Home
  By Author [ A  B  C  D  E  F  G  H  I  J  K  L  M  N  O  P  Q  R  S  T  U  V  W  X  Y  Z |  Other Symbols ]
  By Title [ A  B  C  D  E  F  G  H  I  J  K  L  M  N  O  P  Q  R  S  T  U  V  W  X  Y  Z |  Other Symbols ]
  By Language
all Classics books content using ISYS

Download this book: [ ASCII | HTML | PDF ]

Look for this book on Amazon


We have new books nearly every day.
If you would like a news letter once a week or once a month
fill out this form and we will give you a summary of the books for that week or month by email.

Title: Sa Tabi ng Bangin - Kasaysayan Tagalog
Author: Rivera, Jose Maria, 1882-
Language: Tagalog
As this book started as an ASCII text book there are no pictures available.
Copyright Status: Not copyrighted in the United States. If you live elsewhere check the laws of your country before downloading this ebook. See comments about copyright issues at end of book.

*** Start of this Doctrine Publishing Corporation Digital Book "Sa Tabi ng Bangin - Kasaysayan Tagalog" ***

This book is indexed by ISYS Web Indexing system to allow the reader find any word or number within the document.



University of Michigan.



[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
marked as ~g.]

[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa
upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon
ay hindi na ginagamit.]



Jose Maria Rivera

Sa tabi ng
Bangin....

AKLATANG BAYAN ...III AKLAT



=Kalakal Tagalog=


Aywan kung sino ang nagsabing: "ang pilipino ay di marunong
tumangkilik sa kalakal ng kalahi"; sa sino man, ay di sasalang siya'y
kaayaw ng bayang tagalog, sapagka't ayon sa mga pangyayari ay
napagkitang tsang lubus na kasinun~galin~gan ang gayong kasabihan.

Nagsisipan~gusap na katibayan ang masasaligan ng ganitong paniwala at
isa na rito'y ang "BAKAL", Sto. Cristo, blg. 86 Maynila, Almacen ng
Cemento, Lierro galv, Alambre, Petroleo, araro at ibp. na, totoong
malusog, at ang kalusugang ito'y di utang sa kanino man kungdi sa pag
amakabayan ng kanyang mga mananangkilik at sa mga iya'y walang
nabibilang na isa mang taga ibang lupà.

Isang batas ng kalikasan na ang lan~gis ay hanapin ang kaawa lan~gis
at ang tubig ay sa kapwa tubig.



=Jose Maria Rivera=

=SA TABI N~G BAN~GIN....=

=KASAYSAYANG TAGALOG=

=UNANG PAGKALIMBAG=

=Maynila,=

=1910=

=Limbagang "MAPAGPUYAT" Daang Santiago de Vera Blg 10 Bagtasan ng
Moriones at Morga,=
=TUNDO.=



=MGA KATHA NI J.M.a RIVERA=

KASALUKUYANG LINILIMBAG


=Dalawang Lilo=
=Tamis at Pakla.=


=IPALILIMBAG=

=Luha ng Puso.= (Mga Tula.)

=Bagong Magdalena.=

=Hiyaw ng Diwa.= (Mga Tula.)

=¡Alipin!.......=



=Sa babasa=

Mangbabasang guiliw:

Bago siyasatin ang pinakalamán ng aklát na itó, ay pagkaabalahang
tunghayan sandali ang mga pang-unang titik, na siyáng maghahatid sa
inyóng tunghayan ng mga larawan ng maykatha at ng kaniyang katha.

¿Kung sino si José María Rivera? Anák sa bayan ng Tundó, halaman na
naging punlaan ng mga Zorrila, Joseng Sisiw ... at mga iba pang lakí
sa alo ng tulâ; si José Maria Rivera ay isáng kaluluwang busog sa mga
pan~garap. Batàng batà pa siya ng mabilang sa hanay ng mga
mamamahayag: lalabing pitong taón. Hindi nalaunan at ang manunulat ay
naging masikap na kampon ni Minerva pagkatapos, na mapabilang sa mga
manghihimagsik ... Panulat at baril, sa kamay niyá, ay iisáng bagay:
panananggól ng buti, panggiba ng samâ.

Sa gulang na dalawangpuong taón, ang manghihimagsik, ay tumahak na
naman ng bagong landasin: nanulat ng dulang tagalog.

At mangdudula na at manghihimagsik at mamahayag, ay inibig pa ring
kumita ng lalong dan~gal. Kaya't pinilit pang makapag "Bachiller en
Artes", "Perito Mercantil" at "Licenciado en Derecho".

Makatás na likha ng talinong ito ang:

       *       *       *       *       *

"SA TABI N~G BAN~GIN"--Tatlong personahe ang lumilikha ng mga
pangyayari: Ernesto, binatà; Armando at Magdalena, mag asawa. Si
Ernesto ay isáng bantóg, dakila, at matalinong makata at
mangdudula--kaluluwa ng kadakilaan, pusong bakal. Magdalena "Pusong
Babae", mahina, yuko at tiklop ang tuhod sa mahiwagang kapangyarihan
ng puso. Don Armando--mayamang man~gan~galakal, punong ganid, pusong
nadadarang sa kinang ng pilak, at sumasagot lamang sa
pan~gan~gailan~gan ng ginto.

Ang pagkamuhi ni Magdalena sa kaniyang asawa, at paghanga nito sa
bantog na makata at mangdudulang si Ernesto, ay siyang nagbulid sa
kaniya sa makamandag na kamay ng mahiwagang kapangyarihan ng puso.
Ipinahiwatig niyá at ipinakilala kay Ernesto ang kanyang pag ibig,
bagay na tinanggap ni Ernesto ng boong galak at pagdiriwang na tulad
sa usok na pumapaitaas at kusang napaparam sa himpapawid--isang
panagimpan; pagka't ng si Ernesto ay sumapit sa kaniyang tahanan, at
muling suriin sa kaniyang isip ang mga nangyari, ay isang malakás na
¡Hindi ...! ang narinig niyang ipinaghihiyawan ng boong lakás ng
kaniyang "conciencia"--ginamit ni Ernesto ang kaniyang pagkapusong
bakal, kinuha ang panitik at inakda ang dulang "SA TABI N~G BAÑGIN",
dulang naglalarawan ng buhay nila ni Magdalena.

