhíng binyagan, sa canilang talagang hindî nagcalinis na "historia" ang calakilakiha't macapál na dun~gis, na ano pa't magpacaílan ma'y walang macalilinis na ano mang lejía, m~ga panalan~gin ó m~ga himalâ man".... * * * * * "Tíniis ni Rizal--anáng pantás na castílang si Don Miguel de Unamuno ang mahambóg na cagaspan~gan n~g asal n~g (lahing) putî, asal na magaspang na walang maiuucol cung dî ang salitang griego: "authadía." Ang cahulugan nito'y ang pagcalugod n~g isáng tao sa canyang sarili, ang canyang pagcagalác na siya'y naguing siya, ang mag alíw sa canyang sarilí, at sa cawacasan, ang caraniwang cahulugan, ay ang pagmamalakí, pagwawalang pitagan sa ibá "authádico," at nagmamalaki, sa hindî pagcaunáwà n~g cálolowa n~g iba, samacatuwid baga'y sa casalatan n~g canyang cayang másoc sa m~ga calolowa n~g m~ga iba at makita at damdamín ang daigdig na gaya n~g canilang pagcakita at pagdaramdam." * * * * * "Carapatdapat pagsiyasating magalíng-ani Guinoong Javier Gómez de la Serna naman--ang cataohan ni Rizal. Nabuhay na tatlompo at limang taón: naliguid na niya ang daigdig pagganap niya n~g icadalawampo't pitong taón; siya'y médico, novelista, poeta, político, filólogo, pedagogo, magsasacá, tipógrafo, políglota, (mahiguit na sampong wicâ n~g iba't ibang bayan ang nasásalità), escultor, pintor, naturalista, caanib sa m~ga bantóg na m~ga Capisanang tungcol sa dunong, sa Europa; ibininyag ang canyang pan~galan sa m~ga bagong bagay na canyang na tuclasan; nanahán at nag-aral sa m~ga malalaking pan~gulong bayan sa Europa at América; hindî cacaunti ang bilang n~g dahon n~g librong ito ang kinatatalaan n~g canyang m~ga libro at m~ga casulatan. Nan~gag-alay dahil sa canyang pagcamatay n~g m~ga "velada" at m~ga patungcol na alaala ang ilang m~ga capisanan n~g m~ga pantás, at ang m~ga páhayagan sa boong tinacpan. Iyan ang taong ating binaril." * * * * * Niyayo'y buwan n~g Agosto n~g 1882. Nalilipos n~g laguím ang boong Maynila; cakilakilabot ang pagcacamatay n~g tao dahil sa sakit na "cólera". Casalucuyang inilalathalâ niyon ang "Diariong Tagalog"; dalawa caming mánunulat sa wícâ natin sa páhayagang iyon, ang tan~ging macabayan at cárilagdilagan filipinong si Gat Marcelo Hilario del Pilar Gatmaitan at acó. Datapuwa't ¡ay! n~g panahong iyo'y natatanicalaan ang calayaan n~g m~ga panitic, walang nasasaysay cung dî ang papaguingdapating itulot n~g macapangyarihang dito'y nagmamay-arí n~g buhay, dan~gal at pamumuhay n~g m~ga culang palad na filipino. Sa guitnâ n~g gayong cahapishapis na calagaya'y siyang pagdating sa amin n~g isang sulat na galing Barcelona, liham ni Rizal na may calakip na isang mababang casulatang wicang castilà, na "Amor Patrio" ang nababasa sa unang talatà, at ang firma'y "Laong-Laan". Walang cahulilip na lugod ang aming tinamó n~g basahin naming dalawa ang casulatang iyon. Maalab at dalisay na pagsinta sa tinubuang lúpà ang doo'y nálalamang sinasaysay sa calugod-lugod na pagcacahanay, m~ga hiwagang pananalitang sacdal cagandahang tumátaos sa púsò n~g bumabasa. Nagpan~gagaw caming dalawa ni Gat Marcelo sa paghuhulog sa wícang tagalog n~g casulatang iyon, at sa cawacasa'y pinagcayarían naming ang calahating dacong una'y siya ang tatagalog, at acó naman ang calahating dacong hulí. Palibhasa'y numanamnam n~g timyas n~g pananalitâ ni "Laong Laan", hindî cami nagdamdam pagod n~g paghuhulog sa sariling wicang dukhâ n~g casulatang na sa mayamang wicà ni Cervantes, at pagdaca'y inilathálà namin sa páhayagang iyon. Mulâ niyo'y kinaguiliwan co na n~g lubos ang calahing sa pagsulat ay aking napagkilalang may pusong wagás na macabayan, ano pa't laguing sumunodsunod sa canya ang aking calolowa sa walang licat na