Home
  By Author [ A  B  C  D  E  F  G  H  I  J  K  L  M  N  O  P  Q  R  S  T  U  V  W  X  Y  Z |  Other Symbols ]
  By Title [ A  B  C  D  E  F  G  H  I  J  K  L  M  N  O  P  Q  R  S  T  U  V  W  X  Y  Z |  Other Symbols ]
  By Language
all Classics books content using ISYS

Download this book: [ ASCII | HTML | PDF ]

Look for this book on Amazon


We have new books nearly every day.
If you would like a news letter once a week or once a month
fill out this form and we will give you a summary of the books for that week or month by email.

Title: Patnubay nang Cabataan ó Talinhagang Buhay ni Eliseo at ni Hortensio
Author: Tuason, Joaquin, 1843-1908
Language: Tagalog
As this book started as an ASCII text book there are no pictures available.
Copyright Status: Not copyrighted in the United States. If you live elsewhere check the laws of your country before downloading this ebook. See comments about copyright issues at end of book.

*** Start of this Doctrine Publishing Corporation Digital Book "Patnubay nang Cabataan ó Talinhagang Buhay ni Eliseo at ni Hortensio" ***

This book is indexed by ISYS Web Indexing system to allow the reader find any word or number within the document.



thanks to Elmer Nocheseda for providing the material for
this project. This ebook edition was typed page by page
from digital images taken of the book which was too fragile
to scan.



[Transcriber's note: Two diacritical marks on g were used by the
original publisher of this book. We have marked breve g as [)g] and
tilde g is marked as ~g.]

[Paalala ng nagsalin: Dalawang klaseng tuldík ang ginamit sa g ng orihinal
na naglimbag ng librong ito. Minarka namin ang breve g na [)g] at ang
tilde naman ay minarka ng ~g.]



PATNUBAY NANG CABATAAN

Ó

TALINHAGANG BUHAY

NI

ELISEO AT NI HORTENSIO

NA QUINATHA

NI JOAQUIN TUASON

nang may cunang uliran ang sinomang babasa.

Inihandog sa calinislinisan at lubhang

MAPAGCALIÑGANG PUSO NI MARÍA

Sa dulo,i, linag-yan nang isang pagpupuri

CAY S. LUIS GONZAGA

TAÑGING PINTACASI NANG CABATAAN

May lubos na capahintulutan


MANILA

Establecimiento Tipográfico de Modesto Reyes y C.^{a}

Salcedo núm. 190 (Sta Cruz)

1901



¿Quod mimus Reiplublicae majus, meliusve
affere possumus, quam si docemus, atque
erudimus juventutem? Cic. II, de Div.



SA CALINIS-LINISAN AT LUBHANG MAPAGCALIÑGANG PUSO NI MARÍA


  O _Pusong_ hindi man nalahirang libag
nang sala ni Adang minana nang lahat,
magsaganang bucal na di na-aampat
pagdaloy nang aua
sa balang dumulog na napalilin~gap.

  Cutang sadyang tibay na nacababacod
sa canino pa man palaring pacupcop,
mariquit na jarding hindi mapapasoc
nang lalong pan~gahas,
sucab na caauay at may budhing hayop.

  Oh daong ni Noé, na pinagpitagan
nang gahasang tubig sa mundo,i, gumunao,
tantong maliligtas sa capahamacan
ang lumulang tauo,
cahima,t, busabos na macasalanan.

  Gayon ma,i, ang lalong iyong quinucupcop
ang napa-aauang malinis na loob,
ipinan~gan~ganib ang lubhang marupoc
na catauang lupa
na sa ati,i, laguing naquiquihamoc.

  Caya ang samo co, _Pusong_ lubhang uagas;
aco,t, ang babasa,i, tapunan nang lin~gap,
na houag itulot cami,i mapahamac
habang nabubuhay
sa balat nang lupang lipos nang bagabag.

  Mapagpalang Ina,i, iyong calin~gain
aco nang _Puso mong_ lubhang mahabaguin;
houag pabayaang quita ay purihin
sa mundo, at saca
doon sa cabilang buhay caaua-yin.

  Cundi ang luhog co,i, yaring pagdiriuang
n~gayon sa dan~gal mo, buti,t, cariquitan,
lubos na lumagui habang aco,i, buhay
at hangang sapitin
yaong bayang puspos nang caligayahan.


JOAQUIN TUASON.



Sa mañga dalagang babasa nito.


  Cung capanahunan nang pamumucadcad
nang balabalaqui na man~ga bulaclac,
sa mata at puso,i, nagsisipag-gauad
nang caligayahang lubhang aliualas.

  Di sucat masabi ang pagcacalin~ga
nang baua,t, may-ari na nag-aalaga,t,
baca cun malanta ang pananariua
tambing na malagas, lumagpac sa lupa.

  Sapagca n[)g]a,t, cayo ang nacacatulad
nang aquing binanguit na man~ga bulaclac,
at capanahunan nang pamumucadcad
nang sigla nang iyong catauang marilag.

  Sa arao at gabi pauang caaliuan
sa iyo ay halos ang pumapatnubay,
ang dusang mapait bahag-ya na lamang
ihandog ang caniyang lilong caban~gisan.

  Ang masayang tinig nang man~ga música
ay iguinagauad sa inyo touina;
sa bayan ó nayon, cayo ang ligaya
anopa,t, cauan~gis nang man~ga sampaga.

  Alin mang ligaya anaqui ay culang
cundi macasama ang cadalagahan,
malungcot ang bahay, ualang cahusayan
ito,i, hindi sucat ipag-alinglan~gan.

  Cayo n~ga ang laguing hinahanap-hanap
nang ibig cumita nang maguiguing palad;
baga ma,t, cung minsa,i, napapauacauac
ang mapanibulos sa inyo,i, lumiyag.

  At cayo rin naman ang guinagauaran
nang labis na puri at lampas na galang,
sa inyo ay madla ang nag-uunahan
sumunod nang baua ninyong maibigan.

  Bagama,t, marahil ang inadhica,i,
ang bun~ga nang inyong pagcapan~ganyaya,
cahima,t, di ninyo sinasapantaha,t,
malayong malayo uari sa gunita.

  At sa inyo naman aquing inihandog
yaring duc-hang gugol nang isip na capos,
marapatin nauang tangapin nang loob
ang inadhica co na icalulugod.

  Sa oras na tila ibig mamanglao
ang dibdib na gaui sa caligayahan:
at nang sa pagbasa ay houag manamnam
ang saclap na gauad nang capighatian.

  Bumabasang irog, houag ipagtaca
ang lagda nang aquing mabagal na pluma
sa gusot na hanay acalain mo nang
sa salat ay ¿anong hahanapin baga?

  Inaasahang cong mayroon din naman
na puputihin cang bun~ga,t, paquinabang,
at houag man[)g]amba sa catitisuran
na macarurun~gis sa pusong dalisay.

  Sa may tauang uica na parang aglahi
ang magandang aral parang itinahi
at sa di nangyaring buhay ay nagbinhi
nang isang maayos na pag uugali.

  Cung baga,t, mabuti ang iyong matunghan
Dios ang purihin at pasalamatan;
n~guni,t, cung masama nama,i, cahabagan
ang laqui nang aquing hindi carunun~gan.



PASIMULA


  Sa tabi nang isang malauac na dagat
na pinanununghan nang bundoc at gubat,
may isang lalaquing doo,i, lumalacad
ulol ang cauan~gis, ualang tinatahac.

  Sa lagay nang anyo,t, mapanglao na muc-ha
mapagquiquilalang may dinaralita,
ang buntong hinin~gang hindi quinucusa
nag-aabot-abot na uala nang tila.

  Ang pananamit pa,i, ualang munting ayos
at basa nang pauis sa harap at licod,
hindi anumana munti man sa loob
ang init nang arao na catacot-tacot.

  Mariquit na buhoc gulong gulong lubha
anopa,t, mistulang guinusot na cusa,
at namamalisbis na manacanaca
sa mata ang lalong mapait na luha.

  Anaqui ay ualang matutuhan gauin
lalacad nang munti, at saca titiguil,
uupo sa cahoy, papagdadaupin
ang dalauang camay, labi,i, cacagatin.

  Itong tauong lipos nang dalita,t, dusa,i,
marilag ang tindig na caaya-aya,
ang tabas nang muc-ha,i, caliga-ligaya
at buháy na buháy ang daluang mata.

  Noo,i, maliuanag, malago ang buhoc,
mapula ang pisn~gi, ilong ay matan~gos,
ang guitling nang liig ay calugod-lugod,
daliri,i, maliit at sadyang bibilog.

  Ang dibdib ay buo, paa ay cabagay
nang ugaling laqui nang pan~gan~gatauan,
malicsi ang quilos; n~guni,t, namamasdan
na nahahalo rin ang cabanayaran.

  Sa caniyang lagay ay mapaghuhulo
na may catiisan siyang catutubo
baga ma,t, cung minsan ay tila susuco
sa dahas nang dusang nanaca sa puso.

  At sa muc-ha niya,i, mapag-uunaua
nang macaquiquitang siya,i, batang bata
cahit nalilipos nang hindi cauasa
at lubhang maban~gis na pagdaralita.

  Sa guitna nang saquit niya,t, pag-iisa
humahanap mandin nang macacasama,
ang boong acala ay cung maihin~ga
maiisban-isban ang tindi nang dusa.

  Di caguinsaguinsa siya,i, nacarinig
nang yabag nang paa sa dacong malapit,
agad natilihan, at ang sumaisip,
ito,i, capara cong may sucal sa dibdib.

  Mapamaya maya lamang ay naquita
ang quinaugitlahang hinabol nang mata,
pagdating sa harap niya ay nagbadya
«¿Eliseo,i, baquit, at narito ca?»

   «Salamat, Hortensio, catoto cong liyag
at natagpuan mo acong lipos hirap,
sa lagay na yari ay humahaguilap
nang isang gaya mong may loob na tapat.

   «At aquing bubucsan laman niyaring dibdib
na pauang dalita,t, suson-susong hapis,
diua ay uala nang lunas na macapit
sa binilogbilog nitong sang daigdig.

  «Caya naparito,i, aquing linilibang
ang dusang habilin nang mama cong hirang,
tila tumatangui sampong calan~gitan
umalio sa aquing pusong nalulumbay.»

  «Houag magca-gayon, anang bagong dating,
laganap ang aua nang Dios sa atin:
pacaasahan mong hindi magmamalio
ang dating calin~ga sa nahihilahil.

  «Caya sabihin mo ang puno at ugat
niyang dalita mong sa muc-ha,i, nalimbag:
isinusumpa cong caramay mo, liyag,
ang bagong catoto, bagama,t, di dapat.

  «At cung sacali ma,t, sa sang lingo lamang
pagquiquilala ta, Eliseong hirang,
sumapanatag ca,t, iyong namamasdan
ang uri nang aquing pag-ibig na tunay.

  «Tahas na uica cong malayong di palac
sa abang Hortensio ang gauang magsucab,
lalo,t, sa para mong sa aqui,i, nagligtas
doon sa nagnasang buhay co,i, mautas.

  «Yaring boong buhay alan~gan pa mandin
ibayad sa iyong paglin~gap sa aquin,
dahil sa tulong mo,i, siyang nacapiguil
sa camatayan cong biglang sasapitin.»

  «Cung gayo,i, halica,t, tayo,i, mag-agapay
sa lilim nang cahoy na lubhang malabay:
di lamang ang dusa cundi boong buhay
ang sasalitin co,i, mangyaring paquingan.

  «At ligaya co nang iyong matalastas
ang buhay na yaring silo-silong hirap,
nang ang paglin~gap mo,i, siyang maguing lunas
na lubhang mabisa sa pusong may sugat.



CAPÍTULO I.--_Ang magandang asal na dapat pasimulan mula sa
cabataan_.


  «Sa Limang[1] capital nang Perúng calac-han
masaganang ciudad nang maraming yaman;
siyang naguing palad na quinamulatan
niring man~ga matang sa pagluha,i, laan.

  Nanariua n~gayon dini sa gunita
ang camusmusan cong quinandong nang toua;
man~ga magulang co,i, ang laquing adhica
masunod ang aquing balang ninanasa.

  Caya,t, ang uica co,i, sa buhay nang tauo,
oh catotong ibig, guilio na Hortensio,
ay maicacapit ang n~galang paraiso
sa buhay nang batang bago pa sa mundo.

  Sapagca at ualang munting ala-ala
sa gutom at puyat, sa dusa,t, pan~gamba;
loob ay payapa, laguing nagsasaya
sa inang candun~gan na nagcacalara.

  Ang lahat nang bagay sa sang daigdigan
pauang naghahandog nang caligayahan,
di nagugunita yaong camatayan
quiquitil nang buhay sa sang catauhan.

  Balang macaquita ay nan~galulugod
at catuoa-toua ang lahat nang quilos,
pagca palibhasa,i, malinis ang loob
at ang cumacasi,i, ang gracia nang Dios.

  Ganito ang aquing dinaanang buhay
nang cabataan co cay inang namatay:
¡oh cung mangyayari sanang pagbalican
ang cauili-uili,t, mapalad na arao!

  Di co na nalasap ang layao cay ama,
yayamang hindi co siya naquiquilala,
icalauang taon nang edad cong dala
siyang pagcamatay aco,i, nan[)g]ulila!

  Nang aquing sapitin icapat na taon
pan~gun~gulila co,i, lalo pang nag-ulol,
ang masintang inang lubhang mapag-ampon
binauiang buhay nang Dios na Poon.

  Sa pagpipighati di lubhang nalugmoc,
palibhasa aco,i, cabataang puspos,
natuyo ang luhang sa mata,i, naagos,
ang ama co,t, ina,i, lubos na nalimot.

  Naguing parang ama na nagcacalin~ga
capatid na bunso nang ina cong mutya,
ang pagpapalayao ay cahan~ga-han~ga
sa palad cong yari na napaca-aba.

  Ang mama cong ito,i, isang bagong tauo,
ang edad na dala ay dalauang puo,t, pito,
may loob matanda at di nagugulo
sa man~ga dalagang paroo,t, parito.

  Pan~gala,i, Prudencio, banayad ang asal
at sampo nang quilos ay hindi magaslao,
mahusay man~gusap naman at magalang
sa cahima,t, sino na macapanayam.

  Ualang pan~galauang magturo,t, humatol
sa nasasalatan, para co n~ga n~gayon,
dunong na umalio sa nalilingatong,
sa ulila nama,i, lubhang mapag-ampon.

  Sa boong maghapo,i, hindi nauaualan
nang quinacalin~ga na caabalahan,
at namamahala sa naiuang yaman
nang man~ga nuno cong caniyang magulang.

  Pagdating nang gabi aco,i, tinatauag,
at tinuturuan nang gagauing dapat,
caya sa puso co,i, dili nacacatcat
ang aral nang aquing mamang liniliyag.