Sa araw ng unang pagtatanhal ng bantóg na dula, ay inaniyayahan ang
mag asawang Armando at Loleng. Di natapus ang dula, at si Loleng ay
niyapos ng takot, siya'y nanglamig, nan~galisag ang kaniyang buhók,
nan~gatal ang kaniyang katawan, at sandaling pinanawan ng
pagkatao ... Sinakal ng takot ang kaluluwa ni Loleng sa harap ng gayong
pagkakasala.

Matapus ang gayong pangyayari, ay nagsadya si Ernesto sa bahay ng
kaibigan niyang mag-asawa, at nagpaliwanag ng bagay na nag-udyok sa
kaniya ng pagakda ng gayong dula; si Loleng ay nagsisi, si Armando ay
pinatawad siya, at si Ernesto ay nakatupad sa hiyáw ng kaniyang
"conciencia".

"KASAYSAYAN NG ISANG HALIK", salaysaying pinaglalarawanan ng isang
Dariong dalisay umibig, ng isang Angela na bago namatay ay binigkas
muna ang pan~galang ¡Dario ...!, pan~galan ng sinta na sa kaniyang
puso, ay hindi nakatkat, ni ng matuling panahon, ni ng matagal na
pagkakalayo; at isang Amalia, ináng sa hirap ng anák ay nakalimot sa
kaniyang sarili upang wala ng mithiín kundi ang ililigaya noón.

       *       *       *       *       *

Ang lahat ng mga naunang talata ay siyang laman ng aklat ng kaibigang
Pepe Maria Rivera, aklat na dahil sa kaniyang mainam at kalugodlugod
na pangyayari, ay ina-asahan kong babasahin ng tanang mahiligin sa
mabubuting babasahín.

Sa kahulihulihan, na aalaala ko ngayon ang isang pangyayari ng
kaibigang Rivera, ng kasalukuyang kami ay nagtatapos ng pag-aaral sa
"Liceo de Manila, na, samantalang kaming lahat ay nag-aaral ng paggawa
ng "composición" at pagdin~gig sa aming Profesor (ang namatay na D.
Juan Basa), ang kaibigang Rivera naman ay walang pinagkakaabalahan
kundi ang pagsulat ng mga tula at tuluyang ilinalathala sa pahayagang
"La Patría".

Perfecto del Rosario.

Tundó, Disiyembre ng taóng 1910.



I.

=Langit na maulap=


Umaga.

Ang araw ay maliwanag na sumisikat, at tinatanglawan ang lahat ng
pinagharian ng gabi; ang lan~git ay walang mga panganorin na
nakadudun~gis sa kulay niyang azul; ang mga sampagang nangag tikum ang
dahon matapos na matangap ng kanyang talulod ang ban~go sa isang
mahiwagang gabi, ay paraparang ilinalahad at pinahahalimuyak ang
ban~go niyang na impok ng sakdal lwat.

Si D. Armando, matapos na makapagbihis at makakain ng agahan, ay
dagling tumun~go sa sabitan ng sumbalilo at matapos kunin ang
kailan~gan ay nagsabi sa isang babayeng nakaupo pa sa kakanán, ng:

--Hangang mamaya, Magdalena.

--Hintay ka muna Armando at maaga pang-lubhâ--anang babaye na may
halong lambing.

--Namamali ka nang pagsasabi ng gayon. Alamin mo Magdalena na ang
tatlo nating vapor ay man~gagsisialis sa umagang ito, at marami sa mga
kinakailan~gan ay wala pa. Bawa't saglit na ikabalam ko, bawa't isang
"minuto", ay libo-libong piso ang mawawala sa atin at ito'y di marapat
na mangyari.

--Mahal pa sa iyo ang oficina kay sa akin, Iniibig mo pa ang "negocio"
mo kay sa akin....

--At di mo dapat ipagtaka, pagka't ang kualta ay kailan~gan at ng di
natin abutin ang paghihikahos. Diyan ka na.

At noon din ay nanaog si D. Armando at sumakay sa kanyang carruaje.

Samantala, ang naiwan niya ay mangiak-n~giak halos kaya't sa bibig ay
pinapamumulas ang mga salitang:

--Gaya din ng mga araw na nagdaan. Inibig ko siya sa pagsasapantahang,
sa kaniyang puso ay walang ibang sasambahin kundi ako lamang, n~guni't
ako pala ay nagkamali: sa puso pala niya ay may tan~gi pang nasusulat
ng higit sa n~galan ko ¿Saan matatagpuan ang isang pusong
makapagdudulot sa aking mga pinipithaya?

Matapos na sabihin ito, ay biglang tumindig sa kinakanang lamesa at
pumasok sa kanyang silid.



II.

=Ang mag-asawa ni D. Armando=


Bago ipatuloy ang pagsasalaysay ng mga bagay na nangyari, sandali kong
tuturan sa mga nanasà, kung sino si D. Armando at si Magdalena.

Si Dn. Armando ay isang ginoong pagka husto na ng isip ay kinamatayan
ng kaniyang mga magulang na naiwanan ng di kakaunting "mana".
Palibhasa't siya'y mauilihin sa pangangalakal, ay itinuloy ang bahay
kalakalan ng kaniyang ama. Kaiguihan ang taas at pangangatawan, at ang
gulang ay sasakay na marahil sa 45.

Si Magdalena naman, ay dili iba kundi ang asawa ni D. Armando; siya
ay magandang lubha at masasabi ngang sa Bayan ng M. ay walang
mangunguna. Sa taglay na puso na uhaw at kailan man ay di masasapatan
ang mga kahilingan, ay walang ninanasa kun di ang samyuin ang pag
ibig. Datapwa't sa isang pagkakataon ang napangasaua ay may pagka
mahilig sa pangangalakal at di na halos naaalaala ang kabiak ng
kanyang puso, bagay itong ipinagdadalamhating labis! Ang gulang niya'y
26 ó 27 na.