canyang pagsusumicap sa icaririlag n~g bayang minamahal, at towi na'y nakipanig sa canyang towâ ó hapis...... Napipiit acó sa bilanguan n~g Cádiz, España, casama n~g lubhang maramíng gaya co ring ipinatapong m~ga filipino at ilang filipina n~g Gobierno n~g castilà, n~g aking mabasa ang "telegrama" sa m~ga páhayagan doon, tungcol sa pagcápabaril n~g m~ga halimaw na ganid sa Dakilang Anak n~g linuluhuran cong Inang Bayan. Nanghilacbót aco't lalong pinaglahuan n~g pighatî ang calolowa cong gapós na n~g hapis sa pagcapalayô sa kinamulatang lúpà, sa magulang, asawa't m~ga anác, na pawang sinusuyuan n~g maalab na pagsinta..... N~g macaowî acó rito sa Filipinas n~g taóng 1899, ang unang minithî co'y macapagtayô ang lahing caymanguí n~g isáng marikít na "monumento" na cailan ma'y magpapaalaala sa boong sinucob cay Dr. Jose Rizal, at n~g mabigyang caganapán ang gayong nais, inísip cong yumárì n~g isáng mahalagang "Album", na ang bawa't daho'y gawâ n~g isáng matalinong filipino. Nang masabi co ang gayong panucalà sa macabayang si G. Eulalio Carmelo, pagdaca'y binigyan acó n~g bilang ambág niyang limang daang cartulinang catatagang dahon n~g sinabi n~g Album: ipinamahagui co ang m~ga cartulinang iyon sa m~ga paham, sa m~ga literato, poeta, escritor, periodista, músico, pintor, dibujante at iba pa, upang bawa't isa'y magtitic doon n~g acalain niláng pintura, música, caisipan, dibujo ó ano mang macapagpapahalaga sa "Album." Gumanáp ang lahat at ibinigay n~g bawa't isá ang canicanilang gawâ sa itinayóng "Capisanan sa pagpapaunlac cay Rizal", upang ipaencuaderna ang "Album" at pagcatapos ay parifahan, at ang mapapagbilhán sa m~ga billete n~g rifa'y mapagpatuunan n~g gugugulin sa Monumento cay Rizal. Naggayac naman acó n~g isáng mainam na "Velada lírica, literaria at instrumental," na guinanáp n~g ica 30 n~g Diciembre n~g 1899 sa teatro Libertad. Agawán at hinanakitan pa ang pagbilí n~g billete. Maraming m~ga palco ang naipagbilí n~g tigsasandaang piso at m~ga butacang naipagbilí hangang tigdadalawampo't limang piso, m~ga salapíng tinanggap na lahat n~g sinabi n~g pan~gulo n~g Capisanang gaya rin naman n~g "Album". Nang macaraang iláng linggo mulâ n~g gawin ang velada'y inacalà cong mauusisà co na cung gaano ang kinálabasan, pagcatapos maawas ang gugol, n~guni't nasayang ang aking pagál sa pag-uusisà: salapî at "album" ay capowa nan~galigpit sa lihim n~g dî co mataroc, n~g dî co mawataswatasang "lalim n~g catalinuhan at dunong" n~g m~ga "maririlag na macabayang" sa "talinghaga'y" nan~gag-iin~gat n~g lubhang mahalagáng salapíng ambag n~g bayan sa Revolucion ... N~g waláng caratnan ang maulit n~guni't mapitagan cong pag-uusisa'y iniwan co ang gayóng gawang hindî abot n~g aking caya, at nag isip acong magtatag n~g isáng hayág na ambagang hindî lamang hubad sa m~ga "hiwagang" di cayang saliksikin n~g cutad cong baít, cung dî lubos na lantaran at malayo sa camay n~g m~ga "cababalaghan": madalás n~g nangyari sa akin yaong casabihan n~g m~ga castílàng: "unos tienen la fama y otros cardan la lana"[73] "iba ang nabúbusog at aco ang napapagbintan~gan", caya't humanap aco n~g paraang mailagan ang gayong cahidwâan, Nakiusap aco cay general McArthur, na n~g panahong iyo'y siyáng Gobernador Militar dito sa Filipinas, at cay Mr. William H. Taft, na niyo'y Presidente n~g Comisión Civil, na mangyaring abuluyan nila aco sa adhicang macapanghin~gî n~g ambag sa lahat n~g filipino upang macapagpatayô n~g isáng monumento cay Rizal, sa pamamag-itan n~g paraang magtatayo n~g isàng Comité (capisanan) na ang bubu-o'y m~ga guinoong filipino na siyang mamamahalà n~g nauucol sa paglalaganap n~g paghin~gî n~g ambag at makikipag-alam sa m~ga