  Nang aco,i, arala,i, bata pang maliit
nang dapat asalin nang tauong may bait:
pinan~gun~gunahan aco sa pagsambit
sa n~galan nang Dios, lumic-ha nang lan~git.

  Sa touing umaga, ay bago co lisan
ang lubhang malambot na aquing hihigan,
unang babatii,t, pasasalamatan
ang lan~git sa dilang biyayang quinamtan.

  Pinag-iin~gatan ang bata cong dibdib
na houag sayaran nang sa salang dun~gis,
at lagui na acong pinapananalig
sa aua ni Mariang Inang matangquilic.

  Tacot ay di gayon nang mama cong irog
aco ay mahilig sa may lasong lugod,
na ipinapain sa bata cong loob
nang marayang mundong madaling matapos.

  At sa aquing puso ay ipinupunla
pagsinta sa Hari nang lan~git at lupa,
gayon sa sarili, at sa tauong capoua,
saca ang maganda,t, loob na payapa.

  Halay ay di gayon, nitong mama co,
nang batang lagui nang naquipagtalo,
palalong man~gusap, anaqu,i, demonio,
ualang munting aua sa capoua tauo.

  Dila,i, tampalasa,t, ualang pacundan~gan
sa matandang tauo,i, hindi gumagalang,
ang masamang bibig binubuca lamang
ay ang sinasabi,i, di na-aalaman.

  Ang pagbubulaa,t, pag-uupasala,
paninirang puri, paglibac, pagcuta
at iba pang sin~gao nang masamang dila
inuulit-ulit na ibinabala.

  Di mamacailang sabihin sa aquin
na ang catamara,i, aquing susupilin,
at hangang bata pa,i, dapat hiratihin
sa pagod at puyat ang catauan co rin.

  Ang tauong touina,i, ualang guinagaua
sa boong maghapon cundi magsalita,
sa nacaquiquita ay cahiyahiya,
at nacamumuhi sa loob nang madla.

  Cataua,i, masagal, di paquinaban~gan
tungcol sa gagauin na may casaysayan,
paroo,t, parito siyang catungculan
at ang inuuncat buhay nang may buhay.

  Ang ganitong asal ay tantong malapit
sa madlang dalita, hirap at pan~ganib,
pagca palibhasa,i, hindi iniisip
ang huling sandaling sasapiting pilit.

  Inaalintana,t, di nahihinayang
sa arao, at oras na nacararaan,
sa toui-touina,i, tila namamanglao
at ualang magaua na anoman lamang.

  Tayong nauiuili sa pagsasalita
nang bago at bago na man~ga balita:
¿ano caya bagang ating mapapala
sa buhay na itong dapat icacutya?

  ¿Dili natin tanto,t, darating na pilit
ang arao at oras, na tacda nang lan~git,
na hihin~gan tayo nang cuentang mahigpit
sa tanang guinauang buctot at matouid?

  Tayo na n~ga lamang ay napararaya
sa hiling nang ating catauang masama;
ang mama mong imbi unang una na n~ga:
¡iyong patauarin Dios na daquila!

  Di pa sucat ito ay idinuructong
parang pahimacas sa lahat nang hatol,
icao ay bata pa,i, dapat na magtipon
nang magandang asal habang may panahon.

  At nang cung tumandai,i, houag cang magsisi
sa di carunun~gan nang bait mong imbi,
at pag nagcataon masasabisabi
dica tinuruan nang gauang mabuti.

  Anopa,t, sa aral nang mama cong ibig
nabubucsan naman yaring pag-iisip,
saca unti-unti nanasoc sa dibdib
ang sintang dalisay sa Hari nang lan~git.»

  Capagdating dito,i, nag-uica pagcouan
itong si Hortensiong parang napamaang:
«pasalamatan mo yaong calan~gitan,
ang naguing mama mo,i, dunong na umaral.»

  Sa cay Eliseo namang isinagot,
«di co linilimot ang aua nang Dios,
palalaguiin co hangang sa malagot
ang tan~gang hinin~ga,t, buhay co,i, matapos.»



CAPÍTULO II.--_Ang pinagcautañgan nang buhay._


  «Isa namang gabi,i, aco,i, quinauayan
nang guilio cong mamang labis na magmahal,
aniya,i, dinguin mo ang ipagsasaysay
cun sa natutulog ay parang pamucao.

  Pacatandaan mo ito at iguhit
sa caibuturan nang puso at dibdib,
at isa sa samong utos niyong lan~git
sa lahat nang tauo nitong sangdaigdig.

  Icao ay bata pa niyong camatayan
nang masintang ama,t, inang mapalayao:
houag mo rin, bunso, namang calimutan,
iyong idalan~gin sila nang mataman.

  Liban na sa Dios bilang pan~galaua
dapat na suyuin ang ama at ina,
igalang at sundin utos na bala na
at houag bibig-yan anomang balisa,

  Ang uica ni Platon,[2] filosofong paham,
ay Dios sa lupa ang man~ga magulang,
pagca,t, pan~galauang pinagcautan~gan,
nang tauo sa mundo nang in~gat na buhay.

  Ang sila,i, igalang tantong nararapat,
suyo at pagdama,i, laguing igagauad,
tuloy abuluyan sa madlang bagabag,
pighati,t, dalita, ó anomang hirap.

  At ang man~ga anac na nagsisigalang
sa canicanila na man~ga magulang,
tantong naghahanda nang caguinhauahan
dito,t, saca doon sa cabilang buhay.

  Dapoua,t, ang lilo na may asal ganid
sa man~ga magulang culang nang pag-ibig,
dito pa sa lupa,i, lalasap na pilit
nang pait nang dusa,t, saclap nang hinagpis.

  Para nang nasapit niyong si Absalon
nasabit ang buhoc sa puno nang cahoy
at doon namatay: ¡Oh parusang ucol
niyong calan~gitan sa may pusong gayon!

  Ang nasapit naman niyong ualang galang
na anac ni Noè na pan~galan ay Cam,
siya,i, naruhagui sampong boong angcan,
sa canilang muc-ha sumpa,i, napaquintal.

  Caya, Eliseo, cung tanto mong ibig
na ang iyong buhay sa mundo,i, lumauig,
man~ga magulang mo,i, mamatay man cahit
sa lupa ay houag catcatin sa dibdib.

  Yamang hindi na mangyayari naman
ang paglingcuran mo sila at igalang,
iyong idalan~gin sa Poong may capal
caloloua nilang sa mundo,i, pumanao.



CAPÍTULO III.--_Ang hiyas nang isip._


  Icapitong taon nang aco,i, sumapit,
na capanahunang pagsilang nang bait,
tantong minarapat nang mama cong ibig
sa isang maestro aco,i, ipahatid.

  Ang n~gala,i, Pancracio, pan~galauang Mentor[3]
cung sa cabaita,t, gayondin sa dunong,
siyang minabuting sa aqui,i, mag-ampon,
magturo,t, umaral nang gagauing ucol.

  Sa anyo at muc-ha parang naquiquintal
ang caguilio-guilio na magandang asal;
at sa bahay niya,i, aco,i, pinatahan
yamang nalalapit ang caniyang bayan.

  Minulan na niyang tiquis isinabog
ang lunas na aral sa bata cong loob,
at sa aquing bait ay ipinapasoc
yaong carunun~gang camahala,i, puspos.

  N~guni,t, pahintulot niya ang maglibang
sa capoua co batang nagsisipag-aral,
at isa n~ga rito,i, naguing caibigan
mahiguit sa isang capatid na tunay.

  Pan~galan ay Fidel, matalinong bait
pandac na lalaqui,t, mariquit ang voces,
quinauiuilihan nang balang dumin~gig
ang lubhang maayos niyang pagsusulit.

  Mapusoc ang loob, lubhang salangapan
ang aquing napiling unang caibigan;
datapoua,t, dahil sa mabuting aral
ay cabaitan din ang namamag-itan.

  Puso,i, bahag-ya na dalauin nang sindac,
anaqui ay laguing nasa sa panatag,
inaalintana anomang bagabag,
caya n~ga,t, malapit sa pagcapahamac.

  Pagca,t, ualang hantong sa balang maisip
at dili gunita anomang pan~ganib,
houag lamang hindi masunod ang nais;
n~guni,t, sa hatol co,i, siya,i, naquiquinig.

  Ang ugaling ito ay binagong cusa
nang naturang Fidel, aquing cababata
mulang mapag-uari niya,t, maunaua
na sa cotouira,i, tantong nalilisiya.

  Aquing quinasama habang nag-aaral
ang tapat na loob na catotong hirang;
dito nalathala yaong catalasan
nang isip ni Fidel na quinahan~gaan.

  Aming iniraos ang pagsusumaquit
nang maliuanagan ang malabong bait:
lacad nang bituin aming iniisip,
saca ang sa arao na laguing pagliguid.

  Ang lahat nang bagay nating natitingnan
sa balat nang lupa na may caramdaman:
ang tauo,t, ang hayop, at ang uala naman
na para nan bato at man~ga halaman.

  Gayon din n~ga naman yaong man~ga diua
na ualang cataua,t, espiritung paua:
ang Hari sa Lan~git na di matingcala,
caloloua nati,t, Angeles na madla.

  At itinuturo nang maestro namin
ang ugaling dapat sa mundo,i, asalin:
na _ang catouirang aalinsunurin;
ang masamang gaui nama,i, susupilin_.

  Ang tatlong daquila nating catungculan:
una ay sa Dios na dapat igalang,
at sintahin lalo sa lahat nang bagay,
itanim sa puso habang nabubuhay.

  ¿At paano cayang hindi iibiguin
yaong cagalin~gang ualang macahambing?
malauac na dagat na hindi malining
nang lalong mataas paham na Querubin.

  Ang caniyang sinta,i, laguing nag-aalab
sa linic-hang tauo na aliping hamac,
na pinapanaog ang bugtong na Anac
sa caalipinan nang tayo,i, maligtas.

  Tungcol sa sarili pan~galaua bilang
nang aquing sinabing man~ga catungculan,
pag-in~gatan baga,t, mahalin ang buhay;
n~guni,t, lalo pa n~ga yaong ualan hangan.

  Saca ang icatlo,i, pag-ibig sa capoua,
tulun~gan sa dusa, pighati,t, dalita:
di co na sayuri,t, lalauig na lubha
ang itinuturong cagalin~gang paua.

  Sa oras nang aming pagpapahin~galay
sari-saring laro,i, pinag-aaliuan,
na may tumutula,t, may nag-aauitan:
tignan mo ang aquing sa Virgen ay alay:



«_Pag-asa sa Ina nang aua._»

  «Icau na tacbuhan niyaring abang puso
»sa anomang dusa na sumisiphayo,
»sa lilim nang iyong ampo,i, nagtatago
»itong alipin mo, taglay ang pagsuyo.

  »Icao ang ligaya cung aco,i, malumbay,
»matibay na moog niring cahinaan,
»saclolo cong tan~gi sa capan~ganiban
»at sa aquing isip ay caliuanagan.

  »Icao ang tinudlá nang aquing pag-irog,
»bilang pan~galaua nang anac mong Jesus,
»pagsambit sa iyong n~gala,i, naghahandog,
»sa puso nang lalong dalisay na lugod.

  »Icao ang maestra nang di carunun~gan,
»mabisa cang lunas nang saquit na tanan,
»masaganang batis na binubucalan
»nang tubig nang graciang mapagbigay buhay

  »Dahilan sa iyo,i, ang bayan nang hirap
»ay inaari co na Edeng[4] mapalad,
»mahina cong loob ay mapapanatag
»sa huling sandali na casindac-sindac.

  »Dahil sa tulong mo ay madadalisay,
»lilinis ang pusong sa dilag mo,i, alay;
»ang bininhing sinta,i, iyong alalayan
»nang houag malanta magpacailan man.

  »Dahilan sa iyo,i, mapapauing pilit
»ang ulap nang ibang sintang maligalig,
»lulucso ang diuá, tatahip ang dibdib
»sa caligayahan na gauad nang lan~git.

  »Hangan dito, Ina,t, ticang pagtamanan
»pagpuri sa iyong man~ga cagalin~gan;
»di linilimot naman ang pag-galang
»sa iyong Esposong calinis-linisan.»

  Ano,i, nang matapos ang pagbasa nito;
tila mabuti na, uica ni Hortensio,
na tayo,i, umoui, at sa cuarto mo
ay ualang dirin~gig cundi lamang aco.



CAPÍTULO IV.--_Cung ano ang buhay siyang camatayan_.


  Sa bahay nang isang laqui,i, ugali,
pinto,i, bahag-ya na nabuc-san nang munti,
at sa loob nito ay may natatali
isang asong galgo na nacalupagui.

  Sa lual nang bahay may isang halaman
na di co masabi cung ano ang n~galan,
daho,i, malalapad, san~ga,i, malalabay
at ang isang silid ay nalililiman.

  Sa lupa,i, nagcalat na lumilipana
yaong tinatauag nating macahiya,
ito,i, tumutungo,t, nan~gan~gayupapa
sa capoua damo, anang man~ga bata.

  Nang isang tanghali mana ay pumasoc
dalauang binatang tumatacbo halos,
sa pauis nang muc-ha,t, hin~gang nan~gan~gapos
mapagquiquilalang malaqui ang pagod.

  Ang dalauang ito,i, di co na sabihin
at quilala mo na, bumabasang guilio,
ating pabayaan cung anong gagauin,
salitaan nila,i, pilit tatapusin.

  Di naghantonghantong camunti man lamang
nagtuloy pumanhic sa naturang bahay,
at ang isang silid agad na binucsan
at capagcapasoc ay muling sinarhan.

  Nag-upuan sila,t, tica,i, mag-uusap
sa dalauang silla na nagcacatapat,
isa sa canila,i, pagdaca,i, nan~gusap:
ganito ang dinguin, bumabasang liyag.

  Ani Eliseo sa catotong ibig,
labing ualong taon ano,i, nang sumapit,
dumating ang isang sulat na pahatid
niyong aquing mama, ganito ang sulit:

  »Guilio cong pamanquin, yaring carain~gan
»ay talastasin mo at panain~gahan,
»na cung mangyayari,i, muling pagbalican
»ang bahay na itong iyong quinaguisnan.

  »Tanto mo na, bunso,t, aco,i, nag-iisa
»ualang magcalin~ga baquit matanda na,
»icao ang pangdugtong nang tan~gang hininga
»at caligayahan nang dalauang mata.

  »Icao ang tuncod cong pan~gun[)g]unyapitan
»nang mahinang lacas niring catandaan
»at cung ang buhay co,i, malapit nang manao
»sa man[)g]a camay mo nasa cong mamatay».

