Home
  By Author [ A  B  C  D  E  F  G  H  I  J  K  L  M  N  O  P  Q  R  S  T  U  V  W  X  Y  Z |  Other Symbols ]
  By Title [ A  B  C  D  E  F  G  H  I  J  K  L  M  N  O  P  Q  R  S  T  U  V  W  X  Y  Z |  Other Symbols ]
  By Language
all Classics books content using ISYS

Download this book: [ ASCII | HTML | PDF ]

Look for this book on Amazon


We have new books nearly every day.
If you would like a news letter once a week or once a month
fill out this form and we will give you a summary of the books for that week or month by email.

Title: Ang Sintang Dalisay ni Julieta at Romeo
Author: Roke, G.D.
Language: Tagalog
As this book started as an ASCII text book there are no pictures available.


*** Start of this LibraryBlog Digital Book "Ang Sintang Dalisay ni Julieta at Romeo" ***


provided by University of Michigan.



[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
marked as ~g. Mistakes in the original published work has been
retained in this edition.]

[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa
upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon
ay hindi na ginagamit. Hinayaang manatili sa edisyong ito ang mga
pagakakamali sa orihinal na pagkakalimbag.]



ANG SINTANG DALISAY

NI

JULIETA AT ROMEO

_Tulà sa uicang tagalog_

NI

G.D. Roke.

Unang pagcalimbag

MAYNILA

Imp. Tagala.
1901



SA CADALAGAHAN

AT

CABAGUNTAUHANG

TUBO SA SANGCAPULUAN


  Dinala[1] n~g palad na di cayat asam
sa natitiualag na Bayanbayanan,
dacong Habagatan n~g Sangcapuluan,
at sa di calipi[2] punong pamumuhay,

  Ito'y natatayo sa paa n~g bundoc,
capoua tatlong panig sa taric ay cubcob
at ang sa harapan caragata't tunog
n~g laguing daluyong pag-uauari'y handog.

  Masigla cong isip na casalucuyang
nagcusang cumilos sa cau uculan
lungcot at iba pa hindi gunam-gunam
sa dahilang nasa na maguing panglibang.

  Ang anyong mapanglao iiral pag-guiit
n~g oras na dapat ipantuyong pauis
at n~gayong padilim ang gabi'y caparis,
ang lupang libin~gang hangahan n~g isip.

 Lansaguin ang gayong magmoog ang agap
sa tauong maualay ¡n~g panaho'y atas!
sa capilas puso't bun~gang m~ga lunas
n~g ibang pagluha ¡ito ang mabigat!

  Ang pagayong panglao catan cayang pait
sa pusong uari rin n~g asauang ibig,
at n~g m~ga dugong mahal ang umaquit
na aco'y mag-alio tumula n~g auit.

  Sa cutad na isip ito'y cunang latag
sa mata n~g ibig magdamot lumasap,
di sariling catha't may quinunang ugat,
linangcapang acma at cayang saguisag.

  Tapat ang luhog cong tangapin at handog
sa iniyo, ang aba't malumbay na pagod,
m~ga dalaga't bagong tauong sipot
sa mahal cong Bayan[3] may puring umirog,

  Aqui't hindi iniyo dusta't capintasan[4]
na ucol iputong sa gaya cong mang-mang,
gayon ma'y ibayo maguing paquinabang
cung iniyong liliman naguing 'Bun~gang Panglao.'


=Ang tumula.=



PUNO NANG SALITA

  Nang panahong lacad sa isang daigdig,
dulo ng patalim ang hantun~gang galit,
ina-aring ley at tanging matuid
ang gumauad hatol sa tauong may isip.

  Tila baga'y Dios, na lubhang daquilá
hindi,i inangcap sa mahal na lic-ha,
ang dapat maghusay may balac na dila
sa nan~gadidimlan sa hibo n~g lupa.

  Taga pamahala sa titic na utos
sa sala n~g tauo't ibang sauing quilos.
caya mamalayan sa sacop sigalot
cung naibun~ga na'y caquilaquilabot.

  Ang madlang inin~gat tan~gang cailan~gan
n~g Capangyarihan ualang caya't culang,
nabibirong lahat n~g dapat gumalang
hindi man~gadala cahit marapatan.

  N~g tauo ay gauang liban~gan ang quintab
n~g cani caniyang patalim na sacbat,
pamuting malupit sa alin mang lacad,
sa tuluga'y bantay at tangulang hagap.

  Tila di gunitang natalong patalim
casing isang lupit pilit cadamay rin,
harap n~g lingatong cung sa labas galing
n~g bayan n~gang cani-canila'y may supling.

  Ang lacas n~g camay ang tangîng pan~gahas
sa puso ay api ang carapat-dapat,
catouirang tungcol at síya rin ang agap
camuc-ha'y calizin mabantog may linsad.

  Ang pagayong asal hapung pag-iisip
nin~gas sa silacbo'y lalo pang malabis,
sa isang lupaing binucalang batis
n~g abáng sintahang dahil niyaring auit.

  Ito ang Veronang[5] masanghayang ciudad
na sa paniuala sa panahong tahac,
Bartolome della Seala ang bansag,
Principeng may puri sa tungcol malin~gap.

  May dalauang tiyang hindi magcahinlog,
ang pag-iibigan malinao na lugod,
doo'y nagsitubó sa yaman ay tampoc,
sa dugong mataas n~g calac hay sipot.

  Bunieng Capuleto, na ugaling tauag
sa uua at tiyang aquing pinahayag,
at cay Montesco, bigay namang bansag
sa isa at capoua capuriha'y ganap.

  N~gunit n~g dumating pagcat caraniuan
tamis uma-asim n~g pag iibigan,
sa dahilang ito cacamunting bagay
sama-an n~g loob ang pilit umiiral

  At palibhasa n~ga sa balat n~g mundo,
matouain di ilan sa gauang mangbuyo.
caya di napaui't bagcus sumilacbo
init n~g alita'y naguing pita'y sicdo.

  N~g nagtatanimang loob di naglining
sa canila'y sulsol na apoy n~g tabil,
n~g dilang matamis ó magagauiin
sa pag mamapuri't alinsunod han~gin.

  Di rin pinag-uari cung ang gayo'y buhat
sa sundot n~g inguit sa pusong may in~gat,
upang nito'y gauin iculim-lim sicat
n~g balang sa caniya'y lumampas liuanag.

  Gayon din hindi na tinunghan sa isip
cung laman n~g udioc ay higanting galit,
n~g pusong sa gayo'y lubháng mapagtipid
sari saring licô panghalay nagamit.

  N~g nagsipag-udioc n~g linsil na han~gad
sa boong pagnam-nam dito na naganap,
di maca-iilang Verona'y nagdanac
sa dugo n~g cabig dalauang nang-yacag.

  Tahanang nag-inam sa pagcacalapit
dalauang pamuno n~g pagcaca-alit,
sa laqui at dalas niyaong pagcacaliz
siyang naguing sanhi at nag-bigay pait.

  Cung masauatá man sa sandaling oras
n~g Principe Scala tuing man~gag lamas,
yao'y para lamang han~ging pampanin~gas
cung baga sa basang cahoy na nasalao.

  Pagayon ang lacad m~ga cabagayan,
na tigmac n~g dugo sa capanahunang
tumahac ang punong sa luha rin laan
niyaring aauiting tula namay panglao.

  Sa umagang sicat n~g arao culimlim
n~g muc-hang may lumbay anyo'y tiquis man din.
humarap sa bago na acmang hilahil
sa Veronang tila hinirang n~ga laguim.

   Ang capalalu-an na pacaing saclap
at paramit pula sa caniya'i may in~gat,
ang tan~ging may sala at pilit yumacag
sa pinagbuhatan n~g gayong bagabag;

   Ito'y m~ga capoua utusan sa bahay
bunying capuleto't Montescong maran~gal,
na nan~gagcatagpuô sa abot n~g tanao
sa canicanilang Guinoong tahanan.

   Ang utusang bahay tuinay nagmamasid
sa pan~ginoon nilang lihim na nag alit,
n~gunit uala namang casabihang titic
na di nababali cahit ganong higpit.

   At may tauo n~ganing matapat na loob
pan~ginoon sa galit nan~ga-quiqui-ayos,
cung ito'y bigcasan n~g dusta't pag-ayop
pagtatangol parang sariling sigalot.

   Ang cani-caniyang guinoo'y sa tapang
calac-ha't iba pa sabi cung lampasan,
mata'y mangdi-dilat parang dinadarang
saca itututol uicang paimbabao.

   Ang gayong taltalan na maling inisip
sa lupa'y suboc nang binubun~ga'y galit,
sa capoua utusang bahay ang umaquit:
hanapin ang hatol sa dulo n~g caliz;

   Dapouat n~g acma nang magsucatang sacbat
isang bagong taong mabunyi ang ticas,
cátaong lumapit at ang unang bigcas
¡"itiguel na anya, panganyayang han~gad"!

  Ito'y si Benboliong quilalang pan~galan,
at pamangqiung buo Montescong maran~gal,
taong matahimic at sa pusong mahal
pag-api sa capoua capan~gita't suclam.

  N~gunit pagcaquita ni Montescong cabig,
bagcos naululan ang palalong isip,
pagcat inasanang tulong na malabis,
caya hinandulong ang catalong caliz.

  Cahit si Benvolio, ay culang namaos
di rin alintana ang magandang himoc,
dan~gan caniyang sacbat sa galit binunot
casaha'y ang bala, di sana nasunod.

  Calacarang masid sa lupang ibabao,
busal n~g taltalan ó caya ba-bagan,
ang palalo't duag tapang binabagay
timbang n~g pag-auat n~g nama-maguitan;

  Pag-auat cung baga tunay at mahigpit
sa duag ay lalong paquita'y balasic;
dapouat cung acalang himba-bao di pilit
marahil urun~gan n~g sariling aquit.

  N~gunit may palalo duag caraniuan,
sa sulsol n~g bulag ay nagagayanan,
bagcus pa cung madlá ang nagsi-sitanghal,
malapit sa hucay n~g capahamacan.

  Ano't palibhasa ang tacbo n~g nin~gas
niyaong cagalitan ucol sa pagcalat,
caya ¡ó sacuna! ang isang pan~gahas
na-abot-abutan ang tiguilan sacbat;

  Ito may binata't sa calac-ha'y supling;
n~gunit cagaui-ang liban~gang hilahil,
ualang ibang bati't bunot ang patalim
cay Benvolio, cun di ang ganitong turing:

  Aniya, n~gayo'y batid ang mahal mong canan
cumaliz sa duc-ha'y nau-ucol lamang,
pagcat casing uri mayroon pa naman
sucat macalapat at icadadan~gal.

  Libo mang tagumpay igauad n~g palad
¿anong mapa-pala,t calaban mo'y hamac?
¿anong cabantugang tamuhi't matan yag?
sa lupa'y cung hindi ang pula at libac?

  ¡Maguing sumpa naua matingcalang lan~git
sa casing-gaya mong matouaing cumaliz,
sa hindi capantay an~gat na idatig
at ina-acalang madaling malupig.

  Caya ang dugo mo n~g hindi masayang
at huag capitang pan~git na palayao,
humanda't magbunot at quitang maglaban
púla n~g sa ati'y lumampas na tunay.

  Sa gayong narin~gig Benvolio'y sumagot
anyo'y pacumbaba't ang bigcas malambot,
aniya, "o Tibaldo"[6] ang pagcabugasóc
caraniua'y sising mapait ang handog.

  Ang sapantaha mo cung hindi nalihis
carampatang lahat ang bun~ga mong galit;
n~gunit aco'y hindi ni o may cacaliz
at sa gayo'y agap babág itahimic.

  "Aco'y nagtataca tugon n~g causap
sa canan mo'y bunot patalim na in~gat,
ito'y di ga-gauin cung ualà sa han~gad
tun~go n~g bintang cong unang pinahayag."

  Benvolio'y pumac-ling, "caliz cayà bunót
sa pagcat may taong api ang pagluhog;
n~guni't pag sa bagsic agad na hinuhod
sa mabuti't hindi nasang ilamurot.

  N~g sapantaha mo ito ang dahilan
cayà ang patalim iuli sa calaban,
at aco'y tulun~gan payapa'i ibigay
sa nan~gadidimlan sa udioc n~g auay."

  Tibaldo'y tunay man ang gayong narin~gig
sa caniya ay pulos laro-larong litis.
ugali sa pagcat magli-lilong isip
dam-dam casingtago ang lahat na dibdib.

  Cung pano ang tin~gin niong casamaan
sa balang calic-hang acala'y ca-asal,
Tibaldo'y gayon di't bagcus napootan
sa pagcat aniya sa turing hinan~gal.

  "Cayong tanang lahi, at saca sinunod,
n~g m~ga Montesco ualang gauing quilos,
cun di ang sa uicang may daya't maayos
maghusay n~g isip n~g capoua ibalot.

  Cung pano ang tamis paquingan sa bibig;
salitang mairog siya naman ang pait,
n~g hantun~gan tun~go maninilong isip
causap n~g upang malinlang sa nais;

  N~guni't caming dating dala sa pahamac
n~g m~ga pa ayang may pamuc-hang sarap,
m~ga tain~ga'y bin~gi't calooba'y gayac
pagcat gayo'y siyang sacbating marapat.

  At n~g upang huag lumago't umiral
ang sin~gao na damong panalot sa buhay,
niong mahalagat asam na halaman
agaring lipuling ualang pacundan~gan."

  At saca inulos na di na binalat
ang ualang munti mang gayac na causap,
dan~gan n~ga ang tunog pagcabatay sacbat
buhay sanay lagot sa acalang sucab.

  Sa galit inusig n~g hindi sayaran
tagang sunod-sunod, n~guni at nasayang,
pagcat si Benvolio ang mata't saclao
ualang bigong agap pag-iuas na bagay.

  At n~g mauala na sa dugo ang lamig
ni Benvolio't siyang naghari ang init,
ang panagang sacbat ipinamilantic
daglus ang canilang cabig nagsidatig.

  Naguing cay Benvolio, ang m~ga utusang
bahay n~g amaing Montescong maran~gal,
saca cay Tibaldo, naqui ayon naman
ang cay Capuletong sacop na cadamay.

  Sa munting linaon nacapanguilalas
paglaqui't pagla-lâ niyaong paglalamas,
pagcat di pa bilang ibang nan~ga-ganyac
guinoo at duc hang nan~gacatalastas;

  N~gunit ualang uasto sa linusob-lusob
marami sa ibang huling nagsilahoc,
sa dalauang pangcat ualang naca-ayos
pinagmulang babag cun di ang ma-abot.

  Gayari ang hia-uang pinagsagutanan;
¡mauala-mauala paghilahil bayan!
¡itabi ang aua't pagpa pacundan~gan!
¡ang sama'y di dapat mag-ugat lumabay!

  ¡Salot cay Montesco't Capuleto't ihampas!
¡Cagalitang labis dugo rin itigmac!
¡huag pamarisan sa gauang pahamac!
¡sila'y pagsulun~gan sa bayan n~g nin~gas!

  Ito't ibang sigao hindi magcamayao
sa busal n~g gula't sa tein~gay nag sumpal,
calangsing n~g caliz huad sa pingquian
calantog ay basag n~g bambong umpugan.

  Naquiquitono rin ang cahapis-hapis
daing na may láit nagsisucong saquit,
at gayon din naman lagapac casanib
n~g nan~gabu-bual na di na matindig;

  Bagcus nacadagdag sa gulo't sigauan
alin~gao n~gao siyang nagharing lansan~gan
ang nagsisitanao nagsilabas naman
Capuleto't saca Montescong casubiag.

  Baquit nagbigcasan n~g uicang paglait
magsucatan uban sa anyo'y mapilit,
ito'y naguing han~gin sa nin~gas n~g galit
n~g cani caniyang nang-lalabang cabig;

  Ang pamamayani sa matang may lin~gap
n~g cani-caniyang pan~gulong mataas,
sa caual pansulong n~g tapang at sipag
at ang pagdidiuang dito nagbubuhat.

  Púla't alipusta cung nalalapatan
caualang bahala pan~gulong labanan;
n~guni't cung alalay mata't caisipan
cadalasang ani ang ligaya't dan~gal.

  Ano't n~g ang tulin boo't ualang pucnat
n~g alab sa tacbo niyaong paglalamas,
ang baya'y anaqui tung-tung na sa oras
sa madlang cabilang ang icaagnas.

  Ang mata'y saan man sa liguid ilin~gos
ualang ipanglaong sa puso'i nagtaos,
dito ay padag-li ang ibig lumahoc,
ibang napipilay han~gos na pasabog.

  Nagcalat ang ibang sari-saring gulang
pan~gamba'y nalinibag sa muc ha't quilusan,
ualang mapalagay sa bahay't lansan~gan,
pumanhic manaog may lahi sa laban.

  Ang lúha sa matang sacál na umagos,
cumatay sa muchá n~g paghihimutoc
at sa ibang daco camay nan~gagdaop
dalan~gin tunghayan n~g lin~gap n~g Dios.

  Doon mamamasdan ang aniong mapipil
anaqui larauan n~g pan~gamba't laguim,
lalo na cung gayo'y gunita't di pansing
ang púlang cacapit di magtamang gauin.

  Nang nacasusupil naman ang halac-hac
casalio n~g saya cung basahin balac,
n~g toua n~g saquim ay ualang itamad
han~ga't natiticman ang bun~ga n~g han~gad.