municipio at iba pang pagcacatiwalaang manghin~gî n~g ambag, at ang lahat n~g untiunting matitipong ambag ay doon ilalagac sa Tesorero Insular n~g Gobierno, at n~g mangyaring magawâ ang lahát n~g ito'y aco'y namanhic na maglagdâ n~g isáng ucol na Ley ang Comisión Civil. Capowa napahinuhod sa akin. Inilagda n~g sinàbi n~g Comisión Civil ang ipinakiusap cong Ley at inihalal na bubuô n~g Comité ang m~ga tagaritong aking ipinalagay, na dî iba cung dî si na guinoong Tomás G. del Rosario, Ponciano Rizal, Teodoro Rafael Yangco, Juan Tuason, Dr. Aristón Bautista Lim, Mariano Limjap, Ramón Genato at Maximino Paterno. Hindî nawalan n~g m~ga calahì at n~g pamahayagang filipinong sumalangsang sa aking panucalà, na dî umano'y sa pagca't na sa mahigpít na carukhaan ang bayan ay hindî marapat isipin ang m~ga gayong pagcacagugol cung dî ang marapat pagsicapa'y ang mapapagcunan n~g macacain; pan~gan~gatuwirang hayag cong sinagot sa aking pinamamatnugutang sariling páhayagang "El Grito del Pueblo" at "Ang Kapatíd n~g Bayan" na hindî icababawas n~g yaman ó icáraragdag n~g paghihirap na ang pitong millóng filipino'y umambag n~g tigagalawang céntimo bawa't isa, upang macapagtayo sa kinatimbuwan~gang lúpà n~g naghayin n~g dugô at buhay at n~g ang bayang ito'y magcamit calayâan at dan~gal; na ang dalawang céntimong ibibigay n~g bawa't filipino'y maguiguing isang maliwanag na tagapagpatotoo sa boong cataohang ang lahing caymangui'y marunong magmahal sa capatíd na may mahal at bayaning pusong natutong magtanghal n~g capurihan n~g bayang kinaguisnan, bucod sa macapagpapasulong n~g calooban sa m~ga cababayan upang panghinularan ang m~ga dakilang gawang cagalin~gan n~g pinaghahandugan n~g gayong bagay, at ang "monumento'y" magpapagunitâ sa maghahalihaliling tao sa panahóng hinaharap, sa natutong pumucaw sa m~ga carugong náhihimbing sa caalipnan at nagban~gong puri ... Naraos ang panghihin~gî n~g ambág at n~gayo'y casalucuyang iniin~gatan n~g Tesorero Insular ang may m~ga isáng daan at labing anim na libong piso (P. 116000) na siyang gugugulin sa hindî malalao't matatayong monumento cay Rizal, sa paseo n~g Luneta, na sa canya'y pinagbarilan. Cung magalíng ó masamâ ang aking guinawâ sa pagcapanucalà n~g monumentong iyón, ang m~ga cababayang may damdamin ang siyang magpasiya. Sa pagpapaunlac din sa ating capatíd na _Martir_ ay naglathalà acó n~g linguhang páhayagang Rizal, na sa casawîang palad ay hindî tumagal ang buhay. Ang m~ga guinawâ cong ito'y sa pagtupad sa aking catungculang pagcafilipino. Matibay na n~gang totoo ang hindî pagcalimot cay Rizal. Sa taon-tao'y guinagawâ, sa sangcapuluang itó, sa icatatlompô n~g Diciembre, ang pag-aalaala n~g sa canya'y pagbaril, na nalalao'y lalò namang naguiguing dakilà. Sa Maynilà at sa m~ga bayanbayan ay may m~ga itinayong Escuela Rizal, Instituto Rizal, Colegio Rizal, Liceo Rizal, Ateneo Rizal, Restaurant Dimas Alang, Cinematógrafo Rizal, Orquesta Rizal, Club Rizal, at may man~ga nagbibilí naman n~g Relój Rizal, Tela Rizal, Cronómetro Rizal, Botones Rizal, Tabaco Rizal, Zapatos Rizal, Fósforos Rizal; Papel Rizal, sa lahat n~g bahay n~g bawa't may damdaming filipino'y may larawan ni Rizal; pinan~galanang Rizal n~g Gobierno ang isá sa m~ga lalong malalaking lalawigan dito Filipinas, ang lalong caraniwang gamiting sello n~g Correong dalawang céntimo ang halagá ay larawan ni Rizal ang naroroon; ang cay Rizal ding larawan ang na sa billete ó papel na gastahing dalawang piso ang halagá, na siyang lalong laganap; ano pa't masasabing saan man sa lupaíng itó'y walang naririn~gíg at walang namamasdan cung dî si Rizal ... Ang m~ga cuhiláng sa canya'y nagpapatay at cahi't patay na'y canilang pinagtataniman