  Nahambal ang aquing puso sa pagbasa
nang liham na lagda nang boong pagsinta,
caya n~ga,t, niyon din aquing pinasiya
na ganaping agad ang caniyang pita.

  Linisan co na n~ga iyong pag-aaral
at aquing tinun~go, ang iniuang bayan,
nang aco,i, dumating sa mama cong bahay
toua,i, dili gayon nang aco,i, mamasdan.

  At saca nag-uica, guilio cong pamanquin,
paquimat-yagan mo yaring sasabihin,
pagca,t, panahon nang dapat mong lasapin
ang pait nang dusang pamana sa atin.

  Nang nunong si Adan na pinatamaan
nang sumpa nang Hari nang sangcalan~gitan,
_na sa iyong pauis_, aniya,t, _capagalan
doon mo cucunin ang icabubuhay_.

  Munti man ay hindi nagdamdam nang hapis
yaring aquing puso sa gayong narinig,
sapagca n~ga,t, tantong ayon sa matouid
ang caniyang aral na ipinagsulit.

  Bagcus pa n~gang aquing pinasalamatan
ang paglin~gap niya sa aba cong buhay,
tuloy na tinicang siya,i, paglincoran
hangang may hinin~ga na iniin~gatan.

  Mangyayari caya ang maghinanaquit
sa hatol na lagda nang boong pag-ibig,
pagca,t, ang mama co,i, may tapat na dibdib
at lubhang marunog siyang magmasaquit.

  Nagsama na caming hustong pitong boan
niton~g amain cong labis na magmahal;
mana,i, isang hapo,i, nag-uica pagcouan:
«di na malalaon yaring aquing buhay.»

  Tila di mangyaring aco,i, maniuala
sa bagay na yaong caniyang uinica;
n~guni,i, niyong din cusang inihanda
ang naquiquinitang pagpanao sa lupa.

  Uala acong sucat na pagcaquitaan
nang icalalagot nang hinin~gang tan~gan;
malacas na lubha naman ang catauan,
bagama,t, ang muc-ha,i, uari namamanglao.

  Hindi co napiguil pagtulo nang luha
sa paglin[)g]ap niya touing magunita,
dinguin mo ang caniyang matamis na uica
udyoc nang malaquing pag-ibig at aua.

  «Itanim sa iyong puso at panimdim
»itong sa mama mong huling tagubilin:
»sa arao at gabi,i, houag lilimutin
»ang Dios na Haring lumic-há sa atin.

  »Ang pananagano sa Ina nang aua
»ay palaguiin mo sa puso at dila,
»siyang pagsacdalan sa hirap, dalita
»habang nabubuhay sa balat nang lupa.

  »At ang balang duc-hang sa iyo,i, dumulog
»ay paquitaan mo nang magandang loob,
»houag mahinayang masayang iabot
»ang macacayanang ipagcacaloob.

  »Ang sinomang tauong may magandang asal
»siyang catotohing itan~gi sa tanan;
»puso mo,i, cung baga,i, may capighatian
»ay maguiguing lunas at caguinhauahan.

  »At sa balang sucab magpacailag ca,
»pagca,t, ang casaman ay nacahahaua:
»iyong hihiran~gin ang macacasama
»nang di ang buhay mo ay mapalamara.

  »Cung magca utang cang loob sa sinoman
»ay iyong gantihin nang loob din naman:
»ang na sa sacuna,i, agad saclolohan
»mayaman ma,t, duc-ha ó cahit caauay.

  »Icao na bunso co, bahalang maglining,
»yamang batid mo na masama,t, magaling,
»malibing man aco,i, houag lilimutin
»ang madla cong aral, ¡ay pamangquing guilio!

  »Bucod dito,i, dapat, yamang panahon na
»na icao,i, humanap nang macacasama,
»ang ibig co sana,i, maraos ca muna
»hangang aco,i, buhay matulun~gan quita.

  »¿Anong gagauin ta,i, ito na ang guhit,
»ito na ang hanga na taning nang lan~git?
»n~guni,t, ang bilin co,i, magpapaca-bait
»at ang pipiliin timban[)g]in sa isip.

  »Houag cang hihirang nang lubhang butihin,
»cundi yaong lalong timtima,t, mahinhin,
»pagca,t, aco,i, ayao n~g quequendeng quendeng
»lason sa mata co,t, nacaririmarim.

  »Hindi co rin ibig ang sumasagadsad
»laylayan nang saya ay puno nang lusac,
»anaqui,i, may buntot na quinacaladcad
»hayop na mistula ang nacacatulad.

  »Ang hahanapin mo,i, may loob sa Dios,
»banayad man~gusap at hindi mataros,
»ayao naman aco nang iin~gos-in~gos
»na sa tingnan lamang ay nacayayamot.

  »Cung baga sacali,t, icao ay macasal
»ang pagtitiis mo ay cararagdagan
»sa asaua,t, bayao, hipag at bianan,
»gayon din sa iyong boong casambahay.

  »Hangan dito aco,t, pagpalain ca rin,
»amponin touina nang mag-Inang Virgen,
»sa capayapaa,i, tantong palaguiin;
»at houag mo namang aco,i, lilimutin.»

  Pagcauica nito,i, nagtindig pagcouan,
umacbay sa aqui,t, napasahihigan,
saca nagpatauag isang paring banal
at ang tanang sala,i, ipinan~gumpisal.

  Mapamayamaya,i, aquing nahalata
siya,i, nalalagnat mainit ang muc-ha;
n~guni,t, hindi naman totoong malubha,
¿paano bagang ito,i, mamamatay caya?

  At ang médico mang sa caniya,i, tumin~gin,
malayong mamatay, ang uica sa aquin;
n[)g]uni,t, unti-unti naming napaglining
na tunay ang sabi na ipinagturing.

  ¿Sino cayang tauo ang hindi mamaang
sa lubhang magandang sa mundo,i, pagpanao?
totoo n~ga palang _cung ano ang buhay
ay siya ring hanga nama,t, camatayan_.

  At quinabucasan ay biglang naglubha
cataua,i, balisa,t, malatang malata,
hindi macaquiling sa cana,t, caliua,
at nagagaril na sa pagsasalita.

  Aco,i, pajesusan ang ipinagturing
at sa santo Cristo,i, mata,i, itinin~gin,
aniya,i, _sa camay mo,i, inihahabilin
yaring caloloua nang iyong alipin_.

  Nang mauica ito,i, siyang pagcalagot
nang tan[)g]ang hinin~ga nang mama cong irog,
ang puso co nama,i, parang pinaglabot
nang lahat nang dusa nitong sang sinucob.

  Nagsipagcatipon mapamayamaya
ang man[)g]a catotong dinatnang balita,
sila,i, para parang mata,i, lumuluha
sa panghihinayang na ualang camuc-ha.

  N~gayo,i, natapos na ang lahat mong hirap,
at ang humalili ualang hangang galac:
aco,i, iniuan mo na tiguib nang sindac
sa guitna nang mundong lipos nang bagabag.

  Lan~git ang gumanti sa iyong pag-ibig
nang ligayang hindi sucat na malirip;
aco,i, iniuan mo sa madlang pan~ganib,
¡oh pan~gun~gulila na cahapis-hapis!

  Di co na narinig cahit alin~gao-n~gao
nang iyong pagtauag na lubhang malayao:
aco,i, iniuan mo sa capighatian,
nacaisa-isa,t, ualang caaliuan.

  Anopa,t, sa aquin ay naguing camandag
ang pagpapalayao niya at paglin[)g]ap;
¡oh buhay na imbi at cahabag-habag!
¿saan ihahanga, lan~git, yaring hirap?

  Ito,i, siyang dahil nang aquing dalita
na dini sa puso,i, laguing umiiua:
¿batid mo na baga, catoto, ang mula
niring dalamhati at linuhaluha?

  Caya,t, cung ibig mo, hirang na Hortensio,
ay samahan mo na ang abang catoto,
upang matiuasay ang sinicdosicdo
niring gulong dibdib na di magcatuto.



CAPÍTULO V.--_Si Hortensio at ang pagcabaligtad nang mundo_.


  Ito,i, bagong tauo, na lalabing siyam
ang bilang nang taon na linalacaran,
naguing caquilala,t, laguing capanayam
niyong Eliseo sa caulilahan.

  Siya,i, unang bugtong na ipinan~ganac
nang inang si Florang di na nagcapalad
na hagca,t, calun~gin ang angel sa dilag,
caya,t, sa cay Fabiong ama ay nalagac.

  N[)g]uni,t, inihandog nang masintang ina
nang bago malagot ang tan~gang hinin~ga
sa mapagcalin[)g]a,t, lubhang macalara,
dalisay na Virgeng ualang bahid sala.

  Naiuan sa ama na caaua-aua,
salat sa ligaya,t, sa dusa,i, sagana,
naualay sa ina baquit batang bata
bagama,t, sa bait ay lubhang matanda.

  Dan~gang may capatid isang binibini
dito sa mag-ama ay siyang nag-iui:
pan~gala,i, Emilia, mahinhing babayi,
matalinong isip, daig ang lalaqui.

  Ang caniyang edad apat na puo,t, isa
na di nabighani nang pag-aasaua,
at sa boong loob tantong pinasiya
ihandog cay Jesus puso,t, caloloua.

  Bagama,t, marami niyong dacong arao
nabihag nang ganda niya,t, cariquitan;
dapoua,t, ang baua,t, magsabi nang pacay
hindi na macuhang muling ipagsaysay.

  Sapagca,t, pagdaca,i, cusang tinatapat
nang uicang mariing, conoua,i, banayad;
«Sa bagay na iyan ang hin~gi co,i, tauad
«at dini sa puso,i, lason at camandag.»

  Cung pinaliligoy ang pagsasalita
nang adhicang sinta ninomang binata,
agad sasagutin nang ganitong uica:
«Linauan po ninyo at nang maunaua.»

  Saca sasabihing masasayang lamang
tanang guguguling dusa,t, capagalan,
idinudugtong pa nang lalong tumibay:
«Ito,i, una,t, huling aquing casagutan.»

  At cung maramdamang ibig magtiyaga
di na paquiquita,t, magtatagong cusa,
cundi macaiuas sasabihing bigla:
«Sucat na sa iyo ang catagang uica.»

  Ito ang nag-iui dito cay Hortensio,
capatid nang amang pan~galan ay Fabio,
at sa isang pinsan ipinaquinuso,
ang batang ulila paglabas sa mundo.

  Icapitong taon ang edad nang bata
ay sa isang pare,i, ipinacalin~ga
mabait, marunong, at ang labi,t, dila
ay batis nang aral na cahan~ga-han~ga.

  Daquila ang toua mula nang mamalas
ang sa cay Hortensiong loob na banayad,
at ang cabaitang caguila-guilalas
anaqui,i, sinusong casama nang gatas.

  Lalo nang matantong lubhang mapagtiis
sa pagod at puyat, sa pighati,i, hapis;
at cahit mayroong maramdaming dibdib
ay hindi sumuco sa dahas nang saquit.

  Baquit parang sadya na itinalaga
nang lan~git sa madla,t, sari-saring dusa,
quinaguisna,i, lucsa,t, ulila sa ina
at ang caruc-haa,i, ualang pan~galaua.

  Sa lahat nang bagay ay capos na capos
sa canin at damit, sampong sa pagtulog;
sa tanang casama na sa paring lingcod
ay uala isa man na nagdalang lunos.

  Puso,i, nalipos nang lumbay at hapis,
ang luha sa mata,i, laguing nagbabatis,
naualay sa ama,t, aling nagtangquilic:
anopa at naguing hantun~gan nang saquit.

  May alagang pari sabihin ang aua,
dapoua,t, quinusang di nagpahalata,
nang lalong mauagas ang puso at diua,
luminis sa apoy nang madlang dalita.

  ¿Aling cabaitan ang hindi magmalio
sa guitna nang gayong hirap at hilahil,
n~guni,t, ang bayaning lubhang matiisin
dusa ay hindi man lamang naidaing.

  Capag dinadatnan anomang balisa
sa lan~git na lamang siya umaasa,
sa sariling loob ay ang uica niya
«Maguing bayad naua sa lahat cong sala.»

  Napagtanto mo na, bumabasang liyag
ang cay Eliseo na causap-usap,
caya naquilala,i, siya ang nagligtas
sa lubhang daquila na pagcapahamac.

  Sapagca,t, ang isang pamangquin nang pari,
Valerio ang n~galan ay may panaghili,
doon cay Hortensio,t, ang mula at sanhi
dahil sa dalagang sa iba,i, natan~gi.

  Sari-saring bagay ipinadadala
nito cay Hortensio,t, natatanto niya,
na ualang mabisang pang-aquit sa sinta
gaya nang mabuting loob na paquita.

  Puso ni Hortensio,i, hindi naligalig
sa mapulang pisn~gi,t, malagquit na titig,
at maputing noong capilas nang lan~git
nang isang babaying n~gala,i, Eduvigis.

  ¡Oh diamanteng pusong ualang casing tigas
at quinucusa na,i, ayao pang pumayag!
n~guni,t, ¿ano caya,t, tila nabaligtad
ang dating ugali nang sa mundong lacad?

  Ang bato balani ang siyang lumapit
lumapit sa bacal na di co ma-isip,
¿ano caya itong hiuaga nang lan~git,
hindi mapaghaca nang pantas na bait?

  Isang arao n~gani ay parang nagtipan
itong si Hortensio,t, ang dalaga naman
sa bahay na isa,t, nagcasalitaan
nang tungcol sa mundong man[)g]a cahirapan.

  Sa aming babayi, ani Eduvigis
ay loualhati nang pan~galauang lan~git,
ang cami tumama lalaquing mabait,
marunong dumamay sa hirap at saquit.

  At cung mayroon pa sa sang maliuanag
na isang lalaqui na iyong catulad,
ó ibang Hortensiong asal na banayad
maiisban-isban ang tindi nang hirap.

  Pagca,t, ang Hortensiong aquing capanayam,
uala manding aua sa boo cong damdam,
sa mauica ito mata,i, itinunghay
dito sa ulilang nagcacamamanghan.

  Sa salitang ito,i, biglang namutla
ang buroc na pisn~gi nang ating binata,
at ang sumaisip nang lipos dalita
ang babaying yari,i, labis na manuya.

  Hindi maniuala ang mababang loob
na sa lagay niya,i, mayroong iirog,
caya sa dalaga,i, ualang isinagot
cundi «sucat na po ang iyong pag-ayop.»

  Sa oras na ito ay siyang pagdating
niyong si Valeriong sa paring pamangquin,
ito,i, may pagsinta na laong inangquin
sa cay Eduvigis babaying butihin.

  Isang bagong tauong marin~gal ang ticas
magandang lalaqui,t, marahang man~gusap,
man~ga panucala,i, lubhang matataas,
at ang pananamit ay nacagugulat.