III.

=SUMANDALING LANGIT=


Isang umaga na bilang pangatlo na nang mga nangyaring pagpapaalam ni
Dn. Armando kay Magdalena, ay may kumatog sa pintuan ng tahanang iyon
na ng patignan sa isang alagad ay nakitang iyon pala'y si Ernesto del
Rio.

Palibhasa't ang tumawag ay ipinalalagay ni D. Armando na matalik
niyang kaibigan, kaya't naaaring kahit anong oras ay nakaparoroon.

Binuksan na nga ang pintuan na daan at makaraan ang ilang sandali ay
tuluyang umakiat ang binatang Ernesto.

Mamalas ng dumating ang ayos ni Magdalena, ay nagturing na:

--Magdalena, ¿bakit at sa pagmumukha mo'y nalalarawan ang hapis?
¿Bakit ang sun~git ng yamot ay lumululan sa iyong puso?

Tinitigan sumandali ng kinakausap ang katatapos na tumanong, bago
sinundan ng isang buntong hinin~gang sumasaksing mabigat na lubha ang
pagbabakang nangyayari sa kanyang puso, at pagkatapos ay nagsabing:

--Ernesto, tunay ang iyong sinabi, pagka't....

--¿Ang alin?--ang sambot ng kausap.

--Ako'y di ini-ibig ng aking asawa.

--Bulaan ang sapantaha mong iyan, Magdalena, pagka't ang di umibig sa
iyo, ay walang puso, at si Armando ay pinatunayang, lalaki siyang
marunong umibig pagka't hinirang ka niyang maguing asawa na
pipintuhuin....

--Nagkakamali ka Ernesto, pagka't sa puso ni Armando ay di ako ang
sinasamba kundi....

--¿Sino? ¿May iba pa siyang iniibig?

--Oo, mayroon.

--Maaari ko kayang makilala?

--Bakit hindi

--Turan mo, Magdalena.

--Ang "kualta," ang "ginto."

Hindi nakakibo sa gayon si Ernesto, at ang pagkatao'y waring lumayo sa
kaniya, ng saglit.

--¿Di ba totoo Ernesto na kung sa iyo mangyayari ang gayon, kung ikaw
ay magkaka asawa ng isang marunong umibig, ay gagantihin mo naman ng
pag-ibig din?--ang dugtong ni Magdalena.

--Magdalena, ... gayon nga ang aking gagawin, gayon ang maaasahan sa
akin, datapwa't ... tanto mo marahil na ako mandin ang tanging linikha
ni Bathala upang pahirapan na lamang.

--Ah, Magdalena,--ang patuloy na sabi ni Ernesto,--kung ako ang
palaring magkaroon ng isang tulad mo na magiging kabiak ng puso, kung
ako ang magkakaroon ng pag-ibig ng isang Magdalena, marahil, ang aking
mga tula ay lalong pupurihin, at kaiingitan ng mga may maruruming
puso.

--Ernesto, ako man ay gayon din. Ako ay nagsapantahang si Armando ay
mapapalitan ng kapua pag-ibig ang aking puso, datapua ako ay
nagkamali: Ikaw at di pala siya ang makapagdudulot sa akin ng gayon.

--Magdalena, Magdalena, ikaw man ay aking ini-ibig, ang sulit ni
Ernesto.

--Salamat Ernesto ito ang unang pagsa-mapalad ko.



IV.

=Pag aalinlangan=


Sakbibi ng isang pagkatwa, ay linisan ni Ernesto del Rio, ng makatang
laging tinatakhan ng tanan ang mga ilinalathala sa mga pahayagan, ang
marikit na tahanan ni D. Armando.

Datapwa't, nang siya'y na sa bahay na, at anyong susulat, ay isang pag
aalinlangan ang pumaibabaw sa kaniyang isip, pag-aalinlangang pumutol
sa nais niyang yariin ang tulang ipinangako sa pahayagang "Ang Ilaw."

Umulik-ulik ang kaniyang pag-iisip na tulad ng dahon ng kahoy na
linalagas ng masidhing hihip ng hangin at pinagwiwindang-windang bago
pasapitin sa lupa, bagay itong ibinitiw ng panulat at pagsapupo ng
dalawang kamay sa kaniyang ulo na wari ay di makayang dalhin ng
dalawang balikat.

At ang gayo'y, waring siyang ina antay lamang ng pinagbubuhatan na
pag-iisip niyang hinahan~gaan, pagka't bahagya pa lamang na nakararaan
ang isang saglit, ay pinagharian na siya ni "Morfeo."



V.

=Pangarap=


Mga ilang sandali ang nakaraan ng ang Pangarap ay nakuhang magambala
ang katahimikang dulot ni Morfeo.

Nangarap nga si Ernesto ng mga sumusunod:

"Umano, si Dn. Armando ay nabalitaan ang paglililo sa kaniya ni
Magdalena at Ernesto, na siyang nagiging sanhi ng panunubok ng
tinurang D. Armando, panunubok na pinagkasanhian ng pagkakatutop sa
kanilang dalawa, na ang naguing wakas ay ang pagpatay ni Armando kay
Magdalena".

--Patawad!--ang pabulalas niyang turing, na siya tuloy ikina-untol ng
pagtulog.

Datapwa't bahagya pa lamang nakapagpapahinga, ay siya namang pagdapo
uli ng isang panaguinip na gayari:

"Nang matapos mapatay ni D. Armando ang kaniyang taksil na asawa, ay
siya naman ang hinarap at pinagsabihan nang:

--"Ernesto, ang ginawa mong iyan sa akin ay walang ibang ngalan kundi
kataksilan.