pa, baga man lihim at dî maihayag, napipilitang gamitin ang sello n~g Correo ni Rizal, in~gatan ang billeteng dalawang piso ni Rizal ... Iyan ang waláng catapusáng n~gitn~gít na parusa sa may pusaling budhî!... Inilagdâ co ang maiclíng casaysayan n~g buhay ni Rizal, sa pagca't uliráng maningning na mapanghihinularan n~g lahát sa pagsinta sa kinaguisnang bayan at sa capowâ tao, sa pagsisicap sa pag-aaral at sa calinisan n~g asal. Ang nagawâ niya'y ¿bakit hindî magagawâ n~g bawa't filipino? Pinagsicapan cong isinawicà natin ang canyang m~ga kinathang _Noli me tangere_ at _Filibusterismo_, at isasatagalog co rin ang canyang m~ga tulâ at iba pang canyang m~ga sinulat sa pagca't ang lahat n~g iya'y siyang matibay na haligui n~g cagalanggalang na sambahan n~g ating m~ga calayaan at casarinlang canyang pinagpilitang itayô sa catigastigasang bató n~g pagsintang maalab at dalisay sa kinaguisnang lúpà, sa pamamag-itan n~g canyang macapangyarihang ísip. Ang _Noli me tangere_ at ang _Filibusterismo'y_ ilaw na maliwanag na pumapatnugot sa m~ga filipino sa lacbaying cahiraphirapan at mapan~ganig na pagtatamó n~g casarinlang minimithî. Cay Ibarra-Simoun at cay Elías ay mamamalas natin ang pagsintang tunay sa cagandaganhang lupang kinakitaan natin n~g unang liwanag; cay Don Rafael Ibarra at sa canyang anác na Crisóstomo'y ang pag-uusig n~g m~ga tacsíl sa bawa't may magandang cálolowa; cay Cápitán Tiago'y ang taong walang malay nalulugso ang puri dahil sa pagca mapaniwalaín sa hiduwang pinasasampalatayanan n~g m~ga gumagamit n~g religión ni Cristo upang madayà ang sangcataohan; sa ina ni María Clara'y ang babaeng ibinulid sa ban~gin n~g carumaldumal na cahalayan n~g nanumpang magpapacalinis n~g calolowa't catawan hanggang nabubuhay; cay María Clara'y ang dalagang pinagmunglaymunglay ang púsò n~g tunay na amáng nagpapangap na "cahalili n~g Dios" at ang kinasapitang calaguimlaguim n~g cahabaghabag n~g kinúculong hangang nabubuhay sa dì umano'y ligpitan n~g m~ga esposa n~g Dios; sa m~ga fraileng si párì Dámaso, si párì Sibyla at si párì Salví, ang malulupít at casuclamsuclam na caugalîan n~g m~ga táong may catungculang mahigpít na magpacabaít at magpacalinis n~g asal; cay filósofo Tasio'y mapaguunawà ang casakitsakit na cahan~galáng naghaharì sa m~ga filipino; cay cabesang Talés ay ang táong ipinahamac n~g malupít na pag-uusig n~g magpacailan ma'y caaway n~g m~ga filipino; cay Dr. Pasta ay ang larawan n~g m~ga pantás na walang pinagsisicapan cung di ang canyang sariling cagalin~gan at iyayaman; cay Doña Consolación at cay Doña Victorina'y ang m~ga babaeng han~gal at halíng na siyang unaunang nagpapahirap ó cumucutyà sa m~ga calahì, dahil sa sila'y kinasama ó naguing asawa nang líping dito'y nacapangyayari; cay Sisa'y ang cahabaghabag na babaeng pinahirapan hangang sa masirà ang ísip at mamatay n~g m~ga tampalasang may budhing halimaw; sa isáng salita'y bawa't talata n~g _Noli me tangere_ at _Filibusterismo'y_ palatuntunang maningníng sa pamumuhay dito sa Filipinas, palibhasa'y casaysayan nang catotohanang m~ga nangyari at nangyayari pa sa m~ga lupaíng ito. Sa alin mang bahay n~g tunay na filipino'y hindî dapat mawalâ ang dalawang librong iyon at salaminíng laguì ang buhay ni Rizal, at sa araw na gawíng patnubay n~g cafilipinuhan ang buhay ni Rizal, at gamiting palatuntunan ang _Noli me tangere_, ang _Filibusterismo_ at iba pang m~ga casulatan n~g "Martir sa Luneta", sa araw na iyo'y macahihiyaw na tayong lahat, na ang Filipinas ay ligtas na sa lahat n~g caalipnan, at ang lupaíng ito'y siyâng pangulo sa dan~gal sa boong casilan~ganan, lowalhating sa sancapuluang ito'y mithî ni Rizal, Andres Bonifacio, Marcelo Hilario