  Sa yama,i, sagana, malacas, matapang,
ualang pan~galaua sa binatang tanan,
laguing tinatanghal sa man~ga lansan~gan
sapagca,t, bihirang tumira nang bahay.

  Ang tabas nang muc-ha niya ay mahauas,
at saca ang puti ay lubhang matingcad;
n~guni,t, maganda ma,i, parang nalilimbag
ang capalalua,t, pagcabudhing sucab.

  Ualang hindi siya pinaghimasucan,
na sinalicsic ang sa ibang buhay;
ang malicsing bibig hindi nan~gan~galay
sa puri nang capoua niyong paghahapay.

  Hindi bibihira ang nan~gatatacot
sa malicsing dilang ualang munting pagod,
naguguniguning matalas pa halos
sa talim nang tabac talagang panghamoc.

  Mapusoc na loob hindi mapasucan
nang hatol na dapat sa ganoong asal,
tanang camag-anac pauang naninimbang
dito sa binatang lubhang tampalasan.

  Masiglang cataua,i, hindi nagsasaua
sa ugali niyang magpagalagala;
ang man~ga casama,i, lalong nagpalalá
sa caniyang asal na dating masama.

  Pagdating nang gabi,i, hindi linilisan
ang taglay touinang matulis na puñal;
paglilibot niya,i, pinaglalamayan,
saca ang pagtulog naman ay sa arao.

  Ito,i, nanibugho,t, acala,i, ninibig
yaong si Hortensio sa cay Eduvigis,
at sa salitaan siya ay lumapit
catulad nang isang tauong ualang bait.

  Nag-uaualauala,t, nang di mahalata
ang lihim na galit na taglay nang diua;
n~guni,t, sa caniyang quilos at salita
ang sucal nang puso,i, mapag-uunaua.

  Si Hortensio naman at si Eduvigis
sa pagdating niya,i, hindi na umimic,
na siya pang lalong na ipinagn[)g]alit
nang naninibughong haling sa pag-ibig.

  Dito na nag-isip itong alibugha
nang cay Hortensiong icapan~ganyaya,
hindi nan~gilabot ang sariling diua
magnasang lasunin ang caaua-aua.

  Lihim na sinabi sa cay Eliseo
nang may budhing sucab n~gala,i, si Valerio
ang lihis na nasang udioc nang demonio
pagca,t, malaon nang sila,i, magcatoto.

  Nahambal ang puso nang pinagsabihan
caya,t, cay Hortensio sinabi ang bagay:
icao ay lalasunin niyong tampalasan
at sa panibugho yata ang dahilan.

  Dito na lumayo ang ulilang aba
sa lilong Valerio hayop ang camuc-ha,
talaga nang lan~git at malaquing aua,i,
sa cuco nang ganid di napan~ganyaya.

  Nagmula na rito ang pag-iibigan
nang dalauang laguing magcasalitaan
ang canilang puso,i, pinag-isang tunay
parang magcapatid ang nacacabagay.

  Hindi man ugali nitong si Hortensio
ang siya,i, magtanim sa sinoman tauo;
gayon ma,i, nan~gilag sa nan~gin~gimbulo,
at di na minarapat na gauing catoto.

  At si Eliseo naman ay gayon din
sa lilong Valerio,i, tantong narimarim;
na hindi mangyari cahima,t, pilitin
ang may asal hayop na gayo,i, guiliuin.



CAPÍTULO VI.--_Ang uliran nang man~ga dalaga._


  Ugali nang tauong maganda ang asal
sa may dalang hapis puso,i, nahahambal,
caya si Hortensio,i, tambing napaalam
sa nagcacalin~ga. Ganito ang saysay,

  Houag pong magdalang cagalitan n~gayon,
at ang pag-alis co,i, hindi malalaon,
aquing sasamahan ang nalilingatong
na si Eliseong catoto cong bugtong.

  Pinahintulutan siya sa pagpanao,
sa pagca,t, mabuti ang nasa at pacay;
n[)g]uni,t, nagdamdam din ang pari nang lumbay
dahil sa daquila niyang pagmamahal.

  Nagcasama nan~gang parang magcapatid
itong si Hortensio,t, Eliseong ibig;
mana,i, isang hapo,i, canilang na-isip
na pa sa vintana,t, mag-alio nang dibdib.

  Nagcataon naman siyang pagpapasial
sa jardin nang isang dalagang timtiman,
hindi sumasala yaong paglilibang
capag malapit nang lumubog ang arao.

  Sapagca at hindi nalalayong lubha,
cun caya,t, naquita nang man~ga binata,
nagcaca-abutang suliap sa vintana,
di lamang macuha ang pagsasalita.

  Ang tinatahanan ay calugod-lugod
libid nang halaman sa harap at licod;
ang ibig pumitas hindi mapapagod
mula sa vintana bun[)g]a,i, na-aabot.

  Nagbibigay alio sa pusong may sindac
ang balabalaqui na man~ga bulaclac,
sa dacong umaga,i, cung namumucadcad
ang cahalimbaua,i, ang lupang mapalad.

  Ang babaying ito,i, di lubhang maganda
dapoua,t, mayroon sucat icapuna,
masaya ang muc-ha,t, ang hinhin nang mata
ay cagalang-galang sa macacaquita.

  Labi ay mapula sa pisn~gi may lunal,
ang tubo nang buhoc sa noo,i, mahusay,
catauang butihin ay bagay na bagay
sa catoua-touang maliit na bayuang.

  Ang hubog candilang caniyang daliri
ay parang sinadya nang pagcayari,
n~guni,t, ang lalong nagbigay uri,
ang cabanayara,t, buti nang ugali.

  Bihirang man~gusap at ang catabilan
malayong-malayo,t, quinayayamutan;
gayon ma,i, cung mayroon siyang capanayam
ang saya nang loob ay pinatatanao.

  Maminsan-minsan lamang namintana,
ang catahimica,i, siyang laguing nasa:
at cung may pumanhic na man~ga binata
ay di maitunghay ang mata sa hiya.

  Lalabing anim pa hustong cabilan[)g]an
nang caniyang taon na linalacaran,
na cun sa bulaclac cabubuca lamang
bagong calilipat sa cadalagahan.

  Sucat cauiliha,t, lubhan matatamis
lahat nang caniyang man~ga bucang bibig,
mabini ang quilos na naca-aaquit
sa ibang dalagang palaring tumitig.

  Hindi mayamuti,t, mababang man~gusap,
mapagbigay loob sa quinacaharap,
minsan man ay hindi narinig pumintas
cahima,t, sa tauong may loob na sucab.

  Loob ay di hilig sa pagmamariquit,
magsoot nang madla,t, mahalagang damit:
sa catauan niya,t, ualang masisilip
cundi caraniuan lamang at malinis.

  Sapagca,t, di taglay ang palalong nasa
nang ibang dalagang matan~gi sa madla,
na cung magcagayo,i, ang boong acala
pupulot nang puri,i, hindi pala,t, pula.

  N~guni,t, ang ugali niyang pananamit
ay cauili-uili sa baua,t, tumitig,
yaong caayusa,t, palaguing malinis
larauan nang caniyang dalisay na dibdib.

  Taglay na palagui ang magandang loob,
cahiman at duc-ha,i, hindi inaayop,
ang pag-ibig, niya ay lubos na lubos
di sa bibig lamang at sa puso,i, taos.

  Sa mag-uumagang tila nag-aauay
ang ulap nang dilim at caliuanagan,
unang tutun~guhin yaong pag-aalay
nang cay Jesucristong dugo at catauan.

  At sa bahay nitong lumic-ha nang lahat
tantong nauiuili yaong pusong uagas,
ang pagsinta niya,i, lalong nag-aalab
na cung mangyayari,i, doon ay lumagac.

  Muli,t, muli niya na iniluluhog
ang icagagaling nitong isang sinucob,
na inihahadlang sa galit nang Dios
ang sa anac niyang dugong ibinuhos.

  Saca ihahain ang cataua,t, buhay
_Sa napapalihim na anyong tinapay_
at bago aalis nang boong pag-galang,
mahinhing uui sa caniyang bahay.

  Cung na sa bahay na,t, iyong mapanood
yaong paglilinis niya,t, pag-aayos,
ay mauiuica mo sa sariling loob
ito ay babaying sa iba,i, nabucod.

  At cung maquita mo yaong casipagan
niyong pananahi at paghabi naman,
baca mo sabihin ito ang matapang
babaying pinuri ni Salomong paham.

  Ito,i, siyang bun~ga nang laguing paglapit
sa mahal na dulang na piguing nang Lan~git,
cung caya ang diua,i, lagui nang tahimic
mahinhin ang asal na caibig-ibig.

  Cabaitang ito,i, napag-uunaua
nang na sa bintanang dalauang binata,
at ang isa rito,i, malaon nang lubhang
nag-in~gat sa puso nang lihim na nasa.

  Dili iba,t, ito ay si Eliseo,
caya n~ga,t, nag-uica dito cay Hortensio:
¿sa dalagang iyan ano ang uica mo,
iibiguin baga ang abang lagay co?

  Napan~giti muna,t, mata,i, itinunghay
nitong tinatanong, at saca nagsaysay:
panain~gahan mo yaring casagutan
at hatol nang isang matandang datihan.



CAPÍTULO VII.--_Ang pagpili nang cacasamahin[5] at ang mabuting
paraan nang nangyaring macamtan_.[6]


  Niyong dacong arao cami,i, nag-uusap
para-parang batang casiglahang lahat,
may isang matandang tambing naquisabad,
aquing sasabihin ang ipinahayag:

  «Man~ga bata, aniyang aquing guilio,
ang magandang palad nasa sa atin din,
sapagca,t, cung ano ang punla,t, pananim
ay siya ring bun~ga namang aanihin.

  N~gayo,i, panahon na dapat na magpunla,
cayo na n~gang lahat nang mabuting gaua,
nang upang maputi ang catoua-toua
matamis na bun~ga sa bayang payapa.

  Mana ay sumagot ang isa sa amin
ang ituro ninyo,i, cung anong magaling
paraang marapat na alinsunurin
tungcol sa pagpili nang cacasamahin.

  Sagot nang matanda ay maraming bagay
diyan sa pagpili na dapat tandaan,
nang di lumalauig ay atin nang lisan
ang hindi totoong man~ga cailan~gan.

  Houag maniuala sa balibalita
na ang caraniua,i, cabulaanang paua;
gayon ma,i, sa lagay nang nagsasalita
ang catotohana,i, mapag-uunaua.

  Cung saca-sacaling cayo,i, may mamasdan
na isang dalagang mahinhin ang asal,
houag mabighani mana capagcouan
hangang di mauri ang catotohanan.

  Ang balang babaying maraming salita
caraniua,i, tamad ualang guinagaua,
at ang mapintasin ay lalong masama
sa pinipintasan siya caipala.

  Capag nagsabi dalagang sinoman
nang sarili niyang man[)g]a cailan~gan,
ay isa nang tanda nang capalaluan,
malupit na ina nang casamang tanan.

  At cung batiin man ay ayao sumagot
ay tandaan ninyong ang tono,i, matayog,
ang naghihicab nama,i, pala-antoc
na ualang adhica cung hindi matulog.

  Capag ang dalaga,i, madaling pa oo
ay tandang maraming lubhang catrato,
ang mahinanacti,i, itatan[)g]i ninyo,t,
may lihim na sinta at malaquing gusto.

  At capag sa gabi,i, ang ulo,i, may bigquis
houag maniualang tunay na may saquit,
ang dahilan nito,i, tantong naiinip
at di dumadating ang toua nang dibdib.

  Saca ang dalaga na taua nang taua,i,
ibig nang totoong macapag-asaua,
cung aling binata ang pinagmumura
ay siya cung minsang bubugbog sa caniya.

  Dapoua,t, ang ayao na maquipanayam
at cung sumagot ma,i, nagmumuc-hang calan,
ay hindi malayo na mapagculian,
sinintang sandali,t, saca inayauan.

  Ang gayong babayi ay nacacataua
na tila aayao na totoong tumugpa;
n~guni,t, cung lumao,t, tumandang dalaga
caraniua,i, bao naguiguing asaua.

  Sapagca,t, ang dapat sila,i, tumahimic
capag tumanda na,t, sa bahay lumigpit
harapin nang lubos ang santong pag-ibig
at ang paglilingcod sa Hari nang lan~git.

  Ipalagay nating maganda ang ticas,
mabait, mahinhi,t, ualang ipipintas;
n~guni,i, ang dapat namang matalastas
cung sa inyong hiling caya ay papayag.

  Caya cailan~gang inyong maunaua
ang man[)g]a paraang mabubuting paua,
at uala munti man na cahalong daya
ganito ay dinguin nang man~ga binata.

  Iyong dadagdagan ang paquitang loob,
susunod na tambing sa balang iutos;
paca-iin[)g]atan ang iyong icapopoot
at ang pagpipilita,i, ang icalulugod.

  Laguing huhulihin ang caugalian,
cun baga,t, may galit houag lalapitan
n~guni,t, ang babayi,i, may caugalian
cahit umiibig conoua,i, aayao.»

  Hindi na napiguil biglang napataua
ang hinahatula,t, nag-uica pagdaca:
«¡datihang matanda,t, lubhang dulubasa
dapoua,t, ang iba,i, dagdag mo na tila.»

  Sagot ni Hortensio,i, catoto cong liyag,
¿baquit baga icao ay nanguiguilalas?
tauo,i, tumatanda,i, dapat matalastas
ang caliua,t, canan nang sa mundong lacad.

  Datapoua,t, n~gayon atin nang tapusin
ang lahat nang bagay na dapat mong gauin,
cung baga sacali,t, iyo nang malining
na may daan ca nang sucat pasuquin.

  Taunin mo siyang mabuti ang loob
saca mo lapitan nang galang na puspos,
bago mo sabihin ang iyong pag-irog
ay macaitlo ca munang maghimutoc.

  N~guni,t, nauucol iyong pag-in~gatan
ang masamang anyo,t, quilos na mahalay
gaya nang ugali nang hindi nag-aral
at ualang inimpoc na magandang asal.

  Pag-ayusin naman ang pagsasalita
sa dalagang iyan,nang di ca malisiya,
sapagca,t, ang tauo,i, sa gaua at uica
mapagquiquilala ang may turo,t, uala.

  Cahit natatanto na may capintasan
sinomang binatang nagnanasa naman,
ay houag sabihin nang hindi mahapay
ang puri nang capouang dapat pag-in~gatan.

  Hindi natin tanto na cung tayo pa n~ga
sa mata nang Dios ang lalong masama;
caya cailan~gang piguilin ang dila
nang houag man[)g]ahas sa iba,i, pumula.

  Di dapat saysayin ang yamang sarili,
sapagca n[)g]a,t, ito ay pagmamapuri
bagcus na ilihim na cung mangyayari
ay ipagcaila cung baga,t, masabi.