  Ang babaying hindi mauacsi't magculang
sa madla at lubhâng mala-laquing bagay,
doon naguing papel ang pamamaguitan
na humihicayat manghinayang buhay.

 Dadala-dalaua sa gayo'y may aquit
dili iba't cun di n~g asauang ibig
n~g Pan~gulong capoua niyaong nagca-caliz
na nagpa-patibay sa loob n~g cabig.

  Saca ang la-laquing caraniuang yucod,
cahit mabigat man, sa asauang himoc,
dóo'y nan~gagtayo ang noo at un~gos
ang boong lagab-lab n~g palalong poot.

  Hindi masasaclao ang naguing hangahan
niyaong pagla-labang ualang pacundan~gan,
doon ang pagdaló cun di naagapan
n~g Principeng Punong cataastaasan.

  Gayon man at cahit halos nagdidilim
caacbay na caual di agad tiniguil
yaong pagla-lamas cun di pinagturing
lapat na parusa sa paua n~gang suail.

  Pasigao at boo voces sa patiayag
pataas ang camay't liig nauunat,
ang mata'y sa galit nan~gagsipandilat,
niong pagsansalá sa gulo n~g ciudad.

  Nang mabatid nan~ga ang mulang lingatong
tinun~gó ang ulo't labanay pinutol,
noon ang Principe saca idinugtong
ang uicang: "patalin sa lupa itapon".

  Saca ¡"tumahimic!, canilang sinunod
lumamig ang init sa puso himutoc,
upang sa payapa ang baga'y manulos
sa caligaligan iniyo nang binusog:

  At n~gayo'y na naman ay pinag isahan
n~g maling pacaná mahal niniyong uban
Guinong Capuleto't Montesco'y sa asal
cun di man~gagba~go sa si-si hahangan.

  Ang alita'y bagcus sa puso'y alaga,
nadidim-lang isip pampatabang cusa,
caculan~gang tipid han~ging panlathala
masangsang na amoy tauag sa panagá.

  Pati matahimic na nan~gama-mayan
loob n~g Verona nan~gapi-pilitan,
ilipat sa caliz ang cani canilang
gauang pamu-muhay mahalagang bagay.

  Ang nasa caluban dapat nang inamag
nabunot n~g sumpang dugo ay magcalat
n~guni't siya niniyong camaliang han~gad
sa camuc-hang lahi n~g canan isalag.

  Di man~garimarim sa di carampatan
ibubo't iohó dugong caculan~gan
sa dun~gis liping sa puso'y panghimay
sa may sintang tapat lupang tinubuan.

  Tipirin ang tapang at lubos igugol
sa aping catuirang tungcol ipagtangol,
huag babasaguin sa dustang paglipol
n~g boong magamit sa panahong ucol."

  Sa gayong panudlang sa puso'y naglagos
lahat linamlaman sa nin~gas n~g poot,
marami ang ibang patagong sinuot
caliz sa calubang tiquis ipansalot.

  At may ilan pa ring lihim na umigtad
dahilan sa hiyang maquitamang suliap
sa buniyng Principe't abay na alagad,
pagcat gayong bagay lahucan di sucat.

  Naguing dulo'y tan~gang binagayan lupit
Principe'y sa hanay talumpating galit,
pagcat ininis na sa hula ang bait
n~g han~gad na lico sa inulit-ulit.

  Mula n~gayo'y aniya, ibsan n~g sigalot
ang bayang Verona n~g payapang ayos,
lipulin sa puso ang punla n~g poot
caugat-ugata'i ibaon sa limot.

  Huag caligtaa't sa noo ilimbag
ang panatang tintang hindi macacat-cat
sa caliz n~g galit, n~g di mailapat
camatayang dusta at casindac sindac.

  N~gayo'y magsihimpil n~g lubhang tahimic
iniyo't iniyong bahay sa tacot humilig
sa acmang parusa n~g catouirang titic
at man~gagcaisa n~g laman at isip."

  Sa marin~gig ito sabay nagsisabog
cabig na dumalo't iba pang lumahoc,
ang m~ga utusan? nagpunong sigalot,
Benvolio't Tibaldo saca nagsisunod;

  N~gunit si Montesco't Capuletong ugat
na nagpa-pasulong buhay n~g bagabag,
dala n~g principe upang sa banayad
mapuring pan~garal ay maipatalastas,

  Ucol n~g lisanin ito at catangcay
bacas n~g hilahil ang litao na lamang
saca ang ugaling maraming matapang
capag natapos na alin mang labanan.

  N~g madla'y alam na alin~gao-ngao duag
litis ualang dugong muc-ha ang sa agap,
cung amba n~g yong oras n~g maglamas
at paghimpil naman caran~galang palac.

  N~gayo'y siya namang tunghayan n~g tin~gin
buhay ni Romeong búcong a-auitin,
n~g m~ga Montesco pan~galauang supling
punua't sa pagcat ang tungcol dumating.

  Ang masidhing lumbay laon nang namugad
puso ni Romeong binatang maticas,
payuco't nag-isip maupó't lumacad,
tan~ga't ualang uili maquilahoc usap.

 Ito'y halata man n~g sintang magulang
dapua't di mataroc lihim na dahilan,
pagcat ualang ibang hinin~gahang simpan
cun di si Benvoliong catoto at pinsan.

  Catu-turan nito sanhi n~g pag-ibig
sa cay Rosalinang bulac-lac n~g diquit,
cabin~gihang bayad cay Romeong hibic
ang nagpa-pamangha sa balisang isip.

  Cailan ma't idaing dalita't himutoc
n~g pusong may tiis n~g sa sintang tunod,
Rosalina'y ualang ibang sinasagot
cun di catimpian at mahapding quilos.

  Pagcat cung ang sinta'y sa buhay pan~gitil
n~g nino man caniya'y lubhang masunurin,
ay nagui-guing dagoc naman at pang-haling
sa isip n~g culang palad na mag-anquin.

  Palibhasa'y lahat cay Benvoliong batid
at sa pinsang mahal hinayang malabis,
caya sa touina'i apuhap sa isip
bagay na panlibang sa siphayong sáquit.

  Nagcataon n~gani sa arao n~g antac
sugat ni Romeo sa sintang matalas,
sa cay Capuletong palacio'y may gayac
piguing na ugaling culang sa magdamag.

  Bucal n~ga sa puso ang handa't catouaan
lalo pang dinalas at pinag-iinam,
muláng ang Principe sila hinatulang
pagcaliz limutin n~g laong ca-auay.

  Sayauang malaqui ang puyatang tatag
at may balatcayong sari-saring bicas,
ang nan~gag si lahoc ang muchay may latag
maitim na cayo't cung sino'y di tatap.

  At n~g upang n~ganing mailibang sáquit
Benvolio'y ang pinsang na pinaca-iibig,
aniya, "o Romeo pinsan cong matamis
cata'y maquibilang sa sayauang batid."

  Romeo'y n~gumiting binahirang poot
sa pinsang may ya-ya casunod ang sagot:
"Capuletong bahay sa sarili'y masoc
at sa panaohin aco'y maqui-umpoc?"

  Benvolio'y, pumac-ling, "hindi sucat tac-han
ya-ya co'y cahima't may acalang hadlang,
pagcat hindi lin~gid: ang totong cailan~gan
ay ualang talagang ley ó catouiran."

  Cay Romeong tugon, "sa camay n~g isip
ang "uicang cailan~gan" sa boo mong sulit,
hindi maapuhap, caya sa iyo'y nais
n~gayo'y liuanagan n~g upang mabatid."

  Si Benvolio'y, aniya, "cung hindi maturan,
sa tin~gin n~g uari sa puso mo'y tunghan,
sa busal ay titic sa diquit n~g lumbay
sanhi n~g ya-ya cong lubháng cailan~gan."

  Sa gayo'y Romeo'y sa muc-ha'y sumilip
toua n~g ninintang siphayo sa hibic,
"cung gayon, aniya, ang tucoy mong sulit
ualang iba cun di Rosalinang ibig."

  Sagot ni Benvolio, "ualang ibang langcap
sa mapiping daing cung di ang calatas,
saca napagtanto sa balitang tapat
sa anya-ya'y ualang salang di ga-ganap."

  Sa marin~gig ito Romeo'y nagtipid
n~g sinagot-sagot yumuco't nag-isip,
saca tumin~gala't marahang nagsulit
parang ang sarili sa anyo'y caniig.

  Aniya ¡"cung mangyaring mabilang sa piguing
maquita man lamang sa dusa ang dahil,
maguing pampaui ring sandaling lasapin
sumintang gaya cong sa taghoy ay tacuil!"

  Cahimat sa gayo-y di anyong causap
Benvolio'y naguica sa pinsan niang uagas,
aniya, ¿"baquit caya cung gayo,y sa han~gad
ayao pahinuhod sa aquing hicayat?

  "¿Di baga, sinunod, ang sucat malirip
tauo'y capag hirap ang nasang magahis,
sa balang toui na apuhap sa isip
ang acmang paraang sucat ipagcamit?"

  Si Romeo'y aniya, "tunay, n~gunit pagcat
ca-auay tang lahi, sa piguing may tatag,
n~g budhi di toua, di hintay lumangcap
linam-nam n~g saya magbi-bigay sac-lap."

  Benvolio'y pumacling, "nataon pa naman
n~gayo'y sa payapa magcatalong angcan,
¿baquit sa-sayan~gin at di pag pilitang
nam-namin ang handog n~g capanahunan?"

  Pagcat si Romeo ay hindi tumugon
at nagnilay-nilay n~g lubháng hinahon,
Benvolio ang uicang, dag-ling idinugtong:
Romeo itacuil ang inurong-sulong.

  Ang maquila-la ca sa iyo'y cung pan~ganib
may tatag na sayao, ipinahiuatig,
m~ga balatcayo'y man~gacaga-gamit
sino mang la-lahoc at sa gayo'y ibig.

  Cung ito'y susundin sinong macamalay
sa pangmu-muc-ha mo't quilos n~g catauan.
n~guni at ang pusong "buminit n~g subiang
n~g pusong inabot maca-capanáyam."

  Sa gayong narin~gig Romeo'y ang tugon
hindi na pagtutol cun di ang pag-ayon,
saca nagcaisa na hangang panahon
hanapin ang ibang catoto't calayon.

  Samantalang ito'y usapan sinunod
paa n~g isip ta, nagca-isang ayos,
Palacio n~g inam Capuletong bantog
casan~ga n~g auit doo'y n~g masayod:

  Sa boong mag-hapon n~g pangabing piguing
ang nan~gag-aayos nagca isang tin~gin,
sa gayac na pilit pamuting nagning-ning
at sa mahalaga n~g daming pagcain

  Cung isa ang timbang nan~ga-unang tatag
sa gugol at siglang sa tin~gi'i pangalác,
ang sa n~gayo'y banguit tiquis pinag apat,
palibhasa'y tungcol sa sampagang in~gat.

  Bumabasang ibig, dapat mong matalos
guinoong Capuleto may anac na irog,
Julieta ang n~galan casinglinao bubog
labing apat lamang dalang taong bilog.

  Ito'y bugtong lamang caya ang paglin~gap
masintang magulang ualang munting cupas,
di pa bumahagui tanang dagling lipas
piguing na alin ma't sa tahimic lágac;

  N~gunit sa piguing n~g gabing tadhana
panaho'y ucol nang lumahoc na cusa,
sa ugaling umpoc carampata't biayaya
n~g balat n~g lupa't sa tauo'y adhica;

  Baquit ang isa pa, ito ang mabigat,
sa mahal na camay may isang may han~gad,
sa bunyeng Principe guilio cong camaganac
sa hinhi't carictan ang puso'y nabihag.

  Dacong umaga pa niyaong ca-arauan
n~g pangabing piguing ito'y nagtuluyan
sa cay Capuleto't tapat na sinacdal
ang hilig n~g pusong hindi maiuasan.

  Aniya'i "ang iisang mahal ninyong supling
sa aba'i nagbigay n~g dusang masaquim,
pusong nagtitiis mapilit na daing
Mahalagang camay sa inyo'y hilin~gin.

  Tugon n~g causap "boong camuraan
n~galang mag-asaua di dapat sumun~gao,
talastas n~g lahat mabigat na pasan
di cayang isapit sa hustong hangahan.

  Uicang mag-asauang matamis sabihin
sa pagcat ligaya asam na pitasin;
n~gunit boong tungcol cung tapat isipin
pag-ganap ay ualang hindi ha-hapuin.

  Ang pagsu-sunuran busal n~g pag-ibig
bun~ga cung matuyú caraniua'y pait,
ang gayo'y lalo pa sa maicling isip
capos sa magbata't di cayang magtiis."

  Ayos aco't bata, tugon n~g causap,
n~gunit di pabilang casin taong lacad,
candong na ang toua pagca inang tapat.
caya't alam bathin ang tungcol na dapat.

  Catalasang isip catu-tubong sipot
sa gulang n~g tauo'y hindi alinsunod,
di gaya n~g ibang bagay-bagay suboc
sa pinagdaana't casanaya'y hugot."

  Capuleto'y, aniya, "tunay, n~gunit sinsay
mag-asauang mura ang cadalagahan,
tulad sa bulaclac pinuting di arao
madaling malanta'y sa samio ay culang.

 Patauad, at aco di bucong itulot
ang aniong pagcupas n~g anac na irog,
na toua't ligaya sa bahay co'y tampoc;
tan~ging tutungculan sa puri co't impoc;

  Sa n~gayo'y hatol co sa magandang han~gad
sa pusong may dagoc dapat ipabat-yag,
pagcat ito'y unang sucat macatatap
samantalang oo sa iyo'y di gauad.

  Tan~go o pagtangui ay paca-asahan,
sa boo niyang sagot aquing iba-bagay,
cung matamisin ca batang calooban
acong ama'y hindi dapat na humad-lang."

  Caharap ang sagot, aniya'y ualang sucat
sa cutad na isip uicang maapuhap,
itugon sa iniyong magandang pahayag
liban na sa pusong sa utang may lin~gap.

  Ang mapuring hatol caya di masunod
cun di macaharap sa puso'y may dagoc,
cung sa gauang aba, n~g sa cania'y tiboc
maguing dusa't toua pan~garap masayod."

  Ani Capuleto "sa gabi ring harap
bucsan, cung acala, ang tabing n~g hirap.
sa pusong may bigay pagcat piguing tatag
sa bahay co'y tulot, sa iyo'y ang paglangcap;

  N~guni at n~g upang huag mayucayoc
batang pag-iisip n~g cabutong irog,
bago tumalima sa mapuring unos
sa ipa-uunaua, tan~gu mo'i isagot.

  Ang sa cay Julieta taong tinatahac
cahustuhan lamang sa sampuo at apat
hangang labing anim, cung cayo'i singpalad,
pitasin ang bun~gang tica n~g pagliyag."

  Binata umayos saca nag-paalam,
pagcat sa sarili ibig maisanay
paglibang matuid n~g pagsinta'y bucal
bago maquiharap sa nagbigay subiang.

  At n~gayo'y bago ca isapit sa uacas
n~g pangabing piguing, bumabasang liyag,
pacaquilan-lan mo n~galan pagcat dapat
bunying Capuleto ang naguing causap.

  Ito't dili iba't ang Conde de Paris,
Principe Scala capinsang malapit,
sa ibang talata aquin nang binanguit
at hangang sa huli sundan mo n~g isip.

  Ang lahat na ito cung iyo nang talastas
at di naligtaan Palaciong inaquiat,
tin~gin iyang isip iupó at ilatag
n~g upang matanto cabagayang sucat.

  Masdan ta sa guitna ilang nan~gag-ning-ning
na nacasisilao ang capal sa tin~gin
sa ugaling oras minulan ang dating
nanya-ya't hindi sa pangabing piguing.

  Capuleto't saca ang asauang ibig
ganap ang pagtangap sa nagsisipanhic
cung na sa bahay na paglin~gap malabis
pagbi-bigay puri ualang casin tamis.

  Sa may balatcayong sari saring inam
binatang Romeo'y sa dami cabilang,
Benvolio'y gayon di't ibang caibigan
sa unahang daco calaguip n~g say-say;

  N~gunit cay Romeo'y pagsad-ya ang dahil
hindi ibang touá na biaya n~g piguing
cun di ang caricta't maramot na tin~gin
sintang Rosalina't sa titig lasapin.

  Ya-yamang sa caniya hanay n~g pagliyag
capacanan pacla't sa uala ang sadlác,
ang mata man lamang dili-diling bihag
ang numam-nam alio ligaya na't galác.

  Caya halos lamang siya'y napa-pasoc
Palacio n~g sayá sa samio'y bumucod,
han~gal ang catulad sa linibotlibot
paghanap sa sinta tan~ging na sa imbot.

  At n~g matagpuan nag-ulol ang sáquit
sa ibang binata mut-ya'y naliliguid,
n~g man~ga usapan sa puso niya'y tinic
¡ó pani-nibughong! di iba't pag-ibig;

  Dapuat si Romeo'y sa gayo-y lumahoc
hindi minarapat n~g matimping loob
at ang minagaling sumandal sa suloc
na naca-catapat Rosalinang irog.

  Mulá doo'y caniyang linalasap isip
catamisang handog sa isang ni-nibig
n~g larauang sinta habang na sa titig
dinadaloc uari bagcus nasa-sabic.

  Ang mahin-hing n~giti't quilos na ma-ayos
harap n~g may dusa, n~g pusong may dagoc,
nagui-guing ligayang caagao himutoc
lalo cung ang sinta sa habag maramot.