Del Pilar, n~g yutayutang m~ga filipino at n~g abang si PASCUAL H. POBLETE. [Larawan: G. Saturnina Rizal ni Hidalgo ó Neneng Rizal Capatíd na matandâ n~g Dr. Jose Rizal, at casalucuyang nagpapalimbag n~g "_NOLI ME TANGERE_" at "_FILIBUSTERISMO_." SA WICANG TAGALOG, Imp. de M Fernández, Paz 447, Sta. Cruz.] MGA TALABABA: [1] Marami ang tumatawag n~g _Silan~gan_ sa Laguna. [2] _Indio_ ang tawag n~g m~ga castilà at n~g m~ga mestizong castila sa tunay na lahing malayo. [3] Táong may dunong. [4] Táong-hayop. [5] Ang catumbas n~g casabihang ito sa wicâ natin ay yaong: _Ang naghahanáp sa wala, ay baliw ang cahalimbawa._ [6] Escultura: ang paggawâ n~g ano mang larawang bató ó cahoy. [7] Ang paglúlan. (Pagpupuri sa m~ga sasacyángdagat ni Magallanes.) [8] Nagtátamo n~g dilág ang Inang Bayan sa pamamag-itan n~g dunong. [9] Capisanang humahatol ó nagpápasiya. [10] Ang pagpupulong n~g m~ga dios. [11] Sa tabi n~g Pasig. [12] Casulatang inilalathálà sa pamahayagan. [13] Pag-ibig sa tinubuang lúpà. [14] Ang Diariong Tagalog ang caunaunahang pámahayagang wicang castílà at wicang tagalog na inilathálà sa araw-araw. Sapagca't n~g panahóng iyo'y inuusig ang sino mang filipinong nagpapakita n~g pagcamalulugdín sa m~ga calayaan; inilagáy na ang namamatnugot sa _Diariong Tagalog_ ay ang castilang si Don Francisco Calvo Muñoz, na Administrador n~g Rentas Estancadas; n~guni't ang tunay na sumusulat ay si G. Marcelo Hilario del Pilar at si G. Pascual H. Poblete. Tumutulong ding madalás si G. José Cuaderno. [15] Hucóm na humahatol n~g m~ga nauucol sa sinasampalatayanan. [16] _Hada_: Hiwagang babae na n~g panahong una'y pinaniniwalaan n~g m~ga europeo. [17] Ang hindi tulâ, ang tuloytuloy na pananalitâ. [18] Si Codro ang hulíng hárì sa Atenas at inihayin sa kinamulatang bayan ang canyáng buhay.--Leonidas, hárì sa Esparta na nagsangaláng n~g daang Termópilas, sa pamamag-itan n~g tatlong daang tao, laban cay Jerjes. [19] Panghihimagsic ang itinagalog n~g ibá sa salitáng _revolución_, na tila hindî angcáp, sa pagca't dito'y ang sinasabing _revolución_ ay ang bagong pagpapalacad n~g isang bayan ô nación. [20] Calacaráng tadhánà n~g May-Capal sa lahat n~g canyáng linikhâ. [21] Malayang mag-ísip, na ano pa't hindî sumasampalataya cung dî sa masasabing parang nakikita at nahihípo. [22] Ang ayaw sumampalatayang may Dios. [23] Ang napapanig sa "partido políticong ang sinusunod na palatuntuna'y ang pagsasangalang at paglalaganap n~g lahat n~g m~ga calayaan. [24] Tinatawag sa políticang "clerical" ang "partido" ó ang taong ang sinusunod na palatuntuna'y ang pagsasangalang sa lahat n~g m~ga sacerdote, sa pinasasampalatayanan n~g m~ga sacerdote at sa icaguiguinhawa at icauunlac n~g m~ga sacerdote. [25] Ang napapanig sa "partido republicano" na ang sinusunod na palatuntuna'y ang m~ga naucol sa pagtatayo n~g "república" at sa m~ga pamamahala n~g bayan sa bayan sa icagagaling n~g bayan din. [26] Ang m~ga capanig sa partidong nagpupumilit na si Don Cárlos de Borbón, na caíbigan n~g m~ga fraile at n~g lahat n~g m~ga sacerdote, ang siyang maguing hari sa España. [27] Ang cabooan n~g isang samahan n~g m~ga táong nagcacaisa n~g pasiya tungcol sa inaacala nilang lalong magalíng na pamamahala at pamiminuno sa bayan. [28] Ang halos na sa calaguitnaan n~g sangcalupaan. [29] _Brindo_ ang na sa, wicang castílà; galing sa wicang _brindar_, na ang cahuluga'y ang pag-inóm n~g alac na tandâ n~g paghahan~gád n~g icagagalíng n~g pinag-aalayan. [30] Walang tunay na catumbás sa wicang tagalog ang wicang castilang _Patria_, na ang cahuluga'y tinubuang bayan, tinubuang lúpà, sariling bayan, sariling lúpà, kinaguisnang bayan at iba pa.