  Dapoua,t, houag acalain naman
na ang iyong nasa,i, agad aayunan,
at macalilibong naca-iibig man
di caraca-raca ay magpapamalay.

  Sapagca,t, totoong malaqui ang hiya
cung caya aayao na magpahalata,
at baca uicain nang masamang dila
sila sa lalaqui,i, nagcacandarapa.

  Sa madlang paraan na sinabi co na
cung baca sacali,t, di mo rin macuha,
aco ay mayroon na ituturo pa,
cagalin~gan nito,i, mahiguit sa una.

  Cundi mabighani ipalagay natin
sa muli,t, muli mong himutoc at daing,
ang maraming pagod houag nang sayan~gin
sapagca,t, ang ayao di dapat pilitin.

  Cundi gumanito, ay matutulad ca
doon sa nagtanim nang isang sampaga,
ang lahat nang daho,i, naquita nang lanta
cung anong dahil at dinidilig pa.

  Ani Eliseo,i, tila cailan~gan
na ang ating gauin muna ay sulatan,
Sagot ni Hortensio,i, mangyayari naman
sa lahat nang bagay quita,i, tutulun~gan.

  Sa oras ding yao,i, tambing isinulat
ang cay Eliseo na sa pusong in~gat
saca nang mayari,i, cusang iguinauad
sa caniyang catoto,t, baca may pintas.

  Marahang binasa nitong caibigan,
baua,t, isang letra ay pinagninilay,
sa sobre nang sulat ay nababalatay
ang ganitong uica: _Sa tinatan~gisan_.

  «Magpahangan oras na tan~gan sa camay
«ang plumang lumagda nitong carain~gan,
«iniisip co pa cung aquin nang taglay
«yaong catutubong limang caramdaman.

  «Sa pagca,t, touinang pilitin ang dila
«na ipasalual ang lihim na nasa,
«parang tumatapon sa aquin ang diua
«at di co macuha ang pagsasalita.

  «Dan~gang nan~gan~ganib baca magtumulin
«tacbo niring buhay patun~go sa libing,
«mag-ulol ang unos nang madlang hilahil
«at sa dalamhati hinin~ga,i, maquitil.

  «Caya mabalinong daluyan nang aua
«itong lumuluhog na napacaaba,
«gutom sa ligaya,t, busog sa dalita,
«mata ay uala nang ipatac na luha.

  «At cung mangyayaring sa iyo,i, igauad
«ang lahat nang toua sa sang maliuanag,
«disi,i, inihandog sa mahal mong yapac
«calaquip ang aquing tunay na pagliyag.

  «Dapoua,t, yayamang ualang maihain
«cundi yaring pusong tiguib nang hilahil,
«isinasamo cong iyong marapatin
«sapagca,t, di baual nang lan~git ang daing.

  «Iyong paglubaguin matigas na loob
«para nang pagsaguip cung sa nalulunod,
«icao ay may puso,i, ¿baquit di malunos
«sa capoua puso na naghihimutoc?

  «Di co calauigan ang hinibic-hibic
«yamang dili bato ang mahal mong dibdib;
«gayon ma,i, cung lalong hirap ang icapit
«mangyaring sabihi,t, nang aquing mabatid.»

=Ang iyong alipin na suma sa yapac=.


  Iya,i, ma-aari, cay Hortensiong uica;
n~guni,t, caraniua,i, lampas ang salita,
gayon ma,i, sa sobre ipasoc mo na n~ga
saca ipadala sa isang alila.



CAPÍTULO VIII.--_Ang pusong garing na di malamuyot._


  Nagcataon namang doroon sa jardin
ang bunying dalaga na may pusong garing,
ang sariling diua parang inaalio,
sa tanang bulaclac at simoy nang han~gin.

  Siyang pag-aabot nang naturang liham
sa parang linalic at maputing camay,
quinuha at saca tumanong pagcouan:
¿sino caya baga ang pinangalin~gan?

  Basahin po ninyo upang matalastas,
uica nang alila, cung sinong may sulat,
ang pagcatin~gin co,i, sa puso,i, may sugat
at ang ninanasa marahil ay lunas.

  Agad napan~giti at di napiguilan
niyong catutubong bait, cahinhinan,
sa malaquing hiya,i, tumun~go na lamang;
pinunit ang sobre,t, binasa pagcouan.

  Sa calaguitnaan nang pagbasa niya
sandaling tumiguil nagmasid pagdaca,
at baca sacaling may nacacaquiquita,
cauicaan niya,i, cahiyahiya pa.

  Mana,i, nang matapos pagbasa nang sulat
sa puno nang cahoy humilig na agad,
na larauang bato ang nacacatulad:
ganito ay dinguin man~ga pan~gun~gusap.

  «Mundong sinon~galing, sumandaling layao,
«touang sa sangquisap, asóng mapaparam,
«lumayo ca hayo,t, ualang cararatnan
«sa aquin ang iyong camandag na alay.

  «Caran~gala,t, yaman agad cumucupas,
«tulad sa sampagang biglang nalalagas,
«isinusumpa cong di ca matatangap
«niring aquing pusong dili pabibihag.

  «Malicmatang ganda,t, balo-balong diquit,
«magdarayang touang may paing pan~ganib,
«magbago cang hanay at di mahihilig
«aco sa ligayang puno nang ligalig.

  «Mahabaguin lan~git, iyong tinutunghan
«acong na sa guitna nang casacunaan,
«mahina cong lacas iyong saclolohan
«nang upang matamo ang pagtatagumpay.

  «At icao, o Virgeng matibay na cuta,
«sa baua,t, dumulog na napa-aaua,
«sa mahal mong puso,i, nagtatagong cusa
«itong alipin mong napacacalin~ga.

  «Sa harap co,t, licod sa caliua,t, canan
«nagcalat ang silo nang lilong caauay,
«cundi mo amponi,t, anong cararatnan
«niring catutubong aquing cahinaan.

  «¿Mangyayari caya namang paghatiin
«yaring aquing puso,t, papagdalauahin,
«ang isa,i, ibigay sa Nacop sa aquin,
«at ang icalaua,i, sa may sintang hain?

  «Cayong sari-saring naritong bulaclac,
«ang sinasacsi co nitong pan~gun~gusap,
«na sucdang maguho ang sang maliuanag
«di co dudun~gisan yaring pagca-uagas.

  «Sucdan sa madurog magcauaray-uaray
«ang laman at buto nang aquing catauan,
»cay Jesus cong poon aquing iaalay
«ang libo mang puso,t, ang libo mang buhay.

  «Cung pag-uariin co,t, timban~gin sa isip
«ang lahat nang yaman nitong sandaigdig,
«sa dalagang buhay at in~gat na linis
«alan~gang di palac na ipaquiparis.

  «Icao, camatayang aquing iniirog,
«baga man sa iba,i, caquilaquilabot,
«gamitin mo hayo tabac na pang-lagot
«pagca,t, ang nasa co,i, hinin~ga,i, matapos.

  «Cung gunitain ca,i, iquinalulumbay
«nang pusong alipin nang samundong layao,
«n~guni,t, cung sa aqui,i, quita,i, minamahal
«at inaanantay ca sa gabi at arao.

  «Camatayan lamang ang nacapipinid
«sa aqui,t, sa Poong ligaya nang dibdib,
«icao,i, siyang uacas nang dalita,t, saquit,
«at mula nang toua na hindi malirip.»

  Sa mauica ito,i, tambing na linisan
ang masayang jardin na dating aliuan,
binalot nang paño ang binasang liham
at saca nagtuloy pumanhic sa bahay.

  Pagca,t, binaui na sa sang maliuanag
nang arao ang huli,t, malamig na sinag;
saca unti-unti namang nacacadcad
ang tabing sa gabing maitim na ulap.

  Nang macapanhic na ang bunying dalaga
umupo sa sillang malapit sa mesa,
tintero,i, binuhat, guinamit ang pluma,
sinagot ang sulat ganito ang badya.


«_Sa may sintang handog_.»

  «Houag mong hanapin, sa imbi cong sulat
«ang maranghang tula nang man~ga poetas
«ualang talinghaga aco cung man~gusap,
«dati cong ugali,i, magsabi nang tapat.

  «Averno,t,[7] Olimpio[8] hindi maquiquita
«sa titic nang aquing maralitang pluma,
«gayon si Apolo,t,[9] masayang musa
«sucat ang matanto ang ipagbabadya.

  «Ligaya sa mundo ang iyong pan~gaco
«igauad sa aquing tumatan~ging puso,
«dalisay na sinta,t, tunay na pagsuyo
«n~guni,t, ualang daan ang iyong pagsamo.

  «Tahas na nica cong bilang pahimacas
«na di magmamalio, buhay ma,i, mautas
«at cung uulitin ang hin~gi co,i, tauad
«ito,i, mabuti ring iyong matalastas.

  «Madla na sa aquin ang nagsipagsaysay
«nang tungcol sa sinta na gaya mo naman;
«n~guni,t, tiniyac cong anomang caratnan
«dili matatangap niring calooban.

  «Pagca,t, malaon nang tinica nang diua
«na aquing lisanin ang sa mundong daya,
«at sa isang silid na lubhang payapa,i,
«maglingcod sa Hari nang lan~git at lupa.

  «Hanganan co rito,t, dapat nang mabatid
«na ang iyong nasa,i, camandag sa dibdib:
«Pag-utusan naman itong nagnanais
«mabilang sa tanang lingcod mo at cabig».

Ang taguisuyo mo.


  Ano,i, sa mayari,i, biglang isinara
nang bunying dalagang n~gala,i, Eufrasia,
saca sinutsutan ang alilang isa,
cusang ibinulong ang pagpapadala.

  ¿Anong loob caya itong nag-aantay
na pilit lalasap nang malaquing lumbay?
mana,i, sa mabasa ang may lasong liham
limang buan halos na umotay-otay.

  Sa nagpipighati,i, marahang nag-uica
yaong si Hortensio,t, malaqui ang aua
aco sa lagay mo,i, nagtatacang lubha
ang dating ugali,i, tila sinisira.

  Bayani mong loob cusang napatalo
sa dahas nang sintang iquinagugulo,
iyong linilimot sampong pagca tauo,
anaqui,i, uala nang babayi sa mundo.

  Pag-uari catoto,i, dili yata dapat
na ang buong puso,i, lubos na pabihag,
at siyang isipin sa lahat nang oras
ang di nabighani sa iyong pagliyag.

  Gayon ma,i, mabuti ang iyong parunan,
baca hari na n~gang siya,i, malunusan:
isang gabi n~gani pinagsadya naman
pagsunod sa hatol nitong caibigan.

  Tinangap din siya nang magandang loob
bagaman sa nasa,i, ayao pahinuhod,
anyong sasabihin ang haing pag-irog
mahal na dalaga,i, tambing na sumagot.

  Banta co,i, sucat na ang catagang uica
sa isang gaya mong marunong maghaca;
doon pa sa sulat dapat na maunaua
ang aquing pag-ayao, yamang di ca bata.

  Sa pagcacagayo,i, hindi nacaquibo
itong sumisinta,t, parang ipinaco,
mata,i, itinun~go, at ang quinucuro
ang cahalay-halay na pagcasiphayo.

  Dalaga ay parang naacay nang habag
sa cay Eliseo,i, tambing na nan~gusap:
puso,i, itahimic houag mabagabag:
¿anóng magagaua ay hindi mo palad?

  Ang nangyaring yao,i, parang di pinansin
at sa ibang bagay cusang inahinguil
yaong salitaan, at nang di mailing,
malubos ang hiya at pagcahilahil.

  At ang uica niya,i, ang tauong mahiya
dapat cahabagan at caaua-aua,
baga ma,t, di ibig ayunang ang nasa
nang houag malubos ang pagdaralita.

  Mapamayamaya,i, parang natauhan
ang naabang sintang tumangap nang ayao,
sa caniyang puso,i, nanariua naman
ang hatol nang pili niyang caibigan.

  Yaong si Hortensio, ang uica sa aquin,
ang talagang ayao ay houag pilitin
at baca matulad aco sa nagtanim
nang halamang lanta ay dinidilig din.

  Inari lamang tunay na capatid
ang di nabighani sa suyo,t, pag-ibig,
sa sarili lamang nihang pag-iisip:
¿Anong gagauin co,i, di loob nang lan~git?

  Yayamang hindi mo aco capalaran,
uica nang dalaga, quita,i, tuturuan
«magmula na rito ay icao,i, bumilang
at sa icaualong bahay ca humangan.»



CAPÍTULO IX.--_May dalahirang banayad at may mahinhing talipandas._


  «Sa bahay na yaon ay may magcapatid
dalauang dalaga unahan nang diquit,
aquing sasabihin nang iyong mabatid
ang cani-canilang ugali at hilig.

  Ang bilang pan~ganay n~gala,i, Esperanza,
malouag ang loob na ualang balisa,
cataua,i, magaan at lubhang masigla
ang ano mang hirap inaalintana.

  Sa caniya,i, uala munti mang bagabag
parang namamayan sa lupang mapalad,
sa capoua tauo,i, lubos ang pagliyag
inaari niyang capatid na lahat.

  Ang mumunting sira ay pinaraan,
hindi alumana cahit masahol man,
dunong na mag-in~gat sa capahamacan
nang paraang sucat na macahahadlang.

  May magandang nasa, at ang panaghili
ay di man sumun~gao sa pinto nang budhi,
mababa ang loob na di caugali
ang nacacatulad isang batang munti.

  Cung maquita niya sino mang may hapis
ang luha sa mata,i, dadaloy na pilit,
at di pa magcasiya sa habag ang dibdib
ang tulong at lin~gap agad icacapit.

  N[)g]uni,t, cung sacali nama,t, ang mamasdan
ay ang nagtatamong toua,t, capalaran,
puso,i, lumulucso sa caligayahan,
iquinalulugod ang sa ibang dan~gal.

  Sa cay Esperanza,i, ualang masisilip
na hindi mabuti at ugaling pan~git
liban sa salita nang masamang bibig
na ang cahinhina,i, nagculang nang muntic.

  Sapagca,t, sa loob na lubhang masaya
at magaang bibig sa balang maquita,
ang naguiguing dahil ipula nang iba
dito sa uliran nang man~ga dalaga.

  Capatid na bunso n~gala,i, Eduvigis,
timtimang babayi, anaqui,i, tahimic,
at sa silid niya,i, laguing lumiligpit
anopa at parang buhay, taga lan~git.

  Yaong cagaslaua,i, malayong malayo,
at ang cahihina,i, parang catutubo,
ang lahat nang quilos mabini at uasto;
n~guni,t, hindi gayon ang lagay nang puso.