¡O ba-baying dahil dusang pag-iisip
n~g nagsi-siluhod sa altar mong dib-dib!
sa boong quinapal cun di ca calaquip
paos ang ligaya't calooba'y quimis.

  Icao mang yumurac sa boong ligaya
di dapat matapos n~g amang nauna,
icao rin ang hanap quinaba-balisa
minimithing lunas n~g guinauang sala.

  Ang naca cahambing n~g sangsinucuban
sa la-laquing licha cun di ca cabilang,
parang na malapad tanim cabatuhan,
simoy pa n~g han~gin pansaua sa buhay.

  Sa la-laqui naman ang naca-catulad
tumutubong cahoy, cun di ca calangcap,
at nagsa-sarili sa buhan~gin lauac,
ualang dahon't bun~ga't culay lumbay cupas;

  N~gunit cung laquip ca't sa la-laquing piling,
ang paliguid tila cagalaca't ning-ning,
ang lahat sa dam-dam cabusuga't lambing,
pang-alio sa buhay cupcop n~g hilahil.

  Cung sa macatouid la-laqui sa dusa
at sintahin naman lasap ang ligaya,
icao ang pantamis sa lasahing pac-la
at angel cang buting may in~gat sa caniya.

  Na sa iyo'i hinahon sucat cung loobin,
puri n~g la-laquing palad mong capiling,
sa gayo'y icao ring alalay na han~gin
pantabuy sa balang tataquip na dilim

  Pangsulung ca't tulong n~g tungcol niang han~gad,
maguing sa caliz man ò iba pang sucat,
na ipaguing dapa't n~g sa lupang liyag
sa mata n~g tauong litao't iaanac.

  Guilio cung matouain bumabasan ibig,
uica mo'y marahil saan ca sinapit
cayá sa ba-baying larauan nabanguit
dahil cay Romeong haling sa pag-isip.

  At n~gayo'y bago ca itunghay sa dugton~g
n~g dulong iniuan niyaring tulang sunong,
ni Romeo'y bicas at ugaling candong
munting panulat sandaling isilong.

  Romeo ay isang bagong tauong basal
mataas ang tindig sa cataua'y timbang
balicat mababa't ulo't liig bagay
maayos lumacad ualang cagaslauan;

  Mahauas ang muc-ha malambot, malinis
puti ay malinao ang balat maquinis,
pilicmata'y sin-sin mahaba't malantic,
sa matang maitim umaambag diquit;

  Ang quilay malagó't balantoc ang hubog
itim na malabis ay calugod-lugod,
ilong cayas bubó ugali ang tan~gos,
ang buca n~g bibig cainama't ayos.

  Cung pano ang tayong nagcabagay-bagay
at guinanda gandang tila man din pinsán,
ugali gayong di't asal na maran~gal
sa mapuring puso bucál at di hiram.

  Ano pa't ang gandang nagcalangcap-lancap
n~g bunying Romeo sa loob at labas,
gandang tumatagos sa puso'i ang limbag
sa gayong carictan baba'i ay un~gas.

  Cung baga'y ha-hanap labis pang carictan
sa la-laquing muc-ha para n~g hinin~gan
alindog ang sihin at bucang liuay-uay
n~g tanang bulac-lac Mayo nating buan.

  Binatang Romeo'y caya n~g alisin,
sa iba'y gumaya ang taquip na itim
sa muc-ha't pagsicab ang lahat na tin~gin,
nagsipanguilalas sa dalauang dahil:

  Ang una'y sa ganda na calugod-lugod
macamasid bangcay cung hindi iirog
at ang icalaua pagcat capamooc
ni Montescong ama sa piguing may handog.

  Marami man cahit, n~g sinta'y tinablan,
sa himoc n~g tin~gin, n~gunit daplis lamang,
at n~g sa matinding dagoc ang hinirang
puso ni Julietang camura-muraan.

  Ito iuan muna bumabasang liyag
itulot sandaling ibaling ang suliap
sa dacong unahan upang matalastas
ang ibang nangyaring lisan di dapat.

  Camunting oras pang bago n~ga minuláan
sa piguing nagsad-ya ang pagda datin~gan
at n~g si Julieta'y bihis nang mainam
tinauag n~g ina't ganito ang say-say:

  Aniya, "ó Julietang cabuuó cong irog,
¿di pa caya sun~gao sa búco mong loob
ang pagaasauang hindi nali-limot
sa lupang iba-bao n~g puso'y lamuyot"?

  Julieta'y ang tugon--"inang matangquilic
bagay na tinuran di pa sumaisip,
yaring batang puso ualang sintang ligpit,
liban sa magulang at Dios na ni-nibig."

  "Gulang mo'y arao na, ang sa inang sagot,
na icao'y pitasin n~g dapat magsinop,
dito'y di iilang m~ga iua't bubót
lalo pa sa iyo't sa yaman din sipot.

  Saca idinugtong aco'y sa iyong edad
linalasap co na tamis n~g may anac;
n~gunit icao'y hanga n~gayo'y iniin~gat
sa pagcadalagang dupoc ang calasag."

  Ang pacli n~g anac, "ina, sa iyong camay
gaya n~g bulac-lac sa tancay halaman,
mahalagang samio tiniquis hinirang
sa magandang palad ay inacay-acay.

  Ang tugon n~g ina, sa iyo may gayon din
hindi maua-ualan na pusong da-daing,
can~gina pa lamang ang camay mong anquin
n~g Conde de Paris sa iyong ama'i hiling,

  Ito ay binatang maganda ang ticas
sa yaman lumaqui't dugo ring mataas,"
"hindi pa quila-la," ang pac-li n~g anac;
"sa piguing ta taon," sagot n~g causap.

  Julieta'y tumanong, "Conde cung dumating,
?anong itu-tugon cung aco'y causapin? '
ina'y napan~giti't hinagcang madiin
ang anac na guilio sa mus-mus na turing.

  Aniya, "ang ba bayi sa pagayong bagay
sa isinusulit puso ang may bucál,
labi binibigcas hindi matu-tuhan
natin cung alin n~ga to d na umacay."

  Julieta yumucó,t sandaling nagbalac
bago itinanong gayaring pahayág,
aniya-"ó ina, co ¿anong gauing sucat
sacaling ang Conde sa mata co'y dapat?"

  Ang sa inang tugon, "ó cabutong irog
sa aquin di ucol tanong mo y sumagot,
nito'y ualang ibang labis magpatalos
cundi puso mo rin sa sinta'y pagtiboc."

  Sa mauica ito Julieta'y linisan,
pagcat sinalubong ang nan~gagdatin~gan,
m~ga iba't iba na caguinoohan,
sa pangabing piguing na~gag-bigay dan~gal.

  Ang sa inang say say cay Julietang isip
n~g mapag-isa na balisa'y cumapit,
sa gayo-y pag-uari n~g hindi mapacnit
salas n~g umpucan nasoc naquipanig.

  Arao man din siyang sa dilim sumicat
ang tanang inabot nalihi n~g dilag,
sa m~ga lalaqui umiral ang galac,
n~gunit sa babayi pan~gimbulong palad.

  Ang naca-cahambing n~g tipong carictan
maligayang ilao n~g bucang liuay uay
at ang casiglinis ang hamog sa busal
n~g bucong sampagang caban~gu ban~guhan.

  Julieta n~ga'i isang mariquit na perlas
sa sariling consang buhay nala-lagac,
siya'y mahalagang bato at sa quislap
corona ang culang, caya di matanyag;

  Ito n~ga ang mundong simpanang umibig
sa balang mamasdang himala n~g diquit,
Julieta'y sa pagcat binubugang batis
sa tuctoc n~g bundoc at sa tauo'y lin~gid."

  Sa pisn~ging mapula noo'y calinisan
at nag-alon along buhoc na macapal,
na uari ay ulang guinto cung nag-lugay
bangcay na malamig n~g sinta di tablan;

  Sa hati n~g, ba-ba at guilit n~g liig
tayong ayos-ayos bayauang ay pitis,
lugmoc man sa tin~gin sa sabug n~g saquit
aano't luluhog sa ligayang labis;

 Sa tin~gin n~g mata at n~giting mahin-hin
yu-yuco,t sasabog ang pagpitang linsil,
at pilit na hali ang mapuring daing
n~g pusong titiboc sa sintang masaquim.

  Anopat ang taglay n~g halagang dilag,
dilag sa calo-louang boong nan~gu-n~gusap,
salamin din namang malinao at tapat
n~g mahal na dib-dib sa ugaling in~gat.

  Baquit ang isa pa'y sa ganda casanib
yaman at calac-bang mamanahin pilit,
sa caniang magulang, ito'y ang matamis
cabugtun~gan anac bun~gang ini-ibig;

  Palibhasa'y bata at di pa datihan
sa paqui-quilahoc alin mang umpucan,
calooban duag, isip napuputlan,
ang ibig ibigcas hindi mauastuan;

  Dang~an n~g sa inang sa culang maagap
n~g mahal na supling at icapipintas,
loob na nalucop di sanay umunlac
tinuluyan sana n~g hiya'i hinamac;

  At n~g magtibay na caloobang tucop
tin~gin ilinatag sa binilog-bilog,
aniya sa sarili "¿alin sa caumpoc
sa mura cong camay--sinabing may imbot?"

  Nagcataon n~ganing ang tin~gin nabungo.
para n~g patalim sa balauing anio,
sa na sa isang suloc binatang patayo,
na ma ayos tindig at may balatcayo

  "¡Cung ito n~ga sana ...!" sa sariling tanong
n~gunit di tinuloy ang dapat na dugtong,
pagcat capoua mata nila'y nagsalubong
Julieta'y nan~ginig sa pagsintang ucol.

  Ang uicang pagsintang catamisan supling.
n~g pusong babayi, sa calolooa'y himbing,
ni Julieta'y, n~gunit, sa gayo'y naguising
at sa big-lang pucao ay sumuling-suling;

  Ito n~ga ang unang sinta cung cumapit
sa puso n~g tauo'y matibay mahigpit,
at ito ang sintang pang-han~gal sa isip
lalo cung ang dugo,y cabataang labis,

  Ito ang pagsintang cung baga itulad
sa culay ay siyang tunay na busilac
cung sa cabanala'y taimtim at uagas
at cung sa matamis pan~guna sa lasap.

  Binata gayon din cung nabighaniyan
sa ligayang tipon n~g toua't carictan,
n~g bunying Julieta't sa puso'y naquintal
ang uicang: Maglingcod, na di mapiguilan.

  Romeo't di iba binatang binanguit
iniuan tang Letra bumabasang ibig,
sa suloc n~g salas n~g doo'y sa titig
lasapin ang sa cay Rosalinan~g diquit;

  N~gunit mulang caniyang napalad namasdan
ganda ni Julietang mahin-hi't timuman,
ang ninanais niyang Rosalinang camay
na bayad siphayó, nanaog sa gunam

  Pagcat ang siphayo sa pusong ni-nirog
ualang bigay cun di masin-sing himutoc
at ang gayo'y siyang tagapagbulusoc
n~g sinta sa hucay n~g saua ó limot.

  Uala nang naghari sa alala't isip
cun di si Julietang ligaya n~g diquit.
Julieta'y gayong din sa puso ay tipid
sinta cay Romeong ayao nang mapacnit.

  Marami man cahit ibang nan~gaghandog
maban~gong bulac-lac n~g pusong may tiboc
cay Julieta'y pauang masaclap na yamot
si Romeo lamang sa tamis nabúcod.

  Cay Romeo namang pagsayao madlang
sa ibang dalaga't sa uica ay culang
pagca't si Julieta ang laman na lamang
n~g hucay n~g pusong sa pagsinta'y hibang.

  N~g anyong ang gabi tungtong nasa lalim
minulan ang "danzang estrella" ang turing,
niyaong dacong una ugali sa piguing
pagcatapos baga'y, oras nang humimpil.

  Sa hinaba-haba litis na palitan
n~g cani-caniyang caparis sa sayao,
Julieta't Romeo nagcataon naman
sa "page-estrella" ay nagcapilin~gan,

  Naramdaman n~gani Julieta'y ang init
n~g sa cay Romeong camay ay malabis,
n~gunit ang sa isang binata'y malamig
sa cabilang siping, tinac-han cung baquit.

  Yaring acmang sulit sa tag-lay na edad
sa bunying Romeo'y malambot binigcas,
aniya, ó guinoo'y, mapalad ang oras
pagcalapit nati't camay nagcahauac.

  Romeo'y namanghang di hulo n~g isip
din~gig cung totoo cayá panaguinip.
cay Julieta'y tanong ¡"ó tála n~g diquit!
sadiang minarapat sa iyo'y malapit.

  Sagot ni Julieta, "oo at sa pagcat
camay cong caliua sa sandaling oras
papag-iinitin n~g iyong paghauac
sa busal n~g gabing lamig cumacalat."

  Tugon ni Romeo "yaring catauhan
sa laot n~g touá baquit mo linutang¿
camay mo n~g aquin pina-iniit man
sa mata mo baga aco'y nada-darang."

  Sa gayong aglahi n~g pusong may tiboc
Julietang butihin banayad sumagot,
sang n~giting matimpi pagcat sumaloob
ang sa capoua'y amang datihang sigalot.

  Sagot ni Romeo, "¿sa palad co'y baquit,
sa iyo'y tumamang linoob n~g lan~git
maligayang gandang di dapat maisip
n~g alin mang pantas sa lupa'y maauit?

  Mula n~gayo'y sa iyo sumpa co't asahan
sa mahal mong yapac dapá aco't laan
utos mo ay leying tupdin co't igalang
at aco ang lihim n~g iyong carictan."

  Sa mauica ito'y camay pinaghigpit
sa pagcacahauac tanda n~g pag-ibig
at sa capoua nila'y puso ay cumapit
cun di ang libin~gan uala nang pag-pacnit.

  N~g magcahiualay't ang danza y natapos
lahat humimpil na n~g lubhang maayos,
pagtupad n~g tungcol sa piguing may handog
ualang naibati't loob nan~gabusog.

  ¡O pagsinta'y baquit sa lupang ibabao!
cun di ca maigcas sa labing may simpan
cahit at sa mata ó quilos man lamang:
pinabasa-basa mo ang touá ó lumbay;

  Itong inasal mo't dila pinag-umid
Romeo'y n~g lisan cay Julietang titig,
sa capoua muc-ha naminsang natitic
n~g pag-hihiualay ang bun~gang mapait.

  Tan~ging paalaman ay hindi natapos
ang sigao n~g tin~gin hangang nagcaabot
at n~g maglayu na umali himutoc
sa capoua n~ga dib-dib na halos sumabog;

  Hangang si Romeo'y sa bahay dumating
at hangang humiga tila'y na sa tin~gin
ang sa cay Julietang larauang butihin
at boong binigcas uari dinig man din.

  Sa tinalotalo loob caisipan
aniya sa sarili "sa sinta ma'y hadlang
dating cagalitan n~g aming magulang,
aco'y cay Julieta't siya'y aquin naman.

  Sa pintó n~g puso boong nari-rin~gig
ang tugtog n~g sa cay Julietang pag-ibig,
ang uicang "dalisay" natanao n~g isip
busal niyaong m~ga batang panaguinip.

  Ang muc-ha n~g tauong salaming malinao
sa tago n~g puso, limbag na namasdan,
nasa cay Julieta ang pamuting mahal
n~g pusong babayi't mutiya niyang pan~galan

  Ito ang ligayang sa pilac malabis,
na dapat han~garin n~g may puring dibdib,
pagcat iba-iba laman n~g pag-ibig
na punong saguisag sa bayang hinagpis.

  Sumintang siphayo pagli-lilo'y bayad
ito ang sa tauong ualang casing saclap,
ito ang mahapdi sa di bucang sugat
at ito ang dusang sa puso'y pang-ag-nas.

  Suminta't sintahin, ibigui't umibig,
ito nama'y siyang tunay na matamis,
ito ang pandugtong n~g buhay sa sáquit,
ito ang lualhati sa bayan n~g hapis;

  Ito ang mariquit na dahit n~g buhay
sa gayo'y ang puso pan~ganib di damdan
sa balang touina auitin cahit man
at hangang dumating caniyang huling arao.

  Julieta'i icao n~ga tungcol niyaring palad
n~g lan~git sa aquing sigasiguing landas,
sa sinunod-sunod sa unang sumicat
na bitoin sa puso't sa aquin painlag.

  Icao n~ga sa aquin, ang calualhatian
n~g dusa'y casunod, auang casabihan,
icao rin ang batis sagana't malinao
di-dilig sa buhay at caluluang mahal.

  Sa niuari-uari Romeo'y lisanin,
silid ni Julieta ang isip ibaling,
higáng aabutan at su-suling-suling
sa mundo ring balac budhing di pa guising.

  Dalaua n~gang dusang yumacap sa dib-dib
una cay Romeong matinding pag-ibig,
at ang icalaua ang pagca-caalit
m~ga ama nilang sa sinta'y pan~ganib.

  Baquit nan~ga caniya ina'y pinaramdan
sa m~ga Montesco ang mahapding subiang,
n~g siya'y tanun~ging sagot nacasayao
n~g Conde de Paris at Romeong mahal.

  N~g ibig sumuco ang loob sa higpit
n~g dalauang simang sa puso ay alit,
guitna n~g pag-asa at pan~gambang labis
nagbuntong hinin~ga't gayari ang sulit:

  Aniya "¡ó sintang may touá ó lungcot!
ang bigay sa daquip n~g lihim mong gapos
baquit mo hinirang yaring batang loob
lining-lang sa daang masan~ga't masuloc?