--"Linabag mo ang aking mga paglingap sa iyo,--ang isinunod ni D.
Armando,--at dahil sa bagay na ito, ikaw ay tumatag.

--"Patawarin mo ako!--ang paluhod na samo ni Ernesto.

--Hindi kita mapatatawad. Sa guinawa mong iyan ay labis na sana
kitang mapatay, datapwa't di ko magagawa ang gayon. Isa sa atin ay
labis sa lupa at....

--Hindi ako makalalaban sa iyo.

--Kung gayon,--ito ang marapat sa iyo, at noon din ay iniakma sa kanya
ang isang Revolvers, datapwa, ng dumating na dito ang panaguinip ay
siya niyang pagkagising na pupun~gas-pun~gas, at ang mga naunang
salitang pumulás sa kanyang bibig ay ang:

--Huag, huag mong kitlin ang aking hininga.

Datapwa't ng masiyahan na siyang di pala kaharap si D. Armando at ang
nangyaring yaon ay panaginip lamang, dinapuan siya ng isang
kalungkutang na ikinalugmok tuloy sa isang panig ng tahanan.

Sumandaling napalagak sa gayong anyo si Ernesto, at pagkatapos ay
nagturing na:

--Hindi, hindi nga nararapat na ako'y mangibig at sangayunan ang sa
aki'y idinudulot ni Magdalena. Di ko dapat gantihin ng pagsusukab ang
mabuting palagay na akin ni Armando. Si Magdalena'y nagkasala, at
kinakailangang ang gayon ay pagsisihan niya.

At noon din ay kumuha siya ng papel at sinimulan ang pagsulat ng isang
Dula.



VI.

=Anyaya.=


Ilang araw na ang yumaon.

Sa lahat ng tanyag na kinakabitan ng mga Cartel ng Teatro, ay walang
nakikita kundi ang nagpuputiang papel na kinalilimbangan ng mga titik
na pula na ang nasasabi'y ang sumusunod:

=Dulaang Makata=


=Unang pagtatanghal ng Dulang
tatlong yugto, ng kilalang
Makatang Ernesto del Rio
at pinamagatang =

=SA TABI NG BAN~GIN=

¡daluhan! ¡panoorin
ang mainam na
dulang ito!=


Hapon ng lingo noon.

Sa magandang lan~git ay walang isa man lamang ulap na nakatatabing
baga ó nakadudungis.

Si Ernesto, ay tinun~go ang bahay ni D. Armando, na ng mamasdan sa
mukha ng dumating ay biglang nagsabi na:

--Ernesto, anong saya mo ngayon.

--Oo nga, pagka't ... nguni't, hindi, hindi ko tuturan hangang di mo
ipangako sa akin na ako'y di hihiyain.--ang tugon ni Ernesto.

--Sa ano yaon?

--Di mo ako hiihiyaín?

--Hindi.

--Kung gayon, mamayang gabí, ay itatanghal sa "Tanghalang Makata" ang
isang bago kong dula na ang pamagat ay SA TABI N~G BAN~GIN.

--Bagong dula mo na naman?

--Oo, at iya'y ika limangpuo't lima na:

--Wala kang pagod na tao!

--Paparoon ka?

--Oo, asahan mo.

--Kung gayon ay naito ang Palco presidencial. Ibig kong ikao ang
man~gulo sa aking palabas.

--Napaka labis naman yata iyan.

--Labis? kulang pa ang sabihin mo sa isang gaya mong bagong Mecenas.

--Salamat sa papuri mong iyan, Ernesto, at inaasahan ko na, n~gayon
pa, ang tagumpay mo mamaya.

--Tunay, at sa dulang iyan ay inaasahan kong lalong lalaki ang aking
n~galan sa malawak na laran~ganan ng panunulat.

--Gayon din ang haka ko.

--Siya, hangang ika 8:12: isama mo ang iyong asawa.

--Oo. Hwag kang mabahala.

At noon din ay nagkamayan sila, at pagkatapos ay yumaon na si Ernesto.

Si D. Armando naman ay ibinalita kaagad kay Magdalena ang anyayaya ni
Ernesto, at noon din ay sinimulan ang paglalabas ng damit niyang
gagamitin sa Dulaan.



VII.

="Sa tabi ng bangin."=


Ika walo't kalahati ng gabi.

Ang madlang tao ay nan~gagtayo sa tapat ng "Dulaang Makata", na wari
ay nan~gag aantay ó inaaban~gan ang pagpasok ng mga binibining dadalo
sa Dulaan ng gabing iyon, nang marin~gig ang pan~galawang tugtog ng
isang maliit na batin~gaw ay dagling nan~gag sipasok sa Dulaan, na
noo'y punu na ng mga magsisipanood, samantalang ang mga mahihirap na
di makaupo sa isang "butaka," ay nanga sa "entrada general."

Ang mga binatang mawilihin sa mga binibining may magagandang ayos ay
payak na nakapako ang panin~gin sa asawa ni D. Armando, na nang gabing
iyon ay lalo pang gumanda sanhi sa mga suot niya.

Ika siyam na ganap ng gabi, nang ang pangatlong "campanada" ay
nadingig ng lahat ng dumalo sa dulaan na sinundan pagkatapos ng
pag-aangat ng "Telon de boca."

Sinimulan ang unang yugto at gayon din ang pangalawa sa di magkamayaw
na palakpak ng nanganonood at ng matapos ang pangalawang yugto, ay
hindi nagpatantan ang mga iyon kundi makita ang makatang Ernesto del
Rio, na kung tunay mang kilala na nila, ay ibig na purihing muli.

Nang uliting iangat ang "Telon de boca" at simulan na ang "tercer
acto" ay lalo pa ding nagtamo ng maraming palakpak at muling hiniling
ang "Autor" noon.