--Paunáwà n~g tumagalog. [31] Hiwatigan n~g bumabasang hindî tinatawag ni Rizal na "Inang-Bayan." Catutubong pan~galan ang "Inang Bayan:" ang sabing "Inang España'y" pan~galang kinaugalian lamang, (gaya n~g pagtawag n~g m~ga musmós sa hindî tunay na iná: Nanay Andang, nanay Liling at iba pa). Paunawâ ni W.E. Retana. [32] Caraniwang cublihan. [33] May tiníc na cahoy na inilalagáy sa landás at n~g mahadlan~gán ang lacad n~g nan~gagcacabayong sundalo. [34] Patibóng na pang-húli sa caaway. [35] Bacod na malakíng cahoy. [36] Bacod na malalakíng cahoy na pataguilíd. [37] Palatuntunang nagtatadhanâ n~g m~ga hábà n~g m~ga cublihan. [38] Mangagamot sa matá. [39] Isinatagalog co na ang tulang itó at gayón din ang _El embarque_, _Por la educación_, _A la juventud filipina_, ang zarzuelang _Junto al Pasig_, ang _El Consejo de los Dioses_, at iba pa at ipalilimbag cong calakip n~g librong BUHAY NI RIZAL na aking sinulat. _Pascual H. Poblete._ [40] "Tulisán sa dagat" ang tunay na cahulugan sa tagalog n~g wicang castílang "filibustero", ayon sa "Diccionario de la lengua castellana" na gawâ n~g "Real Academica Española"; n~guni't dito sa Filipinas ay binigyan n~g m~ga castílà n~g ibang cahulugan. Tinatawag dito nilang "filibustero" ang filipinong ayon sa m~ga sapantáhà nila'y nag-aacalang lumabag at maglugso n~g capangyarihan n~g España sa sangcapuluang ito at n~g macapagsarili. Pinag-uusig n~g gobierno n~g castílà n~g catacottacot n~g panahong iyon ang bawa't filipinong mapaghinalaang may budhíng "filibustero". Cung sabihin n~g m~ga di marunong n~g wicang castila'y "plibastiero." [41] Capulun~gang lagui n~g pagsisiyasat n~g lahat n~g m~ga limbag. Cautusan dito n~g panahon n~g Gobierno n~g España, na ang lahat n~g m~ga limbag at ipinalilimbag upang ilathálà, gaya n~g m~ga libro at m~ga pamahayagan, ay paraanin muna sa "Comisión Permanente de Censura." Pinarurusahan n~g mabigat ang sumuay sa cautusang ito. Naboboo ang sinabi n~g Comisión n~g m~ga fraile at m~ga castílà. [42] Ang tinatawag niya ritong Bayang sarili ay ang España. [43] Ang m~ga cagawad ó cawaní n~g gobierno. [44] Si Costa'y castílâ. [45] Capón. [46] Pantás na castílâ. [47] Ang mairuguin sa lahát n~g bagay na nauucol sa Filipinas. [48] Sa laking pag-guiliw ni Blumentritt sa Filipinas ay pinan~galanan ang isang anac niyang babae n~g "Loleng" at ang inuugali niya at n~g caniyang m~ga anac ay ang asal n~g m~ga filipinong may pinag-aralan. Maraming di ano lamang ang m~ga librong sinulat ni Blumentritt tungcol sa Filipinas at ang isa sa m~ga librong ito'y ang "Diccionario Etnográfico de Filipinas." [49] _Psicologia_: isang bahagui nang Filosofía na nagsasaysay n~g nauucol sa calolowa at sa canyáng m~ga sancap at m~ga gawâ. [50] _Antropólogo_: ang pantas na nacatatalos n~g carunun~gang _Antropología_, na kinapapalamnan n~g m~ga nauucol sa catawan at caasalan n~g tao. [51] Bawat siglo'y may isang daang taon. [52] Casaysayan n~g m~ga nangyari. [53] Ang binábanguit dito'y ang pagsasan galang n~g m~ga filipino sa capangyarihan n~g m~ga francés sa pakikibaca sa Conchinchina, sa utos n~g España. [54] Datìng sacóp n~g España ang Borneo, na n~gayo'y tinatawag ni North British Borneo; n~guni't sa capabayâan n~g Gobierno n~g España'y napalipat sa capangyarihan n~g Inglaterra. [55] Inaanyayahan co ang lahat n~g m~ga cababayang cami'y magtayô n~g isáng capisanang ang pamagát di'y _Liga Filipina_. Ang súsunding palatuntunan sa capisanang ito'y ang Estatutos ó Palatuntunan n~g _Liga Filipinang_ itinayô ni Rizal na isinatagalog co n~gayon. Bawa't sang-ayon dito sa aking anyaya'y macasusulat sa akin dito sa daang Misericordia blg. 123, bayang Sta. Cruz, Maynílà. Cung marami, ang tanggapin cong pagsang-ayon