  Sinong magca-calag man~guna sa lumbay
cun di si Romeong iyong quinatauan?
dapouat cung ang silo camandag ang tag-lay
marahil mamatay sa quinaligauan;

  Pagcat sino cayang sa aqui'i managot
sa pagcadalisay pa-ibig na handog
Romeo'y sa altar niyaring pusong bubót
ay nama-mantun~ga't hari niaring loob

  ¿Di n~ga panunumpa cung baga itulad
sa n~galang salapi tingang di matangap,
na naguiguing bayad sa tungcol n~g hirap
n~g alin mang pusong may simpang pag-liyag?

  At di si Romeo anac n~g calaban
n~g mahal cong ama mahaba nang arao?
cung cania mang tupdin ang sa sumpang laman
ama co'y marahil hindi tutulutan.

  Dito n~ga sandaling napa-puntang isip
bago naidaing ang n~gayon co batid:
lasong labis sidhi sa magcasing ibig
ang biguian n~g had-lang ang ticang malinis.

  Uica co ay lason at sa sid-hi sacdal
pagcat di pa lagoc at gunita lamang,
pinanglo-lomo na niyaring catauhan
marahil ay bangcay patac na maticman."

  Dito napatiguil at di maisabog
n~g loob na hapó sa lumbay n~g moog;
n~gunit ang pagsitang daquip n~g may cupcop
pag-guiit sa isip tagumpay ang handog.

  Isa pa'y sa piling n~g dusa't hinagpis
pasun~gao-sun~gao rin pag-asa sa nais,
cayá cay Julieta biglang sumaisip
ang gayaring uicang pumaui n~g sáquit:

  "Alipala'y, aniya, ang poot na tabing
sa mata'y laon na n~g magulang namin,
n~g upang malag-lag aquin susung-quitin
hangahang malinao n~g tapat cong daing.

  Sinta co n~ga'y siyang papatay n~g alab
sa apoy n~g digmang dipa na-aampat
capoua namin ama, sacá igagauad
ang pagca-casundong payapa n~g lahat.

  Sa pagayong balac lubos na nanalig
ang bunying Julieta't naualang pan~ganib,
gaya n~g nabag-bag pagcapit mahigpit
sa mati-timbulang mapalad sa tubig;

  Pagcat ang pag-asa n~g daquip hilahil
siyang tan~ging ilao sa gabing madilim
n~g tag-lay na dusa't mapanglao na daing,
at cahit cung minsan sa buhay pan~gitil.

  Ano pa't sa tabing n~g gabi pagsicát
n~g masayang arao ang unang banaag
sing-ibig tindig na't nagsun~gao sa malas
cahit sumandaling humimlay magdamag;

  Pagcat magcalapit bahay na tahanan
sinta'y alaga na sa mata man lamang,
ito n~ga ang alio di dapat pagtac-han
sa nagca-caisa n~g sa puso'y simpan.

  Sa pagayong anyo oras lumilipas
at ualang bahala sa iba pang sucat,
siya rin at siyang arao arao agap
palibhasa'y pita n~g pagsintang lapat.

  N~gayong si Julieta'y tumpa sa simbahan
tan~ging sinasad-ya sa labis n~g bahay
Romeo'y tuluy na't hindi nababanday
sa pagcalilim niyang pan~gaco sa hirang.

  Loob n~g simbahan cung sila'y dumating
Romeo'y la-lagay sa daco n~g tin~gin
n~g caniyang mut-ya't nito'y sa dalan~gin
naqui-quiugali suliapang mahin-hin;

  Cung ang dilim naman n~g gabi tumaquip
sa sang maliuanag, sa pag sintay capit,
Romeo'y naron na at paliguid-liguid
tapat n~g tahanan ni Julietang ibig;

  At cung mapauá na sa binaling-baling
marahang li-lipat sa bacod n~g jardin,
bintana n~g guilio siyang ta-tapatin
uupo't tin~galang parang may hihintin;

  Cahit di dun~gaui't ualang nasi-silip
malaong lalagac doo'y nagtitiis,
ualang ibang gaua cun di ang sa isip
ligaya'y auitin n~g magandang nais.

  Sa tanáng ni-nibig ito'y caraniuan
parang tan~ga't gahis, ang ano mang hadlang,
harap n~g pan~ganib loob tumatapang
hibang na pagsinta masunod n~ga lamang.

  Sa linaon nito sa gabing maning-ning
liuanag n~g buan pinilacan man din,
Romeo'y nan~gahas pumasoc sa jardin
paris din n~g dating pan~ganib di pansing,

  Bintana'y nabucsan na hindi naglaon
silid ni Julieta'y Romeo'y umurong,
sa puno n~g isang cahoy ay cumanlong
cung sinong du-dun~gao pagmamasdan doon.

  Julieta't di iba sa bintana'y nucas
ticang causapin ang asang mamalas
pagcat caniyang batid caga-gauang lahat
n~g tungcol sa caniyang puso ang bumihag.

  At cung cayá ito'y tinipid sa dib-dib
gabing nan~gagdaan pagcat caniyang nais
taruquin ang lalim sa caniya'y pag-ibig
n~g quinahiligan n~g loob at isip.

  At cung si Romeo'y han~gal ang catulad
sa tulugan sinta n~g tinapat-tapat,
Julieta'y gayon di't pasilip ang agap
sa caniyang bintanang munting binobucas.

  Tunay carampatan hindi nalilin~gid
babayi pag tacot, sa lama't at dun~gis,
n~g bubog na puri pagsuboc malabis
sa minamarapat sa caniya may nais:

  Caya si Julieta n~g huli na't tatap
sinta ni Romeo'y di licó at tapat,
sa puso umali ang mapuring habag
lalo n~g másilip sa ganitong hirap

  Sa bacod ay patong ang sico n~g canan,
ulong nacaquiling sa palad alalay,
ualang piquit matang hindi mahiualay
sa silid n~g sinta't nag-gugunam-gunam;

  Ang tin~ging malumbay sa ganda buhat
sa ilao n~g gabi ay acmang saguisag:,
catauang matamlay ang naca-catulad
ang sinisiphayó n~g malaquing han~gad.

  Julieta'y dinamdam sa gayong namasid
sa puso ang isan~g bagay di malirip,
ang binin~gi-bin~gi di o na ininis
n~g tunay na tiboc sa caniya'y humibic.

  Ang caniyang bintana doon nga nabucsan
na sinabi co na dacong unahan,
at n~g si Romeo'y cacanlong na naman
hindi nacatiis tinauag ang n~galan.

  Sa gayo ay sinong aauit na pantas
ang macati-titic sa tinamong galác
n~g bunying Romeo sa marin~gig buhat
ang caniyang pan~galan sa bibig n~g liyag.

  Romeo'y nag uaring sa lúpa'y di tungtong.
sa tuang sandaling naualang hinahon,
patacbong tumapat poon ang binulong
saca tumin~galang parang antay hatol.

  Julieta'y tumanong: "Romeo ay baquit
dito iisa ca sa gabing tahimic"?
tugon ni Romeo'y, "pagcat inihatid,
na di macatanguing sinta't pag-ibig."

  Pac-li ni Julieta, "sa iyo'i inaral
pan~ganib cang lubos sa aquing magulang,"
sagot ni Romeo'y "hindi gunam-gunam
muláng dito'y nasoc ang iyong tinuran;

  Pagcat ang gaya cong may laquing pag-ibig
landas n~g hilahil ligao na sa isip
cayá ang aua mo cung hindi ilauit
tapat n~g silid mo bangcay cung madaquip."

  "¡Romeo! ¡Romeo!, Julieta ang sagot,
uicang mapan~ganib at sa puso'y hugot,
¿baquit di in~gatan buhay sa sigalot
cung ticang tamuhin ang aquing pag-irog?

  Romeo ang tugon, "Julieta'y masaclap
sa aba'y pumanao ang hinin~gang in~gat;
n~gunit cung bayaan sa laot n~g hirap
malibing sa lalim siya cong tuang agap,

  Paca-asahan mo, sa iyo yaring sulit
ay bulong n~g pusong pabigcas sa bibig,
ualang ibang han~gad sa dilim n~g saquit
cun di maguing ilao dilag mo't pag-ibig."

  Cay Julietang pacli, "di aco ang dahil
sa di caguinhaua n~g uagas mong daing,
cun di ang subian~gang hindi na nalibing
sa limot n~g capoua magulang tang guilio,"

  Romeo ang sagot, "huag ipan~ganib
canitang magulang n~g pag-ca-caalit,
cung ito'y liab man ang sinta ta'y tubig,
maguiguing pamatay n~g silacbong ban~gis."

  Sa balac na ito tanda n~g pag-ayon
Julieta'y pinutlan ang tinugon tugon,
pagcat sa caniya'y gayon ang nagtangol
n~g alit na sima n~g siya'i igumon.

  Ito ang liuay-uay cung baga sa arao
n~g pagca-casundong sa puso'y sumilang,
n~g dalauang capoua dapat na uliran
sa pagsisintahang matibay't dalisay;

  Sa pagcat ang lupang cupcop n~g pagibig
sa daya at pain sino mang malapit,
bighani in~gatan dagdagan ang masid
n~g huag macut-ya cung tica'y malinis.

  Puso n~g babaying dupos na himuquin
sasaquian sa dagat ang naca-cahambing,
cung culang bumalac may in~gat ó anquin
sa dumpol n~g sinta basag ang marahil,

  Puso n~g lalaquing sa sintay bugasoc
lalo cung ang gulang bulac lac sa tampoc,
cung gano ang tulin sa nasang maabot
siya naman saquit puri cung maumpog,

  Ano pa't sa m~ga gabing nagsunuran
Romeo'y sa jardin masoc cailan man,
Julieta'y lauit na nacung maramdaman
bintana n~g silid isang sutlang hagdan;

  N~gunit cung tulot man sa caniya ang maquiat
sa bintana lamang u upo't di lampas,
ang isa sa paa sa hagdan din tapac
si Julieta'y naman patayo't caharap.

  Doon hinahanay pag-liham n~g nais
n~g capoua pusong nagcaisang hilig,
ang cauili-uiling anas n~g pag-ibig
casintuno halos ang tunog n~g batis:

  Sa sin~gao n~g pusong matamis at uagas
isa't isa'y ualang itampong pahayag,
pagcat cung sa jardin ay yaon ang lunas
n~g tanang sampagang humahalimuyac.

  Cahit di pa pitas sa pagayong asal
ang bun~ga n~g nais sa gunita'y nam-nam,,
sa lasang pang-uili ualang agam-agam
ligaya sa lan~git mandin ang namasdan.

  Cung oras ay buan sa busal n~g hirap.
naca-casing laon sa ating pagmalas,
taon quisap mata mata't masayang lumipas
sa magcasing sintang sa tica'y magharap.

  Sa gayong ligaya nino mang sing ibig
yaring boong cayang lapat na iauit,
sa totong nangyari capag idinatig
cung baga sa culay ang putla'y malabis.

  Panahong taglamig ano't n~g tumahac
Romeo'y nan~gubling sa sinta ay naquiat,
aniya, "¡ó Julieta! ¿nasaan ang habag
sa guilio mong abáng dito'y nan~ga n~gatag?"

  Tugon ni Julieta, "dusa man sa dib dib
guinao sa bintanang sagap mo at tiis
n~gunit lason naman sa aquing pag-ibig
ang icao itabuy sa harap co'y malis."

  Pac-li ni Romeo--"di man cata lisan
may iba pang lunas na dapat pacamtan,"
tugon ni Julieta, "sa sabi co y liban
ualang maapuhap sa isip anhin man."

  Romeo ang caniyang malambing na sagot
aniya, "sa silid mo magtuloy cung tulot
aco'y macacanlong sa guinao at hamog
tahimic pa quitang ualang caba't tacot."

  Sa pagayong hiling Julieta'y dinamdam
naapi ang budhi't ang dib dib sinicpan,
naurong sa layo't ang mata sa hirang
tila baga ibig lihim pa'y hanapan.

Aniya, "¡ó Romeo! saad uliniguin
cung pita ma'y lihis upang isalibing,
pag-ibig sa iyo'y pag ibig n~g angel
sa caniya'y Lumic-hang, ualang macahambing.

  Sa iyo ang tulot cong sa bintana'y manhic,
lagui n~g pag guilio sa aquin may usip;
n~gunit niyaring puri ay minamatamis
bangcay cung lumampas sa hinahong guhit.

  Anio n~g babaying ilauig ang buhay
calulua'y cung yurac n~g pula't casaman,
pagcat ang halaga na guintong in~gatan
ang maguing busilac ang puri at asal;

  Caya sa isip mo sacaling namugan
hina co'y hanapang labis pa sa gauad,
inihahanga ca n~g sinta cong tapat
pag-asa itacuil at di icagalác.

  At yamang sa gayo'y munting cumulimlim
sicat n~g sintahang laong maluning-ning,
mula n~gayon, ang iyong buhay sa hilahil
ilayo't ang dating parito'y limutin.

  Romeo ay big-lang nalumbay nan~ganib
sa pagayong say-say n~g sula n~g isip,
sa harapan nito'y halos na tuman~gis
at sa anyong luhog gayari ang sulit:

  Aniya, "ó Julietang sinta n~g pagliyag
layo sa gunita puso mo'y sumugat;
n~gunit sa puri mo cung yao'y camandag
antay co ang iyong parusa ó tauad.

  Panong ha han~garin sa iyo'y naguing tinic
pagcat saguisag cang ualang lamat dun~gis,
at malinis ca ring itampoc sa nais
caya ang pitagan sa budhi mo'y labis;

  Dusa mo'y dusa cong sa dusa co'y sacdal
palibhasa icao ang tali n~g buhay,
toua mo ay toua co ¿panong di inlagan
ang icalumbay mo cahit sagui lamang?

  Dilag mo'y pan~gauit sa bun~ga cong tulog,
sinta mo'y pang-daya cung suco ang loob,
puri mo'y ligaya n~g pag-asang lubos,
¿panong acalain ang han~gad na buctot?

  ¡Ay hirap aba co! cung iyong patulan
ang sapantaha mong di co gunam-gunam,
anhin pa ang buhay sa lupang ibabao
cung icao di aquin, aco'y calabisan."

  Sa pagayong luhog n~g pusong maalab
hindi nacatagal poot naguing habag
ni Julietang supil tunay na pagliyag,
caya n~g matapos gayari ang bigcas.

  Aniya, "¡ó Romeo cung n~gayo'y tinuran!
salaming malinao sa puso mo'y simpan,
parusa ò tauad hindi cailan~gan
pagcat gayo'y lapat sa may casalanan;

  Catiuala sa iyo ang isip at loob
pagcat namasdan cang tapat na umirog;
n~gunit yaring puri handa rin ang utos
sa inaacalang bahid na lu-lusob.

  Dapouat ang naguing subiang niyaring dib-dib
di lisiya sa landas n~g uagas mong hibic,
paca-asahan mo, at huag man~ganib
aco ay iyo rin magpahangang lan~git.

  Puso co ay iyo, iyo't di ma-aagao
n~g iba pa't sinong sa caniya hi hirang
pagcat ang pagsintang tunay isa lamang
caya cun di iyo tungcol n~g libin~gan.

  Ganap ang touá co na hangang di sicat
mapalad na arao sa bun~ga'y pagpitas
n~g magandang nais agap mo'y pag-in~gat
sa icalulooy sa hinog sasac-lap.

  Romeo'y sa bugso n~g touáng dinamdam
inagao ang sulit n~g mut-ya at búhay,
"sa toui-toui, na ualang gunam gunam
cun di ang sumapit arao mong tinuran;

  Pagcat ang dalan~gin n~g isang ninibig
hangaha'y abutan n~g ticang malinis,
pagcat caniya ito't lualhati n~g lan~git
samantalang buháy sa bayan n~g hapis."

  Cay Julietang sagot--"cung inip ca'i sundin
at n~gayo'y tulot co ang sa pusong hiling
Romeo'y sa touá na hindi mapiguil,
"cung gayon--aniya'i--ganapin bucas din"

  Ito nga'i ano pa't ualang higuit culang
natupad sa harap paring cumpisalan,
ni Julieta't sa cay Romeong caibigan
pan~gala'y Lorenzo't[7] tapat na dumamay;

  Nag-utos ang gayong sa magula'i lin~gid
n~g capoua n~ga pusong sa tica'y nagpilit,
cailan~gang ucol lihim na guinamit
sa simbahang cupcop n~g Paring binanguit.

  At caaya-aya nan~ga n~g maganap,
ang ilao n~g arao maganda ang sicat,
ang azul n~g lan~git buháy at laganap,
simoy pa n~g han~gin pang-uili't banayad.

  Ang tanáng linic-ha punó n~g alindog
sa pagui-guing sacsing umid n~g masunod
ticang pinilacan n~g calugod-lugod
ang naguing larauan n~g sinta't pag-irog.

  At marahil cayá ang boong quinapal,
sa arao na iyaon saya ang tinag lay
pagcat para niyang himacas at hambal
sa nagcasing pusong capos capalaran.

  Sa buhol na tali n~g ticang malinis
ano t n~g sacop nang sila'y di maalis,
sa cani caniya nuing matahimic
para bagang ualang ano tuang nasapit.