Datapwa't ng dumating na sa "escenang" mahuhuli ni D. Martin
(protogonista ng Dula) ang asawa niya sa piling ng kaibigang matalik
na ito'y siyang "argumento" ng dulang iyon, si Magdalenang asawa ni D.
Armando, ng makita ang balaraw na tangan sa kamay ng "actor" at
itatarak sa nagpapapel na asawa, ay sumigaw ng:

--Ang Dramang iyan, ... Armando ... Patawad! at noon din ay hinimatay.

Sa gayon ay nagkagulo sa Dulaan, at pagdaka si D. Armando ay linisan
ang inuupan at inaowi sa kanilang bahay si Magdalena, na lubhang di
ma-alaman ang nangyaring iyon.

Di din naman lubha nang nagluat at matapos ang pagtatanghal ng Drama,
si Ernesto, ay kaagad na tumun~go sa bahay ni D. Armando na ng
kaniyang datnan ay mabuti ng lubha si Magdalena.



VIII.

=Pagtatapat.=


--Kaibigang Ernesto,--ang salubong sa kaniya ni D. Armando ng siya'y
makita.--Ang dula mo'y mainam, dinaramdam ko lamang na hindi nakita
ang lahat dahil sa paghihimatay ni Magdalena.

--Dinaramdam ko din,--ang tugon ni Ernesto, datapwa't kinakailangan
mong matanto ang isang lihim na napapaloob sa katha kong hinahangaan
mo.

--Tantoin mo kaibigan--ang patuloy ni Ernesto--na sanhi sa kalamigan
mo sa pag ibig, ang paningin ng iyong asawa ay ipinako sa akin.

--Gayon pala! Tampalasan,--ang tinurang bigla ni D. Armando at
dadaluhungin na sana si Magdalena, datapwa't napigilang agad ni
Ernesto at pinagsabihan n~g:

--Maghintay ka muna,--at saka itinuloy ang pagsusulit ng;

--Datapwa't sapagka't tanto ko na kung iyon ay aking bayaan ay
lalabagin ko ang ating pagkakaibigan, ay ginawa ko ang Dramang
itinanghal ng gabing ito ng upang makapagbalik loob ang asawa mong
namali sa daan ng katahimikan.

--At di ka namali, Ernesto ... ang tugon ni Magdalenang ka agad na
lumuhod sa harap ni D. Armando na umi-iyak,--ako'y iyong patawarin.

--Magdalena, pagtindig, at kita'y pinatatawad--ang sulit ni D.
Armando.--At ikaw Ernesto, ang ginawa mong ito'y pinatunayan ang
iyong mabuti at tapat na pakikisama, hinahandugan kita ng walang
hangang pasasalamat, at makaaasa ka sa kapalagayang matalik na
kaibigan. Buhat ngayon, ikaw ay aking kapatid.

At ang tatlong iyong sa pamamaguitan ng isang mahigpit na yakap ay
napagisa ang mga damdamin at puso.


       *       *       *       *       *



=Kasaysayan ng isang halik=



     Sa matalik na kaibigang Marcos de los Santos, lumikha n~g
     tugtuguing "Los Literatos Tondeños".



Gabí noon.

Ang bowan na ng mga nakaraang araw ay waring ikinakait ang kaniyang
magandang kulay, ng gabíng iyon ay maliwanag at bahid mang dun~gis ay
wala.

Ang mga bitwin na tila alitaptap, ay tuluyang nan~gawala sa himpapawid
dahil sa liwanag ng buwan.

Han~ging mahinhin at mabanayad ang sa alan~ganin ay pumapaguitna na
nakikisunod at sumasaliw sa gayong kagandahan.

Ang dagat man na sa tuina'y nagbalang gunawin ang sangkapuluan at
guhuin ang mga nagtatayugang tahanan na wari bagáng hinahamon ang
kapangyarihan ni Bathalà, ay mapanatag na lubha ng gabíng iyon: sa
kaniya'y wala man kahit munting bulalás ng gahasang alon.

Lahat ay tiwasay at tahimik.

Samantalang ganap ang katahimikan, sa isang malaking bayang nasasakop
ng Maynila at sa tapat ng isang tindahang tagalog, nan~gakaupo ang
maraming binata at ilang matatanda.

Sapagka't kaugalian na ng lahing Lakandula na ang mga binata't dalaga
ay man~gagliliwaliw sa liwag ng bowan ang karamihan ng binata na nag
upo sa tapat ng tindahang nabanguit ay nan~gagyayaang maglakad sa
liwanag ng bowan.

Yumaon ang mga iyon at doon ay walang nan~galabí kung hindi ang isang
binata at ang lahat ng mga matanda.

Sa di kawasa'y nan~gagusapan ang mga matatanda ng natutungkol sa
pagtugtog ng violin.

--Dine sa atin--ang sabi ng isa doon na wawalungpuin ang gulang, ay
may sumipot na isang violinistang hanga n~gayon ay hinahan~gaan ng
tanang makaririn~gig sa kaniya.

--Ah, si Dario: siya nga; tunay ang tinuran mo,--ang sabi naman ng isa
pa din sa nan~garoroon.

--Datapwa't sa aking wari,--ang kabuhayan ng taong iyan ay nababalot
ng isang malaking hiwaga,--anang na unang nagsalita.

--At bakit naman?--ang tanong ng isa doon.

--Bakit nga naman?--ang mapiling usisa ng isa pa rin.

--Mangyari, si Dario na n~gayon ay magkakaroon na marahil ng 65 taón,
waring di nakikilala ang gawang umibig.

--At bakit po, tio?--ang magalang na tanong ng binatang sapul ng
simulán ng mga matatanda ang usapan, ang boong pakinig niya'y doon na
lamang ilinagak.

--Gayon ang sabi ko, pagka't nakapanggigilalas ang sinapit niyang
gulang na 65 taón ay bagong tao pa, at....

N~guni't ang kaniyang iduduktong ay nawala, sa pagkakataong noon din
ay dumating sa tindahang pinaglilipunan nang isang matandang kaiguihan
ang taas, sunod sa moda ang suot na damit at kahit sa mukha niya
nagsisimula na ang pan~gun~gulubot nang balat, ay di pa din yumayaon
ang m~ga badha nang kaniyang kapanahunan: isa sa mga Magandang
Lalake.