  Ang man[)g]a salita,i, hindi nasisinsay
sa iguinuguhit nang magandang asal,
dili maibiguin lumabas nang bahay
at cung sacali ma,i, tun~go,i, sa simbahan.

  Caya,t, sa caniyang isip, uica,t, gaua
ualang ipipintas, mabuting paua,
sampo pa nang tanang man~ga binabanta
n~guni,t, nalilihim ang nacasasama.

  Sapagca,t, ang boo niyang pagca-isip
ay caniya na lamang ang tan~ging matouid:
ang sa ibang uica cung baga,t, marinig
cahit di masama ay minamapait.

  Ang quilos nang iba cahit hindi mahalay
ay minamasama,t, quinamumuhían,
ang caniyang haca ay siya na lamang
babaying nabucod sa sang sinucuban.

  Ualang puno,t, mula biglang napopoot
ang babaying itong cabanala,i, bantog,
lahat nang marinig iquinababagot,
at hindi macuhang magtipid nang loob.

  Baquit lubhang hilig sa pagtataniman
ang dalagang bunyi cung sa cabaitan,
ang muc-hang payapa,t, quilos na timtiman
di taglay sa puso,t, paimbabao lamang.

  Sucat masuclam ang macamamalas
capag-nagagalit mata,i, nagninin~gas,
at uala mang quibo,t, hindi nan~gun~gusap
ay daig ang tanang halimao sa gubat.

  N~guni,t, ang lalong camandag sa budhi
ang siya,i, magcusa na unang bumati,
ito,i, catutubong caniyang ugali
na inaari pang caran~galang tan~gi.

  Capag nangyayari ang nasa at ibig
muc-ha,i, maligayang parang taga lan~git;
n~guni,t, pag hindi na,i, agad magn~gin~gitn~git
at ualang demonio acong maiparis.

  Magandang ugali,i, agad mabibiling
sisin~gao na pilit ang casamang lihim,
ang capalaloua,t, pagca-masumbatin
at saca ang nasa na siya,i, purihin.

  At cung sacali pa,t, mayroon umayo
lalong mag-uulol ang malaquing labo,
at ang paimbabao na hinhing palalo
ay di na maquita,t, cung saan nagtago.

  Lubos sa uari co,i, ang nacacabagay
ay tubig sa laua cundi guinagalao,
anaqui ay bubog na lubhang malinao,
n[)g]uni,t, ang ilalim ay carumal-dumal.

  Itong magcapatid alit ang ugali,
caya sa dalaua icao ay mamili,
nang houag sisihin aco cung sacaling
mapalisiya ca sa iyong pagpili.

  Ang cay Eliseo na ipinagturing
aco,i, uala riang itulac cabiguin;
ang isa,i, masaya,t, ang isa,i, mahinhin;
n~guni,t, ang pan[)g]anay yata ang magaling.

  Cung gayon ang uica nitong capanayam,
icao ang bahala nang upang macamtan;
ang isa cong bili,i, pacatatandaan
sa paquiquiusap ay magpacarahan.



CAPÍTULO X.--_Ang catampalasanan ni Neron at ang matandang
mangagauay_.


  Mana,i, sa matapos yaong salitaan
ay si Eliseo,i, umoui nang bahay;
agad sinalubong mula sa hagdanan
nang parang capatid niyang caibigan.

  Di agad tinanong muna ang nasapit
nitong si Hortensiong may in~gat na bait,
niyayang cumain nang macapagbihis
ang parang nagdaan sa landas na guipit.

  Nang cumacain na,i, napagsalitaan
yaong sa cay Nerong catampalasanan;
ang bagay na ito,i, tiquis na binucsan
nang ang nagugulong loob ay malibang.

  «Ang lilong si Neron, uica ni Hortensio,
cung sa calupita,i, pang-ulo sa mundo,
sampo nang asaua[10] ay pinatay nito
si Burro,t, Séneca[11] at si Británíco.[12]

  At inibig niyang ang sang catauohan
ualang maguing ulo cundi isa lamang,
nang sa minsang taga,i, mapucsang paminsan
ang lahat nang tauo sa sang sinucuban.

  Tila nacucutya ang man~ga dila co
tumauag sa gayon nang pan~galang tauo,
cundi isang Furiang galing sa infierno,
sun[)g]ay ang corona na putong sa ulo.

  Ito,i, Emperador sa Romang calac-han,
cuhila,t, mabagsic, daig ang halimao,
may alilang tigreng pinacamamahal,
na catulad niya cung sa caban~gisan.

  Febea sa tigre ang ipinamagat
nang capoua tigreng may coronang hauac,
laguing guinagamit nitong lilo,t, sucab
sa man~ga cristiano nang pagpapahirap.

  Sapagca,t, si Nero,i, malupit na ganid
na uala munti mang aua at pag-ibig,
cung caya ang puso ay doon nahilig
sa capoua niyang hayop na maban~gis.

  N~guni,t, ano caya, sagot nang causap,
ang napala niya,t, anong naguing uacas
niyong gayong asal, puso,i, nagagalac
pumatay nang tauo,t, laguing magpahirap.

  Sa palaciong bantog nang lilong si Pluton[13]
caloloua niya ay doon humantong,
ang hirap, dalita, pighati,t, lingatong
laguing linalasap nitong tauong pusong.

  Di maca aalis magpacailan man
ang Can-Cerbero,i,[14] bantay sa pintuan
ang balang pumasoc pinababayaan,
n~guni,t, ang paglabas ay ibinabaual.

  Ang Can-Cerbero ay may tatlong ulo,
at pauang serpiente yaong balahibo,
ualang casing ban~gis na ang cagat nito
ay nacatataos sa utac nang buto.

  Sa tabing Estigia,i,[15] doon nagtatanod,
tanicalang ajas siyang nacagapos,
ito ang tinalo niyong semi-dios
anac ni Jupiter, Hércules[16] na bantog.

  Ang sinomang tauo,i, dapat quilabutan
sa dalitang hindi masayod na turan,
ang lalong-lalo na tanang tampalasan,
catulad ni Neron niyong nabubuhay.

  Ani Eliseo,i, may isang matanda,
Bárbara ang n[)g]alan lubhang solipica,
na cay Eufrasiang tunay na alila,
ang muc-hai,i, masun~git, baquit sadyang tina.

  Maputi ang buhoc, madilim ang noo,
matulis ang cucong parang aliman~go,
n~gipi,i, sincol-sincol, at cung may catalo
mata,i, nanlilisic, daig ang demonio.

  Ang caniyang ulo naman ay mahaba,
tain~ga,i, piing-piing na parang sinadya,
muc-hang mangagauay, pagca,t, ualang baba
quinatatacutan nang lahat nang bata.

  Main~gay ang bibig na tila pacacac,
anaqui ang dila,i, puno nang camandag
loob ay sucaban, ualang pagtatapat,
saca cung maupo ang tuhod ay yacap.

  Sa gayong catanda ay lubhang masiba,
laguing nagbubuncal siya sa cusina,
nagdadahandaha,t, baca mahalata
nang man~ga casama na capoua alila.

  Ualang quinausap na di nacaauay,
ang balang maquita ay pinipintasan,
damit sa cataua,i, mistulang basahan
at n~gun~guyan~guyang parang camatayan.

  Hindi co malaman cung saan nunuha
nang ipagtitiis ang man~ga casama,
lalong lalo na n~ga ang bunying dalaga
na di nababagot sa matandang bruja.

  At canina lamang aco ay doroon
ay nan~gun~guaco at un~gol nang un~gol,
saca nang utusang pacunin nang apoy
malaonlaon din na nagmuc-hang tuntong.

  Aquing napagmasdan anyong malalapit
na ang paa pala,i, tila sa sulyasid,
tatlo ang daliri na nagcacadiquit,
aco,i, napalin~gon at di co matiis.

  Dahil sa ugali ay aquing nasabi
ito,i, siyang Neron nang man~ga babayi,
na uala isa mang guinauang mabuti,
matulis ang dila na parang putacti.

  Houag nang litisin ang matandang iyan
pinalalaqui mo ang mumunting bagay,
uica ni Hortensio,t, ang sabihin naman
cung anong nasapit nang iyong pinacay.

  Ani Eliseo,i, hindi ninanasa
ang pag-aasaua,t, cusang isinumpa
sa harap nang lalong Mahal at Daquila
ang tica nang puso halos pagcabata.

  Gayon man ay aco,i, pinamili niya
sa cay Eduvigis at cay Esperanza,
sila,i, magcapatid hiuaga nang ganda,
at man~ga ulila sa ama at ina.

  Itong si Hortensio,i, nan~giti nang muntic
at naala-ala niya ang nasapit,
niyong dacong arao na si Eduvigis
nag-asal lalaqui tungcol sa pag-ibig.

  Datapoua,t, hindi ibig ipamalay
gayong sa catoto,t, sa tauong sinoman,
cusang inilihim nang di madun~gisan
puri nang dalagang nabucod sa tanan.

  Bagcus ang sinabi iyo nang tun~guhin
cung sinong lalo mo na minamagaling
n~guni,t, ang hatol co,i, iyong paglinin~gin
ang sa habang buhay ay cacasamahin.

  Datapoua,t, tayo ay magpahin~galay,
bucas na tapusin itong salitaan;
dalauang binata,i, agad nagtindigan
sa cani-canilang quinaluluclucan.



CAPÍTULO XI.--_Ang pagtatagumpay nang cababaan at pagcaduhagui nang
capalaluan_.


  Bahag-ya na lamang ipinamamalas
nang arao ang muc-ha niyang maliuanag;
ay nan[)g]aguising na itong magcausap,
tila may gagauing hindi nalulutas.

  Malicsing nagbihis, nanaog sa bahay,
parang inaalio ang pusong may lumbay,
nag-uica ang isa, catoto,i, pagdaha,t,
ibig cong matanto ang tun~go nang pacay.

  Sagot nang tinanong ang aquing pasiya
ay ang piliing co ay si Esperanza,
at si Eduvigis cung iyong macuha
magbibilas tayo na ualang pagsala.

  Cung sa ganang aquin, cay Hortensiong uica,
ang bagay na iya,i, di co ninanasa,
tanto mo nang lubos aco,i, maralita
sa isang mataas ma-aalipusta.

  Hindi nila tantong may nacaririnig
na dalauang tauong lacad ay mabilis,
nang malalapit na,i, pagdaca,i, nagsulit
binabanta ninyo,i, lisiya sa matouid.

  Nahahaling yata, ani Eliseo,
ang ating casabay na dalauang tauo,
¿anong mauauala sa alin ma,t, sino
sa mabuti,i, dili ang ninanasa co?

  Nang muling magsulit agad naquilalang
isa sa canila,i, si Valerio pala;
uica,i, houag ninyong iraos ang tica
sa cay Eduvigis at cay Esperanza.

  Di pa natatapos ang sinabing ito,i,
pagdaca,i, sumagot bunying si Hortensio;
(na parang paglibac sa sucab at lilo)
cami,i, sumusunod sa baua,t, utos mo.

  Agad nahalatang siya,i, tinutuya
caya biglang biglang namula ang muc-ha,
puñal ay binunot patain ang nasa
itong si Hortensiong dating inaaba.

  Ang casama niya,i, dili macaimic,
pagca,t, natatantong uala sa matouid,
sucab na Valerio ulol ang caparis,
at munti ma,i, hindi nabahirang bait.

  Dinaluhong na n~ga,t, parang inudyocan
nang sang infierno itong tampalasan,
ang dalauang mata ay binubucalan
nang gahasang apuy niyong cagalitan.

  Abang si Hortensio,i, iniuaang agad,
¡salamat sa lan~git siya,i, nacaiuas!;
dalauang casama nama,i, nagmamalas
sa maguiguing hanga niyong paglalamas.

  Sa muling pag-iua,i, pagdaca,i, naagao
sa camay nang lilo ang puñal na tan~gan,
tuloy inihaguis na pina-ilandang
pang di nagnanasang matay sa sinoman.

  Nang capoua uala nang sandata,t, naghamoc
dalauang bayaning lumilipad halos;
ang suntoc at sicad caquila-quilabot,
na daig pa mandin ang taga at ulos.

  Ang init nang arao di pa dinaramdam
nang pamulan nila itong paglalaban
hangang sa mataas di pa nagtatahan
at nang mag-uauagui dili maalaman.

  Ang lacas nang suntoc lintic ang catulad
cahiman at sino,i, pilit magugulat;
at cung ang dugo ma,i, hindi nagdaranac
ay ang pauis naman ang tumatagactac.

  Pagtataca,i, labis nang piling catoto
sa naquitang dahas nitong si Hortensio,
na di nagpalalo sa sino mang tauo
ay cung maquihamoc parang ipo-ipo.

  Ang caniyang asal, quilos at salita,
sampong pag-iisip niya,t, ninanasa,
ualang cataasan at budhing cuhila,
palibhasa,i, galing sa pusong payapa.

  Nasa ni Valerio,i, cumitil nang buhay,
si Hortensio,i, hindi,t, nagtatangol lamang,
di caguinsa-guinsa,i, biglang napipilan
yaong may masama,t, budhing tampalasan.

  Saca ang guinaua ay ibinaligtad,
tinampal sa muc-ha,t, binayo nang sicad,
ang boong cataua,i, binugbog nang hampas;
nang di mamihasa sa gauang magsucab.

  Itong nagtagumpay na bagong bayani
quinulong nang isang Homerong[17] magpuri
na bucod sa lacas, catapan[)g]a,t, licsi,i,
may uagas na pusong ayao maghiganti.

  Cung pag-iisip ang tanang guinaua
nitong si Valerio sa ulila,t, duc-ha,
di man camag-anac tutulo ang luha
at acayin din nang gauing maaua.

  Ang dalauang ito,i, nang nagcacasama
sa bahay nang pari na binanguit co na,
gaua ni Valeriong may budhing vivora
ang imbing Hortensio,i, laguing minumura.

  Sa balang mauala,i, pinagbibintan~gan
ang abang ulilang ualang casalanan,
hindi nan~gin~gimi yaong man~ga camay
na ang maralita,i, hampasi,t, sugatan.

  Sampo nang cacaning ipinacucuha
itong tampalasan sa ibang casama,
caunting tinapay ang itinitira,t,
ang lalong masama ang pinipili pa.

  At ang guinagaua na parang aliuan
paglibac, pagcut-ya, pag-api,t, pag-uyam
dito cay Hortensiong inaalalayan
nang daquilang aua ninyong calan~gitan.

  Tatlong taong sincad binata nang diua
ang balabalaquing hirap at dalita,
¿baquit natitiis caya nitong lupa
at hindi lamunin yaong alibugha.

  ¿Baquit, man~ga lan~git, at di ibulusoc
sa bayan nang apoy, nang doon magduop?
at hangang may mundo,t, ang Dios ay Dios
yaong pagdurusa,i, hindi matatapos.