  Ang gayong nangyari lubos na nabaon
sa suloc n~g lihim sa habang panahon
mag-asaua'y buhay hangang panahon
ang capoua hinin~ga sa palad na ucol.

  Di co man auitin, bumabasang ibig,
sa caya cong capos, balac na nang isip
humiguit cumulang ang touáng sinapit
Julieta't Romeong sa tulá'y pantamis.

  Ang di pag-sambahay, pagcat sauing maquiat
Romeo'y mapanhic tahanan n~g liyag,
binubun~ga y sabic na pandag-dag sicat
sa quinamtang ticang ang linis laganap.

  Sa balabalaquing usapang mairog
hindi naua uala't laguing nacaun~gos
ang paraang sucat na macalalambot
sa canilang capoua magulang na loob.

  Cacapanan nito'y pag asa'y malabis
pagcat macacamtan mabigat man cahit,
baquit mababa nang arao y pagtahimic
n~g dalauang lahi sa di pagcacaliz;

  N~gunit aling touá sa lupang ibabao
lumagui sa tauong di dag ling pumaram
at cung sa bulac-lac sa samio ay culang
casunod pa'y lumbay na higuit sa bilang;

  Gaya n~g sinapit dalauang singpalad
n~g anyong ang touá sa puso y mag ugat,
ang lason sa buhay sunod na lumagac
sa busal at hangang sa sidhi nautas;

  Ito ang calvariong tinungcol n~g lan~git,
sa sintang cunanan halimbauang linis
at marahil cayá gayo'y pinatiis
n~g upang mataniag sa tanáng ni-nibig.

  Isang arao n~ganing cusang nag-lalacad
Romeo'y sa loob n~g Veronang Ciudad,
natagpouan ¡dusa n~g amis na palad!
ang isang auayan n~g palalong tabac.

  Ang isa sa pooc n~g naglalabanan
pulos cay Romeong man~ga caibigan;
n~gunit sa cabila ang pan~gulu bilang
si Tibaldong lilo't cay Julietang pinsan.

  Cay Tibaldong asal bumabasang irog,
sa dacong unahan sucat mong matalos,
sa pagcatahimic amai't cahamoc
na laon nang arao na di cumiquilos.

  Romeo'y cahima't binucong matibay
dugong Capuleto'y caliz di bahiran;
n~gunit cay Tibaldo, ang isip nadimlan
n~g mapatay nito isa sa calaban;

  Pagcat ang namatay catatong mahigpit,
n~g Principeng Ciudad capinsang malapit,
at ang quinarool sanhi n~g paglait
ni Tibaldong tacsil cay Romeong bait.

  N~g si Romeo n~gay natagpong hinamon
Tibaldo'y nalagot buhay di naglaon
ang sa caniya'y damay sa tacot malipol
ang unang balasic sa paa'y guinugol.

  ¡Oh ualang paglin~gap at palalong poot!
sa can~gino pa mang iyong maabot
at bihira sa iyong masig lang di lingcod
na macata-taguing di bulag sumunod;

  Gaya n~g pagtupad n~g matang papiquit
sa iyo ni Romeo at di na naisip,
sa ama at bianan siya ang matouid
magbigay payapa cung muling mag caliz.

  Cung magaua sana maca sampuong bilang
n~g tauo'y sa galit bago magpamalay,
n~gunit cung malaqui ihangang sang daan
pan~ganya-yang bun~ga di man matiticman;

  Dapouat si Romeo'y sa gayo'y nalihis,
sa ugaling lacad n~g lupa'y naparis,
sa init apuy rin nabuyong sumanib
hindi na nabalac dusang masasapit.

  Cahit sa pagayon Romeo'y nagculang,
n~gunit nacatupad sa tungcol na mahal
n~g pagca-caibigang tapat at matibay
bihirá sa mundo bagang matagpuan.

  Ano't sa Principe n~g ito'y lumatac
sumbong cay Romeo n~g tanán lumacad
na caniyang catoto ualang naguing bayad
pagod na guinugol sa mabuting han~gad.

  Romeo'y dapat n~ga at pilit ma-matay
sa naunang lagdang utos alang-alang
n~g Principe'y aniya, "umulit sino man
sa pagcacaalit capalit ay buhay";

  Sa munting hinahon "lumitao ang ugat
sa boong nangyari" ito ay nalipat
"pagbubulay lining" munting bumanaag
dapat pang-hauacan sa dusa ibauas.

  Ito'y dili iba't cay Romeong tutol
sa "pag-uusisa" n~g macunang tanong.
na cayá pinatay ay higanting ucol
sa piling caibigang buhay rin nahampol.

  Sacsing nagsiharap ito'y pinagtibay
at nan~gagcaisa boong casagutang,
baquit sa higanti ang punong dahilan
n~g Principe Scala sa mahal na pinsan.

  Ang lagda n~g hatol ano't n~g dumating
Romeo'y sa buhay dapat na maquitil,
parusang capalit ay ang ualang taning
na, sa ibang bayan siya ay dadalhin;

  Alalaong baga'y di dapat lumabas
sa catatapunang bayan caniya'y lapat;
n~gunit loob nito'y may tulot maglacad
pagcat hindi piit sa culun~gang sucat.

  Salamat sa pinsan n~g Principeng bantog,
nito cay Romeo ang di nag papugot
siyang tan~ging dahil bumali sa utos
na unang linagdang uica'y pasusunod.

  Sa boong daigdig ito'y calacaran
hatol na papiquit naguing caraniuan
sari-saring bagay ang quiniquilin~gan
na icalugami n~g hustong catouiran.

  N~gunit cay Romeo ang iquinabauas
n~g acmang parusang ito n~gay di dapat,
cung di dahil lamang cay Julietang liyag,
pagcat yao'y lalong pampahabang hirap.

  Ano't n~g nagtibay ang sadlac na hatol
sa madaling taning siya,i isusulong
sa Mantuang[8] ciudad sa parusang ucol
Romeo'y sa lumbay halos na magumon.

  Anong itatagal n~g puso sa sáquit
ang asauang mut'ya maiiuang pilit,
at ang paalaman cung hindi magahis
Romeo'y ibig pang hinin~ga'y mapatid.

  Umaquiat sa bahay n~g mahal na bianan
dahil cay Tibaldo, hindi carampatan,
pagca n~ga calahi mauari ay subiang,
sa sintang asaua lihim cung lilitao;

  Hibang iyaong isip sa sinuling suling
sa mundo n~g dusang punong tinic ban~gin
gumiit ¡n~g alio! ang Frayleng umamin
nagtibay't nagtago sa pagsintang lihim.

  Pagcat ito lamang tan~ging maasahan
sa ipagqui-quita mag asauang mahal,
bago tutuparin parusang cacambal
at nagpaquilala n~g sintang dalisay.

  N~g ito'y humagap sa yari n~g isip
ayon sa paraang sa balac umaquit,
causap pa lamang n~g Pari sa nais,
utos ni Julieta siya nang pagpanhic;

  Ito'y dili iba't sisiuang hin~gahan
puso ni Julieta sa canilang simpan,
sa pagcat bihirang sintahan maualan
cahit ganong lihim n~g isang caalam.

  Ito cay Romeo ang dalang pahayag
muli't muling bilin siya'y pumanatag,
ni Julietang casing niyapos n~g hirap,
mulang mabalita hatol na nasadlac.

  Dan~gan ni Romeo'y ualang taglay baguis
lumipad na sana n~g ito'y marin~gig
harap n~g asauang lugmoc sa hinágpis,
ang luhang nanalong n~g agad napahid.

  N~g anyong tuparin n~g puso ang yacag
at Pari lilisang casabay n~g yacap,
ito ang sinabing pan~garal banayad,
aniya, "¡ó Romeo dinguin ang pahayag!"

  N~g iyong singpalad ang puso'y tibayan
n~g lan~git sa lic-ha pagsuboc na mahal,
ito'y pag nangyari ay may catuturan
maguing toua ó ibang mahalagang bagay.

  Aco'y hindi bandai sa pag usig gayac
n~g naguing sala mo ang boong patauad,
ang pagcacasundo gayon din ay agap
n~g ama mo't bienang di na nagcalutas.

  N~g upang matan-yag pinagtibay hiling
n~g casing sinta mong masinag na bitoin,
ang bun~ga n~g tica n~g lubos namnamin
laman ninyo'y hangang n~g lupa'y anquinin.

  Sa pagayong han~gad n~g magcaibigan
lalo cung tiuala sa boong pagdamay,
sinong macarin~gig di munting maparam
cahit ganong laqui n~g tag-lay na lumbay.

  Caya si Romeo'y m~ga uicang sagot
malubay at acma't sa puso ay hugot;
n~gunit sa paalam sumagui ring lungcot
ang jardin n~g sinta tinumpa't pinasoc.

  Bintana'y pagpanhic sing-sinta'y nag-yacap
casabay n~g luhang sa mata'y lagaslas,
napupot ang sulit, halos man~gauasac
ang capoua dib-bib sa lumbay naglapat.

[Larawan]

  Ang m~ga cataua'y nangyaring namanhid
sa dagan n~g dusang handog n~g hinagpis,
titigan sa quilos himutoc ang sulit
dahil sa nangyari at sa masasapit.

  Sa pagayong anyo n~g isip cung masdan
panulat n~g pantas tila calabisan,
pagcat yao'y lalong hinahong magsay-say
cung ano at gano sa puso'y pumisan.

  ¡O pag-sinta'y baquit tag lay mang saguisag
ang lumbay sa iyong mahalagang dilag!
sigalot at madlang lihim cun di yacap
ualang ma-auit sa magui-guing bacas.

  Bato mong urian: hilahil at hapis
cung baga sa guinto n~g pan~gin~gilatis,
doon mamamasdan simpan mong pag ibig
cung dalisay tapat ó dupoc ang capit.

  Ano't n~g tumiguil sa mata'y pagtulo
n~g maraming luhang nagbig-lang bumugso,
ang capoua dib bib nalouagang tanto
sa sabic na titig n~g pagca-catagpo.

  Naguaguing umiral n~ga ang napiping sulit
sa tali n~g buhay na tilá papatid,
n~gunit ualang ibang pagliham n~g hibic
cun di ang pagsunong sa palad na amis.

  Sa lupa'y alam na't di co man salitin
ang pag-hihiualay sa magcasing guilio,
lalo cung ang sanhi gaua n~g hilahil
gunitain lamang loob hahapuin.

  Cung ito'y mangyari di sáquit n~g saquit
gaya n~g narating sin buhay n~g auit,
isa pa ¡ó lasong! ang lumbay ay tipid
hindi maitanyag at sa lilim alit.

  Hagulhol n~g sinta sa dusang yumacap
n~g uala nang caya't anyong bumanaag
ang ilao n~g arao sa lic-ha'y pagalac
Romeo'y tumayó't nagbagong pahayag,

  Aniya "¡ó Julieta icao na'y lilisan!
yaring pusong uasac, lamang ang iiuan,
sa bayo n~g dusang ualang pacundan~gan,
n~gunit tipong lahat ualang umilandang.

  Larauan n~g iyong gandang casingparis
n~g uagas mong sintang ualang casing tamis;
asahan mo'y siyang limbangan n~g isip
upang aco'y huag supilin n~g hapis.

  Cung malayo ca man at di ca caharap
sa mata n~g lamang hindi ca mamalas
mata n~g calulua capag idinilat
matititigan din carictang mong lunas.

  Aco'y aalis na't sa iyo ay paalam,
maauaing lan~git naua ay pacamtan
ang touáng capalit n~g lúhang nunucàl
maguing dito't saca sa payapang bayan;

  N~gunit cung talagang tinungcol n~g lan~git
canita ang dusang haba'i catnig-catnig
pasasalamat din ang handog n~g isip
huag lamang hindi caniyang iniibig.

  Pagcat di ta taroc itong catuturan
cung bayad sa sala ò paquinaban~gan
sa panahong harap n~g liping lilitao
sa abá ta cayá tungcol n~g may capal.

  Isa pa ang tauo hindi maiparis
ang laman n~g nasa sa talagang hilig
palad niya'y cun di, ang dapat ipihit
pag-ayos sa balang tungcol masasapit."

  Julieta'i inalio n~g gayong pahayag
at saca sumagot, aniya, "aquing tangap
puso mong aquin na at i-uling ilapat
sa aquing pag-ibig" sa luhang nanatac.

  Saca inalili calagui-ang aquin
sa pagcat ito man iyo na rin at dalhin
husto't pati dugong gaua n~g hilahil
ualang natilansic cahit gagapuing.

  At asahang cang habang gumaganap
sa parusang lagda n~g sa sintang palad,
acong ma-iiuan bilang co ang lahat
na magsi-sidaang camandag na oras.

  Sinta co'y di dapat pan~galauang sinta,
cung icao sa hirap aco'y sa guinhaua,
tahanan cong silid siyang ipapara
sa catatapunan bayan n~g parusa.

  Ang buhoc n~g arao n~gayong linalatag
sa tanáng tinic-hang salubong ay galác,
aco'y asahan mong, m~ga mata'y harap
sa calalaguian mo'y icao minamalas

  At cung ang quinapal auit ang pagsipot
n~g masayang arao buhay pagcat handog,
aco'y asahan mong hihin~gin sa Dios,
buhay co'y hanganan uagas mong pag-irog.

  Pagcat ito'y tan~ging buhay co sa lupa,
hindi ang tinapay at iba pang toua,
maquita ca lamang busog co'y sagana
saquit ma'y mabigat guinhaua'i saganá

  At n~gayong ang sicat n~g arao paglam-lam,
ó anyong magtago sa calulunuran
ang auit sa isip sa tinig lulumbay,
pagcat ang hirap mo'y na sa cadiliman.

  At n~gayong ang gab'i tungtong na sa lalim
at ang sangtinacpan tahimic na't himbing,
asahan mong, noon ang auit n~g daing
catono'y n~g panglao n~g tugtog n~g libing.

  At cung touá naman maquita't marin~gig
asahan mong, aco'y lugmoc na sa hapis,
sa gayo'y sa pagcat hindi ca casanib
at icao ay dusa ang lagoc mo't tiis.

  Pagcat cung ang saya sa may tuná'y busog
ay apdong mapait sa may acay lungcot,
munting casiglahan icauiling quilos
sa may calumbayan dagoc n~g himutoc."

  Ito't ibang daing ang pinagsunuran
n~g calunos-lunos na nagcasing hirang,
say-say di dapat upang di madamay,
bumabasang ibig, cung lúha'y magaan.

  Nagtangapang lúha na mata'y lagaslas
at naghiualay ring lúha ang pumatac,
sa bintanang sacsing umid n~g pagliyag,
na cauan~gis bubog sa linao at quislap.

  Romeo'y tuluy na't calag-cad na pilit
n~g parusang lacas sa daàng matinic
sa calvariong tungcol sa caniyang pag-ibig,
n~g di matingcala't malihim na lan~git.

  Daratna'y parusa't luha ang iniuang
nanalong sa cabiyac n~g calulua't laman,
at ang pagcaualay ualang taning arao
¿may dusa pa cayang lalalo sa lagay?

  ¡O lúhang babaying pansupil na caliz!
sa pusong lalaquing may asal na gánid,
sa tinbang n~g dusang daratnan at bit bit
ni Romeo'i icao, ang sa bigat labis.

  Bauat isang patac n~g gunita lamang,
n~g isang malayo sa sintang cinimpan
dagat man din't unos tatauiring dam-dam
sa munting ilan~goy hinin~ga'y papanao.

  Ano't muláng ito'y lumbaying tumulac
sa quinaguisnan niya at linac-hang Ciudad
di na n~ga cumati ang luhang nanatac
ni Julietang casi't ualang icagalác;

  Inaagao dising lin~gid sa magulang
huag na bumacas pighati sa buháy,
dapouat di mahulò ang bagay dahilan
cayá gabi't arao ito ang usapang.

  Sino sa magulang sa anac na sinta
nitong dusang lihim ang hindi man~gamba
lalo na cung bugtong gaya ni Julieta,
at inaasahang touá at ligaya.

  Sa pagcat ang ina'y hin~gahan n~g anac
sa lahat nang lihim at iba pang han~gad,
dito'y pananalig n~g ina'y sumiyasa't
sa abang Julieta ang sanhi n~g hirap.

  N~gunit pan~gaco man lang lunas n~g saquit
ipagsabi lamang maganap na pilit
cahit mahalaga ò sa puso'y pait,
Julieta'y umid din sa tagong hinagpis.

  Cahit uicain mang canila rin dusa
ang di itahimic sa simpang balisa
at cahit paluhog na halos sumamba
ayao ring mabucsang dib-dib ni Julieta.

  Cung gano ang tibay't tapat na pagcapit
sa mahal niyang puso n~g sinta't pag-ibig
ay gayong din naman ang lihim sa dib-dib
sa ina may caguiat ayao ipagsulit.

  Gayon sa hicayat sisiuang caalam
tan~ging caulayao sa busal n~g lumbay,
ayao ring umayos laguing casagutan
lihim niya'y dadalhin hangang sa libin~gan;

  Pagcat samantalang na sa pag aalit
n~g capoua ama nila n~g mag sing ibig,
tantong masasayang ualang masasapit
cahit isinin~gao man ang laman n~g dib-dib.

  Sisiuang pang-alio cahima't itutol,
na cung ipagsabi marahil puputol
n~g capoua magulang cagalitang laon,
Julieta'y sa sagot ama'y di aayon;

  Pagcat caniyang taroc ang sa amang subiang
sa m~ga Montesco'y ualang macabagay,
balaquin ang anong ipaya-pang tunay
sa pagcacasundo malayong lumaang.