Bitbit niya sa kaliwang kamay ang isang kaha ng violin.

--¡Magandang gabí po sa inyong lahat!--ang sabi niya.

--¡Aba, Dario! ¿Saan ka ba nangalin?--ang tanong ng isa't isa sa
nangaroroon, sa dumating.

--Diyan lamang mga kaibigan sa bahay ng isa kong pamanking lalaki na
ikinasal kan~ginang umaga.

--Ang pamankin mo'y napagkikilalang hindi mawilihin sa pagkabagong
tawo na tulad mo--anang matandang naunang nagsalita.

--Tunay nga ang tinuran ninyo--ani Dario;--Datapwa't kung aking inabot
ang gulang na ito sa pagkabagongtawo, ay dahil lamang sa isang
malaking hiwagang hanga n~gayon ay bumabalot sa aking kabuhayan.

--¿Hiwaga?--ang pamaang na tanong ng nan~garoroon.

--¿At alin ang hiwagang iyan?--ang tanong ng isa naman.

--¿Di baga maaring aming maalaman?--ang saló ng isang matanda pa din.

--Kung hindi kayo man~gaiinip ay aking isasalaysay sa inyo.

Sa gayon, ang lahat ay nagsipag-igue ng upo; nan~gagunahan ang bawa't
isa na mapalapit sa magsasalaysay ng kaniyang kabuhayan.

Ang may ari ng tindahan pati, sa gayong nangyari ay nahawa na at nang
matapos mabigyan ng isang luklukan si Dario, ay dalidaling isinará ang
kaniyang tindahan, ng upang hwag magambala ang gayong salaysayin.

       *       *       *       *       *

Sumandaling tinutop ni Dario ang noo ng kaniyang kamay at pagkatapos
ay sinimulan na ang pagtuturing ng gayari:

"Di na kaila sa inyo na ang aking kabataan ay isa sa mga inahele ng
kapighatian Apat na, taon pa lamang ang aking gulang ng ang sinisinta
kong Ina ay tinawag ni Bathala sa kaniyang sinapupunan. Ang aking Ama
na tapat magmahal, ng makilalang ang aking hilig ay sa pagtugtog ng
violin, ay pinaturuan ako sa isang bantog na guro. Sa pag-aarimuhanan
ng aking Ama, ako na ang pinatutungo sa bahay ng aking guro, n~guni't,
di naman naglipat buwan at ang Ama ko ang sumunod na nalunod sa ilog
Estigia.

"Simula na noon ay nadanas ko ang hirap ng maulila, hirap na di
nakuhang maalis, ng mga paing paunlak ng karamihan, na sanhi sa
kahusayan kong tumugtog ng violin, ang bawa na ay nagsisiwalat.

"Isang araw ng Lingo, dalawa sa aking pinakamatalik na kaibigan,
matapos kaming makasimba, ay niyaya ako sa bahay ng isang mayaman, na
ng araw na iyon ay ipinagpipista ang kaarawan ng kapan~ganakan sa
kaniyang anak. Marami ng panauhin ang inabot namin doon, at sa tanan,
ay ipinakikilala ako ng aking dalawang kaibigan, tan~gi nga lamang sa
pinipista na di namin inabot doon at sinundo ang kanyang mga
kalapit-loob.

"Datapwa't hindi ko natanto at kung bakit simulâ sa mga unang sandali
pa lamang ng aking pagdatal sa bahay na iyon, ang aking pag-iisip ay
umulik-ulik na, at ang puso ko ay nanibago sa pagtibok. Sa gayong
anyo, ay napaupo ako sa isang luklukan, at halos di pa man nagluluwat,
ay siya namang pagdating ng pinipista, na matapos mabiguiang upuan
ang kanyang mga kakilala ay tinungo ang dalawa kong kaibigan at
pinagsabihang:

--"Asa ko'y hindi kayo magsisidaló, ah ...--at sinabayan ng isang
n~giti.

--"Mali ang sapantaha mo,--ang tugon ni Carlos.

--"Siya nga,--kaya't pinasasalamatan ko ang gayon.

--"Angela,--ang sabi ng kaibigan kong Andrés--ipinakikilala ko sa iyo
ang aming kaibigang Dario Reyes, binatang compositor at balitang
violinista,--at sinabayan ng pagtuturo sa akin.

Naragdagang lalo ang aking dinamdam, at sa gayon ay wala akong nasabi
ng abutín ang kanyang kamay kung hindi:

--"Aling Angela, pag-utusan mo po....

--"Ikinagagalak ko po ang pagkakilala sa bantog na violinista,--ang
tugon niya sa akin na sinabayan nang isang titig na kinapapalooban ng
boong kabuhayan at pag-giliw.

"Matapos ang pananghalian, at sa mga sandaling nan~gagpapahin~ga ang
mga masambahin kay Terspcicore, ang tanang panauhin ay nan~gagkaisa ng
paghin~gi nila na tugtugin ko ang isa sa aking maririkit na tugtuguin.
Noon naman ay kasalukuyang ang tanang mawilihin sa "musica" ay walang
tinutugtog kung hindi ang kayayari ko pa lamang na ang pamagat ay
Agonias, at sa pagnanasa ko n~gang makasunod sa pinipita sa
akin ng tanan, ay hiniram ko ang violin ng isang orquesta at kaagad
n~gang tinugtog ang Agonias na sinaliwan naman sa piano ni
Angela. Di pa man halos natatapos ang aking pagtugtog, ng pumulas sa
bibig ng lahat ang salitang: ¡Magaling! Isa't isa ay yumakap
sa akin at ako naman sa kanila, kahit na sa mga labi ay namumutawi ang
n~giti, sa aking puso naman ay isang kalumbayan ang kaagad na
pumaloob.