  Iyong inaampon at pinagpapala
ang tanang malupit at budhing masama,
sa lahat nang bagay pinapagsasaua
at ang mabubuti siyang inaaba.

  ¡Oh hindi mataroc na lihim nang lan~git!
¡oh dagat na ualang pangpang mang ó guilid!
¡oh daquilang Dios iyong nababatid
ang lahat nang bagay nitong sandaigdig!

  Sa buhay na ito,i, itinutulot mo
sambahi,t, igalang ang sucaba,t, lilo;
saca sa cabila naman ibubunto
ang tanang pahirap doon sa infierno.

  Ang tapat na loob pinapag-titiis
sa balat nang lupa nang dalita,t, saquit,
saca puputun~gan sa bayang tahimic
nang coronang ualang sucat macauan~gis.

  Datapoua,t, n~gayo,i, ipatuloy co na
ang guinaua nitong Marteng pan[)g]alaua,
sandaling inisip ang masamang tica
nang maghihiganting lilong nacabaca.

  Cung caya n~ga hindi niya itinulot
na macapagban~gon sa pagcasubasob,
ang dalauang camay binaliting bagcus,
nang upang magbauas pagca-asal hayop.

  At pinag-uicaan sa pagayong anyo:
iyo nang natatap, Valeriong palalo,
ang bun~gang masaclap niyang panibugho
na lumilingatong na lagui sa puso.

  ¿Masdan mo ang iyong dan~gal na quinamtan,
aco,i, alipin mo lamang cung sa bagay?
¿nahan ang maraming iyong cayamanan
sa oras na ito,i, di ca matulun~gan?

  Cundi ca susuco,i, anomang masapit
sa lagay na iya,i, di ca ma-aalis;
itong pan~gun~gusap ano,i, sa marinig
ay halos magputoc cay Valeriong dibdib.

  Datapoua,t, di rin munti man lumubag
yaong pusong bato yata ang catulad,
yayamang ayao rin biglang nagsilacad
ang bagong nag-uagui,t, ang catotong liyag.

  Pinabayaan nang baliti ang camay
culang na maghapon sa guitna nang arao,
cung caya guinaua ang ganitong bagay
nitong si Hortensio,i, nang magbagong asal.

  Saca ang casama nang lilong Valerio
ay pinagsabihan nang dalauang ito,
na houag calaga,t, nang upang magbago
ang caniyang ugaling higuit sa demonio.

  Siyang naguing dahil nang pagcacasaquit,
pitong bouang halos naratay sa banig:
ang nangyaring ito,i, ano,i, nang mabatid
nang amaing pari ay naghinanaquit.

  Doon sa inampon halos pagcabata,
caya n~ga,t, ang bagay ay pinag-usisa,
at si Hortensio rin ang nagpaunaua
nang dahil nang caniyang doo,i, ninanasa.

  Hindi co po ticang patai,t, masactan
ang iyong pamanquing pinacamamahal,
at ang guinaua co,i, nang madala lamang
magbauas nang munti ang capalaluan.

  Bucod dito,i, dapat mo pong matalastas
ang caniyang pita,i, buhay co,i, mautas,
at cung sacali pang n~gayon ay malacas
pilit na quiquitlin hinin~ga cong in~gat.

  Natanto co pong dapat patauarin
ang balang caauay at may nasang linsil;
n~guni,t, hindi baual nang Dios sa atin
na pacain~gatan ang buhay na angquin.

  Cundi co guinayo,i, inaacala co
na aco,i, uala na,t, nasa isang mundo;
cayo ang magsabi, yamang alam ninyo
ang asal na ganid nitong si Valerio.

  Pari,i, naniuala at lalong minahal
ang hindi pamangquin na may cabaitan
sapagca,t, minsan ma,i, hindi nadun~gisan
bibig ni Hortensio nang cabulaanan.

  Toto,t, sa caniyang loob na sarili
ay siya ang tan~gi na hamac at imbi;
n~guni,t, ang matouid capag sinasabi
hindi nan~gin~gimi na parang bayani.

  Laguing uiniuicang ang catotohana,i,
tiquis ilaladlad sa harap ninoman;
at ang puso niya,i, sapagca,t, dalisay
ay di nagagahis niyong catacutan.

  Dili maibiguing maquisalamuha
sa man[)g]a guinoo, mayama,t, timaua;
datapoua,t, hindi iquinahihiya
yaong casalatan niya,t, pagcaaba.

  Mama ni Valerio,i, sumapayapa na,
at hindi sinisi tauong ualang sala:
dito napanatag yaong magcasama
pagca,t, masusunod ang canilang pita.

  Isang gabi n~ganing parang nabibitin
ang buan sa caniyang liuanag na angquin,
itong si Hortensio,i, ganito ang turing
sa catoto niyang lubhang guiniguilio.

  Samantalahin mo ang caliuanagan
nang tanglao sa gabi,t, sa madaling arao,
n~gayon di,i, lumacad, pagca,t, caraniuan
malamig ang ulo nang cadalagahan.

  At si Eliseo pagdaca,i, sumunod
sa mabuting hatol niyong nag-uutos
minulan na rito yaong paglilingcod
sa cay Esperanzang may ugaling ayos:

  Mataric na bundoc ang nacacatulad,
na cung salun~gahin ay lubhang mahirap;
tatlong taon halos saca pa naagnas
yaong batong pusong ualang casing-tigas.

  Ang bagay na ito,i, sandaling ihimpil
pagbalican natin ang linisang Fidel,
sa cay Eliseo mana,i, sa darating,
doon sa colegio,i, bagong cagagaling.



CAPÍTULO XII.--_Isang cabaitan ang maghunos dili cung may cagalitan._


  Dalaua,i, nagyacap capoua lumuluha
sa malaquing touang quinamtan nang diua,
hindi magcamayao nang pag uusisa
sa canicanilang palad ó dalita.

  «Nabalitaang co, ang uica ni Fidel,
«na si Esperanza ang casi mo,t, guilio;
«aco cung sa bagay naliligaya rin
«at may landas ca nang binucsan sa aquin.»

  Sa bigcas nang sabi,i, agad nahalata
nitong matalino niyang casalita,
caya n~ga,t, ang tugon cung gayo,i, humanda
at mamayang gabi,i, tayo,i, magsasadya.

  Sa sariling loob nang bagong ninibig,
ay nacatagpo rin siya nang mainit;
aco,i, antain mo, ang ipinagsulit,
ang ama,t, ina co,i, baca naiinip.

  Itong sa cay Fidel na man~ga magulang
ay lubhang sagana sa lahat nang bagay,
dalaua ang bun~ga nang pag-iibigan
dalaga ang isa,t, bagong sumisilang.

  Mana,i, nang sumapit yaong tacdang oras
dalauang may pacay pagdaca,i, lumacad
bago pang nananhic nahalatang agad
na tila mabuti ang maguiguing uacas.

  Nagcatotoo n~ga,t, di pinaghirapan
ang bunsong capatid gaya nang pan~ganay;
n~guni,t, si Hortensio,i, cung anong dahila,t,
dili naquisama cahiman at minsan.

  Cung caya ganoo,i, may lihim na nasa
na di napapacnit sa puso at diua,
loob na timtima,i, ang inaadhica,i,
maguing cahalili ni Cristo sa lupa.

  Caya n~ga,t, touina,i, ninanais-nais
na maparaos na ang catotong ibig,
sa pagayong buhay parang naiinip,
pagca,t, tinutugtog ang puso nang lan~git.

  Baquit ang caniyang banayad na asal
nagpapaquilalang talaga sa altar,
at ang laguing nasa,i, yaong capurihan
nang lalong Daquila sa sang sinucuban.

  Ang sala nang tauo,i, iquinahahapis,
tandang maliuanag nang pagmamasaquit
sa capoua niya,t, tunay na pag-ibig
doon sa lumic-ha nitong sang daigdig.

  Datapoua,t, ating ipatuloy muna
yaong nagca-isang puso sa pagsinta,
na si Eliseo at ni Esperanza
dumating ang arao pagcacasal nila.

  Lilisaning co na ang laqui nang galac
nang dalauang sintang nagca-isang palad,
sa piguing na yao,i, inubos ang cayas,
at casalamuha tanang camag-anac.

  Gayon din si Fidel doroon din naman
at si Eduvigis siyang capanayam:
uica nang lalaqui,i, tayo,i, naunahan
houag ca na sanang mag-ayaoayauan.

  Nahahalata cong iyong iniibig
aco,i, ang ligaya nang puso mo,t, dibdib,
dan~gan marami ca na patumpic-tumpic
tingnan mo ang atin n~gayo,i, nasasapit.

  Sa aglahing ito,i, ang bunying dalaga
alan~gang magalit, alan~gang tumaua,
guinanti ang biro: pabayaan mo na
at may panahon ding mararaos quita.

  Hindi n~ga malao,t, tatlong buan lamang
ang nan~gahuhuli nama,i, napacasal:
nagsasama sila nang lubhang hinusay;
n[)g]uni,t, may nangyari na malaquing bagay.

  Itong magcapatid ay may caquilala
na isang dalagang butihi,t, maganda,
ang lahat nang quilos nacaliligaya
mata ay mapun~gay at mapanghalina.

  Tila naglalambing cung siya,i, man~gusap,
na nacalulugod sa quinacaharap,
at cung lumacad pa,i, tila umiindac,
sampo nang pag-imbay ay tama sa cumupas.

  Hindi naman landi,t, cacanyahan niya
ang gayong ugali capagcabata na,
ang pan~galan nito ay si Efigenia,
at lalabing ualo ang edad na dala.

  Dalauang magbilas sabay tinamaan
nang titig na tila tunod ang cabagay,
tumaos sa puso,t, hindi maiuasan;
n~guni,t, sa sinoma,i, ayao ipamalay.

  Gaon ma,i, sa pagca,t, di maililihim
ang sinta at pilit na mahahayag din,
agad nahalata,t, naguiguing butihin
dalauang magbilas cung ano ang dahil.

  Lalong-lalo na n~ga capag dumadalao
ang himalang lagda niyong cagandahan,
sila,i, nagbibihis na nag-uunahan,
at sampo nang buhoc ay pinaghuhusay.

  Agad nanibugho bunsong Eduvigis
asaua,i, di ibig maualay sa titig,
lalong-lalo na n[)g]a cung siya,i, malapit
doon sa dalagang diua,i, may pang-aquit.

  Hindi macatulog sa gabi at arao,
balisa ang puso niya,t, agam-agam,
ang caniyang isip parang naulapan
niyong panibugho at malaquing lumbay.

  Parang binabatac nang dating ugali
nanglisic ang mata,t, nagulo ang budhi,
ibig nang isabog ang puring calapi
nang caniyang puring doo,i, natatali.

  Dan~gan sa caniya,i, biglang umalalay
ang cay Esperanzang loob na tiuasay:
«magmuli muli ca bunso, at paquingan
«ang pamanang hatol nang ating magulang.

  «Cung cayo, aniya,i, dalauin nang hapis
«ay maghunos dili,t, tumauag sa lan~git,
«sa sucal nang loob houag pagagahis
«nang di maululan ang pagcaligalig.»

  «Cung sa bagay aco ay caparis mo rin
«sa dinadalita,t, taglay na hilahil;
«n~guni,t, nararapat ay ating isipin
«ang paraang ucol na lalong magaling.

  «At ang gauin natin tayo ay dumalao
«sa cay Efigenian quinahihiligan,
«nang canilang pusong n~gayo,i, nadidimlan:
«¡Mahabaguing lan~git sila,i, liuanagan!

  «Sa gahasa,t, galit di dapat daanin
«ang canilang puri,i, puri naman natin,
«at cahalay-halay na ito,i, pagdinguin,
«caya,t, sa malubay ang lalong magaling.»

  Mana ay nang gauin ang gayong paraan
may puring dalaga,i, agad nacamalay,
magmula na noo,i, pinutol pagcouan
ang dating ugali na pagdadalauan.

  Nagdamdam nang hiya naman ang magbilas
nadidimlang isip tambing lumiuanag,
Man~ga bagong casal ang mata,i, imulat
masdan ang mabuti na paraang dapat.

  Sa lubhang mahinhing tacbo nang panahon
Fidel sa asaua,i, nagcamit lingatong,
pagca,t, nalasap din ang masidhing lason
nang casamang asal na tinagong laon.

  Tunay at cung biglang abutin nang suliap
ay ang cahinhina,i, cabagay nang dilag,
n[)g]uni,t, cung litisin ang sa pusong ugat
ang lihim na dun~gis ay mapagmamalas.

  Ang matimping loob nang masintang Fidel
sa dahas nang dusa,i, munti nang magmalio:
gaua nang asauang pagcamasumbatin
naguiguing camandag tila sa panimdim.

  Ang caniyang puso ay pinamamahayan
nang lalong maban~gis na capighatian,
lalo nang matantong paimbabao lamang
yaong naquiquita na magandang asal.

  Datapoua,t, hindi nasira ang loob
siya ay nanalig sa aua nang Dios,
at sa arao arao ay iniluluhog
iyong sa asauang asal na pahayop.

  Bagama,t, ang lagui niyang naririnig
ay man~ga salitang pauang masasaquit,
na nababagot sa lalong matipid
at payapang pusong marunong magtiis.

  Bagaman aayao gumanti nang pala
sa mabuting loob niya at calin~ga,
ay minamahal di,t, ang caniyang uica:
ito ay palad co loob nang Maygaua.

  Bagama,t, ang lagui niyang namamasid
ay masamang muc-hang may paquitan galit
dilí pinapansin at ang suma-isip
ito,i, cung punahin mananadyang pilit.

  Pagca,t, ang babaying ugali masama,
capag-pinuna mo,i, lalong lumalala,
at cahit pamalong bacal ang ihanda
hindi magbabago muc-ha ma,i, mapasa.

  At saca ang dila nang gayong babayi
cung may guinagaua,i, hindi natatali,
ibig na maturang masipag, malicsi,
anaqui cung sino yata ang pupuri.

  Inuulit-ulit na uala isa man
marunong gumaua sa loob nang bahay,
caya ang mabuti,i, patapunan naman
nang camunting puri cahit paimbabao.

  Talastas ni Fidel ang bagay na ito
niyong pa mang unang siya,i, bagong-tauo,
pagca,t, bihasa rin sa lacad nang mundo,
caya,t, sa paraan lubos na natuto.

  Hindi pinapansin ang asauang ibig
capag naquitang siya,i, nagagalit,
bagcus pinupuri, upang tumahimic
ang di nan~gan~galay na dila at bibig.

  N[)g]uni,t, cung mamasdang mabuti ang loob
agad sinasabi nang boong pag-irog,
catulad mo hija,i, ang inahing manoc
sa pinutac-putac hindi napapagod.