  Cahit si Julieta'y bata pang maglining
sa caniyang bunga n~ga'y tama cung taroquin
pagcat ang suyuan pagcasi'y maning-ning
dapuat sa lahing alita'y rimarim.

  Caya ni Julieta hindi man hinayag
ang laman n~g luhang baha sa pagpatac,
sa gaya n~g inang may tungcol bumacas
sa laon nasilip na munting banaag

  N~gunit nauari mang pagsinta ang simpan
hindi rin nasayod cung sinong dahilan,
sa conde de Paris, sa una'y tunuran,
tinucuy ang balac at pinapagtibay;

  Pagcat tan~ging ito ang ipinagturing
sa anac na bugtong n~g gabi n~g piguing
at ito n~ga lamang humiling mag-anquin
puso ni Julietang usig n~g hilahil,

  At cay Capuleto n~g ito'y pahayag
n~g casing asaua dagling quinausap,
ang Conde de Paris tungcol sa pag ganap
sa mahal na tica sa camay n~g anac.

  Ang pagcaca-isa sa madaling taning
ang pita n~g Conde masusing ganapin,
di na sinanguni sa abang butihin
cung ito ang lunas sa lumbay at laguim.

  Caya si Julieta ang luha'y bumucal
sa bibig n~g ina, n~g ito'y malaman,
at ang puso nila ni Romeong hirang
ay pinagbuhol na sa harap n~g altar,

  Isa pa'y ang Conde sa haying pag-irog
puso ni Julieta ay hindi tumiboc,
cahit sa isip man di sumaguing lubos
liban cay Romeong sa palad nabucod.

  Caya n~ga sa Conde: ama'i n~g ipayag
ang camay n~g bun~ga at sula n~g dilag,
aniya sa sarili, "¡ualang casing palad
sa lalaquing capoua sa sangmaliuanag!"

  Sa pagcat ang mutiang acalang gugulong
laot n~g siphayong sa caniya'y pang gumon
biglang macacamtan sa puso'y cacandong
¿anong di isaya at ito ang layon?

  N~gunit maguing Conde't casuyong magulang,
nagcamaling lubos sa acala't asal,
pagcat si Julieta di na macacamtam,
liban cay Romeo, gayon ang libin~gan,

  ¡O m~ga magulang na maling mag-isip
ang anac sa isang hindi sinta't ibig,
¿baquit pipilitin, tunay masasapit
cun di dalamhati, sa pita'y malihis?

  Ligaya'y asahang hindi punong bucál
ang calac-ha't pilac, cung bagay han~gad man,
cun di ang sintahang boo at dalisay
matamis na lahat pa'i capaitan.

  Manood n~g sintang gaua ó hicayat
n~g in~gay n~g guinto't ibang sauing han~gad,
n~g hangad ang laman sa lupa'y pagpalas
uala rin ang sinta't han~ging lumilipas.

  Masdan ang nasapit buhay ni Julieta,
cun di ang pagpilit sa hindi sininta,
marahil ang puso na sunod sa tica
ay hindi inusig ang madaling hanga.

  Ama ni Julieta sa tan~gong matibay
sa mahal na Conde't ito-y sa pag-asam,
as sariling anac lamang pinaalam
ang doo'y mabisang lunas icalumbay.

  Gaya ni Julieta anong isasagot
cun di ang mamangha sa pag-hihimutoc,
at saca ang luhang sa mata'y umagos
casabay n~g uicang n~gayo'y di malagoc.

  Ang acalang lunas sa matagong simpan
mamasdang ang anac sa puso'i may lumbay,
sa ama'y umali lunos calangcutan
sa pagcat ang tan~go di na maurun~gan.

  Ang lunos umiral, sa pagcat ang anac
ay lalong sinidhian n~g taglay na hirap,
at dito'y nauaring sa puso,y sumugat
ni Julieta'y iba't, nahidua sa balac.

  Dito na ang sisi na bucang lansan~gan,
na uica'y sa huli't uala sa unahan.
linimot ang hatol: na gauin ano man
isiping banayad ang ayos at sinsay.

  Caraniua'y sisi ang bun~ga'y pahamac
tulad sa gumitna sa moog n~g tabac
sa lupa'y bihirang matapat lumasap
na di man~gi-n~gisi ang loob sa saclap.

  Sa aua n~g ama sulong na inasal
lihis, palibhasa hiya,y macacamtan,
nag-uicang may poot, aniya, "ualang daang
hindi masusunod yaring calooban.

  At cun di ihayag ang tago sa dib-dib
tantong mauauala sa amang pag-ibig,
ang lubos na suclam sa gayo'y capalit
pagcat sa magulang di tapat ang isip.

  Ang sa ina namang himoc na malambing
siya'y sa pagtangap sino man ang dahil,
sa dusa n~g puso Montesco mang supling,
cahit ito'y dating catalong patalim;

  At cahit, aniya, sa balac n~g isip
maguing cay Julietang subiang din sa dib-dib
ang lahing Montesco, n~gunit cung inibig
ina'y sa pag-ayos cung lunas n~g sáquit.

  Ang gayong subali malambot na bigcas
cay Julieta'y tila pai't di quinagat,
pagcat, aniya lalong pighati cacalat
isin~gao ang lihim na hindi di rin maganap,

  Minarapat niyang siya'i ang inibig
lamang ang lalagoc sa copa n~g sáquit
calatac latacan uubusing pilit
huag ibahagui iba sa hinagpis

  Pagcat ang pag-ibig nilang madalisay
may sala, at hindi gunita ang hadlang;
n~gunit sisi uala't tamis ang mamatay
sinta ni Romeo huag lamang yuracan.

  Julieta'y sa anyo ang nacacatulad,
batong buhay anio sa guitna n~g dagat
ang dumpol n~g unos sinayang na lahat
cahit gagapuing lihim di maagnas.

  Cayá n~g uala mang caya ang magulang
sa luhog at cahit maguing sa poot man
minagaling nilang ipagmadalian
pag-ganap sa tan~gong di na maurun~gan;

  N~gunit si Julieta sa gayong inisip
di himbing at gayac sa dapat na litis
yao'y balac lamang siya nang pagsaglit
sisiua, sa paring nagtibay sa nais.

  Sa Paring matanto cay Julietang bilin
hindi nagpaliban agad pinadating
sa abáang Romeo laman n~g hilahil,
sa dating di tapos, na bagong sasapin.

  Romeo'y sa busal n~g dusa at poot
naguing casagutan sa asauang irog,
sa tica n~g Conde banal na umayos
at ang tagong lihim huag ipatalos;

  Aniya, sa mabuting paraan cucunin
hindi maglalaon Julieta sa piling
n~g mahal na ama't ito'y pagpilitin
n~g upang maligtas sa bagong hilahil.

  Ang pag-ayong bilin hindi man tinangap
sa sintang Romeo n~g usig n~g hirap,
sa puri talagang tacsil ang pumayag
sa tica n~g Condeng ibig ipaganap.

  Ang uicang magtacsil sa asauang tunay
sa lan~git at lupa ang handog ay suclam,
cay Julieta'y lasong ualang macabagay
labis icamatay salaguimsim lamang.

  Ang taning sa Conde caya n~g malapit
Julieta'y sa ina masayang nag-sulit,
aniya, "ang sarili't mahaba nang sáquit
dahil di mahulo anhin man cung baquit,

  Sa liniguid-liguid tanáng namamasdan
ualang touá cung di pulos capanglauan
marahil, aniya, sanhing casalanan
sa pari icuhang sanguni ang bagay;

  Sa pagcat di lamang sa tauo'y pag-hatid
n~g lumbay ang dusa't iba pang pan~ganib
cun di ang sala mang sa puso'y cumapit
ualang iguinhaua cung hindi luminis."

  Ina'y palibhasa ang gayo'y di taroc
cung litis ò tunay ay agad tinulot
sa bugtong na anac n~g upang ang lungcot
na laon nang dam-dam pumanao na lubos.

  Sa han~gad n~g anac ang capanatagan
inihabilin pa sa dating sulitan
n~g sala, di iba't ang Paring nagtibay
sinta ni Romeo cay Julietang hirang.

  Sa pari hinin~ging piliting matalos
ang dusang matago n~g cabutóng irog,
samantalang bago, lunas n~g masunod
upang di icupas n~g boong alindog.

  Ang ina cahi ma't matalinong isip
caniyang dinaanan ang sintaha'y litis,
ó cahit babaying sa gayo'y di piquit,
n~gunit ang sa anac sa uari'y nalin~gid.

  Bago ang cumaring sinigla n~g anac
ay laban sa tan~gong ibig ipaganap,
ang Pari sa pagcat ang tanun~gang lunas
noong magsingcasi sa amis na palad.

  Julieta'y sa Pari ang laman n~g layon
"sa bagong hilahil ay biguian n~g tulong;
n~gunit cun di caya ang paraang ucol
siya'y pagcalooban n~g masidhing lason;

  Pagcat ito, aniya, ang huling calasag
sa caauay sinta ang mag-ad yang dapat,
at cung ito'y sala sa lan~git na atas
ay lalo ring salang sa sumpa'y payurac.

  Mamatay sa sala at cayá tiniquis
sa pagcat sala rin ang sanhing matouid,
sa balac, aniya, masintahing lan~git
ang capatauaran hindi icacait.

  Anhin pang mabuhay sa lupang ibabao
mabuhay nabucod cay Romeong hirang
malabis na pacla at handog ay suclam
pagcat catacsilan sa sintang nag-tibay;

  At cayá, aniya, lason iyaring han~gad
pagcat malaqui na sari-saring gayac
sa Palacio nilang na sa Mantuang Ciudad,
sa tica n~g Condeng tun~go sa pag ganap.

  At baca sacaling capusing panahon
sa sariling puring pilit itatangol
pagcat cung guipit na't sa pan~ganib culong.
yaring pag iin~gat culang isagumon.

  Sa n~galan Romeo, aniya'i alang alang
na catotong tapat at dating cadamay,
caniya pipilitin huling cahilin~gan
tagumpay n~g sinta n~g upang macamtan."

  Ang Pari sa busal n~g namanghang isip
sa naririn~gig niyang malinao na sulit
si Romeo'y n~g di magcahinanaquit,
gayari ang sagot sa tan~gay n~g sáquit

  Aniya'y "cahilin~gang huli ay mabigat
gaya n~g may sumpang sa licó uminlag
gayon ma'y bibig-yan n~g paraang dapat
upang sila'y capoua sa sala'y maligtas.

  N~g upang malinis paraang gagauin
Romeo'y sa dusa at nasang sapitin,
dalaua n~gang bagay Julieta'y taglayin:
ang tapang sa loob at sinop sa lihim;

  Pagcat hindi lason nasang ipagcaloob
sa linao na sabi sadiang pampatulog,
sino man sa lupang sanay na mang-gamot
hindi sasabihing buháy macalagot.

  Sa lacas n~g pulbos sa tubig inumín
apat na puo't ualong oras na hihimbing,
sinuboc n~ga ito sa gabing malalim
pagbucang liuay-uay sa bangcay na hambing;

  Cung ito'y maganap ualang sala't tunay
Julieta'y dadalhin sa calilibin~gan
at doon cucunin sa inaacalang
oras na pag-lipas n~g pulbos na taglay,

  Harap ni Romeo at saca dadalhin,
n~g lubos maligtas sa bagong hilahil,
at sa dating tiis paraan isipin
ang bun~ga n~g tica n~g boong namnamin;

  N~gunit huag--aniyang--limutin sumulat
sa asauang casi't gayo'y n~g matatap
n~g di ibalisa balitang cacalat
at siya, ring nan~gacong magpadalang agad.

  Ng magcaisa na sa acalang gayong
Julieta'y nui nang tila hindi tungtong
sa lupa sa pagcat bun~ga n~g linayou
sa toua nahinguil at hindi sa lason.

  Sila'y maliligtas sa tamóng hilahil
n~g asauang mahal ¿ano pang idaing?
saca hindi batid huling sasapitin
nila ni Romeo, na calaguim-laguim;

  Touá'y palibhasa sa muc-ha'y nalimbag
sa asam na bitouin n~g magandang palad,
pagdating sa bahay magulang namalas
lalong naniualang tunay ang hinan~gad.

  Palagay n~g ama sa pagayong litis,
na tinacpan saya n~g bugtong na ibig,
ayos na ang tan~go sa ticang mapilit
at di maurun~gan sa Conde de Paris;

  Cayá ualang tanong pinadalang agad
sa handang Palacio sa Mantuang ciudad,
upang pagtitibay doo'y magaganap
n~g Conde de Paris sa magandang han~gad.

  Sa anyo n~g handang Julieta'y dinatnan
sa Palaciong batbat n~g pamuting mahal,
napag-quilala niyang sa quinabucasan
tutupdin ang ticang sa caniya ay subiang.

  Aniya'y sa sarili "¡ó Conde mapilit,
umabang sa di mo tungcol at sing-ibig,
guinugol mo'y sayang at maguiguing sáquit
pagcat aco'y bucas bangcay na sa masid!"

  Ang touá mo cung n~gayo'y ualang macatimbang
pagcat ang ligaya sa isip mo'y nam-nam
lalo pang malaqui hahali mong lumbay
sa anyong pagpitas sa sampagang aaam;

  Pagcat sa iyo ito'y di tungcol n~g lan~git,
cun di cay Romeong ilao niyaring isip,
Romeo'y ang tan~ging dapat na magcamit
altar palibhasa quinunang matouid;

  At halimbaua mang iyong macacamtan
¿anong ligaya mo at hindi ca hirang?
anhin mo ang ganda cung sa boong silang
at icao ang dilim na maguiguing hadlang?

  Caya n~ga sapagca sinsay ca sa landas
n~g sintang casundong hanapin mong dapat,
sa sunod na arao puso mo'i igayac
pagcat sisicatan n~g sisi at hirap.

  At cayo ¡ó ama't inang matangquilic,
sa hindi co hirang sugod nagpumilit!
ihanda ang luhang di dapat mapatid
hangang magcasundo tayo n~g caalit."

  At tuloy humiga sa tadhanang ucol
na bilin n~g Pari tinupad at layon,
cataua'y pinaris sa sang nabuburol
hangang sa tumalab pulbos na ininom,

  Ang arao n~g anyong di na matitigan
Palacio'y handa na sa cau-uculan,
minulan ang dating n~g Conde't magulang
ni Julieta't galing sa Veronang bayan.

  Sa busal n~g touang di cayang salitin
niyaring dilang capos sa acmang gamitin,
Julieta'y nabucsan sa tuluga't hambing
bangcay nang malamig at hindi maguising.

  Naguing casagutan tanang mangagamot.
na nagsidatin~gan sa madaling utos.
hinin~ga anila'y, pumanao nang lubos
at lasong mabagsic ang biglang lumagot,

  Uica sa saring: "pagsisi at hirap"
Julieta,y sa Conde dito na natupad,
at saca "ang luhang sa mata'y lagaslas
n~g ama at inang" sa nasa'y nalinsad;

  Tan~ging iminali sa sariling sulit
ang tungcol sa luhang di dapat mapatid
n~g sintang magulang, pagcat asang isip
sila ni Romeo ang lubos papahid.

  Catuturan nito saca na malaman
bumabasang ibig sa bandang hulihan,
pagcat cung n~gayon pa'y boo nang tuturan
sa utos n~g auit tula'y masisinsay.

  N~g agad matanto ang dapat mong gauin
tin~gin n~g isip mo isunod sa aquin,
sa munting panulat masusing ilibing
Julieta'y sa busal n~g luhang masin-sin;

  Pagcat sa panulat nino mang umauit
ualang pusong lihim na hindi masilip,
uala ring Palaciong hindi mapapanhic
at ualang libin~gang hucay di magahis.

  At n~gayong lagac na ang catauang buhay
n~g abang Julieta sa quinalibin~gan,
lumbay n~g may tungcol marapat nang iuan
Romeo'y sa dugtong n~g hirap tunghayan;

  N~gunit ang mata mo cung baga nangauit
mapapahin~ga na, bumabasang ibig,
pagcat malapit nang maquiat ang sing-ibig
sa tuctoc n~g dusang sa buhay pamatid.

  Hayo cay Julieta na linagdang sulat
Paring nag ampon ay hindi tinangap
n~g casing Romeo, palibhasa'y atas
n~g pagcacagayon n~g amis na palad.

  Sa balat n~g lúpa ito'y calacaran
ang pagcacataon dalaua ang taglay:
touá cung maganda natin't capalaran,
n~guni at cung amis bun~ga nama'y lumbay.

  Ualang malay isip Romeo'y di talos
sa paraang libing n~g asauang irog,
n~g malamang patay cay Montescong utos,
Romeo'y ang dib-dib halos na sumabog;

  Dapouat pinag tibay ang loob sa sáquit
sa pagcat naghari sa madlang inisip
na pilit damayan ang asauang ibig
sa quinalibin~gan ano mang masapit;

  Ang cahit ano may hindi pinaquingan,
mahigpit na baual n~g caniyang magulang,
capag siya'y nasoc sa Veronang bayan,
marahil magtamo n~g icamamatay

  Sa pagcat masuguid sa caniya'y pagsuboc
caual n~g Principe, Verona'y naglibot,
baca sacali n~gang man~gahas na masoc
siya'y masasaui sa nalagdang utos;

  N~gunit si Romeo sa gayong pag upat,
di nahintacutan dahilan sa liyag,
pagcat sa sarili ang buhay na in~gat
dusang sinusunong na matinding bigat.