tatawag acó n~g malakíng pulong at n~g macapaghalal n~g m~ga púnò at iba pang kinacailan~gang gawin. Totoong mahalagá ang magcaroon ang m~ga filipino n~g ganitong capisanan ..._Pascual H. Poblete_. [56] Ang sabing "hotel" ay ipinan~gun~gusap na Otel. Wicang francés na ang cahulugan ay tahanang sarili, at cung minsan nama'y bahay na tumatangap na tumúloy at magpacain sa canino mang nagbabayad. Sa wicang castila'y "hostería" ú "hospedería". [57] Ang m~ga caisipang nauucol sa pamamahalà n~g bayan. [58] Ang cahulugan n~g sabing Pilato ay "lalaking may sandatang palasô." Ang pan~galan niya'y Poncio at apellido ang Pilato. Nang panahong yao'y siya'y Presidente ó Procurador sa Judea, catungculang guinanap niya n~g sampong taon, n~g panahong harì si Tiberio. Nang magpasimulâ si Juan Bautista n~g pan~gan~garal, ang gobernador sa Judea ay si Pilato. Sinasabi ni San Lúcas, na ang isá sa m~ga guinawâ ni Pilato ay ang pagpatay sa iláng m~ga taga Galilea, at inihalò ang canilang dugô sa m~ga hayin niya sa canyang kinikilalang m~ga dios. Sa isá sa m~ga fiestang maraming m~ga judío ang napasasa Jerusalem, nagpasimulâ ang iláng m~ga galileo n~g panghihimagsic na laban sa pamunuan, sa loob n~g templo, cagagawang pinutol sa pagpapatay sa m~ga namiminunò sa gawang iyon. Talastas na n~g lahát cung ano ang m~ga cagagawan ni Pilato tungcol cay Jesús, cayâ hindî co na sasabihin dito. Nang makaraan ang isang taón mulâ nang mamatay si Cristo, ang m~ga judio'y nang himagsic cay Pilato, dahil sa pagcagamit nito sa m~ga cayamanan nang templo, upang may maipagpagawa nang isang páagusan nang tubig. Napilitan si Pilatong payapain ang panghihimagsic na iyon sa pamamag-itan nang m~ga sandata. Ang m~ga catampalasanan ni Pilato sa m~ga samaritano ay siyang pumilit sa m~ga tawong ito na magsacdal cay Vitelio, prefecto sa Syria. Ang naguing hatol nito'y alisan si Pilato n~g catungculan at ipadala sa Roma, at doon nama'y pinarusahan siya nang hatol na ipatapon, Lucas III. 1; XIII. 1; Mateo XXVII; Marcos XV; Lucas XIII; Juan XVIII. 28; IX; Tingnan "Ang gawa n~g m~ga apostol" III. 13; IV. 27; XIII. 28. 1.a Timoteo VI. 13; Flav, Josefo, Antig. lib, XVIII, c. II-IV. [59] Si Anan ó Anas ay anac ni Seth, Sumo Pontífice nang m~ga judío, at bianan ni Cayfas, na siyang caacbay niya sa pagcapapa. Nang hulihin si Jesús ay dinalá muna ito sa bahay ni Anas.--Lucas III. 2; Juan XVIII; 13. Sa pagca't siya ang pan~gulong punò n~g m~ga sacerdote, siya ang nan~gulo sa pulong na pinagdalhan sa m~ga apóstol ni Jesús, upang sa canila'y ipagbawal ang pagpapatuloy n~g pan~gan~garal.--Hechos IV. 6. Sinasabi ni Josefo, na si Anas ay inihalal na Sumo Pontífice ni Cyrenio, gobernador sa Judea, at siya ang inihalili cay Joaron na binawian nang mataas na catungculang iyon. Si Anás naman ay inalisàn nang catungculan ni Valerio Grato, procurador nang Judea, na inihalal ni Tiberio Neron, at ang inihalili sa caniya'y si Ismael, na anac ni Phabi.--Joseph. Antiquit lib. XXVIII cap. II. [60] Si Caiphas na ang apellido'y Joseph ay manugang ni Anás at Sumo Pontífice ring gaya nito. Sa bahay ni Caiphas linibac, siniphayò, sinampal at hinatulang mamatay si Jesús. Sinasabi ni Josefo na si Caiphas ay inalis sa pagcapontífice ni Vitelio. Lib. XXVIII Cap. IV. [61] Man~ga pantàs na tagalagda ó tagasulat nang man~ga cautusan. [62] Isá sa man~ga secta nang man~ga judío. Ang man~ga napapanig sa sectang ito'y humihiwalay sa abang tawo, sa pag-aacala nilang sila ang lalong banál at marunong cay sa iba. [63] Ang Joseph na ito ay tubò sa Arimathea, isáng maliit na bayang n~g una'y tinatawag na Ramlet, na na sa lupaíng naguing pag-aarì n~g tribu ni Dan, sa dacong hilagaan n~g Lydda. Nananahan