Sumandaling tumiguil si Dario na waring nahahapo, at pagkatapos na
ininom ang isang vasong tubig na kaniyang hinin~gi, ay itinuloy ang
pagsaysay:

"Ganap na isang lingo ang nakaraan, buhat ng pistahin si Angela. Isang
hapon na magtatakip silim na, ay napadaan ako sa tagiliran ng hardin
ni Angela. Akay palibhasa ng pagnanasang mailuhog sa kaniya ang aking
pag ibig na buhat pa ng mga unang sandaling magkatamang mata ay
namahay na sa puso, ay sinamantala ko ang kaniyang pamumupol ng
sampaguita, at karakarakang binati siya: sumagot naman sa akin ng
malumanay at inanyayahan akong pumasok; anyayang kaagad kong tinupad,
at mga ilang sandali kong ilinuhog sa kanya ang aking pakay.
Palibhasa'y talaga na nga yata ng Diyos na ako'y palarin, si Angela ay
tinangap ang aking pagluhog at binitawan sa akin ang mahiwaga, matamis
at mahalaga niyang "Oo".

"¡Kaylan man ay di ko malilimot ang mga sandaling iyon na
ikinaginhawa ko!

"Sa di kawasa, ng akoy'y nagpaalam na kay Angela, at sagutin na niya
ng: "Hangang sa Jueves irog ko"; siyang paglapit sa amin ng ina ng
guiliw ko at nanglilisik ang matang nagturing na:

--"Angela, hindi ka na narimarim na tawaging irog mo ang dayupay na
iyan?

"Sa gayong pag alipusta sa aking kahirapan, sa dibdib kong mapag bata,
ay waring narin~gig ang piping hiyaw ng aking puso na anya'y:
¡Ipagsangalang mo ang iyong karalitaan!" at dahil sa bagay na ito'y
itinaas ko ang aking ulong nakayuko at nagsabi nang:

--"Da. Amalia, magpakarahan po naman ng pag-alipusta sa aking
karalitaan.

--"Sasagot ka pa;--ang tugon niya sa akin,--Naito ang marapat sa iyo,
at noon din nga ay ipinalo sa akin ng walang patumanga ang isang
palasan na kaniyang tinutungkod.

Sa gayong nangyari, niyakap ni Angela ang kaniyang Ináng kasabay ng
pagsasabi sa akin ng: "Dario, yumaon ka na".

"Sinunod kong dagli ang sabing iyon ni Angela. Kinamakalawahan, nang
pangyayaring iyon, ay tinangap ko ang isang liham ni Angela na gayari
ang nasasabi:

    "Irog kong Dario:

    "Buhat ng mangyari ang pananampalasan sa iyo ni Ina, ako'y náhiga
    na at di tinitigilan ng lagnat."

    "Hindi lamang ikaw ang nagdurusa, irog ko; ako man ay sakbibi din
    ng kapan~glawan, ako man ay ginigiyagis ng lungkot."

    "Kung ako'y kapu-in ng palad at maputi ang aking hinin~ga, ay
    makaaasa kang sa mga huling tibok ng aking puso, ang mga hulíng
    salitang pupulas sa aking bibig, ay ang n~galan mo, pagka't ang
    pag-ibig ko sa iyo ay walang makakatulad at malawak pa kay sa
    dagat at himpapawid."

    "Huwag mo ngang lilimutin ang iyong iyo lamang na sí,"

                                               "angeling."


"Di masayod na lungkot ang sumaakin ng ang gayon ay matanto at
palibhasa't simula ng gawin sa akin ni Da. Amalia ang pag-hiya, binuo
ko na sa loob ang pan~gin~gibang bayan.

Kinabukasan, at bago pa lamang ipinakikita ni Febo ang mga unang
anag-ag niya, ay iniwan ko na ang bayang ito at tinun~go ko ang
Pangasinan.

"Isang hapon na kasalukuyang ang mga ibong naglalagalag ay tinun~gong
muli ang kanilang pinag-iwang mga pugad; hapong hustong ikapitong araw
ng pagsapit ko doon, walang ano ano'y lumapit sa akin ang alila ko at
sinabing may mga tawong humahanap sa akin; iniutos ko sa kaniyang
patuluyin ang mga iyon, n~guni't nang man~gagsipasok na ang mga bagong
dating ay isang malaking kamanghaan ang umabot sa akin. Nalalaman
ninyo kung bakit? Pagka't ang isa sa mga iyon ay ang iná ni Angela na
nang makita ako, ay nagturing na kasabay ang iyak at yakap sa akin;

--"Dario, patawarin mo ako sa pagkakalait sa iyo: iligtas mo ang aking
mahal na Angela.

"Nang marin~gig ko ang kanyang sinabi ay itinanong ko ang sanhi ng
kaniyang, mga sinabi at noon din nga ay isinalaysay ni Da. Amalia at
ng pinsan niyang Luisa na mula ng hapong ako'y kaniyang linait, si
Angela ay nagkasakit na at ng ikatlong araw ay sinabi na ng medico na
ang tanging kagamutan ng sakít ni Angela ay na sa kaniyang minamahal.

"Sa gayon nga ay isinamo sa akin ni Da. Amalia na huwag na di ako
sumama sa kanila, at dahil sa mapili nilang pag-anyaya ay sumang ayon
na ako.

Samandaling huminto si Dario na waring ina-ala-ala ang tanang
pangyayari na isinasaysay niya.

Lumipas ang ilang saglit at, pagkatapos na silang nan~gagkakaharap ay
uminom sa dulot na matamis at tubig nang may tinda, ay ipinatuloy ni
Dario ang kaniyang pagsasalaysay.

"Kinabukasan, at dahil na wala na nga akong iba pang nasa kundi ang
mamalas ang aking iniibig na Angela, matapos na makakain ng agahan, ay
lumulan na nga kamí sa tren.

"Dalawang oras at kalahati ang itinagal namin sa paglalakbay, at
pagkatapos ay dumating na kami sa bahay ng guiliw kong Angela.