  N~g upang madali sa casi pagdamay
lason ang hinanap na pinagpilitan,
halos na nalibot sa Mantuang tindahan
at n~g macatagpuó ay ayao pagbilhan,

  Palibhasa'y gayon ay laban sa utos
n~g alin mang ley sa boong sinucob,
ang parusa'y lapat sa culang sumunod
pagcat sapantahang sa buhay panlagot.

  Romeo'y sa gayon banayad nagbalac
at, aniyang sarili, sa quislap n~g pilac
sa dilat di ilang nag-aanyong bulag
ang ley sa lupa't lan~git niyuyurac;

  Sa guintong calansing may bin~ging matunog:
luha'y aapihin, ó bagsic n~g utos,
puri ilulugso, ó pabubusabos,
buhay man ó caniyang bagay pasasalot.

  At, aniya sa lupa ¡ó punong pitagan
n~g salaping toua, ó lumbay cung minsan,
n~g tauo ó bayan, lacas mo'y asahang
magbulid sa uala sa di cayang buhay!

  At saca dumcot at pinacalansing
salapi sa bulsa't linapag na tambing,
harap n~g may tinda't nito'y ang hilahil
n~g ley, linimot yumucó sa hiling.

  Romeo'y ang lason n~g caniyang macamtan
lacad na tinumpa ang Veronang bayan,
damit magbubuquid balatcayong taglay
baca cung mahuli, tica'y masasayang.

  Sa lupang libin~gan n~g anyong malapit
n~g casing asaua, nasoc na namasid
dalauang lalaqui't ang isa may quip-quip
n~g isang bilaong bulac-lac ang silid;

  At ang nan~gu-n~gunang payucó't malumbay
di iba't ang Condeng sumintang di hirang
sa abáng Julieta't ang sadiya'y dahilan
liguising bulac-lac ang acalang bangcay;

  N~guni ó n~g anyong ang Conde'y pumasoc,
butas n~g libin~gan naramdama'y catog
n~g hacbang sa lupa sa daco niyang licod
umurong sa nasa't tuma~gong pasuboc.

  Romeo'y di iba't caniyang inilagan,
na may dalang ilao tungo'i sa libin~gan
lahing Capuleto ang hanap na hirang
at ualang bahala sa iba pang bagay.

  Sa camay piniguil n~g anyo nang masoc
n~g Conde'y sa big-la tantong nan~gilabot
at saca tumanong n~g uicang may poot
sa gayo'y cung sinong pan~gahas na loob.

  "¡Romeo Montesco! sa Conde tumugon
n~g uicang may tuya at lubhang maugong.
ani Conde baga bilango ca n~gayon,
sa Verona,y nasoc pagcat di ca ucol.

  Sa lagdang parusa malinao n~g titic
Verona'y pag nasoc buhay mo'y capalit."
Romeo'y pumac-ling ang buhay niya sáquit
sa lupa ang tacot di laman n~g isip.

  Ang tugon n~g Conde, "sinabi mo'y linsad
sa pagcat nasoc ca n~g gabi sa ciudad,
sa cagalang-galang lupa,y ¿anong hanap
at linapastan~gan sa ganitong oras?

  Romeo'y tumugon ¿"sinong lapastan~gan
aniya, sa canita ó Condeng maran~gal?
sa pag-parito co'y catouira'i umacay
masusi't nagtibay sa harap n~g altar."

  Ang Conde sa gayo'y sa galit nag-alab
at biglang binunot maquinis na tabac
saca aagauin cay Romeong sacbat,
n~gunit ito'y dag-ling uurong't gumayac.

  At saca binunot ang nasang agauin
n~g Conde't sa caniya sinacsac na tambing,
hindi nailasan bumaong malalim
sa lupa'y nabual ang buhay naquitil.

  Romeo'y naurong't ang bangcay minasdan
n~g ibig magcamit cay Julietang hirang
sa niuari-uari pinasoc n~g suclam
pati pinamatay ay pinagtapunan;

  At saca madaling ang bangcay binuhat
tuloy iquinanglong cung saan nalagac
ang sa cay Tibaldong, naguing punong hirap
nila ni Julietang, patay rin sa balac.

  Palibhasa, aniya isang camay lamang
lumagot, sa capoua inin~gat na buhay,
dapat na magsama labing camatayan,
ó caya magpatong sa isang lagacan.

  Tuloy idinugtong, sa caniya'y malapit
hindi maglalaon mahihimbing pilit,
buhay n~g umutang na capoua'y mapatid,
n~g Conde't Tibaldo, palibhasa'y nais.

  Aniya, "di acala ¡ó Condeng maran~gal!
sacbat co'y lalagot sa mahal mong buhay,
ang pagparito coy maghatid sa pacay
hinin~ga cong hapo ang hangahad lamang;

  Di rin sapantahang cami n~g sing-ibig
sa lupang payapa maguiguing caratig
ninyong puno't dulo n~g dusang malabis
sa capoua hinin~ga namin ay papatid;

  Dapouat icao Conde, na may capatauaran
cung hindi namatay si Julietang hirang,
tica mo ay linsad hindi rin macamtan
ang han~gad mong gandang sa pusong candun~gan.

  At n~gayo'y lisan na iniyong pagcahimbing
sa lupang mayapa't gaua n~g patalim,
upang di lumauig buhay sa hilahil
sintang dadamayan ang siyang hanapin."

  Sa tinanglao-tanglao nasumpun~gan agad
lagacan n~g casit ang taquip binucas,
at n~g mapasoc na loob nanguilalas
hiniyasang mabuti't ganda'y di cumupas.

  Aniya, "¡ó Julieta buhay niyaring buhay!
anhin ang hinin~ga cung icao n~gay patay
ano pang halaga niyaring catauhan
sa sang maliuanag cung icao'y pumanao.

  Ang hinin~gang hapó n~g sa dusang dagoc
cayá nagtumagal pagcat caniyang handog
ang mabisang lunas n~g iyong pag-irog
gunita lamang guinhaua n~g loob.

  Dam-dam co'y camandag tanáng naliliguid
n~gayong pumanao na uagas mong pag-ibig,
ang buhay ay pasan n~g matinding sáquit
at sa gayo'y ualang lunas na cacapit;

  Dapouat ang ganda mo cung banayad masdan
tila man ding buhay na anyo at culay,
ualang ibinago sa ban~gis na taglay
n~g di masansalang manang camátayan.

  Sa lagacáng bancay cun di ca inabot
aquing masasabing himbing ca sa tulog,
hindi acalaing ang buhay mo'y lagot
pagcat di nabauas dati mong alindog'"

  Sa gayo'y sa munti na alio dinamdam
sandaling sumicat sa busal n~g lumbay,
Romeo niyacap ang casi't hinagcan.
casunod n~g lúha't ¡"ay Julietang hirang!"

  Hinin~ga n~g anyong bumaui n~g lacas
ang canay inalis sa pagcacayacap,
lason ang quinuha't sa bibig tinapat
casabay n~g uicang malumbay binigcas:

  Aniya "icao lason ang taglay mong bagsic
iyubos sa aquin n~g biglang mapatid
pisi niyaring buhay tantong naiinis
sa dagang mabigat n~g tungcol cong sáquit;

  Icao'y tinalaga niyaring capalaran
sa dusa'y tatapos sa tadhanang arao,
pagpa-pasalamat sa lan~git hahangan
sa piling n~g casi ilagac ang bangcay."

  At saca quinabig sa pigca-cayacap
n~g caliuang camay ang asauang liyag,
hinagcan, at aniya ¡"anong gandang palad
siping mo Julieta, buhay co'y mautás!"

  Bibig n~g sisi~g-lan n~g lason sa canan
sinubong patnugot ininom na minsan,
at tuloy niyacap n~g dalauang camay
na pinacahigpit ang bangcay n~g hirang.

  Sa pagayong anyo n~g isip sa hagap
ang bagsic n~g lason hintaing tumalab,
n~g di mahiualay sa asauang liyag,
ang maguiguing bangcay calulua'y pag-ilas

  ¡O pagcacataong caraniuang alay!
sa tauo ang luhang capait-paitan,
icao ang may sala n~g di pinagtagal
Romeo sa casi n~g inoang-oang.

  Icao n~ga ang sanhi't caagao na labis
ang tapat na sintá caya di sinapit,
hibic ni Romeo, sa lipas n~g bagsic
n~g "nagbigayhimbing" sa asauang ibig;

  Pagcat cacamunting oras na pag itan
Romeo'y pag-inom sa lasong tinuran,
siyang pagcaguising ni Julietang hirang
sa buhay cunuaring sa lupa'y pumanao;

  Pagcat halos lamang yacap pinaghigpit
n~g dalauang camay cay Julietang ibig,
ito,y nagcataong nasaulang isip
caya ang pinucao bigla ang caparis.

  Ang buntong hinin~ga na lubhang malalim
siyang unang bati't, aniya, n~g magturing,
"¡ó Dios co! ¿nasaan? at ¿sinong lumihim
yumacap sa aba't hindi na naglining?"

  Boong sapantaha sa cania'y may yacap
yaong Paring caniyang tangulang may atas,
aniya, "Padre ¿ito ang loob mong uagas
sa aquing Romeong catoto mong tapat?"

  ¿Ito baga'y siyang pan~gaco sa aquin
harap ni Romeo dalhin cung maguising,
cami ililigtas sa tamong hilahil
ang bun~ga n~g tica, n~g boong namnamin?"

  Romeo,y namangha n~g ito'y marin~gig
ang boong catauan sa toua'y nan~ginig;
n~gunit dinalao rin n~g pag hihinagpis
bago naibigcas ang ganitong sulit:

  Aniya, "¡ó Julieta sa calulua'y sapot!
licong sapantaha ilayo sa loob,
aco't dili iba Romeo mong irog,
nagsad-yang damayan buhay mong nalagot."

  Voces ni Romeo cahima't narin~gig
Julieta'y hindi pa lubos na nanalig,
sa caniya ang yacap banayad inalis
sa lam-lam n~g ilao[9] qunilalang pilit;

  At n~g maquilala mahigpit niyacap
at pinacahagcan sa tinamóng galác
at saca tinanong cung hindi tinangap
ang caniya ring lagdá na padalang sulat.

  "At, aniya sa liham boong nalalaman
litis n~g cunuaring aquing pagcamatay
ang sa aqui'i may turo, pagcat carain~gan,
si Fray Lorenzong tapat mong caibigan.

  At cung sumapit na bagsic n~g paglipas
n~g ipinainom cucuni't iharap
n~g pari sa iyo sa Mantuang ciudad,
n~g upang magsáma hangang huling oras."

  Romeo'y sumagot, aniya y "¡mut-yang hirang
palad co'y natan~gi sa lalaquing tanan!
pagcat di tinangap padala mong liham
at n~gayo'y huli na gagauing ano man."

  Si Julieta nama'y sa dulong pahayag
ang loob namangha't ulo'y napataas,
at aniya, Romeo'y ¿baquit huling lahat
ang biyayang gagauin? ito'y hindi tatap."

  Romeo'y sumagot, aniya'y, "catuturan
n~g sabing dinulo: ¡bigong capalaran!
¡sa pagcat candong na lilong camatayan
at di maglalaon calulua'y papanao!

  Cahit ilinoob sa aquin n~g lan~git
tamuhin ang iyong uagas na pag ibig;
n~guni at ang boong pag-lasap quinait
sa taglay ligayang asa't panaguinip.

  Mamatay ay toua sa mahal mong harap
pag-aaruga mong cahit di na lunas,
sa pag panao n~gayon n~g hinin~gang in~gat
ang maguiguing sapot tapat mong pag-liyag,

  Sa iyo'y paalam n~g ualang pagbabaling
sa payapang bayan at sa isip dalhin,
pagsinta mo't asang hindi lilimutin
aco'y minsan-minsan iyong gunitain,

  N~gayo'y tantoin mong buhay mapapatid
pagcat tumalab na ang lasong mabagsic,
mula pa sa Mantua binili cong pilit
dahil sa balitang: "bangcay cang malamig."

  Julieta'y sa hindi antay na pahayag
n~g casi, ay ibig isigao ang hirap,
na big-lang dinamdam, n~gunit di pinayag
n~g dib-dib at tila lan~git ay lumapag;

  N~g ibig iualat sariling catauan;
n~gunit di mangyari't luno ang cabagay,
mata'y tinin~gala't parang cahilin~gang
iloob n~g Dios cay Romeong buhay.

  Sa pagayong anyo cataua'y nan~ginig
nag-uli sa dusang hinin~ga'y nainis,
at big lang nadapa sa asauang ibig
sa cataong nito'y buhay ibig malis.

  Sa inigtad igtad Romeo'y sa dagan
n~g casi, ay ito'y isip sinaulan
nasabay sa uicang: "¡Julieta co'y masdan
huli cong hinin~gang ibig nang pumanao!"

  Loob tinibayan sa gayong narin~gig
ni Julietang sinta sa sintang inibig,
inagao na n~ga nia na pangcuhing pilit
at n~g macandong na'y gayari ang sulit:

  "¡O sintang Romeong sa aqui'i pumulas
calong ca n~g sinta at casuyong tapat,
cung mauna ca man ualang libang oras
aco'y susunod ding sa bangcay mo'i yacap

  Ang pagcamatay mo Romeo'y, gandahan
ang iyong Julieta hindi maiiuan
mabuhay sa lupa't ito ay asahan
pagcat hinin~ga mo'y hinin~ga cung tunay

  Sa mauica ito Romeo'y minulat
ang mata, at aniya, "¡lisan ca na liyag!"
piniquit na muli't ang calulua'y nulas
patnubay n~g luhang cay Julieta'y natac.

  Julieta'y banayad linapag ang bangcay
at siyang hinanap ang lason sisidlan
sa bibig tinunga niong matagpuan
hiniyaguis n~g ualang lamang maramdaman,

  At sa bangcay, aniya, ¿"Romeo co'y baquit
di mo na tinirhan Julieta mong ibig?
¿sinarili mo n~gang mamatay sa sáquit
sa iyo'i pagdamay di mo na inisip?"

  Sa binilog-bilog n~g boong lagacán
sugod nagtumin~gin hanap ang pamatay
sa tapat n~g butas caniyang naquislapan
pinaglabang caliz n~g Conde't n~g hirang;

  Sa calayuan n~ga'y ang nasa'y naurong
baquit naramdaman sa tapac ang ugong
isang lumalacad aniya, cun di putol
buhay niya'y di dapat sa anyo'y masumpong.

  Ang matang namugto sa casi linin~gap
para bagang tulong sa anyo ang han~gad,
n~gunit ang puluhan n~g dagang may pilac
in~gat ni Romeo namasdang cumislap.

  Binunot n~g touá't linapit sa tin~gin
aniya, "icao dagang tangulang cong daing,
capagcaquita na salamat ang hayin
lalo cung madaling idamay sa guilio"

  N~g puso ang dupoc catutubo'y pagcat
at ang sa babayi lalo nang di palác
Julieta'y ang sundang hinagca't sinacsac
ang puso at saca asaua'y niyacap.

  Saca humagulhol n~g calunos-lunos
pagcat nagcaagao sa mahinang loob:
saquit sa pagpanao n~g asauang irog
at saquit din naman n~g sugat ang handog.

  Sa cahambal hambal na pananambitan
hindi nauauala cay Romeong n~galan,
sa sugat ay ualang pagsisi ano man
cahima't ang saquit sa caniya'y di bagay.

  Big-lang napahinto sa tagho'y at daing
casunod ang buntong hinin~gang malalim,
tumin~gala't, aniya, ¡"Romeo i yacapin
sa payapang bayan caluluang darating!"

  Tinunghayan mata, n~g ito'y matapos,
at anyong hahagcan any bangcay n~g irog;
n~gunit ulo doon di na naiquilos
pagcat ang hinin~ga tuloy nang nalagot,

  Sa casing Romeo ang pan~gacong yacap
cung siya'y mamatav tunay n~gang natupad
sa luha at dugo halos nan~gababad
ang capoua bangcay n~g nag-isang palad.

  Puso ni Julieta ang nayong umirog
dugo rin n~g puso ang boong binuhos
sa caniya't sa casi na inaring sapot
at hangang libin~gan laman pinagtampoc.

  Cung ano ang bucál n~g puso sa bibig,
n~g nagliligauan naganap na pilit,
hindi masasabing daya caya litis
gaya n~g di ilang sabihang pag-ibig.

  Mahalagang buhay n~g tao't sino man
Julieta Romeo hindi nanghinayang
sa pitang matapat n~g sintang dalisay
cahit gagahanip ualang pinagculang.

  Cung ang naguing palad dusang catnig-catnig;
ang pagtitin~ginan lúbid na matamis
ni isa ma'y ualang nagpatanao sun~git
na binubucalan n~g hidua sa dib-dib,

  Ano't n~gayong nanao mahalang buhay
Julieta't Romeo sa pag si sintahan,
siya namang banguitin tauong naramdaman
Julieta'y n~g bago maquita ang sundang.

  Si Fray Lorenzo, ito't ang sa nais
Julieta'y cucunin sa pagcat sumapit.
pulbos na ininom ang taglay na bagsic
n~gunit n~g mamasdan naguiclahang isip.

  Cataua'y naurong at big lang nataas
ang muc-ha'y dumilim at loob nasindac.
pagcat ang acalang may buhay at lacas
bangcay n~g nagcatay sa dugong nagdanac.