si Joseph n~g panahóng yaon sa Jerusalem, sa pagca't doo'y may m~ga lupà siya at bahay, at siya'y lihim na alagad ni Jesucristo, na cawan~gis naman n~g maraming mayayamang tagaroon. N~g mamatay si Jesús sa Cruz, humarap si Joseph cay Pilato, sa pagasa niyang siya'y caaalang alan~ganan, dahil sa siya'y Senador at tawong mayaman, at canyang hinin~gî ang bangcay n~g Màrtir sa Gólgota, na canyang pinahiran n~g gamot at paban~gó, na ang casama niya'y si Nicodemo, at ang bangcay ni Cristo'y inalibing niya, na ang catulong niya'y ang sinabi n~g si Nicodemo, sa isang yun~gib, na na sa lupaing canyang pag-aari, na hindi nálalayò sa pinagpacuan cay Cristo. Hindì co masabi cung ano ang kinahinatnan nang banal na si Joseph sa pagca't walang sinasabi tungcol sa canya ang m~ga Evangelio at "Ang m~ga gawa n~g m~ga apostol."--Mateo XXVII. 75; Marcos XV. 42 Lucas XXIII. 50; Juan XIX, 37. Ang cahulugan nang pan~galang "Nicodemo" ay "dugong walang sala." Capanig nang panahong iyon si Nicodemo sa secta nang m~ga fariseo, siya'y príncipe nang m~ga judío at alagad na lihim ni Jesucristo. Isang gabí ay nakipagkita siya cay Jesús at sila'y nagsalitaan n~g m~ga bagay na mahahalagá. Itinuro sa canya nang dakilang Maestro ang pan~gangaìlan~gang magbagong buhay ayon sa tacdâ nang Espíritu Santo, sa pamamag-itan nang pananampalataya sa Anac nang Dios, na ipinagcaloob sa sanglibutan at nang magtamó n~g walang hangang buhay ang lahat n~g sa caniya'y sumampalataya. Ang naguing bun~ga n~g pagsasalitaan nilang ito'y ang pagbabalic loob ni Nicodemo, na mulâ niyao'y naguing alagad ni Jesús, cahit sa lihim, bagay na anaki'y pinagcacakilalanan n~g cahinaan n~g canyang pananampalataya sa Mananacop. Walang ibang sinasabi sa Evangelio tungcol sa canya cung di ang canyang pagsasanggalang cay Jesús n~g ito'y ibig sanang dacpín n~g m~ga fariseo isang araw. N~g mamatáy sa Cruz si Jesús, nagdalá si Nicodemo n~g sandaang librang nagcacahalong "mirra" at "áloe" at n~g siyang mailagay na paban~go sa catawan n~g Mananacop, bagay na guinawâ niya sa tulong ni Joseph na taga Arimathea. ¿Ano ang naguing buhay ni Nicodemo pagcatapos? Hindi co masabi, sapagca't walang sinasaysay sa bagay na ito ang m~ga Santong Casulatan. Juan III. 1-21; VII. 500 at XIX. 39. [64] Matibay na carretóng may apat na gulóng, na guinagamit n~g m~ga hucbó ó n~g m~ga ferrocarril. [65] Isang instrumento n~g música na may m~ga cuerdang tansô na guinagamit n~g unang panahon. [66] "La Independencia" n~g ica 4 n~g Noviembre n~g 1898. [67] Ang isáng Nación ó ang isáng caharîan. [68] Tinatawag na "indio" ang inianác sa India, ayon sa "Diccionario de la Lengua Castellana" na gawâ n~g Real Academia Española; datapowa't ang cahulugang bigay n~g m~ga castilà at n~g m~ga lahing castilà sa sabing "indio" ay ang táong dalisay na filipino, na ipinalalagay nilang cutad ang isip, imbî at hindî marunong magmahál sa sariling dan~gal. [69] Isáng lupaíng maláyò sa nacasasacop na Nacióng nacalupig. [70] Ang pagsulong sa ano mang cagalin~gan, sa halimbawà: ang pagsulong sa dunong, sa gandá n~g caugalian, sa calayâan, sa caguinhawahan at iba pa. [71] Ang pinaghihinalâang gumawâ ó gumagawâ n~g ano mang casamâan: sa maiclíng sabi, ang "hinalain". [72] Sipì sa _La Voz Española_ na pinamamatnugutan n~g lubhang catoto n~g m~ga fraileng castilang si Don Joaquín Pellicena y Camacho, n~g ica 30 n~g Diciembre n~g 1896. [73] Iba ang umaahit n~g balahibo n~g tupa, at iba ang nagtátamong dan~gal, samacatuwid baga'y madalas na iba ang napapaghinalaan n~g m~ga cagagawan n~g ibá. *** End of this LibraryBlog Digital Book "Buhay at Mga Ginawa ni Dr. Jose Rizal" *** Copyright 2023 LibraryBlog. All rights reserved.