  Houag acalaing icao,i, napupuri,
ineng, cundi bagcus lalong naiimbi:
mag-uariuari ca,t, ang lalong mabuti
ay magpacababa ang isang babayi.

  Ang bibig touinang hindi natiticom
ay nacacapara na sa asong tahol,
caya catitiis, pagca,t, nauucol
sa balat nang lupang bayan nang lingatong.

  Ang sala nang iba,i, iyong titiisin
pagca,t, tayong lahat nagcacamali rin:
pagbata na hija,t, baca acalain
nang tauong hindi co icao sinusupil.

  Masasabi-sabing aco,i, natatacot
sa iyo,t, cung baquit di ca binubugbog,
caya, aquing ineng, icao ay sumunod
sa man~ga hatol co,t, banayad na himoc.

  Tantoin mo, hijang, isang cabaitan
ang maghunos dili cung may cagalitan;
dito na nagbago sa asauang asal
dahilan cay Fidel mabuting umaral.



CAPÍTULO XIII.--_Ang buhay taga lañgit at ang pahimacas._


  Si Hortensio nama,i, ating pagbalican
ang catoto niya,i, ano,i, nang macasal,
ay hindi naglao,t, tambing nagpaalam,
ticang tutuparin ang laon nang pacay.

  Daquila ang lumbay niyong si Eliseo
sa pagpapaalam nitong si Hortensio,
hinadlan~gan sana ang pag-alis nito
dan~gan ang dahila,i, malaquing totoo.

  Sa isang convento,i, pagdaca,i, pumasoc
pagsunod sa lihim na tauag nang Dios,
ualang iniisip cundi big-yang lugod
ang nagpacamatay dahil sa pag-irog.

  Uala na n~gang dapat tayong pagsicapan
cundi mamintuho habang nabubuhay,
sa Poong lumic-ha nang sang daigdigan,
gaya ni Hortensiong humandog na tunay.

  Saca iguinauad sa caniya nang lan~git
ang capangyarihang ualang cahulilip,
na di ibinigay sa tanang Angeles
sucat na mamaang ang pantas na isip.

  Hamac na tinapay ay sa uica lamang
naguiguing mistulang cay Cristong catauan,
tauong nasa sala ay quinacalasan,
ang yaman sa lan~git parang na sa camay.

  Taga pamag-itan sa dios na galit,
guinhaua at alio nang dalita,t, saquit,
sa puso nang tauo,i, siyang naghahasic,
nang cay Jesucristong aral na matamis.

  Tungcol sa mabait na si Eufrasia,
iniraos naman ang lagui nang pita,
linisan ang mundo, at nagreligiosa
sa mag-inang Virgen ito ay panata.

  Ipinamahagui ang lahat nang yaman
sa maraming duc-ha at man~ga simbahan
matandang Bárbara,i, biniguian din naman
bagaman at tila muc-hang mangagauay.

  Sa pagpasoc niya sa mahal na claustro
nang bunying Serafin[18] may catauan tauo,
agad nagparali ang sabi,i, ganito
«Paalam paalam magdarayang mundo.

  «Linisan quita,t, di co hinahan~gad
«ang toua at layao na handog mo,t, gauad,
«idulot sa iba,t, di co matatangap,
«at ang aquing ibig ay dalita,t, hirap.

  «Camataya,t, dusa,i, siyang ninanasa
«nang bunying Teresa, inang daraquila,
«ang cay Pazis nama,i, sucat ang dalita
«at houag mamatay sa laguing pagluha.

  «Mapalad na saquit, matamis na hirap,
«na pinapalitan nang ligayang uagas:
«mapait na toua,t, guinhauang camandag,
«na hinahalinhan nang saliuang palad.»

  Dito na lumagui ang bunying dalaga,
at pinapagsaua puso sa pagsinta:
ang pagod at puyat inaalintana,
sampong camataya,i, hindi anumana.

  At ang uica niya,i, cung ualang dalita
uala ring hihinting ligaya at toua,
ang hindi nagbata sa balat nang lupa
sa cabilang buhay naman ay luluha.

  Minahal sa guinto, diamante at perlas
yaong caruc-haan, cilicio at hirap
mahalagang damit lubos na hinamac
pinili ang lalong magaspang, magalas.

  Nacaliligaya sa isipin lamang
yaong sa dalagang doo,i, pamumuhay
ualang ini-iisip sa gabi at arao
cundi ang maglingcod cay Cristo,t, gumalang.

  Sa caniya,i, hindi nacacagambala
tungcol salitaan ualang napapala
ang man~ga casama niya palibhasa
ay pauang uliran nang tauo pala.

  Datapoua,t, yamang hindi matularan
nang madlang dalaga ang ganitong buhay,
ay tupdin na lamang ang macacayanan
sa cani-canilang bahay na tahanan.

  O baca sacali cayang tinutugtog
nang lan~git sa gayong buhay na maayos,
cung hindi mangyari ang iyong pagpasoc
ay cay _Mariang Puso_ cayo ay pacupcop.

  Hayo na,t, pasuquin yaong Pusong mahal,
lubhang maauain at mapagtangcacal,
doo,i, ipinatag caloloua,t, buhay
at sampo nang liriong inyong calinisan.

  Hanganan co rito, bumabasang guilio,
icao na ang siyang bahalang maglining,
ang mabuting asal ay alinsunurin;
n~guni,t, sa masama nama,i, marimarim.

  Natatalastas mong ito ay tadhana
nang dapat asalin mulang pagcabata,
nang upang calugdan ay aquing tinula,
sa icatataua,i, pinaca-sagana.

  Tantoin mo namang dapat sa sumunod
cung mapagquilala ang tugtog nang Dios,
at nang cung maganap mahal niyang utos
sa Siong[19] mapalad magtamo nang lugod.

  Madla cong sinabi ay inilalagay
sa santa Iglesia na capangyarihan,
at isinusumpang hangang sa libin~gan
sa caniyang aral ay hindi sisinsay.

  At isinasamo sa Ina nang aua
ang tunay na aral ay lumagui naua,
sa sang capuloa,t, ang toua,i, payapa
maghari sa puso nang toua sa lupa.

  Bilang icaapat nang buang masaya:
mapalad na Mayong laan sa cay Maria,
at pamumulaclac nang man~ga sampaga
ang quinathang tula,i, binigyan cong hanga.

  Ang man~ga bulaclac ay iniaalay
sa hindi nagmana sa sala ni Adan,
na siyang sampagang sadyang caban~guhan
sa masayang jardin niyong calan~gitan.

  Sari-saring rosas siyang dinadala
niyong mabait na anac ni Maria,
at taglay sa puso ang toua,t, ligaya
niyong paghahandog sa canilang Reina.

  Oh mayong mapalad, buang pagdiriuang
sa mahal na Virgen nang capayapaan,
lalaqui,t, babayi, mahirap, mayaman
bayang Antipolo ay pinaglalacbay.

  Hindi anumana ang hirap at pagod
sa sinasalun~gang mataric na bundoc,
hangang sa sumapit doon sa taluctoc
na quinalalag-yan nang Ina nang Dios.

  Sa nagsisidayo,i, ualang nalulumbay,
cundi paraparang nagcacatouaan,
pagca palibhasa,i, ang naca-aacay
pag-ibig sa ualang dun~gis camunti man.

  Mula sa Cainta hangang Antipolo
ay lumilipana ang dami nang tauo,
na ang iniisip nila,i, pasaclolo
sa Ina nang gracia nilang tinutun~go,

  ¿Natatalastas mo na, bumabasang irog
ang arao at buan na iquinatapos
nang pinangugulan nang puyat at pagod
na sa Inang Virgen ay inihahandog?

  Dito sa daquila,t, mapagpalang Reina
dapat na magsacdal ang tauo touina,
at gayon din naman sa Esposo niya,
san Joséng natan~gi sa lalaquing iba.

  At sa cay san Roqueng hinirang nang Dios
na magcacalara sa nan~gasasalot,
ay magmacaauang taimtim sa loob
dito sa panahong caquilaquilabot.

  Aquing ninanasa cung maguiguing dapat
at cung bibig-yan pa nang buhay at lacas,
tulain ang buhay na lubhang mapalad
nang daquilang Santo na nagpacahirap.

  Nang tularan natin man~ga cabanalan
na iniuang bacas sa lupang ibabao,
at sa panalan~gin niya ay mahambal
ang puso ni Jesus sa sang capuluan.

  Hanganan co rito,t, tayo namang lahat
ay man~ga panuto sa tunay na landas,
nang ating sapitin ang bayang mapalad
pan~gaco nang Dios sa may pusong tapat.


Sa lalong capurihan nang Dios.



MGA TALABABA:


[1] Lima capital nang república nang Perú, may silla arzobispal; may
universidad, at iba pang establecimientos literarios; ang man~ga
simbahan ay sagana sa man~ga alhajas at ornamentos. Sa ciudad din
namang ito ay lumitao ang cabalitaang Sta. Rosa de Sta. Maria Patrona
de las Indias.

[2] Platon, balitang filosofong taga Atenas, discipulo ni Pitágoras at
maestro ni Aristóteles. Lumitao nang di pa nagcacatauan tauo ang Dios
Anac.

[3] Mentor, n~galan nang balitang ayo ó tagapagturo cay Telémaco, anac
nang Haring Ulises; ang pamagat na ito,i, caraniuang ibinibigay sa
man~ga maestrong marunong magturo, humatol at magcalin~ga sa canilang
discipulo.

[4] Eden, ay ang Paraiso.

[5] Itong man~ga tanda sa pagpili na maquiquita dito ay pauang
catatauanan lamang, bagama,t, cung minsa,i, nagcacatotoo rin; at di
dapat alinsunurin, sapagca,t, maguiguing daang icapipintás at
icapupula sa di dapat pintasan.

[6] Itong man~ga paraang naririto tungcol sa pan~gan~gasaua ay isang
tunay na catatauanan din, at ualang anomang cahalayan.

[7] Averno ang infierno.

[8] Olimpio, ang lañgit.

[9] Apolo, Dios nang poesia música at medicina. Ang mañga salitang
ito,i, madalas na guinagamit nang mañga poeta.

[10] Ang asaua ni Neron ay ang mabait na si Octavia.

[11] Si Burro at Séneca ay siya niyang director ó tagapatnubay. Ang
sabi sa historia ay niyong umaalinsunod si Neron sa dalauang ito ay
naquiquitaan siya nang cagandahan nang loob; datapoua,t, nang caniyang
ipapatay ay naguing tunay na halimao.

[12] Si Británico ay caniyang capatid; at ang lahat nang nasabi na,i,
para-parang ipinapatay nitong quilabot nang catampalasanan.

[13] Pluton, anac ni Saturno at ni Ope, at dios sa infierno, anang
mañga poetas.

[14] Can-Cerbero, isang malaquing aso na may tatlong ulo, ang pinaca
balahibo ay pauang serpiente, ipinañganac nang gigante Tifon at nang
monstruo Echidna, siyang nagbabantay sa pinto nang palacio ni Pluton,
pinababayaan ang nagsisipasoc at ibinabaual ang paglabas.

[15] Estigia; anang mañga poeta, ay isang maitim na dagat sa infierno
at sa guilid nito,i, nagdaraan ang mañga caloloua nang nañgamamatay.

[16] Hércules, anac ni Júpiter at ni Almena, asaua ni Anfitrion,
siyang gumahis sa Can-Cerbero.

[17] Homero, ang lalong balitang poeta griego; autor nang dalauang
poema épico ang Iliada at Odisea.

[18] Serafin, may catauang tauo ay si S. Francisco dahil sa pag-aalab
nang caniyang puso nang pagsinta sa Dios.

[19] Sion, ang bundoc na canugnog nang Jerusalem doon natatayo nang
una ang palacio ni David; caraniuang inihahalimbaua sa lañgit.



INDICE


Sa calinis-linisan at lubhang mapagcaliñgang puso ni Maria, 3.

Sa mañga dalagang babasa nito, 5.

Pasimula, 7.

Capítulo I. Ang magandang asal na dapat pasimulan mulang cabataan, 10.

Capítulo II. Ang pinagcautañgan nang buhay, 15.

Capítulo III. Ang hiyas nang isip, 16.

Capítulo IV. Cung ano ang buhay siyang camatayan, 21.

Capítulo V. Si Hortensio at ang pagcabaligtad nang mundo, 27.

Capítulo VI. Ang uliran nang mañga dalaga, 34.

Capítulo VII. Ang pagpili nang cacasamahin at ang mabuting paraan nang
mangyaring macamtan, 38.

Capítulo VIII. Ang pusong garing na di malamuyot, 44.

Capítulo IX. May dalahirang banayad at may mahinhing talipandas, 50.

Capítulo X. Ang catampalasanan ni Neron, at ang matandang mangagauay,
53.

Capítulo XI. Ang pagtatagumpay nang cababaan at pagcaduhagui nang
capalaluan, 58.

Capítulo XII. Isang cabaitan ang maghunos dili cung may cagalitan, 65.

Capítulo XIII. Ang buhay taga lañgit at ang pahimacas, 72.





*** End of this Doctrine Publishing Corporation Digital Book "Patnubay nang Cabataan ó Talinhagang Buhay ni Eliseo at ni Hortensio" ***

Doctrine Publishing Corporation provides digitized public domain materials.
Public domain books belong to the public and we are merely their custodians.
This effort is time consuming and expensive, so in order to keep providing
this resource, we have taken steps to prevent abuse by commercial parties,
including placing technical restrictions on automated querying.

We also ask that you:

+ Make non-commercial use of the files We designed Doctrine Publishing
Corporation's ISYS search for use by individuals, and we request that you
use these files for personal, non-commercial purposes.

+ Refrain from automated querying Do not send automated queries of any sort
to Doctrine Publishing's system: If you are conducting research on machine
translation, optical character recognition or other areas where access to a
large amount of text is helpful, please contact us. We encourage the use of
public domain materials for these purposes and may be able to help.

+ Keep it legal -  Whatever your use, remember that you are responsible for
ensuring that what you are doing is legal. Do not assume that just because
we believe a book is in the public domain for users in the United States,
that the work is also in the public domain for users in other countries.
Whether a book is still in copyright varies from country to country, and we
can't offer guidance on whether any specific use of any specific book is
allowed. Please do not assume that a book's appearance in Doctrine Publishing
ISYS search  means it can be used in any manner anywhere in the world.
Copyright infringement liability can be quite severe.

About ISYS® Search Software
Established in 1988, ISYS Search Software is a global supplier of enterprise
search solutions for business and government.  The company's award-winning
software suite offers a broad range of search, navigation and discovery
solutions for desktop search, intranet search, SharePoint search and embedded
search applications.  ISYS has been deployed by thousands of organizations
operating in a variety of industries, including government, legal, law
enforcement, financial services, healthcare and recruitment.



Home