  Mata'y tinin~gala't camay haluquip quip
aniya--"¡ó Dios co n~g aua at bihis!
hindi mapag hulo ang dito'y namasid
naguing bun~ga'y bangcay n~g turo cong litis.

  Ang ilao[10] quinuha n~g ito'y matapos
saca tinanglauan ang magcasing irog,
n~g maquita'y lalong nagulo ang loob
cay Romeong bangcay ualang munting galos.

  Sa sinuling-suling n~g di uastong isip
sa mundo n~g balac, gulat ang caparis,
tumanong sa uala, aniya, ¿ito'y baquit?
¿balintuna caya ó totoong masid?

  Sa balac n~g ualang hiligan ang loob
harap n~g singpalad ang paa hinuhod,
camay haluquip-quip ang noo'y niyucod
casabay n~g dinasal: "Miserere mei Deus."[11]



CATAPUSAN

  Marahil hindi pa iyong nalimutan
bumabasang ibig, ang alilang abay,
n~g Conde de Paris n~g tumpang alayan
bulac-lac ang bangcay ni Julietang buhay

  Ang Conde n~g bago Romeo'y sinuhin
sa samang utusan gayari ang bilin:
aniya'y, magtumagong cumanlong sa dilim
at huag lalapit hangang di tauaguin.

  Caya sa utusan hindi nailin~gid
ang boong nangyari naquita't nirin~gig.
pati si Julieta sundang n~g itiric
sa mahal na puso, pag agao n~g nais;

  N~gunit n~g marin~gig n~g paa ang yabag
ni Fray Lorenzo umurong sa agap;
at n~g maaninao ininlaga'y bicas
sa canlun~gang libing madaling lumabas.

  Lahat na nangyaring narin~gig namasdan
sa Principe Scala pinagbigay alam,
at noon ang arao anyo nang sisilang
caya gauin dapat ualang ibinalam.

  Sumandaling liban sa libin~ga'y nasoc
m~ga ilang caual n~g Principeng bantog,
ni Fray Lorenzo catulong nag-ayos
sa tatlong inusig n~g palad na capos.

  Palibhasa tatlo'y anac sa calac-han
balita'y madaling cumalat sa bayan;
cubcob di naglaon ang boong libin~gan
sa nagsipanood duc-ha at mayaman.

  Sarisaring balac doon naririn~gig
palibhasa'y di pa naguing dahil batid,
canicaniyang catha ang ipinipilit
pagcat gayo'y lacad sa boong daig-dig.

  Anot ang Principe at capoua magulang
n~g nagcasing sinta nasoc sa libin~gan,
pati camaganac at ibang caibigan
na anyayang lahat n~g capangyarihan.

  Ang luhang bumucal di na ipagsulit
sa capoua magulang n~g nagcasing ibig,
tasa n~g panulat sa gayon ay biquig
at capos maghanay n~g pighating labis.

  Bumabasa, sa iyo'y luhog cong magbalac
lumbay n~g magulang sa anio n~g anac,
n~g buhay, cung lalo tan~gi't punong dilag
ó inaasahang ligayang manin~gas.

  Lumbay n~g magulang sa Pari ang tin~gin,
ná patayo't baba sa dib dib padiin,
lubhang mahalaga cung baga isipin
may nasang itanong, n~gunit napipiguil.

  Dapouat sa Principe ang gayo'y di lin~gid
at caya sa aua sa Pari'y nagsulit,
aniya "Padre, n~gayo'y ¿sabihin ang baquit
Julieta't Romeo'y bangcay pinagdatig?"

  Ang Pari, sa tayong ulo rin ay yucod
tumugon at aniya sa sabing malambot:
"pinagsamang camay na loob n~g Dios
n~g tauo ay hindi maipagbubucod."

  Principe pumac li, aniya, hindi lirip
tila talinhaga iyong pinagsulit,
cayá sa dan~gal mo aquing ninanais
boong liuanangan n~g upang mabatid;

  Aco'y tila uhao sa mahal mong turing.
pagcat anhin co mang sa isip basahin
iyong natatalos mahalagang dahil
lihim n~g nangyari na calaguim-laguim.

  Ang Pari hindi na hinintay maulit
hiling n~g Principe agad pinagsulit:
sintahang dalisay sa buhay pumatid
Julieta't Romeong catotong matalic.

  Tahimic dinin~gig niyaong calahatan
n~g Pari ang boong banayad sinay-say,
saca n~g matapos sabay isini~gao
ang sing-palad saquit n~g panghihinayang.

  N~gunit ang Principe sinigilan n~g galit
n~g matantong lahat ang sa Paring sulit,
aniya, "icao Padre, n~gayon ang bibit-bit
sa maboong bigat n~g santong matouid."

  Ang Pari tumugong ualang munting tacot
aniya, "inaamin loob ninyo't utos
tungcol co't hindi rin sala n~ga sa Dios,
tibayan sino mang di sauing sing-irog.

  At cayá tinuro naguing sanhing litis
sing-palad sa buhay lubos na pumatid
pagcat tungcol co ring iligtas sa bahid
ang sino man siyang acalang madiit."

  Principe, sa gayo'y lalo nang nadimlan,
at aniya, "Frayle sa hindi iilang
ligalig sa lupa, na cahambal hambal
ang "iniyong" pacana't litis ang dahilan.

  Cahit man di dapat sa banal "niyong" tungcol
pinaquialama't nagdudunong-dunong,
naghahari hari't cunuang mapagtangol
bago nito'y laman cadalasa'y lason.

  Mulá sa palacio't hangang dampan´g bahay
"lacas" na di dapat ang "ibig" umiral
bago ang tinungcol n~g sati'i Cumapal
ganang caniya'y ucol at di ibang bagay

  Taga ad ya ca man n~g calulua dun~gis,
n~gunit di mo tungcol ang tinurong litis
cay Julieta n~gayon sa buhay pumatid
at nan~gadamay pa iba sa ligalig.

  Julieta't Romeong nasa mong isilong
marahil sa "iniyong" baliting yamongmong,
m~ga pusong guinto nila'y di aayong
"magpacafrayleng" lait, púla'y sunong.

  Julieta't Romeo'y di man supling yaman
sa capoua ay hindi gagauing puhunan
lacas "ninyong" an~gat sa pagcat panghimay
sa muc hang may dugo ang carumaldumal.

  Julieta't Romeo'y uliran n~gang dib dib
ang muc-ha'y mayuco at hindi patindig,
at cung sacali man sa hindi pagtiquis
sa canilang cpoua'y macagauang lihis;

  N~gunit ang pagayon sa asal niyo'y laban
sa mundo'y bandila n~g isip casmán,
utos ni Bathala, isatalampacan
at n~g leying tauo'y ang ibig luhuran.

  At n~g upaug gayo'y mahangahang lubos
at icao sa ibang cauangqui sa suot
ang magbigay dala buhay mo'y managot
sa parusang tapat n~g matouid utos."

  Sa mauica ito'y nagdagling lumapit
bunying Capuleto't gayari ang sulit:
aniya--"ó Principe, sa pasang ligalig
ang Pari ay ualang sala man gahanip.

  Aco ang may sala't mali ang inasal.
sa pagtatanimang namin n~g casubiang,
caya sa ulo co isadlac ang bagay
ang parusang titic sa boong catouiran."

  Sa ito'y matapos Montesco'y banayad
lumapit na dagli saca nagpahayag:
aniya, "ó Principe, aco man ay dapat
magcamit parusa't ang Pari iligtas;

  Pagcat ito'y ualang sala ano pa man
liban n~ga sa amin bagang nan~gag laban,
ualang pinaglutas hangang sa tinanghal
n~g matang may luha m~ga bun~gang mahal.

  N~g di pamarisa't maticman ang pait
n~g iba ang bun~ga n~g alitang labis
sa aming dalaua ipisan ang bagsic
n~g parusang lapat sa hustong matouid."

  Sa gayong narin~gig agad linapitang
n~g Principe yaong bangcay n~g sing hirang
pinagduoóp ulo ang capoua magulang
tinauag at saca ganito ang say-say:

  "Ang parusa'y pagcat iniyong inaamin
ang Pari sa sala pilit tinatacuil
sa iniyo'y hatol co n~gayo'y uliniguin
magpacailan man huag lilimutin:

  Magcabicabila dacong taguiliran
n~g dalauang bangcay bun~ga ninyong mahal,
cayo'y magsilapit magcauit n~g camay
sa canila'i patong sumumpang matibay.

  Sa n~galan n~g buhay na nagpacalagot
n~g capua nio anac na nag isang irog
malaong alitan ilibing sa limot,
bihisang payapá hangang huling tiboc."

  Ano pa't ang gayon dalaua'y tumupad
camay ay ipinatong sa canilang anac,
tauad pinagsumpa sa mata'y lagaslas
ang lúha at saca mahigpit nag-yacap.

  Ito'y catunayang malinao't matibay
n~g pagcacasundong magpahuling hangan,
ang anac sa buhay dan~ga't nagsipanao
di pa n~ga nabunot sa puso'y ang subiang.

  Uica ni Julieta't Romeo'y naganap
sa dacong unahan, anilay "cung nin~gas
bihis sa alitan, ang sintahang uagas
nila nama'y siyang papatay sa liyab.

  Cahima't sa gayon ang ibig sabihin
munting nalisiya, pagcat nan~ga quitil
buhay nila'y bago casundo inamin
n~g capoua ama't nauala sa tiquim

  Julieta't Romeo, "sumpa-ay n~g tapos,"
sa simbahan Ciudad maayos pinasoc,
man~ga cagayacan sa labas at loob
sa matang natin~gin ang toua'y hahandog;

  At ng mayari na ucol na gagauin
sa bangcay ay pitang dalaua'y linibing[12]
na lubhang masusi sa isang maning-ning
lagacang sinad-yang parang huling hayin.

  Sa apat na panig lagacang mataas
tinitic n~g duquit pagsintahang uagas
Julieta't Romeo'y n~g upang matan-yag
at maguing cunanang halimbauang tapat.

  Nani-niray halos sa Verona'y tanán
patnubay sa Dios dalan~ging matibay,
n~g matang maamo marapatin tingnan
caluluuang sa sintang uagas nagcadamay.


DULO.



Sina-panulat niyaring auit

  Aco naman n~gayong tumula't di harap
sa masusing libing n~g sintahang tapat,
itulo't ang icao'y Veronang may palad,
bali't pahatdang maligayang oras.

  Icao'y aquing tac-ha't pinupuring lubos,
pagcat sa lupa mong masanghaya'y sipot
ang gayong sintahang malinao sa bubog
at punong sabihan sa boong sinucob.

  Bayan sa cabilang buhay n~g linipad,
nanao rin ang gauang ualang iquinupas:
pacliha't suyuang tamis n~g pag-liyag
at sa iyo'y Verona pamana ang bacas.

  Sa caniyang handog ito'y tahil bibig
matulin mag lacó sa boong daigdig,
sa naquiquitun~go lasa cung matamis
n~galan mong Verona sa puri calaquip,

  Oo n~ga't sa iyong n~gala'y natatampoc
cung baga sa sing-sing ang calugod lugod
na iniuang buhay n~g hindi natapos
Julieta't Romeo sa bayang sigalot.

  Naguing para ca mang mut-yang punong ning-ning
pinag-agauanan at nasalin salin
sa iba at ibang liping nagsisupil,
n~gunit ang sintahang tunay sa iyo'y supling.

  Guinamit man cahit sa pagcacapatid
n~g iba mong anac ang dahas n~g caliz;
n~gunit anac mo rin ang nagpatahimic
at nag-iuang sa iyong pan~galang malinis.

  Ang may pagtataca sa aba'y matulad
lalo sa pag auit nagtumiis puyat
Verona, ang iyong catamisa't saclap
sa dili-dili cong alin ma'y calangcap.

  Bati niyaring puso, Veronang mariquit,
sa n~gayong na tapos sandaling ilaquip
gauang sa talagang DILAG niyaring auit
sa pagcat aco man cugcop n~g pag-ibig.

  Ang may catunghayan umanhin ay sicat,
at acong may sala sa limot isadlac:
capatac na luha n~g sa pusong lagac
sa hangang libin~gan n~g SINTAHANG UAGAS.


ANG TUMULA


MGA TALABABA:

[1] Julio nang taong 1900

[2] Compañia ó bacasan nang mañga ilang anac nang dalaua sa
malalaquing naciones at isa sa maliliit.

[3] Mahal cong Bayan, ang Filipinas.

[4] Sa gaua nang iba ang hanap nang dun~gu ó mapagpaham, ay camalian ó
dapat ipintas; ang sa marunung, cainaman ó sucat paquinaban~gan.

[5] Verona, isa n~gayon sa mañga magagandang Ciudad nang Cahariang
Italla, sa dacong Amihanan. Ipinundar nang mañga taga Galia ó Etruria.
Pagana nang Emperador Tito nang 82, taon nang cumapal, ang balitang
anfiteatro sa Verona, na pinagtatagan nang piesta ó iba pang catouaan
nang bayan. Ang Verona'y naguing sabana nang maraming digma. Nang
taong 312 tinalo ni Constantino; at nahulog din sa capangyarihan ni
Teoderico el Grande nang masupil niya si Odoacer na Hari sa Italla
nang ica 27 nang Septiembre nang 489. Nang 774 sinalacay nang
caunaunahang Hari sa Franciang si Carlomagno. Nang 1260 nahalal na
Podesta ó Taga pamahalang Ciudad si Mastino della Scala, at
nañgaghalinhinan ang caniyang mañga ancan na cung tauaguin Scaligeri
hangang sa 1387 na sila'y talunin sa digma nang Viscondeduque sa Milan
(isa sa mañga ancang Scaligeri ang Principeng Taga pamahalang Ciudad
sa Verona sa panahong tinahac niyaring auit). Nang 1405 quinongquista
nang Venecia at pinamahalaang maicling panahon ó hangang sa ica 3 nang
Junio nang 1796 na sila'y talunin nang General frances Massena.
Malapit sa Verona napipilan cay Cárlos Alberto de Cerdeña ang mañga
taga Austria nang ica 6 nang Mayo nang 1848. Ang Verona ay naguing isa
sa apat na matitibay na moog nang Austria at pinañgalanang
cuadrangulo, pagcat nacapasico ang bauat panig nang pagcatabas salop
nang cuta, at gayo'y siyang catibayan sa digma; at dito rin nang ica
12 nang Julio nang 1859 sa isang Orden del dia, ipinahayag nang
Emperador Francisco José nang Austria ang boo niyang pag-ayos sa layon
nang caramihan nang bayan na nanghihimagsic laban sa hindi macasundong
caniyang pamamahala; at sa cayo'y calaquip ang pasasalamat sa munting
bahagui nang bayan at hocbong caniyang caayon. Ang Verona'y nasanib sa
cahariang Italla na ninanasang sumacop sa caniya mula nang ica 16 nang
Octubre nang 1866, at nang ica 18 nang Noviembre nang taon ding ito,
ang Hari sa Italla tinangap na ipinagidiuang nang may 70,000 catauo sa
naturang anfiteatro. Nang taong 1877 natuclasan sa malapit sa Verona
ang humuguit sa 50,000 salaping may larauan ni Galeno't iba pang mañga
emperadores at ang caramiha'y tangso. Nang 1881 ang cabilan~gan nang
namamayan sa Verona ay 60,768.

[6] Tibaldo, ito ang pan~galan n~g causap, ó lumapastagang uica cay
Benvolio.

[7] Lorenzo, Fraylen Franciscano.

[8] Mantua, ay capit ciudad nang Verona at n~gayo'y sacop din nang
Italla. Ang Mantua'y na sa lupang Etruria at sa caniyang calapit
ipinan~ganac ang cabantug-bantugang poeta latinong si Publio Virgilio
Marón sa taong 70 bago lumitao si Jesucristo (namatay sa ciudad nang
Brit dis, Lalauigan nang Tierra de Otranto nang taong 19 bago inianac
si Jesucristo). Ang Mantua pinamahalaan nang man~ga Gonzaga, na man~ga
lords (mababang caunti sa Conde) sa Montua rin, mula sa taong 1328
hangang sa 1708 na sinalacay nang Emperador José I. Dahilan sa ualong
buang pagcacubcob ay sumuco sa man~ga franceses nang ica 2 ang Febrero
nang 1797; nasupil din nang Austria at Rusia nang ica 30 ang Julio
taong 1799 sa hindi naglaong pagcacubcob. Pagcatapos nang batalla sa
Marengo nang ica 14 nang Junio nang 1800 nabaui na naman uli nang
man~ga franceses. Ang Mantua'y nalaquip sa cahariang Italla hangang sa
1814, taong pagcapanumbaling sa Austria, at nito'y pinasacop uli sa
Italla nang ica 11 nang Octubre nang 1866, pagtitibay nang paz ó
cahinusayan.

[9] Ilao, ito ang dala-dala ni Romeo, n~g masoc sa libin~gan.

[10] Ilao ito rin ang dala-dala ni Romeo n~g masoc sa libin~gan.

[11] Miserere mei Deus, cahuluga'y: caauaan mo aco Dios co

[12] Ang pagcasasabi ay inalibing sa Libiñagin nang man~ga Montesco.





*** End of this LibraryBlog Digital Book "Ang Sintang Dalisay ni Julieta at Romeo" ***

Copyright 2023 LibraryBlog. All rights reserved.



Home