"Nang ako'y anyong tutun~go na nga sa silid ng aking sinta na kasama
si Da. Amalia, ay sinalubong kami ng manggagamot, na nang matantong
ako ang Dario, ay kaagad akong pinagsabihan, ng:

--"¡Kayo palá!... ¡Si Angela'y walang patid ng tawag sa inyo.

"Hindi ako nakatugon ng kaputok man lamang, kaya't ang mangagamot nang
mamasdan ang gayon ay nagturing na:

--"Kayo, tan~ging kayo ang marahil ay makabubuti kay Angela.

"Nguni't nang kaming tatlo ay anyo nan~gang papasok, ay siya naman
naming pagkadin~gig ng hiyaw na;

--"Dario! Dario!... Halika....

"Dagli na nga kaming tumuloy sa kinalalagian ni Angela ng nadin~gig
ang gayon at kaagad kong tinabanan sa kamay kasabay ng pagsasabi
nang:

--"¡Angela, Angela!

--"¡Dario!--ang biglang sigaw niya ng makita ako.--Asa ko'y hindi na
kita makakausap; asa ko'y mamamatay ako ng hindi ka man lamang
makakaabot sabi, n~guni't napagkikilalang dinin~gig ng Dios ang aking
hiling, ... mamamatay ako n~gayon ng tahimik.

--"Angela, bakit mga kaisipang sakdal papanglaw ang pinapamumulas sa
iyong mga labi?--ang sabi ko sa kaniya.

--"Ah, pagka't tanto ko na lumalapit na ang aking kamatayan.

--"¿Kamatayan? ¿Ang bata mong iyan? Ah, hindi, hindi ka pa mamatay.

"Tinitigan akong sumandali ng boong guiliw ni Angela, at pagkatapos
ay nagturing na:

--"Dinaramdam ko ngang lisanin ka at lalo ko pang daramdamin kung
magunitang ako'y dagli mong malilimot, sakaling tumugpa na sa bayang
payapa, nguni't ¿ano ang aking magagawa? Wala na kundi sumang-ayon sa
pasya ng may Likha sa ating lahat.

Tumiguil sumandali, at pagkatapos na wari bagang ang kaunti niyang
lakas ay nakuhang natipong lahat, umubong maka tatlo, at pagkatapos na
matabanan ang kamay ko ng sakdal higpit, ay nagturing na:

--"Dario, ipan~gako mo sa akin na, sakaling ako'y mamatay na, ay hindi
ka mag-aasawa kundi sa babayeng higuit pa sa akin.

--"Hindi lamang iyan, Angela, hindi lamang iyan, kundi, sakaling
ako'y lisanin mo, ay hindi na ako mag-aasawa,--ang tugon ko sa kaniya.

--"¿Tupdin mo kaya ang gayon? ¿Hindi mo kaya pagsisihan?

--"Hindi. Asahan mo.

--"¿Isinusumpa mo?

--"Oo.

"Nang maitugon ko ang gayon, ay ikinawit sa aking liig ang kaniyang
mga bisig na sakdal papayat na, at pagkatapos ay hinagkan ako ng
minsan, isang halik na hanga n~gayo'y nararamdaman ko pa....

"Ang ina ni Angela, na nakikita ang gayon, ay hindi umimik kaputok
man.

"Isang sandali lamang ang yumaon at pagkatapos, ay binawian na ang
guiliw kong Angela ng buhay ni Bathala............................
..................................................................

--¿At, iyan pala ang sanhi ng di mo pag aasawa?--ang turing ng isa sa
mga kausap.

--Oo, iyan ang sanhi ng kung bakit hanga n~gayo'y bagong tao pa ako.

At noon din ay nag paalam na si Dario sa tanang m~ga kausap,
samantalang sa batin~gaw naman ng sambahan ng X. ay narin~gig ang
sampung tunog.



Aklatang Bayan


I. Aklat "Mananayaw" ni Ros. Almario
II. " "Duwag" ni G. Changco
III. " "Sa Tabi ng Ban~gin" ni J. Ma. Rivera

SOMBRERIA
NI
J. Legaspi

Daang Anloague,
dating Lemery blg.
408.

Bago pumahik ng
tulay ng Hulo.


[Patalastas: Bahay Limbagang "MAPAGPUYAT"]





*** End of this Doctrine Publishing Corporation Digital Book "Sa Tabi ng Bangin - Kasaysayan Tagalog" ***

Doctrine Publishing Corporation provides digitized public domain materials.
Public domain books belong to the public and we are merely their custodians.
This effort is time consuming and expensive, so in order to keep providing
this resource, we have taken steps to prevent abuse by commercial parties,
including placing technical restrictions on automated querying.

We also ask that you:

+ Make non-commercial use of the files We designed Doctrine Publishing
Corporation's ISYS search for use by individuals, and we request that you
use these files for personal, non-commercial purposes.

+ Refrain from automated querying Do not send automated queries of any sort
to Doctrine Publishing's system: If you are conducting research on machine
translation, optical character recognition or other areas where access to a
large amount of text is helpful, please contact us. We encourage the use of
public domain materials for these purposes and may be able to help.

+ Keep it legal -  Whatever your use, remember that you are responsible for
ensuring that what you are doing is legal. Do not assume that just because
we believe a book is in the public domain for users in the United States,
that the work is also in the public domain for users in other countries.
Whether a book is still in copyright varies from country to country, and we
can't offer guidance on whether any specific use of any specific book is
allowed. Please do not assume that a book's appearance in Doctrine Publishing
ISYS search  means it can be used in any manner anywhere in the world.
Copyright infringement liability can be quite severe.

About ISYS® Search Software
Established in 1988, ISYS Search Software is a global supplier of enterprise
search solutions for business and government.  The company's award-winning
software suite offers a broad range of search, navigation and discovery
solutions for desktop search, intranet search, SharePoint search and embedded
search applications.  ISYS has been deployed by thousands of organizations
operating in a variety of industries, including government, legal, law
enforcement, financial services, healthcare and recruitment.



Home